FIL102 REVIEWER PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
- Contemporary Literary and Cultural Theory PDF
- M2_Signed (2) PDF - Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan (2021-2022) Past Paper
- Hindi PDF 1-31 dQÀfa¶fSXX, 2023
- The Manobo Eco-Literatures in Preserving Nature PDF
- Cursus Geschiedenis (ca. 1500 - ca. 1800) - Sint-Donatusinst. Merchtem - PDF
- Lit Guide-35-104 PDF - Granada Hills Charter High School
Summary
This document is a reviewer for FIL102, which discusses the concept of Ecocriticism and related terms, including definitions of basic ecological and critical concepts. It explores the interdisciplinary nature of the topic and examines the relationship between literature and the physical environment.
Full Transcript
**MODULE 1 FIL102\ \ \ **Depinisyon ng mga Termino **Ekolohiya/ Ekolohikal** - tawag sa pag-aaral ng ugnayan o interaksyon sa pagitan ng mga hayop, halaman at ng kalikasan. pag-aaral ng masalimuot na ugnayan sa pagitan ng mga komunidad ng biotic (buhay) at ng kanilang mga abiotic (di-buhay) na mga k...
**MODULE 1 FIL102\ \ \ **Depinisyon ng mga Termino **Ekolohiya/ Ekolohikal** - tawag sa pag-aaral ng ugnayan o interaksyon sa pagitan ng mga hayop, halaman at ng kalikasan. pag-aaral ng masalimuot na ugnayan sa pagitan ng mga komunidad ng biotic (buhay) at ng kanilang mga abiotic (di-buhay) na mga kapaligiran.\ \ **Kritisismo-** komparison, analisis, interpretasyon, at/o ebalwasyon ng mga akdang pampanitikan.\ \ **Ekokritisismo** -- galing sa mga salitang Griyego na oikos (nature o kalikasan na siyang pinakamalawak na tahanan) at kritos (arbiter of taste o tagahatol sa kalidad at integridad o karangalan ng akda na nagtataguyod ng kanilang diseminasyon, Fenn 2015:115) - pinagsamang dalawang salita eko (Ekolohiya) at Kritisismo. Isang interdisisplinaryong larangan ng makaagham na pagsulat ng panitikan. - isang dulog na nakaangkla sa pagpapalagay na may ugnayan ang panitikan at ang pisikal na kapaligiran ( Barry 2009:216 mula kay Glotfelty at Fromm 1996).\ \ **Sa librong Ecocriticism ni Greg Garrard**, sinipi niya ang depinisyon ni C. Glotfelty mula sa introduksiyon nitong huli sa librong inedit **na "The Ecocriticism Reader: Landmarks in Literary Ecology" Glotfelty (1996)** din ang unang nagtambal sa salitang **\"Ekokritisismo\"** na nagpapahalaga sa kaugnayan ng panitikan at kalikasan. Sa larangang ito, sinusuri ng mga awtor kung paano mapalawak ng panitikan ang paksa hinggil sa pag-iingat, pangangalaga at pagbibigay babala ng kalikasan sa tao upang mapanatili ang kaayusan ng mapayapang buhay sa Daigdig. Sa taong ito**, nailathala ang kauna-unahang \"Klasikong Antolohiya ng mga Piyesang Pampanitikan\" kasama si Harold Fromm**. Sumibol ang teoryang Ekokritisismo na siyang tumututok sa pandaigdigang krisis sa kalikasan sa pamamagitan ng panitikan na detalyeng naglantad ng mg kaganapan sa kultura at pisikal na kapaligiran dahilsa walang humpay na pagpapalalo ng tao sa luntiang kapaligiran.