Full Transcript

BATAYANG KAALAMAN SA WIKA WIKA? HENR Y A. GLEASON “Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinuhugisan o binibigyan ng mga makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama- sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagbuo ng m...

BATAYANG KAALAMAN SA WIKA WIKA? HENR Y A. GLEASON “Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinuhugisan o binibigyan ng mga makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama- sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagbuo ng mga kaisipan”. WEBSTER “Ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad. Ito ay naririnig at binibigkas na pananalitang nililikha sa pamamagitan ng dila at ng karatig na organo ng pananalita”. EDGAR STURTEVANT “Ang wika ay isang kontemporaryong lingguwistika, ang wika ay isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa komunikasyon ng tao”. RUBIN “Ang wika ay binubuo ng mga salita, kung paano bigkasin ang mga ito. Ito ang paraan ng pagsasama-sama ng mga salita na ginagamit at nauunawaan ng isang komunidad at nagiging matatag sa mahabang panahon na pagkakagamit. Ito ang saligan ng lipunan at nagiging kasangkapan upang magkaisa ang mga tao ”. LORENZO “Ang wika ay sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pagsulat na titik na inuugnay natin sa mga kahulugang gusto nating ihatid sa kapwa tao”. CRUZ AT BISA “Ang wika ay mga simbolong salita na kumakatawan sa mga bagay at pangyayaring nais ipahayag ng tao sa kanyang kapwa. Ang mga simbolong salitang ito ay maaaring simbolismo o katawagan sa mga kaisipan at saloobin”. CASTILLO “Ang wika ay nagmula sa salitang Latin na ‘lengua’ na ang literal na kahulugan ay dila, kaya’t magkasintunog ang mga salitang lengua (dila) at lingua (wika)”. PUNTO DE VISTA NG WIKA (Mga Pangulo ng bansang Pilipinas) MANUEL L. QUEZON “…maaari nating hiramin sa loob ng isang panahon ang wika ng ibang bayan, ngunit hindi tayo tunay na makapag-aangkin ng isang wikang pambansa maliban sa pamamagitan ng pagpapatibay, pagpapaunlad at paggamit ng isang wika na sariling atin”. SERGIO OSMENA “Ang administrasyon ay walang gagawing hakbang hinggil sa wikang pambansa”. MANUEL A. ROXAS “Tayo’y mayroon ng kalayaang pampulitika. Ngayon nama’y kailangan nating magkaroon ng kalayaang pangkabuhayan. Dapat na rin tayong lumaya sa pag-iisip at hindi tayo makakalaya sa pag-iisip hangga’t hindi tayo magkakaroon ng wikang pambansang angkop sa ating sikolohiya bilang isang lahi. Isakatuparan natin ang itinatadhana ng ating Saligang Batas tungkol sa pagkakaroon natin ng Wikang Pambansang Pilipino, sa lalong madaling panahon”. ELPIDIO QUIRINO “…kailangang gumawa ng mahigpit na mga pagsisikap upang mapadali ang pagpapalaganap ng ating wika. Bilang isang Republika, dapat tayong magkaroon, hindi lamang ng isang Bansa at isang Watawat kundi gayun din ng isang Wika”. RAMON MAGSAYSAY “Huwag ikahiya ang ating wika sapagkat iyan ang diwa ng ating bansa”. CARLOS P. GARCIA “…ang wikang Pilipno ay siyang tagapagpahayag ng ating pagkabansa at kaisahang panloob”. FERDINAND E. MARCOS “Mangyari nga, lubos ang aking paniniwala na ang wika ay isa sa mahahalagang tulay upang buklurin ng pagkakaisa ang ating bayan at nang sa gayon ay marating natin ang tugatog ng pangarap na kaunlaran, kasaganaan at katatagan. ”. PANLAHAT NA KATANGIAN NG WIKA A. ANG WIKA AY MASISTEMANG BALANGKAS PONOLOHIYA (tunog) MORPOLOHIYA (salita) PASALITA DISKURSO SINTAKSIS (palitan ng (parirala/ pangungusap) sugnay) PASULAT SEMANTIKA (kahulugan ng mga salita) Ponolohiya – Palatunugan/palapantigan (makahulugang tunog) Morpolohiya – Palabuuan (pinakamaliit na yunit ng tunog) Sintaksis – Palaugnayan (pag-uugnay-ugnay ng mga salita upang bumuo ng pangungusap). Semantika – ang pag-aaral ng mga kahulugan at relasyon ng mga salita sa pangungusap. B. ANG WIKA AY SINASALITANG TUNOG Ang wika ay sinasalita na galing sa magkakasunod-sunod na tunog na nabuo sa pamamagitan ng iba’t-ibang aparato sa pagsasalita C. ANG WIKA AY ARBITRAR YONG SIMBOLO NG MGA TUNOG Ang iba pang salita sa katangiang ito ay tumutuon sa salitang simbolo. Anomang uri ng simbolo, bokal o arbitraryo. Napapaloob sa terminong ito ang dualismo- isang panagisag at isang kahulugan. Sa madaling sabi, may isang tawag na kumakatawan sa isang bagay, ideya, aksyon o