PERSPEKTIBO NG HUMAN RESOURCE PRACTITIONER SA EPEKTO NG CRAB MENTALITY SA POTENSYAL NA KASANAYAN NG MGA EMPLEYADO (2025) - PDF

Document Details

GlimmeringLlama4939

Uploaded by GlimmeringLlama4939

Polytechnic University of the Philippines

2025

Besario, John Moises S. Dia, Karl Vincent M. Dumanig, Mark Eduard C. Licmo, Dave Ghio D. Licmo, Karyle A. Marcelo, John Marwin F. Nebreja Michelle N. Pé́̀̀́nas, Zailyn R.

Tags

crab mentality human resource management organizational behavior employment

Summary

Ang konseptong papel na ito ay nag-aaral sa epekto ng crab mentality sa potensyal na kasanayan ng mga empleyado sa Pilipinas, mula sa perspektibo ng mga Human Resource Practitioner. Inaalam ang mga karaniwang dahilan ng crab mentality at ang negatibong epekto nito sa mga indibidwal at organisasyon. Pinag-aaralan din ang mga potensyal na solusyon at rekomendasyon para sa pagtataguyod ng isang positibo at produktibong kapaligiran sa trabaho.

Full Transcript

Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna PERSPEKTIBO NG HUMAN RESOURCE PRACTITIONER SA EPEKTO NG CRAB MENTALITY SA POTENSYAL NA KASANAYAN NG MGA EMPLEYADO Isang Konseptong Papel na Inilahad ng Kursong...

Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna PERSPEKTIBO NG HUMAN RESOURCE PRACTITIONER SA EPEKTO NG CRAB MENTALITY SA POTENSYAL NA KASANAYAN NG MGA EMPLEYADO Isang Konseptong Papel na Inilahad ng Kursong Bachelor of Science In Business Administration Human Resource Management ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas – Santa Rosa Santa Rosa City, Laguna Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa Akademikong Konteksto ng Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran Ipinasa nina: Besario, John Moises S. Dia, Karl Vincent M. Dumanig, Mark Eduard C. Licmo, Dave Ghio D. Licmo, Karyle A. Marcelo, John Marwin F. Nebreja Michelle N. Peñas, Zailyn R. ENERO 2025 i Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna TALAAN NG NILALAMAN Pahina Pahina ng Pamagat…………………………...……………………………………………………...i Talaan ng Nilalaman………………………………………………………………………………….ii KABANATA 1: Ang Suliranin at Kaligiran ng Pananaliksik Panimula………………………………………………………………………………………………1-3 Kaligiran ng Pag-aaral……………………………………………………………………………….4-5 Paglalahad ng Suliranin……………………………………………………………………………..6 Layunin ng Pag-aaral………………………………………………………………………………..7 Kahalagahan ng Pag-aaral…………………………………………………………………………8-9 Konseptwal na Balangkas………………………………………………………………………….10-11 Teoretikal na Balangkas……………………………………………………………………………11-14 Saklaw at Limitasyon……………………………………………………………………………….13-14 Katuturan ng mga katawagan……………………………………………………………………..14-17 KABANATA 2: Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral Kaugnay na Literatura………………………………………………………………………………18-29 Kauganay na Pag-aaral…………………………………………………………………………….30-34 Sintesis……………………………………………………………………………………………….34-35 KABANATA 3: Metodolohiya ng Pananaliksik Disenyo ng Pananaliksik……………………………………………………………………………36-37 Kalahok at Sampling Method………………………………………………………………………37 Instrumento ng Pananaliksik……………………………………………………………………….37-38 Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos……………………………………………………………..38-39 Etikal na Konsiderasyon……………………………………………………………………………39-40 Pag-aanalisa ng Datos……………………………………………………………………………..40-41 Talatanungan para sa kwalitatibong Pananaliksik………………………………………………42 Talaan ng Sanggunian……………………………………………………………………………..43-46 ii Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna Kabanata 1 ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PANANALIKSIK Panimula Ayon kay Sigmund Freud, ang kaisipan ng isang indibidwal base sa kanyang Psychoanalytic Theory, ay binubuo ng tatlong pangunahing bahagi, at ito ay ang id, ego, at superego. Ang id ay nagtatrabaho batay sa prinsipyo ng kasiyahan at kinakatawan ang matinding pagnanasa at pangangailangan ng tao. Samantala, ang ego, na kinabibilangan ng kamalayan, ay may tungkulin na kontrolin ang repleksyon ng mga kilos ng isang indibidwal sa panlabas na mundo, kabilang ang pagsusuri ng mga panaginip. Ang superego naman ay kumakatawan sa enerhiya ng reaksyon sa mga desisyong ginagawa ng tao, na tumutulong sa pagtimbang kung ang isang gawain ay moral o hindi (Freud, 1923). Ayon sa teoryang ito, ang mga indibidwal na may dominanteng id ay may posibilidad na kumilos para lamang sa kanilang pansariling interes. Ang ganitong pag-uugali ay maaaring maging sanhi ng pagsasamantala sa mga tao sa paligid upang makamit ang sariling layunin (Ece, 2024). Ang ganitong uri ng asal ay hindi malayo sa tinatawag ni Itamar Shatz, PhD, na "crab mentality”. Ang crab mentality ay isang phenomenon kung saan ang isang indibidwal ay nagkakaroon ng negatibong reaksyon sa mga umaangat o sumusulong sa kanilang buhay. Ang ganitong kaisipan ay nagmumula sa inggit at sa pagnanais na ipakita na mas maganda ang sariling kalagayan kaysa sa iba. Sa halip na gawing inspirasyon ang tagumpay ng iba, ginagamit ang crab mentality bilang mekanismo upang bawasan ang halaga ng tagumpay ng iba at mapataas ang sariling imahe (Shatz, 2025). 1 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna Sa lugar ng trabaho, ayon kay Abdul, ang crab mentality ay makikita sa mga tao na nagnanais ng kabiguan ng kanilang mga kasamahang nagtatagumpay. Ang ganitong mentalidad ay lubhang nakasasama sa isang organisasyon dahil nagdudulot ito ng pagkaantala sa tagumpay ng grupo. Ang pangunahing ugat ng ganitong pag-uugali ay ang kawalan ng kakayahan ng mga indibidwal na akuin ang responsibilidad para sa kanilang sariling pag-unlad. Sa halip na gumawa ng mga hakbang upang magtagumpay, mas pinipili nilang hilahin pababa ang iba na makasasama hindi lamang sa mga indibidwal kundi sa buong komunidad o organisasyon (Abdul, 2022). Ang ganitong mentalidad ay hindi lamang pumipigil sa tagumpay ng isang indibidwal kundi nagdudulot din ng domino effect sa kabuuang sistema ng isang organisasyon. Ang negatibong epekto ng crab mentality ay higit na nararamdaman sa mga panahon kung kailan ang suporta at pagkakaisa ay kinakailangan, tulad ng sa mga kritikal na proyekto o pagbabago sa isang kumpanya. Kapansin-pansin na ang mga tao ngayon ay nagiging mas maingat sa pagpapahayag ng kanilang mga ideya o talento, dahil sa takot na mahatak pababa ng mga taong may ganitong mentalidad o katangian. Sa panahon ngayon, kung kailan hinihikayat ang bawat isa na mag-ambag sa kolektibong tagumpay, ang ganitong pag-iisip ay nagiging hadlang sa inobasyon at pagkamalikhain. Sa halip na tulungan ang isa’t isa, ang crab mentality ay nagiging ugat ng kawalan ng tiwala, pagkakawatak-watak, at pagbaba ng moral sa lugar ng trabaho. Sa makabagong panahon, ang teknolohiya, partikular na ang paggamit ng social media at mga online platform tulad ng email, ay nagiging kasangkapan upang palaganapin ang negatibong impluwensiya ng crab mentality. Sa pamamagitan ng mga ito ay nagiging mas madali para sa ilang indibidwal na humila ng kanilang kapwa pababa na nagreresulta sa panghihina ng loob at kawalan ng kumpiyansa sa sarili ng mga 2 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna biktima. Sa ganitong kalagayan, ang mga indibidwal na may potensyal sa kasanayan ay madalas na nawawalan ng motibasyon na ipakita ang kanilang kakayahan dahil ang kanilang pagsisikap ay maaaring hindi mapansin o masabotahe dahil sa may mga ganitong mentalidad. Dahil dito, mahalagang bigyang-pansin ang pag-aaral tungkol sa crab mentality at ang epekto nito sa potensyal na kasanayan ng isang tao sa lugar ng trabaho. Ang pananaliksik na ito ay may layunin na alamin at suriin ang epekto nito sa indibidwal at organisasyon at tukuyin ang mga konkretong hakbang upang masugpo ito. Higit pa rito, layunin din nitong magbigay ng mga rekomendasyon upang maitaguyod ang isang positibo at produktibong kapaligiran sa trabaho, kung saan ang tagumpay ng isa ay nakikita bilang tagumpay ng lahat sa pamamagitan ng perspektibo ng mga Human Practitioner. 3 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna Kaligiran ng Pag-aaral Ang crab mentality ay inihalintulad sa mga alimango na nakalagay sa isang lalagyan na kapag tumakas ang isa dito ay hihilahin siya pababa ng kanyang mga kasama, makikita rin ito sa larangan ng trabaho. Ang mentalidad na ito ay isang pag-uugali na kadalasang naoobserbahan sa konteksto ng panlipunan, kapansin pansin ito sa kulturang Pilipino, maaari rin itong makita sa iba’t ibang bansa (Ron, 2025). Ang pag-uugali na ito ay isang aksyon ng indibidwal upang ito ay umangat at mag tagumpay sa kanyang ginagawa. Sa mentalidad na ito ay ipinapakita ang pag- uugali na naglalahad ng inggit, kawalan ng seguridad, o kompetisyon sa larangan ng trabaho. Ayon kay (Chand, C., 2020), “pag hindi ko makuha, dapat ikaw din”, ang pinaparating ng paniping ito ay ang kung saan ang isang tao ay gustong pigilan ang pag-unlad ng kanyang kapwa ng dahil sa nararamdaman niyang inggit, sama ng loob, kawalan ng kapanatagan, o pakikipag kompetensya. Ayon kay HAPI Admin (2023), ang crab mentality ay nakakapinsala hindi lamang sa mga indibidwal kundi sa buong lipunan. Sa mga Pilipino, ang infamous mentality ay maaaring nasubaybayan noong panahon ng kolonyal sa Pilipinas, kung saan ang mga colonizers ay lumaban sa mamamayan upang mapanatili ang kontrol. Nakakalungkot, ang mga Pilipino ay nagpatuloy sa kanilang mentalidad na crab mentality pagkatapos ng mga dekadang internalisation, patungo sa hindi maayos na kompetisyon at kawalan ng tiwala. Sa larangan ng trabaho, ang mentalidad na ito ay maaaring magkaroon ng negatibong kapaligiran sa mga indibidwal na maaaring hindi na maipahayag ng kanilang kaalaman sa mga gawain at makapanira sa tagumpay o pag hadlang sa pag-unlad ng kasamahan. Sa karagdagan, ang crab mentality ay negatibong mentalidad na maaaring limitahan ang potensyal at pag-unlad ng kasanayan ng bawat indibidwal. Sa halip na pagtutulungan, ang crab mentality ay isang pag-uugali na 4 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna nagpapakita ng kompetisyon at kawalan ng tiwala sa kasamahan. Mula naman kina Yeşilada & Yeniceri (2020) bilang resulta ng kompetisyon at ambisyon, nagpapakita ito ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga empleyado. Posibleng tumaas ang tensyon at presyon sa pamamagitan ng pagtigil ng komunikasyon at bilang isang pangkat ay hindi makabubuo ng magandang kapaligiran sa trabaho. Ang layunin ng pananaliksik nito ay alamin ang kaugalian ng crab mentality at epekto nito sa potensyal na kasanayan ng mga empleyado sa perspektibo ng Human Resource Practitioners. Sinasaliksik dito ang pagtukoy ng may ganitong mentalidad ang mga empleyado na tinatawag na crab mentality, kung saan ang epekto ng gantong mentalidad sa empleyado sa kalidad ng serbisyo ng paggawa sa trabaho. Sa karagdagan, pinapakita dito ang pag-unawa kung paano nakakaapekto ang crab mentality sa potensyal na kasanayan ng mga empleyado sa larangan ng trabaho. At sa huli, sa pananaliksik na ito tungkol sa crab mentality ay makakatulong ito sa mga Human Resource Practitioners upang malaman kung merong ganong mentalidad sa kanilang organisasyon o sa larangan ng trabaho. 