\ \ **Habang si William Rueckert (1978) Bumuo ng tambalang salitang \"Ecopoetics\"**. Ito ay ang isang tula na tumatalakay at sumisiyasat sa kalagayan ng kalikasan, kaugalian at pakikitungo ng tao sa kalikasan, sa hampas ng delubyo, pagtataksil sa kalikasan at mga oportunidad at paghihirap ng mga tao sa lungsod.\ \ \ \ \ \ Ang tatlong bahagi ay kinabibilangan ng **kaparangan, nakakamanghang tanawin, at mga lokal na tanawin.\ \ \ **Sa anong dekada unang naitatag ang ekokritisismo sa Estados Unidos?**\ - 1980s** Ang ekokritisismo ay unang naitatag sa Estados Unidos noong dekada 1980. Pinangunahan ito nina Cheryll Glotfelty at Harold Fromm, na nagbigay-diin sa ugnayan ng panitikan at kalikasan sa kanilang koleksyon ng mga sanaysay. Ano ang tawag sa pag-aaral ng ugnayan ng panitikan at pisikal na kapaligiran? **-Ekokritisismo\ **Ang ekokritisismo ay ang pag-aaral ng ugnayan ng panitikan at pisikal na kapaligiran. Tinutukoy nito kung paano isinasalaysay ang kalikasan sa mga akda at ang epekto nito sa mga tao at lipunan, na nagtataguyod ng pangangalaga sa kalikasan. Aling akda ang isinulat ni Jonathan Bate na may kaugnayan sa ekokritisismo?\ **-\"Romantic Ecology: Wordsworth and Environmental Tradition\"\ **Ang akdang \"Romantic Ecology: Wordsworth and Environmental Tradition\" ni Jonathan Bate ay may kaugnayan sa ekokritisismo dahil tinatalakay nito ang ugnayan ng panitikan at kalikasan, partikular ang impluwensya ng mga akda ni Wordsworth sa pag-unawa sa kapaligiran**.\ \ **Ano ang pinagmulan ng salitang \'ekokritisismo\'? **-Pinagsamang salitang Griyego na oikos at kritos**. Ang salitang \"ekokritisismo\" ay nagmula sa pinagsamang salitang Griyego na \"oikos,\" na nangangahulugang kalikasan o tahanan, at \"kritos,\" na tumutukoy sa tagahatol. Ito ay naglalarawan ng ugnayan ng panitikan at kalikasan.\ \ Ano ang etimolohiya ng salitang \'ekokritisismo\'? **- Mula sa Griyegong \'oikos\' at \'kritos\'** Ang salitang \'ekokritisismo\' ay nagmula sa Griyegong \'oikos\' na nangangahulugang kalikasan o tahanan, at \'kritos\' na tumutukoy sa tagahatol o arbiter ng kalidad. Ito ay nag-uugnay sa panitikan at kapaligiran, na mahalaga sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan. Ano ang pangunahing layunin ng ekokritisismo ayon kay Jonathan Bate? **- Pag-aralan ang epekto ng kalikasan sa panitikan.** Ang pangunahing layunin ng ekokritisismo ayon kay Jonathan Bate ay pag-aralan ang epekto ng kalikasan sa panitikan. Tinutukoy nito kung paano ang panitikan ay naglalarawan at nagbibigay-diin sa ugnayan ng tao at kalikasan**.** Sinong manunulat ang nagpasikat ng konsepto ng \"Ecopoetics\"? **-William Rueckert** Si William Rueckert ang nagpasikat ng konsepto ng \"Ecopoetics.\" Ang kanyang trabaho ay nakatuon sa pagsusuri ng ugnayan ng panitikan at kalikasan, na nagbibigay-diin sa mga isyu ng pangangalaga at pag-iingat sa kapaligiran. Alin sa mga sumusunod ang etimolohiya ng salitang \"ekokritisismo\"? **-Galing sa \"oikos\" at \"kritos\"** Ang salitang \"ekokritisismo\" ay nagmula sa \"oikos\" na nangangahulugang kalikasan at \"kritos\" na tumutukoy sa tagahatol. Ito ay nagpapakita ng ugnayan ng panitikan at kapaligiran, na mahalaga sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan. Ano ang pangunahing layunin ng ekokritisismo? **- Ang pag-aaral ng ugnayan ng panitikan at kalikasan.