IDE FINALS REVIEWER PDF
Document Details
Uploaded by PromisedOphicleide5031
Xavier University – Ateneo de Cagayan
Tags
Summary
This document is a reviewer on Filipino cultures, traditions, and customs in Luzon, Visayas, and Mindanao regions. It details the practices and beliefs on topics such as courtship, marriage, burial, and healing, providing insights into the rich cultural heritage of the Philippines. The document also contains information on different ethnic groups and their unique practices.
Full Transcript
IDE FINALS REVIEWER LUZON ILOKANO ❖ Kilala sa pagiging kuripot ❖ makikita sa Ilocos ❖ Vigan Spanish Town; na impluwensyahan ng kastila; kapital ng Ilocos Sur ❖ bari-bari: hindi nakikitang nilalang ❖ "tabi apo" ❖ kapag may na...
IDE FINALS REVIEWER LUZON ILOKANO ❖ Kilala sa pagiging kuripot ❖ makikita sa Ilocos ❖ Vigan Spanish Town; na impluwensyahan ng kastila; kapital ng Ilocos Sur ❖ bari-bari: hindi nakikitang nilalang ❖ "tabi apo" ❖ kapag may namamatay: ang uluhan ng kabaong ang unang lalabas dadaan sa ilalim ng kabaong batay sa edad KALAHAN Matataas na lugar ng Acacia, Kahel, at Kayapa, Nueva Vizcaya. Kalikasan: Ulap, magpahayag ng kagandahan o kasamaan ng panahon. Langit, Araw, at Buwan, ay nagpapahayag din ng kagandahan at kasamaan ng panahon. Mapulang-pulang araw = may lindol Kapag hindi mapakali ang mga hayop: nagbibigay ng babala ng maaaring maganap. Panggagamot: Tagapamagitan - tumutuklas kung sino ang sanhi ng karamdaman at kung paano magagamot. Dinagen - Gadangkal na tambo na may maliit na buto (anongya). 1st step - nagdarasal ang tagapamagitan kina Kabigat at Bugan na kanilang Bathala upang patnubayan sila. Naniniwala sila na may nais ang espiritu ng mga namatay nilang kamag-anak kaya nagkakasakit ang isa sa kanila. Kapag sa pagdangkal ay lapat sa tambo: oo Kapag lagpas o kulang: hindi Naniniwala sila na may mga espiritu ang mga bagay kaya pagkatapos ng pag-aalay ay maaari nilang gamitin ang inilagay dahil nakuha na ang espiritu noon. Paggawa: Lalaki - nagpapahinga sa bahay pagkatapos na silay makapag bakod, makapag bungkal, at makapag-araro na. Babae - magtatanim, mag aalaga ng pananim, at mag-aani, kahit pa may sakit. Pag=aasawa: Kimbal ang tawag sa tradisyunal na kasalan. Hahanap ang lalaki ng tao na siyang magsasabi na gusto niyang pakasalan ang babae. - Kukuha ng isang basong malamig na tubig at ang matandang babae ang magkakasal at sasabihin: “sanay maging malamig ang inyong pagsasama. - Matanda o bata ang magkakasal; matanda - dahil babae ang nasa bahay; Batang lalaki - mahabang pagsasama. Dasal kina Kabigat at Bugan upang matuklas nila ang sanhi ng sakit. Kallahan ang tawag sa kanilang wika. May dayalekto ring Tinoc o Kalangoya. IBAAN, BATANGAS - Pangarap ng bawat babae sa naturang lugar ang maikasal. Naisanan - namamanhik ang mga magulang ng kalalakihan sa magulang ng kababaihan. Pamamaisan - lahat ng kamag-anak at kapatid ng lalaki ang tutulong sa pagluluto at paglilinis; batang lalaki ang inaasahang iigib, ang mga dalagita ay namamahala sa paghahain. Baisanan - okasyong pambaryo; hindi lamang ang dalawang pamilya ng mga ikakasal ang abala at nagagastusan, pati ang mga kaibagan, kamag-anak, at mga kapitbahay. Pamamaisan - Patubigan - unang hakbang; ang kamag-anak ng lalaki ay pupunta sa bahay ng pinsan ng babae upang punuin ng tubig ang kanilang tapayan. - Bulungan - pupunta sa bahay ng babae ang mga magulang ng lalaki na may dalang malaking isdang tambakol. Pag-uusapan ang magiging ninong at ninang sa kasal. Gayundin ang Pamaraka - perang pambili ng gagamiting ng babaing ikakasal. - Ang pagluluto ay sisimulan sa ikalawang araw bago ang kasal. - SIbi - magiging lugar ng kainan sa bisperas at araw ng kasal. - Sabitan - pera na isasabit sa mag asawa. - Pagkakain ay magkakaroon ng pagtitinda Ang mag asawa ang tatayong tindera at mga bisita ang mamimili. Ang ninong at ninang ay inaasahang bibili sa pinakamalaking halaga. At ito’y magiging pundo ng mag-asawa Dapit - unang makatutuntong ang babae sa bahay ng kaniyang biyenan: munting parada mula sa bahay ng babae patungo sa bahay ng lalaki bitbit ang mga ginamit sa buong panahon ng pamamaisan. Pagpanhik - uulitin sa hagdan ng bahay ng lalaki; isasaboy ang togeng nakababad sa alak (bulaklak at bigas naman sa bahay ng babae) upang maging masagana ang kanilang kabuhayan. Pagbihis ng damit pangkasal - huling hakbang; ginagawa sa bahay ng lalaki upang ipahayag na lahat ng angkan ng babaw ay ipinaiilalim na niya. - Magpapalipat-lipat sila ng tutulugan sa loob ng isang linggo dahil kawalang-utang na loob sa magulang kung agad silang bubukod at mamumuhay ng sarili. Wika - Tagalog KANKANA-EY - Lalawigan ng Benguet - Tinaguriang Salad Bowl of the Philippines - Nahati sa dalawang pangkat etniko: Kankana-ey at Ibaloy - Ang mga kankana-ey ay halos nakatapos ng kursong pang agrikultura. - Ang wika ng Kankana-ey ay isa sa mga wikang gonagamit sa mga lalawigan - Wikang Ilokano ang ginagamit ng kankana-ey at Ibaloy upang silay magkaintindihan; wikang Ingles naman sa mga turista. - Pagsasalita - Walang alpabeto kaya alpabetong Romano lamang ang kanilang ginagamit. Paghahanapbuhay: - Nakaugalian na nila ang magbungkal ng lupa. - May kasabihan silang “Sa kabila ng ulap ay may sisikat na araw” - Magsasaka Kasalan: - Maaaring iayos ng mga magulang ang ikakasal. - Ang lahat ng mga anak na lalaki ng isang mag asawang kaibigan ng mga magulang ng dalaga ang haharap sa dalaga at bahala na silang pumili ng kanyang gustong kasamahin sa buhay. Kanyao - katutubong paraan ng kasal - Dinaraos sa bahay ng babae. - Pari ang nagkakasal - Ang bilang ng hayop na lulutuin ay ayon sa kakayahan ng kanilang pamilya. - Sinusuring mabuti ang kung ang pantog o apdo ng hayop ay sira o hindi. Dito nakasalalay kung ani ang magiging kapalaran ng ikakasal kung lalago ang kabuhayan o hindi. Wika: Kankanaey rin ang tawag sa kanilang wika. PAGKAKANYAO Papadit o pagkakanyao: - Isa itong pasasalamat sa pagkakaroon ng kayamanan at bunga ng kahilingan ng isang patay na miyembro ng pamilya sa pamamagitan ng panaginip o matagal na karamdaman, - Hi-bok o anop - paraan upang malaman kung magpapadit ang pamilya. - Hakbang ng Pagpapadit: - Paghahanda ng tatlong baboy, isang kalabaw at isang baka. - mga dama o putek na alak buhat sa bigas na tinatawag na tapey. - Bumibili ng bagong damit ng patay lakba o tapis ang tawag. - panyo at kumot - Mabaki ang tawag sa kanilang pari - Siya ay nagdadarasal at ibinabaon ang isang itlog o bato sa ilalim ng hagdan; tinatawag itong haday - Sa susunod na araw, ang mga lalaki ay dapat mahuli ang tatlong baboy. - Ilalagay ang baboy sa harap ng bahay o hagdan ng bahay ng mabaki. - Tinapun - ang tawag sa lumang pera o barya. - Binabanggit ng mabaki ang lahat ng mga pangalan ng mga namatay na kamag-anak. - Ginagamit ng mag-asawa ang kumot habang sila ay sumasayaw. - Lastuan - ang tawag sa pagsigaw ng mabaki habang tinuturo ang nagsasayaw. - Katlu - ikatlong araw ng pagpapadit kung saan ay kinakatay nila ang isang baboy. - Kawalu - ang ikawalong araw kung kailan nagkatay naman ng dalawang baboy at pinatutugtog ang agong. - Kahawal - ikalabindalawang araw at ikalabinlimang araw, kung saan maliit na baboy na lamang ang kinakatay; wala ng sayawan kundi pagdarasal na lamang. - Pagpatay ng manok - tanda bilang huling araw ng padit. ITA SA BUNDOK NG ZAMBALES - Tinatalakay ng isang studyante patungkol sa mga natutuhan nila sa field trip. - Weapon Carrier ang sinakyan nila papunta sa lungsod ng mga ita. - Naculcol at Naguisguis ang dalawang baryo ng mga Ita na nasa kalagitnaan ng mga bulubundukin ng Zambales. - Ang mga Ita ay walang ulam-ulam kung kumakain; kanin o nilagang kamote lamang ang kinakain nila. - Kulot na kulot ang kanilang buhok, sunog ang balat, pandak, sarat ang ilong at makapal ang labi. - Sila ay kilala sa kanilang pagiging relihiyoso. - Nakapagsasalita rin ng Ingles-Tagalog. Dahil ito sa mga misyonaryong Amerikano na nagpupunta sa lugar. - Status symbol: Kapag sementado ang pundasyon ng kubo. - Salat sila sa mga materyal na bagay ngunit saganang-sagana naman sa kagandahang loob. - Sila ay matapat at mabait, hindi naghahanap ng gulo. - Ang doktor nila ay nag-aanito, nagsasayaw habang nagdarasal, kumakanta at nananaghoy. - Sila’y nananatiling nabubuhay nang may dignidad sa sarili nilang pamamaraan. VISAYAS ISLA NG SIQUIJOR - Tikos (Siquijor Today, 1999), nadiskubre ni Esteban Rodriguez sa ekspedisyon ni Legaspi noong 1565. - Nasa ilalim ng pamamahala ng Bohol 1854-1892. - Naging probinsya ng Negros Oriental 1892 - RA No. 6398, naging ganap na probinsya noong September 17, 1971. - Masisipag, mababait, matulungin, mapagkakatiwalaan at may malasakit sa kapwa - Pagsasaka at pangingisda ang pangunahing hanapbuhay nila. - Enrique Villanueva, Larena, Maria, Lazi, Siquijor at San Juan - anim na bayan ng isla. Enrique Villanueva: - 14 barangay, 3,125 hectares, 10km mula sa Larena - Our Lady of Mt. Carmel Larena: - 23 barangay; 5,026 hectares - Sentro ng komerso ng Siquijor; makikita ang pantalan ng bapor. - San Vicente Ferrer ang patron; May 03. Maria: - 22 barangay; 5,135 hectares - Makikita rito ang Salagdoong Beach - Our Lady of Divine Providence; May 24. Lazi: - 18 barangay, 6,352 hectares - Pantalan ng Lazi ay dinadaungan ng mga barko mula Cebu, Bohol, Negros Oriental, at lugar ng Mindanao. - San Isidro Labrador; May 16. Siquijor: - 42 barangay; 6,408 hectares - St. Francis de Assissi ang patron; October 4. San Juan: - 11,371 ang naninirahan; karamihan ay mga ninuno ng nasabing bayan. - St. Aurelius Agustin of Hippo ang kanilang patron; October 21. Paniniwala at Kaugalian: - Almario (1993), pagkakakilanlan ng isang tao ang kaniyang kultura. - Grolier International Dictionary: Ang paniniwala ay bilang pananalig na totoo, umiiral at tama ang isang bagay. - Webster Dictionary: Ang kaugalian ay isang karaniwang paraan ng pagkilos, ang paulit-ulit na kasanayan ng isang komunidad o tao. - Naniniwala ang tag Siquijor sa mananambal o albularyo. Panganganak: - Sinasabi nina Sopio Sumalpon at Maximo Supol kapag nagpapaanak: - Kung malapit na ang panganganak, isinturon sa may puson ang habak na galing sa kupo o sa unggoy para hindi mahirapan sa panganganak. Kamatayan: - Ayon kay Sopio Sumalpong, Tirso Sumondong, Juan Ponce 1. Kung may namatay ay dadasalan ito ng siyam na araw at apatnapung araw ang pagrorosaryo. 