Summary

This module discusses the period of activism in the Philippines during the 1970s. It examines the causes and characteristics of the activism of Filipino youth, focusing on the literature and writings of the time. Literature, poetry, novels played a significant part in raising awareness and expressing the call for change.

Full Transcript

PANAHON NG AKTIBISMO MODYUL 1 PAHAPYAW NA KAALAMAN Ang pagiging malaya sa turing ngmga Pilipino ay hindi maatim tanggapin ng ilang mga mamamayang Pilipino, lalo na ng Inga kabataan. Naging mainit ang pamamalasak ng aktib...

PANAHON NG AKTIBISMO MODYUL 1 PAHAPYAW NA KAALAMAN Ang pagiging malaya sa turing ngmga Pilipino ay hindi maatim tanggapin ng ilang mga mamamayang Pilipino, lalo na ng Inga kabataan. Naging mainit ang pamamalasak ng aktibismo ng rnga kabataan noong 1970-72. Samutsaring paniniwala ang dahilan ng kanilang pagiging aktibista. Sa masusing pagmamasid at pag-aaral sa takbo ng pamahalaan, marami sa ating kabataan ang naniniwalang di na "demokratiko" kundi isa nang "gobyernong Kapitalista" ang umiiral sa aling bayan sapagkat damang-dama raw nila ang lalong paghihirap ng mga mahihirap at lalong pagyaman ng mga mayayaman. Ang iba naman ay patuloy na nanalig na matatag ang pamahalaang demo- kratiko at mga tao lamangna nagpapatakbo ngpamahalaan ang mga kakulangan. At ang iba naman ay may paniniwalang dapat nang palitan ng "sosyalismo" o MGA LAYUNIN "komunismo" ang bulok na pamahalaan.Iba't ibang samahan ang naitatag at nasapian ng ating mga kabataan nang panahong ito. May mga kabataang napabilang sa Bagong Hukbo ng Bayan (New Peoples' Army), may mga naging "Burgis" radikal o rebelde at mayroon ding mga nanatiling parang mga walang pakialam sa takbo ng pamahalaan. Matukoy ang mga dahilan ng pagiging aktibismo ng ating kabataan noon Matukoy ang tatlong katangiang taglay ng mga tulang naisulat n g panahon ng aktibismo Malaman ang mga ang mga katangian ng dula, nobela, maikling kwento at iba pa. ANG MGA KARANASAN SA PAGKATUTO AT MGA GAWAIN SA PANSARILING PAGTATAYA ✓ KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN Sa kalahatan, maraming mga kabataan ang naging aktibista upang humingi ng pagbabago sa takbo ng pamahalaan. Subalit sa kanilang pamamahayag hinggil sa pagbabagong ito na dala na rin marahil ng matinding damdaming makabayan at upang diin na rin ang kahalagahan ng kanilang kahilingan ay naging matalim at mabalasik ang panunulat ng ilan nating kabataan. At dahil dito, kasama manunulat, marami sqkanila ang nangapiit sa mga kampong militar ng bansa. Marami ring akda ang naisulat sa panahong ito, ngunit dahil sa mga akda'y mahigpit na ipinagbawal sa una pa lang na pagla- lathala at karamihan sa mga umakda'y kailangang lapitan pa't makapanayam, ang pangangalap at pagpapahalaga ng mga akdang ito ay PANITIKAN NG PILIPINAS - FINAL ipinauubaya na ng mga naghanda ng aklat na ito sa mga mananaliksik at palaaral. ✓ ANG BINHI NG AKTIBISMO Humantong sa pagkaka"deklara" ng Batas Militar (Martial Law) noong 1972 ang binhi ng aktibismo. Ngunit masasabing ang