\ **Ang ekokritisismo ay ang pag-aaral ng ugnayan ng panitikan at kalikasan. Tinutukoy nito kung paano isinasalaysay at isinasagisag ang kalikasan sa mga akdang pampanitikan, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng kapaligiran sa kultura at sining. Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng pampanitikang teksto na maaaring suriin gamit ang ekokritisismo? **- Isang tula na naglalarawan ng kalikasan** Isang tula na naglalarawan ng kalikasan ay isang halimbawa ng pampanitikang teksto na maaaring suriin gamit ang ekokritisismo dahil ito ay nag-uugnay sa mga tema ng kalikasan at ang epekto nito sa tao at lipunan. - **Cheryll Glotfelty:** - Isa sa mga pangunahing tagapagtatag ng ekokritisismo sa Amerika noong 1980. - Kilala sa kanyang koleksyon ng sanaysay na \"The Ecocriticism Reader: Landmarks in Literary Ecology.\" - **Harold Fromm:** - Kasama ni Glotfelty sa pagtatag ng ekokritisismo. - Nagbigay-diin sa interdisiplinaryong lapit sa pagsusuri ng panitikan at kalikasan. - **Jonathan Bate:** - Nagtatag ng ekokritisismo sa United Kingdom noong 1990. - Aktibong tagapagtaguyod ng pag-aaral ng ugnayan ng panitikan at kalikasan sa Britanya. - **Ralph Waldo Emerson:** - Isang sinaunang manunulat na nagpapahalaga sa kalikasan. - Naniniwala na ang tunay na kaligayahan ay matatagpuan sa kalikasan at simpleng bagay. - **Henry David Thoreau:** - Kilalang may-akda ng "Life in the Woods." - Itinataas ang halaga ng kalikasan sa tunay na pamumuhay at kasiyahan. - **Teoryang Naratolohiya:** - Ginamit ni Aristotle upang talakayin ang ugnayan ng panitikan at pisikal na kapaligiran. - Pag-aaral ng estruktura ng salaysay at kung paano nakakalikha ng kahulugan ang diskurso. - Tatlong elemento ng banghay: hamartia, angnorisis, peripeteia. - **Ekokritisismo:** - Kahulugan at kabuluhan ng ekokritisismo. - Etimolohiya ng ekokritisismo at ang teorya nito sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan. - Interdisiplinaryong lapit sa pagsusuri ng ugnayan ng panitikan at kalikasan. - Ang teoryang pampanitikan ay isang sistema ng mga ideya at prinsipyo na ginagamit upang suriin at unawain ang mga akdang pampanitikan. Kabilang dito ang iba\'t ibang pananaw tulad ng ekokritisismo, naratolohiya, kultural na teorya, at ecopoetics na nagbibigay-diin sa ugnayan ng panitikan at kalikasan. - **Ekokritisismo:** - Pinaikling anyo ng ecological literary criticism. - Itinatampok ang kalikasan bilang isang indibidwal na may sariling entidad at mahalagang papel sa akda. - Nagtataguyod ng pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng eko-literacy. - **Naratolohiya:** - Pag-aaral ng estruktura ng kwento at paraan ng pagkukuwento. - Tumutok sa kung paano ang mga elemento ng kwento ay nag-uugnay sa tema at mensahe. - **Kultural na Teorya:** - Pagsusuri ng mga akda batay sa konteksto ng kultura at lipunan. - Tinutukoy ang impluwensya ng kultura sa paglikha at