Aralin-1 - Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks PDF

Document Details

Uploaded by Deleted User

San Francisco High School

Tags

economics economic theory economic principles social science

Summary

This document is a lesson plan for 9th graders on the topic of economics, specifically covering the definition and importance of economics. It includes various concepts and figures related to the subject.

Full Transcript

SAN FRANCISCO HIGH SCHOOL ARALING PANLIPUNAN 9 EKONOMIKS 9 TANDAAN………………..… PAGTATAYA NG MGA LIBAN SA KLASE YUNIT I: MGA PANGUNAHING KONSEPTO NG EKONOMIKS ARALIN1 : KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS Sanggunian Modyul para sa mga m...

SAN FRANCISCO HIGH SCHOOL ARALING PANLIPUNAN 9 EKONOMIKS 9 TANDAAN………………..… PAGTATAYA NG MGA LIBAN SA KLASE YUNIT I: MGA PANGUNAHING KONSEPTO NG EKONOMIKS ARALIN1 : KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS Sanggunian Modyul para sa mga mag-aaral sa ekonomiks Pahina 12-22 Most Essential Learning Competency MELC Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan. LAYUNIN: 1. Nakapagtutukoy 2-3 kahulugan ng Ekonomiks. 2. Nakapagpapaliwanag ng mga konsepto ng ekonomiks batay sa: a. Konsepto ng Matalinong Pagdedesisyon b. Saklaw ng Ekonomiks c. Dibisyon ng Ekonomiks. 3. Nakapaglalapat ng konsepto ng ekonomkis sa pang-araw -araw na pamumuhay bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya. Mentimeter: Magbigay ng 3 terminolohiya ng Trivia Noong ika-17 siglo wala pang pormal na pag-aaral sa kaisipan sa Ekonomiks. Ang Ekonomiks ay unang nakilala bilang political economy na nag-uugnay sa politika at ekonomiks. Unang sumikat ito sa Greece mula sa isinulat ni Xenophon na Oeconomicus na galing sa salitang oikonomia na nakatuon sa pamamahala sa tahanan at ang paraan ng pamumuno ng mga lider noon. Philosopher ang unang tawag sa mga Ekonomista. XENOPHON OIKOS NOMOS “OIKONOMIA” EKONOMIKS Oikos=Tahanan Nomos= Pamamahala Nagsimula sa salitang Griyego na “oikonomia” na ang ibig sabihin ay pamamahala ng sambahayan o household management. Walang katapusang Limitadong pangangaiangan at kagustuhan pinagkukunang-yaman PAGKONSUMO KAKAPUSAN PRODUSYON ALOKASYON EKONOMIKS KAHULUGAN NG EKONOMIKS Ayon kay Viloria ang Ekonomiks ay isang sangay ng agham panlipunan na nag-aaral kung paano matutugunan ang walang katapusang kagustuhan at pangangailangan ng tao sa pinakamahusay na paggamit ng limitadong pinagkukunang – yaman. MGA EKONOMISTA DAVID RICARDO ► Law of Diminishing Marginal Returns- patuloy na paggamit ng tao sa mga likas na yaman na nagiging dahilan ng paliit na nakukuha nito. ► Law of Comparative advantage- ang prinsipyona nagsasaad ng higit na kapaki-pakinabang sa isang bansa na magprodyus ng mga produkto na higit na mura ang gastos sa paggawa ( Production Cost)kaysa sa ibang bansa. ► ADAM SMITH ► Ama ng makabagong Ekonomiks ► Laissez Faire ( Let Alone Policy ) ► “ An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of the Nations”. JOHN MAYNARD KEYNES ► Itinuturing na “ Makabagong Ama ng Makroekonomiks” ► Sumulat ng aklat na “general Theory of Employment, Interest and Money”. ► Ang pamahalaanay may malaking gampanin sa pagpapanatili ng pagbabalanse sa ekonomiya sa pamamagitan ng paggastos nito. KARL MARX ► Ama ng Komunismo ► Sumulat ng “Das Kapital” ► Naniniwala sa pagkakaroon ng pagkapantay-pantay ng tao sa lipunan. ► Naniniwala na ang estado ang dapat na magmay-ari ng mga salik ng produksyon at gumagawa ng desisyon ukol sa produksyon at distribusyon ng yaman ng bansa. Walang katapusang Limitadong pangangaiangan at kagustuhan pinagkukunang-yaman PAGKONSUMO KAKAPUSAN PRODUSYON ALOKASYON EKONOMIKS Walang katapusang Limitadong pangangaiangan at kagustuhan pinagkukunang-yaman PAGPILI EKONOMIKS ► May dalawang mahalagang bahagi na binibigyang-pansin ang ekonomiks – ang sambahayan at ang pamayanan na gumaganap ng ibat-ibang desisyon. Sa sambahayan, pinaplano kung paano hahatiin ang limitadong resources sa maraming pangangailangan at kagustuhan. Sa loob ng sambahayan, pinagpapasyahan naman kung magkano ang ilalaan sa pangangailangan sa pagkain, tubig, kuryente at iba pang mga bagay na maaaring makapagdulot ng kasiyahan o pakinabang sa isang pamilya. ► Sa pamayanan, ay kailangang gumawa ng desisyon kung ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin, paano gagawin , para kanino ang gagawin at gaano karami ang gagawin. Dahil dito naisasagawa ang mekanismo ng pamamahagi (Alokasyon) ng limitadong pinagkukunang-yaman. ► Sa aklat ni Mankiw (1997), ang ekonomiya at sambahayan ay magkatulad sapagkat pareho silang gumagawa ng desisyon. APAT NA BATAYANG KATANUNGANG PANG-EKONOMIYA Para kanino ang Ano ang gagawin? gagawin? Gaano karami ang Paano gagawin? gagawin? MGA PRINSIPYONG NAKAKAAPEKTO SA MATALINONG PAGPAPASYA NG TAO TRADE OFF- Ito ay ang pagpili ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. Mahalaga ito sa pagbuo ng matalinong desisyon sapagkat sinusuri muna ng isang tao ang kanyang pagpipilian. OPPORTUNITY COST- Ito ay tumutukoy sa halaga ng bagay na handang ipagpalit sakali mang ikaw ay nakabuo na ng desisyon. MGA PRINSIPYONG NAKAKAAPEKTO SA PAGPAPASYA NG TAO MARGINAL THINKING- Sinusuri muna ng isang tao ang karagdagang halaga maging ito ay gastos o pakinabang na makukuha sa pagbuo ng desisyon “Rational People Think at the Margin” INCENTIVES- Ito ay mga inaalok ng mga negosyante para maaari pang magbago ang desisyon ng mga mamimili. May mga pagkakataon na ganap na ang ating desisyon sa pagbili ng iba’t ibang produkto at serbisyo subalit hindi maiiwasan na magbago ang ating isip sa bandang huli. -Tumutugon ang tao batay sa gantimpalang makukuha o parusang matatamo. Araw-araw, ang tao ay laging nahaharap sa sitwasyong kailangan niyang pumili. Naranasan mo ba na kailangan mag desisyon o pumili sa sitwasyon? Paano mo ito pinili? Anong Konsepto sa pagdedesisyon ang naging pamantayan mo sa pagpili? Gamiting gabay ang mga sumusunod. SITWASYON DESISYON DAHILAN Pinipili ng tao ang bagay na nagdudulot ng labis na kapakinakinabangan. DALAWANG DIBISYON NG EKONOMIKS 1. MAYKROEKONOMIKS (MICROECONOMICS) Ito ay tumutukoy sa galaw at desisyon ng bawat bahay kalakal at sambahayan. Ito ay tumitingin sa bawat indibidwal na yunit-sambahayan, bahay-kalakal. 2. MAKROEKONOMIKS (MACROECONOMICS) Ito ay tumitingin sa kabuuang ekonomiya ng isang bansa. Sinusuri nito ang pambansang produksyon pati na rin ang pangkalahatang antas ng presyo at pambansang kita. Ito ay tumitingin sa kabuuang ekonomiya. Paano mo isasabuhay ang natutuhan mo sa Ekonomiks? ► Magkaroon ng mas mapanuring pag-iisip ► Mauunawaan ang kaganapan sa lipunan ► Maging matalinong botante ► Maging responsableng mamamayang Pilipino ILAPAT Sitwasyon-Desisyon-Rason (SDR) Chart Araw-araw ang tao ay laging nahaharap sa sitwasyon na kailangan niyang pumili. Mababasa sa loob ng talahanayan sa ibaba ang mga sitwasyon na maaari mong maranasan. Isulat sa pangalawang kolum ang iyong magiging desisyon at sa pangatlong kolum naman ang rason o kadahilanan. Isulat sa notebook ang sagot. ILAPAT PAMPROSESONG TANONG: 1.Anu-ano ang mga naging basehan mo sa pagpili ng desisyon? Sa iyong pananaw, tama ba ang iyong mga naging desisyon? Ipaliwanag. 2. Nahirapan ka ba sa pagdedesisyon? May iba pa bang sitwasyon na naranasan mo na kung saan kailangan mong pumili at magdesisyon? Ipaliwanag. SITWASYON DESISYON RASON 1. Pagtatrabaho pagkatapos ng Senior High School o pagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo? 2. Pananatili sa loob ng bahay sa panahon ng pandemya o pagpunta sa bahay ng kaibigan? 3. Pagtulong sa pag-iimpake ng relief goods o pag-titiktok gamit ang cellphone? 4. Pamamasyal sa mall o pagtulong sa mga gawaing-bahay? 5. Paglalaro ng computer games o paggawa ng takdang aralin? TAKDANG ARALIN 1. Ano ang kakapusan? Ano ang mga palatandaan nito? 2. Bakit nakararanas ng kakapusan ang isang komunidad? 3. Ano ang epekto ng kakapusan sa komunidad?

Use Quizgecko on...
Browser
Browser