5 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna Paglalahad ng Suliranin Iba’t ibang kultura ang ating makikita sa mga Pilipino, minsan ito ay kanilang nadadala sa tahanan, eskwelahan, at pati na rin sa trabaho. Kabilang na rito ang tinatawag nating talangkang pag-iisip o crab mentality. Ito ay isang pag-uugali o negatibong kilos o reaksyon sa isang tao, kung saan ito ay hinihila pababa o hindi masaya sa naging tagumpay nito. Ang ilan sa mga suliraning nakikita ng mga mananaliksik ay ang mga sumusunod: 1. Ano ang perspektibo ng mga Human Resource Practitioner sa crab mentality sa kanilang trabaho? 2. Paano nakaaapekto ang crab mentality sa pag-unlad ng potensyal na kasanayan ng isang empleyado? 3. Ano ang negatibong epekto ng crab mentality sa mga empleyado? 3.1. Kalusugang pangkaisipan 3.2. Kumpiyansa 3.3. Perpormans 4. Ano ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng crab mentality sa loob ng trabaho? 5. Anong mga hakbang ang maaaring gawin upang maiwasan ang negatibong epekto ng crab mentality sa kanilang potensyal? 6 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna Layunin ng Pag-aaral Ang kabuuang layunin ng pananaliksik na isinagawa ng mga mananaliksik ay malaman ang perspektibo ng mga Human Resource Practitioner ukol sa epekto ng crab mentality sa potensyal ng mga empleyado. Layunin din na alamin kung paano ba nito naapektuhan ang isang empleyado. Sa pag-aaral din na ito ay malalaman kung paano ba natutukoy at nabibigyang pansin ng mga Human Resource Practitioner ang crab mentality sa loob ng isang kompanya batay sa kanilang karanasan. Ang ilan pang mga layunin ng pananaliksik ay ang mga sumusunod: 1. Tukuyin ang mga negatibong epekto sa kalusugan, kumpiyansa, at perpormans. 2. Alamin at maunawaan ang mga posibleng dahilan ng pagkakaroon ng crab mentality sa loob ng trabaho 3. Makapagbigay ng mga hakbang upang maiwasan ang negatibong epekto ng crab mentality sa kanilang potensyal. 7 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna Kahalagahan ng Pag-aaral Sa pananaliksik na ito ay matutukoy ang kahalagahan ng perspektibo ng mga Human Resource Practitioner sa maaaring maging epekto ng crab mentality sa potensyal na kasanayan ng mga empleyado sa loob ng organisasyon. Makatutulong ang pananaliksik na ito upang makapagbigay ng mas malalim na pag-unawa sa konsepto ng crab mentality at paano ito makaapekto sa mga empleyado upang sa gayon ay maka-gawa ng mga hakbang ang mga Human Resource Practitioner upang mapanatili ang isang positibong kapaligiran sa loob ng organisasyon. Ang pananaliksik na ito ay magiging partikular na makabuluhan at kapaki-pakinabang sa mga sumusunod: Mga mananaliksik sa hinaharap. Makatutulong ang pag-aaral na ito sa mga mananaliksik sa hinaharap upang makapangalap ng ibang mga kaalaman o impormasyon tungkol sa perspektibo ng Human Resource Practitioner sa epekto ng crab Mentality sa potensyal na kasanayan ng mga empleyado. Maaari din nilang gamitin ang pag-aaral na ito upang makakuha ng ideya at maging gabay sa kanilang gagawing pag-aaral na may kaugnayan sa crab mentality. Mga estudyante. Magkaroon ng kamalayan ang mga estudyante kung ano ang mga nararapat nilang gawin o isagawa upang maiwasan ang negatibong epekto ng crab mentality sa loob ng organisasyon. Maaaring magbigay din ito ng motibasyon upang mapanatili at mapahusay pa ang kanilang pag-aaral sa kursong Human Resource Management (HRM). Mga Human Resource Practitioner. Makatutulong ang pag-aaral na ito sa mga praktisyuner upang magkaroon ng kamalayan patungkol sa crab mentality. Sa kadahilanang 8 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna maaari nilang maranasan ang ganitong sitwasyon o pangyayari sa loob ng isang organisasyon. Makakapangalap sila ng mga hakbang na maaari nilang maisagawa upang mapanatiling maayos ang bawat empleyado at magkaroon ng maunlad at positibong kapaligiran sa loob ng organisasyon. Mga Empleyado. Isa sa pangunahing makatatanggap ng rekomendasyon mula sa pag- aaral na ito, kung saan magkakaroon sila ng malaking pag-unawa kung paano nakaaapekto ang crab mentality sa potensyal na kasanayan ng mga empleyado sa kanilang pagkakaisa at pagtutulungan sa loob ng organisasyon. Ang mga rekomendasyon na ito ay maka-pagbibigay tulong upang mapanatiling maunlad ang isang organisasyon. Sa kabuuan, ang pananaliksik na ito ay nagbibigay kahalagahan at kaalaman sa bawat isa. Makatutulong ito upang mas maunawaan ng mabuti ang tunay na epekto ng crab mentality sa potensyal na kasanayan ng mga empleyado sa loob ng organisasyon. 9 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna Konseptuwal na Balangkas INPUT PROSESO AWTPUT 1. Demograpikong profile ng 1. Pagsasagawa ng panayam o Human Resource Practitioner interbyu sa mga Human (edad, kasarian, antas ng Resource Practitioner upang 1. Mas malinaw na pag- karanasan, at posisyon). maunawaan ang kanilang unawa sa pananaw ng pananaw sa crab mentality. Human Resource 2. Ano ang perspektibo ng mga Practitioners tungkol sa crab Human Resource Practitioner sa 2. Pagsusuri sa mga sagot mentality. crab mentality sa kanilang upang matukoy ang: trabaho? 2. Pagtukoy ng mga epekto Perspektibo ng HR ng crab mentality sa 3. Paano nakaaapekto ang crab practitioners sa crab mentality. potensyal na kasanayan, at mentality sa potensyal na ugnayan ng mga empleyado. kasanayan ng isang empleyado? Mga epekto ng crab mentality sa potensyal na kasanayan, at 3. Mga rekomendasyon para 3.1. Kalusugan relasyon ng mga empleyado. sa pagsugpo sa crab mentality at pagpapabuti ng 3.2. Kumpiyansa Negatibong epekto nito sa kultura ng organisasyon kultura ng organisasyon. 3.3. Perpormans Mga ugat o dahilan ng crab 4. Ano ang negatibong epekto ng mentality sa loob ng trabaho. crab mentality sa mga empleyado? 3. Pagtukoy sa mga posibleng solusyon o rekomendasyon 5. Ano ang pangunahing dahilan upang mabawasan ang epekto ng pagkakaroon ng crab ng crab mentality sa trabaho. mentality sa isang trabaho? 6. Anong mga hakbang ang maaaring gawin upang maiwasan ang negatibong epekto ng crab mentality sa kanilang potensyal? Pigura 1: Konseptwal na Balangkas Ang konseptwal na balangkas na binubuo ng Input, Proseso, at Awtput ay isang mahalagang gabay sa pagpaplano at pagsasagawa ng pananaliksik. Sa bahagi ng Input, 10 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna inilalahad ang mga pangunahing katanungang nais masagot sa pag-aaral. Ang mga katanungang ito ang nagsisilbing pundasyon ng pananaliksik, na maaaring nakabatay sa suliranin, layunin, o mga teorya na kailangang suriin. Ang Proseso naman ay tumutukoy sa sistematikong hakbang na sinusunod upang makuha at maanalisa ang mga datos. Kasama rito ang pagdidisenyo ng pamamaraan, pagsasagawa ng panayam, survey, o eksperimento, at pagsusuri ng datos gamit ang angkop na teknik. Samantala, ang Awtput ay ang resulta ng proseso, na nagbibigay ng kongkretong sagot sa mga katanungang inilatag sa input. Naglalaman ito ng mga natuklasan, konklusyon, at rekomendasyon na maaaring magamit para sa praktikal na aplikasyon o karagdagang pag-aaral. Teoretikal na Balangkas Sa buong pag-aaral, ang mga mananaliksik ay sumunod at umayon sa talahanayang nasa ibaba: Ayon Kay Festinger, Ang Teorya ng Paghahambing sa Sarili (Social comparison theory) ay isang mahalagang konsepto sa sikolohiya na nagpapaliwanag kung paano tinatamasa ng mga indibidwal ang kanilang kakayahan, tagumpay, at kalagayan sa pamamagitan ng paghahambing sa iba. Sa konteksto ng mga organisasyon, pinalawak nina Crusius, Corcoran, at Mussweiler (2022) ang teoryang ito upang suriin kung paano nakaaapekto ang social comparison sa kasiyahan ng mga empleyado, produktibidad, at dynamics ng trabaho. Ayon sa kanilang pag-aaral, ang mga empleyado ay nagsasagawa ng upward comparison (paghahambing sa mga matagumpay) at downward comparison (paghahambing sa mga hindi gaanong matagumpay), na maaaring magdulot ng mga positibo o negatibong epekto sa kanilang 11 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna motibasyon at kalagayan sa trabaho. Halimbawa, ang upward comparison ay maaaring magpataas ng motibasyon ngunit maaari rin magdulot ng pagkabigo, samantalang ang downward comparison ay maaaring magdulot ng pakiramdam ng pagiging nakatataas ngunit maaaring magdulot ng complacency at kawalan ng inisyatiba. Kapag ang mga empleyado ay patuloy na nakakaranas ng negatibong social comparison, ito ay maaaring magresulta sa crab mentality, kung saan ang mga indibidwal ay nagsasabotahe o humahadlang sa tagumpay ng iba upang mapanatili ang kanilang sariling posisyon. Ang teoryang ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang pamamahala sa mga proseso ng paghahambing sa sarili sa mga organisasyon, partikular sa mga kasanayan ng Human Resources. Ang pagpapalaganap ng isang kultura ng kolektibong tagumpay at pagtutok sa positibong kompetisyon ay makatutulong upang mabawasan ang epekto ng crab mentality at mapabuti ang kooperasyon at pagganap ng mga empleyado. Downward Comparison Theory, na iminungkahi ni Wills (1981), ay binibigyang-diin na madalas ikinumpara ng mga indibidwal ang kanilang sarili sa mga mas nasa mas mababang kalagayan upang mapataas ang