Summary

This document provides detailed information on human geography, including language families, religions, and ethnicity, discussing their importance in shaping human communities worldwide.

Full Transcript

HEOGRAPIYANG PANTAO Heograpiyang Pantao Tumutukoy sa pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Mahalaga ang wika sa kultura at identidad ng isang bansa. Ang mga wika ay mga organisadong sistema ng mga salita na ginagamit ng mga...

HEOGRAPIYANG PANTAO Heograpiyang Pantao Tumutukoy sa pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Mahalaga ang wika sa kultura at identidad ng isang bansa. Ang mga wika ay mga organisadong sistema ng mga salita na ginagamit ng mga tao sa pagpapabatid ng mga ideya sa ibang tao, sa pamamagitan ng kaparehong pag-unawa. Nakapaloob ang mga wikang ito sa tinatawag na language family o mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan. Tinatayang may 136 language family sa buong daigdig. Ang mga pamilya ng wikang ito ay nagsasanga-sanga sa iba pang wikang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ang limang pangunahing language family ayon sa dami ng gumagamit ay ang Afro-Asiatic, Austronesian, Indo-European, Niger Congo, at Sino-Tibetan. Sinasalamin ng wika ang karanasan, kapaligiran, at kultura ng mga tao. Hindi rin lahat ng tao sa iisang bansa ay magkakapareho ng wika. Maaaring magkaroon ng iba’t ibang wika at diyalekto batay sa rehiyon. Isang magandang halimbawa nito ang Pilipinas na mayroong iba’t ibang wika depende sa kung nasaan kang bahagi ng bansa. Kasama rin ang India sa mga bansang may iba’t ibang wika. Kabuluhan ng wika Sinasalamin ng wika ang kultura ng isang lahi. 1. batayan ito sa paghubog at pagkakakilanlan ng bawat pangkat ng tao. 2. may mahalagang papel sa paglinang ng kultura sapagkat ito ang nag-uugnay sa kanilang pangkat/grupo. Wika ang pinaniniwalaang susi sa pagkakaisa ng ibat-ibang grupo sa isang bansa. Kung nais natin na malaman o pag-aralan nang malaliman ang kultura at kasaysayan ng isang lahi, mainam na pag-aralan ang wika nito. Tangay ng mga tao ang wika saan man sila magpunta at kaakibat nito ang kanilang kultura Islam Budismo RELIHIYON Hinduismo Kristiyanismo Mga Pangunahing Relihiyon sa Daigdig Kristiyanismo 11.67% 31.59% 31.59% 7.10% Islam 15% 23.20% Hinduismo Budismo Non-Religious Iba pa Relihiyon Kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat ng mga tao tungkol sa isang kinikilalang makapangyarihang nilalang o Diyos. Nagmula ito sa salitang religare na nangangahulugang “buuin ang mga bahagi para maging magkaka-ugnay ang kabuuan nito. Relihiyon Maipapangkat sa dalawa ang mga relihiyon batay sa bilang ng sinasambang Diyos. Ito ay monoteismo na kumikilala sa iisang diyos, at politeismo na sumasampalataya sa maraming bilang ng diyos. Relihiyon Ilan sa mga kinikilalang relihiyon na monoteista ay ang Judaismo, Kristiyanismo, Islam at Sikhismo. May nagsasabi naman na ang Hinduismo ay monoteista, at may nagsasabi rin na ito ay politeista. Samantala, ang Jainismo at Budismo ay mga relihiyon na walang diyos na kinikilala. Sa halip, ang mga tagasunod ng mga relihiyong ito ay ginagabayan ng mga aral ng kani- kanilang sekta. Judaismo Ang unang relihiyon na umiinog ang pananampalataya sa iisang diyos na pinaniniwalaang lumikha sa lahat. Pinaniniwalaan na hudyo na sila ay pinili ng kanilang diyos bilang kaniyang bayang hinirang (chosen people). Ito ay relihiyong etniko dahil ito nagnanais ng magpalaganap ng kasapi na hindi Hudyo. Dahil sa digmaan, paghahangad ng mabuting pamumuhay, at kaganapang political, kumalat sa ibat-ibang panig ng mundo ang maliliit na populasyon ng nananampalataya sa Judaismo. Kristiyanismo Ang Kristiyanismo ay nakabatay sa buhay at mga turo ni Hesus ng Nazareth, na pinaniniwalaang anak at sugo ng Diyos na ipinadala sa mundo upang iligtas ang sangkatauhan. Ang Kristiyanismo ay kumalat dulot ng malawakang pagpapatanggap dito at mga gawain ng mga misyonaryo. Kristiyanismo Kung babalikan ang mga grapikong pantulong, makikita na tinatayang 2.3 bilyong tao ang naniniwala sa Kristiyanismo. Ang mga banal na utos para sa mga Kristiyano ay nakasaad sa Bibliya. Sa loob ng Kristiyanismo ay mayroong iba’t ibang pangkat at sekta. Ang mga ito ay nagkakaiba batay sa kanilang pag-unawa at pagsasabuhay ng mga turo ni Hesus. Ang ilan sa pinakamalaking pangkat ng mga Kristiyano o Iglesia (church) ay ang Roman Catholic Church, Eastern Orthodox Church, at Protestant Churches. Islam Naitatag sa Arabia at nangangaral ng pagsunod sa kagustuhan ng iisang diyos na si Allah. Hindi lamang espirituwal na pamumuhay ang binibigyang gabay ng Islam. Kasama sa turo ng Islam ang pagpapalakad ng isang lipunan batay sa mga batas ng Islam sa ilamin ng isang estado. Samakatuwid ay mayroong pulitikal na aspekto rin ang Islam. Para sa mga naniniwala sa Islam, ang isang huwarang lipunan ay ginagabayan ng mga batas ng Diyos at hindi ng mga batas ng tao. Ang mga batas na ito ay nakasaad sa Sharia o ang batas ni Allah. Saklaw ng batas ang iba’t ibang aspektong ng pamumuhay katulad ng pagkain, pagnenegosyo, pagpaparusa sa mga nagkasala, at pag-aalaga ng mga anak. Islam Ang Islam ay nangangahulugang "pagsunod" o "pagpapakumbaba" sa kalooban ng Diyos o Allah, na siyang inihayag ng Diyos kay Propetang Mohammed. Ang mga inihayag na salita ng Diyos o Allah ay nakasaad sa Koran. Ilan sa itinuturing na sagradong lugar ng mga Muslim ay ang Mecca, ang pinagmulan ni Propetang Mohammed, at ang Medina. Hinduismo Ang mga naniniwala sa Hinduismo ay sumasamba sa maraming mga diyos na may kontrol sa ibat-ibang aspekto ng buhay. Walang tiyak na paraan ng pagsamba at paniniwala ang Hinduismo dahil umaayon ito sa kagawian ng ibat-ibang pamayanan. Nahati pa ito sa ibat- ibang pangkat na kalaunan ay kinilala na rin bilang relihiyon. Hinduismo Isa na dito ang Jainismo na nangangaral ng ahimsa (paggalang sa lahat ng buhay) at reengkarnasyon (pagkabuhay na muli sa ibang katawan o anyo matapos ang kamatayan). Isa pa ay ang Sikhismo na may ilang element ng Islam at hinduismo na pinagsama sa kanilang paniniwala tulad ng pagkakaroon ng iisang diyos at pamumuhay nang marangal at may tamang kaasalan. Noon, ipinapalaganap ang relihiyong Sikhismo ngunit ngayon, nasa bansang India ang mayorya ng populasyon ng mga niniwala dito. Budhismo Ang Budhismo ay isa sa mga relihiyong nagmula sa pagreporma ng relihiyong Hinduismo. Ang nagtatag ng relihiyong Budismo ay si Siddhartha Gautama o Buddha na nabuhay sa Hilagang India. Ayon sa Budismo, maaaring makamit ang nirvana o enlightenment sa pamamagitan ng pagtanggal ng pagnanais at pamumuhay nang may moderasyon, may tamang ugali, at tamang pag-iisip. Ang mga kasulatan ng Budismo ay nakasaad sa Tripitaka. Budhismo Mayroong Apat na Katotohanan o Four Noble Truths sa mundo ayon sa Budhismo. Ipinaliliwanag ng mga katotohang ito ang mga paraan upang harapin at mabuhay sa mundo, at kung paano maaabot ang nirvana. 