pagtanggap ng panitikan. - **Ecopoetics:** - Isang disiplina na nagsusuri sa koneksyon ng tula at kalikasan. - Binibigyang-diin ang estetika ng kalikasan sa sining at panitikan. **Pagsusuri ng Kapaligiran** Ang pagsusuri ng kapaligiran ay tumutukoy sa pag-unawa at pagpapahalaga sa ugnayan ng kalikasan at panitikan. Sa pamamagitan ng ekokritisismo, sinisiyasat ang epekto ng tao sa kalikasan at ang representasyon nito sa mga akdang pampanitikan. - **Tatlong Bahagi ng Kapaligiran:** - **Unang Bahagi:** Kinabibilangan ng mga natural na anyo tulad ng disyerto, karagatan, at kontinente. - **Ikalawang Bahagi:** Nakakamanghang tanawin gaya ng kagubatan, lawa, bundok, at talon. - **Ikatlong Bahagi:** Mga lokal na tanawin na gawa ng tao tulad ng parke, hardin, at daan. - **Ugnayan ng Kalikasan at Panitikan:** - Ekokritisismo bilang teorya na nag-uugnay sa kalikasan at panitikan. - Pagsusuri sa kung paano isinasagisag ang kalikasan sa mga akda. - Papel ng pisikal na tagpuan sa banghay ng kwento. - **Panganib ng Tao sa Kalikasan:** - Epekto ng mga aktibidad ng tao sa kapaligiran. - Pag-aaral ng mga panganib dulot ng hindi tamang paggamit ng likas na yaman. - Kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan sa konteksto ng pandemya. - **Interdisiplinaryong Lapit:** - Kaugnayan ng agham at ekolohiya sa pag-aaral ng panitikan. - Posibleng bunga ng pag-aaral sa panitikan at usaping pangkapaligiran sa iba pang disiplina tulad ng kasaysayan, pilosopiya, at etika. - **Teoryang Naratolohiya:** - Pagtalakay sa estruktura ng salaysay batay sa panahon ng pagkakasulat. - Tatlong elemento ng banghay: hamartia, angnorisis, at peripeteia. - **Ekolohiya/Ekolohikal:** - Pag-aaral ng interaksyon sa pagitan ng mga hayop, halaman, at kalikasan. - Masalimuot na ugnayan ng biotic at abiotic na mga kapaligiran. Ano ang tatlong bahagi ng kapaligiran ayon kay Barry (1996)? **-Unang Bahagi, Ikalawang Bahagi, Ikatlong Bahagi\ \ **Ano ang ibig sabihin ng \"Ecopoetics\" ayon kay William Rueckert? **-Isang tula na sumisiyasat sa kalikasan at ugnayan ng tao dito\ \ **Ano ang papel ng pisikal na tagpuan sa isang akdang pampanitikan ayon sa ekokritisismo?\ -**Ang tagpuan ay may mahalagang papel sa ugnayan ng tao at kalikasan**. Sino ang mga pangunahing tagapagtatag ng ekokritisismo sa Estados Unidos at sa Reino Unido?\ **-Cheryll Glotfelty at Harold Fromm, Jonathan Bate** Ano ang mga kritikal na aspeto na tinalakay ni Henry David Thoreau sa kanyang akdang "Life in the Woods" tungkol sa kalikasan?\ **-Ang tunay na kaligayahan ay nasa kalikasan\ ** Anong mga halimbawa ng mga akda ang nabanggit na may kaugnayan sa ekokritisismo? **- \"Kalikasan at Kultura\ \ ** **MODULE 2 FIL102** **AKDANG PAMPANITIKAN\ \ ANYO** -Tuluyan o prosa\ -Patula**\ ** **KARUNUGANG BAYAN\ **-bugtong\ -sawikain\ -bulong **AWITING BAYAN/KATUTUBO\ **-hele\ -kundiman\ -awit pang kasal\ -awit pang digmaan\ -manggagawa **AMERIKANO\ **-Patula **Kahalagahan ng Kalikasan** - Ang kalikasan ay may mahalagang papel sa buhay ng tao at sa kabuuang ekosistema. Ang pagpapahalaga sa kalikasan ay nag-uugnay sa mga