EPP 5 - 1st Quarter - Aralin 1 - Pagtukoy ng Oportunidad na Pagkakakitaan PDF

Summary

This document covers different business opportunities categorized by location (home-based, online, office-based) and interest (real estate, healthcare, beauty). It also discusses factors to consider when identifying business opportunities, such as customer needs and personal skills.

Full Transcript

Aralin 1 -- Pagtukoy ng oportunidad na Pagkakakitaan Uri ng Negosyo Ayon sa Lokasyo: 1. Home-based Business -- mga negosyong maaring gawin sa bahay gaya ng catering, sari-sari store, paggawa ng mga accessory, pananahi, paggawa ng tinapay 2. Online Business -- Ito ay maginhawa at madalin...

Aralin 1 -- Pagtukoy ng oportunidad na Pagkakakitaan Uri ng Negosyo Ayon sa Lokasyo: 1. Home-based Business -- mga negosyong maaring gawin sa bahay gaya ng catering, sari-sari store, paggawa ng mga accessory, pananahi, paggawa ng tinapay 2. Online Business -- Ito ay maginhawa at madaling pag-alok ng produkto o serbisyo sa pamamagitan ng internet. 3. Office-based or Store-based Business -- Ito ay nangangailangan ng malaking puhunan para sa lugar kung saan ipapatayo ang negosyo, mga sariling gamit at mga manggagawa o empleyado. Negsoyo ayon sa Interes -- mga negosyong ayon sa hilig o interes Mga Hlimbawa ng Negosyo Ayon sa Interes: 1. Real Estate Business -- pagbebenta ng bahay at lupa 2. Healtcare Clinic o Daycare Center -- pangangalaga ng ibang tao tulad ng mga matatanda o mga bata 3. Beauty Parlor, Spa, Salon -- pagpapaganda ng sarili 4. Pananahi ng damit -- paggawa ng mgagandang damit 5. Pagsasagawa ng gawaing bahay (paglilinis ng bahay, paglalaba) 6. Potograpiya (photography) -- pagkuha ng magagandang photo or picture 7. Travel and Tour -- para sa mga gustong magbakasyon o maglibot sa iba't-ibang lugar 8. T-shirt Printing -- paggawa ng t-shirt designs 9. Graphic Designing -- Paggawa ng designs or logo 10. Paggawa ng accessories o alahas (jewelries) -- paggaawa ng mga palamuti sa katawan 11. Restawran o Kainan -- pagluluto ng masasarap na pagkain Mga Salik sa Pagtukoy ng Oportunidad sa Pagnenegosyo: 1. Alamin ang pangunahing pangangailangang produkto o serbsyo ng mga pamilya at pamayanan. 2. Alamin ang iyong kakayanan at interes. 3. Alamin ang mga pagkukunan ng puhunan, kagamitan at lokasyon. 4. Alamin ang mga kakayahan ng mga taong magiging bahagi ng negosyo. 5. Alamin ang mga pagkukunan ng mga materyales. 6. Alamin ang kinakainlangang ICT para sa kasalukuyang panahon 7. Alamin ang panahon o oras na kailangan sa negosyo 8. Alamin ang iyong kakayahan sa pagnenegosyo Aralin 2 -- Kahulugan at Pagkakaiba ng mg Pagkakakitaang Produkto at Serbisyo Mga Produkto -- mga ani o bunga ng paggawa ng mga kagamitan tulad ng pagkain, damit, sapatos, sabon, alahas at iba pa. Mga Uri ng Produkto: 1. Durable Goods -- mga kagamitang maaring gamitin nang matagal tulad ng damit, sapatos, alahas, kasangkapan sa bahay, computer, sasakyan ay iba pa 2. Nondurable Goods -- mga produktong madaling maubos dahil karaniwang ginagamit o kinokonsumo tulad ng pagkain, inumin, sabon, lapis, papel at iba pa Mga Serbisyo -- mga aktibidad, ideya at serbisyong ipinagbibili upang pagkakitaan tulad ng pagtatahi, pagmemekaniko, paglalaba, pagluluto, pag-aayos at paglilinis ng lugar Mga kailangang pag-isipan sa negosyong Serbisyo: 1. Pag-isipan kung ang serbisyo ay sariling ideya, bago sa masa, dati nang ginagawa o binibigay kapag may nangangailangan. 