kanilang pagpapahalaga sa sarili. Ang prosesong ito ng paghahambing ay maaaring pansamantalang magpataas ng pakiramdam ng halaga ng isang tao ngunit maaaring magdulot ng negatibong pangmatagalang epekto, lalo na sa mga organisasyonal na kapaligiran. Kapag ang mga empleyado ay regular na nakikilahok sa pababang paghahambing, maaari silang makaranas ng maling pakiramdam ng pagiging nakatataas, na maaaring magdulot ng kawalan ng pakialam at kakulangan ng inisyatiba. Sa konteksto ng crab mentality, ang ganitong pababang paghahambing ay maaaring lumitaw kapag ang mga empleyado, na pinapagana ng kawalang-katiyakan o takot na malampasan, ay aktibong hinahatak pababa ang iba upang mapanatili ang kanilang sariling 12 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna posisyon o upang mapanatili ang kanilang katayuan. Tulad ng binanggit sa Social Comparison Theory ni Festinger (1954), ang mga indibidwal ay nakikilahok sa sosyal na paghahambing upang suriin ang kanilang katayuan, at ang pababang paghahambing ay isang mekanismo ng depensa kapag nakikita nila ang iba na mas maganda ang kalagayan. Kapag ang ganitong pag-uugali ay naging ugali na, ito ay nag-aambag sa crab mentality, isang penomenon kung saan ang mga kasamahan ay sinisira ang tagumpay ng isa't isa dahil sa inggit o takot. Ang ganitong pag-uugali ay nagpapahina ng kolektibong potensyal ng organisasyon, na pumipigil sa paglago at humahadlang sa kabuuang produktibidad (Tesser, 1988). Ang pag-unawa sa teorya ng pababang paghahambing ay tumutulong sa mga Human Resource Practitioner na matukoy at mapagaan ang mga potensyal na pinagmumulan ng tensyon, inggit, at pag-intindi sa loob ng mga koponan. Ito ay nagpapalago ng positibong kultura ng organisasyon, nagpapahusay ng kasiyahan sa trabaho, at sumusuporta sa pag-unlad ng potensyal na kasanayan ng mga empleyado, na lahat ay mga kritikal na bahagi ng pagpapalawak ng potensyal ng empleyado at tagumpay ng organisasyon. Sa huli, ang pagsasama ng teoryang ito sa mga gawi ng Human Resource ay maaaring magpababa ng paglaganap ng crab mentality at hikayatin ang isang mas inklusibo, sumusuportang, at mataas na pagganap na lugar ng trabaho. Saklaw at limitasyon Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng perspektibo ng mga Human Resource Practitioner hinggil sa epekto ng crab mentality sa potensyal ng mga empleyado. Saklaw ng pag-aaral ang pagsusuri ng mga pananaw mula sa sampung (10) piling kalahok. Ang bilang ng mga kalahok ay itinakda batay sa layunin ng kwalitatibong pananaliksik, na masusing alamin ang kanilang mga karanasan at obserbasyon. 13 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna Ang bawat kalahok ay sasailalim sa panayam gamit ang isang unipormeng hanay ng mga katanungan upang matiyak ang pagkakapare-pareho (consistency) at kredibilidad ng mga datos na makakalap. Ang mga resulta ng panayam ang magsisilbing pangunahing batayan sa pagsusuri ng epekto ng crab mentality sa pag-unlad ng mga empleyado mula sa pananaw ng mga Human Resource Practitioner. Nililimitahan ang saklaw ng pananaliksik na ito sa mga Human Resource Practitioner na kasalukuyang nagtatrabaho sa lungsod ng Santa Rosa, Laguna. Dahil dito, ang mga resulta ay maaaring hindi mailapat sa iba pang lugar o sa mas malawak na populasyon ng mga HR Practitioner. Gayunpaman, layunin ng pag-aaral na ito na magbigay ng mahahalagang impormasyon na maaaring magsilbing gabay sa mga tagapamahala upang mabawasan ang negatibong epekto ng crab mentality sa kanilang mga organisasyon. Katuturan ng mga katawagan Upang mas madaling maunawaan ang naging talakayan sa pag-aaral na ito, inilatag ng mga mananaliksik ang sumusunod na kahulugan ng mga salitang ginamit: Human Resource Practitioner ay isang propesyonal na may tungkuling pamahalaan ang mga tao sa loob ng isang organisasyon sila rin ang sumusuporta at nagpapayo sa mga tagapamahala sa pagganap ng empleyado, pag-uugali, at iba pang mga isyu. Maari rin silang tawaging HR Manager, HR Officer, HR Specialist, o HR Consultant depende sa antas ng kanyang tungkulin at espesyalisasyon. Crab Mentality ay tumutukoy sa negatibong pag-uugali kung saan ang isang tao ay humihila o nagpapababa sa iba na parang mga alimango sa isang balde. Ito rin ay isang phenomenon kung 14 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna saan ang isang indibidwal ay nagkakaroon ng negatibong reaksyon sa mga umaangat o sumusulong sa kanilang buhay. Downward Comparison ay tumutukoy sa proseso ng paghahambing ng sarili sa ibang tao na itinuturing na nasa mas mababa o mas mahirap na kalagayan. Ginagawa ito upang maging mas mabuti ang kanilang pakiramdam tungkol sa kanilang sarili o sa kanilang mga kakayahan. Upward Comparison ay tumutukoy sa proseso kung saan inihahambing ng isang tao ang kanyang sarili sa iba na nasa mas mataas na antas o mas mahusay na kalagayan. Karaniwan itong ginagawa upang magsilbing motibasyon para mapaunlad o maabot ang antas ng tagumpay na nakikita sa iba Social Comparison ay tumutukoy sa proseso kung saan inihahambing ng isang tao ang kanyang sarili sa iba upang masuri o maunawaan ang sariling kakayahan, katangian, o kalagayan. Maaari itong maging isang kapaki-pakinabang na paraan upang matukoy kung nasa landas ka, ngunit maaari rin itong humantong sa mga negatibong damdamin at pag-uugali. Toxic Work Environment ay tumutukoy sa isang lugar ng trabaho kung saan ang mga kondisyon, kultura, o ugnayan ay nagdudulot ng stress, tensyon, o negatibong emosyon sa mga empleyado. Complacency ay tumutukoy sa pagiging kampante o isang estado ng kasiyahan o kasiguraduhan na nagdudulot ng kawalan ng motibasyon upang magpatuloy sa pagbuti o gumawa ng karagdagang hakbang. 15 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna Phenomenon ay tumutukoy sa isang bagay, pangyayari, o sitwasyon na maaaring obserbahan, pag-aralan, o maranasan. Sa Tagalog, ito ay karaniwang isinasalin bilang "kababalaghan", "pangyayari", o "penomeno", depende sa konteksto. Domino Effect ay tumutukoy sa isang sitwasyon kung saan ang isang kaganapan ay nagdudulot ng sunud-sunod o magkakaugnay na reaksyon, tulad ng pagbagsak ng magkakasunod na domino kapag tinulak ang isa. Tall Poppy Syndrome ay isang konsepto na tumutukoy sa ugali o kaisipan ng isang tao na nagiging inggit o nagnanais pababain ang isang indibidwal na nakikilala o nagtatagumpay sa kanyang larangan o komunidad. Social Media isang anyo ng mass media na ginagamit sa Internet, kabilang ang mga website para sa social networking at microblogging na nagbibigay-daan sa mga gumagamit na magbahagi ng impormasyon, ideya, personal na mensahe, at iba pang uri ng nilalaman, tulad ng mga bidyo. Online Platform ay isang digital na plataporma na nagbibigay-daan sa mga tao na makipagkomunikasyon at magbahagi ng impormasyon. Karaniwan itong nasa anyo ng isang website o aplikasyon na nag-aalok ng iba't ibang serbisyo at functionalidad sa Internet. Email ay tinatawag na electronic mail, o mas kilala bilang "email," ay isang paraan ng komunikasyon na nagpapahintulot sa pagpapadala ng mga mensahe gamit ang mga elektronikong aparato sa pamamagitan ng mga computer network. Dekadang Internalization ito ay tumutukoy sa mahabang panahon kung saan ang mga partikular na pag-uugali, paniniwala, o kaugalian tulad ng crab mentality na naging bahagi ng kultura o sistema ng isang organisasyon. 16 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna Performance Evaluation isang sistematikong proseso ng pag-aanalisa at pagtatala ng mga kakayahan, kontribusyon, at kahusayan ng isang empleyado sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Seniority-based System isang paraan ng pamamahala kung saan ang promosyon, insentibo, o iba pang pribilehiyo ay nakabatay sa haba ng pananatili ng empleyado sa organisasyon. Bottom up Management Style isang estilo ng pamamahala kung saan binibigyang-halaga ang pakikilahok ng mga empleyado sa paggawa ng desisyon, isinasaalang-alang ang kanilang ideya at mungkahi mula sa mas mababang antas ng organisasyon upang mapabuti ang morale at produktibidad. Increased Turnover ay tumutukoy sa pagdami ng mga empleyado na umaalis sa organisasyon sa maikling panahon. Lowered Morale and Engagement isang estado kung saan ang mga empleyado ay nakakaramdam ng kawalang-sigla, suporta, at koneksyon sa kanilang mga gawain o layunin ng organisasyon. Absenteeism tumutukoy sa madalas na pagliban ng isang empleyado mula sa trabaho nang walang makatwirang dahilan, na maaaring dulot ng stress, kawalan ng kasiyahan o negatibong kondisyon sa lugar ng trabaho. Descriptive-Correlational Methods isang uri ng disenyo ng pananaliksik na naglalayong ipaliwanag ang ugnayan sa pagitan ng dalawa o higit pang variable nang hindi nagbibigay ng pahayag tungkol sa sanhi at epekto. 