isyu tulad ng polusyon, global warming, at climate change na nagiging sanhi ng pagbabago sa ating kapaligiran. - **Pagpapahalaga sa Kalikasan:** - Ugnayan ng kalikasan at kultura sa mga akdang pampanitikan. - Pagsusuri ng epekto ng gawi at paniniwala sa kalikasan. - Interkoneksyon ng kultura at kapaligiran. - **Polusyon**: - Pagbabago sa kalidad ng hangin, lupa, at tubig. - Nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng tao at hayop. - **Global Warming:** - Pagtaas ng katamtamang temperatura ng himpapawid at karagatan. - Epekto sa klima at mga natural na yaman. - **Climate Change:** - Pagbabago ng klima dulot ng pagtaas ng greenhouse gases. - Nakakaapekto sa mga ecosystem at biodiversity. - **Overpopulation:** - Pagdami ng populasyon na nagiging sanhi ng labis na paggamit ng likas na yaman. - Nakasira sa ekosistema at nagdudulot ng polusyon. **Ekokritisismo** - Ang ekokritisismo ay isang interdisiplinaryong pag-aaral na nag-uugnay sa kalikasan at kultura, tinitingnan ang epekto ng mga kultural na paniniwala sa kapaligiran. Layunin nitong suriin ang ugnayan ng tao at kalikasan sa konteksto ng literatura at iba pang disiplina. - **Interdisiplinary Approach:** - Pagsasama ng iba\'t ibang disiplina tulad ng sosyolohiya, antropolohiya, at panitikan. - Pag-unawa sa mga koneksyon ng kalikasan at lipunan. - **Kultural-Antropolohiya:** - Pagsusuri kung paano nakakaapekto ang mga kultural na paniniwala sa ekosistema. - Pag-aaral ng mga lokal na grupo at kanilang relasyon sa kapaligiran. - **Eko-Panitikan:** - Pagsusuri ng mga anyo ng panitikan na may kaugnayan sa kalikasan. - Halimbawa: Eko-alamat at Eko-pabula (e.g., \"Alamat ng Chocolate Hills\" at \"Pagong at Elepante\"). - **Ugnayan ng Kalikasan at Kultura:** - Paano ang mga kultural na aspeto ay nakakatulong sa pagpapanatili ng balanse sa ekosistema. - Pagpapahalaga sa mga tradisyonal na kaalaman at gawi na nagtataguyod ng sustainable practices. - **Ekolohikal na Antropolohiya:** - Teoryang naglalayong ipaliwanag ang interaksyon ng kultura at kapaligiran. - Pagsusuri ng mga pagkakatulad at pagkakaiba ng mga kultura batay sa kanilang ekolohikal na konteksto. **Layunin ng Aralin** - Ang layunin ng aralin ay ipaliwanag ang ugnayan ng ekokritisismo sa iba\'t ibang disiplina at suriin ang mga anyo ng eko-panitikan. Tatalakayin din dito ang kahalagahan ng kalikasan sa lipunan at kultura, pati na rin ang paglikha ng editorial cartoon batay sa pagsusuri. - **Pagsusuri ng Eko-Panitikan:** - Pagkilala sa mga anyo ng eko-panitikan. - Pagsusuri ng mga akdang pampanitikan na may kaugnayan sa kalikasan. - **Paglikha ng Editorial Cartoon:** - Gawain na naglalayong ipakita ang pag-unawa sa suliranin ng kalikasan. - Batayan ang ginawang pagsusuri sa eko-alamat at eko-pabula. - **Pagpapaliwanag ng Ugnayan ng Ekokritisismo:** - Ugnayan ng ekokritisismo sa kultural-antrolohiya at sosyolohiya. - Pagsusuri kung paano ipinapakita ng panitikan ang kapaligiran at mga isyu sa kalikasan. **Eko-Panitikan** - Overview: Ang Eko-Panitikan ay isang anyo ng panitikan na nakatuon sa ugnayan ng tao at