Mga Bantayog ni Jose Rizal Sa New South Wales, Australia PDF

Document Details

OrderlyJuniper

Uploaded by OrderlyJuniper

University of the Philippines Los Baños

Axle Christien J. Tugano

Tags

Jose Rizal bantayog espasyong pilipino history

Summary

This article examines the monuments of Jose Rizal in New South Wales, Australia, and the establishment of Filipino spaces abroad. It explores how these monuments reflect the historical significance of the Philippines and contribute to the formation of Filipino identity in diaspora communities. Using the lens of historical studies, the author traces the relationship between spaces, identity, and culture, particularly the Filipino diaspora experience abroad, through the prism of Rizal's monuments.

Full Transcript

90 Mga Bantayog ni Jose Rizal sa New South Wales, Australia at Pagtatakda ng mga Espasyong Pilipino Axle Christien J. Tugano ABS TRACT Hindi na bago ang pag-aaral tungkol sa mga bantayog, monumento, o busto ni Jose...

90 Mga Bantayog ni Jose Rizal sa New South Wales, Australia at Pagtatakda ng mga Espasyong Pilipino Axle Christien J. Tugano ABS TRACT Hindi na bago ang pag-aaral tungkol sa mga bantayog, monumento, o busto ni Jose Rizal. Ngunit, kasabay ng pagsibol ng mga paksang nakikitianod sa kanya ay ang walang hanggang pagpapatayo rin ng mga monumento, liwasan, at lansangang nagtatampok sa kanyang karangalan. Tunay na larawan ng pangkalahatang identidad ang bawat monumento dahil sinasagisag nito ang historikal na kahalagahang mayroon ang isang bansang nirerepresenta nito. Ipinapasundayag sa bawat munisipalidad, lungsod, at lalawigan sa Pilipinas ang AXLE CHRISTIEN J. TUGANO is a faculty from the Division of History, Department of Social Sciences, University of the Philippines Los Baños. Mga Bantayog ni Jose Rizal sa New South Wales, Australia Tugano 91 kani-kanilang monumento o estatuwa ni Rizal na madalas makikita sa sentro ng pamahalaan, plaza, o sa paaralan. Patuloy pang lumolobo at malaganap ang pagpapatayo noong sentinyal, seskisentinyal, at inaasahan pa sa mga susunod na dantaonang paggunita kay Rizal. Naipamamalas ang kabayanihan at kadakilaan ni Rizal hindi lamang sa buong Pilipinas ngunit maging sa ibayong dagat (kahit hindi niya ito personal na narating). Sa ganitong pagtatangka, naambagan tuloy nito ang pagpapayabong sa Araling Kabanwahan bilang pag-aaral sa mga kaugnay na bayan/ibang bayan at kabihasnan/ ibang kabihasnan. Sumalok at sumaklaw din ito ng malawakang pag-aaral tungkol sa diplomasya o ugnayang panlabas at migrasyon ng Pilipinas sa ibayong dagat. Dito na maaaring maipasok si Rizal na kinasangkapan ng diplomasya o ugnayang panlabas (sa anyo ng pagtatakda ng sister city at iba pang mga gawaing pampolitika) at higit sa lahat, ang migrasyon (sa anyo ng mga migranteng Pilipino) na pumaimbulog sa pagsasaespasyong Pilipino sa ibayong dagat. Bagaman milya-milya ang distansiya ng mga Pilipino mula sa kanilang sariling bayan tungo sa inaangking bayan, hindi ito nagiging hadlang sa pagbubuo ng kanilang identidad. Ang direktang akses/ pakikipag-ugnay ng mga Pilipino sa anomang simbolo/ representasyon ay isang malaking bahagi ng paggigiit ng kompleksidad at dimensyonal na perspektibang Pilipino. Sa magkatuwang na pagpapahalagang Araling Rizal at Araling Kabanwahan, aambagan ng artikulong ito ang 92 Journal of Philippine Local History and Heritage Vol. 9 No. 1 June 2023 literaturang magtatanghal sa tálabang espasyong Rizal at espasyong Pilipino sa ibayong dagat. Tuon nito ang New South Wales, Australia na kakikintalan ng mga munting espasyong Rizal. Naging marka ang mga pampublikong espasyong ito ng pagkakakilanlang Pilipino. KEYWORDS bantayog, monumento, busto, Jose Rizal, Australia INTRODUKSIYON Karaniwang pinakakahulugan ang pagtatalaban ng espasyo at identidad sa anomang dimensiyon ng kultura at lipunan. Nagiging salamin ang mga espasyong ito upang maging dulog ng isang indibiduwal, komunidad, o grupo. Hindi lamang isang lugar ang dalumat at tunguhin ng espasyo1 kundi isa rin itong intrinsikong ekstensiyon ng mga kabuluhan sa pagkatao o pagkalipunan halimbawa ng mga Pilipino. Kinakailangang umalpas ang diskurso mula sa paniniwalang ang espasyong Pilipino ay nananatili lamang sa lupang tinubuan. Malinaw na sa kabila ng malawakang dispersiyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo, kasabay ding lumalawak ang inaangking espasyo nito na magsisilbing daan sa pagbubuo ng identidad sa malalayong bayan. Gamit ang lente ng Araling Kabanwahan,2 sumasayapak ang artikulong ito sa pagtalunton ng mga Pilipinong Mga Bantayog ni Jose Rizal sa New South Wales, Australia Tugano 93 pagkakakilanlan sa ibayong dagat. Bagaman milya-milya ang distansiya ng mga Pilipino mula sa kanilang sariling bayan tungo sa inaangking bayan, hindi ito naging hadlang sa pagbubuo ng kanilang identidad. Sa pamamagitan ng espasyo bilang lugar at ekstensiyon, hindi nagiging hadlang para sa mga Pilipino ang hamon ng transnasyonalismo at marhinalisasyon sa malalayong bayan. Ang mga direktang akses/pakikipag- ugnay ng mga Pilipino sa anomang simbolo/representasyon ay isang malaking bahagi ng paggigiit ng kompleksidad at dimensyonal na perspektibang Pilipino.3 Sa mga emblemang ito, nakalilinang ang mga Pilipino ng mala-bayan/pagka- bayan/ganap na bayan/ethnos sa espasyo ng ibayong dagat. Katulad ng pagsasakonstruksiyon sa identidad bilang isang elemento na hindi lamang umiinog sa kaantasan ng pagiging marka o tatak/tanda na ipinapataw ng iba kundi tumutukoy rin sa kalipunan ng mga katangian na tinutulan, pinili, o nilikha,4 ang espasyo ay nagbukas din ng kanyang landas sa lipunan kung paano ito itatrato nang kabuoan. Ayon kay Habermas (1962), mahalaga ang pampublikong espasyo (public sphere–Offentlichkeit) dahil ang lipunan ay sumusuong sa mas kritikal at makabuluhang panunuri at pagpapakahulugan.5 Maituturing na umiiral ang diskurso ukol dito kung ito ay naglalayon ng pampublikong usapin at pagpapakahulugan na bukas sa pangkalahatan.6 Ang katangiang ito ay katulad din kay Lefebvre (1991), ang espasyo ay bukas sa anomang sosyolohikal na konstruksiyon. Kahit sabihin ang pisikal na katangian ng lipunan o mga bansa ay nasasagkaan ng mga politikal na hanggahan, mananatili lamang iyon sa ganoong 94 Journal of Philippine Local History and Heritage Vol. 9 No. 1 June 2023 politikal na kaantasan.7 Sa kabila ng ganoong paghahati at pagtindig sa kung sino ang mga nasa loob/labas at kasama/ hindi kasama, umaalpas na ang pagtingin sa mga espasyo hindi lamang bilang isang politikal ngunit isang ganap na salik-kultural. Ang espasyo ay hindi isang tapayan na naglalagak lamang sa limitadong aspekto ng lipunan ngunit maaari pa itong pagyabongin, paalpasin, at palabasin mula sa itinakdang hanggahan nito.8 Tanging ang lipunan lamang ang makapagpapabago at makalilinang ng panibagong pagtingin sa espasyo.9 Gayumpaman, kailangan pa rin tingnan na ang pag- aangkin ng mga tagalabas/dayuhan sa espasyo ng tagaloob/ dinayo ay isang malaking bahagi ng pag-uugnay ng dalawang magkaibang kultura at politikal na katayuan.10 Kaiba ito sa itinatadhana ng deteritoryalisasyon kung saan tahasang inihihiwalay ang sosyo-kultural o sosyo-politikal na salik (wika, grupo ng mga tao, at mga kaugnay) sa kinalalagyang espasyo ng mga ito na magdadala sa marupok na ugnayan ng dalawa.11 Kaya’t mahalaga rin itampok ang reteritoryalisasyon o panunumbalik ng konseptong tuon ang diskurso ng espasyo at identidad hindi bilang magkahiwalay ngunit isang magkatuwang na salik ng lipunan. Ayon kina Deleuze at Guattari (1987), ang reteritoryalisasyon ng bawat espasyo ay magaganap lamang kung ang lipunan ay lilinang ng sariling konsepto batay sa kanila ring sariling pagpapakahulugan at pangangailangan.12 Katulad nina Habermas (1962) at Lefebvre (1991), naniniwala rin sina Deleuze at Guattari na hindi lamang limitado at kontrolado ng anomang politikal na Mga Bantayog ni Jose Rizal sa New South Wales, Australia Tugano 95 kapangyarihan ang mga espasyo, ngunit mas kompleks pa ang katangian nito.13 Naiiba naman ngunit natatangi at makabago ang naging sipat ni Villan (2022) hinggil sa pagtatakda kay Rizal bilang isang espasyo. Gamit ang ideyang geopolitikang pangkalinangang subersiyon, sinipat ni Villan ang naging saysay ni Rizal sa pamana at pananagisag mula sa estadong Espanyol hinggil sa tinuran niyang mitipikasyon at pagsasaalamat ng mga ikonograpiyang pangrelihiyon (anito tungong santo) hanggang sa pagsasabantayog kay Rizal ng mga Amerikano (santo tungong monumento) upang siya’y itampok bilang larawang intelektuwal, simbolo ng edukasyon, at geopolitikal na pananagisag.14 At mula rito ay maipapasok na ang transpormasyon at remodipikasyong monumento tungong diaspora–na may tendensiya at layuning tutulan at tumugon sa ipinamamayaning opresibong nasyonalismo15 kung saan kinasangkapan lamang ng mga naghaharing bansa ang kanilang uri ng nasyonalismo (na nasa anyo ng rasismo) upang lipulin ang mga migranteng manggagawa. Ang opresibong nasyonalismo ng Kanluran ay sinasalungat kung gayon ng depensibong nasyonalismo16 o anti-kolonyal na nasyonalismo17 na may kontra-diskursong tugunan ang panghahamak ng mga naghaharing bansa. Ang mga espasyong Rizal ay kagyat na naging bahagi at ahente ng depensibo o anti-kolonyal na nasyonalismo ng mga migranteng Pilipino sa ibayong dagat bilang bahagi ng pagpopook at pagsasaPilipino ng mga banyagang espasyo. 96 Journal of Philippine Local History and Heritage Vol. 9 No. 1 June 2023 ANG MGA BANTAYOG AY HINDI LAMANG GUNITA, ESPASYO RIN Sa collective memory ni Assmann (1995), idiniin niya ang sub-sangay na cultural memory na nakadudukal ng isang gunita o alaala na mayroong malaking puwang sa nililingong panahon, sa anyo ng samo’t saring imahen, monumento, o rebulto, inpraestruktura at iba pang simbolikal na nagpapaalala sa pagkalipunan ng isang bansa.18 Salungat ang cultural memory sa communicative memory na kung saan ginugunita ang isang bagay o kaganapan na malapit sa pinatutungkulang panahon—sa panahong marami pa ang mga búhay at nakasaksi sa kaganapang historikal.19 Hindi lamang isang simbolo ng gunita ang monumento ngunit isa ring ganap na espasyo. Ayon ito sa lieux de memoire ni Nora (1996) na nagsasabing ang bawat espasyo ay maituturing na pedagohikal dahil hinahawan nito ang kasalukuyang henerasyon tungo sa nakaraang henerasyon sa pagmamasid muli sa anyo ng mga monumento, libingan, teksbuk, at museo.20 Katulad din ng binabanggit ni Guiwa (2019) hinggil sa dambana ni Henry Lawton at bantayog ni Licerio Geronimo, na ang monumento ay isa ring behikulo ng mga alaala. Sumasagisag sa pag-alala sa isang bagay, tao, o pangyayari ang lahat na nagaganap na komemorasyon at pagpapasinaya sa mga monumento.21 Madalas na nakatindig ang mga monumento sa isang plaza, kung saan kalimitang nagtitipon-tipon ang mga tao. Sa ibayong dagat, lalo na sa mga bansang may konsentrasyon ng mga Pilipinong migranteng manggagawa, liban sa mga kilalang mall at palaruan, nagtatagpo rin sila sa mga makasaysayang Mga Bantayog ni Jose Rizal sa New South Wales, Australia Tugano 97 lugar katulad ng lansangan, plaza, at mga dambana. Larawan ng pangkabuoang identidad ang mga monumento dahil sinasagisag nito ang historikal na kahalagahang mayroon ang isang bansang nirerepresenta ng mga ito. Lagi tayong nakapako sa paniniwalang isang historical object lamang ang mga monumento.22 Hindi lingid sa ating kamalayan, ang monumento ay ibinunga rin ng ekspresyon ng buong komunidad at kumakawing sa iba pang konteksto—bakit kaya ito naitayo, winasak, muling itinayo, o napabayaan23 o sa antas ng mga bultuhang Pilipino sa ibayong dagat, bakit ito patuloy na ginugunita, binibisita, at dinaragdagan? PAGLALAKBAY SA MGA BANTAYOG NI RIZAL SA IBAYONG DAGAT Ang aking naging mga paglalakbay sa mga bansa sa Asya, Europa, at Australia-Pasipiko (2013-2020), gamit ang maka- Pilipinong metodo ng pagmamasid-masid, pagsusuruy-suroy, at pakikipagkuwentuhan ay nagbigay ng daan upang saliksikin ang iba’t ibang paksa na nagluwal ng mga akademikong pananaliksik.24 Pagpapayaman din ito sa aking binubuo na konsepto ng Araling Pangmanlalakbay.25 Kabilang sa mga ito ang pagtalunton sa mga espasyong Pilipino, partikular na ang “espasyong Rizal.” Mahalaga rin ang paglalakbay upang kilalanin si Rizal at mga napuntahang lugar nito. Mainam na ilustrasyon dito ang naging pahayag ni Austin Coates nang kapanayamin siya ni Ambeth Ocampo. Ayon kay Coates, upang paghandaan ang pagsusulat ng biyograpiya ni Rizal, bilang dayuhan, kinakailangan niyang magtungo sa mga lugar na pinuntahan ng bayani katulad ng Dapitan, 98 Journal of Philippine Local History and Heritage Vol. 9 No. 1 June 2023 Maynila, Germany, Brussels, London, at Madrid.26 Gayundin ang ginawa ni Jaime Veneracion, kasama si Nick Hidalgo na naglakbay sa mga napuntahan ni Rizal sa Madrid nang sa gayo’y makagawa ng isang tourist guide na tatawaging Rizal’s Madrid.27 Katulad ni Nilo Ocampo na tinaguriang un hombre formado en la bibloteca (ang lalaking may kasanayan sa mga aklatan), dumadalaw siya sa buong Pilipinas at ibang bansa nang naka-backpack, nakabisikleta28 –sa madaling sabi isang backpacker.29 Dahil sa kanyang mga naging paglalakbay, natipon niya ang mga monumento ni Rizal sa iba’t ibang lalawigan ng Pilipinas at ibayong dagat.30 Ngunit hindi katulad ni Ocampo, limitado lang ang aking napuntahang monumento ni Rizal sa ibayong dagat, katulad ng monumento ni Rizal sa Madrid31 noong 2018 (larawan 1), na sa aking palagay, nasaliksik na rin ni Veneracion noong 2002. LARAWAN 1 MONUMENTO NI RIZAL SA MADRID, SPAIN Kuhang larawan ng may-akda sa Madrid, Spain (2018) Mga Bantayog ni Jose Rizal sa New South Wales, Australia Tugano 99 Katulad ng ilang pag-aaral na nagtuon at nagtampok sa ugnayan ng Pilipinas at Australia,32 aambagan ng artikulong ito ang kaalaman at kasaysayan ng mga bantayog ni Rizal sa Australia lalo na sa New South Wales, partikular sa Kalakhang Sydney (Greater Sydney). Mula ito sa aking dalawang beses na paglalakbay sa Australia noong 2016 at 2020. Hindi kailan man narating ni Rizal ang Australia sa loob ng kanyang mga naging paglalakbay (1882-1887) at (1888-1892). Ngunit, mababakas sa bansang ito ang maraming bantayog ni Rizal na sumagisag sa kanyang pagkadakila. Kabaliktaran ang nangyari sa Australia. Kung sa ibang bansa, pinatatayuan ng bantayog si Rizal dahil bukod sa kanyang narating ito, naglalayon kadalasang tipunin ang mga Pilipinong naroon upang dalhin ni Rizal ang mga Pilipino sa nagkakasundong espasyo. Ngunit sa kaso ng Australia, dinala ng mga Pilipino si Rizal upang bumuo ng isang espasyong Pilipino. ANG MGA PILIPINO SA AUSTRALIA, NEW SOUTH WALES, AT GREATER SYDNEY Binubuo ng pitong malalaking estado at teritoryo ang bansang Australia–Queensland na ang kabisera ay Brisbane, South Australia (Adelaide), Tasmania (Hobart), Victoria (Melbourne), Western Australia (Perth), Northern Territory (Darwin), at New South Wales at ang kabisera ay Sydney na may laking 26.15 kilometro kuwadrado.33 Nasa loob din ng New South Wales ang Australian Capital Territory na ang kabisera naman ay Canberra. Samantala ang Greater Sydney ay binubuo ng mga bayan at lungsod34 mula sa Wyong at Gosford (Hilaga); Royal National Park at dalampasigan 100 Journal of Philippine Local History and Heritage Vol. 9 No. 1 June 2023 (kagaya ng Cronulla, Bundeena, at Burraneer) (Timog); Blue Mountains (Katoomba), Hawkesbury, at Wollondilly (Kanluran) at nahahanggahan ng Karagatang Pasipiko sa Silangan. Ayon sa dating bise-konsul at historyador na si Ferdinand Philip Victoria, bultuhang pumasok ang mga Pilipino sa Australia noong 1971 hanggang 1980 kung kailan naging maluwag ang bansa sa kanilang patakarang imigrasyon.35 Ngunit hindi ito ang unang pagkakataong nakapasok ang mga Pilipino sa Australia. Nang umunlad ang industriya ng perlas sa Australia noong 1874 hanggang 1940, isa ang mga Pilipino sa mga Asyanong etnisidad ang tumawid sa Bass Strait upang makipagsapalaran.36 Sa Northern Territory unang dumating ang mga Pilipinong mula sa Visayas at Mindanao ngunit mas kilala ng mga Australian ang Maynila na noo’y sentro pa rin ng komersiyo, kaya’t tinawag pa rin silang Manilamen.37 Sila rin ang naging manggagawa sa mga pier sa Port Darwin mula pa