binhi ay naihasik na sa mga kabataan maging noong mga panahon pa nina Lapulapu, Lakandula, Rizal, at iba pa. Sadya pa ring masasabi na monopolohiya ng kabataang may init ng dugong duma-daloy sa kanilang ugat ang dahilan ng paghihimagsik laban sa makapangyayaring lakas ng Pilipinas. Kaya't balido ang sinabi ni Rizal na ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan. ✓ PANAHON NG DUGUANG PLAKARD Wika ni G. Ponciano Pineda sa kaniyang aklat na pina-magatang ang "Panitikang Pilipino saKaunlaran nang Bansa", ito ang panahong minsan pang pinatunayan ng kabataang Pilipino na hindi laging pagyuyuko ng ulo at pag-ilag sa hangin ang bumubuo ng kaniyang pagkalahi at pagkabansa. May sukdulan ang kaniyang pagtitimpi, Sumasabog parang Taal, kung puno na sa ngitngit ang matimping kalooban. Dugo? Ano ang dugo ng isang tao kung ihahambing sa dugong ibinubo upang ikulay sa pula ang ating bandila? Buhay? Ano ang buhay kung itatapat sa habang panahong hintuturong nakatundos sa mukha ng isang duwag at di nagkaka-roon n g paninindigan para sa sarili at gayon din sa kasunod na sanlin-lahi? Sa kabuuan, maraming kabataan ang nagbuwis ng buhay buong giting sa pagtatanggol ng karapatan masang Pilipino, waiang takot na suungin ang kamatayan basta maipaglaban lamang ang mga prinsipyo at tunay na karapatan. ✓ ANG KALAGAYAN NG PANITIKAN SA PANAHONG ITO Naging ganap na mapanghimagsik ang mga kabataan nang panahong ito. Ito'y mapatutunayan hindi lamang sa madugo at mapangwasak na demonstrasyon at mga pagpapahayag. Ang mga pahayagan ng mga mag-aaral sa kani-kanilang pamantasan ay punung-puno ng damdaming mapanghimagsik. Ang mga dating aristokratang manunulat ay nagkaroon ng kamulatang panlipunan. At maliban sa makinilya ay gumamit din sila ng pinsel at isinulat sa mga plakard, sa pulang pintura ang mga kaugnay na salitang nagpapahayag ng karaingan at pakikibaka.Tinalakay nila ang kabulukan ng lipunan at pulitika. Ang alinmang establisimento ay naging sagisag ng kabulukang dapat baguhin. Madarama sa simbahan, sa paaralan, at maging sa tahanan ang lason ng kawalang pagasa ng mga kabataan sa pamahalaan. Maging ang mga pari, mga guro, at mga magulang bilang awtoridad o mga dapat taong dapat igalang ay niyanig ng mga kabataang radikal bilang kalaban na pabigat sa hinihingi nilang pagbabago. Humangga ang panitikang ito ng mga aktibista sa pagsasaad ng dapat gawin upang lutasin ang suliranin. Ang ilan sa mga kabataang bumandila sa panitikang rebolusyunaryo ay Sina Rolando Tinio, Rogelio Mangahas, Efren Abueg, Rio Alma, Clemente Bautista, at iba pa. ✓ PANITIKAN NG PILIPINAS - FINAL ✓ ANG PANULAANG PILIPINO SA PANAHON NG AKTIBISMO Masasabing halos nagtataglay ng tatlong katangian ang mga tulang naisulat ng mga batang makata at mananalumpati sa panahongito ng aktibismo. Una ay ang pagmamasid at pagsusuri kalagayan ng bayan; pangalawa ay ang pagsisiwalat ng mga katiwalian at dayukdok na pagpapasasa ng mga nanunungkulan ang ikatlo ay ang tahasang masasabing labag sa kagandahang-asal na panunungayaw at karahasan sa pananalita. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa naging akda sa panahon ng aktibismo. Tunghayan natin ang ilang saknong mula sa tula ni Rio Alma na nagpapahayag ng matimping pagngangalit ng damdamin. Ang pagdakila sa mga mahihirap o anakpawis ay umabot din sataluktok ng panahong rebolusyong pangmasa. Narito ang pagpa-patunay mula sa ilang saknong ng mga tula ni Federico Licsi Espinona sinulat niya sa wikang Ingles. May mga katipunan din ang mga tula ang naisa-aklat sa panahong ito ng aktibismo. Ilan sa mga ito ay ang mga sumususnod; ✓ MgaA! ng Panahon (1970) ni Alejandro Q. Perez ✓ Kalikasan (1970) --- ni Aniceto Silvestre ✓ Peregrinasyon at Iba Pang Tula (1970) ni Rio Alma ✓ Tula Ng Bayan Ko at Iba Pa (1972) ni V. G. Suarez ✓ Sitsit Sa Kuliglig (1972) ni Rolando S. Tinio ✓ Mga Gintong Kaisipan (1972) — ni Segundo Esguerra ✓ ANG DULA, MAIKLING KUWENTO, AT NOBELA SA PANAHONG ITO Labis na naging mapangahas ang mga manunulat ng dula, maiklingkuwento o maging ng nobela sa panahong ito, hindi lamang sa paksa kundi maging sa usapan o salitaan ng kanilang mga tauhan sa akda.Payak ngunit makatotohanan ang salitaan o lengguwaheng ginagamit nila ngunit kadalasa'y ang payak at makatotohanang usapan o lengguwaheng ito, bagamat nasa makabagong panahon na ay hindi pa rin makayanang basahin nang hindi pamumulahan ng mukha ng mga babaeng may bakas na ni Maria Clara, lalo't ang usapan ay usapang lalaki o ginagamit sa tagpo sa pagtatalik. PANITIKAN NG PILIPINAS - FINAL MGA PANGUNAHING PUNTOS o Naging mainit ang pamamalasak ng aktibismo ng rnga kabataan noong 1970-72. o Humantong sa pagkaka"deklara" ng Batas Militar (Martial Law) noong 1972 ang binhi ng aktibismo o Wika ni G. Ponciano Pineda sa kaniyang aklat na pina-magatang ang "Panitikang Pilipino saKaunlaran nang Bansa", ito ang panahong minsan pang pinatunayan ng kabataang Pilipino na hindi laging pagyuyuko ng ulo at pagilag sa hangin ang bumubuo ng kaniyang pagkalahi at pagkabansa. o Sa kabuuan, maraming kabataan ang nagbuwis ng buhay buong giting sa pagtatanggol ng karapatan masang Pilipino, waiang takot na suungin ang kamatayan basta maipaglaban lamang ang mga prinsipyo at tunay na karapatan. o Ang ilan sa mga kabataang bumandila sa panitikang rebolusyunaryo ay Sina Rolando Tinio, Rogelio Mangahas, Efren Abueg,Rio Alma, Clemente Bautista, at iba. o ANG BINHI NG ARTIBISMO o Panahon ng duguuang Plakard o Ang Panulaang Pilipino sa Panahon ng aktibismo o Nobela, dula at maikling kwento. o Ang mga Pelikula at Komiks PANAHON NG BAGONG LIPUNAN MODYUL 2 PAHAPYAW NA KAALAMAN Ngasimula ang panahon ng Bagong Lipunan noong ika-21 ng Setyembre, 1972. Nagpatuloy pa rin ang Gawad Carlos Palanca sa pagbibigay patimpalak. Halos tungkol sa ikauunlad ng bayan ang nagging karaniwang paksain ng mga akda tulad ng Luntiang Rebolusyon (Green Revolution), Pagplano ng pamilya, wastong pagkain (Nutrition), drug addiction, polusyon at iba pa. Pinagsisikapan sa panahon na ito na maputol ang mga malalaswang babasahin. Nagtatag ang pamahalaang military ng bagong kagawaran na tinatawag na “minsitri