2. Bawal magwalis ang namatayan kung may nakaburol 3. Ipinagbabawal ang paliligo at paglalaba sa loob ng bahay 4. Babasagan ng baso ang ilalim ng ataul para wala nang susunod na mamamatay. 5. Hindi dapat na tinutulugan ang patay dahil hindi maganda sa pag-alala sa kanya. 6. Hindi maaaring kumanta, manood ng telebisyon, at makinig sa radyo. 7. Kapag may patay sa bahay, huwag maglinis ng bahay. Hintayin na lang ang ikatlong araw bago maglinis. Paglilibing: - Ayon kay Conchita Sayre 1. Daraan sa ilalim ng ataul ang lahat ng miyembro ng namatayan upang hindi sunodsunod ang mamamatay sa pamilya. 2. Ang mga natunaw na kandila sa simula ng lamay hanggang sa katapusan ay ipasok sa nitso upang malayo sa kamatayan ang pamilya ng namatay. 3. Kung titirhan ang libingan nang walang pahintulot, magkakasakit ang titira. Pag-iwas sa Pagbubuntis - Ayon kay Sopio Sumalpong - Gumagamit ng lumay (gayuma) tulad ng isinisinturon na buyo (betel leaf sa Ingles at Ikmo naman sa Tagalog) sa puson para maiwasan ang pagbubuntis. Pag-aalaga at Pag-didisiplina sa Anak - “Madaling bumuo ng punla, mahirap magpalaki ng bunga.” 1. Kailangang ilagay sa may pintuan ang pusod ng bata upang lumaki siyang hindi mahiyain. 2. Huwag pigain ang lampin sa unang laba para ang bata ay hindi lumaking malikot. Batas at Tradisyon sa Panggagamot - 1,000 miyembro ng albolaryo ngunit 110 lang ang naniniwala sa Diyos. - Ayon kay Tirso Sumundong: 1. Pagsisimba tuwing Martes at Biyernes. 2. Hindi pagkain ng karne kundi purong gulay lamang - Ayon kay Juan Ponce, “Tuwing gabi ng Biyernes Santo ay nagtitipon lahat ng mananambal sa Siquijor. - Ang mga sangkap ng gamot ay galing sa iba’t ibang tanim at mayroon ding kinukuha pa sa sementeryo at laot ng dagat. - Maxima Supol at Conchita Sayre: 1. Hindi nanggagamot sa ibang lugar sapagkat paparusahan ng sukod. 2. Ang librito (booklet) ay hindi ipinapakita sa ibang tao at walang ibang makakabasa kundi ang manggagamot lamang. 3. Hindi dinadala sa loob ng simbahan ang lumay dahil nawawalan ito ng kapangyarihan Gamot at Paniniwala sa Sakit - Mas pinipili ang natural na paraan ng paggagamot kaysa sa makabagong teknolohiya dahil sa pagiging mas epektibo at purong lunas. Pamahiin - Ayon kay Candida Paculba: 1. Pag hindi pa kasal, hindi dapat na pumunta sa malalayong lugar ang ikakasal dahil may mangyayaring masama. Kailangan maghintay ng tatlong araw bago umalis. 2. Pagkagaling sa simbahan, patuluyin ang bagong kasal, suklayan at painumin ng bulaklak ng dapo o orkids na kulay puti. 3. Pagkatapos ng kasal, kailangan na matulog sa bahay ng babae ang bagong kasal para maayos ang kanilang buhay mag-asawa. 4. Maghanda ng tubig sa baso at ilagay sa pintuan o bintana upang mamalayang may magnanakaw na papasok sa bahay. 5. Sa pagpapatayo ng bahay, tiyakin na nasa tamang buwan at tamang petsa. Lagyan ng agnos ang bahay, kung walang agnos ay pera ang ilalagay sa ilalim o haligi ng bahay. Paniniwala sa Pagtatanim at Paghahanapbuhay - Ayon kay Generosa Balos: 1. Kung magtatanim ng saging dapat bilog ang buwan, magsumbrero ng malaki, magpakabusog, kumain ng marami at huwag tumingala para magkabunga ng malaki at hindi matayog ang bunga nito. 2. Mula sa punong mais kumuha ng tatlong bunga. Manalangin para ang ani ay matagumpay. Sa panalangin, kinakailangan na mula sa puso upang hindi magalit ang mga diwata at para mabigyan ng masaganang ani. 3. Sa pagtatanim ng mais, magluto ng mais na nalalakipan ng tabako, tuba, at tubig dahil may pausok na gagawin. Maggiling din ng mais para gawing pintos. Magpintos ka ng dalawa. Manalangin, pagkatapos ay ilagay sa baul ang mga pintos. 4. Sa pagtatanim ng kamote, ginagamit ang mga tuhod at kamay. Gumapang habang nagtatanim at sinasabayan ng pagdarasal upang sinlaki ng tuhod ang magiging bunga nito. Paniniwala sa Aswang at Mahika - Ayon kay Maximo Supol Mahika: - McMillan Encyclopedia, (1993: 759), ang mahika ay sistema ng mga paniniwala at kaugalian na naniniwalang nakokontrol ng tao ang likas at supernatural na puwersang nakaaapekto sa kanyang buhay. - Grolier Dictionary: Isa itong sining na pinaniniwalaang nakakokontrol at nakakamanipula ng mga lihim na pwersa ng kalikasan sa pamamagitan ng mga ritwal at mahiwagang paraan. Aswang: 1. Ang aswang ay tao lamang ngunit may kapangyarihan. 2. Mahal na araw kung sila ay nagsisilabasan dahil wala si Kristo. Espiritu o Anito - Ang termino ay bumabalot sa penomenang dimagkaugnay tulad ng extrasensory perception, telekinesis, at iba’t ibang kondisyong kaanib ng religious ecstasy. 1. Kung may malapit nang mamatay, lalo na kung naghihingalo, diyan magsisilabasan ang masasamang espiritu. 2. Kung umuulan, naglalabasan ang mga anito. Lumay - Ayon kay Sopio Sumalpong: 1. Kung manlulumay ang lalaki sa babae, manlulumay din ang babae sa lalaki. 2. Mababango ang mga lumay. Kung manlulumay sa babae, ang mga pinaghalong sangkap nito ay iba’t ibang uri ng bulaklak, ugat ng kahoy, lalo na ang matitinik. Ang mga mababango ang siyang kinahihiligan ng mga babae. 3. Ang mga lumag ay kinukuha sa punongkahoy na kakikitaan ng alitaptap. Dahil may nagmamay-aring espiritu, ito’y espesyal kaya kaunti lamang ang kinukuhang bahagi ng puno. 4. Kumuha ng panyo at lagyan ang bawat gilid nito ng lumay at tiklupin. Ipalo ito ng tatlong beses sa lalaki na hindi niya namamalayan para madaling mapaibig 5. Ang pinakatamang ihalo sa lumay ay ang lawig-lawig sa dagat. Negosyo at Lumay - Ayon sa mga impormante, kung may negosyo, para dumami ang iyong suki, ilagay ang lumay sa iyong pitaka. Exam at Lumay - Kung kukuha ng eksam, ilagay lang sa panyo o bulsa ang lumay para hindi makalimutan ang pinag-aralan. Kapangyarihan o Anting-anting - Isa ang sinasabi nilang “mutya” na pinagkukunan nila ng lakas at kapangyarihan. 1. Ang gahum(power) ay mutya galing kay San Antonio at lagi itong hinuhugasan. 2. Librong maliit ang gahum na nakasulat sa Latin. Maliit ito at kahit mga bata ay hindi makababasa kundi ang albularyo lamang at maliwanag ito. 3. Ang kapangyarihan ay sa paraang tawal (ritwal) na Latin at sa orasyon. CEBU - Ang mga Cebuano ay saling-angkan ng Malay. - Si Lapu-lapu ay kilala sa matagumpay na pakikibaka laban sa pananakop ng mga Kastila. - Noong Abril 14, 1521, ginanap ang unang misa ng mga Kristiyano sa dalampasigan ng Cebu. - Si Raha Humabon at ang kanyang mga sakop ay bininyagan, na sinundan ng pagtirik ng krus bilang sagisag ng pagyakap sa Kristiyanismo ng 800 Pilipino. - Si Raha Humabon at ang kanyang asawa ang unang hari’t reyna na naging Kristiyano sa Pilipinas. - Ang reyna ay pinangalanang Juana bilang alaala sa ina ng Emperador ng Europa. - Ibinigay sa reyna ang imahe ng Birheng Maria na may hawak na sanggol na si Hesus at isang krus. Ang kanyang luha ay tanda ng bukal sa pusong pagtanggap sa pananampalataya. - Noong 1565, sa pamumuno ni Tupaz (anak ni Raha Humabon), natagpuan ng mga Kastila ang Cebu bilang isang angkop na lugar para maging malakas na kuta at mapagkukunan ng pagkain. - Sa pamumuno ni Legazpi, itinayo ang unang simbahan sa Pilipinas na tinawag na Ciudad Del Santisimo Nombre de Jesus bilang parangal sa banal na pangalan ni Hesus. - Ang simbahan ay pinamahalaan ng mga paring Agustino at ginawang patron ng Lunsod ng Cebu. - Ang Cebu ay itinuring na pinakamatandang siyudad ng Pilipinas mula nang matuklasan ito noong 1565. Kaugalian sa Pag-aasawa: 1. Monogamya - Ang mga Cebuano ay nagpapahalaga sa pagiging Kristiyano at naniniwala sa mga aral ng Banal na Aklat. - Pinapanatili nila ang monogamya, alinsunod sa mahigpit na pagbabawal ng Kristiyanismo sa pagkakaroon ng maraming asawa habang buhay pa ang unang asawa. 2. Legal na Paghihiwalay - Ang kasal para sa mga Cebuano ay isang walang hanggang pagkakaisa ng dalawang kaluluwa sa harap ng Diyos. - Mahigpit na ipinagbabawal ang paghihiwalay maliban na lamang kung ang isa ay pumanaw. - Ang seremonya ng kasal ay isinasagawa ng isang pari sa simbahan upang mabasbasan ng biyaya ng Espiritu Santo. 3. Bugay - Ang "Bugay" ay tinuturing na dowry at karaniwang hinihingi ng pamilya ng nobya sa pamilya ng nobyo. 4. Paagbibigay-handog - Nakagawian na ang pagbibigay ng alaala o regalo ng mga kamag-anak, bisita, at kaibigan sa araw ng kasal. - Ang mga handog ay simbolo ng kanilang paghahangad ng masayang buhay at mahusay na pagsasama ng bagong mag-asawa. Ang mga dalaga’t binata sa pook na ito ay nararapat na dumaan muna sa mga sumusunod bago magpakasal: 1. Pag-ila-ila 2. Pangulitawo 3. Panagtrato 4. Pamalaye 5. Pagrehistro 6. Pag kasal Paniniwala patungkol sa Bagong Kasal 1. Ang ikakasal ay kailangang manatili sa bahay at hindi lumabas habang hinihintay ang araw ng kasal. 2. Hindi maaaring isukat o isuot ng nobya ang kanyang damit pangkasal hanggang sa oras ng kasal. 3. Ang unang makakahakbang sa altar o unang makayakap sa hagdan pagkatapos ng kasal ay pinaniniwalaang magiging dominante o masusunod sa tahanan. 4. Ang pagkabasag ng baso o pinggan sa handaan ay itinuturing na nagtutulak ng malas sa mag-asawa. 5. Ang bigas, asin at asukal ay kailangang mauna sa bahay ng bagong kasal bago sila dumating, bilang simbolo ng kasaganaan. 6. Ang bagong kasal ay kailangang uminom mula sa iisang baso upang magkaunawaan at magsama nang matatag sa hirap at ginhawa. 7. Ang buhok ng bagong kasal ay kailangang suklayin nang paulit-ulit upang magkaroon ng maayos na pamumuhay at magandang ugnayan. 8. Ang bagong kasal ay sinasabuyan ng bigas o palay paglabas ng simbahan bilang simbolo ng kasaganahan at kasiyahan. 