17 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna Kabanata 2 MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Sa kabanatang ito ay sinuri ng mga mananaliksik ang mga kaugnay na literatura at pag- aaral na nagbibigay suporta sa mga detalye ng pananaliksik na ito. Ipinapakita rito ang mga masususing pag-aaral sa iba’t ibang pananaw upang kanilang maipakita ang masusing pag-aaral sa perspektibo ng mga Human Resource Practitioner sa epekto ng crab mentality sa potensyal na kasanayan ng mga empleyado. Ang iba’t ibang mga paniniwala, teorya, konsepto, at artikulong nabasa ay inilahad ng mga mananaliksik upang mas makapagbigay ng malalim na kaalaman sa mga mambabasa. Kaugnay na Literatura Ayon kay Chand C. (2020) ang crab mentality ay isang karaniwang kaganapan kung saan hinahadlangan ng mga tao ang progreso ng iba dahil sa damdamin ng sama ng loob, inggit, kawalan ng kumpiyansa, o kompetisyon. Maaari itong magdulot ng negatibong epekto sa lugar ng trabaho, tulad ng sa isang departamento kung saan ang bagong miyembro ay nakaupo sa tabi ng team leader, na nagresulta sa drama at selos. Ang problema sa crab mentality ay nagmumula sa hindi pagtanggap ng responsibilidad para sa sariling buhay, na humahadlang sa personal na pag-unlad at nagdudulot ng sama-samang pagkabigo. Ang bawat isa ay nararapat na akuin ang responsibilidad sa kanilang mga desisyon at magtrabaho tungo sa pagkamit ng kanilang mga layunin, sa halip na umasa sa tagumpay ng iba. Ayon kay Uzum et al. (2022), ang "Crab Barrel Syndrome" ay tumutukoy sa isang pag- uugali kung saan sa halip na suportahan ang tagumpay ng iba, ang mga indibidwal ay 18 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna naglalayong hilahin pababa ang kanilang mga kasamahan upang mapanatili ang sariling posisyon o maiwasan ang pag-angat ng iba. Ang terminong ito ay hango mula sa obserbasyon sa mga alimango sa isang balde kung saan ang bawat pagsubok ng isang alimango na makalabas ay hinaharangan ng iba, na nagreresulta sa kawalan ng tagumpay para sa lahat. Sa mga organisasyon, ang ganitong pag-uugali ay maaaring magdulot ng negatibong epekto, partikular sa aspetong sikolohikal at dinamika ng grupo, na nagiging sanhi ng hindi produktibong kapaligiran. Ang kaugnayan ng personalidad sa Crab Barrel Syndrome ay binigyang-diin din nina Uzum et al. (2022) gamit ang pag-uuri ng personalidad sa dalawang kategorya, ang Type A at Type B. Ang mga indibidwal na may Type A na personalidad ay karaniwang agresibo, kompetitibo, at ambisyoso. Sila ay mabilis magdesisyon ngunit may mas mataas na antas ng stress na maaaring mag-udyok ng pag-uugali na umaayon sa Crab Barrel Syndrome. Sa kabaligtaran, ang mga may Type B na personalidad ay mas kalmado, hindi mahilig makipag kompetensya, at mas relaks sa kanilang mga gawain. Ang pagkakaibang ito sa personalidad ay may implikasyon sa paraan ng pakikitungo ng mga indibidwal sa tagumpay ng iba, pati na rin sa kanilang reaksyon sa kompetisyon. Sa kanilang pag-aaral, sinuri nina Uzum et al. (2022) ang kaugnayan ng Crab Barrel Syndrome sa personalidad, partikular na sa Type A at Type B, gayundin sa proseso ng social comparison. Natuklasan na ang mga indibidwal na may Type A na personalidad ay mas nagpapakita ng pag-uugali na nagpapakita ng Crab Barrel Syndrome. Samantala, ang mataas na self-esteem ay natukoy na may negatibong kaugnayan sa sindromang ito. Ipinapakita nito na ang mga indibidwal na may mataas na tiwala sa sarili ay hindi madaling maapektuhan ng ganitong negatibong ugali. Bukod dito, iminungkahi rin sa pag-aaral na ang social comparison ay may mahalagang papel sa pagsibol ng Crab Barrel Syndrome. Ang mga indibidwal na may mababang self-esteem matapos ang paghahambing sa iba ay mas mataas ang posibilidad na magpakita ng negatibong pag-uugali tungo sa mga nagtatagumpay. 19 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna Mula naman sa The Gulf Entrepreneur (2022), ang crab mentality ay isang mapanira at makasariling pag-iisip na humahadlang sa pag-unlad ng iba sa isang grupo. Nagmula ito sa kwento tungkol sa mga alimango sa isang balde at karaniwang makikita sa lugar ng trabaho, kung saan ninanais ng ilan ang pagbagsak ng mga taong nagtatagumpay. Dapat itong kilalanin at tugunan ng mga lider sa pamamagitan ng pagtukoy sa ugat ng problema, muling pag-aayos ng pagkakaisa, at paggamit ng mga taktika upang ipakita na hindi ito kukunsintihin. Dapat din silang magsilbing halimbawa sa pamamagitan ng pagharap sa mga kakulangan ng pribado. Ang pangunahing problema sa crab mentality ay ang kawalan ng pananagutan ng mga tao sa kanilang sariling buhay na nagiging hadlang sa personal na pag-unlad at nagdudulot ng pagbagsak ng grupo. Makatutulong ang mga programa para sa pagpapaunlad ng liderato upang matulungan ang mga lider na matukoy at malutas ang mga isyung ito, pati na rin ang mga isyu tulad ng kamalayan sa kultura ng korporasyon at pagtukoy ng problema. Ayon kay Tagle (2021), ang crab mentality ay nalalaman bilang bahagi ng kultura ng komunidad. Sa mga organisasyong may gantong metalidad, ang mga nagtagumpay na indibidwal ay maituturing ito bilang banta sa mga tao na gustong panatilihin ang ang kanilang posisyon at awtoridad. Ayon naman kay Ellur (2024), ang crab mentality ay isang metapora batay sa pag- uugali ng mga alimango o talangka na nakalagay sa isang lalagyan. Imbes na mag tulungan tumakas, ang alimango o talangka ay may posibilidad itong hilahin pababa ang anumang alimango na sumusubok na umakyat palabas ng lalagyan. Sa larangan ng tao, tumutukoy ito sa pag-uugali kung saan hinaharang ng mga tao ang kapwa nila na magtagumpay ng dahil sa inggit, takot, at mapagkumpitensya. Ang crab mentality ay tumutukoy sa mga taong tumaas ang posisyon sa trabaho at nakakaranas ng stress, inggit, at pagkabalisa kapag nakita nila ang kanilang kakumpetensya. Sa madaling salita, hindi ito tulad ng Tall Poppy Syndrome, ang crab 20 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna mentality ay hindi nababahala kung ang tao ay karapat dapat sa kanilang posisyon, Ang ideya, kung minsan ay kilala ito bilang crab barrel, tumutukoy ito sa mga saloobin at pag-uugali ng tao na may paniniwala na sila ang mas matagumpay kays sa iba, nais nilang mabigo ang iba, at hindi maaaring tanggapin ang tagumpay ng iba (Uzum at Ozdemir, 2020). Sa karagdagan, ang mentalidad ng alimango ay tumutukoy sa pag-uugali kung saan ang mga tao ay tumugon nang negatibo, sa pamamagitan ng kanilang mga iniisip, sinasabi, o ginagawa, sa mga taong sumusulong o nagtatagumpay, sa kabila ng hindi pag-asa ng anumang personal na pakinabang mula sa gayong mga reaksyon (Singh, 2023). Binigyang pansin ni Imutan (2024), ang crab mentality ay hindi lamang nakakaapekto sa mga middle manager, kundi pati na rin sa kanilang mga koponan. Kapag napagmasdan o nararanasan ng mga empleyado ang ganitong kaugalian, naghihirap ang kanilang moral dahil maaaring maramdaman nilang hindi sila sinusuportahan at hindi pinahahalagahan. Ayon sa Sikolohiya ngayon, ang crab mentality ay maihahambing sa isang taong may pag-uugali ng pagiging makasarili at inggit sa tagumpay ng iba. Ang crab mentality ay nangangahulugang may posibilidad na hilahin pababa ang mga tao sa kanilang paligid na itinuturing nilang mas mahusay kaysa sa kanila sa anumang aspeto. Ang mga taong may ganong mentalidad ay laging iniisip ang salitang “ pag hindi ko kayang makuha, hindi niyo rin makukuha”. Kaya naman hinihila nila ang ibang tao pababa para hindi sila mabigo ng mag-isa (Pamugari, 2022). Bilang karagdagan sa mga personal na kahihinatnan, ang crab mentality ay nagtataguyod ng isang mapaminsalang kapaligiran, na maaaring humantong sa paghihiwalay ng grupo. Ang mga indibidwal na nakakaranas ng may ganong mentalidad ay maaaring umatras mula sa mga pakikipag-ugnayan ng koponan, pakiramdam na hiwalay ka sa grupo at hindi sinusuportahan ng mga kapantay. Ang 21 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna paghihiwalay ay maaaring makaapekto sa kanilang pagganyak at pagiging produktibo, na nag reresulta sa negatibo at hindi maayos na paggawa (Dev, 2024). Ayon kina Escoto et.al (2021), ang crab mentality ay isa sa mga karaniwang pandaigdigang katangian ng maraming tao. Ito ay isang pag-uugali kung saan ang isang tao ay naiinggit sa tagumpay, pag-unlad, mga nakamit, at mga tagumpay ng iba. Ang ilang tao na hindi makayanan ang kanilang pagkainggit at selos ay maaaring humantong sa paggawa ng mga aksyon na maaaring magdulot ng negatibong epekto sa integridad, kredibilidad, at katayuan sa lipunan ng taong kanilang kinaiinggitan, upang banggitin lamang ang ilan. Bagaman ito ay maaaring pangkaraniwan at tanyag sa maraming tao, ang pagkakaiba ay nasa kung paano ito pinamamahalaan at hinahawakan ng bawat indibidwal. Sa pamamagitan ng pagtingin dito bilang isang paghanga na mag-udyok sa kanila na maging mas mabuting tao, ang ilang tao ay maaaring gawing positibo ito. Ayon sa Indeed Editorial Team (2023), Ang mga empleyado na may mataas na potensyal ay mga indibidwal na patuloy na nagpapakita ng natatanging pagganap at may kakayahang tumanggap ng mas malaking responsibilidad sa loob ng isang organisasyon. Karaniwan silang nangangailangan ng minimal na pangangasiwa, palaging gumagawa ng mataas na kalidad na trabaho, at madalas na kusang-loob na namumuno sa mga proyekto o tumutulong sa mga kasamahan. Ang mga empleyadong ito ay may malalim na dedikasyon sa mga layunin ng kumpanya, nagpapakita ng kakayahang umangkop sa nagbabagong kalagayan, at nagpapanatili ng positibong relasyon sa kanilang mga kasamahan. Mahalagang kilalanin at linangin ang ganitong talento para sa tagumpay ng organisasyon, dahil malamang na sila ang magdadala ng inobasyon at pamumuno sa hinaharap. 22 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna Ayon sa artikulong "Stay Away From People With a Crab Mentality" ni Bajakkan (2023), ang crab mentality ay tumutukoy sa isang negatibong pag-uugali kung saan ang isang indibidwal ay sadyang humihila pababa sa iba na nagtatangkang umangat, sa halip na magbigay ng suporta. Inihalintulad ito sa pag-uugali ng mga alimango sa isang balde, na sa halip na magtulungan upang makalabas, ay hinahatak ang bawat isa pababa, na nagreresulta sa kolektibong pagkabigo. Sa artikulo, isinalaysay ng may-akda ang kanyang sariling karanasan sa crab mentality bilang halimbawa ng masamang epekto nito sa personal na buhay at propesyonal na ugnayan. Ibinahagi niya na sa kanyang pagsusumikap na maabot ang tagumpay, siya ay hinarap ng mapanirang kritisismo at kawalan ng suporta mula sa mga taong kanyang inaasahan na magiging kaagapay niya. Ang ganitong karanasan ay nagtulak sa kanya upang mapagtanto na ang crab mentality ay isang pangunahing balakid sa personal na pag-unlad at maaaring magdulot ng demoralisasyon sa isang tao. Dagdag pa rito, binigyang-diin ni Bajakkan (2023) ang mas malawak na epekto ng ganitong mentalidad. Sa konteksto ng trabaho, ang crab mentality ay nagdudulot ng kawalan ng kooperasyon, pagbaba ng produktibidad, at pagkasira ng relasyon sa pagitan ng mga kasamahan. Sa personal na aspeto, ito ay nagpapahina ng tiwala at pagkakaisa sa loob ng pamilya at mga kaibigan lalo na kapag ang isa ay nagtatangkang umangat sa buhay. Ang ganitong sitwasyon, ayon sa may-akda, ay hindi lamang nagiging hadlang sa tagumpay ng isang tao kundi nakaaapekto rin sa kabuuang dinamika ng isang grupo o komunidad. Ayon kay Barro (2024), ang crab mentality ay inihahalintulad sa mga alimango sa isang balde na hinihila ang bawat isa upang walang makalabas, ito ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa dinamika sa lugar ng trabaho. Ito ay tumutukoy sa mga empleyadong hinahadlangan ang tagumpay ng kanilang mga kasamahan dahil sa selos, kawalan ng kumpiyansa, o kompetisyon. Maaaring magpakita ito sa anyo ng mga banayad ngunit mapanirang 23 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna gawi, na nagdudulot ng negatibidad at sumisira sa pagsisikap ng iba. Mahalagang matukoy nang maaga ang mga babalang palatandaang ito upang maiwasan ang isang nakalalason na kapaligiran sa trabaho at maisulong ang kultura ng suporta at kooperasyon. Ayon sa artikulo ni Omar Itani (2020), ang konsepto ng "crab mentality," kung saan hinahadlangan ng mga tao ang tagumpay ng iba dahil sa inggit o takot na malampasan sila. Iniuugnay niya ang ganitong pag-uugali sa isang nakapirming pananaw, kung saan nararamdaman ng mga tao ang banta mula sa tagumpay ng iba sa halip na maging motibasyon iyon. Binibigyang-diin ni Itani ang kahalagahan ng paglinang ng kamalayan sa sarili upang makawala sa ganitong mapanirang asal at lumikha ng mas suportado at nakatuong kapaligiran para sa paglago. Sa huli, kinakailangang yakapin ng mga indibidwal at grupo ang kaisipan ng kasaganaan at kooperasyon sa halip na kompetisyon upang malampasan ang crab mentality. Ito ay umaayon sa mga prinsipyo mula sa mga aklat tulad ng Atomic Habits ni James Clear at The 7 Habits of Highly Effective People ni Stephen Covey, na nagbibigay ng mga praktikal na pananaw para linangin ang positibidad, kooperasyon, at pag-unlad sa buhay at trabaho. Ayon sa artikulong "Crab Mentality in the Workplace" na inilathala ng Vision Factory (2024), ang "crab mentality" ay isang pag-uugali kung saan ang mga empleyado ay humihila pababa sa kanilang mga kasamahan na nagtatangka o nagtatagumpay, bunga ng inggit o kompetisyon. Ang ganitong pag-uugali ay nagdudulot ng kawalan ng tiwala at labis na kompetisyon sa halip na kooperasyon, na nagreresulta sa pagbaba ng morale ng mga empleyado at pagiging hadlang sa kanilang propesyonal na pag-unlad. Sa halip na suportahan ang bawat isa, ang mga empleyado ay nagiging abala sa paghadlang sa tagumpay ng iba na nagiging sanhi ng hindi pagkakaunawaan at pagbaba ng produktibidad sa lugar ng trabaho. Iminumungkahi ng artikulo na upang malabanan ang negatibong epekto ng "crab mentality," mahalaga na magpatupad ng kultura ng 24 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna kooperasyon at suporta sa loob ng organisasyon. Ang mga lider ay dapat magsilbing halimbawa sa pamamagitan ng pagtataguyod ng inklusibong pag-uugali at agarang pagtugon sa mga negatibong asal upang mapanatili ang positibong kapaligiran sa trabaho. Ayon sa isang pag-aaral ni Imutan (2024), itinatampok na ang crab mentality ay mayroong malaking epekto sa pagpigil ng inobasyon sa loob ng isang organisasyon. Sa mga kapaligiran kung saan ang mga empleyado ay mas nakatuon sa paghila pababa sa isa't isa kaysa sa pagtutulungan, nababawasan ang kagustuhang magmungkahi ng mga bagong ideya o hamunin ang kasalukuyang sistema. Ang ganitong uri ng pagtutol sa pagbabago ay maaaring magdulot ng mga naantalang pagkakataon para sa pag-unlad, na nagiging hadlang sa mga empleyado na mapaunlad ang kanilang mga kasanayan o mag-ambag sa pangkalahatang pag-unlad ng organisasyon. Ayon sa isang artikulo sa Filipinos in the 6ix noong 2023, ang "crab mentality" ay nagdudulot ng mga negatibong epekto tulad ng paghina ng paglago, kawalan ng kooperasyon, at pagpapanatili ng kahirapan sa komunidad. Iminungkahi ng artikulo na upang malampasan ito, mahalagang itaguyod ang positibong modelo, hikayatin ang kooperasyon, tugunan ang istruktural na hindi pagkakapantay-pantay, at bigyang-diin ang "growth mindset". Ayon kay Aromin (2024), ang pagkakalantad sa “crab mentality” ay nagdudulot ng mataas na antas ng stress at pagkabahala sa mga empleyado. Kapag ang mga empleyado ay nakararanas ng kakulangan ng suporta o napaparatangan dahil sa kanilang mga tagumpay, naapektuhan ang kanilang kalusugang pangkaisipan, na may direktang epekto sa kanilang kumpiyansa sa sarili. Ang pagbaba ng moral ng mga empleyado ay maaaring magdulot ng 25 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna negatibong epekto sa ugnayan ng grupo at makapagpigil sa kanilang kakayahang magbigay ng pinakamataas na antas ng pagganap. Ayon sa artikulong "Crab Mentality" na inilathala sa BusinessWorld Online (2019), ang konsepto ng crab mentality ay isang kilalang kaisipan sa kulturang Pilipino, na inilalarawan bilang pag-uugali kung saan ang mga indibidwal ay humihila pababa sa kanilang kapwa na nagtatangkang umangat na sa halip ay magbigay ng suporta. Ang terminong ito ay unang ginamit ng manunulat na si Ninotchka Rosca, na tumutukoy sa mga alimango sa isang balde na sa halip na tulungan ang isa't isa na makalabas ay hinahatak pababa ang sinumang nagtatangkang umakyat na nagreresulta sa kanilang kolektibong pagkabigo. Sa artikulo, binigyang-diin na ang crab mentality ay laganap hindi lamang sa lugar ng trabaho kundi pati na rin sa pang araw-araw na buhay. May mga indibidwal na itinuturing ang kanilang kapwa bilang kompetisyon at hindi nais makita ang iba na umunlad sa kanilang larangan. Ang ganitong pag-uugali ay nagdudulot ng negatibong epekto sa moralidad at produktibidad ng mga empleyado, lalo na kung ang kanilang pagsusumikap ay hindi nabibigyan ng nararapat na pagkilala dahil sa crab mentality ng iba. Ayon sa may-akda, ang tradisyunal na sistema ng performance evaluation ay maaaring hindi sumasalamin sa tunay na kakayahan at kontribusyon ng isang empleyado, lalo na kung ito ay nagiging subjective batay sa opinyon ng nakatataas. Ito ay nagiging hadlang sa propesyonal na pag-unlad ng mga empleyado partikular na sa mga kabataan o millennials na maaaring nakaranas ng kahirapan sa pagpapahayag ng kanilang mga ideya sa isang sistemang tinatawag na seniority-based system. Upang malabanan ang crab mentality, iminungkahi ng artikulo ang pagpapatupad ng bottom-up management style, kung saan ang mga nakabababang empleyado ay hinihikayat na magbahagi at makipagtulungan na nagreresulta sa mas mataas na partisipasyon at kasiyahan sa trabaho. Sa ganitong paraan, ang mga empleyado ay itinuturing na 26 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna mga katuwang sa paggawa ng desisyon na nagpapataas ng kanilang motibasyon at komitment sa organisasyon. Sa kabuuan, ang artikulo ay nagmumungkahi na ang pag-aalis ng crab mentality ay makakamit sa pamamagitan ng patas na pagtrato sa mga empleyado at pagbibigay ng pagkakataon sa lahat na makilahok sa proseso ng paggawa ng desisyon. Sa halip na hilahin pababa ang iba, ang mga indibidwal ay dapat magtulungan upang maiangat ang bawat isa na magdudulot ng kolektibong pag-unlad para sa buong organisasyon. Ayon kay Hiedi (2023), ang crab mentality ay isang aspeto na kung saan ang mga indibidwal sa loob ng isang komunidad ay nagsisikap na hadlangan ang kanyang kapwa sa pagkamit ng tagumpay. Sa karagdagan, karamihan sa mga indibidwal ay nakokontra ang ganong kaugalian sa pag-taguyod ng kolaborasyon, mentorship, at ipagdiwang ang tagumpay ng iba. Ayon kay Ron (2025), sa larangan ng trabaho, ang ganitong kaugalian ay makagagawa ng negatibong kapaligiran kung saan ang mga indibidwal ay umiwas sa pag bigay ng kaalaman, pag kontra sa tagumpay ng iba, o pigilan ang kanilang kapantay sa trabaho sa pag-unlad. Ang ganitong antas ng kompetisyon ay natural lang na maranasan, ngunit ang crab mentality ay higit pa rito, sadyang sinisira o minamaliit nito ang gawa ng iba upang mapanatili nito ang nakikitang antas ng awtoridad. Ang pinapahiwatig ng artikulo na ito ay ang pag alam sa epekto ng crab mentality sa lugar ng trabaho at kung paano ito maiiwasan sa paggamit ng estratehikong pamamaraan para maprotektahan ang sariling kagalingan, maaaring matuklasan ng tagumpay ang pinaka negatibong kapaligiran. Habang mahirap baguhin ang matagal ng nakapaloob sa kultura ng kompanya, ang pagpapanatili ng sariling pokus sa personal na pag-unlad, emosyonal na katatagan, at pangmatagalang mga layunin na makakatulong upang maiwasan ang ganong kalidad at patuloy na umunlad. 27 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna Ayon kay Muhammad, S. (2024), ang crab mentality, ang mapanlinlang na ugali na hihilahin ang iba pababa upang mapanatili ang sariling posisyon sa trabaho, maaari itong magkaroon ng matinding epekto sa isang organisasyon. Ang mentalidad na ito ay lumilikha ng maraming masamang epekto sa mga impresyon. Inilathala dito ang toxic work environment, pag bawas ng morale, increased turnover, pag bawas ng kolaborasyon, mga nalampasan na pagkakataon, pagsira sa reputasyon, pagkawala ng kliyente, pag bawas ng pagiging produktibo, at mataas na. Sa madaling salita, ang crab mentality ay isang malaking panganib patungo sa tagumpay ng organisasyon. Sa mentalidad na ito ay pinapahina ang pagtutulungan ng mga tao, pag hadlang sa inobasyon, at nakakasira sa reputasyon ng isang organisasyon. Sa artikulo na ito ay iminungkahi ang pagkilala sa crab mentality at pagsasagawa ng mga estratehiya upang kontrahin ito, at ang mga organisasyon ay maaaring lumikha ng isang positibo at produktibong kapaligiran sa trabaho. Ayon naman kay Ellur (2024), ang crab mentality ay isang laganap na isyu na maaaring makasira sa tagumpay ng mga indibidwal at organisasyon. Sa artikulong ito ipinakita dito ang epekto ng crab mentality tulad ng lowered morale and engagement, ang epekto nito ay kung saan ang mga indibidwal ay nakakaramdam ng hindi sinusuportahan o sadyang sinisiraan, ang kanilang pagganyak na tumulong ay bumababa. Ito ay maaaring humantong sa high turnover rates, absenteeism, at pangkalahatang kawalan ng kasiyahan ng paggawa sa trabaho. Sa huli, ang pagkilala sa negatibong kaugalian at patuloy na paggawa upang kontrahin ito, maaaring lumikha ito ng maayos na lipunan kung saan ang pagtutulungan, pagbabago, at suporta sa isa’t isa sa ay umuunlad. Ayon sa BFI FINANCE (2024) ang pagtigil ng pagkumpara sa sarili sa naabot ng ibang tao ay isang hakbang upang malampasan ang crab mentality. Magkaiba ang kakayahan ng bawat 28 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna tao, kung patuloy kang mabubuhay na ikinumpara ang sarili mo sa iba, patuloy mong mararamdaman ang kakulangan sa tiwala sa sarili. Sa patuloy na pagkumpara mo sa naabot ng iba ay panigurado na mananalaytay lang habang buhay ang crab mentality. Sa halip na ikumpara ang naabot ng ibang tao sa iyong sarili ay maaari naman na mag pokus sa iyong sariling layunin dahil lahat tao sa mundo ay mayroong sariling kalakasan at kahinaan. 