noong 1910.38 Nagkaroon din ng mga Pilipinong maninisid ng perlas sa Torres Strait, Thursday Island, at hanggang sa Broome, Western Australia.39 Liban pa sa mga negosyante at manggagawa, naging espasyo rin ang Australia ng ilang ipinatapon at rebolusyonaryong Pilipino. Halimbawa nito sina Candido Iban at Francisco del Castillo ng Capiz na lumilibot sa Australia habang nagpapadala ng salapi para sa mga Pilipino nang sa gayo’y matustusan ang himagsikan.40 Sa pagdaan ng panahon, patuloy na lumolobo ang bilang ng pagdagsa ng mga Pilipino sa Australia, New South Wales (NSW), partikular na sa Greater Sydney. Sa census na inilabas Mga Bantayog ni Jose Rizal sa New South Wales, Australia Tugano 101 ng Australian Bureau of Statistics noong 2001, 2006, 2011, at 2016 (hanayan 1 at hanayan 2), kapuna-puna ang ilang population trend nito. Sa obserbasyon ni Victoria, sa unang census noong 2001, kalahati ng mga Pilipino ay nanahan at lumaki sa NSW at ang kanilang inter-migrasyon sa ibang bayan partikular na sa Blacktown na pinakamalaking konsentrasyon ng mga Pilipino at ang mayoryang bilang ng kababaihan.41 Sa huling census noong 2016, mayroong 232,386 na mga Pilipinong ipinanganak sa Pilipinas ang nanirahan sa buong Australia (larawan 2) – pinakamalaki pa rin ang populasyon sa NSW.42 Kasama na rito ang mga Pilipinong nagsilang ng mga anak sa Australia (mga Filo = Pilipino) na dumaan sa mga hamong transnasyonalismo o Australianization.43 Sa pagpasok ng dantaon 21, apat ang maituturing na pinakamalalaking konsentrasyon ng mga Pilipino sa buong Australia – Western Melbourne at ang tatlo ay nasa NSW (Blacktown, Central Western Sydney, at Fairfield-Liverpool).44 Noong 2020, pumalo sa 310,000 ang populasyon ng mga Pilipino. HANAYAN 1 LUGAR TAON BATAY SA SENSUS 2001 2006 2011 2016 Australia 103,942 120,540 171,233 232,384 L: 64,619 L: 89,985 B: 106,614 B: 142,399 AC: 67.3% AC: 67.0% NAC: 31.0% NAC: 31.6% New South 52,241 57,628 70,386 86,748 Wales (50.26%) (47.81%) L: 27,640 L: 34,270 (NSW) B: 42,746 B: 52,478 AC: 77.1% AC: 72.5% NAC: 21.4% NAC: 26.1% 102 Journal of Philippine Local History and Heritage Vol. 9 No. 1 June 2023 LUGAR TAON BATAY SA SENSUS 2001 2006 2011 2016 Greater 47,090 51,995 62,843 75,473 Sydney (90.14%) (90.22%) L: 25,775 L: 30,996 B: 37,068 B: 44,477 AC: 78.2% AC: 74.3% NAC: 20.3% NAC: 24.4% Hindi na isinama rito ang census noong 1991 na nakapagtala ng 73,660 (25,633 na kalalakihan at 48,027 na kababaihang Pilipino sa Australia) (ABS 1993, 17). Ang census noong 2001 at 2006 ay hango sa datos na inilathala na (Victoria 2015, 317) kung saan detalyadong nabilangan ang mga Pilipinong naninirahan sa New South Wales at Greater Sydney. Noong 2011 at 2016, naging detalyado ang census ng Australian Bureau of Statistics – kung saan natukoy ang pagkakahati ng kalalakihan at kababaihan at ang mga Pilipinong Australian Citizen (AC) at Non-Australian Citizen (NAC) (ABS 2011; ABS 2016). HANAYAN 2 ETNISIDAD IPINANGANAK SA PILIPINAS LUGAR 2001 2006 2011 2001 2006 2011 Australia 129,821 160,375 224,732 103,942 120,540 171,234 New South 63,995 75,366 93,845 52,241 57,628 70,302 Wales (NSW) % AU/NSW 49.29 46.99 41.76 50.26 47.81 41.06 Greater 57,344 67,454 83,451 47,090 51,995 62,716 Sydney % Greater 89.61 89.5 88.9 90.14 90.22 88.45 Sydney/NSW NEW SOUTH WALES Bathurst 80 116 163 61 87 106 Broken Hill 53 51 78 42 37 56 Coffs 182 234 298 145 175 227 Harbour Dubbo 107 107 167 73 92 154 Lake 430 526 709 330 387 477 Macquarie Mga Bantayog ni Jose Rizal sa New South Wales, Australia Tugano 103 NEW SOUTH WALES Lismore 44 46 77 25 33 43 Newcastle 609 709 917 477 479 655 Orange 134 140 201 98 106 169 Shellharbour 278 310 387 197 192 247 Temora 9 12 23 6 6 22 Wagga 127 159 221 88 94 163 Wagga Wollongong 533 529 616 420 371 434 GREATER SYDNEY Ashfield 577 616 664 502 506 570 Bankstown 1,129 1,362 1,699 963 1,038 1,278 Baulkham 1,415 2,173 2,343 1,162 1,647 1,692 Hills Blacktown 17,061 20,854 25,930 13,644 16,102 19,381 Campbelltown 3,236 4,113 4,933 2,607 3,058 3,598 Canterbury 1,991 1,822 2,079 1,632 1,488 1,638 Fairfield 2,564 2,550 2,739 2,122 1,972 2,062 Gosford 670 755 948 512 539 651 Hornsby 767 1,046 1,293 665 860 1,036 Kogarah 177 238 348 152 185 288 Parramatta 6,250 6,646 8,456 5,203 5,304 6,487 Penrith 1,343 1,659 1,986 1,048 1,165 1,340 Ryde 1,313 1,352 1,881 1,114 1,129 1,546 Sydney 808 1,181 1,890 734 950 1,439 Pasasalamat ng may-akda kay Prof. Ferdinand Philip Victoria sa pagpapahintulot noong 11 Agosto 2022 sa pagsipi ng kaniyang kinumpuning datos. Ayon kay Victoria, ang tinutukoy na “etnisidad” ay etnisidad ng mga magulang o pagturing sa sarili. Ipinakita ng hanayan ang detalyadong bilang ng “etnisidad” at “ipinanganak sa Pilipinas” mula sa mga lugar ng New South Wales at piling bayan at lunsod ng Great Sydney. 104 Journal of Philippine Local History and Heritage Vol. 9 No. 1 June 2023 Batay sa Census (2001-2016), ang mga Pilipino sa Australia ay ikalima sa malalaking migranteng etnisidad sa bansa, sumunod sa England, India, Tsina, at New Zealand.45 LARAWAN 2 POPULASYON NG MGA PILIPINO SA AUSTRALIA NOONG 2016 Batay sa census noong 2016, New South Wales pa rin ang may pinakamalaking populasyon ng mga Pilipino at sinundan ng Queensland (17.1%), Victoria (22.1%), Western Australia (13.3%), South Australia (5.4%), Northern Territory (2.5%), Australian Capital Territory (1.6%), at Tasmania (0.7%) (Australian Government Department of Home Affairs 2016). Bilang updeyt, batay sa Australian Bureau of Statistics, mula taong 1991 hanggang 2019, isa ang Pilipinas sa mga bansa sa Timog Silangang Asya (hanayan 3) na bultuhang pumapasok sa Australia. Kasunod ito ng Indonesia at Malaysia at pumapantay lamang sa mga bansang Thailand at Singapore. Mga Bantayog ni Jose Rizal sa New South Wales, Australia Tugano 105 Kapansin-pansin noong 2020 at 2021, bahagyang bumaba ang bilang ng mga turistang nagmumula sa Timog Silangang Asya at manunumbalik lamang noong 2022—senyales ng mga travel ban sa panahon ng COVID-19. HANAYAN 3 BANSA 1991 1992 1993 1994 Brunei 1,370 1,750 2,140 2,530 Cambodia 270 430 690 1,730 Indonesia 40,070 47,690 71,970 106,930 Laos 640 420 420 470 Malaysia 80,020 91,730 116,760 133,940 Myanmar 890 870 1,170 1,530 Philippines 28,450 26,470 27,350 29,890 Singapore 76,060 101,600 131,800 164,500 Thailand 25,810 33,760 46,370 66,280 Timor-Leste --- --- --- --- Vietnam 14,060 13,040 10,800 10,890 BANSA 1995 1996 1997 1998 Brunei 2,700 3,000 3,150 3,240 Cambodia 1,950 2,130 1,890 1,360 Indonesia 138,560 160,250 169,010 100,700 Laos 550 600 620 700 Malaysia 150,050 178,200 185,550 153,060 Myanmar 1,550 1,620 1,370 1,200 Philippines 35,010 40,800 47,730 42,330 Singapore 175,650 192,490 203,730 201,840 Thailand 80,750 88,510 68,070 44,590 Timor-Leste --- --- --- --- Vietnam 10,360 9,810 10,040 11,840 106 Journal of Philippine Local History and Heritage Vol. 9 No. 1 June 2023 BANSA 1999 2000 2001 2002 Brunei 2,930 3,330 3,440 4,030 Cambodia 1,380 1,370 1,750 1,990 Indonesia 106,050 118,970 124,720 120,990 Laos 820 1,030 930 890 Malaysia 184,690 201,750 199,470 209,220 Myanmar 1,490 1,420 1,530 1,330 Philippines 47,160 46,920 39,530 38,050 Singapore 216,580 229,500 221,470 209,880 Thailand 59,060 68,920 72,750 77,880 Timor-Leste --- 3,020 1,310 1,070 Vietnam 11,770 11,870 12,890 13,950 BANSA 2003 2004 2005 2006 Brunei 4,330 3,980 4,010 3,950 Cambodia 2,080 2,790 3,290 4,260 Indonesia 124,960 119,630 120,720 120,860 Laos 890 960 900 1,180 Malaysia 207,070 227,210 229,100 214,760 Myanmar 1,420 1,700 2,200 3,070 Philippines 37,810 43,950 49,000 55,910 Singapore 193,730 202,730 208,440 185,700 Thailand 71,050 79,910 75,700 73,880 Timor-Leste 1,290 1,190 1,300 1,660 Vietnam 15,290 18,650 21,810 27,400 Mga Bantayog ni Jose Rizal sa New South Wales, Australia Tugano 107 BANSA 2007 2008 2009 2010 Brunei 4,500 4,860 4,570 4,620 Cambodia 4,990 5,670 7,160 6,860 Indonesia 127,630 134,620 152,810 166,340 Laos 1,520 1,720 1,920 2,040 Malaysia 226,530 246,210 296,260 324,360 Myanmar 4,580 5,530 6,760 5,610 Philippines 65,550 77,750 80,890 86,400 Singapore 191,700 193,690 199,270 214,410 Thailand 80,330 