9. Matapos ang kasal, hindi muna pinapayagan ang bagong kasal na lumabas ng bahay upang masiguro ang kanilang kaligayahan at pagsasama habang buhay. MGA BAROTAC NUEVO SA ILOILO - Graciano Lopez Jaena nilang bayani at Estevan Javellana dahilan sa kaniyang sinulat na Without Seeing the Dawn. - May 34km ang layo sa lungsod. - May paniniwala na ang mga taga-Barotac Nuevo na nagkakapangasawahan ay hindi yumayaman dahil ang bundok na ito ay nakaharang, anuman ang anggulo. - Tinatawag na Dumangas noon. Dating bahagi ng nayon ng Dumangas na may layong siyam na kilometro. - Pinamunuan ng isang malupit na pari na nagpaparusa sa mga tumatangging tumulong sa pagtatayo ng simbahan. - Ninais ng mga tao na ihiwalay ang kanilang nayon mula sa Dumangas, ngunit tinutulan ito ng pari. Kasaysayan: - Ang "Barotac" ay mula sa katutubong salitang nangangahulugang maputik, dinugtungan ng "Nuevo" upang maiba sa Barotac Viejo. - Napaghiwalay ang Barotac Nuevo mula sa Dumangas dahil sa usapan tungkol sa kabayo ni Don Simon Protacio, na gustong bilhin ng tauhan ng gobernador mula Maynila. - Bilang kapalit, humiling ang mga tao na gawing hiwalay ang kanilang bayan. Ang gobernador ay sumang-ayon, kaya ito naging isang hiwalay na bayan. Relihiyon: - Karamihan sa mga residente ay Katoliko. - Ang magandang simbahan sa bayan ay patunay ng malakas na impluwensya ng mga Kastila. Edukasyon: - Mayroong panlalawigang paaralan sa pangingisda at isang pribadong paaralan na pinamumunuan ng mga madre. - Pinahahalagahan ng mga Barotaknon ang edukasyon para sa kanilang mga anak. Pamahiin: - Hindi nagwawalis sa gabi dahil tinatapon ang biyaya. - Iwasan ang pagligo habang may nakaburol na patay. - Itim na pusa ay nagdadala ng kamalasan. - Ang nabitiwang baso o pinggan ay tanda ng paparating na masamang balita. Paniniwala sa Aswang: - Ang ilan, lalo na sa liblib na lugar, ay naniniwala pa rin sa aswang o manananggal na kumakain ng tao, partikular ng mga buntis o bagong silang na sanggol. Pangunahing Kabuhayan: - Pagbubukid at pagtatrabaho sa mga pataniman ng tubo. - Ang bayan ay mayroong sentral ng asukal, kaya’t maraming nagtatrabaho dito. Mga Propesyunal: - Sa kabila ng tradisyonal na kabuhayan, marami na ring propesyunal sa bayan. Pangunahing Apelyido - Halos lahat ng apelyido ng mga taga-Barotac Nuevo ay nagsisimula sa titik B, tulad ng: ○ Barrido, Bayoneta, Baylosis, Bayo-ang, at Batilo. Araw ng Kapistahan: - Ipinagdiriwang tuwing Hunyo 13, bilang parangal kay San Antonio de Padua. - Tatlong araw ang pagdiriwang na may parada, palaro, sayawan, at koronasyon ng reyna ng kapistahan. Ang mga taga-Barotac Nuevo na nasa malalayong lugar ay umuuwi upang makisali sa pagdiriwang. Tanawin: - Isang bundok na may yungib na maaaring gawing atraksyon para sa mga turista. Lamintao Beach: - Isang malinis at libreng dalampasigan na dinarayo ng mga tao tuwing Linggo. - Maraming murang lamang-dagat tulad ng isda, hipon, alamang, at alimasag. Agrikultura: - Mayaman sa niyugan, pati na rin mga puno ng mangga, saging, kaimito, at iba pang prutas. Makikita sa gitna ng plasa: - Bantayog ni Don Simon Raymundo Protacio kasama ang kanyang kabayong si Tamasok. - Alaala ng kanyang katalinuhan at kontribusyon sa kasarinlan ng bayan. Iba pang Tala patungkol sa Iloilo: - Ayon kay Campos (1990) ang lalawigan ng Iloilo ay may dalang ligaya sa mga turista. - Hiligaynon ang pangunahing wika, na may iba't ibang varayti. Pamahiin, Paniniwala at Kaugalian ng mga Ilonggo: Pagdadalang-tao: - Lahat ng pagkain na hihilingin ng nagdadalang-tao ay kailangang maibigay upang maiwasan ang pagkakunan. - Bawal magsuot ng kuwintas, beads, o anumang bilog na alahas dahil maaaring magdulot ito ng komplikasyon tulad ng mahabang pusod ng bata. - Kinakailangang maglagay ng tuwalya o patadyong sa ulo kapag lalabas ng bahay sa hapon upang hindi maging lantad ang bata sa paningin ng aswang. - Bawal maupo o mahiga sa pintuan o hagdan upang maiwasan ang mahirap na panganganak. - Ipinagbabawal ang magpalitrato habang buntis. - Hindi dapat tumingin sa kabilugan ng buwan o eklipse dahil maaaring magdulot ng kapansanan sa bata, tulad ng pagiging bingot. - Bawal pagtawanan ang bulag, sungi, o duling upang hindi magkaroon ng kapansanan ang magiging anak. - Hindi dapat paglihian ang mga santo, santa, o manyika upang maiwasan ang kapansanan tulad ng pagiging pipi ng bata. - Ang pagkain ng nagdadalang-tao ay maaaring makaapekto sa hitsura ng sanggol: - Maitim na pagkain (hal., duhat) → maitim na bata. - Maputing pagkain (hal., buko, singkamas, siopao) → maputing bata. - Ang pagkain ng kambal na prutas ay maaaring magresulta sa pagkakaroon ng kambal na anak. - Hindi dapat magpagupit ang nagdadalang-tao upang hindi manganak ng sanggol na walang buhok. - Ipinagbabawal ang pagkain ng hilaw na prutas upang maiwasan ang pagkakunan. - Hindi dapat kumpunihin ang bahay habang buntis ang ina upang hindi mahirapan sa panganganak. - Kailangang lumabas ng bahay ang buntis bago sumakabilang-buhay ang isang tao upang hindi mahirapan sa panganganak. Pagsisilang ng Sanggol - Ang asawa o miyembro ng pamilya ay dumaraan sa bintana pababa gamit ang hagdang kawayan habang nakatingala sa itaas. Ang anumang madampot sa lupa ay pinakukuluan at ibinibigay sa ina para mapagaan ang panganganak. - Pinaniniwalaang nagiging mahirap ang panganganak kung ang babae ay may nagawang kasalanan; ito’y nalulunasan sa pagtitika sa harap ng pinagkasalanan. - Pinapakain ang ina ng hilaw na pula ng itlog para magsilbing pampadulas sa mabilis na paglabas ng bata. - Ang pagkulapol ng puti ng itlog sa sikmura ng buntis ay makapagpapadali sa panganganak. - Iniitsa nang dahan-dahan pataas ng komadrona ang bagong silang upang hindi ito malulula sa pagpunta sa mataas na lugar. - Sa Baryo Balantang, Jaro, pinapahid ang puso ng saging sa labi ng bata upang hindi ito maging maitim. - Ang hipon o ulang ay ipinapahid sa bibig ng bagong silang upang maging masigla at maliksi. - Ang batang ipinanganak na nauuna ang paa ay magkakaroon ng kapangyarihang makalunas sa natinik sa lalamunan (tinatawag na suli o suwi). Kapalaran ayon sa oras at pisikal na katangian: Gabi → Matapang, di takot sa dilim o panganib. Araw → Mahina. Kapinsalaan → Maghahatid ng suwerte sa pamilya. Slit-eyes at tahimik → Maaaring mahumalingan ng mga tamawo o diwata. Tatlong sunud-sunod na anak na lalaki → Suwerte. Unang anak na lalaki → Maghahatid ng suwerte. - Sabaw ng manok ang idinudulog upang makabawi ng lakas. - Iwas sa pagkain ng nilagang berdeng saging at calocalo upang hindi mabawasan ang gatas. - Pagkain ng iba’t ibang prutas para dumami ang gatas. - Gumagawa ng kaunting mabibigat na trabaho, tulad ng paglalaba, pag-iigib, at pagsisibak, upang hindi mabinat. Ang kaugaliang ito ay tinatawag na padungan. - Ginagamit ang pinakuluang dahon ng pomelo, bunlao, alibjon, at tanglad upang maiwasan ang binat. - Ang mga ritwal at pagkain ay isinasagawa bilang bahagi ng kanilang tradisyon at paniniwala sa mabuting kapalaran, kalusugan, at proteksyon laban sa masamang elemento. Binyag ng Sanggol - Pinaniniwalaang ang bata ay kailangang mabinyagan sa lalong madaling panahon dahil ang binyag ay may kaugnayan sa kalusugan ng bata at proteksyon laban sa sakit. - Kung ang bata ay umiiyak habang binibinyagan, pinaniniwalaang siya ay magiging pilyo, malikot, at matigas ang ulo. - Kung tahimik naman, pinaniniwalaang lalaki itong mabait at maamo. - Dapat may kaunting handa sa binyag ng bata upang palaging may pagkain at ito ay magdadala ng swerte at kasaganaan. - Ang mga ninong at ninang ay inaasahang magbibigay ng pera sa bata. Pinaniniwalaang ang pagbibigay ng pera ng mga ninong at ninang ay magpapadali sa pera ng inaanak at maghahatid sa kanya ng kayamanan. - Ang mga ninong at ninang ay inaasahang magbibigay ng pera sa bata. Pinaniniwalaang ang pagbibigay ng pera ng mga ninong at ninang ay magpapadali sa pera ng inaanak at maghahatid sa kanya ng kayamanan. Pag-aalaga ng Bata - Kapag ang isang pamilya ay nakaranas ng sunod-sunod na pagpanaw ng mga anak sa murang edad at ang kasunod na bata ay nagkakasakit, isinasagawa ang seremonya ng "pagbibili." - Ang isang kapitbahay na matagumpay sa pagpapalaki ng maraming anak ay "bibili" sa bata, gamit ang pera o anumang bagay, bilang simbolikong pagbili. - Naniniwala ang mga magulang na ito ay makatutulong upang maging malusog ang bata, ngunit mananatili pa rin itong pag-aari ng kanyang tunay na magulang. - Ang sinuman ay hindi basta-basta magbibigay ng puna, papuri, o biro tungkol sa kalusugan o hitsura ng bata. - Upang maiwasan ang epekto ng "usog," kinakailangang banggitin ang "puera abay" o "puwera usog" bago magsalita ng anumang papuri o puna. - Ang hindi pagsunod sa kaugaliang ito ay maaaring magdulot ng pagkakasakit ng bata. - Pinasusuotan ang bata ng kuwintas na may nakataling ngipin ng buwaya o iba pang bagay na nagsisilbing "panagang" laban sa masasamang espiritu. - Ang iba ay nagkakabit ng piraso ng luya sa damit ng bata upang maprotektahan ito laban sa masasamang elemento tulad ng manggagaway o masasamang espiritu. Pagnonobyo at Pag-aasawa - Pinaniniwalaan na kapag umaawit habang nagluluto sa harap ng kalan ang isang dalaga, ang mapapangasawa niya ay isang matandang tila lolo na siya. - Ang paghaharap sa nagtatahip ng bigas ay magbubunga ng pagkakapag-asawa sa isang matanda. - Maaaring malaman kung magiging tapat sa suyuan ang kasintahan sa pamamagitan ng pagtingin lamang sa mga kuko nito. Ang isang maputing marka ay nagsasaad ng katapatan sa isa lamang giliw ngunit kung maraming puti-puti, ito ay nangangahulugan na ang liyag ay magiging talusaling sa pagibig. Kamatayan, Pagbuburol, Libing, Pagdarasal - Ang isang bata ay pinagbabawalang magsuklay ng buhok sa gabi sapagkat ang ganito raw ay nakapagpapadali sa buhay ng kanilang mga magulang. - Ang pag-alulong ng aso sa gabi ay pagbabadya na si Kamatayan ay nasa palipaligid at handang kunin ang isang nilalang. - Ang pagpasok ng isang itim na paruparo sa bahay ay babala na may kamaganak na namatay Panahon at mga Elemento Pagmamasid sa Tuba: Ang mga tagakuha ng tuba ay tinutukoy ang lagay ng panahon batay sa itsura ng tuba sa mga sisidlang kawayan. Kapag maraming bula ang lumilitaw sa ibabaw, ito ay senyales ng paparating na masamang panahon. Normal lamang na kaunting bula ang nabubuo sa sisidlan. Paggalaw ng Ibong Kanuyos: Ang direksyon ng paglipad ng ibong kanuyos ay itinuturing na palatandaan ng paparating na bagyo: ○ Kapag ito ay patungong hilaga, ang bagyo ay nasa timog. ○ Kapag ito ay patimog, ang bagyo ay nasa hilaga. Mga Bituin at Buwan: Kapag may mga bituin na mukhang patungo sa buwan, itinuturing itong hudyat ng nalalapit na bagyo. Hayop at Insekto Pusa: ○ Kapag ang isang pusa, lalo na ang itim, ay tumawid sa iyong daan, ito ay nagdadala ng kamalasan o kapahamakan. ○ Sa mga mas naniniwala, minamabuting huwag nang ituloy ang lakad at bumalik na lamang sa bahay. ○ Ang itim na pusa o ahas na humaharang sa daan ay minsan din itinuturing na palatandaan ng kamatayan. Kidlat at Pusa: ○ Kapag kumukulog, itinuturing na delikado ang makipaglaro sa pusa dahil ang mga ito raw ay konduktor ng kidlat. Tsonggo: ○ Ayon sa paniniwala, ang tsonggo ay isang dating taong pinarusahan at naging hayop dahil sa pagsuway sa magulang. Pamahiin Kaugnay sa Pagkain 1. Pagpatong ng Plato: ○ Hindi dapat pinagpapatong ang mga plato habang may kumakain pa. Kailangang hintayin matapos ang lahat bago ito gawin, sapagkat pinaniniwalaang magdudulot ito ng patung-patong na utang. 