29 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna Kaugnay na Pag-aaral Sinuri ng pag-aaral nina Jafari et. al (2023), ang epekto ng crab mentality syndrome at ng glass ceiling phenomenon sa tagumpay sa propesyon at kasiyahan sa trabaho ng mga babaeng guro sa sekundarya sa Shiraz, kung saan ang turnover intention ay ginamit bilang tagapamagitan. Gamit ang descriptive-correlational methods, nakalap ang datos mula sa 190 guro sa pamamagitan ng mga balidado at maaasahang talatanungan. Natuklasan na ang crab mentality at glass ceiling ay may direktang negatibong epekto sa tagumpay at kasiyahan ng mga guro, at ang kanilang impluwensya ay mahalaga rin sa hindi direktang paraan sa pamamagitan ng turnover intention. Binibigyang-diin ng mga resulta ang masamang epekto ng mga hamon sa lugar ng trabaho sa propesyonal at personal na kagalingan ng mga babaeng tagapagturo. Ayon sa pag-aaral ni Chowdhury (2023), na pinamagatan na “Crab Mentality” ay nakatuon sa pagsusuri ng epekto ng crab mentality sa kasanayan ng mga indibidwal. Sa pagkilala nito sa crab mentality, ito ay isang pangyayari na sumasalamin sa pag-uugali ng mga tao na makikita sa ilang indibidwal sa ating lipunan, tulad ng miyembro sa pamilya, kamag-anak, kasamahan sa trabaho, at mga kaibigan na nahihirapan ipagdiwang at suportahan ang tagumpay at pag-unlad ng iba. Sa pananaliksik naman ni Singh (2023), na “Crab Mentality: When People Pull Down Those Who Get Ahead,” binigyan-pansin ang crab mentality na malaki ang naging epekto nito sa paraan ng pag-iisip, pananalita, at kilos ng mga indibidwal sa iba’t ibang sitwasyon, kaya mahalagang maunawaan ito. Bagamat malinaw na ang ibang tao ay maaaring makaapekto sa ating saloobin at pag-uugali, responsibilidad pa rin ng bawat indibidwal, at bilang isang matanda, ang kanilang mga kilos. Sa konteksto ng lipunan, ang mga tao ay maaaring mag-impluwensya at maimpluwensyahan ng mga indibidwal sa kanilang kapaligiran, Gayunpaman, kinakailangang 30 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna taglayin ng bawat isa ang kakayahang magsuri at maging mapanuri sa mga impluwensyang ito sa lahat ng pagkakataon. Ayon kina Çetiner et.al 2023), ang serbisyong nakatuon sa tao, na isa sa mga istruktural na katangian ng sektor ng turismo, ay nagiging sanhi ng mas negatibong epekto ng mapanirang pag-uugali ng mga empleyado sa kahusayan at pagiging epektibo ng trabaho. Dahil dito, mahalaga ang pagkilala at pag-iwas sa ganitong mga pag-uugali. Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay tukuyin ang antas ng pagpapakita ng Crab Barrel Syndrome (CBS) sa mga empleyado sa sektor ng turismo, kabilang ang mga nasa mababa, gitna, at mataas na antas ng pamamahala. Bilang bahagi ng pag-aaral, bumuo ng isang iskala upang sukatin ang mga pag- uugali ng mga empleyadong may Crab Barrel Syndrome (CBS) na may pagkiling sa mga di-etikal na gawain sa turismo. Bukod dito, layunin din ng pag-aaral na suriin ang mga pagkakaiba sa demograpikong katangian ng mga empleyadong may Crab Barrel Syndrome (CBS). Ayon kina Çavuş at Sarkapya (2021), ang layunin ng kanilang pananaliksik ay bumuo ng isang “Crabs in a Bucket at Schools Scale” (CBSS) upang masukat ang persepsyon ng mga guro hinggil sa crab mentality sa mga institusyong pang-edukasyon. Ang datos ng pag-aaral ay nakolekta noong taong akademiko 2019-2020 mula sa mga guro ng high school na nagtuturo sa iba’t ibang paaralan sa lalawigan ng Aydın, na matatagpuan sa Aegean Region ng Turkey. Upang matiyak ang bisa ng kasangkapan sa pagsusukat, isinagawa ang pagsusuri sa content at construct validity. Para sa content validity, ang item pool ay dumaan sa pagsusuri ng mga eksperto at panel ng mga dalubhasa. Ang ganitong uri ng pananaliksik ay nagbibigay-liwanag sa kahalagahan ng pagsusukat ng crab mentality sa konteksto ng edukasyon, na may layuning maiwasan ang negatibong epekto nito sa mga guro at sa kabuuang kultura ng mga paaralan. 31 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna Sinusuri ng pag-aaral nina Atokatha at Brew (2024) kung ano ang target ng Crab Barrel Syndrome CBS na karanasan sa mga organisasyon at kung bakit nangyayari ang mga karanasang ito. Ipinakita ng mga natuklasan na kapag nakikita ng mga indibidwal ang direktang salungatan sa mga nakabahagi o katulad na pagkakakilanlan, madalas silang nakakaramdam ng pagkabigo, nabawasan ang pag-asa, at emosyonal na pagkabalisa (Taylor & Taylor, 2018). Ang mga episode ng CBS ay minarkahan ng isang instigator na lumalabag sa mga kultural na kaugalian laban sa isang target sa loob ng parehong pangkat ng pagkakakilanlan (Miller, 2019). Sa mga organisasyong pinaghihigpitan ng mapagkukunan, ang kumpetisyon para sa pagsulong sa karera ay maaaring magsulong ng mga mapaminsalang gawi, tulad ng tsismis o pamiminsala, at pagsisinungaling sa mga kasamahan (Aydin & Oguzhan, 2019; Üzüm et al., 2022). Ayon kay Billote et. al (2021), ang crab mentality ay isa sa mga karaniwang unibersal na katangian sa maraming tao. Ito ay isang pag-uugali kung saan ang isang tao ay nakakaramdam ng inggit sa tagumpay, pag-unlad, tagumpay, at mga nagawa ng iba. Ang ilang mga tao na hindi makayanan ang kanilang inggit at paninibugho ay maaaring humantong sa paggawa ng mga aksyon na maaaring magdulot ng mga negatibong epekto sa integridad, kredibilidad, at katayuan sa lipunan ng taong kinaiinggitan nila, sa pagbanggit lamang ng ilan. Kahit na ito ay maaaring pangkalahatan at popular sa maraming tao, ang pagkakaiba ay nakasalalay sa kung paano kinokontrol at pinangangasiwaan o pinamamahalaan ng bawat indibidwal ang damdaming ito. Sa pamamagitan ng pagtingin dito bilang isang paghanga na mag-uudyok sa kanila na maging mas mahusay na mga indibidwal, ang ilang mga tao ay maaaring gawing positibo ito. Binigyang pansin naman nila Üzüm at Özkan (2023), na ang crab mentality ay tumutukoy sa isang negatibong pananaw na maaaring makaapekto sa kolektibong tagumpay ng mga grupo o organisasyon. Sa kanilang pag-aaral, binigyang-diin na ang crab mentality ay karaniwang 32 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna makikita sa mga lugar na may mataas na antas ng kompetisyon at limitadong mapagkukunan. Ang ganitong pag-uugali ay nagreresulta sa interpersonal na alitan, kawalan ng kooperasyon, at mabagal na pag-usad ng mga proyekto sa loob ng organisasyon. Ipinakita rin nina Üzüm at Özkan (2023) na ang crab mentality ay maaaring magdulot ng "knowledge hiding," kung saan ang mga empleyado ay sadyang hindi ibinabahagi ang kanilang nalalaman upang mapanatili ang sariling kalamangan. Ang ganitong uri ng pag-uugali ay nagiging hadlang sa pagkamit ng mga layunin ng organisasyon at nagreresulta sa pagbaba ng produktibidad ng mga empleyado. Sa kanilang pagsusuri, ang ganitong mentalidad ay lalo pang tumitindi kapag ang mga lider o supervisor ay nagpapakita rin ng crab mentality, na nagdudulot ng "toxic" na kapaligiran sa trabaho. Sa kanilang pag-aaral, binigyang-pansin dito ang epekto ng crab mentality sa interpersonal na relasyon ng mga empleyado. Natuklasan nila na ang ganitong kaisipan ay nagdudulot ng kawalan ng tiwala at respeto sa isa’t isa, na nagiging sanhi ng mababang moralidad at stress sa lugar ng trabaho. Ang ganitong sitwasyon ay nagreresulta sa mas mataas na turnover rate dahil maraming empleyado ang naghahanap ng mas positibong kapaligiran sa ibang organisasyon o kumpanya. Bukod dito, ang mga empleyado na nakakaramdam ng ganitong uri ng presyur ay nagiging mas maingat sa kanilang mga desisyon at kontribusyon, na nagdudulot ng pagbaba ng inobasyon at kalidad ng trabaho. Ayon naman sa isang pag-aaral ni Soubhari at Kumar (2023), ang mga indibidwal na nakakaranas ng “crab mentality” ay nakakaranas ng mataas na antas ng stress at pagkabigo. Ang patuloy na panghihila pababa ay nagdudulot ng pagbaba ng self-esteem at kumpiyansa sa sarili ng mga empleyado, na nagiging sanhi ng pagbaba ng kanilang produktibidad at kasiyahan sa trabaho. 33 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna Ayon sa pag-aaral ni kay Ece (2024), sa isang lugar ng trabaho, iniisip na ang pagpapakita ng crab syndrome sa mga empleyado ay maaaring sanhi ng kultura na mayroon sila. Ang pag- aaral na ito ay naglalayon na matukoy ang epekto ng collectivist/individualist culture sa crab syndrome. Sa pag-aaral na ito, ang isa sa pamamaraang kwalitatibong ginamit ay ang survey technique. Nakolekta ang data sa pamamagitan ng mga survey mula sa iba't ibang empleyado ng pampublikong institusyon. Ang pagsusuri ay nagsiwalat na ang kolektibistang kultura ay may positibo, ngunit hindi gaanong makabuluhang epekto sa mga bahagi ng cognitive, emosyonal, at asal ng crab syndrome. Sintesis Ang perspektibo ng Human Resource (HR) practitioners sa epekto ng crab mentality sa potensyal na kasanayan ng mga empleyado ay isang mahalagang paksa sa larangan ng pamamahala ng mga tao sa loob ng isang organisasyon. Ayon sa mga pag-aaral, ang crab mentality ay may malalim na epekto sa pag-unlad ng mga empleyado, dahil sa ugali ng pagtangkang hadlangan ang tagumpay ng iba. Ito ay nagdudulot ng kakulangan sa kooperasyon at pagtutulungan, na kinakailangan para sa pagpapalago ng mga kasanayan. Ayon sa mga HR practitioners, ang ganitong uri ng kultura ay nakakapinsala sa moral ng mga empleyado, dahil nahihirapan ang mga may mataas na potensyal na ipakita ang kanilang kakayahan o magtamo ng mga pagkakataon para sa kanilang pag-unlad. Ang takot na mapag-iwanan o hadlang ang kanilang mga kasamahan ay nagiging sagabal sa kanilang propesyonal na paglago, kaya’t nagiging sanhi ito ng pagkaantala sa pagpapalawak ng kanilang kasanayan. 