ng kabatirang pangmadla” upang siyang mamahala at sumusubaybay sa mga pahayagan, aklat at mga iba pang babasahin. Sa pangunguna ni Ginang Imelda Marcos sa pagpapanibagong-buhay and naipatayo ang Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater. PANITIKAN NG PILIPINAS - FINAL MGA LAYUNIN Malaman ang kalagayan ng panitikang Filipino sa panahon ng Bagong Lipunan Matukoy ang tatlong uri ng tulang lumaganap sa panahon ng Bagong Lipunan. Maipaliwanag ang kalagayan ng panitikang Filipino sa panahon ng bagong lipunan. Matukoy ang mga mahahalagang tao sa larangan ng pagsusulat sa panahong ng bagong lipunan. ANG MGA KARANASAN SA PAGKATUTO AT MGA GAWAIN SA PANSARILING PAGTATAYA ABSTRAKSYON (ABSTRACTION) ✓ ANG MGA PANULAANG TAGALOG SA BAGONG LIPUNAN - Ilang buwan ang nakalipas pagkatapos idiklara ang Batas military, ang mga sumusunod na slogan ng bagong lipunan ay nabasa at narinig ng mga mamayan: 1. “Sa ikauunlad ng bayan, Disiplina ang kailangan” 2. “Tayo’y kumain ng gulay, Upang Humaba ang buhay” 3. “Magplano ng pamilya, Nang buhay ay lumigaya” 4. “Ang pagsunod sa magulang, Tanda ng anak na magalang” 5. “Tayo’y magtanim, Upang Mabuhay PANITIKAN NG PILIPINAS - FINAL - Naging paksa din ng mga tula ang pagkakaisa, tiyaga, pagpapahalaga sa pambansang kultura, ugali, kagandahan ng kapaligiran at iba pa. - Kabilang sa mga nagsulat ng tula nang panahon na ito ay sina Ponciano Pineda, ang kasaukuyang direkto ng surian ng wikang pambansa, Aniceto Silvestre, Jose Garcia Relevo, Bienvinido Ramos, Vicente Dimasalang, Cir Lopez Francisco, Pelagio Sulit at iba pa. ✓ ANG AWITING FILIPINO SA BAGONG LIPUNAN - Ganito ang ilan sa mga awit na lumitaw nang mga unang taon ng Bagong Lipunan. A. BAGONG LIPUNAN I. May bagong silang/may bago nang buhay Bagong bansa, bagong dangal/ sa bagong lipunan II. Nagbbago ang lahat/tungo sa pag-unlad At ating itanghal/Bagong Lipunan III. Ang gabi’y nagmaliw nang ganap At lumipas na ang magdamag IV. Ngumiti na ang pag-asa/ Sa umagang anong ganda (uulitin ang I) B. TAYO’Y MAGTANIM PANITIKAN NG PILIPINAS - FINAL I. Lahat ng makakain ay ating itatanim Magatanim, magtanim tayo’y magtanim II. Gawing kulay luntian ang kapaligaran Magtanim, magtanim tayo’y magtanim (KORO) Magtanim, magtanim Magtanim tayo upang mabuhay (2x) Noong 1975, nagbago ang takbo ng kasaysayan ang awiting Pilipino nan gang “TL ako sa - iyo” ay awitin ng pangkat Cinderella. Ang awiting ito ay nagging popula sa tawag na himig- Maynila. Binubuo ito ng ilang “balbal” na Pilipinong salita TL AKO SA’YO Ewan ko ba kung bakit type kita Di ka naman gwapo Kahit Malabo ang pagpili ko TL ako sa’yo Panay kantyaw ng mag utol ko Dehins ka raw bagay sa kagandahan ko Malabo na daw ang mata ko at na TL ---- kita - Naging tanyag din si Rico J. Puno sa pag-awit ng himig-Maynila tulad ng kaniyang “The Way We Were”. Narito ang isang saknong ng kaniyang awit. Alaala/nang tayoy magsweetheart pa Namamasyal pa sa Luneta Nang walang pera So it’s the laughter/ we will remember The way we were/Remember the way we were - Sa kaligirang ito, ang ilan pang