Pag-aaral ng Feasibility: Gabay sa Proyekto
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay isang presentasyon o talakayan tungkol sa mga bahagi ng isang feasibility study. Tinatalakay nito ang layunin, katangian at kalikasan, mga uri, proseso at mga mahahalagang bahagi ng isang feasibility study. Nakatuon ito sa mga impormasyon sa Tagalog.
Full Transcript
# Feasibility Study Inihanda ng Group 1 ## NILALAMAN **A.** Layunin Naipaliliwanag sa paraang sistematiko at malinaw ang piniling anyo sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na termino. ### Feasibility Study Ang feasibility study ay isang pag-aaral na ginagawa upang malamanang iba't ibang sangka...
# Feasibility Study Inihanda ng Group 1 ## NILALAMAN **A.** Layunin Naipaliliwanag sa paraang sistematiko at malinaw ang piniling anyo sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na termino. ### Feasibility Study Ang feasibility study ay isang pag-aaral na ginagawa upang malamanang iba't ibang sangkap at epekto ng iminumungkahing produkto at/o serbisyo at kung ito ay naaayon sa pangangailangan sa pamilihan. ### Kahalagahan: Mahalagang magawa ang feasibility study upang matiyak ang matagumpay na paglulunsad ng isang produkto o serbisyo. Siyentipiko ang pag-aaral na ginagawa sa feasibility study, kung kaya mapaghahandaan ang iba't ibang maaaring maging epekto at mga sanhi na makapagpapabago sa produkto't serbisyo na maaaring ibigay. ## KATANGIAN AT KALIKASAN ### KOMPREHENSIBO - Komprehensibo ang ganitong uri ng pag-aaral, katulad ng ibang pananaliksik at pormal ang paggamit ng mga salita. ### ESPECIFIKO - May mga espesipikong bahagi ang isang feasibility study katulad na lamang ng pamagat, pangalan ng gumawa, abstrak, buod o executive summary, panimulang pagtalakay sa mga detalye at datos ng proyekto, gayundin ang resulta at rekomendasyon. ### TEKNIKAL - Kung titingnan ang mga halimbawa ng feasibility study ay matatagpuan dito ang mga salitang teknikal na may kinalaman sa proyekto o pangunahing paksang ginagawan ng pag-aaral. ### DETALYADO - Kalimitan itong ginagamit sa pagnenegosyo o kaya'y sa mga pananaliksik na may kinalaman sa agham at teknolohiya, inhinyeriya at iba pang katulad na mga larangan. Katangian at Kalikasan ### APENDISE - Dagdag pa rito, detalyado ang pagtalakay samga impormasyong nilalaman ng isang feasibility study dahil nakatutulong ito upang makita ang kahihinatnan ng isang negosyo o gawain. ## MGA URI NG FEASIBILITY STUDY ### 1. Technical Feasibility Study: Ito ay naglalayong suriin ang teknikal na aspeto ng proyekto. Kasama dito ang pagsusuri ng teknolohiya, mga kagamitan, mga proseso, at iba pang teknikal na kinakailangan upang maisakatuparan ang proyekto. ### 2. Economic Feasibility Study: Ito ay naglalayong matukoy ang potensyal na kitain o kawalan ng proyekto. Kasama dito ang pagsusuri ng mga gastos, kita, mga pampinansyal na aspeto, at iba pang salik na may kaugnayan sa pananalapi. ### 3. Market Feasibility Study: Ito ay naglalayong suriin ang potensyal na merkado at demanda para sa proyekto. Kasama dito ang pagsusuri ng target market, kakumpitensya, mga trend sa merkado, at iba pang faktor na maaaring makaapekto sa tagumpay ng proyekto. ### 4. Legal Feasibility Study: Ito ay naglalayong tukuyin ang mga legal na patakaran, regulasyon, at mga batas na may kaugnayan sa proyekto. Kasama dito ang pagsusuri ng mga permit, lisensya, mga lokal na regulasyon, at iba pang legal na aspeto na dapat sundin. ### 5. Operational Feasibility Study: Ito ay naglalayong suriin ang kakayahan ng proyekto na magpatupad ng mga operasyonal na gawain. Kasama dito ang pagsusuri ng mga kailangang kasanayan at kakayahan ng mga tauhan, mga proseso ng operasyon, mga suplay at distribusyon, at iba pang mga operasyonal na aspeto. ## PROSESO NG PAG-GAWA NG FEASIBILITY STUDY ### NILALAMAN 1. Pakilala ng description ng produkto 2. Alamin ang description ng produkto o serbisyo 3. Ilagay ang layunin. 4. Ilagay ang paglalaan ng pondo 5. Pagsusuri ng lugar 6. Paalam na pagkukunan ng supply 7. Kilalanin ang mga mamamahala 8. Pagsusuri ng kikitain 9. Stratehiya sa pag bebenta 10. Pagpapakita ng proseso 11. Sumulat ng rekomendasyon 12. Maglagay ng pulmunaryo sa apendise ## MGA BAHAGI NG FEASIBILITY STUDY ### NILALAMAN 1. Pangkalahatang Lagom /Executive Summary: Nagbibigay ng kabuuang pagtanaw ng lalamaning feasibility study. Madalas, huli itong isinusulat kapag buo na ang lahat ng iba pang bahagi. 2. Paglalarawan ng Produkto at /o Serbisyo Malinaw na inilalarawan sa bahaging ito ang produkto/serbisyong iminumungkahing ibenta/ibigay. Mahalagang mabigyang-diin ang Ipinadala mo Ipinapaliwanag nito ang mga konsiderasyong kinakailangan kaugnay ng aspektong teknolohikal. 3. Marketplace Inilalarawan sa bahaging ito ang pamilihan kung saan ibibigay o ibebenta ang produkto. Tinitiyak ng bahaging ito ang iba pang kaparehong produkto o serbisyong ibinibigay at kung ano ang bentahe nito sa iba pang produkto/serbisyo. 4. Estratehiya sa Pagbebenta Tatalakayin sa bahaging ito ang paraan kung paano maipaaabot sa gumagamit ang produkto/ serbisyo. Iniaayon ng marketing ang kailangan at kaparaanan kung paano mahihikayat na kuni ang produkto/serbisyo... 5. Mga Taong may Gampanin sa Produkto at/o Serbisyo Tinitiyak sa bahaging ito ang mga tao at ang kanilang espesipikong trabaho para sa produkto/serbisyo. 6. Iskedyul Itinatakda sa bahaging ito ang panahon kung kailan dapat magawa ang mga produkto/serbisyo. 7. Projection sa Pananalapi at Kita Tinitiyak sa bahaging ito kung mayroong nakikitang benepisyong pampananalapi. 8. Rekomendasyon Inilalahad sa huling bahagi ang paglalagom at pagbibigay mungkahi batay sa ikalawa hanggang ikawalo ng bahagi. ## THANK YOU!