34 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna Sa pananaw ng mga HR practitioners, mahalaga ang mga hakbang upang labanan ang epekto ng crab mentality at mapalakas ang positibong kultura ng pagtutulungan sa loob ng organisasyon. Ayon sa mga eksperto, ang HR practitioners ay may responsibilidad na magpatupad ng mga polisiya at programa na magpapalaganap ng kooperasyon at makatarungang pagtingin sa mga kasanayan at kontribusyon ng bawat isa. Ang mga inisyatiba tulad ng team-building activities, mentoring programs, at makatarungang sistema ng pagsusuri sa perpormans ay makakatulong upang mabawasan ang crab mentality at magbigay daan sa isang mas malusog na kapaligiran ng pagtutulungan. Sa ganitong paraan, ang mga HR practitioners ay hindi lamang nakakatulong sa pagpapalawak ng kasanayan ng mga empleyado, kundi nagsusulong din ng kanilang propesyonal na pag-unlad, na nagreresulta sa mas matagumpay na organisasyon sa kabuuan. 35 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna Kabanata 3 METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK Sa kabanatang ito ay ipinapakita ang mga metodolohiyang ginamit ng mga mananaliksik para sa pag-aaral. Ito ay naglalaman ng disenyo ng pag-aaral, kalahok at sampling metod, instrumento ng pananaliksik, paraan ng pangangalap ng datos, etikal na konsiderasyon at pati na rin ang pag-aanalisa ng datos. Disenyo ng Pananaliksik Ayon sa USC Libraries (2025), ang disenyo ng pananaliksik ay tumutukoy sa kabuuang estratehiya at analitikong pamamaraan na naglalayong pagsama-samahin sa isang lohikal at magkakaugnay na paraan ang iba’t ibang bahagi ng pag-aaral. Ito ay nagsisilbing gabay upang masiguro na ang problema sa pananaliksik ay masusing masusuri. Sa karagdagan, ang disenyo na ito ay itinuturing bilang plano para sa pangangalap, pagsukat, at interpretasyon ng mga impormasyon at datos. Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng kwalitatibong pag-aaral, ayon kay Cissé at Rasmussen (2022), ito ay ang pagsusuri ng mga datos na nakatuon sa paglalarawan, pag-unawa, at pagbibigay-kahulugan sa mga paraan kung paano inuunawa ng mga respondents ang kanilang mga karanasan at pangyayari sa personal na buhay. Ang napiling metodolohiya ng mga mananaliksik ay semi-structured interview, na nagbibigay-daan sa pagbuo ng mas malalim na talakayan. Ayon naman sa Delve (2022), ang semi-structured interview ay pagkalap ng mga datos na gumagamit ng open-ended questions para sa mga kalahok, na sinusundan ng iba pang tanong upang mas mapalalim ang kanilang mga sagot nang sa gayon ay higit na maunawaan ang paksang pinag-aaralan. Layunin ng pag-aaral na ito na tuklasin ang epekto ng crab mentality sa 36 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna potensyal na kasanayan ng mga empleyado batay sa perspektibo ng mga human resources practitioners, na siyang bubuo ng pangunahing datos para sa mas malalim na pagsusuri. Kalahok at Sampling Method Sa pananaliksik na ito, ang purposive sampling ang gagamitin ng mga mananaliksik, ayon sa artikulo ni Hassan, M. (2024), ang purposive sampling ay isang non-probability technique kung saan ang mga mananaliksik ang pumipili ng mga kalahok batay sa kanilang kaalaman, kaugnayan, o kakayahan sa isyu ng pananaliksik na ito. Ang purposive sampling ay isang epektibong estratehiya para sa kwalitatibong pananaliksik na naglalayong makakuha ng malalim na kaalaman sa mga tiyak na epekto ng crab mentality sa potensyal na kasanayan ng empleyado, sa pamamagitan ng sadyang pagpili ng kalakol na Human Resource Practitioners na maaaring magbigay ng mahalagang impormasyon tungkol sa ganitong mentalidad na nakaranas sa lugar ng trabaho. Instrumento ng Pananaliksik Ang instrumento ng pananaliksik ay tumutukoy sa mga kasangkapan o pamamaraan na ginagamit upang makalikom ng datos mula sa mga kalahok ng pag-aaral. Maaaring ito ay mga survey questionnaire, panayam, obserbasyon, o pagsusulit na idinisenyo ayon sa layunin ng pananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng pakikipagpanayam bilang instrumento sa pangangalap ng mga impormasyon na kakailanganin sa pag-aaral. Ang mga mananaliksik ay maghahanda ng mga gabay na katanungan upang malaman ang perspektibo ng Human Resource Practitioner sa epekto ng crab mentality sa 37 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna potensyal na kasanayan ng mga empleyado. Kasama sa instrumento na ito ang mga propayl ng bawat kalahok tulad ng pangalan, edad, kasarian, at trabaho. Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos Sa pananaliksik na ito, dito malalaman ang kahalagahan ng pagkalap ng mga datos at paano ang pamamaraan na isasagawa ng mga mananaliksik. Ang pangunahing hakbang upang maisagawa ito ay ang proseso ng pagsasama o pangongolekta ng mga importanteng impormasyon o datos na makapagbibigay ng malinaw na sagot sa ginagawang pag-aaral. Ang pamamaraan na maaaring isagawa upang makapangalap ng datos ay ang talatanungan, obserbasyon, at panayam. Ang pananaliksik ay limitado sa pagpili ng sampung Human Resource Practitioner mula sa buong lungsod ng Santa Rosa, Laguna. Ang maaaring kwalipikasyon sa pagpili ng kalahok ay ang mga sumusunod: 1. Dapat ang mga kalahok ay kasalukuyang naninirahan sa lungsod ng Santa Rosa, Laguna. 2. Dapat sila ay kasalukuyang nagtatrabaho sa isang partikular na posisyon sa Human Resource (HR), tulad ng HR Manager, HR Officer, o Recruiter. 3. May naging karanasan ang mga kalahok hinggil sa epekto ng crab mentality sa pag-unlad ng kasanayan ng mga empleyado. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng kwalitatibong pamamaraan ng pag-aaral at purposive sampling, partikular ang judgemental o selective na proseso, kung saan ang mga kalahok ay pinili alinsunod sa layunin ng pag-aaral. Mula sa mga napiling kalahok ng pag-aaral, nagsagawa sila ng mga interbyu na ginabayan ng mga talatanungan upang matukoy ang 38 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna pananaw ng mga Human Resource Practitioner ukol sa epekto ng crab mentality sa potensyal na kasanayan ng mga empleyado, batay sa uri ng semi-structured interview. Etikal na Konsiderasyon Ang pananaliksik na ito ay isinagawa alinsunod sa mga itinakdang pamantayan ng etika upang matiyak ang proteksyon ng mga karapatan ng mga kalahok at ang seguridad ng impormasyong kanilang ibinahagi. Bago simulan ang pag-aaral, ang mga kalahok ay binigyan ng komprehensibo at malinaw na paliwanag ukol sa layunin, saklaw, at metodolohiya ng pananaliksik. Sa pamamagitan ng informed consent, sila ay kusang-loob na nagpasyang lumahok sa pag-aaral. Nakapaloob sa kasunduang ito ang kanilang pahintulot na ibahagi ang mga kaugnay na karanasan, kasama ang katiyakan na ang kanilang personal na impormasyon at mga sagot ay mananatiling kompidensyal at protektado. Upang matiyak ang pribasiya ng pagkakakilanlan ng mga kalahok at ang lubos na konpidensiyalidad ng mga impormasyon, ang lahat ng datos na makakalap ay hahawakan ng may pinakamataas na antas ng seguridad at pag-iingat. Hindi isasapubliko ang anumang detalye na maaaring magpahayag ng pagkakakilanlan ng mga kalahok nang walang tahasang pahintulot mula sa kanila. Ang mga mananaliksik ay mahigpit na sumusunod sa Republic Act 10173 o ang Data Privacy Act of 2012, partikular sa Seksyon 8 na nagsasaad: "The Commission shall ensure at all times the confidentiality of any personal information that comes to its knowledge and possession." Bilang karagdagang hakbang, ipinatupad ng mga mananaliksik ang naaangkop na proseso ng Data Disposal upang tiyakin ang permanenteng pagkasira o pagbura ng mga nakalap na datos pagkatapos ng pananaliksik. Ang prosesong ito ay isinagawa upang maiwasan ang anumang posibleng maling paggamit ng impormasyon. 39 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna Ang pagpapanatili ng konpidensiyalidad at ang paggalang sa mga karapatan ng mga kalahok ay itinuturing ng mga mananaliksik bilang isang pangunahing moral at legal na responsibilidad. Ang mahigpit na pagsunod sa mga prinsipyong ito ay itinuturing na mahalaga upang matiyak ang integridad, kredibilidad, at pagiging etikal ng pananaliksik na ito. Pag-aanalisa ng Datos Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng “Thematic Analysis” sa pagsusuri ng mga datos. Ang Thematic Analysis ay isang sistematikong proseso ng pagtukoy, pagsusuri, at pagbibigay- kahulugan sa mga tema mula sa datos. Ang pamamaraang ito ay angkop sapagkat ang pangangalap ng datos ay isasagawa sa pamamagitan ng panayam na naglalayong masusing maunawaan ang mga pananaw, karanasan, at saloobin ng mga kalahok. 1. Pagpapakilala sa Datos - Ang mga naitala at inipon na panayam ay itatranskribo nang kumpleto at paulit-ulit na pag-aaralan upang masusing maunawaan ang kabuuan at konteksto ng mga sagot ng mga kalahok. 2. Pagbuo ng Paunang Kodigo - Ang mga mahalagang bahagi ng datos ay bibigyan ng mga paunang kodigo na kumakatawan sa mga ideya, konsepto, o temang may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik. 3. Pagkilala sa Mga Tema - Ang mga magkakatulad na kodigo ay pagsasama- samahin upang makabuo ng mga pangunahing tema na magbibigay-liwanag sa mahahalagang aspeto ng datos. 4. Pagrerepaso ng Mga Tema - Ang mga nabuo na tema ay susuriin at rerepasuhin upang matiyak na ang mga ito ay lohikal, magkakaugnay, at kumakatawan sa 40 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna kabuuang nilalaman ng datos. Kung kinakailangan, maaaring baguhin, dagdagan, o alisin ang mga tema. 5. Pagpapangalan at Paglalarawan ng Mga Tema - Ang bawat tema ay bibigyan ng tamang pangalan at detalyadong paglalarawan batay sa mga nakalap na datos upang malinaw na ipakita ang kaugnayan nito sa layunin ng pananaliksik. 6. Pag-uulat ng Mga Resulta - Ang mga natukoy na tema ay ilalahad nang maayos at sasamahan ng mga direktang sipi mula sa panayam bilang patunay upang patibayin ang interpretasyon at pagbibigay-kahulugan sa mga datos. Sa pamamagitan ng Thematic Analysis, layunin ng pananaliksik na makabuo ng masusing pagsusuri na magbibigay-liwanag sa mga karanasan at pananaw ng mga kalahok, na magiging pundasyon ng mga natuklasan at rekomendasyon sa konteksto ng pinag-aaralang paksa. 