mang -aawit na kompositor ay nagdagdag pa. Kabilang dito sina Freddie Aguilar, Florante, Jose Marie Chan at ang magkakasamang Tito, Vic and Joey. Naging matamgumpay ang “ANAK” ni Freddie Aguilar dahil sa dalang diwa at damdaming ipinahayag ng awiting ito. ✓ ANG DULA SA BAGONG LIPUNAN - Nangunguna sa panahong ito si Ginang Imelda Marcos dahil binuhay niya ang sarsuela ng mga tagalog, sinakulo at embayoka ng mga muslim pawing tinatanghal ito sa pinakumpuni niyang Metropolitan Theater at ipinatayong Folk Arts Teheater at Cultural Center of the Philippines. - Ang Mindano State University ay nagtanghal sa Cultural Center of the Philippines ng isang dulang “Sining Kambayoka” - Ang “Tales of Manuvu” na isang makabago o istilong rock na operang ballet ay nakadagdag din sa dulaang Pilipino noong 1977. Itinampuk nina Celeste Legaspi, Leah Navarro, Hajji PANITIKAN NG PILIPINAS - FINAL Alejandro, Boy Camara, Anthony Castelo, Rey Dizon, Gina Mariano at iba pa. Sinulat ni Bienvinido Lumpera at ang koryograpi ay kay Alice Reyes. - Si Imme Marcos na anak ng nagging pangulo ng bansa ay isang ring artistang dulaan sa kaniyang pagkakanap bilang pangunahing papel sa “Santa Juana ng Koral” at “The Diary of Anne Frank” - Lalong nakapagpasigla sa dula nang panahong iyon at maging sa kasalukuyan ang mga sumusunod: 1. PETA –nina Cecile Guidote at Lino Brocka 2. Repertory Philippines – nina Rebecca Godines at Zenaida Amador 3. UP Repertory – ni Bhen Cervantes 4. Teatro Filipino – ni Rolando Trinio ✓ ANG RADYO AT TELEBISYON - Ang radio ay patuoy pa ring tinatangkilik nang panahong ito. Ang kaniyang mga dugtungang dula tuad ni “Si Matar”, “Dahlia”, “Ito ang palad ko”, “Mr.Lonely” at iba pa ay siyang pampalipas oras. - Ang dula sa telebisyon nang panahong ito na labis na tinangkilik ng marami ay ang Gulong ng Palad, Flor de Luna, Anna Liza at iba pa. - Ang “superman” at “Tarzan” ay kinagiliwan din ng mga bata nang panahong ito. ✓ ANG PELIKULANG PILIPINO - Nagkaroon ng taunang pista na mga pelikulang Pilipino sa panahong ito. Ginagawaran ng gantimpala ang mag pelikula at artista. - Nagsilabas sa panahonna ito ang mga pelikulang walang romansa o seks subalit tinatangkilik dahil sa kaka-iabng kayarian tulad ng: 1. “Maynila… Sa kuko ng liwanag” 2. “Minsa’y isang Gamu-gamo” – na pinangunahan ni Nora Aunor 3. “Ganito kami Noon…Pano kayo ngayon” – na pinangunahan ni Christopher de Leon at Gloria Diaz 4. “Insiang” – ni Hilda Coronel 5. “Aguila” – pinangunahan nina Fernando Poe Jr., jay Ilagan at Christopher de Leon - Sa kaligirang ito, ang ilan pang mang-aawit na kompositor ay nagdagdag pa. Kabilang dito sina Freddie Aguilar, Florante, Jose Marie Chan at ang magkakasamang Tito, Vic and Joey. Naging matamgumpay ang “ANAK” ni Freddie Aguilar dahil sa dalang diwa at damdaming ipinahayag ng awiting ito. ✓ ANG DULA SA BAGONG LIPUNAN PANITIKAN NG PILIPINAS - FINAL - Nangunguna sa panahong ito si Ginang Imelda Marcos dahil binuhay niya ang sarsuela ng mga tagalog, sinakulo at embayoka ng mga muslim pawing tinatanghal ito sa pinakumpuni niyang