Summary

This document in Tagalog discusses project proposals, focusing on identifying community needs and outlining plans for projects. It includes sections on project titles, proponents, implementation locations and timelines, and the benefits of the project.

Full Transcript

Pagsulat ng Panukalan Anong pinakahuling proyekto sa inyong paaralan o pamayanan ang iyong nabalitaan o natatandaan na nagdulot ng malaking pakinabang para sa iyo at sa maraming tao? Sagutin sa pamamagitan ng Pyramid Diagram Pangalan/ Pamagat...

Pagsulat ng Panukalan Anong pinakahuling proyekto sa inyong paaralan o pamayanan ang iyong nabalitaan o natatandaan na nagdulot ng malaking pakinabang para sa iyo at sa maraming tao? Sagutin sa pamamagitan ng Pyramid Diagram Pangalan/ Pamagat ng Proyekto Nagpanukala o nanguna sa proyekto Lugar kung saan isinagawa o ipinatupad Petsa ng Pagpapatupad Tao/ mga taong nagpapatupad/ nagsasagawa ng proyekto Pakinabang o magandang dulot ng proyekto Panukalang Proyekto Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Community Empowerment Collective, isang samahang tumutulong sa mga nongovernmental organization (NGO) sa paglikha ng mga pag-aaral sa pangangalap ng pondo, ang panukala ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan. Panukalang Proyekto Ito ay nangangahulugang isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o samahang pag-uukulan nito na siyang tatanggap at magpapatibay nito. Panukalang Proyekto Ayon naman kay Besim Nebiu, may akda ng Developing Skills of NGO Project Proposal Writing, ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsyon ng mga inihahaing gawaing maglalayong lumutas ng isang problema o suliranin. Panukalang Proyekto Una sa lahat, ito ay kailangang maging tapat na dokumento na ang pangunahing layunin ay makatulong at makalikha ng positibong pagbabago. Panukalang Proyekto Ayon kay Bartle (2011), kailangan nitong magbigay ng impormasyon at makahikayat ng positibong pagtugon mula sa pinag-uukulan nito. Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner sa kanilang aklat na A Guide to Proposal Planning and Writing, sa pagsasagawa ng panukalang papel, ito ay kailangang magtaglay ng tatlong mahahalagang bahagi at ito ay ang sumusunod: TATLONG MAHALAGANG BAHAGI NG PANUKALANG PROYEKTO: a. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto b. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto c. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito A. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto Ang unang mahalagang hakbang na dapat isagawa ay ang pagtukoy sa pangangailangan ng komunidad, samahan, o kompanyang pag-uukulan ng iyong project proposal. A. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto Tandaan na ang pangunahing dahilan ng pagsulat ng panukalang proyekto ay upang makatulong at makalikha ng positibong pagbabago. Higit na magiging tiyak, napapanahon, at akma kung matutumbok mo ang tunay na pangangailangan ng pag-uukulan nito. Ang pangangailangan ang magiging batayan ng isusulat na panukala. A. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto Maisasagawa ang unang bahaging ito sa pamamagitan ng pagmamasid sa pamayanan o kompanya. Maaaring magsimula sa pagsagot sa sumusunod na mga tanong: 1. Ano- ano ang pangunahing suliranin na dapat lapatan ng agarang solusyon? 2. Ano- ano ang pangangailangan ng pamayanan o samahang ito na nais mong gawan ng panukalang proyekto? A. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto Mula sa mga sagot na makukuha sa mga nakatalang tanong ay makakakalap ka ng mga ideyang magagamit sa pag-uumpisa ng pagsulat ng panukalang proyekto. Ilang halimbawa nito ay ang sumusunod: Sa Barangay Pagkakaisa, ang dalawang suliraning nararanasan ng mga mamamayan ay ang sumusunod: 1. Paglaganap ng sakit na dengue 2. Kakulangan sa suplay ng tubig A. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto Mula sa mga nabanggit na suliranin ay itala ang mga kailangan ng Barangay Pagkakaisa upang malutas ang kanilang mga suliranin. 1. Paglaganap ng sakit na dengue a. Pagtuturo sa mga mamamayan tungkol sa pangangalaga sa kalinisan ng kapaligiran upang maiwasan ang paglaganap ng dengue b. Pagsasagawa ng fumigation apat na beses sa isang taon A. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto 2. Kakulangan sa suplay ng tubig a. Pagtuturo sa mga mamamayan sa wastong paggamit at pagtitipid ng tubig b. Pagpapagawa ng poso para sa bawat purok ng barangay Maraming suliranin ang maaaring makita sa isang pamayanan, kompanya, o samahan. Sa mga pamayanan,ito ay maaaring kakulangan sa maayos na mga ilaw sa kalsada, kawalan ng basketball court para sa mga kabataan, kakulangan ng mga health center sa mga makabagong gamit at gamot, at iba pa. Sa mga kompanya naman o sa mga institusyon, maaaring ang mga suliranin ay kakulangan sa conference room, kakulangan sa maayos na daloy ng komunikasyon sa bawat opisina, kakulangan ng pondo para sa mga proyekto, atbp. Mula rito ay maaari mo nang isulat ang panimula ng panukalang proyekto kung saan ito ay naglalaman ng suliraning nararanasan ng pamayanan, kompanya, o organisasyong pag-uukulan nito at kung paanong makatutulong sa kanilang pangangailangan ang panukalang proyektong isasagawa. Tinatawag ang bahaging ito ng sulatin na Pagpapahayag ng Suliranin. Makikita rito ang maikling paglalarawan ng pamayanan, ang suliraning nararanasan nito, at ang pangangailangan nito upang masolusyunan ang nabanggit na suliranin. Nakapaloob din ang mga benepisyo o mga kabutihang maaaring idulot nito kung maisasakatuparan ang panukalang proyekto. Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto B. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto - Ito ay binubuo ng layunin, plano na dapat gawin, at badyet. B. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto 1. Layunin- makikita ang mga bagay na gustong makamit o ang pinaka- adhikain ng panukala. Kailangang maging tiyak ang layunin ng proyekto. Kailangang isulat ito batay sa mga inaasahang resulta ng panukalang proyekto at hindi batay sa kung paano makakamit ang mga resultang ito. Jeremy Miner at Lynn Miner (2005) Ang layunin ay kailangang maging SIMPLE. *Specific- nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang proyekto *Immediate- nakasaad ang tiyak na petsa kung kailan ito matatapos *Measurable- may basehan o patunay na naisakatuparan ang nasabing proyekto *Practical- nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin *Logical- nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto *Evaluable- nasusukat kung paano makatutulong ang proyekto Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto 2. Plano na Dapat Gawin- Matapos maitala ang layunin, maaari nang buoin ang talaan ng mga gawain o plan of action na naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin. Mahalagang maiplano itong mabuti ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng pagsasagawa nito kasama ang mga taong kakailanganin sa pagsasakatuparan ng mga gawain. Ito rin ay dapat na maging makatotohanan. Ikonsidera rin ang badyet sa pagsasagawa nito. Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto B. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto Mas makabubuti kung isasama sa talatakdaan ng gawain ang petsa kung kailan matatapos ang bawat bahagi ng plano at kung ilang araw ito gagawin. Kung hindi tiyak ang mismong araw na maaaring matapos ang mga ito ay maaaring ilagay na lamang kahit ang linggo o buwan. Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto 3. Badyet- isa sa pinakamahalagang bahagi ang anumang panukalang proyekto ay ang wasto at tapat na paglalatag ng kakailanganing badyet para rito. Ito ay talaan ng mga gastusin na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin. Mahalagang ito ay mapag-aralang mabuti upang makatipid sa mga gugugulin. Isama sa talaan ng badyet ang iba pang mga gastusin tulad ng: a. Suweldo ng mga manggagawa b. Allowance para sa mga magbabantay sa pagsasagawa nito Narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat tandaan sa paggawa ng badyet para sa panukalang proyekto ayon sa datos mula sa modyul tungkol sa pagsulat ng panukalang proyekto na may pamagat na “Paghahanda ng Isang Simpleng Proyekto.” a. Gawing simple at malinaw ang badyet upang madali itong maunawaan ng ahensiya o sangay ng pamahalaan o institusyon na mag-aaproba at magsasagawa nito. b. Pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon nito upang madaling sumahin ang mga ito. c. Isama sa iyong badyet maging ang huling sentimo. d. Siguraduhing wasto o tama ang ginawang pagkukuwenta ng mga gastusin. Iwasan ang mga bura o erasure sapagkat ito ay nangangahulugan ng integridad at karapat-dapat na pagtitiwala para sa iyo. Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto C. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito Kadalasan ang panukalang proyekto ay naaaprobahan kung malinaw na nakasaad dito kung sino ang matutulungan ng proyekto at kung paano ito makatutulong sa kanila. Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto C. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito Mahalagang maging ispesipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang makikinabang sa pagsasakatuparan ng layunin. Halimbawa ng mga makikinabang ay mga bata, kababaihan, mga magsasaka, mahihirap na pamilya, mga negosyante, atbp. Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto C. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito Dito rin maaaring ilahad ang mga dahilan kung bakit dapat aprobahan ang ipinasang panukalang proyekto. Balangkas ng Panukalang Proyekto 1. Pamagat ng Panukalang Proyekto Ito ay hinango mismo sa inilahad na pangangailangan bilang tugon sa suliranin. 2. Nagpadala Naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto. 3. Petsa o Araw Araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel. Isinasama rin sa bahaging ito ang tinatayang panahon kung gaano katagal gagawin ang proyekto. 4. Pagpapahayag ng Suliranin Dito nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat maisagawa o maibigay ang pangangailangan. 5. Layunin Naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat isagawa ang panukala. 6. Plano ng Dapat Gawin Dito makikita ang talaan ng pagkakasunod-sunod ng mga gawaing isasagawa para sa pagsasakatuparan ng proyekto gayundin ang petsa at bilang ng araw na gagawin ang bawat isa. 7. Badyet Ang kalkulasyon ng mga guguling gagamitin sa pagpapagawa ng proyekto. 8. Paano Mapakikinabangan ng Pamayanan/Samahan ang Panukalang Proyekto Ito ang nagsisilbing konklusyon ng panukala kung saan nakasaad dito ang mga taong makikinabang ng proyekto at benepisyong makukuha nila mula rito. Sanggunian: Julian, A.B & Lontoc, N.S.(2017).Pinagyamang Pluma.Filipino sa Piling Larang(Akademik).Phoenix Publishing House, Inc.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser