GLOBALISASYON: KONSEPTO AT PERSPEKTIBO PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay isang pag-aaral ng konsepto at iba't ibang perspektibo ng globalisasyon. Tinatalakay dito ang kasaysayan at mga epekto nito sa ekonomiya at sosyo-kultura. Kasama rin ang mga halimbawa ng mga multinasyunal at transnasyunal na kompanya, at ang kanilang papel sa pandaigdigang kalakalan.
Full Transcript
# IKALAWANG MARKAHAN: MGA ISYU AT HAMONG PANG-EKONOMIYA ## ARALIN I: GLOBALISYON: KONSEPTO AT PERSPEKTIBO ### Paksa: Globalisasyon: Konsepto at Perspektibo Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba't ibang direksiyon na nararana...
# IKALAWANG MARKAHAN: MGA ISYU AT HAMONG PANG-EKONOMIYA ## ARALIN I: GLOBALISYON: KONSEPTO AT PERSPEKTIBO ### Paksa: Globalisasyon: Konsepto at Perspektibo Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba't ibang direksiyon na nararanasan sa iba't ibang panig ng daigdig. (Ritzer, 2011) Sinasalamin nito ang makabagong mekanismo upang higit na mapabilis ng tao ang ugnayan sa bawat isa. Kung ihahambing sa nagdaang panahon, ang globalisasyon sa kasalukuyan ayon kay Thomas Friedman ay higit na 'malawak, mabilis, mura, at malalim'. Ayon sa kanyang aklat na pinamagatang 'The World is Flat' na nailathala noong taong 2006, 'Any job- blue or white collar- that can be broken down into a routine and transformed into bits and bytes can now be exported to other countries where there is a rapidly increasing number of highly educated knowledge workers who will work for a small fraction of the salary of a comparable American worker.' Sa mga kaisipang nabanggit, ang globalisasyon ay tinitingnan bilang isang pangmalawakang intergrasiyon o pagsasanib ng iba't ibang prosesong pandaigdig. Ngunit hindi nangyayari ito sa lahat ng pagkakataon sapagkat may mga pangyayaring nakapagpapabagal nito. ### Perspektibo at Pananaw May limang perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon. 1. Ang 'globalisasyon' ay taal o nakaugat sa bawat isa. 2. Ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago. 3. Ang globalisasyon ay naniniwalang may anim na 'wave' o epoch o panahon na siyang binigyang-diin ni Therborn (2005). - Ika-4 hanggang ika-5 siglo (4th-5th Century) - Huling bahagi ng ika-15 siglo (late 15th century) - Huling bahagi ng ika-18 siglo hanggang unang bahagi ng ika-19 na siglo(late 18th-early 19th century) - Gitnang bahagi ng ika-19 na siglo hanggang 1918 - Post-World War II - Post-Cold War 4. Ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan. Sa katunayan, posibleng maraming pinag-ugatan ang globalisasyon. Ilan dito ang sumusunod: - Pananakop ng mga Romano bago man maipanganak si Kristo (Gibbon 1998) - Pag-usbong at paglaganap ng Kristyanismo matapos ang pagbagsak ng Imperyong Roman - Paglaganap ng Islam noong ikapitong siglo - Paglalakbay ng mga Vikings mula Europe patungong Iceland, Greenland at Hilagang America - Kalakalan sa Mediterranean noong Gitnang Panahon - Pagsisimula ng pagbabangko sa mga siyudad-estado sa Italya noong ika-12 siglo 5. Ang globalisasyon ay penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo. ## 1 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan/Ikalawang Markahan # Tatlo sa mga pagbabagong naganap sa panahong ito ang sinasabing may tuwirang kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon. Ito ay ang: ### Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig Ipinakita ng Estados Unidos sa daigdig ang kaniyang lakas-militar nang talunin ang Japan at Germany sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naungusan ang France at Great Britain sa usaping pang-ekonomiya at sakupin ang mga Asyanong bansang Korea (taong 1950) at Vietnam (taong 1960-70). ### Paglitaw ng mga multinational at transnational corporations (MNcs and TNCS) Bagamat ang mga makapangyarihang korporasyon sa daigdig ay nagsimula noong ika-18 hanggang ika-19 na siglo mula sa Germany, Great Britain at United States, marami sa mga ito ay kasalukuyang nagtutuon ng pansin sa ibang bansa partikular sa mga developing nations. ### Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War Sinasabing ang pagbagsak ng 'Iron Curtain' at ng Soviet Union noong 1991 ang naghudyat sa pag-usbong ng globalisasyon. ## ANYO NG GLOBALISASYON ### GLOBALISASYONG EKONOMIKO Sentro sa isyung globalisasyon ang ekonomiya na umiinog sa kalakalan ng mga produkto at serbisyo. Mabilis na nagbago ang paran ng palitan ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa sa daigdig sa nagdaang siglo. Kinakitaan ito ng pag-usbong ng malalaking korporasyon na ang operasyon ay nakatuon hindi lamang sa bansang pinagmulan kundi maging sa ibang bansa. ### Multinational at Transnational Companies Kilala ang mga ito bilang multinational companies (MNCs) at transnational companies (TNCs). Ayon sa United Nations Commission on Transnational Corporations and Investment, ang TNC ay tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa. Samantala, ang MNC ay ang pangkalahatang katawagan na tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa ngunit ang mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa pangangailangang lokal ng pamilihan. Ayon sa artikulong pinamagatang Top Filipino firms building Asean empires ng Philippine Daily Inquirer na nailathala noong Pebrero 9, 2017, ilan sa mga MNCs at TNCs sa Vietnam, Thailand at Malaysia ay pag-aari ng mga Pilipino tulad ng Jollibee, URC, Unilab, International Container Terminal Services Inc. at San Miguel Corporation. Hindi lamang sa Timog Silangang Asya matatagpuan ang ilang korporasyong pag-aari ng mga Pilipino. Batay sa artikulo ni John Mangun ng pahayagang Business Mirror noong Marso 9, 2017, ilang mga korporasyong Pilipino tulad ng SM, PNB, Metro Bank, Jollibee, Liwayway Marketing Corporation, ang itinayo sa China at nakararanas ng patuloy na paglago. Paano kaya matutugunan ang mga suliraning kaakibat ng paglakas ng MNCS at TNCs? ## 2 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan/Ikalawang Markahan ### Outsourcing Tumutukoy ang outsourcing sa pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad. Pangunahing layunin nito na mapagaan ang gawain ng isang kompanya upang mapagtuunan nila ng pansin ang sa palagay nila ay higit na mahalaga. Kung gagawin namang batayan ang layo o distansya na pagmumulan ng kompanyang siyang magbibigay ng serbisyo o produkto, maaaring uriin ito sa mga sumusunod: 1. Offshoring: Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na naniningil ng mas mababang bayad. Saksi ang Pilipinas sa ganitong uri ng outsourcing. 2. Nearshoring: Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa. 3. Onshoring: Tinatawag ding domestic outsourcing na nangangahulugan ng pagkuha ng serbisyo sa isang kompanyang mula din sa loob ng bansa na nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa operasyon. ### OFW Bilang Manipestasyon ng Globalisasyon Kung mayroon mang isang buhay na manipestasyon ng globalisasyon sa ating bansa, ito ay ang mga manggagawang Pilipino na nangingibang-bayan upang magtrabaho o maghanapbuhay. Sa katunayan, malaking bahagdan ng manggagawang Pilipino ay matatagpuan sa iba't ibang panig ng daigdig partikular sa Timog-kanlurang Asya tulad ng Qatar, Saudi Arabia, United Arab Emirates at Silangang Asya tulad ng South Korea, Japan, Taiwan, Hongkong at China. Maging sa kontinente ng Europe at America tulad ng Canada at United States ay kakikitaan ng mga manggagawang Pilipino. ### GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT SOSYO-KULTURAL Hindi lamang sa ekonomiya makikita ang manipestasyon ng globalisasyon. Mababanaag din ito sa aspetong teknolohikal at sosyo-kultural ng mga bansa sa daigdig. Mabilis na tinangkilik ng mga mamamayan sa developing countries ang pagggamit ng cellular phones o mobile phone na nagsimula sa mauunlad na bansa. Partikular dito ang mga bansang tulad ng Pilipinas, Bangladesh at India. ### GLOBALISASYONG POLITIKAL Kasabay ng paglaganap ng globalisasyong ekonomikal at sosyo-kultural ay ang paglakas ng globalisasyong politikal. Globalisasyong politikal na maituturing ang mabilisang ugnayan sa pagitan ng mga bansa, samahang rehiyunal at maging ng pandaigdigang organisasyon na kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan. ### Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon #### Guarded Globalization Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyang- proteksiyon ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang negosyante. #### Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade) Ayon sa International Fair Trade Association (IFTA), ito ay tumutukoy sa pangangalaga sa panlipunan, pang-ekonomiko at pampolitikal na kalagayan ng maliliit na namumuhunan. Para naman sa pananaw ng neo-liberalismo, ang fair trade ay nangangahulugan ng higit na moral at patas na pang-ekonomiyang sistema sa daigdig. Isa sa mga nakinabang sa pantay na kalakalan (fair trade) ay mga magsasaka ng kape. Humigit-kumulang pitong milyong katao mula sa umuunlad na bansa (developing nations) kasama ang Brazil ang nakinabang sa patakarang ito dahil sa mas mataas na halaga nila naibenta ang kanilang coffee bean na nagkakahalaga ng $1.29 per pound kung ihahambing sa $1.25 sa pamilihan. #### Pagtulong sa 'Bottom Billion' Binigyang-diin ni Paul Collier (2007) na kung mayroon mang dapat bigyang-pansin sa suliraning pang-ekonomiyang kinahaharap ang daigdig, ito ay ang isang bilyong pinakamahihirap mula sa mga bansa sa Asya lalo't higit sa Africa. ## ARALIN 2: MGA ISYU SA PAGGAWA ### Paksa: Ang Globalisasyon at ang mga Isyu sa Paggawa Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba't ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa tulad ng mababang pasahod, kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya, 'job-mismatch' bunga ng mga 'job-skills mismatch,' iba't ibang anyo ng kontraktuwalisasyon sa paggawa, at ang mura at flexible labor. Isang hamon din sa paggawa ay ang mabilis na pagdating at paglabas ng mga puhunan ng mga dayuhang namumuhunan na mas nagpatingkad naman ng kompetisyon sa hanay ng mga dayuhang kompanya at korporasyon sa bansa. Dahil dito mas nahikayat ang mga namumuhunan na pumasok sa bansa na nagdulot ng iba't ibang isyu sa paggawa. Ilan sa maraming naidulot ng globalisasyon sa paggawa ay ang mga sumusunod: A. una, demand ng bansa para sa iba't ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard; B. pangalawa, mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigidigan pamilihan; C. pangatlo, binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba't ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa; at D. pang-apat, dahil sa mura at mababa ang labor o pasahod sa mga manggagawa kaya't madali lang sa mga namumuhunan na magpresyo ng mura o mababa laban sa mga dayuhang produkto o mahal na serbisyo at pareho ang kalidad sa mga produktong lokal. ### Kakayahan na makaangkop sa Globally Standard na Paggawa Hamon ng globalisasyon ang pagpasok ng Pilipinas sa mga kasunduan sa mga dayuhang kompanya, integrasyon ng ASEAN 2015 sa paggawa at mga bilateral at multi-lateral agreement sa mga miyembro ng World Trade Organization o WTO. Bunga nito ay binuksan ang pamilihan ng bansa sa kalakalan sa daigdig. Isa sa pagtugon na isinagawa ng bansa ay iangkop ang kasanayan ng lilinangin sa mga mag-aaral na Pilipino. Natalakay sa unang aralin ng modyul na ito na patuloy ang pag-angat ng Pilipinas sa larangan ng Business Process Outsourcing dahil sa mataas na English Proficiency ng mga manggagawang Pilipino. ### Apat na Haligi para sa Isang Disente at Marangal na Paggawa (DOLE, 2016) ## 4 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan/Ikalawang Markahan - Netizen - paggamit ng social network sites - JICA Project - Japan- Education - BEST Project - Australia- Technical - 2030- ASEAN Integration - Kalakalan, pamumuhunan at pagtutulungan ng politikal - Policy sa Globalisasyon - Tari/Taripa- ito ay bauwis ng pumapataw kung mag export or import - Subsidies - Tulong financial mula sa pamahalaan