pangyayari. Arbitraryo – walang tiyak na batayan. D. ANG WIKA AY KOMUNIKASYON Ang wika ay kasangkapan ng komunikasyon ng dalawa o higit pang taong nag-uusap. Sa pamamagitan ng wika, naipapahayag ang damdamin, kaisipan, pangarap, imahinasyon, layunin at pangangailangan ng tao. Pagsasalita – itinuturing na pangunahing representasyon ng wika Pagsulat – paglalarawan lamang ng wikang sinasalita E. ANG WIKA AY PANTAO Isang eksklusibong pag-aari ng tao ang wika. Tao ang lumilikha, tao rin ang gumagamit. Dala-dala niya ito bilang instrumento sa pakikipagtalastasan. Kapangyarihang taglay niya kung paano, saan, kailan at kanino niya ito gagamitin. Ang pagkakaroon ng wika ay isang katangiang ikinaiiba ng tao sa iba pang kinapal ng Diyos. Mayroon siyang wikang kasangkapan sa kanyang lipunang pinamamayanihan ng katuwiran. F. ANG WIKA AY KAUGNAY NG KULTURA Ang isang kultura ay hindi nabubuo dahil lang sa kanilang mga paniniwala. Kailangan ng isang bagay upang ito’y mabigyang linaw. Ito ay ang wika. Mula pagsilang ng tao ay may kakambal n kultura. Wika ang kaluluwa ng tao kaya’t nagbibigay ito sa kanya ng buhay. Dahil dito, itinuturing na dalawang magkabuhol na aspeto ang wika at kultura ng tao. Walang wika kung walang tao at walang maunlad na kultura ng tao kung walang wika…samakatuwid, magkasbay ang pag- unlad ng wika at kultura ng tao. Kaya’t habang may tao at umuunld ang kultura nito, patuloy ring buhay at dinamiko ang wika. Kung saan may wika ay may kultura at kung saan may kultura ay siguradong may wika. Sa ngayon, pinakamabisang tagapagpalaganap ng wika ay ang kultura ng bansa. Kultura ang tunaytunay na libro ng nakaraan, kasalukuyan at hinaharap ng bayan. G. ANG WIKA AY GINAGAMIT Upang magkaroon ng saysay ang isang wika, kailangang ito’y gamitin bilang kasangkapan sa komunikasyon. Kapag ang wika’y hindi na ginagamit, ito’y unti-unting mawawala. H. ANG WIKA AY NATATANGI Bawat wika ay may kaibahan sa ibang wika. Walang dalawang wika na magkatulad. Bawat wika ay sariling set ng mga yunit na panggramatika at sariling Sistema ng ponolohiya, morpolohiya, sintaksis at maging sa aspetong pansemantika. I. ANG WIKA AY MALIKHAIN Ayon kay Belvez, et al (2003), may kakayahan ang anomang wika na makabuo ng walang katapusang dami ng pangungusap. Ang isang taong maalam sa isang wika ay nakapagsasalita at nakabubuo ng iba’t-ibang pahayag, nakauunawa ng anomang narinig o nabasang pahayag. Habang patuloy itong ginagamit ng mga tao, patuloy na makabubuo sila ng bagong pahayag. J. ANG WIKA AY DINAMIKO Ang wika ay buhay at patuloy sa pagbabago dahil patuloy na nagbabago ang pammuhay ng tao at naiaangkop ang wika sa mabilis na takbo ng buhay dulot ng agham at teknolohiya. Bilang wikang dinamiko, bukas ang pinto nito sa pagbabago upang makaangkop sa mga pangangailangang pangkomunikasyon ng sambayanang gumagamit nito. Ang mga salita ay patuloy na dumarami, nadaragdagan at umuunlad. Lumalawak ang mga bokabularyo, nagbabago ang sistema ng pagsulat at palabaybayan. KAHALAGAHAN NG WIKA 1. NAGPAPADALOY NG KAISIPAN Pagpapadaloy ng iba’t-ibang kaisipan 2. NAGPAPABAGO NG ISANG SISTEMA Binabago nito ang sistema ng lipunan 3. NAGPAPALAPIT SA MUNDO Napapalapit nito ang magkalayong lugar tulad paggamit ng wikang Ingles 4. NAGBUBUKLOD SA MGA TAO Magkaiba man ang paniniwala, kultura kasaysayan at kaisipan ng tao nagagawa nitong pagbuklurin ang tao. 5. NAGTATAGUYOD NG KULTURA Ang mga pamanang kultura ay hindi ay hindi nakakalimutan ng mga tao dahil ito ay isinalin, pasulat man o pasalita, gamit ang wika sa bawat henerasyon. Ang paggamit ng wika sa pagsasalin sa kultura ng bawat mamamayan ay hindi natatapos bagkus lalong nadaragdagan. MGA TEOR YA NG PINAGMULAN NG WIKA 1. BOW-WOW Mga tunog mula sa hayop 2. POOH-POOH Likhang tunog mula sa bugso ng damdamin 3. DINGDONG Likhang tunog mula sa ingay ng mga bagay 4. YO-HE-HO Nagmula sa mga ingay na nalilikha ng mga taong magkakatuwang sa kanilang pagtatrabaho gaya ng pagbuwal ng kahoy o pag-angat kaya ng malalaking bato. 5. TA-TA Likha mula sa kilos o galaw ng katawan 6. LA-LA Ang teoryang ito ay nagpapakilala ng ideya na ang pagsasalita ay lumitaw mula sa mga tunog ng inspiradong tao, pag-ibig, mala- tula na pakiramdam at awit. MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG!

Use Quizgecko on...
Browser
Browser