2. Pag-isipan kung ang negosyo ay masmura ang halaga kapag bago, dati nang ginagawa o gagawin pa lang. 3. Pag-isipan kung masmataas ang kalidad kapag bago o natatangi ang serbisyo. 4. Pag-isipan kung maaaring isagawa ang serbisyo sa lugar na maraming kostumer. Tamang Pagpili ng Produkto o Serbisyo: 1. Subaybayan ang mga kakumpetensiya 2. Siguraduhing makatutulong ang produkto o serbisyo 3. Tiyaking sapat ang mga produkto o serbisyo para sa mga kostumer sa kapaligiran 4. Alamin kung may produkto o serbisyong inaangkat sa ibang bansa para sa karagdagang pangangailan Aralin 3 - Mga Negosyong maaring Pagkakitaan sa Tahanan at Pamayanan Mga Patok na Negosyong Pantahanan: 1. Online Selling o E-Commerce - pagbebenta ng produkto o serbisyo sa pamamagitan ng teknolohiya tulad ng cellphone, tablet, laptop at mabilis na koneksiyon ng internet. - Ang mga produkto ay ipinapadala sa pamamagitan ng mga kureyo gaya ng LBC, JRS at iba pa. Ang bayad o shipping fee ay idinaragdag sa presyo ng biniling produkto - Ang paraan ng pagbabayad ay maaaring COD o cash on delivery ang iba naman ay sa bangko o sa mga bayad center 2. Tutorial Services - Mainam magtayo ng negosyong ito malapit sa paaralan. - Ang mga sumubok sa negosyong ito ay mga retiradong guro o mga taong mahusay at may malawak na kaalaman sa iba't-ibang asignatura 3. Virtual Assistant - Pagsagot sa mga email at pangangasiwa sa mga social media account 4. YouTube Advertising -- paglalagay ng patalastas o promotion ng mga iba't-ibang prudkto sa mga video na iyong ina-upload Mga Negosong Patok sa Pamayanan: 1. Bigasan o Rice Retailing -- kailangan dito ang malaking espasyo para sa imbakan ng bigas, mga kahon, timbangan at mga manggagawa na tutulong sa pagbuhat 2. Negosyong Pang-agrikultura -- organic farming o paghahalaman ng ornamental at pag-aalaga ng mga livestock, poultry, cultured o marine fish, at pag-aalaga ng itik 3. Negosyong pangtransportasyon -- transport network vehicle services gaya ng grab taxi at angkas. Kabilang din sa negosyong ito ang pagpapatayo ng talyer, vulcanizing shop, vehicle accessories shop, pakring space rental at car wash. 4. Negosyong Pangturismo -- Airline ticket, hotel accommodation, restaurant, travel and tour agency, mga tindahan ng pagkaing delicacy, mga amusement park 5. Water Refilling Station -- pagbebenta ng purified na tubig na ligtas unumin ng mga tao 6. Laundry Shop -- Karamihan sa mga residente ng mga condominium, apartelle at townhouse ay nagpapalaba at nagpapalinis ng kanilang mga damit upang makapagahinga lalo na kung abala sa trabaho Aralin 1 -- Epektibong komunikasyon Gamit ang ICT Chat -- pakikipag-komunikasyon sa mga kaibigan, kaklase at kapamilya na nasa ibang lugar gamit ang mga messenger apps computer gaya ng Facebook Messenger at Google Hangouts. Pag-Sign In sa Google Hangouts: 1. Buksan ang iyong web browser (Google Hangouts) 2. I click ang sign-in button sa kanang itaas na bahagi ng web browser 3. Mag sign-in gamit ang iyong gmail account Pagpapadala ng Mensahe Gamit ang Google Hangouts: 1. Sa kaliwang itaas na bahagi ng pahina, pindutin ang New Conversation 2. I-type ang email address ng taong nais padalhan ng mensahe 3. Kapag Lumabas na ang pangalan ng taong nais mong makausap, pindutin ang pangalan niya at lalabas sa kanang bahagi ang chat box. I-type at isend ang mesahing nais ipadala sa kanya Pagbuo ng Discussion group sa Google hangouts: 1. Pinduyin muli ang new conversation sa kanang itaas na bahagi ng screen 2. Lalabas sa ibaba ng Search Tab ang New Group. Pindutin ito. 3. I-type ang mga