Metropolitan Theater at ipinatayong Folk Arts Teheater at Cultural Center of the Philippines. - Ang Mindano State University ay nagtanghal sa Cultural Center of the Philippines ng isang dulang “Sining Kambayoka” - Ang “Tales of Manuvu” na isang makabago o istilong rock na operang ballet ay nakadagdag din sa dulaang Pilipino noong 1977. Itinampuk nina Celeste Legaspi, Leah Navarro, Hajji Alejandro, Boy Camara, Anthony Castelo, Rey Dizon, Gina Mariano at iba pa. Sinulat ni Bienvinido Lumpera at ang koryograpi ay kay Alice Reyes. - Si Imme Marcos na anak ng nagging pangulo ng bansa ay isang ring artistang dulaan sa kaniyang pagkakanap bilang pangunahing papel sa “Santa Juana ng Koral” at “The Diary of Anne Frank” - Lalong nakapagpasigla sa dula nang panahong iyon at maging sa kasalukuyan ang mga sumusunod: 5. PETA –nina Cecile Guidote at Lino Brocka 6. Repertory Philippines – nina Rebecca Godines at Zenaida Amador 7. UP Repertory – ni Bhen Cervantes 8. Teatro Filipino – ni Rolando Trinio ✓ ANG RADYO AT TELEBISYON - Ang radio ay patuoy pa ring tinatangkilik nang panahong ito. Ang kaniyang mga dugtungang dula tuad ni “Si Matar”, “Dahlia”, “Ito ang palad ko”, “Mr.Lonely” at iba pa ay siyang pampalipas oras. - Ang dula sa telebisyon nang panahong ito na labis na tinangkilik ng marami ay ang Gulong ng Palad, Flor de Luna, Anna Liza at iba pa. - Ang “superman” at “Tarzan” ay kinagiliwan din ng mga bata nang panahong ito. ✓ ANG PELIKULANG PILIPINO - Nagkaroon ng taunang pista na mga pelikulang Pilipino sa panahong ito. Ginagawaran ng gantimpala ang mag pelikula at artista. - Nagsilabas sa panahonna ito ang mga pelikulang walang romansa o seks subalit tinatangkilik dahil sa kaka-iabng kayarian tulad ng: 6. “Maynila… Sa kuko ng liwanag” 7. “Minsa’y isang Gamu-gamo” – na pinangunahan ni Nora Aunor 8. “Ganito kami Noon…Pano kayo ngayon” – na pinangunahan ni Christopher de Leon at Gloria Diaz 9. “Insiang” – ni Hilda Coronel 10. “Aguila” – pinangunahan nina Fernando Poe Jr., jay Ilagan at Christopher de Leon PANITIKAN NG PILIPINAS - FINAL ✓ ANG MGA PAHAYAGAN KOMIKS, MAGASIN AT IBA PANG BABASAHIN - Sa panahong ito, nagbihis ng panibagong anyo ang nilalaman ng mga pahayagan. - Ang mga balitang dati’y naglalahad ng karasahan tulad ng patayan, nakawan, panggagahasa at iba pa ay napalitan ng balitang kaunlarana. Narito ang ilang pahayagan: 1. Bulletin Today 6. Philipppine Daily 2. Times Journal 7. Evening express 3. People’s Journal 8. Evening post 4. Balita 5. Pilipino express - Sadyang nakahiligan nang basahin ng mga mamamayang Pilipino ang magasing Liwayway simula noong 1922. Bukod sa Liwayway, ang ilan pang magasing mababasa sa panahong ito ay ang: 1. Kislap 2. Bulaklak 3. Extra Hot 4. Jingle Sensation - Bukod sa mga magasin, para naming mga kabuteng nagsisulpot ang mga komiks na siyang kinagiliwang basahin ng marami. 