1. Ang unang katotohanan ay mayroong paghihirap sa mundo. Ilan sa pinanggagalingan ng paghihirap ay kamatayan, sakit, hindi pagkamit ng mga ninanais Budhismo 2. Ang pangalawang katotohanan ay ang pinagmulan ng paghihirap sa mundo. Ayon sa Budismo ang paghihirap ay nagmumula sa pagnanais. May iba naman na nagsasabi na ang paghihirap ay galing sa masamang gawain tulad ng pagpatay at pagsisinungaling, at masamang pag-iisip katulad ng pagkamuhi, galit, at kamangmangan. Budhismo 3. Ang pangatlong katotohanan ay ang pagkawala ng paghihirap sa pamamagitan pagabot ng nirvana. 4. Itinuturo ng pang-apat na katotohanan ang paraan kung paano makahuhulagpos sa paghihirap upang maabot ang nirvana. Race o lahi tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, gayon din ang pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat. Lahi Ang lahi ay isang konseptong panlipunan na binubuo upang pangkatin ang mga tao batay sa pagkakaiba sa katangiang pisikal (taas, pangangatawan, kulay ng balat, buhok) at kaasalan. Mauuri ang mga lahi sa daigdig sa sumusunod na pangunahing mga grupo: Negroid, Caucasoid, Mongoloid, at Australoid. Ang mga Negroid ay karaniwang may maitim na balat, kulot na buhok, at maaaring maging matangkad o pandak. Kabilang sa mga Negroid ang mga pangkat etniko mula sa Africa, mga Negrito sa Asya, at ilang pangkatetniko sa mga isla sa Pasipiko. Ang mga Caucasoid ay maaaring mayroong maputi o kayumangging balat, maaaring mapusyaw hanggang maitim ang buhok, at maaaring maging matangkad o katamtaman ang taas. Kabilang dito ang mga pangkat etniko sa Europa at sa gitna, timog, at ilang bahagi ng Hilagang Asya. Ang mga Mongoloid ay karaniwang may madilaw o mamula-mulang balat, tuwid at maitim na buhok, at may karaniwang tangkad. Kabilang sa mga Mongoloid ang mga pangkat etniko mula sa Silangang Asya (katulad ng mga Koreano, Hapones, at Tsino), mga Eskimo, at mga katutubo ng Amerika (American- Indian). Marami sa pangkat etniko sa daigdig ngayon ay mayroong pinaghalong katangian mula sa tatlong grupong ito, dahil sa patuloy na pakikipag- ugnayan ng mga tao. Ang isang halimbawa ng grupong may katangiang pinaghalo ay ang Australoid, na sinasabing mayroong katangian ng Negroid, Malay, at katutubong Indian. Sa katunayan, dahil sa globalisasyon at mas malayang paggalaw ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng mundo, hindi na nagiging angkop ang pag-uuri sa mga tao batay sa kanilang pisikal na katangian. Ang mga scientist na gumawa ng pag- aaral tungkol sa DNA ng mga tao ang nagsabi na ang konsepto ng lahi o race ay walang batayan sa agham. Ayon sa kanila, ang pagkakaiba-iba ng ating pisikal na anyo ay dahil sa genes o mga katangiang ating namana mula sa ating mga ninuno at magulang. Dahil na rin sa pangangalakal, pananakop, at pandarayuhan sa ibang kontinente ay naghalo-halo na ang genes ng mga tao. Kahit matangos ang ilong at maputi ang balat