kalikasan. Ito ay naglalayong ipakita ang halaga ng kapaligiran at likas na yaman sa pamamagitan ng iba\'t ibang anyo ng sining tulad ng alamat, pabula, tula, sanaysay, awit, at pelikula. - **Eko-Alamat:** - Mga kwento o mito na nagpapaliwanag ng mga natural na phenomena at kultura. - Halimbawa: Alamat ng Chocolate Hills ng Bohol. - **Eko-Pabula:** - Kwento na may aral na kadalasang gumagamit ng mga hayop bilang tauhan. - Halimbawa: Pabula ng Pagong at Elepante (Pabula ng mga Manobo). - **Eko-Tula:** - Tula na nagbibigay-diin sa mga taludtod at himig na naglalarawan ng kalikasan. - Naglalaman ng talinhaga at simbolismo tungkol sa kapaligiran. - **Eko-Sanaysay:** - Sanaysay na tumatalakay sa mga isyu ng kalikasan at kapaligiran. - Nagsusuri ng epekto ng tao sa kalikasan at nagmumungkahi ng solusyon. - **Eko-Awit:** - Awit na nagtatampok sa kagandahan ng kalikasan at mga hamon nito. - Ginagamit upang ipahayag ang damdamin ukol sa kapaligiran. - **Eko-Pelikula:** - Pelikula na naglalarawan ng mga kaganapan na may kaugnayan sa kalikasan. - May animasyon at gumagalaw na elemento na nagpapahayag ng mensahe tungkol sa kapaligiran. Ayon kay Steward, ang mga halaw sa pamamaitan ay kinabibilangan ng: - Pagsuri ng Spiritual Core, na pundasyon ng kakayahan ng kultura na makaligtas, na binubuo ng teknolohiya, kaalaman, at mga pamilya na kumukuha ng yaman mula sa kalikasan. - Pagsiyasat ng ugnayan ng mga gawi at cultural core. - Pag-eksamin kung paano nakakaapekto ang mga institusyon at paniniwala sa mga nakagawiang pag-uugali. - **Jimmy (2015)**: - **Kontribusyon**: Ayon kay Jimmy, ang ekokritikal na mambabasa ay nakatuon sa pagbibigay ng interpretasyon sa mga teksto sa pamamagitan ng pagtatanong sa ugnayan ng tao at kalikasan sa iba\'t ibang paraan at panahon. Ang kanyang mga pamamaraan sa pagbasa ng teksto ay nagbibigay ng gabay sa mga mambabasa upang mas maunawaan ang depiksyon ng kalikasan sa panitikan 8. - **Dobie**: - **Kontribusyon**: Ayon kay Dobie, ang kalikasan ay tumutukoy sa kapaligiran bago ito nabahiran ng teknolohiya, na kinabibilangan ng kalupaan, flora at fauna, at iba pang elemento ng ekolohiya. Ang kanyang pananaw ay nagbibigay-diin sa kaibahan ng kalikasan at kapaligiran, na mahalaga sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan sa lente ng ekokritisismo 9. - **Tolentino at Reyes (1984)**: - **Kontribusyon**: Ayon sa kanila, ang panitikan ay isang likhang-isip na bunga ng pagsasanib ng imahinasyon ng manunulat at ng iba't ibang bagay. Ang kanilang ideya ay nagpapakita ng mahalagang papel ng mga manunulat sa pagbibigay-anyo ng panitikan at sa paglikha ng mga akdang naglalarawan ng kalikasan at lipunan 8. - **Rigby (2002):**Kontribusyon: Ayon kay Rigby, ang eko-panitikan ay naglalarawan ng \"greening\" o pagbeberde ng mga lugar na ating tinitirhan. Ang kanyang pagsusuri ay nagbibigay-diin sa koneksyon ng panitikan at kalikasan **EKO PANITIKAN** 1. **Eko-alamat:** - **Mga kwento na naglalarawan ng mga pinagmulan ng mga bagay sa kalikasan at ang kanilang kahalagahan sa kultura at lipunan.