77,660 80,200 82,680 Timor-Leste 1,620 2,040 1,770 2,010 Vietnam 36,930 48,510 54,750 56,260 BANSA 2011 2012 2013 2014 Brunei 4,810 4,490 4,690 4,810 Cambodia 7,060 7,510 7,570 8,140 Indonesia 183,210 191,520 195,060 200,040 Laos 1,910 1,880 2,140 2,180 Malaysia 329,690 356,410 394,860 451,070 Myanmar 6,190 7,450 9,470 10,150 Philippines 97,760 108,960 118,920 124,830 Singapore 214,140 236,120 267,640 294,210 Thailand 84,150 83,660 89,040 87,450 Timor-Leste 2,310 2,710 2,790 2,930 Vietnam 55,600 63,120 70,550 77,360 108 Journal of Philippine Local History and Heritage Vol. 9 No. 1 June 2023 BANSA 2015 2016 2017 2018 Brunei 4,810 5,220 5,340 5,800 Cambodia 9,780 12,490 14,060 17,610 Indonesia 202,490 225,190 240,650 260,410 Laos 2,280 2,660 2,650 3,090 Malaysia 473,070 538,270 539,680 525,840 Myanmar 10,420 11,820 12,220 13,920 Philippines 142,420 163,260 184,390 210,440 Singapore 312,490 351,610 346,570 350,810 Thailand 89,850 102,880 106,300 109,670 Timor-Leste 2,710 2,740 3,220 4,020 Vietnam 87,020 103,460 131,370 151,940 BANSA 2019 2020 2021 2022 Brunei 5,900 1,070 120 700 Cambodia 20,860 5,260 890 4,570 Indonesia 275,760 53,100 5,330 36,730 Laos 3,170 800 60 590 Malaysia 514,140 83,080 6,060 38,850 Myanmar 15,190 4,050 720 2,520 Philippines 232,430 48,380 10,410 34,390 Singapore 366,250 48,640 10,110 91,340 Thailand 114,070 19,990 2,570 21,900 Timor-Leste 4,780 1,050 130 1,860 Vietnam 168,840 48,240 5,910 34,770 Isinaayos ito ng may-akda. Ang mga datos ay mula sa Overseas Arrivals and Departures, Australia (Total Arrivals by Country of Citizenship, January-1991 to June 2022). Inilabas ng Australia of Bureau of Statistics noong 12 Hulyo 2022 (ABS 2022). Kasama sa bilang ang mga turistang pumasok bilang permanent, short-term trip, at long-term trip. Ang datos ng taong 2022 ay hanggang Hunyo 2022 lamang at patuloy itong madaragdagan sa pagtatapos ng Disyembre 2022. Kaya’t sa kasalukuyan, patuloy na ipinamamalas ang mga pamanang kultural ng mga Pilipino sa espasyo ng Mga Bantayog ni Jose Rizal sa New South Wales, Australia Tugano 109 Australia. Sa aking dalawang beses na pagpunta sa Australia, ipinagdiriwang noon ang Grand Philippine Fiesta at National Day Ball na pinangungunahan ng Philippine Community Council of New South Wales. Dito salu-salong kumakain ang mga Pilipino, nagtatanghal, at naglalaro. Katulad ng Blacktown ang isa pang konsentrasyon ng mga Pilipino– ang Fairfield na nagsasagawa ng ganitong mga aktibidades.46 Ipinagdiriwang din ang relihiyosong pista katulad ng Sinulog ng Cebu at fluvial parade ng Our Lady of Peñafrancia ng Naga. Makikita ito sa Lithgow at Ilog Cox na babagtas sa mga tributaryong bahagi ng Hawkesbury at Nepean. Noong 2020, nasaksihan din ang pakikilahok ng mga Pilipinong kabilang sa LGBT sa taonang The Sydney Gay & Lesbian Mardi Gras na ginanap sa Flinders Street, Darlinghurst. Liban pa sa mga ito, ang dalawang lungsod ng Blacktown at Parramatta ay kadalasang pinagdarausan ng flag-raising ceremony tuwing Araw ng Kalayaan sa Pilipinas47 ngunit mula 2005 hanggang 2012, dahil sa kumakalat ang mga Pilipino sa NSW at Greater Sydney, nagkaroon na rin ng ibang flag-raising ceremony sa iba pang bayan at lungsod.48 Gayundin, hindi lang mga selebrasyon at pista ang dinala ng mga Pilipino sa Australia, kundi maging ang mga bantayog ni Rizal (1988-2018). MGA BANTAYOG NI RIZAL SA GREATER SYDNEY (1988-2018) Sa artikulo ni Alip (1960), binanggit niyang hindi kilala sa ibayong dagat si Rizal, kaya’t nauna na niyang iminungkahi ang pagpapatayo ng mga marker o monumentong kasunod ng bayani.49 Sa pagdaan ng panahon lalo pa noong binuo ang 110 Journal of Philippine Local History and Heritage Vol. 9 No. 1 June 2023 Order of the Knights of Rizal (KOR), isa sa kanilang layunin ay to erect, if there be none, a monument, marker or bust of Rizal within the proper vicinity or locality.50 Kung gayon, kontribusyon ng samahan ang nagpapatuloy na inisyatiba ng pagpapatayo sa ilang bantayog ni Rizal sa ibayong dagat. Ang Australia, New Zealand at Oceania Region (ANZO) KOR ay binubuo ngayon ng pitong chapters. Lima rito ay mula sa Australia (Sydney, Perth, Canberra, Western Sydney, at ang bagong tatag na Northern Sydney) at dalawa sa New Zealand (Auckland at Wellington).51 Noong 18 Agosto 2019, itinatag bilang bagong chapter ang Northern Sydney sa pangunguna ni ANZO Regional Commander Cesar Bartolome at Eastern Sydney Area Commander Danny Peralta.52 Ang Northern Sydney Chapter ay pinamunuan noon ni Bob Alipalo matapos itong pormal na itatag sa Beatrice Taylor Hall sa Hornsby.53 Nakiisa rin dito ang mga kasapi ng Kababaihang Rizalista Inc. Sydney Chapter sa pangunguna ni Michelle Baltazar.54 Ang Kababaihang Rizalista ay inorganisa sa Pilipinas noon pang 27 Setyembre 1958 at kalauna’y nagkaroon ng ibang sangay sa ibayong dagat. Noong 16 Setyembre 2018, pormal na nagkaroon ng sangay ang Kababaihang Rizalista sa Sydney, NSW.55 Kahit hindi nakarating si Rizal sa Australia, makikita rito ang kanyang mga espasyo at pagkakakilanlan. Noong 2020, naglabas ang SBS Filipino sa Australia ng sampung proweba kung bakit búhay na búhay si Rizal sa Australia: 1. mga inapo ni Rizal sa Mudgee, NSW; 2. pagiging aktibo ng Knights of Rizal sa Australia; Mga Bantayog ni Jose Rizal sa New South Wales, Australia Tugano 111 3. Rizal Park sa Campbelltown; 4. Rizal Park sa Blacktown; 5. Rizal Park sa Ballarat; 6. monumento sa Ashfield; 7. mga libro ni Rizal sa Pambansang Aklatan ng Australia; 8. kalyeng Rizal sa Campbelltown; 9. busto ni Rizal sa Konsulado-Heneral ng Pilipinas; at 10. busto ni Rizal sa Plaza Ibero-America.56 Marami sa mga ito ay aking personal na narating at nasilayan, sapagkat halos lahat ng ito ay nasa Greater Sydney, maliban sa Ballarat Rizal Park na nasa estado ng Victoria. Pinasinayahan ito noong Disyembre 1999 sa Cashel Court, Invermay Park Reserve, Ballarat City sa Wathaurung Country, Victoria.57 Ito ay pinangunahan ni Allan Terrett (KOR) at ng Filipino Association in Ballarat (FAABI) na sila rin ang nangangalaga sa nasabing parke.58 Sumunod ang estado ng Victoria sa NSW sa laki ng populasyon ng mga migranteng Pilipino sa buong Australia. MONUMENTO NI RIZAL SA ASHFIELD (1988) Matatagpuan ang Ashfield sa Inner West, Greater Sydney, hindi kalayuan sa Central Business District ng lungsod. Ang Ashfield ay minsang naging panahanan ng mga Eora Aborigines bago ito makuha ng pamahalaan.59 Kasama ng Strathfield, ang Ashfield ay itinuring bilang marangyang lungsod noong 1870 hanggang 1880.60 Makikita rito ang Ashfield Park na nakalatag palibot ng Parramatta Road, Orpington Street, 112 Journal of Philippine Local History and Heritage Vol. 9 No. 1 June 2023 LARAWAN 3 MAPA NG ASHFIELD PARK, ASHFIELD Ormond Street, at Pembroke Street (larawan 3). Nagsilbi itong espasyo o lagakan ng mahahalagang bantayog at monumento hindi lamang tungkol sa kasaysayan ng Australia kundi ng iba pang etnisidad sa lungsod. Tampok dito ang Ashfield War Memorial na pinasinayahan noong 1921 upang gunitain ang mga Australyanong bayaning namatay sa mga digmaan katulad ng Boer War (1899), Una (1914-1918) at Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939-1945), Malayan War (1942) at Vietnam War (1955-1975).61 Nakapaligid dito ang iba pang bantayog katulad ng Mother Language Day Monument (2006) upang kilalanin ang malagim na pagpatay sa mga aktibistang mag-aaral noong 21 Pebrero 1952 sa Dhaka, Bangladesh na noo’y nakikipaglaban sa ngalan ng kanilang lingua franca, ang Bengali.62 Ipinatayo ito sapagkat maraming Mga Bantayog ni Jose Rizal sa New South Wales, Australia Tugano 113 taga-Bangladesh ang naging migrante sa Ashfield. Katulad din nila ang pagdagsa ng mga Pilipino roon. Noong 1996, itinuring ang Ashfield bilang isa sa malalaking konsentrasyon ng mga Pilipino, kasama ang Auburn, Burwood, Holroyd, Parramatta, at Penrith.63 Ngunit noong 2011, may 570 na lamang ang mga Pilipino sa Ashfield.64 LARAWAN 4 MONUMENTO NI RIZAL SA ASHFIELD PARK Kuhang larawan ng may-akda sa tulong nina Alexander Tugano at Rizalyn Tugano, Ashfield Park (2020) Nasisilungan ng mga Australian Arenga Palm Tree (Arenga