2. Madalas na Pagkain: ○ Ang pagkain nang maya’t maya o walang oras ay maaaring magdulot ng abut-abot na utang. 3. Pagkain ng Nauntol na Itlog: ○ Kapag kumain ng itlog na hindi natuloy ang pagkapisa, magdadala ito ng pagkabigo sa mga balak at plano. Asuwang at Iba Pang Kakatwang Nilalang 1. Asuwang: ○ Ang asuwang ay isang kakaibang nilalang na sinasabing may kakayahang lumipad. 2. Kapangyarihan ng Asuwang: ○ Kayang patayin ng asuwang ang isang tao sa pamamagitan lamang ng pagtingin dito o pagkain ng atay ng biktima. 3. Pagpapahirap ng Asuwang: ○ Ang asuwang ay maaaring magdulot ng sakit sa tao, lalo na kung may masamang balak ito laban sa biktima. Kaugnay sa Halaman, Pagsasaka, at Pangingisda: 1. Paggiik ng Bigas sa Pototan, Iloilo: ○ Ginagawa ang pagluhod at pagsabog ng uling bago giikin ang bigas bilang ritwal upang matiyak ang masaganang ani sa susunod na taon. 2. Ritwal sa Unang Pagpupunla: ○ Itinatapon kasama ng punla ang mga bagay tulad ng suklay (para sa kaayusan ng mga halaman), nganga (para sa masaganang ani), at lumang habihan (para sa magandang uri ng butil). 3. Tanglad: ○ Sa unang pagtatanim ng bigas, nauuna ang tanglad bago ang iba pang halaman upang magdala ng suwerte. Anting-Anting at Kapangyarihan: 1. Biyernes Santo at Santo Intiero: ○ Sa hatinggabi ng Biyernes Santo, kumukuha ng bahagi ng damit, buhok, o kagamitan ng Santo Intiero upang gawin itong bahagi ng anting-anting. Pinapauusukan din ang mga lambat gamit ang mga ito. 2. Anting-Anting sa Baybayin: ○ Maraming naninirahan malapit sa dagat ang naniniwala sa bisa ng anting-anting, lalo na sa mga laban sa sakuna o masasamang elemento. 3. Mga Babaylan at Albularyo sa Biyernes Santo: ○ Sa araw na ito, pumupunta sila sa mga bundok at yungib upang mangolekta ng damong-gamot at balat ng kahoy. Pinaniniwalaang ang mga sangkap na nakolekta sa araw na ito ay may pinakamatibay na bisa. Sugal at Sabong 1. Bakal ng Sapatos ng Kabayo: ○ Kapag nakakita ng bakal ng sapatos ng kabayo habang naglalakad, ito ay itinuturing na simbolo ng suwerte, lalo na kung magsusugal. 2. Kambal na Bagay: ○ Anumang bagay na kambal, tulad ng barya o bato, ay inilalagay sa bulsa upang makahatak ng suwerte sa pagsusugal. 3. Butiki sa Bulsa: ○ Kapag may butiking lumukso sa bulsa habang nakatayo, ito ay itinuturing na tanda ng magandang kapalaran sa sugal. Pagpapatayo at Paglipat ng Bahay 1. Pagkonsulta sa Astrologo: ○ Sa pagtatayo ng unang poste o “pasag-ang,” sinisiguro na ang posisyon nito ay naaayon sa "bakunawa" mula sa aklat na "astrologo" upang maging ligtas ang bahay sa sakuna. 2. Mga Alay sa Butas ng Poste: ○ Nilalagyan ng suklay at sampung sentimong barya ang butas ng unang poste bilang panalangin para sa kapayapaan at tagumpay ng pamilya. 3. Posisyon ng Hagdanan: ○ Ang hagdanan ay dapat nakaharap sa silangan, dahil ito ay nagdadala ng kasiyahan at kaginhawahan sa mga naninirahan. 4. Paglipat sa Bagong Bahay: ○ Pinipili ang tamang panahon sa paglipat, tulad ng tatlong araw bago kabilugan ng buwan o walong araw matapos ang bagong buwan, upang magdala ng suwerte sa bagong tirahan. Kaugnay sa Iba’t Ibang Okasyon 1. Bagong Taon: ○ Kinakailangang kumpleto ang mga pangangailangan bago sumapit ang Bagong Taon upang hindi kapusin sa buong taon. 2. Binhi Ritual: ○ Sa bisperas ng Bagong Taon, inilalagay ang iba't ibang buto o binhi sa isang platong natatakpan. Kapag may binhing gumalaw o lumipat, ito ay babala ng kakulangan sa ani, kaya dapat paghandaan ito. 3. Kalansing ng 12 Barya (Dumangas): ○ Sa hatinggabi, kinakalog ang 12 barya bilang sagisag ng kasaganaan sa bawat buwan ng taon. Ang mga baryang ito ay itinatago sa buong taon para magdala ng swerte. 4. Pagdinig sa Hayop (Guimbal): ○ Sa hatinggabi ng Bagong Taon, pinakikinggan ang unang tunog ng mga hayop. Kapag narinig ang kalabaw o baka, ito ay tanda ng mabuting ani; ngunit kung aso ang narinig, ito ay masamang pangitain. Araw ng mga Patay 1. Pagbabalik ng Kaluluwa: ○ Pinaniniwalaang sa Araw ng mga Patay, ang kaluluwa ng mga yumao ay bumabalik sa lupa upang makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay. 2. Paghahanda ng Pagkain: ○ Nag-aalay ng tradisyunal na pagkain tulad ng bayebaye at suman upang maibsan ang lungkot o galit ng mga kaluluwa. 3. Paglalagay ng Pagkain: ○ Ang mga pagkaing handa ay inilalagay sa mesa o sa isang lihim na lugar upang ma-enjoy ng mga kaluluwa nang hindi naaabala ang mga tao. Samut-saring Paniniwala 1. Pag-alulong ng Aso: ○ Kapag ang aso ay umaalulong sa gabi, pinaniniwalaang may gumagalang masamang espiritu sa paligid. Ang pagsagot sa tawag ng kakaibang tinig ay nagpapahiwatig ng kamatayan para sa sumagot. 2. Bagong Damit: ○ Ugaliing magsuot ng bagong damit sa simbahan muna bago sa ibang lugar upang ito ay magtagal at hindi madaling masira. 3. Biyernes ika-13: ○ Kapag tumapat ang Biyernes sa ika-13 araw ng buwan, pinaniniwalaang nagdadala ito ng malas at maaaring magdulot ng mga aksidente o di kanais-nais na pangyayari. Kapistahan at Kasayahan ng mga Ilonggo 1. Pasungay (Bullfight) Kailan: Ikalawang Sabado ng Enero Saan: San Joaquin, Iloilo Tampok: ○ Ang laban ng mga toro mula sa iba’t ibang bayan sa isang arena sa burol. ○ Kasama rin ang laban ng mga kabayo at kalabaw bilang karagdagang atraksiyon. Kahalagahan: Bahagi ito ng pista ng bayan at simbolo ng masiglang simula ng mga kasiyahan sa Kanlurang Bisaya. 2. Dinagyang Festival Kailan: Huling Linggo ng Enero Layunin: Pagbibigay-parangal sa milagrosang Imahen ng Santo Niño. Aktibidad: ○ Sayaw at pagtatanghal ng mga tribu na may makukulay na kasuotan. ○ Pagtampok sa kasaysayan at pagiging Kristiyano ng mga Ilonggo. ○ Choreographed performances na sinasabayan ng padyak ng paa at tugtog ng mga dram. 3. Kapistahan ng Nuestra Señora de la Candelaria (Jaro Festival) Kailan: Pebrero 2 Saan: Jaro, Iloilo Tampok: ○ Pagbabasbas ng mga kandila na iba’t ibang laki at kulay. ○ Prusisyon kasama ang imahe ng Nuestra Señora de la Candelaria, reyna ng pista, at kanyang korte. ○ Agro-industrial exhibits, garden shows, koronasyon ng reyna ng karnabal, at Grand Cock Derbies. Kahalagahan: Ang Mahal na Birhen ng Kandila ay Patron ng Kanlurang Bisaya, kinoronahan ni Santo Papa Juan Pablo II noong 1981. 4. Paraw Regatta Kailan: Ikatlong Linggo ng Pebrero Saan: Kipot ng Iloilo at Guimaras Tampok: ○ Paligsahan ng mga “paraw,” tradisyunal na bangkang may layag na ginamit ng mga unang nandarayuhang Bornay patungo sa Panay. Kasaysayan: Nagpapagunita sa kulturang pandagat ng mga Ilonggo noong ika-16 siglo. 5. Pagtaltal sa Guimaras Kailan: Biyernes Santo Saan: Jordan, Guimaras Tampok: ○ Dulang pangkuwaresma na hango sa tanyag na dula ni Oberammergau sa Alemanya. Kahalagahan: Pagsasama ng pananampalataya at poklorikong kultura ng mga Ilonggo. 6. Parada at Karera ng Kalabaw Kailan: Mayo 3 Saan: Pavia, Iloilo Tampok: ○ Parada ng mga kalabaw na may karosang pinalamutian at sinasakyan ng mga musa. ○ Karera ng kalabaw pagkatapos ng parada. Layunin: Pagpapakita ng kasanayan at kahalagahan ng kalabaw sa pamumuhay ng mga Ilonggo. AKLAN - ATI ATIHAN - Ang Ati-Atihan ay isang tanyag na kapistahan sa Aklan, lalo na sa Kalibo, at itinuturing na "ina ng lahat ng pista sa Pilipinas." Bukod sa makulay na kasayahan, mayaman din ito sa kasaysayan at mga tradisyong nagpapakita ng pananampalataya, kultura, at pagkakaisa ng mga Aklanon. Mga Pangunahing Detalye ng Pagdiriwang Kailan: Tuwing Enero, lalo na sa ikalawang linggo pagkatapos ng Pista ng Tatlong Hari. Saan: Ginaganap sa iba't ibang bayan ng Aklan, kabilang ang Kalibo, Ibajay, Batan, Makato, at Altavas. Aktibidad: ○ Sayawan sa kalsada na may tugtog mula sa iba’t ibang instrumento. ○ Pagpapahid ng uling sa mukha at katawan bilang simbolo ng mga Ati, ang mga Negrito ng Panay. ○ Prusisyon at paghalik sa imahe ng Santo Niño bilang bahagi ng relihiyosong selebrasyon. Kahalagahan ng Ati-Atihan Ang Ati-Atihan ay may dalawang pangunahing aspeto: 1. Pagkilala sa Kasaysayan ng Panay: ○ Itinuturing na selebrasyon ng pagkakaisa ng mga unang Negrito (Ati) at mga datu mula Borneo noong ika-13 siglo. ○ Simbolo ng kasunduan sa pagbili ng Panay sa pamumuno ni Datu Puti at Haring Marikudo, kung saan binayaran ang isla gamit ang gintong salakot at kuwintas. ○ Ang pagpapahid ng uling ay sagisag ng pagkakaibigan at pagkakapantay-pantay ng mga Ati at mga bagong dayo. 2. Pananampalataya: ○ Nagkaroon ng Kristiyanong kahulugan nang dumating ang mga Kastila at itinapat sa pista ng Santo Niño. ○ Ang paghalik sa imahen ng Santo Niño at prusisyon ay sentro ng pagdiriwang, na nagpapakita ng malalim na debosyon ng mga Aklanon. Mga Pinagmulan ng Ati-Atihan Iba't ibang kwento ang pinagmulan ng Ati-Atihan, kabilang ang mga sumusunod: 1. Kasaysayan ng Pagkakasunduan ng mga Ati at Datu: ○ Itinuturing na orihinal na selebrasyon ng kapayapaan matapos ang alitan ng mga tribo sa Panay. ○ Naging mas masaya at makulay nang dumating ang mga datu mula Borneo at naging kaibigan ng mga Ati. 2. Himala ng Kampana sa Kalibo: ○ Isang milagrosong kampana ang natanggap ng kura paroko mula sa isang magandang babae. ○ Ang kampana ay itinuturing na mahalaga at sinasabing nagbibigay ng suwerte sa bayan ng Kalibo. 