** 2. **Eko-pabula:** - **Mga kwentong may aral na kadalasang gumagamit ng mga hayop bilang tauhan upang ipakita ang ugnayan ng tao at kalikasan.** 3. **Eko-sanaysay:** - **Mga sanaysay na tumatalakay sa mga isyu ng kalikasan, kapaligiran, at ang responsibilidad ng tao sa mga ito.** 4. **Eko-tula:** - **Mga tula na naglalarawan ng kagandahan ng kalikasan, mga isyu sa kapaligiran, at ang damdamin ng tao patungkol dito.** 5. **Eko-awit:** - **Mga awitin na nagtatampok sa mga tema ng kalikasan, pagmamahal sa kapaligiran, at mga mensahe ng pagbabago.** 6. **Eko-pelikula:** - **Mga pelikula na naglalarawan ng mga isyu sa kapaligiran, mga kwento ng pakikibaka para sa kalikasan, at ang epekto ng tao sa mundo.** **URI NG PANITIKAN\ ** 1. **Tuluyan o Prosa:** - **Ito ay nagpapahayag ng kaisipan at isinusulat sa anyong patalata. Kabilang dito ang mga kwento, sanaysay, at iba pang anyo ng pagsasalaysay na hindi gumagamit ng taludtod.** 2. **Patula:** - **Ito ay nagpapahayag ng damdamin at isinusulat sa anyong pasaknong. Kabilang dito ang mga tula na may sukat at tugma, na kadalasang naglalarawan ng mga emosyon, karanasan, at mga tema ng kalikasan.** Ang salitang **\"panitikan\"** ay nagmula sa \"pang-titik-an,\" kung saan ang unlaping \"pang\" at hulaping \"an\" ay ginagamit. Ang \"titik\" ay nangangahulugang literatura, na nag-ugat sa Latin na \"litterana,\" na tumutukoy sa titik. Ang panitikan ay isang anyo ng pagpapahayag na nagsasabi ng mga kaisipan, damdamin, karanasan, hangarin, at diwa ng mga tao. Ito ay pangunahing naglalarawan sa mga anyo ng pagsulat, tulad ng tuwiran o tuluyan at patula Ang kultural na ekolohiya (cultural ecology) ay isang teoryang naglalayong ipaliwanag ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng kultura sa kapaligiran. Maaring ikumpara rito ang ibat-ibang kultura upang mahinuha ang mga salik sa kultural na pag-unlad. Ang konspetong ito ay nagpapalagay na ang kultura ay superorganic. Ayon kay Steward, maiintindihan Ang interkoneksyon ng kalikasan at sosyolohiya ay tumutukoy sa ugnayan ng tao sa kanyang kapaligiran at sa mga institusyon. Ang sosyolohiya ay nag-aaral ng pag-unlad, istruktura, at gawi ng tao sa lipunan, at kung paano ito naaapektuhan ng kultura at kapaligiran Ang ekokritisismo ay isang interdisiplinaryong larangan na may malawak na saklaw sa pag-aaral ng panitikan.\ \ Ayon kay Barry (2009), ito ay maaaring ituring na isang unibersal na modelo at patuloy na umuunlad mula nang umusbong ito bilang isang akademikong disiplina noong 1990 6. **Ayon kay Santos (2011**), hindi gaanong napapansin ng literature ang pandaigdigang krisis ng ekolohiya kahit may mga malikhainh sulatin man gaya ng mga awit at tula na ukol sa kalikasan Kahit sa sosyal midya. **Ayon kay Glotfelty (1996)** sinipi ni Worster, "We are facing a global crisis today, not because of how our ecology system function but rather because of our ethical system function. **Ayon kay Glotfelty (1994),** "As critical stance, ecocriticism has one foot in literature and the other on land; as a theoretical discourse, it negotiates between the human and nonhuman."