australasica) ang monumento ni Rizal (larawan 4) sa Ashfield. Ito ang pinakaunang monumentong Rizal na itinayo sa isang pampublikong lugar sa Australia.65 Sa gawing kanluran nakatingin si Rizal, naglalakad, at nasusuotan ng overcoat habang may bitbit na libro. Maliit lamang si Rizal 114 Journal of Philippine Local History and Heritage Vol. 9 No. 1 June 2023 na nalalapit sa kanyang aktuwal na sukat.66 Pinasinayahan ang monumentong ito noong 19 Hunyo 1988,67 na ika-127 kaarawan ni Rizal sa pangunguna ni Salve Martinez-Gil, ang pangulo noon ng Australian Philippine Association at Ashfield Municipal Council.68 Isinabay ito sa Australian Bicentenary o ika-200 taong anibersaryo ng pagdaong ng mga plotang British sa Sydney noong 1788 (26 Enero, itinuring na Australia Day) sa pangunguna ni Kapitan Arthur Phillip.69 Mababasa sa plake ng monumento: Dr. Jose P. Rizal June 19-1861 – December 30, 1896 National Hero of the Philippines Pambansang Bayani ng Pilipinas This Plaque was unveiled by DAME SALVE MARTINEZ-GIL, President A.P.A. KOR – Damas de Rizal 1962 on 19th June 1988 on behalf of the Australian Philippine Association as a tribute to the Australian Bicentennial Special thanks to Transfield Pty. Ltd. Ashfield Municipal Council Noong una, wala akong personal na kabatiran sa monumento ni Rizal sa Ashfield Park hanggang sa maipakilala ito sa akin ng isang Pilipino. Habang nasa restawran malapit sa The Strand, Croydon, nakadaupang-palad ko ang isang Mga Bantayog ni Jose Rizal sa New South Wales, Australia Tugano 115 Pilipinang nars na tubong Maynila. Isang dekada na siyang nakatira sa Lidcombe at nag-aalaga ng matatanda. Ayon sa kanya, nagkaroon siya ng mga inaalagaang bata (Fil- Australian) na kadalasa’y kanyang ipinapasyal sa Homebush o kaya sa Ashfield Park. Doon niya nabanggit na mayroong monumento si Rizal sa nasabing lungsod. Ipinakilala aniya sa mga batang minsang kanyang inalagaan na ito ang estatuwa ng Pambansang Bayani ng Pilipinas.70 Mahalaga ring pansinin ang presensya ng mga nars sa distritong ito o kung hindi man, sa buong NSW o Australia mismo. Sa mga nagdaang census (2001-2016), karamihan sa mga migranteng Pilipino sa Australia ay pawang kababaihan at mula sa hanay ng mga nars o caregiver. Mas naging bukas ang pamahalaan ng Australia sa mga ganitong oportunidad noong 1996 nang simulang magbigay ng subclass 457 Visa para sa mga skilled worker (i.e. nursing) na nais magtrabaho at manirahan sa bansa.71 Higit na markado sa monumentong ito sa Ashfield ang mga selebrasyong pinangungunahan ng KOR–kapanganakan o kamatayan ni Rizal. Halimbawa noong Disyembre 2012, ika-116 na taong kamatayan ng pambansang bayani, pinangunahan ng KOR Sydney Chapter ang seremonya72 at noong ika-123 naman sa pangunguna ni Bob Alipalo, Chapter Commander ng KOR Northern Sydney Chapter.73 Samantala, noong 19 Hunyo 2020, nang ika-159 na taon ng kapanganakan ni Rizal, pinangunahan ng KOR Western Sydney Chapter ang selebrasyong ito sa Ashfield.74 Sa 116 Journal of Philippine Local History and Heritage Vol. 9 No. 1 June 2023 kabuoan, “nakikiespasyo” si Rizal sa Ashfield kasama ang iba pang monumento at bantayog ng ibang etnisidad. BUSTO NI RIZAL SA SURRY HILLS (1995) Katulad ng nasa Ashfield, “nakikiespasyo” rin ang busto ni Rizal sa Chalmers Street, Surry Hills (larawan 5). Ang Surry Hills ay napapalibutan ng mga lungsod ng Darlinghurst sa hilaga; Paddington sa silangan; Redfern sa timog; at ang Haymarket na isang “Chinatown” sa kanluran. Malapit ito sa Central Station at binabagtasan din ng mala-tranviang Sydney South East Light Rail mula Circular Quay hanggang Kingsford. Sa aking pagsuruy-suroy, kapansin-pansin ang ilang arkitekturang Victorian sa lungsod na ito lalo na sa Albion Street. Mayroon ding pinaghalo sa modernong disenyo, halimbawa ang Royal Exhibition Hotel at Madison Hotel na nasa kanang bahagi ng Ibero-America Plaza kung saan nandoon naman ang busto ni Rizal (larawan 6). Unang plinanong itayo ang plaza noong 1986, dalawang taong paghahanda para sa Australian Bicentenary upang kilalanin ang naging ambag ng mga Spanish and Portuguese-speaking people sa kasaysayan ng Australia.75 Ang Surry Hills ay minsan naging komunidad ng mga Portuges sa Australia bagaman nasa Petersham ang pinakamalaking konsentrasyon. Tinatawag na Ibero-America ang kultural na rehiyong kinabibilangan ng mga bansang mayoryang nagsasalita ng wikang Español at Portuges o mga dating kolonya nito. Kapansin-pansin na sa kabila ng hindi Español ang mayoryang wika sa kasalukuyang Pilipinas, naroon si Rizal—ang bukod tanging Asyano at Pilipino sa Mga Bantayog ni Jose Rizal sa New South Wales, Australia Tugano 117 LARAWAN 5 MAPA NG SURRY HILLS labintatlong personalidad sa kasaysayan (2 monumento at 11 busto).76 Binuksan ang plaza noong 1988 at isinaayos noong 2000.77 Sa aking unang pagpunta sa Australia noong 2016, 13 lahat ang mga bantayog—mula kaliwa, ang nakatayong si Pedro Fernandez de Quiros (1565-1615), nabigador na naglakbay sa Karagatang Pasipiko na nagbigay-daan sa tinuran nilang “pagkakatuklas” ng Terra Australis (Southern Land); gayundin ang busto ni Prince Henry the Navigator (1394-1460) ng Porto, Portugal; Heneral Jose de San Martin (1778-1850), 118 Journal of Philippine Local History and Heritage Vol. 9 No. 1 June 2023 LARAWAN 6 BUSTO NI RIZAL SA SURRY HILLS Kuhang larawan ng may-akda sa Surry Hills (2016) Pambansang Bayani ng Argentina; Heneral Don Bernardo O’Higgins (1778-1842), Libertador ng Chile; Eugenio de Santa Cruz y Espejo (1747-1795), Royal Audiencia ng Ecuador; Simon Bolivar (1783-1830), Libertador ng Bolivia, Colombia, Ecuador, Peru, at Venezuela; Antonio Nariño (1765-1823), Pambansang Bayani ng Colombia; Juana Azurduy de Padilla (1780-1862), babaeng gerilya na lumaban para sa kalayaan Mga Bantayog ni Jose Rizal sa New South Wales, Australia Tugano 119 ng Bolivia; Jose Gervasio Artigas (1764-1850), Pambansang Bayani ng Uruguay; Dr. Jose Protacio Rizal (1861-1896); Miguel Grau Seminario (1834-1879), Gran Almirante ng Peru; Jose Marti Perez (1853-1895), Pambansang Bayani ng Cuba; at ang nakatayong si Benito Juarez (1806-1872), Pangulo ng Mexico. Sa lahat ng mga bantayog na narito, si Marti ang may pinakamalapit na pagkakatulad sa buhay ni Rizal. Sa isang pag-aaral ni Maria Theresa Valenzuela (2014),78 kinompara niya ang mga postkolonyal na talambuhay ng dalawang Al Heroe Nacional, bagaman mayroong mga pagkakaiba katulad ng kanilang tadhana sa ilalim ng mga Español (nabilanggo si Rizal noong 1892 na nauwi sa kanyang kamatayan noong 1896 samantalang lumahok sa Guerra de Independencia Cubana o Cuban War Independence si Marti noong 1898 na naging dahilan ng kanyang kamatayan sa Labanan sa Dos Rios). Samantala, sa aking ikalawang pagbabalik noong 2020, naragdagan na ito ng isa. Naroon na si Mariscal Francisco Solano Lopez (1824-1870), bayani ng Paraguay na pinasinayahan noong 20 Nobyembre 2019.79 Kaya’t sa kasalukuyan, panlabing-isa si Rizal sa labing-apat na hanay ng mga monumento at busto. Gawa sa matibay na hinulmang buhangin ang busto ni Rizal–nakapostura ng overcoat at kitang-kita ang kurbata. Katulad ng nasa Ashfield, nakalingon si Rizal sa kanluran ngunit paitaas ang tanaw. Nililok ito ng eskultor na si Haldane Holman80 na ibinigay ng Pilipinas sa Sydney sa pamamagitan 120 Journal of Philippine Local History and Heritage Vol. 9 No. 1 June 2023 ni John Holland noong 1995 upang idagdag sa Ibero-America Plaza.81 Sinipi sa ibaba ang nilalaman ng plake sa busto: DR. JOSE PROTACIO RIZAL (1861-1896) NATIONAL HERO OF THE PHILIPPINES BORN ON 19 JUNE 1861 AT CALAMBA, LAGUNA AND DIED AS A MARTYR ON 30 DECEMBER 1896 DR. RIZAL WAS THE FIRST TO INSPIRE FILIPINOS TO REGARD THEMSELVES AS A NATION AND TO CHERISH THE PHILIPPINES AS THEIR FATHERLAND. HE WROTE TWO INSPIRING NOVELS, NOLI ME TANGERE AND EL FILIBUSTERISMO A GIFT TO THE CITIZENS OF SYDNEY FROM JOHN HOLLAND (PHILIPPINES) 1995 SCULPTOR: HALDANE HOLMAN (A.S.Y.C.) Katulad ng nasa Ashfield, naging lunsaran din ang Surry Hills ng mahahalagang selebrasyon para kay Rizal. Noong 19 Hunyo 2014, nang ika-153 taong kapanganakan ni Rizal, pinasimulan nina