3. Imahe ng Santo Niño sa Ibajay: ○ Isang mangingisda ang nakahuli ng isang kahoy na may ukit ng mukha ni Santo Niño. ○ Ang imahe ay itinayo sa isang kapilya at naging sentro ng maraming milagro. Pananatiling Buhay ng Tradisyon Sa kasalukuyan, ang Ati-Atihan ay hindi lamang relihiyosong selebrasyon kundi isa ring cultural festival na dinarayo ng mga turista. Ang kasiyahan, sayawan, at musika ay nagpapamalas ng pagmamalaki ng mga Aklanon sa kanilang mayamang kasaysayan at pananampalataya. Ang "Hala Bira!" at "Viva kay Señor Santo Niño!" ay sumasalamin sa diwa ng pagkakaisa, kasiyahan, at pananampalataya na patuloy na nagbibigay inspirasyon sa marami. Maikling Kasaysayan ng Aklan - Ang kasaysayan ng Aklan ay bumabalik sa ika-13 siglo, nang dumating ang sampung datu mula sa Borneo upang humanap ng mapayapang lugar na matitirhan. Ang kanilang pinuno, si Datu Puti, kasama sina Raha Sumakwel, Datu Bankaaya, at Datu Paiburong, ay nakipagkasundo kay Haring Marikudo, ang pinuno ng mga Ati sa isla ng Panay. Sa pamamagitan ng gintong salakot at kuwintas, binili nila ang isla mula sa mga Ati. Katilingban ni Madyaas Matapos ang kasunduan, itinatag ng mga datu ang Katilingban ni Madyaas, isang konpederasyon ng tatlong lalawigan: 1. Irong-Irong (Iloilo) 2. Hamtik (Antique) 3. Aklan (na sakop ang kasalukuyang Aklan at bahagi ng Capiz) Ang Aklan ay pinamunuan ni Raha Bankaaya, na ginawang kabesera ang Madyaos (ngayo’y Numancia). Noong 1213, ganap na naitatag ang Aklan bilang maayos na pamayanan. Mga Namuno sa Aklan Pagkamatay ni Raha Bankaaya, ang kanyang mga anak at mga kaapu-apuhan ang nagpatuloy sa pamumuno: 1. Datu Paiburong 2. Datu Balinganga 3. Datu Balinsosa 4. Datu Dagu-ob – Nagtatag ng sariling pamahalaan sa Capiz, pinalitan ni Hagnaya. 5. Hagnaya – Sinundan nina Alimbukod, Balit, Sapi, Kalitnan, at Pagbuhawi. Ang huling datu na namuno ay si Dinagandan, na inilipat ang kabisera ng Aklan sa bayan ng Batan. PINTADOS - Noong 1668, nang dumating ang mga Espanyol sa Visayas, natagpuan nila ang mga katutubo na tinatawag nilang Pintados dahil sa mga tatu (tattoo) na tumatakip sa kanilang mga katawan. Ang mga tatu ay hindi lamang palamuti, kundi simbolo ng tapang, estado sa lipunan, at kagandahan. Ang pagtatatu ay masakit at mapanganib, kaya’t ito ay itinuturing na karangalan para sa mga nagtagumpay sa labanan at nagtiis ng hirap sa proseso. Pagdating ng Santo Niño at Simula ng Pista - Noong 1888, dinala ng mga misyonaryong Espanyol ang imahe ng Santo Niño o "El Capitan" sa Leyte. Agad itong tinanggap at sinamba ng mga Bisaya. Ang debosyon na ito ay naging bahagi ng kanilang relihiyosong tradisyon. - Noong 1986, itinatag ang Pintados Foundation, Inc. ng mga negosyante sa Tacloban upang mag-organisa ng mga aktibidad para sa pista ni Señor Santo Niño. Sa sumunod na taon, noong Hunyo 29, 1987, idinaos ang kauna-unahang Pista ng Pintados bilang paggunita sa tradisyon ng mga Pintados at bilang parangal sa Santo Niño. Pintados-Kasadyaan Festival Ang Pintados-Kasadyaan Festival ay isang makulay at masayang selebrasyon na ginaganap tuwing Hunyo 29, kasabay ng Pista ni Señor Santo Niño de Leyte. Mga Pangunahing Aktibidad: 1. Leyte Kasadyaan Festival of Festivals ○ Pinagsasama-sama ang iba’t ibang pista mula sa mga munisipalidad ng Leyte. ○ Ipinapakita ang lokal na kasaysayan, alamat, at kultura ng bawat bayan. 2. Pintados Festival Ritual Dance Presentation ○ Isang pagtatanghal na nagkukuwento ng buhay, kultura, at tapang ng mga Pintados. 3. Pagrayhak Grand Parade ○ Isang masiglang parada na puno ng makukulay na kasuotan, musika, at sayaw. Kahalagahan ng Pintados Festival Ang Pintados Festival ay mahalaga para sa mga taga-Leyte sapagkat: Pinapalaganap nito ang pagmamalaki sa kanilang mayamang kultura. Pinalalakas nito ang pagkakaisa ng bawat munisipalidad. Nagbibigay ito ng pagkakataong itanghal ang mga kwento at alamat ng kanilang lugar. Pintados sa Kasaysayan Ang mga Pintados ay mandirigmang Bisaya na puno ng tatu, tanda ng kanilang katapangan. Para sa mga banyaga, sila’y tila barbaro, ngunit sa paglipas ng panahon, naunawaan ang malalim na kahulugan ng kanilang tradisyon. Ang mga tatu ay simbolo ng kalakasan, karangalan, at tagumpay. Ang Pintados Festival ay nagpapanatili ng kwento ng tapang at kultura ng mga sinaunang Bisaya, habang ipinagdiriwang ang kanilang pananampalataya kay Señor Santo Niño. ILANG TRIBU SA VISAYAS Tribung Sulod - Ang Tribu Sulod ay isang pangkat-etniko na naninirahan sa bulubundukin ng Tapaz, Capiz, sa isla ng Panay. Sila ay nagmula sa tribung Mundo, isang etnikong grupo mula sa Indonesia na lumipat mula Mainland Asia. Sa paglipas ng panahon, ang pangalang "Mundo" ay napalitan ng "Bukidnon" at kalaunan ay naging "Sulod," na nangangahulugang "closet" o "room" sa kanilang wika. Wika at Pamumuhay Wika: Nagsasalita sila ng kombinasyon ng mga diyalektong Kiniray-a at Hiligaynon, ngunit karamihan ay monolinggwal. Pamumuhay: Ang kanilang kultura at tradisyon ay umiikot sa simpleng pamumuhay sa kabundukan, na may malalim na kaugnayan sa kanilang paniniwala at ritwal. Ang Binukot: Natatanging Kultural na Paniniwala Isa sa kanilang pinakamahalagang tradisyon ay ang binukot, ang pag-aalaga sa mga magagandang babae ng tribu. Pagtatago ng Binukot: ○ Ang mga batang babae ay hindi pinahihintulutang lumabas o mabilad sa araw mula pagkabata hanggang ikasal. ○ Itinuturing silang sagrado, at ang kanilang papel ay magbahagi ng mga epikong kwento ng tribu. Epic Chanters: ○ Ang mga binukot ang tagapag-ingat ng mga epikong kwento tulad ng Hinilawod, isang oral na poklor na isinasalaysay nang may ritwal. ○ Ang chant ng Hinilawod ay umaabot ng tatlumpung oras at maaaring tumagal ng tatlong araw upang maikuwento nang buo. Relihiyosong Ritwal Sa panahon ng anihan, ang mga binukot ay sumasayaw at nagdarasal sa ilalim ng buwan upang humiling ng masaganang ani. Ang ritwal na ito ay nagpapakita ng kanilang paniniwala sa espirituwalidad at kaugnayan sa kalikasan. Paglilibing ng Yumao Kapag ang isang mahalagang tao, tulad ng isang baylan (spiritual leader) o parangkuton (elder), ay pumanaw, may espesyal na paraan ng paglilibing: 1. Pagbuo ng Kabaong: ○ Ang kabaong ay gawa sa isang malaking kahoy at inilalagay sa isang kubong may bubong na cogon sa bundok. 2. Pasuk (Daluyan ng Tagas): ○ Ginagawan ng butas ang kabaong at nilalagyan ng kawayan (pasuk) upang magsilbing daluyan ng likidong nanggagaling sa katawan. 3. Pag-aalaga sa Buto: ○ Matapos ang dalawa o tatlong buwan, kinukuha ang mga buto, hinuhugasan, binabalot sa itim na tela, at inilalagay sa ilalim ng ambi ng bahay bilang pag-alala sa namatay. Hinilawod: Epiko ng Panay Ang Hinilawod ay isang epikong kuwento na nagmula sa Tribung Sulod. Inilalahad nito ang mga kwento ng kanilang mga diyos, bayani, at ritwal. Ito rin ang nagiging gabay sa kanilang pamumuhay at pananampalataya. Kahalagahan ng Tribung Sulod Ang Tribung Sulod ay mahalaga sa kasaysayan at kultura ng Panay dahil sa kanilang: Natatanging tradisyon na nagpapakita ng yaman ng kulturang Pilipino. Malalim na espirituwalidad at respeto sa kalikasan. Preserbasyon ng oral na tradisyon sa pamamagitan ng mga binukot at epikong tulad ng Hinilawod. TRIBUNG TAGBANUA - Ang Tagbanua ay isa sa mga pangunahing tribu sa isla ng Palawan at kabilang sa mga sinaunang nanirahan sa lugar. Ang kanilang kasaysayan, kultura, at pamumuhay ay nagbibigay-daan upang mas maunawaan ang yaman ng kulturang Pilipino. Kasaysayan: Ang mga Tagbanua ay itinuturing na inapo ng mga taong Tabon, sinaunang tao na nanirahan sa kweba ng Tabon sa Palawan libu-libong taon na ang nakalilipas. Lokasyon: Karamihan sa mga Tagbanua ay matatagpuan sa hilaga at sentral na bahagi ng Palawan. Sa kasalukuyan, ang kanilang populasyon ay bumaba mula 129,691 noong 1987 sa 10,000 na lamang. Tatlong Salin ng Pangalan 1. People of the World – Ang "banua" ay nangangahulugang "mundo." 2. People from Our Place – Ang "banua" ay tumutukoy sa "lupa" o "lugar." 3. People from the Inland – Ang "banua" ay nangangahulugang "countryside" o "inland." Noong panahon ng kolonisasyon, maraming Tagbanua ang napilitang lumipat sa mga liblib na lugar dahil sa pagdating ng mga dayuhan sa baybayin. Dalawang Pangunahing Grupo 1. Sentral Tagbanua ○ Naninirahan sa gitnang bahagi ng Palawan: silangan at kanlurang baybayin, lalo na sa mga lugar ng Puerto Princesa, Quezon, at Aborlan. 2. Calamian Tagbanua ○ Matatagpuan sa arkipelago ng Calamian, partikular sa mga isla ng Coron, Busuanga, at munisipalidad ng El Nido. Pisikal na Katangian Kayumanggi ang balat at payat ang pangangatawan. Maiitim at mahahabang buhok ang kanilang taglay. Noon, kapuwa lalaki at babae ay nagpapahaba ng buhok at pinapaitim ang kanilang mga ngipin bilang tanda ng kagandahan. Kultura at Sining Mga Gawaing Kultural: ○ Gumagawa sila ng iba't ibang palamuti tulad ng ear plugs, suklay, at pulseras. ○ Ang mga babae ay kilala sa paggawa ng mga kuwintas at angklet na yari sa brass at copper. Ang kanilang sining ay nagpapakita ng husay at pagkamalikhain, na bahagi ng kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at ritwal. Sining at Ritwal 1. Paggawa ng Basket: ○ Gumagawa sila ng mga basket na may iba’t ibang disenyo, na ginagamit sa pag-aani at iba pang gawaing pangkabuhayan. 2. Paglililok sa Kahoy: ○ Gumagawa sila ng mga hayop na nililok sa kahoy. Ang mga ito ay may seremonyal na gamit at ginagamit bilang kontak sa mga espiritu sa panahon ng ritwal. 3. Musika at Instrumento: ○ Mayaman ang Tagbanua sa paggawa ng natatanging instrumento na ginagamit sa pagsamba at sosyal na pagtitipon. Ilan sa kanilang mga instrumento ay: Arudin: Bamboo mouth harp. Babarak: Bamboo flute. Tipanu: Nose flute. Kudlung: Two-stringed lute. Gimbal: Drum. Tiring at Babandil: Gongs. 4. Mga Sayaw: ○ Aballardo: Tradisyunal na sayaw na isinasagawa ng mga lalaki. ○ Andardi: Festival dance tuwing Pagdiwata. ○ Bugas-Bugasan: Sayaw na ginagawa ng lahat sa ritwal ng Pagdiwata. ○ Kalindapan: Sayaw na ginagampanan ng mga babaeng babaylan. ○ Runsay: Tradisyunal na sayaw sa baybayin, ginagawa taun-taon pagkatapos ng kabilugan ng buwan. Social Class Ang komunidad ng Tagbanua ay nahahati sa tatlong antas ng lipunan: 1. Upper Class (Unan) ○ Binubuo ng mga lider, na kadalasang namamana ang posisyon. 2. Middle Class ○ Mga karaniwang mamamayan, kung saan pinipili ang mga lokal na lider. 