41 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna TALATANUNGAN DEMOGRAPIKO 1. Gaano ka na katagal na nagtatrabaho sa iyong kasalukuyang posisyon? PERSONAL AT PANANAW 2. Mayroon ka bang personal na karanasan o obserbasyon tungkol sa epekto ng crab mentality sa emosyonal na estado ng isang empleyado? Maaari mo ba itong ibahagi? 3. Sa iyong obserbasyon sa organisasyong iyong pinapasukan, pano nakakaapekto ang crab mentality sa pag-unlad ng potensyal na kasanayan ng mga empleyado? 4. Para sayo, paano nakaaapekto ang kompetisyon sa pagitan ng mga empleyado sa pag-usbong ng crab mentality sa loob ng inyong organisasyon? 5. Ayon sa iyong pananaw, paano naaapektuhan ng sistema ng promosyon at pagkilala sa mga empleyado ang pag-angkin ng kredito sa gawa ng iba bilang paraan upang maitaas ang kanilang posisyon? 6. Bilang isang Human Resource Practitioner, sa paanong paraan mabibigyang solusyon ang crab mentality upang ito ay maiwasan? 7. Anong mga hakbang ang maaaring ipatupad upang ipakita sa iyong nasasakupan ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan bilang kapalit ng crab mentality? 42 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna Talaan ng Sanggunian Abdul. (2022, March 7). Dealing with Crab Mentality in the Workplace. https://thegulfentrepreneur.com/dealing-with-crab-mentality-in-the-workplace/ Aromin Jr. , R. (2024, April 26). Why some FilAms have the mentality of crabs tearing each other down and dividing the community. https://thefilam.net/archives/40800 Barış, Ç., & Ruhi, S. (2021, August). MEASURING “CRABS IN A BUCKET” PHENOMENON AT SCHOOLS: A SCALE DEVELOPMENT STUDY9. https://files.eric.ed.gov/fulltext/EJ1311648.pdf Barro, A. (2024, July 16). CRAB MENTALITY IN THE WORKPLACE. https://www.visionfactory.org/post/crab-mentality-in-the-workplace BFI Finance. (2024, July 24). Crab Mentality: Meaning, Impact, Factors and How to Overcome It. https://www.bfi.co.id/en/blog/crab-mentality-arti-dampak-faktor-dan-cara- mengatasinya Brew, A., & Atokatha, N. (2024, September). Factors, Behaviors, and Outcomes of Crabs in a Barrel Syndrome Among In-Group Targets in Organizations – A Transcendental Phenomenological Study. https://www.proquest.com/openview/fcae37d8707eba38f1043c9d39c6ba50/1?pq- origsite=gscholar&cbl=18750&diss=y Business World. (2019, December). Crab mentality. https://docs.google.com/document/d/1C3u_Lp69y2LBSaBdgw6- BoL1pfHC1ya44YiwpAekKoU/edit?tab=t.0 Çetiner, Konaklioğlu, Öneren, & Atar Yilmaz. (2023, May 29). FIND THE HIDDEN CRAB; RESEARCH ON DESTRUCTIVE BEHAVIORS AT THE MANAGERIAL LEVELS OF THE ACCOMMODATION BUSINESS. https://hrcak.srce.hr/file/445797 Chand, C. (2020b, September 29). Crab mentality in the workplace. https://www.linkedin.com/pulse/crab-mentality-workplace-carisma-chand-mba/ Chowdhury, T. (2023, October 28). Crab mentality. https://www.linkedin.com/pulse/crab- mentality-tania-chowdhury--jtt9c Cissé, & Rasmussen. (2020). Types of Research Designs. https://libguides.usc.edu/writingguide/researchdesigns Crusius, J., Corcoran, K., & Mussweiler, T. (2022, February). Social Comparison: Theory, Research, and Applications. https://www.researchgate.net/publication/353803747_Social_Comparison_Theory_Resear ch_and_Applications. 43 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna David, J. (2024, November). The Crab Mentality in Filipino Culture: A Double-Edged Sword. https://filipinosinthe6ix.com/the-crab-mentality-in-filipino-culture-a-double-edged-sword/ De Tagle, J. (2021, January). Crab mentality – where does it come from? https://usa.inquirer.net/61656/crab-mentality-where-does-it-come-from Dev, Dr. S. (2024). Are You a Crab? How Crab Mentality Destroys You Before It Affects Others Ece, S. (2024, June 25). Crab Syndrome in Business Life and Collectivist/Individualist Culture. https://dergipark.org.tr/tr/download/article- file/3800413#:~:text=In%20the%20business%20world%2C%20employee,by%20the%20c ulture%20they%20have Ece, S. (2024b, June 30). Crab Syndrome in Business Life and Collectivist/Individualist Culture. https://dergipark.org.tr/en/pub/uiecd/issue/85706/1454123 Ellur, Dr. A. (2024, September 21). Crab Mentality: A Barrier to Success and How to Overcome It. https://www.linkedin.com/pulse/crab-mentality-barrier-success-how- overcome-dr-amith-ellur- sljqc/#:~:text=Lowered%20Morale%20and%20Engagement%3A%20When%20individuals %20feel%20unsupported,to%20higher%20turnover%20rates%2C%20absenteeism%2C% 20and%20overall%20dissatisfaction. HAPI Admin. (2023, March 28). Promoting Humanism to Avert Crab Mentality. http://hapihumanist.org/2023/03/28/promoting-humanism-to-avert-crab-mentality/ Hassan, M. (2024, March 25). Purposive Sampling – Methods, Types and Examples. https://researchmethod.net/purposive- sampling/#:~:text=Purposive%20sampling%2C%20also%20known%20as%20judgmental %20or%20selective,knowledge%2C%20relevance%2C%20or%20expertise%20concernin g%20the%20research%20topic. Hiede. (2023, December 6). Rising Above Admist “Crab Mentality.” https://www.linkedin.com/pulse/rising-above-admist-crab-mentality-hiede-irinco-hp8kc Imutan, J. (2024, August 26). Breaking the Chains: How to Overcome Crab Mentality in the Filipino Workplace. https://www.linkedin.com/pulse/breaking-chains-how-overcome-crab- mentality-filipino-workplace- gqrhc#:~:text=One%20of%20the%20most%20significant,and%20improvement%20within %20the%20organization Indeed Editorial Team. (2023, February 4). Recognizing High-Potential Employees (8 Characteristics). https://www.indeed.com/career-advice/career-development/high- potential 44 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna Itani, O. (2024, October 24). Beware of “The Crab Mentality”: How Your Environment Can Shape The Way You Think and Behave. https://www.omaritani.com/blog/the-crab- mentality Ituman, J. (2024). Breaking The Chains: How to Overcome Crab Mentality in the Filipino Workplace Jafari, S., Forouzande, N. F., Shirazi, L., & Zibad, M. (2023, December). The role of crab mentality syndrome and the glass ceiling phenomenon on the career success and happiness at work of female teachers with the mediation of turnover intention. https://journalieaa.ir/article-1-606-en.html Kiger, M. E., & Varpio, L. (2020, May 1). Thematic analysis of qualitative data: AMEE Guide No. 131. https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/32356468/ Lizardo, R. (2024, November). Crab mentality: A must be avoided in a workplace. https://dameanusabun.blogspot.com/2024/11/crab-mentality-must-be-avoided-in.html Muhammad, S. (2024, August 4). Crab Mentality: The Silent Destroyer of Organizational Success. National Privacy Commission. (n.d.). REPUBLIC ACT 10173 DATA PRIVACY ACT OF 2012. https://privacy.gov.ph/data-privacy-act/ Pamugari. (2022, October). Get To Know: Crab Mentality. https://www.cxomedia.id/wellnes/20221018152623-18-176628/get-to-know-crab-mentality qualtrics. (n.d.). Thematic analysis in qualitative research. https://www.qualtrics.com/experience-management/research/thematic-analysis-in- qualitative-research/ Ron. (2025, January 9). Filipino Crab Mentality in Remote Work: A Silent Force Undermining Success. https://www.linkedin.com/pulse/filipino-crab-mentality-remote-work-silent-force- ron-felicitas-qlw8c Se Billote, W., De Sagon, G., Escoto, M., & Pableo, A. (2021, January). Talangkang Pag- Iisip: An Exposé of Its Positivity in the Lens of Students in a Selected University in Baguio City. https://www.researchgate.net/publication/360176832_Talangkang_Pag- Iisip_An_Expose_of_Its_Positivity_in_the_Lens_of_Students_in_a_Selected_University_i n_Baguio_City Shatz, I. (2025). Crab Mentality: When People Pull Down Those Who Get Ahead. https://effectiviology.com/crab- mentality/#:~:text=Crab%20mentality%20can%20hinder%20the,group%20environment%2 0much%20more%20unpleasant Shawcroft, & Coyne. (2023). Downward Social Comparison. https://www.sciencedirect.com/topics/psychology/downward-social-comparison 45 Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SANTA ROSA CAMPUS City of Santa Rosa, Laguna Singh, V. (2023, March 30). Crab Mentality: When People Pull Down Those Who Get Ahead. https://www.linkedin.com/pulse/crab-mentality-when-people-pull-down-those-who-get- ahead-vijay-singh Soubhari, T., & Kumar, Y. (2023). The CRAB - Bucket Effect and Its Impact on Job Stress‖ – An Exploratory Study With Reference To Autonomous Colleges. https://www.academia.edu/9327839/_The_CRAB_Bucket_Effect_and_Its_Impact_on_Job _Stress_An_Exploratory_Study_With_Reference_To_Autonomous_Colleges Stay away from people with a crab mentality! (2024, March). https://penulisbajakkan.medium.com/stay-away-from-people-with-a-crab-mentality- 4efd2e2e878d Stuart, R. (2024, July). How to Do Thematic Analysis: 6 Steps & Examples. https://www.kapiche.com/blog/thematic-analysis The World of Work Project. (2024). The Tall Poppy Syndrome and Crabs in Buckets. https://worldofwork.io/2019/07/tall-poppy-syndrome-and-crabs-in-buckets/ Türkiye, A., & Öneren, M. (2023). Find the hidden crab; research on destructive behaviors at the managerial levels of the accommodation business. https://hrcak.srce.hr/clanak/445797 Üzüm, B., & Özkan, O. (2023, January). Can Supervisor’s Crab Syndrome Be an Antecedent of Abusive Supervision From the Perspective of Hospitality Organizations Through the Lens of Conservation of Resources Theory? https://www.researchgate.net/publication/372973382_Can_Supervisor's_Crab_Syndrome _Be_an_Antecedent_of_Abusive_Supervision_From_the_Perspective_of_Hospitality_Org anizations_Through_the_Lens_of_Conservation_of_Resources_Theory Uzum, B., Ozkan, O., Ozdemir, Y., Kose, S., & Seneldir, O. (2022, October). Crab barrel syndrome: Looking through the lens of type A and type B personality theory and social comparison process. https://www.frontiersin.org/journals/psychology/articles/10.3389/fpsyg.2022.792137/full Wills, T. (1981). Downward comparison principles in social psychology. https://psycnet.apa.org/record/1981-30307-001 Wills, T. A. (1981, September). Downward Comparison Principles in Social Psychology. https://www.researchgate.net/publication/232505959_Downward_Comparison_Principles_ in_Social_Psychology 46

Use Quizgecko on...
Browser
Browser