Konsul-Heneral Anne Jalando-on Louis at Konsul Sir Marford Angeles ng KOR ang nasabing pagpapasinaya.82 Samantala, noong 2019, ipinagdiwang dito ang ika-123 kamatayan ni Rizal. Ngunit, ginanap ito nang mas maaga (28 Disyembre) sa kadahilanang malaki ang selebrasyon at maraming bantayog si Rizal sa Sydney na hindi magiging posible para sa isang araw. Pinangunahan ito ng mga kasapi ng KOR at Kababaihang Rizalista.83 Gayumpaman, hindi lamang mga gawaing konsular ang naganap sa Surry Hills. Mga Bantayog ni Jose Rizal sa New South Wales, Australia Tugano 121 Noong Hunyo 2010, sa inisyatiba ng Filipino Community Cooperative Limited, ipinalabas ang dulang Her Son, Jose Rizal sa Tom Mann Theatre na nasa Academy of Music and Performing Arts (AMPA). Isinulat ito ni Leonor Orosa Goquingco at idinirihe ni Armando Reyes.84 Layunin ng dula na ipamalas sa ilang henerasyon ng kabataang Pilipino ang kasaysayan ng Pilipinas sa pamamagitan ni Rizal. Ayon sa kanila: …because decades ago, the first Filipinos settled in Australia. Several generations later, we believe it’s time we let people know our story. Because our Australian-born descendants will someday ask, “Dad/Mom/Lolo/Lola, where did you come from?” Because like us, Jose Rizal was an overseas Filipino who left his country to see what he could make out of himself.85 Malaki ang hamon ng transnasyonalismo sa kabataang ito. Nang minsang nakasama ang isang pamilyang Pilipino noong 2020 sa Campbelltown, mayroon doon mag-asawang nagsilang ng anak. Magaling at matatas sa wikang Filipino ang mag-asawa ngunit anila, hindi sila nakikipag-usap ng wikang ito sa kanilang mga anak. Sa tuwing nagbabakasyon ang mag-anak sa Pilipinas, lumalabas na tila banyaga ang mga batang ito na mailap makipag-usap sa mga kapuwa Pilipino. Ang ganitong kalitohan sa kakanyahan at identidad sa kabataang Filo ay tinawag bilang Two-World Syndrome na kalimitang dumaraan sa bicultural identity o cultural baggage.86 Gayumpaman, ang pamilyang sinipi ko ay alam ng kanilang mga anak ang maikling kasaysayan ni Jose Rizal. Si Rizal lang 122 Journal of Philippine Local History and Heritage Vol. 9 No. 1 June 2023 ang bukod tanging alam ng mga Filong ito. Hindi nila kilala sina Bonifacio, Jacinto, at mga naging pangulo ng Pilipinas. Yamang malapit sa kinaroroonan nila ang monumento ng bayani batid nila ang kahalagahan nito sa kasaysayan. MONUMENTO NI RIZAL SA CAMPBELLTOWN (2011-2012) Isa ang Campbelltown sa malalaking lungsod ng NSW. Nakalatag dito ang rehiyon ng Macarthur kung saan naroon ang ilang suburban ng Ambarvale at Rosemeadow sa timog; Minto, Leumeah, at Ingleburn sa hilaga; Eagle Vale sa kanluran; at Kentlyn sa silangan (larawan 7). Ayon sa kasaysayan, ang Campbelltown at Macarthur ay unang tinirhan ng mga grupong aboriginal na Tharawal o Dharawal.87 Dumaan sa pagpaplanong urban at sa pagitan ng mga taong 1827 hanggang 1831, unti-unting lumalaki ang populasyon na kung saan ang kanilang industriya ay nakasalalay at nakatuon sa harina, trigo, at gatas.88 Dumagsa kinalaonan ang mga migranteng dayuhan sa Campbelltown dahil sa mga nasabing industriya. Itinataya na kasama rito ang mga Pilipino sa dalawang posibleng kadahilanan. Una, sa huling yugto ng 1880, nakararating na sa Maynila ang mga sariwang gatas na gawa o produkto mula sa Australia.89 Hanggang ngayon, makikita naman ang maraming bilang ng mga migranteng Pilipinong nagtatrabaho sa industriya ng gatas sa Australia.90 Pangalawa, ayon sa mga census (2001- 2011), laging pumapangatlo ang Campbelltown sa malalaking konsentrasyon ng mga Pilipino sa Greater Sydney – laging Mga Bantayog ni Jose Rizal sa New South Wales, Australia Tugano 123 LARAWAN 7 MAPA NG CAMPBELLTOWN nauuna ang Blacktown at Parramatta. Tinatayang 2,607 na mga Pilipinong ipinanganak sa Pilipinas ang naninirahan sa Campbelltown noong 2001; 3,058 noong 2006; at 3,598 noong 2011.91 Sa mga binanggit na suburban, noong 2016, nasa 258 ang mga Pilipinong nasa Ambarvale; 154 sa Rosemeadow; 603 sa Minto; 336 sa Leumeah; 789 sa Ingleburn; at 276 sa Eagle Vale.92 Sa aking personal na gunita, marami ring Pilipino ang naninirahan sa kalapit na Gregory Hills at Gledswood Hills, Camden. Historikal din ang Campbelltown sapagkat minsan na tayong nakapagpaupo ng mga Pilipinong politiko rito. Halimbawa ay si Rey Manoto, dating pangulo ng UP Alumni 124 Journal of Philippine Local History and Heritage Vol. 9 No. 1 June 2023 LARAWAN 8 RIZAL PARK SA ROSEMEADOW, CAMPBELLTOWN Kuhang larawan ng may-akda sa Rizal Park, Campbelltown (2020) Association (UPAA).93 Kinalaonan, makikita rin ang paglitaw ng ilang Pilipino sa lokal na politika ng Australia.94 Dahil dumaragsa ang mga Pilipino sa Campbelltown, naging simbolo rin natin ang monumento ni Rizal. Hindi katulad ng nasa Ashfield at Surry Hills, “nakikiespasyo” si Rizal sa iba pang bantayog ng ibang etnisidad. Samantalang sa Campbelltown, eksklusibong inilaan ang Rizal Park (larawan 8) para sa bayani. Matatagpuan sa Anthony Drive, Rosemeadow, Campbelltown ang kulay asul na salitang “Rizal Park” na idinikit sa animo’y matitibay na adobe. Ito ay nagsilbing palaruan para sa mga bata samantalang tambayan ng ilang Pilipino. Ayon sa hindi kinilalang Pilipinong nagtatrabaho sa Woolworths (tampok na supermarket sa bansa), marami aniyang tumatambay na mga Pilipino sa Rizal Park, kahit na may iba pang tambayan katulad ng nasa Mga Bantayog ni Jose Rizal sa New South Wales, Australia Tugano 125 Haydon dahil para sa kanya kapag naririnig at nakikita niya ang Rizal Park, naimamarka niya ito bilang replika ng Luneta Park sa Maynila. Naging madali para sa ilang Pilipino ang makaangkop sa simple at tahimik na pamamasyal sa Australia. Karamihan sa mga parke ay makikitaan ng electric park barbeques na nagagamit nang libre. Nagtitipon-tipon dito ang mga pamilya at magkakaibigang Pilipino. Pagpasok ng Rizal Park, makikita sa daanan nito ang ilang pananda ng pagtatanim ng mga puno na pinangunahan nina Belen Anota, Embahador ng Pilipinas sa Australia noong 5 Disyembre 2015; Anne Jalando-on Louis, Konsul- Heneral sa Sydney noong 11 Marso 2017; Sir Elihu Ybañez, Supreme Commander ng KOR noong 23 Nobyembre 2018; at mga punong itinanim (Commemorative Tree) ng mga organisasyong katulad ng Philippine Community Council of New South Wales noong 31 Oktubre 2015 at ng The Campbelltown and Region Filipino Community Council Inc. noong 25 Pebrero 2017. Isinunod sa pangalan ni Rizal ang parke o reserve noong 2 Hunyo 1988 sa bisa ng New South Wales Government Gazette Folio 9964.95 Taong 1987 pa lang, pinipetisyon na nina Christopher Krause at Gerard Colbach ng The Philippine- Australian Friendship Association na isunod ito sa pangalan ni Rizal. Pormal na inihayag noong 20 Mayo 2009 sa pangunguna ng Rizal Park Movement of Campbelltown (RPMC) ang planong pagbubuo sa Rizal Park. Samantala, noong Hunyo 2011, inanunsiyo ni Embahador Anota sa pamamagitan ni Konsul-Heneral Jalando-on Louis ang pagdating ng collosal 126 Journal of Philippine Local History and Heritage Vol. 9 No. 1 June 2023 LARAWAN 9 MONUMENTO NI RIZAL SA CAMPBELLTOWN Kuhang larawan ng may-akda sa Rizal Park, Campbelltown (2020) statue ni Rizal sa Australia.96 Ang monumentong ito (larawan 9) ay nilikha ng beteranong eskultor na si Eduardo Castrillo na siya ring gumawa sa Inang Bayan (1992) sa Bantayog ng mga Bayani, People Power Monument (1993) sa EDSA, at ang Bonifacio and the Katipunan Revolution Monument (1988) sa Ermita, Maynila. Nang binisita ang monumento, kasama ang ilang kamag-anak, banggit nila Si Rizal ba iyan?