Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na Komunikasyon PDF
Document Details
Uploaded by TrustingHeliodor7110
Tags
Summary
Ang dokumento ay mayroong paliwanag tungkol sa mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon, kasama na ang pag-uuri sa lalawiganin, balbal at kolokyal na mga salita, pati na rin mga halimbawa ng salita.
Full Transcript
# Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na Komunikasyon The image shows a pink background with the title "Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na Komunikasyon". Below this is a picture of three yarn balls and two knitting needles. The title is in a white font and the pink background has a white pattern...
# Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na Komunikasyon The image shows a pink background with the title "Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na Komunikasyon". Below this is a picture of three yarn balls and two knitting needles. The title is in a white font and the pink background has a white pattern of interlocked circles. ## Pang-araw-araw na salita - Ang mga salitang karaniwang ginagamit at palasak na ginagamit sa mga pang-araw-araw na pakikipag-usap at psa mga kakilala at kaibigan ay kabilang sa impormal na salita. ## Lalawiganin - Ito ang mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan nito. - Kapansin-pansin ang mga lalawiganing salita, bukod sa iba ang bigmas, may kakaiba pang tono ito. ## Mga Halimbawa ng Lalawiganin | Tagalog | Ilokano | Cebuano | Bikolano | |---|---|---|---| | Aalis | Pumanay | Molakaw | Mahali | | Kanin | Inapoy | Kan-on | Maluto | | Alikabok | Tapok | Abug | Alpog | | Paa | Saka | Tiil | Bitis | | Ibon | Bilit | Langgam | Gamgam | | Halik | Ungngo | Halok | Hadok | | Kaibigan | Gayyem | Higala | Amiga | ## Balbal - Ang mga salitang ito ay tinatawag sa Ingles na *slang*. Ang mga salitang ito noong una ay hindi tinatanggap ng matatanda at may mga pinag-aralan dahil hindi raw magandang pakinggan. - Ang mga salitang balbal ay tinatawag din salitang kanto o salitang kalye. ## Halimbawa ng Balbal | Formal | Balbal | |---|---| | Nanay | Ermat | | Tatay | Erpat | | Sigarilyo | Yosi | | Guwardiya | Sikyo | | Kotse | Tsikot | | Pulis | Parak | | Kaibigan | Kosa | | Matanda | Gurang | ## Kolokyal - Ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at pagkabulgar, bagama't may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita. ## Halimbawa ng Kolokyal | Formal | Kolokyal | |---|---| | Nasaan | Nasan | | Kani-kaniya | Kanya kanya | | Tayo na | Tana | | Piyesta | Pista | | Saan | San | | Aywan | Ewan | ## Banyaga - Ito ay mga salitang mula sa ibang wika. - Karamihan sa mga ito ay pangalang tiyak, wika, teknikal, pang-agham, simbolong pangmatematika, o mga salitang banyagang walang salin sa wikang Filipino. ## Palabuoan ng mga Salitang Balbal ### Mula sa mga salitang katutubo - Halimbawa: - gurang (Bikol, Bisaya) - matanda - utol (Bisaya) - kapatid - buang (Bisaya) - luko-luko - pabarabarabay (Tagalog) - paharang-harang ### Mula sa Wikang Banyaga - Halimbawa: - tisoy, tisay (Espanyol: mestizo, mestiza) - kosa (Russian Mafia: Cosa Nostra) - sikyo (Ingles: Security Guard) ### Binaliktad - Halimbawa: - gat-bi - bigat - tsi-kot - kotse - tom-guts - gutom ### Nilikha - Halimbawa: - paeklat - maarte - espi - esposo - bonsai - maliit ### Pinaghalo-halo - Halimbawa: - kadiri - pag-ayaw - kilig to the bones - paghanga - in-na-in - uso ### Iningles - Halimbawa: - jinx - malas - bad trip - kawalang pag-asa - yes, yes, yo - totoo - weird - pambihira ### Dinaglat - Halimbawa: - KSP - Kulang sa Pansin - SMB - Style Mo Bulok - JAPAN - Just Always Pray At Night ### Pagsasalarawan o Pagsasakatangian ng Isang Bagay - Halimbawa: - yoyo - dahil ang relo ay hugis yoyo - lagay - dahil sa suhol ay inilalagay para hindi mahalata ang pagbibigay - basag, durog - dahil nawawala sa sariling isip kapag nakadroga