ng isang tao, hindi ibig sabihin na siya ay isang Caucasoid at wala siyang dugo o lahi ng mga tao mula sa Timog-Silangang Asya o Aprika. Isang magandang halimbawa nito ang Pilipinas. Dahil sa ating bukas na ugnayan sa iba’t ibang lahi at dahil sa pananakop ng mga dayuhan ay masasabing halo-halo na ang ating lahi o dugo. Marami sa atin ay pinaghalong Malay, Tsino, Espanyol, Amerikano, Hapones, at iba pa kaya hindi ganoon kadaling masabi na tayo ay Caucasoid, Negroid, Mongoloid, at Australoid. Ang konsepto ng lahi at paggamit ng pisikal na anyo bilang batayan nito ay isang mahalagang isyu sa mga bansang mayroong populasyon na may iba-ibang pinanggalingan at kultura. Halimbawa nito ay ang bansang Estados Unidos. Mayroong nangyayaring diskriminasyon sa mga taong hindi nagtutugma ang pisikal na anyo sa sinasabing lahing Caucasoid. Ang pinanggalingan ng diskriminasyong ito ay ang paniniwalang mas angat ang mga lahing puti o Caucasoid kaysa sa ibang lahi. Sa ilang siglo ng pananakop ng mga dayuhan ay atin na ring naranasan ang diskriminasyon. Sinakop ang Pilipinas ng mga Espanyol kasama ang paniniwala na sila ay mas nakaaangat sa mga katutubo. Ilang halimbawa ng mababang pagtingin na ito ay ang pagtawag sa mga katutubo bilang indio at ang pagbawal sa mga paring katutubo na humawak ng parokya. Ipinaramdam din ng mga Amerikano ang mababang pagtingin sa mga katutubo noong sinakop nila ang Pilipinas. Sa katunayan, ang ibinigay nilang dahilan ng pananakop ay upang turuan tayo kung paano mamahala ng isang bansa sa paniniwalang wala tayong kakahayan upang gawin ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin naaalis ang mababa nating pagtingin sa kayumangging balat. Makikita ito sa dami ng mga produktong pampaputi. Mararamdaman ito sa pagbibigay-puri sa mga taong nagsasabi na sila ay halo ng ibang lahi o sila ay mestiza at mestizo. PANGKAT ETNIKO Pangkat Etniko Hango sa salitang “etniko” na nagmula sa salitang Greek na ethnos na nangangahulugang “mamamayan.” Ang mga miyembro ng pangkat-etniko ay pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at relihiyon kaya naman sinasabing maliwanag ang kanilang sariling pagkakakilanlan. Pangkat Etniko Isang paraan upang klasipikahin ang mga tao batay sa kanilang pinagmulan (ancestry) at katangiang kultural. Tinatawag itong mga pangkat etniko na kalipunan ng mga tao na may pagakakatulad sa wika, relihiyon, pagkain, paniniwala, kaasalan, at kultural na pagkakakilanlan. Pangkat Etniko Ang mga pangkat-etniko ay kabilang pa sa mas malaking pangkatan ng mga mamamayan ng isang bansa. Isang halimbawa nito ang patakaran ng Estados Unidos na pinangkat ang mga minorya bilang mga Katutubong Amerikano (Iroquis, Navajo, Inuit, at iba pa), mga Hispano (Kubano, Mehikano), at mga Asyano-Amerikano (Koreano, Pilipino, at Tsino). Sa Pilipinas naman, ang mga pangkat etniko ay mga katutubong komunidad tulad ng Mangyan, Tagbanwa, Ifugaw, Tausug at marami pang iba. GRUPONG ETNOLINGGWISTIKO ANG PAGKAKAPAREHO AT PAGKAKAIBA NG MGA TAO SA ISANG BANSA AYON SA KULTURA. 2 BATAYAN NG PAGHAHATING ETNOLINGGWISTIKO WIKA ETNISIDAD SUMASALAMIN AT MISTULANG KAMAG- ANAKAN PANGUNAHING PAGKAKAKILAN- LAN NG ISANG PANGKAT II.RELIHIYON I.WIKA HUMAN GEOGRAPHY III.PANGKAT ETNIKO IV.LAHI

Use Quizgecko on...
Browser
Browser