email address ng mga taong nais isama sa discussion group 4. I-type sa text box ang mesaheng nais ipadala Mga Panuntunan sa pagsali sa Discussion Group: 1. Siguraduhing mapagkakatiwalaan ang mga taong kasali sa discussion group 2. Iwasan ang mga salitang hindi karapat-dapat 3. Pag-usapan lamang ang mga makabuluhang bagay 4. Panatilihinh maikli ang mga mensahe 5. Manatili sa paksang pinag-uusapan 6. Huwag humingi o magbigay ng mga impormasyong sensitibo 7. Huwan magpadala ng kahinahinalang link 8. Sabihin sa mga magulang o guro kapag may problema sa discussion 9. Huwag makipagkita nang mag-isa sa mga taong nakilala lamanag sa Social Media Pagpapadala ng Media file gamit ang Google Hangouts: 1. Sa ibabang bahagi ng chat box, hanapin ang icon para sa pagpapadala ng larawan. 2. Pindutin ang icon at hanapin ang larawan na nais ipadala 3. Pindutin ang icon para sa send upang maipost ang larawan sa group chat. I-ype ang mesaheng nais iparating sa kausap. Mga Panuntuna sa Pagpapadala ng mga Media Files: 1. Magpadala lamang ng mga media file na angkop sa pinag-uusapan 2. Huwag magpadala ng media file na pribado at hindi dapat makita ng ibang tao 3. Huwag mamahagi ng media file na hindi angkop sa iyong edad 4. Kapag may hindi kaaya-ayang media file na pinadala ay agad itong burahin at pagsabihan ang taong nagpadala 5. Sabihin sa iyong magulang o guro kung hindi ligtas o angkop ang media file na inilalagay sa iyong discussion group Aralin 2 -- Paggamit ng Search Engine Search Engine -- isang software system na ginagamit sa paghahanap ng mga web page sa world wide web patungkol sa isang paksa gayan ng Google, Yahoo at Bing Paghahanap ng impormasyon gamit ang Search Engine 1. Siguraduhing may internet connection. Pumunta sa iyong web browser at i-type ang address ng Google 2. Kapag lumabas ang homepage ng Google, hanapin ang search box. I-click ito at i-typeang paksang nais mong hanapin at pindutin ang "enter" sa iyong keyboard 3. Lalabas ang page na naglalaman ng mga resulta ng iyong hinahanap 4. I-click ang pamagat ng web page na pinaka angkop sa iyong hinahanap Advace Feature ng Search Engine - ginagamit kapag mayroon kang partikular na paksa, keyword, webpage, larawan o iba pang detalye na hinahanap sa internet Paggamit ng Advace Feature ng Search Engine: 1. I-type ang Google Advance Search engine address sa address bar 2. Lalabas ang Advance Search na weppage 3. Punan ng mga salita ang mga kahon na humihingi ng mga detalye tungkol sa iyong hinahanap Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Search Engine: 1. Pinakaligtas na gamitin ang mga search engine na Google, Yahoo at Bing dahil may mga feature ito na humahadlang sa mga link na hindi angkop sa mga mag-aaral tulad mo. 2. Sa pagpili ng webpage para makatulong sa iyong pag-aaral, laging siyasatin ang URL ng pahina. Ang mga URL na may.edu.gov.org ay ilan sa mga pahina na makatutulong sa pag-aaral dahil ang mga ito ay mul sa unibersidad, gobyerno at mga organisasyon Bookmark - agsisilbing shortcut tungo sa mga madalas na bisitahing webpage - magagamit lamang ang bookmark sa web browser na ginamit mo ngunit hindi sa ibang browser "Ctrl + D" -- mabilisang pagbookmark Pagbookmark ng mga Webpage: 1. Pumunta sa webpage na ibo-bookmark 2. Pindutin ang bituwin sa kanang bahagi ng address bar 3. Lalabas ang submenu para sa bookmark. Maaari mong palitan ang pangalan ang bookmark kung nais. 4. Iclick ang Done upang maging matagumpay ang pagbookmark sa webpage

Use Quizgecko on...
Browser
Browser