1. Pilipino 2. Extra 3. Love Life 4. Hiwaga 5. Klasik 6. Espesyal MGA PANGUNAHING PUNTOS - Pinangunahan ni Ginang Imelda Marcos ang pagbuhay ng dula sa panahong ito. - Isa sa mga nagging matagumpay na awit ay ang “anak” ni Freddie Aguilar. - Walang pinag-kaiba ang mga maikling kwneto nang panahong ito sa mga naisulat noong bago magkaroon ng aktibismo, gayun din naman ang mga nobela at dula. PANITIKAN NG PILIPINAS - FINAL ANG PANITIKAN SA KASALUKUYAN MODYUL 3 PAHAPYAW NA KAALAMAN Maling mabawi ng mga mamayang Pilipino ang tunay na kalyaan na nawala rin ng may labing -apat na taon. Sa loob ng apat na araw, mula noong ika-21 ng Pebrero hanggang ika-25 nito ay namayani ang tinatawag na “People’s Power” o “Lakas ng Bayan”. Lumabas ang ganda ng pag-uugaling Pilipino. Muling nasilayan ang pagtuungan, pagmamalakasakit, pagkakaisa, pagbibigayan, pagkamatiising at pagiging makaibigan, pan analig sa Panginoon o Dakilang Lumikha. At para sa mga mamamayang Pilipino ito pa lamang an tunay na bagong Republika – “Ang Tunay na Bagong Republikang Pilipinas” MGA LAYUNIN Malaman ang kalagayan ng panitikang Filipino sa panahon ng Panitikan sa Kasalukuyan. Maipaliwanag ang kalagayan ng panitikang Filipino sa panahon sa panitikan sa kasalukuyan. Matukoy ang mga mahahalagang tao sa larangan ng pagsusulat sa panitikan sa kasalukuyan. ANG MGA KARANASAN SA PAGKATUTO AT MGA GAWAIN SA PANSARILING PAGTATAYA ABSTRAKSYON (ABSTRACTION) ✓ ANG KALAGAYAN NG PANITIKAN SA PANAHONG ITO - Bagama’t iilang buwan pa lamang ang nakakalipas sa pagsilang ng tunay na Republikang Pilipinas ay may mababakas nang pagbabago sa ating panitikan. Ang mga pagbabagong ito ay madarama na sa ilang tula, awiting Pilipino, sa mga pahayagan, sa mga sanaysay at talumpati. ✓ ANG PANULAANG PILIPINO SA KASALUKUYAN PANITIKAN NG PILIPINAS - FINAL - Ang mga tula sa kasalukuyan ay naglalaman ng halos walang kakimiang pagpapahayag ng tunay na damdamin ng mga makata, ang kanilang tuwirang pagpuri sa mga nanunungkulang nakagagawa ng kabutihan at panunuligsa naman sa mga tiwali. - Narito ang ilang halimbawa ng tula sa kasalukuyan: 1. Giting ng Bayan – ni Francisco Soc. Rodrigo 2. Himala ni Bathala – ni Francisco Soc Francisco HIMALA NI BATHALA Walang Bahid alinlangan, yaring aking paniwala Na himalang mahiwaga na magmula kay Bathala Yaong mga pangyayaring hindi inakala Na pagbukas nang biglaan sa pintuan ng paglaya Para sa’ting inalipin at inaping Inang bansa! - At dahil nakatamo ng kalayaan sa pamamahayag ang mga manunulat, ang galak at tuwa sa kanilang mga puso ay mababakas na nag-uumapaw. Walang pakundangan nilang naipahayag ngayon ang kanilang nais ipahayag tulad na mga nilalaman ng tulang ito ng isa sa ating mga mamahayag. 1. Lumaya ang media – Hango sa Taliba, Abril 16, 1986 2. Bawasan ang Amortisasyon – Taliba, May 12, 1986 3. Alambreng may tinik, Bombang tubig at usok na malupit – Remi Alvarez Alva ✓ MGA AWITING PILIPINO SA KASALUKUYAN - Narito ang ilan sa mga witing Pilipino na naririnig natin ngayon, at habang inaawit ang mga ito sa telebisyon, ipinakikilala naman ang mga makasaysayng tagpong naganap sa sambayang Pilipino. - Ang mga awiting ito ay kasamang inaalbum sa pamagat na “Handog ng Pilipino sa Mundo”. 1. Magkaisa- Tito Sotto, Homer Flores, E. Dela Pena 2. Handog ng Pilipino sa Mundo – Jim Paredes ✓ ANG SANAYSAY SA PANAHONG ITO - Maging sa mga sanaysay, damang-dama ang labis na katuwaan ng mga Pilipino sa nakamit na bagong kalayaan. Tunghayan natin ang iba’-ibang sanaysay: 1. Pag-ibig laban sa Tangke – Teresita Sayo 2. Bukas na Liham – Jocelyn M. David 3. Dikta ng Dayuhan – Romulo Alenio Caralipio 4. Susi sa Ganap na Kalayaan _ Juan Dela Cruz SR. PANITIKAN NG PILIPINAS - FINAL ✓ ANG MGA PROGRAMA SA RADYO AT TELEBISYON - Maririning sa kasalukuyan na nakapagpapahayag na ng mga tunay na niloloob nang walang takot o pangamba ang mga tapagsalita sa radio at lumalabas sa telebisyon. - Ang DZRH na isang istasyon ng radio rito sa ating bansa ay kasalukuyang tumataguyod sa isang programang “kabayan” na ang mga tao’y nabibigyan ng kalayaang magsalita at magbigay ng kanilang opinion. - Gayun din ang “People Power” na isa ring pagsasadula sa nakaraang apat na araw na matahimik na rebolusyong naganap sa ating bansa. - May ilan sa mga dulang katatawanang ipinalabas sa telebisyon ang nagsasadula ng mga nakaraan at kasalukuyanng pangyayari sa ating bansa. Kabilang dito ang Chicks to chicks, Eh, Kasi babae, Sa baryo Balimbing, at marami pang iba. ✓ ANG MGA PAHAYAGAN AT IBA PANG BABASAHIN - Maraming bagong pahayagan ang nagsulputan sa panahong ito. Kabilang ang Midday Malaya, Daily Inquirer, Masa, Daily Mirror, Veritas, Pilipino Ngayon at iba pa. - Tungkol naman sa komiks, magsasin wala pa ring pagbabago sa dami ng bilang ng mga ito. Ang mga nilalaman ay may kaugnayan sa nakaraang matahimik na rebolusyon. ✓ ANG MGA MANUNULAT SA KASALUKUYAN - Halos di na mabilang sa dami ang mga dati at baguhang manunulat. - Maibibilang sa ating mga kasalukuyang manunulat sina Ponciano Pineda, ang kasalukuyang Direktor ng Surian ng Wikang Pambansa, Isagani Cruz, Edgardo Reyes, Domingo Landicho, ruth Mabanglo, Lydia Gonzale, atbp. - Ngunit isa sa mga dakilang manunulat ang kamakailan lamang namatay. - Siya ay si Narciso del Rosario dating poetry columnist ng Balita na namatay noong ikaw-31 ng Marso 1986 sa sakit sa puso, sa gulang na 61. ✓ ANG TIMPALAK-PALANCA SA KASALUKUYAN - Ang taunang pagbibigay gantimpala ng Timpalak-Palanca sa mga pinakamahuhusay na akda ng dula, tula, maikling kwento at sanaysay ay patuloy pa rin. - Ang pagbibigay-gawad para sa taong ito ay ginanap sa Manila Peninsula Hotel noong Setyembre 04,1986. - Sa harap n gating kagalang-galang na Pangulong Corazon Aquino bilang pangunahing tagapagsalita. PANITIKAN NG PILIPINAS - FINAL Narito ang ilan sa mga parangal: 1. Dula (Iisahing Yugto) Unang Gantimpala – “Bayan mo” – sinulat ni Bienvinido Norigea Jr. na nakatanggap ng P12,000.00 Pangalawang Gantimpala – “Ang mga Tatoo” – ni Emmanuel Resureccion akda ni Reynaldo Duque na nakatanggap ng P7,000.00 2. Tula Unang Gantimpala – “Panahon ng Pagpuksa Atbp.” “Pakikidigma” – ni Teodoro T. Antonic 3. Maikiling Kwento Unang Gantimpala – “Ang Damo sa Fort Bonifacio” ni Cyrus Borja 4. Sanaysay Unang Gantimpala – “Si Edgardo Reyes” – ni Rogelio Mangahas

Use Quizgecko on...
Browser
Browser