3. Lower Class ○ Binubuo ng mga taong may utang na hindi kayang bayaran. Paniniwala at Mitolohiya Naniniwala ang Tagbanua sa mga diyos, diyosa, at diwata na nag-aalaga at nagpaparusa sa tao. Ilan sa kanilang pangunahing diyos ay: ○ Mangindusa: Pangunahing diyos na namamahala sa pagpaparusa sa mga nagkasala. ○ Polo: Diyos ng karagatan, tinatawag kapag may sakit. ○ Sedumanodoc: Diyos ng mundo, sinasamba para sa masaganang ani. ○ Tablacoud: Diyos ng ilalim ng mundo. Naniniwala rin sila sa mga diwata, tulad ng asawa ni Mangindusa, na nagkokontrol sa ulan. Pamilya at Kasal Kahalagahan ng Kasal: ○ Karaniwang inaayos ng mga magulang ang kasal, at ang bagong mag-asawa ay bumubukod mula sa kanilang mga pamilya. Polygamy: ○ Pinapayagan ngunit bihira. Diborsyo: ○ Pinahihintulutan ngunit ipinagbabawal kung may mga anak na ang mag-asawa. MINDANAO ANG MGA LUMAD SA MINDANAO B’LAAN - Sakop sa mga unang pangkat ng Indonesian; 5000-6000 years ago. - Unang gumamit ng bangka bialng transportasyon. - Magkatulad ang pitong ponemang patinig na ginagamit nila sa mga Indonesian. - B’laan kaysa sa Bi-la-an dahil para sa kanila ang Bi-la-an ay nangangahulugan ng kawalang galang at kabastusan. - Bi-la-an ay nangangahulugang malandi o kalandian. - Terminong B’laan ay tumutukoy sa etnikong grupo na Bira-an, Bara-an, Blaan o Bi-la-an. - “Bila” ay nangangahulugang kaibigan. - Sila ay mga tao sa bundok; karaniwan silang nakatira sa mataas na lugar sa North Cotabato, Davao, at Saranggani Islands, Lake Buluan, at dalampasigan ng Davao. Fulong o wise - datu o village chief - Matanda at pinaka may kaya sa buhay dahil sa pagkakaroon ng ginto, aipin, at iba pang kultural na kagamitan. - Pinipili dahil ginagalang ng mga B’laan. - Pwedeng mag asawa ng higit sa isa. Pagkakaingin o inigo ang pangunahing ikinabubuhay ng mga B’laan. - Resulta ng kanilang paraan ng pamumuhay dahil para sa kanila ay hindi importante ang lupa sa kabuhayan. - Napipilitang kumipat ng lokasyon o bumabalik sila kung maayos na ang lupa, ito’y kadalasan sa pagkatapos ng taon. - Palay, mais at kamote - Karamihan ay naging tenant o nangungupahan na lamang Paniniwala: - D’wata (God) - Siya ang tinuturing na Mele (planter) ng Langit (heaven) at Tana (earth) at lahat ng bagay sa daigdig; tagapaglikha - L’nilong (fairies) - ang kalikasan ay ipinagkatiwala sa kanila. - bilang Snalig (tagapangalaga) karaniwang tinatawag na M’fun Mahin (owner of the sea); M’fun D’lag (owner of the forest). - Para sa kanila, hindi banal ang pag-angkin sa kalikasan tulad ng hangin, tubig, gubat, at iba pa. - Maaring gamitin sa tamang paraan kung hindi ay sisirain ni M’fun Tana ang lupa sa pamamagitan ng lindol. - Naging protestante na bahagi ng Christian Missionary Alliance Church of the Philippines (CAMACOP), United Church of Christ of the Philippines (UCCP), United Methodist Church, at iba pa. Ang ilan naman ay Katoliko. Tinatayang 40 % ng mga B’laan ay naging Kristiyano. Bahay - may taas na anim hanggang sampung pulgada mula sa lupa at may hagdan na binubuo ng tatlong baytang. - Ang haligi ng bahay ay yari sa ipil-ipil o gemilina ANG MANDAYA: WIKA AT KULTURA NG SANGAB, CARAGA, DAVAO ORIENTAL - nasa Sangab, sa Munisipalidad ng Caraga, Brgy. Pichon, Davao Oriental. - nagmula sa salitang “man” (tao) at “daya” ( itaas na bahagi ng ilog) - Inhabitants of the Uplands. - Sangab ay matatagpuan sa Silangang bahagi ng Mindanao sa lalawigan ng Davao Oriental, sa munisipalidad ng Caraga, ng Barangay Pichon; (1,200) na talampakan ang taas mula sa dagat ang Sangab. - habal-habal; sadam o dump truck - Tuwing Sabado ng hapon naman, sila ay umuuwi na sa kanilang mga tahanan upang paghandaan ang misang dadaluhan sa araw ng Linggo. - Walang sinumang makapapasok sa nasabing lugar (Sangab) kung walang pahintulot ang kanilang tinaguriang datu o tribal chieftain. - Mangkatadong (council of elders), na nagsusumikap sa pagpapaalala sa mga kabataang produkto ng bagong henerasyon kung ano ang katanggap-tanggap sa kanilang lipunan. - Ernesto I. Corcino - bago magsimula sa anumang mga gawain ay dapat manawagan o manalangin sa Panginoon; manawagtawag - Ang lahat ay ginawa at pag-aari ni Magbabaya (God). Ang salitang Magbabaya ay galing sa salitang ugat na baya na ang ibig sabihin ay walang pinagmulan at walang katapusan. - magsagawa ng panawagtawag ang balyaang priestess at lokal na manggagamot at isa sa mga naging importante. - dida magtugo (mawalan ng bisa o kaya’y saysay) dahil kanilang pinaniniwalaan na ipinagkaloob ito sa kanila ng kanilang abyan (espiritu). - byais ( local fermented wine) - isang patulam-tulam o panulak sa kanilang lalamunan upang hindi sila mahiyang sumagot sa mga nagtatanong sa kanila. May iba pang nagsasabi na ang pag-inom ay para pampabaag ng talinga o pampainit ng tainga. Pag-aasawa: 1. Pagdali-dali - ang lalaki ay kailangang bumisita o pumunta lagi sa bahay ng babae. 2. Pagatud-atod - magdadala ng mga pagkain sa bahay ng babae. 3. Pagkagon - dadalhin ng lalaki ang kanyang magulang at usapan ang dowry. 4. Pagtawas - tutulong ang lalaki sa mga gawain. 5. Pagbutang ng sukat - isang pagsubok na kapag matugunan ng lalaki ang kahilingan ng mga magulang, nangangahulugan itong kaya nang buhayin o suportahan ng lalaki ang babae. 6. Pag-ol’lonan - Ang lalaki ay magbibigay sa babae ng regalo (remembrance) 7. Pagtutuonan - panahon ng kasalan 8. Pagdudul’logan - ang lalaki ay uuwi sa kanilang bahay at iiwan ang babae sa mga magulang. 9. Pagdadal’laan - Ito ang katapusang proseso ng pag-aasawa kung saan ang babae ay dadalhin na sa bahay ng lalaki. Panganganak: - palaging hinahaplasan o pinapahiran ng mga halamang gamot - tagal’lumo (mga bagay-bagay o halaman na pinagsama-sama/pinaghalo-halo para panggamot); galing ito sa panaginip o kaya’y itinuro ng kanilang abyan (espiritu). - Hinihilot (minamasahe) ng mananabang (hilot/komadrona) ang tiyan ng isang buntis para mapabuti ang lagay ng bata sa loob ng tiyan at para pagdating ng kanyang kapanganakan ay hindi na siya mahihirapan. - Ang buntis ay hinahaplasan ng tagal’lumo para pampadulas upang mapadali ang paglabas ng bata - Lais - ginagamit sa pagputol ng pusod - Pagkalipas ng tatlong araw, ang ina at sanggol ay pwede nang maligo - nilalagyan ng sagbong (gabon) o kaya’y dahon ng kalamansi. - bukod sa mabango ang sagbong ay pangontra din ito sa panuhot (gas pain) na nararamdaman. - pagkatapos maligo, ay pinipigaan ng marguso (dahon ng ampalaya). - Bunong - ang bata ay ipapakita at ipapakilala sa mga taong dumalo (binyag sa kasalukuyan) 1. Pagdiriwang ng Kaarawan Tradisyon: Hindi ipinagdiriwang ng mga Mandaya ang kaarawan, kundi ang bunong (bagong silang) lamang. Pagtatanim ng Puno: Kapag ipinanganak ang isang bata, ang ama ay nagtatanim ng punongkahoy sa kanilang bakuran bilang simbolo ng paglaki ng anak. Ang punong ito ay nagsisilbing tanda ng edad ng bata. 2. Kamatayan at Paglilibing Paniniwala sa Kamatayan: Naniniwala ang Mandaya na ang kaluluwa ng yumao ay kinuha ni Ibol’l, isang espiritu na naninirahan sa ilalim ng lupa. Proseso ng Paglilibing: May isang araw ng paglalamayan bago ilibing ang patay. Ang mga gamit ng yumao ay isinusuong kasama sa libing. Maaaring ilibing ang patay sa lupa, kweba, o itinataas sa isang malaking punongkahoy. Ritwal sa Paglibing: Kasama sa ritwal ang paghuhugas ng kamay ng mga naglibing at paghahanda ng karne ng baboy bilang pasasalamat sa mga tumulong. 3. Pananampalataya Ritwal sa Pananampalataya: May mga ritwal ang Mandaya para magpasalamat at humingi ng kapatawaran kay Magbabaya (Diyos). Paggalang sa mga Espiritu: Kailangan nilang suyuin ang mga espiritu upang hindi magdulot ng abala sa kanilang buhay. Pagrespeto sa Kalikasan: Pinaniniwalaan nilang may mga espiritu sa puno at ibang lugar, kaya’t binibigyan nila ito ng paggalang. 4. Gamot at Kalusugan Pag-gamot: Ang kagubatan ay nagsisilbing palengke at parmasya ng Mandaya, kung saan sila kumukuha ng pagkain at gamot. Paniniwala sa Sakit: Ang sakit ay kadalasang dulot ng masasamang espiritu na sumanib sa katawan ng tao, marahil dahil sa kakulangan ng respeto sa mga espiritu. 5. Pampaganda Estetika: Sa Mandaya, ang kagandahan ay nakikita sa ugali at hitsura, partikular ang pagpapatulis ng ngipin (byagid). Paggamit ng Halaman: Ang mga babaeng Mandaya ay gumagamit ng mga halaman at bulaklak mula sa kagubatan para sa pagpapaganda ng kanilang balat. 6. Pagluluto Pamana sa Pagluluto: Ang Mandaya ay may mga kakaibang paraan ng pagluluto gamit ang kawayan. Ang mga pagkaing tulad ng yumbol'l (nilutong bigas), lul'lut (nilutong karne at hipon), at bungos (ihaw na isda sa dahon ng saging) ay mga katutubong ulam. Pangunahing Sangkap: Ang mga sangkap ng mga ulam ay kinabibilangan ng dul'law (turmeric), kabuwayna, sibuling, kalabo (oregano), at tanglad, na mayroon ding gamit bilang gamot. 7. Pamahiin at Taboos Pamahiin: May mga pamahiin ang Mandaya tulad ng: ○ Pagputol ng balite na puno ay maaaring magdulot ng sakit dahil pinaniniwalaang bahay ito ng mga engkanto. ○ Paglalagay ng bawang sa kwarto ng buntis upang maiwasan ang aswang. ○ Bawal kumain ng buguk (hindi napisang itlog) dahil ito raw ay nagdudulot ng katamaran. Taboos: Ipinagbabawal ang pagtawanan ang mga hayop na nagtatalik dahil baka magdulot ng kulog at kidlat. Hindi rin pwedeng mag-asawa ng malapit na kamag-anak upang maiwasan ang abnormal na anak. 8. Konsepto sa Oras Oras sa Kalikasan: Ang konsepto ng oras ng Mandaya ay hindi nakabase sa modernong orasan, kundi sa mga natural na tanda. Halimbawa, kapag ang araw ay nasa gitna ng bahay, alam nilang tanghali na; kapag maririnig ang unang tilaok ng manok, ito ay tanda ng ala-una ng umaga. 9. Konsepto sa Langit at Kabilang Buhay Tatlong Leve ng Mundo: ○ Ugsuban: Ang ilalim ng lupa kung saan naninirahan si Ibol’l at ang mga patay. ○ Mandal’luman: Ang mundong ibabaw kung saan ang mga tao ay may pakikisalamuha sa mga espiritu. ○ Pagawanan: Ang langit, na isang masayang lugar kung saan naninirahan si Magbabaya, at hindi kailangan kumain dahil ang bango ng lugar ang nagsisilbing pagkain. 10. Paniniwala sa Kalamidad Lindol: Pinaniniwalaan na ang lindol ay dulot ng galaw ng kasili (isang malaking igat) sa ilalim ng lupa. Eklipsi: Ang eklipsi ay sanhi ng pagkagat ng ibong tambanukawa sa araw. Bagyo: Naniniwala ang Mandaya na ang bagyo ay isang malakas na hangin at ulan na tinatawag nilang samot. Ang mga matatanda ay may kakayahang magbigay ng mga senyales ng darating na bagyo batay sa kalikasan. KAAMULAN FESTIVAL: ISANG TAUNANG SELEBRASYON SA PROBINSYA NG BUKIDNON Paglalarawan ng Lugar Lokasyon at Klima Ang Bukidnon ay isang lalawigan sa Mindanao na kilala bilang Pineapple Capital of the World. Dahil sa malamig na klima, ito ay isang tanyag na destinasyon para sa mga turista. May tag-init sa hilagang bahagi ng Bukidnon at tag-ulan naman sa katimugang bahagi. Ang temperatura sa lugar ay kadalasang 24.04°C, na hindi bumababa sa 18.5°C. Hindi rin nakakaranas ng malalakas na bagyo ang probinsya dahil sa mga matataas na bundok na nakapalibot dito. Agrikultura at Produkto Bukidnon ay isang agrikultural na lugar at kilala sa malawak na produksiyon ng iba't ibang produkto tulad ng palay, mais, tubo, kape, goma, niyog, kamoteng kahoy, palm oil, at maraming klase ng bulaklak. Ang mga prutas tulad ng pinya, rambutan, mangga, durian, at lansones ay ilan lamang sa mga produkto ng Bukidnon. Tanyag din ang probinsya sa mga manok, baboy, at baka. Paglalarawan ng mga Tao Populasyon at Wika Ang 95% ng populasyon ng Bukidnon ay Pilipino at ang natitirang 5% ay binubuo ng mga banyagang lahi tulad ng Britanyo, Amerikano, Indonesyo, Tsino, at Koreano. Ang mga pangunahing wika na ginagamit sa Bukidnon ay Sebuano at Binukid, isang wika ng mga katutubong tribu ng lugar. Etnikong Grupo at Kaamulan Festival Kaamulan Festival Tuwing buwan ng Marso, ipinagdiriwang ng Bukidnon ang Kaamulan Festival, isang etnikong kultural na piyesta na ginaganap sa Malaybalay City. Ang "Kaamulan" ay nangangahulugang "lipunang pagtitipon" at may kasaysayan ng ritwal ng mga datu tulad ng kasalan, pasasalamat sa ani, at mga kasunduan sa kapayapaan. Ang festival ay kinikilala bilang etnikong piyesta ng Pilipinas at tumutok sa mga katutubong tribu ng Bukidnon, Higaunon, Talaandig, Manobo, Matigsalug, Tigwahanon, at Umayamnon. Mga Aktibidad sa Kaamulan Festival Ang piyesta ay may kasamang mga paligsahan sa isports, mga konsyerto, street dancing, trade fairs, at exhibits ng mga produkto at kultura ng mga katutubo. Isa sa mga tampok ng festival ay ang mga sayaw, kanta, at ritwal na isinagawa ng mga tribu gamit ang mga katutubong instrumento. Makikita rin sa parada ang mga tradisyunal na kasuotan, kasamahan ng mga sariwang prutas, gulay, at bulaklak. Seremonya at Ritwal Sa Kaamulan Festival, tampok ang mga seremonya tulad ng Pangampo (pagsamba), Tagulambong hu Datu (ritwal ng bagong datu), at Panumanod (seremonya para sa mga espiritu). Ang bawat ritwal ay sumasalamin sa mga kaugaliang espiritwal at kultura ng mga katutubong tao ng Bukidnon. Pinagmulan ng Kaamulan Festival Kasaysayan ng Kaamulan Ang Kaamulan Festival ay unang isinagawa noong Mayo 15, 1974 sa Malaybalay bilang isang lokal na okasyon na ipinagdiriwang ang mga kontribusyon ng mga katutubo sa kultura ng Bukidnon. Sa tulong ng mga media, ang kauna-unahang Kaamulan ay naging popular at itinatag bilang regional festival ng Northern Mindanao noong 1977. Noong 1999, ang festival ay inilipat sa mga buwan ng Pebrero at Marso, kasabay ng Foundation Day ng Bukidnon. Kultural na Grupong Kasapi sa Kaamulan Festival Manobo Ang Manobo ay kabilang sa mga orihinal na tao ng Bukidnon. Ang kanilang kabuhayan ay nakatuon sa pagsasaka at paggawa ng mga hinabing gamit tulad ng hikaw, kuwintas, at pulseras. Ang mga Manobo ay may mahigpit na kultura at pamumuhay na itinaguyod sa pamamagitan ng ritwal ng datu. Arumanen-Manobo ay isang subgroup. Bukidnon, Higaunon, at Iba Pang Tribu Kasama sa mga kalahok na tribu ng Bukidnon ang Bukidnon, Higaunon, Talaandig, at iba pa. Ang Higaunon, halimbawa, ay kilala bilang "people of the wilderness" at may mga ritwal na isinagawa upang patatagin ang kanilang kultura at pamumuno ng datu. Ang kultura ng bawat tribu ay itinuturing na mahalaga sa pagpapanatili ng tradisyon at pamumuhay sa Bukidnon. Matigsalug Ang Matigsalug ay isang grupong etniko na matatagpuan sa lambak ng Tigwa-Salug, San Fernando, Bukidnon. Ang ibig sabihin ng kanilang pangalan ay “mga Tao sa Ilog ng Salug.” Ang mga kalalakihan ng Matigsalug ay karaniwang nagsusuot ng maikling pantalon na hanggang tuhod lamang at may mga turbante o telang pamugong sa ulo, na may mga palamuti tulad ng butyl o beads at buhok ng kambing o kabayo. Ayon sa tala, ang populasyon ng Matigsalug ay humigit-kumulang 146,500. Talaandig Ang Talaandig ay isang tribo na nakatira sa Bundok Kitanglad. Kilala sila sa pagpapatuloy at pagpapreserba ng kanilang mga katutubong kaugalian at paniniwala, tulad ng paggalang sa kalikasan at paniniwala kay Magbabaya, ang kanilang Diyos. Isa sa mga natatanging tradisyon nila ay ang "soil painting," isang uri ng pagpipinta gamit ang iba’t ibang kulay ng lupa na ginagamit bilang pandekorasyon at nagiging daan din sa pagpapabuti ng kanilang kabuhayan. Tigwahanon Ang Tigwahanon ay isang grupo ng mga tao na matatagpuan sa buong Munisipalidad ng San Fernando at mga hangganan ng Davao del Norte. Ang kanilang pangalan ay nagmula sa salitang “guwa” na nangangahulugang “scattered” sa Ingles, at mula sa ilog ng Tigwa kung saan sila naninirahan. Ayon sa mga pagtatantya, ang populasyon ng Tigwahanon ay aabot sa 36,128. Umayamnon Ang Umayamnon ay isang tribo na matatagpuan sa tabi ng ilog ng Umaran sa Bukidnon. Kilala sila sa kanilang pagiging mahinhin at matatag sa paggawa ng mga desisyon. Mahusay din sila sa mga gawaing kaugnay sa gubat. Gumagawa sila ng mga beadworks, tulad ng kwintas, pulseras, at handbag. Kasanayang Kultural ng Bukidnon Ang mga Manobo ng Bukidnon ay may ilang mga ritwal at kasanayan na isinasagawa sa loob ng isang taon: 1. Pangampo (Enero) – Isang ritwal ng pagdarasal kay Magbabaya para sa proteksyon ng kalikasan. 7 pinakaimportanteng bagay sa mundo: lupa, tubig, punong kahoy, apoy, hangin, tunog, at paniniwala at tradisyon. 2. Panagulilay (Marso) – Pagdarasal upang humingi ng ulan para sa kanilang mga sakahan. 3. Pang-ibabasok - pagsamba bago at pagkatapos magtanim; nangangailangan ng manok na kulay puti, pula at dilaw. 4. Talabugta - nagpapasalamat sa lupang puno ng kasaganaan. 5. Salangsang – Seremonya ng pagpapahintulot kay Magbabaya bago magtanim. 6. Lagong – Pasasalamat sa mga biyaya at magandang ani mula kay Magbabaya. 7. Samayaan (Oktubre) – Pagtitipon upang magpasalamat sa kapayapaan at mabuting kalusugan. 8. Pangapar – Pagtitipon ng mga manggagamot upang itaboy ang mga sakit at epidemya. Mga Katutubong Instrumento Ang musika ay may mahalagang bahagi sa kultura ng Bukidnon. Narito ang ilan sa kanilang mga instrumento: Agong – Isang tambol na ginagamit sa pagtawag ng mga miyembro ng tribu. Tambol – Gamit sa mga festival at sayawan, gawa sa hungkag na kahoy. Bantola at Saluray – Gamit sa pagsasayaw upang makalikha ng mga kakaibang tunog. Kutyapi – Isang gitara na ginagamit sa pag-awit at pagsasayaw. Mga Etnikong Awit at Sayaw Olaging – Isang katutubong epiko ng Bukidnon na nagsasalaysay ng buhay at agrikultura ng mga tao. Limbay – Isang patulang awitin na nagpapahayag ng damdamin ng mang-aawit. Dugso – Isang ritwal na sayaw ng kababaihan para sa mga selebrasyong panrelihiyon. Binanog – Sayaw ng tribong Talaandig na ginagaya ang galaw ng isang ibon. Etnikong Damit at Kagamitan Ang mga damit at kagamitan ng mga tribu sa Bukidnon ay may espesyal na kahulugan: Datu – Ang lider ng tribu ay nagsusuot ng mga kulay na pula, itim, asul, at may mga palamuting beads at buhok ng hayop. Bae – Ang asawa ng Datu ay nagsusuot ng blusa at saya na may makulay at masalimuot na disenyo. Kagamitan ng Datu – Kabilang dito ang mga espesyal na kutsilyo, bolo, kalasag, at mga kuwintas na gawa sa beads. Wika at Komunikasyon Bagamat may kanya-kanyang wika ang bawat tribu sa Bukidnon, ang Cebuano at Filipino ang ginagamit nila sa komunikasyon, lalo na sa mga hindi taga-Bukidnon. MGA MANSAKA 1. Ang Mga Mansaka Ang mga Mansaka ay isang etnikong grupo na matatagpuan sa Rehiyon XI, partikular sa mga probinsya ng Davao del Norte at Compostela Valley. Ayon kay Dr. Marilyn C. Arbes, ang pangalan ng "Mansaka" ay hango sa mga salitang "man" (tao) at "saka" (umakyat), na tumutukoy sa kanilang katangian bilang mga unang tao na umakyat sa bundok o umakyat sa mga ilog. Ang mga unang tao ng Mansaka ay tinatawag na "Tipamud." Kultura at Kabuhayan Ikinabubuhay: Ang mga Mansaka ay mga magsasaka, mang-uugnay ng mga hayop tulad ng mga usa at baboy-ramo, at mangingisda. Mahalaga sa kanila ang alintuntuning pang-komunidad tulad ng hindi pangingisda sa ibang teritoryo ng kanilang tribu. Kagamitan at Kasuotan: Ang mga Mansaka ay mahilig sa paggawa ng dagmay (damit mula sa abaka), basket, palayok, at brasswares. May mga natatanging kulay na ginagamit sa kanilang kasuotan: pula (para sa mga datu, bagani, at mga lalaki ng datu), asul, dilaw, at puti (para sa mga karaniwang tao). Paniniwala at Ritwal Baylan: Ang baylan ay isang mahalagang bahagi ng kanilang komunidad, lalo na sa panggagamot at ritwal na isinasagawa sa panahon ng pagtatanim at pag-aani. Naniniwala sila sa kanilang Diyos na si Magbabaya. Paniniwala sa Kamatayan: Ang mga tradisyon sa kamatayan ay may kasamang ritwal tulad ng paglalamay, at mga paniniwala tulad ng pagbasag ng pinggan sa kabaong upang itigil ang susunod na kamatayan. Ang bahay kung saan namatay ay sinusunog o tinatanggalan ng dingding bilang isang uri ng paglilinis. Pag-aasawa May yugto ng pamamanhikan kung saan ang lalaki ay magbibigay ng dowry o mga bagay na tinatawag nilang saud sang gatas ng ina (halaga na ipapamana ng lalaki sa pamilya ng babae). Ang mga Mamanwa ay karaniwang nagsasagawa ng monogamous na kasal. 