—na animo’y nagdududa sa katangian nito. Taliwas ito sa tipikal na depiksiyon ni Rizal na nakatayo nang tuwid, maliit, at tampok ang “Rizal-style na buhok.” Nasa Campbelltown ang pangatlong pinakamalaking monumento ni Rizal na sumukat Mga Bantayog ni Jose Rizal sa New South Wales, Australia Tugano 127 ng 5 metro – sumunod sa 6.9 metro ng Calamba, Laguna at 6.2 metro sa Luneta Park.97 Kulay bronse, nakataas ang kaliwang kamay, at habang ang kanan ay humahawak sa librong nasa dibdib. Ang pagpapasinaya sa monumento ay pinangunahan ni Pangulong Noynoy Aquino noong 26 Oktubre 2012,98 kasama ni Rey Manoto, pangulo ng RPMC; Barry O’Farrell, Premier ng NSW; at Sue Dobson, Alkalde ng Campbelltown.99 Katabi ng monumento ang plakeng ipinagkaloob ng National Historical Commission of the Philippines: JOSE RIZAL (1861-1896) PHILIPPINE NATIONAL HERO, BORN ON 19 JUNE 1861. DOCTOR, POET, WRITER EDUCATOR, LINGUIST, INVENTOR. AUTHORED NOVELS NOLI ME TANGERE (1887) AND EL FILIBUSTERISMO (1891) WHICH BARED COLONIAL OPPRESSION OF THE FILIPINOS. HE ADVOCATED NONVIOLENT STRUGGLE FOR FREEDOM BUT WAS CHARGED WITH INCITING DISSENT. THE LIVING SOUL OF THE 1896 PHILIPPINE REVOLUTION, HE WAS EXECUTED ON 30 DECEMBER 1896. HIS MARTYRDOM INSPIRED A SENSE OF NATIONHOOD THAT EVENTUALLY LED TO THE PROCLAMATION OF PHILIPPINE INDEPENDENCE IN 1898. 128 Journal of Philippine Local History and Heritage Vol. 9 No. 1 June 2023 Sa parehong taon, sa pangunguna pa rin ng RPMC, muling ipinapanood sa mga Pilipino ang dulang panteatrong Her Son, Jose Rizal. Marahil napagkamalian ni Rey Manoto (2012) na sinabing unang ipinalabas ang dula sa Parramatta noong 2011, dahil katulad ng nabanggit sa itaas, nauna na itong ipinalabas sa Surry Hills noong 2010 bilang pagpapakilala kay Rizal sa mga henerasyong Pilipino sa Australia. Naitanghal ito sa Campbelltown Arts Theatre noong Marso 2012 na idinirehe ni Fr. Larry Tolentino. Kasabay na isinagawa noong 4 Agosto 2012 ang A Salute to our Hero’s Gala Night sa Leumeah.100 Liban sa Surry Hills at Campbelltown, nakarating din ang teatrikal na dula sa Woy Woy (katabing bayan ng Gosford, Koolewong, Tuggerah, at Wyong) na pinangunahan naman ni Ferdie Dimaano at ng Ilocano Association of Australia. Samantala mula noong 2012, taon-taong nagsasagawa sa Campbelltown ng pagpupugay kay Rizal. Bago ang pandemya, magarbong ginunita ang ika-122 taong kamatayan ni Rizal noong 2018 sa pangunguna nina Hellen Barber de la Vega, Embahador ng Pilipinas sa Australia; Ma. Teresa Taguiang, Konsul-Heneral sa Sydney; at marami pang iba101 at maging sa ika-123 taong kamatayan noong 2019.102 Nagpatuloy pa rin ito hanggang sa kasagsagan ng pandemya noong ika-159 na kaarawan103 na pinangunahan muli ng mga organisasyon sa iba’t ibang panig ng Australia. Sa kasalukuyan, liban pa sa pinakamataas na monumento ni Rizal sa labas ng Pilipinas, makikita rin sa Campbelltown ang isang kalye na isinunod sa kanyang pangalan mula pa noong taong 2007. Kapag inikot ang lugar, nasa gitna ang Rizal Street ng mga kalsadang katulad ng Parc Guell Drive, Mga Bantayog ni Jose Rizal sa New South Wales, Australia Tugano 129 Parkside Cres, Santana Road, at Bairin Street. Sa abot ng aking nalalaman at nakuhang impormasyon, mayroong dalawang tahanang Pilipino ang nasa Rizal Street. Ayon sa isang respondent, nakaka-proud dahil sa laki ng Australia, napunta pa kami sa street na parang makikita mo lang sa Pilipinas.104 BUSTO NI RIZAL SA BLACKTOWN (2018) Matatagpuan ang lungsod ng Blacktown (larawan 10) sa Greater Western Sydney. Napapalibutan ito ng iba pang lungsod katulad ng Penrith, Parramatta, Holroyd, Hawkesbury, at Baulkham Hills Councils.105 Katulad ng mga tipikal na tala, ang Blacktown ay unang naging panahanan ng mga Aborigine na Dharruk. Nilipol ng mga Kanluranin at nagsimulang “paunlarin” lalo na sa panahon ni Lachlan Macquarie. Pormal itong itinatag bilang lungsod noong 1906 at lumobo ng halos 13,000 na populasyon noong 1933. Ipinagbabawal ng pamahalaan ng Australia ang bultohang pagpapapasok ng mga dayuhan lalo ng mga Asyano bagaman noong 1947, mayroon ng 141 na Pilipino sa Australia.106 Sa pagitan ng dekada 1960 at 1970, binuwag nila ang White Australia Policy kaya’t nagbukas ito ng oportunidad para sa mga Pilipinong nais makapasok sa Australia.107 Kasabay rin ng proklamasyon ng Batas Militar sa Pilipinas noong 1972 kaya’t maraming Pilipino ang pumunta sa Australia. Noong una’y nanirahan ang mga Pilipino sa Mascot, Hurstville, Bankstown, at Marrickville at sa pagsapit ng kalagitnaan ng 1975-1980, lumipat ang ilang Pilipino sa Blacktown.108 Naibigan ng mga Pilipino na tumira rito dahil sa magandang sistema ng transportasyon, bukas sa lahat ng relihiyon at 130 Journal of Philippine Local History and Heritage Vol. 9 No. 1 June 2023 Asyanong etnisidad, at mga murang pabahay.109 Dekada 1970 rin nagkaroon ng malawakang pabahay ang pamahalaan ng Mount Druitt, Blacktown–bahay na nagkakahalaga ng 2,000 dolyar (AUD) para sa limang kuwarto.110 Kaya’t sa pagdaan ng panahon, tuluyan nang tinawag na Filipino Town ang Blacktown kasama ang iba pang suburban katulad ng Rooty Hill, Mount Druitt, Quakers Hill, Plumpton, at Woodcroft.111 LARAWAN 10 MAPA NG BLACKTOWN (Google Map 2022d) Sa census noong 2001, tinatayang umabot sa 256,364 ang populasyon ng Blacktown kung saan 13,612 dito ay mga migranteng Pilipinong ipinanganak sa Pilipinas; 6,666 ang mga Pilipinong nasa South West Blacktown; 3,951 sa Southeast Mga Bantayog ni Jose Rizal sa New South Wales, Australia Tugano 131 Blacktown, at 2,995 sa Northern Blacktown.112 Sa aking naging paglalakbay rito, mababakas ang diwa at espasyong Pilipino– kaliwa’t kanan ang mga restawran, convenience store, remittance center, at pamilihan.113 Liban pa sa ilang establisyimento, may ilang paaralan doon ang pinapasukan ng kabataang Pilipino, halimbawa ang Blacktown District Primary School at Mount Druitt District High School.114 Nagsasagawa rin dito ng mga pista o selebrasyong Pilipino. Isa ang Blacktown, kasama ng Parramatta sa mga lungsod na kadalasang pinagdarausan ng flag-raising ceremony tuwing Araw ng Kalayaan sa Pilipinas.115 Samantala, sa ilang paaralan, nagdaraos sila ng taonang paliga ng basketbol.116 LARAWAN 11 RIZAL PARK SA ROOT Y HILL, BLACKTOWN Kuhang larawan ng may-akda sa Rizal Park, Blacktown (2020) Matatagpuan sa Blacktown, katulad ng nasa Campbelltown, ang isang parkeng eksklusibong isinunod sa pangalan ni Rizal. Ang Rizal Park (larawan 11) sa Rooty Hill ay isa sa 132 Journal of Philippine Local History and Heritage Vol. 9 No. 1 June 2023 318 na parkeng makikita sa buong Blacktown at 15 sa Rooty Hill.117 Mula sa pagiging reserve, pinaunlad ito ng Blacktown City Council at sa tulong ng KOR Sydney Chapter, pinili nila ang Rizal Park upang maging lunsaran ng taonang Clean Up Day Australia.118 Layunin ng proyektong Clean Up Day Australia na paigtingin ang pagmamahal sa kapaligiran. Tatlong dekada na itong ginagawa kung saan ang lahat ng mamamayan ay obligadong maglinis ng kanilang mga sariling bakuran, sa mga parke, o reserve. Kabilang sa nasabing proyekto ang mga Pilipinong nasa Blacktown, partikular na ang grupong Filipino-Australian for Empowerment (FAME) Inc., Philippine Community Council of NSW (PCC-NSW), Engineers Association and Fil-Oz Community of Sydney, at ang samahan ng mga Pangasinense–Pangasinan Association at Pozurrubians Downunder.119 Karamihan sa mga samahang ito ay nanguna sa pagpapatayo at pagpapanatili ng Rizal Park sa Blacktown. Tampok ang Rizal Park para sa mga Pilipinong nasa Blacktown dahil bukod na nasa Rooty Hill ito, pinakamalaking suburb na konsentrasyon sa lungsod, espasyo rin ito ng mga libangan, pagsasama-sama, at pag-uumpukan. Gayundin, isa ito sa tatlong parke sa buong Australia na isinunod sa pagkadakila ni Rizal.120 Huli na lamang idinagdag sa parke ang busto ni Rizal (larawan 12) noong 23 Nobyembre 2018, sa inisyatiba ng KOR Sydney Chapter, Filipino- Australian Community, at Blacktown Community Council. Maliit lamang ang busto ni Rizal—nakakurbata, nakatingin nang diretso sa Silangan, at tila nakasimangot. Ang busto ay donasyon ng mag-asawang John Kiezel Kinsella matapos itong lilokin ng batikang eskultor na si Juan Sajid Imao. Tampok si Imao sa paglililok ng mga bantayog ni Rizal—mga halimbawa Mga Bantayog ni Jose Rizal sa New South Wales, Australia Tugano 133 rito ay ang monumento ni Rizal sa Fort Santiago, Cavite, at Ateneo de Manila University.121 Liban pa riyan, kilala rin siya sa pagdodoneyt ng kanyang mga obra sa iba’t ibang institusyon at indibiduwal. Liban sa mga busto at monumento ni Rizal, kilala rin sa kanyang mga naging donasyon ang Korona na ibinigay sa Art Association of the Philippines ngunit ninakaw sa “Kanlungan