Paggamit ng Diksyonaryo Sanggunian Bilang 5 PDF
Document Details
Uploaded by PrudentBiedermeier
Mother Goose Special School System, Inc.
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay nagpapaliwanag kung paano gamitin ang diksyonaryo. Ipinapakita nito ang mga pamatnubay na salita sa bawat pahina at ang pagkakasunod-sunod ng mga salita ayon sa alpabeto. Ito ay isang mahalagang sanggunian para sa pag-aaral ng Filipino.
Full Transcript
**Sanggunian Bilang 5** Ang **[diksyonaryo]** ay aklat na listahan ng mga salita at kahulugan ng mga ito. Makikita rin dito ang wastong baybay, bigkas, pagpapantig, at gamit ng mga salita sa pangungusap. Ang bawat pahina ng diksyonaryo ay may dalawang **pamatnubay na salita**. Matatagpuan ang mga...
**Sanggunian Bilang 5** Ang **[diksyonaryo]** ay aklat na listahan ng mga salita at kahulugan ng mga ito. Makikita rin dito ang wastong baybay, bigkas, pagpapantig, at gamit ng mga salita sa pangungusap. Ang bawat pahina ng diksyonaryo ay may dalawang **pamatnubay na salita**. Matatagpuan ang mga ito sa dakong itaas ng pahina. **Halimbawa:** **nadama nahawa** \_\_\_\_ naduro \_\_\_\_ nag-aalsa \_\_\_\_ nagamot \_\_\_\_ nahasa \_\_\_\_ nahimay \_\_\_\_ nagyakap \_\_\_\_ nangamba \_\_\_\_ nabagabag \_\_\_\_ nakatitiyak \_\_\_\_ nakasama - Ang pamatnubay na salitang **[nadama]** sa kaliwa ng pahina ay ang unang salita. - Ang pamatnubay na salitang **[nahawa]** sa kanan ng pahina ay ang huling salita. - Nakaayos ang mga salita **nang paalpabeto**. Sa tulong ng mga **pamatnubay na salita**, madaling matutukoy kung ang salitang hinahanap ay nasa pahina o wala.