2. Ang Mga Mamanwa Ayon kay Nenita Rebecca Y. Casten, ang mga Mamanwa ay isang katutubong grupo na matatagpuan sa hilagang-silangan ng Surigao at Agusan. Ang pangalan nilang "Mamanwa" ay nangangahulugang "first forest dwellers" o mga unang naninirahan sa kagubatan, mula sa mga salitang "man" (una) at "banwa" (kagubatan). Tinatawag din silang Kongking dahil sa kanilang kulot na buhok, na tumutukoy sa salitang "conquista", ibig sabihin ay "mga tinalo." Kultura at Pamumuhay Pamumuhay: Ang mga Mamanwa ay nomadic o mga lagalag na walang permanenteng tirahan. Sila ay nangangalap ng mga orkidya, nuts, at ratan upang ibenta. Gumagamit sila ng mga pan (pana) at busog upang manghuli ng mga hayop at isda. Paniniwala at Ritwal Pananampalataya: Naniniwala ang mga Mamanwa sa isang Diyos na si Magbabaya at sa mga espiritu ng kalikasan. Tuwing kabilugan ng buwan, nagsasagawa sila ng Moon-Prayer, isang ritwal ng panalangin na may kasamang tugtog at sayaw. Naniniwala sila na ang buwan at araw ay tahanan ng kanilang manlilikha. Agrikultura: Bagamat mahirap para sa kanila na magsaka dahil sa kanilang nomadikong pamumuhay, may mga pansamantalang bahay sila na gawa sa kahoy at dahon. Pag-aasawa Ang mga Mamanwa ay karaniwang nag-aasawa ng mga kabataan na may edad 13-16 taon. Ang pamadje o tulong mula sa mga magulang ay mahalaga upang makapunta ang lalaki sa tahanan ng babae. Ang seremonya ng kasal ay nagsisimula sa isang simpleng rito kung saan ang magkasunod na magkasintahan ay uupo at hahawakan ang kamay ng bawat isa habang may kasamang bigas. Paniniwala sa Kamatayan Kamatayan: Ang mga Mamanwa ay may mga paniniwala ukol sa kamatayan tulad ng hindi pag-iingay o pag-iyak upang hindi magalit ang mga engkanto. Iniiwasan din nila ang pagwawalis ng sahig kapag may patay, at ang mga nagbabantay sa patay ay hindi natutulog dahil sa paniniwala na ang masamang kaluluwa ay maaaring pumatay sa kanila. Pagsusuri at Pagkakaiba ng Mga Kultura Mansaka: Mas nakatuon sa komunidad at agrikultura. May mga detalyadong ritwal at simbolismo sa kanilang kasuotan, pag-aasawa, at kamatayan. Mamanwa: Isang nomadikong tribu na naniniwala sa mga espiritu ng kalikasan at may mas simpleng pamumuhay. Ang kanilang kasal at kamatayan ay may mga ritwal na nakatuon sa kalikasan at espiritwal na paniniwala. MGA MERANAW Heograpiya at Kasaysayan Ang Meranaw ay tumutukoy sa mga Muslim na naninirahan sa paligid ng Lawa ng Lanao, ang pangalawang pinakamalaking lawa sa Pilipinas. Ang "Ranao" ay nangangahulugang lawa o lanaw, kaya't ang mga naninirahan dito ay tinawag na Maranao (mga taong naninirahan malapit sa lawa). May dalawang teorya tungkol sa pinagmulan ng Meranaw: ○ Epiko ng Bantugan o Darangan: Pinamunuan ni Butuanun Kalinan mula Bombaran (Silangan). ○ Migrasyon: Patungo sa Katimugang Mindanao kung saan nakipagsanib sa Iranon/Ilanon. Tinawag ni Pangulong Manuel L. Quezon ang Lanao bilang “maliit na Baguio ng timog”. Sa ilalim ng Batas Republika 2228 (1959), hinati ito sa Lanao del Sur at Lanao del Norte. 2. Ekonomiya Kabuhayan: ○ Pagsasaka: Pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan. ○ Mga produktong ipinagmamalaki: bigas, marang, at durian. ○ Hinahabing banig at malong: Kilala sa kanilang disenyo at multifunctionality. ○ Gumagawa ng gong, sarimanok, kulintang, at iba pang brassware na may okil na disenyo mula sa Tugaya. 3. Estruktura ng Lipunan Tatlong Uri ng Tao: ○ Malaibangsa: Namamanang aristokrasya (mga sultan at datu). ○ Pegawid: Magsasaka’t manggagawa (malalaya o freemen). ○ Bisaya: Dating uri ng alipin na unti-unting nawala. Pag-aasawa: ○ Maaaring mag-asawa ang lalaki ng higit sa isa, basta may pahintulot ng unang asawa. ○ Ang lalaki ay may karapatang makipagdiborsyo, ngunit may partikular na batayan bago magawa ito ng babae. 4. Adat at Taritib (Kaugalian at Tradisyon) Mahigpit na pagsunod sa magulang. Sentro ng buhay ang maratabat o amor propio (dangal ng pamilya). ○ Kailangang ipagtanggol ang dangal ng angkan. ○ Ang mataas na uri sa lipunan ang mas may responsibilidad sa pagpapanatili ng maratabat. 1. Inikadowa Inikadowa: Ang espiritu o hindi nakikitang tao na pumapasok sa katawan ng tao upang magsalita at gumalaw. Pundarpaan: Taong maaaring maging daluyan ng inikadowa. Ritwal ng Pagtawag: ○ Pagsusuot ng dilaw na barong at tubao. ○ Paggamit ng katutubong pabango (lana manot). ○ Pagkaway ng panyo sa bintana. Layunin: ○ Maaaring gamutin ang sakit o magbigay ng gabay. ○ Nangangailangan ng ritwal tulad ng paghahandog ng pagkain o paggawa ng lamin (bahay-bahayan). 2. Kapamangangai sa Tonong Tonong: Mga ispiritung tumutulong o nagpaparusa. Ritwal ng Pag-anyaya: ○ Handog: malaking manok at kaning dilaw. ○ Tawag sa ispiritu ng lawa, bundok, o palay. Layunin: ○ Protektahan ang pananim laban sa peste at magnanakaw. ○ Pagpatay ng kaaway gamit ang pananggalan (parang anting-anting na gawa sa buhok at kalamansi). 3. Pamahiin Tungkol sa Kalikasan Araw at Buwan: ○ Araw: Isang taong nasa karo na sinusundan ng mga anghel. ○ Buwan: Babaeng sinusubaybayan ng mga anghel; nagdudulot ng eklipse kapag inatake ng leyon. Daigdig: ○ May pitong palapag; ang ikaanim ay tirahan ng mga duwende. ○ Dinadala ng higanteng lumbong, nagkakaroon ng lindol kapag ito’y sinisipit ng hipon. Bituin: Mga alahas ng babaeng tinangay ng unos. Ulan: Tubig na ibinubuhos ng prinsesa ng kalangitan. 4. Kahulugan ng mga Pangyayari Lindol: Nagpapahiwatig ng malaking sakuna (hal. digmaan). Kulog at Kidlat: Sandata ng Diyos laban sa demonyo. ○ Panalangin: “Haedo billahi mina saitan ir rajim, bismillah ir rahman ir rahim.” Ulan at Baha: Parusa dahil sa masamang gawa ng tao. 5. Kapangyarihan ng Koran Pagsusumpa: ○ Ginagamit upang patunayan ang katotohanan sa korte. ○ Paniniwala na ang sinungaling ay makakaranas ng kapinsalaan. Proteksyon: Nagdudulot ng takot sa masasamang loob. 6. Wika Maranaw: Pangunahing wika ng mga Meranaw; matigas ang tono at diin. Marunong din sila ng Cebuano, Filipino, at Ingles para sa pakikipag-usap sa ibang grupo. MGA MAGUINDANAWON 1. Heograpiya at Pangalan Pinagmulan ng Pangalan: ○ "Maguindanao" ay mula sa salitang maginged (tumira) at danao (lawa). ○ Nangangahulugan ng "mga taong nakatira sa paligid ng lawa." Lokasyon: Timog-silangang Mindanao, partikular sa Cotabato Valley, na madalas binabaha. 2. Kabuhayan at Pagkain Kabuhayan: ○ Pangunahing hanapbuhay: Pagsasaka, partikular sa bigas na itinatanim sa mabasang lugar. ○ Gumagawa rin ng mga sandata tulad ng kris at kampilan (ngunit unti-unti nang nawawala). ○ Ang mga babae ay naghahabi ng oulan (banig). Pagkain: ○ Karaniwan: Bigas, sago, mais, kamoteng kahoy, gulay, manok, isda. ○ Espesyal na pagkain sa okasyon: Putok, amik, panialam, dudol, inti, pill, balabed, at iba pa. ○ Ang pagkain ay ayon sa hinihingi at ipinagbabawal ng relihiyong Islam. 3. Pamumuhay Bahay: ○ Iisang palapag, may dalawa o higit pang kwarto (bilik), at ang ilalim ay ginagawang bodega. ○ Ang mga babae ang may pangunahing karapatan sa mga kwarto. ○ Karaniwang sahig ay banig na gawa sa rattan; gumagamit na rin ng carpet ang iba. Sining: ○ Ang mga lalaki ay manlililok o iskultor. ○ Disenyo: Mga sandata o instrumentong musikal; ipinagbabawal ang pag-ukit ng tao o hayop. 4. Paniniwala at Pamahiin Mga Supernatural na Nilalang: ○ Legasi: Higanteng kumakain ng tao. ○ Talabusaw: Kalahating tao, kalahating kabayo. ○ Busaw/Asuwang: Hindi nakikitang nilalang na nananakot. ○ Mantiyanak: Uri ng asuwang na mukhang maliit na bata na may masamang intensyon. Tonong (Espiritu): ○ Saytan: Masamang espiritu. ○ Jinn: Hindi masama, maaaring magbigay ng gabay o tulong. 5. Wika Maguindanaw: ○ Pangunahing wika ng mga Maguindanaon. ○ Marunong din silang mag-Filipino, Cebuano, at Ingles para sa komunikasyon sa iba. ZAMBOANGA – Ang Paraiso ng mga Bulaklak sa Katimugan 1. Pinagmulan ng Pangalan Samboangan: Katawagang mula sa salitang sambuan (mahabang kahoy na ginagamit ng mga Samal at Badjao para itulak ang vinta). Jambangan: Salitang Malay na nangangahulugang "pook ng maraming magagandang bulaklak." Zamboanga: Pangalan na ibinigay ng mga Kastila noong ika-17 siglo. 2. Mga Pangunahing Katangian Tinaguriang City of Flowers dahil sa saganang bulaklak na makikita sa paligid, at sa kariktan ng mga kababaihan ng Zamboanga. Kilala sa magagandang tanawin, tradisyon, at kakaibang kaugalian ng mga grupong etniko. 3. Mga Natatanging Tanawin at Tradisyon Badjao (Sea Gypsies): ○ Namumuhay sa mga bangkang lumulutang sa pampangin. ○ Nanghuhuli ng isda, naninisid ng perlas, at gumagamit ng makukulay na vinta. Taluksangkay Village: Mga bahay kubo sa tubig na may mahabang haligi. Pasonanca Park: ○ Paraiso ng kalikasan na may mga ilug-ilugan, punongkahoy, at hayop. ○ May treehouse na naging saksi sa maraming sumpaan at pagiibigan. Real Fuerza de Nuestra Senora del Pilar de Zaragoza (Fort Pilar): ○ Kuta na itinayo ng Kastila bilang depensa laban sa mga katutubo. ○ Kilala sa milagrosang kwento ng Mahal na Birhen. ○ Tampok ang karera ng makukulay na vinta tuwing Oktubre. Bale Zamboanga Festival: ○ Ginaganap tuwing Pebrero sa Pasonanca Park. ○ Pinagsasama ang mga Kristiyano, Muslim, Badjao, Tsino, Tausog, Subanon, at iba pang grupo sa selebrasyon ng sayaw, dula, at tradisyon. 4. Wika Chavacano: Pangunahing wika, halong Kastila, Tagalog, Bisaya, at iba pang wika. ○ Malambing ang intonasyon, nangingibabaw ang impluwensya ng Kastila. Iba Pang Wika: Filipino para sa pangkalahatang komunikasyon. ○ Tausug: Ginagamit ng mga Tausog. ○ Badjao: Ginagamit ng mga Badjao. ○ Meranaw: Ginagamit ng mga negosyanteng Meranaw. 5. Mga Kaugalian Sa kabila ng pagkakaiba sa wika, pananampalataya, at kultura ng iba’t ibang grupo, nananatili ang pagkakaisa, kapayapaan, at pagkakaunawaan sa Zamboanga. DAPITAN 1. Ang Nayong Polo at ang Lungsod ng Dapitan Nayong Polo: ○ Bahagi ng Dapitan, may lawak na 434 ektarya at populasyon na 1,347. ○ Pangunahing hanapbuhay: Pangingisda, pagsasaka, at iba pang marangal na trabaho. ○ Pinagmulan ng Pangalan: "Polo" ay mula sa Pulo dahil dati itong tila isla na napalilibutan ng tubig bago naitayo ang tatlong tulay. Lungsod ng Dapitan: ○ Makasaysayang pook dahil sa apat na taong pagkakatapon ni Dr. Jose P. Rizal (1892–1896). ○ Si Rizal ay nanirahan sa Talisay (ngayo’y Rizal Park) at naging guro ng mamamayang Dapitanon. 2. Mamamayan Pawang mga Kristiyano, karamihan ay mga Romano Katoliko. Sumasampalataya sa Panginoon; ang wika ay Cebuano na may natatanging intonasyon. 3. Kaugalian at Pamahiin Katangi-tanging Kaugalian: 1. Pagbakas: Ang pagtuklas ng angkan ng isang manliligaw upang maiwasan ang pag-aasawa ng magkamag-anak. 2. Napakalapit ng ugnayan ng mag-anak, at mataas ang paggalang ng mga kabataan sa matatanda. Pamahiin sa Kasal: 1. Hindi dapat isukat ng ikakasal ang damit pangkasal. 2. Dapat umiwas sa paglalakbay ang ikakasal bago ang kasal upang maiwasan ang aksidente. 3. Kung ang nakababatang kapatid ang unang ikakasal, kailangang magbigay ito ng pera sa nakatatanda para sa kaligayahan ng pagsasama. Pamahiin sa Binyag: 1. Piliin ang ninong o ninang na may mabuting katangian upang mamana ito ng bata. Pamahiin sa Pagdadalaga: 1. Paluksuhin ang bata ng tatlong baitang sa unang regla para maikli ang tagal nito. 2. Maglagay ng bulak sa garter ng panti upang magaan ang katawan. 3. Upo sa dahon ng gabi upang hindi matagusan ng regla nang hindi namamalayan. 4. Wika Cebuano ang pangunahing wika ng mga taga-Dapitan. AMDG 💙 KHS