ng Sining” sa Rizal Park, Maynila noong 2013.122 Maituturing na isang masterpiece ni Imao ang bustong ito ni Rizal. Gayumpaman, katulad ng mga tipikal na pagpapakilala kay Rizal sa mga plake, ipinamalas sa Blacktown ang tala ng kanyang pagiging martir at lalo na ang dalawang nobela: Rizal died a martyr after advocating for freedom through his writings and novels ‘Noli Me Tangere’ and ‘El Filibusterismo’ which awakened Filipinos from colonial injustices and inspired them to see independence. This project was made possible through the partnership of the Knights of Rizal – Sydney Chapter with the support of the Filipino Australian Community and Blacktown City Council. The bust is a sculpture of Mr. Sajid Imao and donated by Mr. & Mrs. John Kiezel Kinsella Unveiled on 23 November 2018 by Sir Elihu Ybanez [sic], KGCR, Supreme Commander, Knights of Rizal Hon. Teresa Taguiang, Consul General of the Philippines and Hon. Stephen Bali, Mayor, Blacktown City. 134 Journal of Philippine Local History and Heritage Vol. 9 No. 1 June 2023 LARAWAN 12 BUSTO NI RIZAL SA ROOT Y HILL, BLACKTOWN Kuhang larawan ng may-akda sa Rizal Park, Blacktown (2020) Mula 2018, taonan nang isinasagawa ang pagpupugay kay Rizal sa Blacktown. Pinangunahan halimbawa ng KOR, Kababaihang Rizalista, Inc. Sydney Chapter, at Konsehal Jess Diaz ang unang selebrasyong Rizal sa Blacktown. Ito ang ika-122 taong kamatayan ng bayani na ginanap noong 30 Disyembre 2018.123 Samakatuwid, apat na taon pa lamang ang tanda ng busto ni Rizal sa Blacktown. Gayumpaman, kahit wala pa ang busto noon, nakapagsagawa na ang mga Pilipino sa Blacktown ng samo’t saring proyekto tungkol kay Rizal. Halimbawa noong 9 Setyembre 2017, ipinalabas sa The Leo Kelly Blacktown Arts Centre sa Flushcombe, ang isang dulang Mga Bantayog ni Jose Rizal sa New South Wales, Australia Tugano 135 teatrikal na pinamagatang Cabesang Tales na pinondohan ng KOR at nasa panulat ni Floro Quibuyen. Gumanap bilang Cabesang Tales si Felino Dolloso, samantalang idinirihe naman ito ni Ferdinand Dimaano,124 na kilala rin sa pagsasagawa ng mga pagtatanghal tungkol kay Rizal katulad ng nasa Campbelltown. KONGKLUSYON: ITINAKDA SI RIZAL BILANG ESPASYONG PILIPINO SA NSW Batid nating napakaraming bantayog ni Rizal sa ibayong dagat. Mas marami pa ito kompara sa bilang ng mga bansang narating niya mismo (1882-1896). Kahit sa mga bansang hindi naman niya narating, kakikitaan pa rin ito ng kanyang mga bantayog. Halimbawa, sa Manado-Sulawesi, Indonesia, at lalo na ang Australia.125 Inangkin ng napakaraming Pilipino si Rizal, sa loob at labas ng sariling bansa. Higit sa lahat ng mga migranteng Pilipino na sa tuwing itatanong, kung sino ang “sikat” na tao ang kilala sa Pilipinas – nariyang sasagutin, “si Jose Rizal.” Sa daloy ng diasporang Pilipino, tinawag tayo bilang globe-trotting people126 o di kaya’y quasi-wandering people,127 dahil lagalag, makikita kahit saan ang mga Pilipino, saan mang bansa sa mundo. At upang maramdaman ang ganap na bayan ng mga Pilipino sa labas ng bayan, nagmistulang padron na ang pagbubuo ng mga sariling espasyo. Nariyan ang paglililok ng tila-imahinaryong larawan ng Pilipinas sa anyo ng Pinoy Town, Filipino Town, mga kulumpol ng establisyimentong Pilipino, at iba pang nilikhang espasyo sa dayuhang bansa. Samakatuwid, kasama si Rizal sa mga tinutukoy kong nilikhang espasyo. Hindi lamang ito usapin ng 136 Journal of Philippine Local History and Heritage Vol. 9 No. 1 June 2023 simpleng pagkilala kay Rizal bilang bayani, ngunit isa na rin itong kolektibong paggigiit sa kakanyahan ng mga Pilipino sa ibayong dagat. Dinala si Rizal sa kahit anong bansa, narating man niya ito o hindi, konektado man ito sa kanya o hindi – upang ipaalala ang eksistens ng mga Pilipino bilang minorya ng dayuhang espasyo. Sa aking mga nakalap na impormasyon sa NSW patungkol kay Rizal, hindi mapasusubalian ang tinutukoy nina Habermas (1962), Deleuze at Guattari (1987), at Lefebvre (1991)128 na ang usapin ng espasyo ay humahawan ng sosyolohikal na kahulugan. Marahil, para siguro sa mga host country, isang simpleng plaza, parke, o istasyon lamang ang kinalulugarang espasyo ni Rizal ngunit para sa mga Pilipino, bahagi na ito ng sariling bayan na magdadala sa pagbubuo ng pagkakakilanlang Pilipino sa ibayong dagat. Halimbawa sa Ashfield, Surry Hills, Campbelltown, at Blacktown o iba pang bantayog ni Rizal sa Australia na labas sa NSW, makikita ang mga taonang selebrasyon ng kapanganakan at kamatayan ni Rizal. Nariyan ang pagtitipon-tipon ng mga organisasyong Pilipino, pag-aalay ng bulaklak, at pagsasagawa ng mga makabayang proyekto. Sa mga ganitong pagkilos at pagtugon, ganap na itinatakda na natin ang sariling espasyo sa dayuhang espasyo. Liban sa pagiging espasyo, ang mga monumento at busto ni Rizal sa Australia ay nagmistulang ahente ng gunita. Pumapasok si Rizal bilang isang halimbawa ng collective memory,129 sapagkat nililingon siya ng mga Pilipino, sa loob o labas man ng bansa, mula sa panahong mayroong malaking puwang sa kanilang sariling panahon. Kaya’t sinususugan Mga Bantayog ni Jose Rizal sa New South Wales, Australia Tugano 137 din nito ang sinasabi ni Nora (1996)130 na pedagohikal ang layunin ng anomang mga simbolo ng gunita. Sa kaso ng Australia, marami sa mga tinurang Filo (Pilipino-Australian) ang sumailalim o humaharap sa hamon ng transnasyonalismo, sa mga dalawahan o nagtutunggaliang identidad. Sa partikular na kaso, ang Australianization.131 Kaya’t nagsisilbing pedagohikal ang mga monumento at busto ni Rizal, dulang teatrikal, mga babasahin, at mga organisasyong Rizal ay upang mabuhay ang kabayanihan ni Rizal para sa kamalayan ng makalawa, makatlo, o higit pang henerasyon ng mga Pilipino sa Australia, kung saan nanganganib na mawala ang kalinangan at kakanyahang Pilipino. Sa madaling salita, isang pagpapaalala ang gunita. Panghuli at mahalagang isiping napagtagumpayang maitampok ang Araling Kabanwahan upang maiugnay si Rizal at ang ibayong dagat. Bilang rekomendasyon, subuking suriin ang pagtingin kay Rizal ng ilang tahanang Pilipino sa Australia—sa kung paano itinuturo at kinikilala si Rizal bilang bayani. Ito ang kakulangan ng artikulo, sapagkat sumentro lamang sa pagkilala kay Rizal ng mga organisasyong talaga namang may malalim na pagkilala at kaalaman patungkol sa kanya. Subukan sana ang ibang sektor at pag-aralan ang mga ordinaryong pamilyang Pilipino sa Australia. Hindi kailanman mawawala si Rizal sa mga espasyo. Maaaring sumibol ang kanyang mga bantayog kahit saan. Gayumpaman, pansamantalang ilihis muna siguro ang persepsyon ng karamihan na ang dumaraming bantayog para sa kanya sa ibayong dagat ay dulot ng pagkiling o usapin ng 138 Journal of Philippine Local History and Heritage Vol. 9 No. 1 June 2023 dikotomiya–mga namamayaning debate o diskurso sa lipunang Pilipino sa nagdaang mga dekada. Sa halip, dahil nasa usaping global, tingnan na lamang ang kanyang mga bantayog bilang instrumento ng pagkakaisa, pagtatagpo-tagpo, at pagbuhay sa pagkakakilanlan ng mga Pilipinong nasa ibayong dagat. NOTES 1 Rhoderick Nuncio at Elizabeth Nuncio, Sangandiwa: Araling Filipino Bilang Talastasang Pangkalinangan at Lapit Pananaliksik (Manila: University of Santo Tomas Publishing House, 2004), 17; Lily Mendoza, Between the Homeland and the Diaspora: The Politics of Theorizing Filipino and Filipino American Identities (Manila: University of Santo Tomas Publishing House, 2006), 115. 2 Atoy Navarro, “Araling Kabanwahan, Kasaysayang Kabanwahan, at Araling Timog Silangang Asya,” Saliksik E-Journal 1, blg. 1 (2012): 1-31; Atoy Navarro, “Kasalimuotan ng mga Pagkakakilanlan sa Timog Silangang Asya: Tungo sa Pagtatampok sa Taumbayan sa Araling Timog Silangang Asya at Araling ASEAN sa Diwa ng Araling Kabanwahan,” Saliksik E-Journal 4, blg. 2 (2015): 139-146. 3 Tingnan, Dawson Munjeri, “Tangible and Intangible Heritage: From Difference to Convergence,” Museum International 56, blg. 1-2 (2004): 7; Yasminah Beebeejaun, “Gender, Urban Space, and the Right to Everyday Life,” Journal of Urban Affairs 39, blg. 3 (2016): 323-334.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser