Aralin 1 Republic Act 1425 PDF

Summary

This document discusses Republic Act 1425, which mandated the inclusion of Jose Rizal's life and works in Philippine curricula. It examines the historical context of the law, including the debates and discussions surrounding Rizal's selection as a national hero. The document also delves into the various factors considered in choosing national heroes.

Full Transcript

Aralin 1 Republic Act 1425 at Pagpili sa Pangunahing Bayani Inaasahang Matututunan Maipaliwanag ang kasaysayan ng Batas Rizal at mahalagang probisyon nito Masuri ang kahalagahan ng kurso ayon sa panimula o preamble nito Kritikal na masuri ang pagiging e...

Aralin 1 Republic Act 1425 at Pagpili sa Pangunahing Bayani Inaasahang Matututunan Maipaliwanag ang kasaysayan ng Batas Rizal at mahalagang probisyon nito Masuri ang kahalagahan ng kurso ayon sa panimula o preamble nito Kritikal na masuri ang pagiging epektibo ng kursong Rizal Kritikal na masuri ang isyu sa pagpili ng pambansang bayani Republic Act no. 1425 An act to include in the curricula of all public and private Schools, Colleges and Universities courses on the life, works and writings of Jose Rizal, particularly his novels Noli Me Tangere and El Filibusterismo, authorizing the printing and distribution thereof, and for other purposes. Ang Batas-Rizal Ang Batas Republika Blg. 1425 na higit na kilala sa tawag na Batas- Rizal, ay pinagtibay noong Hunyo 12, 1956 at ipinatupad noong Agosto 16, 1956 ng Lupon ng Pambansang Edukasyon. Ayon sa batas na ito, isasama sa kurikulum ng bawat paaralang pribado at publiko ang nauukol sa pag-aaral sa buhay, ginawa at sinulat ni Dr. Jose Rizal lalo na ang kangyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Hindi naging madali ang pagkapasa ng batas na ito. Si G. Claro M. Recto na siyang pangunahing may-akda ng panukalang-batas ay tumanggap din ng pagbatikos. May mga di sang-ayon sa pag-aaral ng Noli at Fili sa lahat ng unibersidad at kolehiyo. Kabilang sa sumasalungat sa panukalang-batas na ito ay dating pangulo ng Catholic Action. Ayon sa kanilang panig nilalabag ng naturang panukalang-batas ang kalayaan sa pagpili at pananampalataya. Ilang samahan at miyembro ng Simbahang Katoliko ay naging aktibo sa pagdinig ng usapan sa Senado hinggil sa panukalang-batas na ito. Si Padre Jesus Cavanna at naniniwala na ang Noli at Fili ay bahagi na ng nakalipas. Bukod dito, di wasto ang paglalarawan ng mga naturang nobela hinggil sa Pilipinas noong panahon na iyon. Ang Noli raw ay katatagpuan ng may 120 pangungusap laban sa Simbahang Katoliko. Noong Mayo 12, 1969, ang Komite ng Edukasyon ng Kongreso sa pamumuno ni Senador Jose Laurel Sr. ay nagpalabas ng susog sa panukalang- batas na ito. Batay ito sa panukala nina Sen. Roseller Lim at Sen. Emmanuel Pelaez. Nakasaad sa pagbabagong ito na maaari nang di gamitin ng mga mag- aaral ang orihinal na bersyon ng Noli at Fili kung sa palagay nila ay maaapektuhan ang kanilang panrelihiyong aspeto. Dahil dito nagwakas din ang kontrobersya at naipasa na rin ang Batas-Rizal alinsunod sa diwa at nasyonalismong Pilipino na nakasaad sa Kautusang Pangkagawaran ng Edukasyon Blg. 12, serye 1969. Hindi lamang hangad ng Batas-Rizal na parangalan ang gating bayani, layunin ng batas na ito na maitalagang muli ng mga Pilipino ang kanilang sarili sa mga simulain ng nasyonalismo at kalayaang pinagsumikapang matamo ni Dr. Jose Rizal. Ang buhay, ginawa at sinulat niya ay nagsisilbing isipan at paglinag ng disiplinag pangsarili, damdaming sibiko at kagandahang-asal. Sa Pagpili kay Rizal Si Dr. Jose P. Rizal ay pinakakilala sa lahat ng bayaning Pilipino. Nakilala siya sa iba’t ibang larangan. Isa siyang doktor (siruhano ng mata), manunulat, lingwista, guro, pintor, eskultor, agrimensor, arkitektor, inhinyero, etnolohista, ekonomista, magsasakang negosyante, heograpo, kartograpo, folklorist, pilosopo, tagapagsalin, imbentor, mahikero, humorist, satirist, manlalaro, manlalakbay at propeta. Bukambibig ang kanyang pangalan ng mga mamamayan ng Pilipinas. Sa dami ng mga monumentong itinayo sa kanyang karangalan pati na rin mga bayan at lansangan, samahan, paaralan at mga bayan at lansangan, samahan, paaralan at mga katawagang pangkalakal na isinunod sa kanyang mga binigkas o isinulat ay binabanggit din ng mga manunulat at mananalumapti sa iba’t ibang pagdiriwang tulad ng sinabi ng mananalambuhay na si Rafael Palma. “Ang mga doktrina ni Rizal ay hindi para sa isang panahon lamang kundi para sa lahat ng panahon.” Naganap ang pagpili kay Jose Rizal bilang bayaning pambansa noong panahon ng Amerikano sa Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng Gobernador Sibil William Howard Taft. Ang mga sumusunod na tao ang nagsasagawa ng diskusyon upang pag- usapan ang mga merito ng mga pagpipiliang Bayani: William Howard taft Morgan Shuster Bernard Moses Dean Worcester Henry C. Ide Trinidad Pardo de Tavera Gregorio Araneta Cayetano Arellano Jose Luzurriaga Pamantayan sa Pagpili ng Pangunahing Bayani Isang Pilipino Namayapa May matayog na pagmamahal sa bayan May mahinahong damdamin Mga Pinagpiliang Bayani ng Lahi Marcelo H. del Pilar Emilio Jacinto Graciano Lopez Jaena Jose Rizal Heneral Antonio Luna Ayon sa tala, maraming pumili kay Marcelo H. del Pilar ngunit ito ay kanilang binago ayon kay Dr. H. Otley Beyer, isang dalubhasa sa Antropolohiya at katulong sa tekniko ng komisyon, sa kadahilanang higit na naging madula ang buhay at kamatayan ni Rizal, lalung-lalo na ang pagiging martir niya sa bagumbayan. Tunay ngang pinili ng Komisyong Taft si Rizal mula sa ibang dakilang Pilipino bilang pangunahing bayani ng kanyang mga kababayan, ngunit masasabi rin natin na ang kanilang ginawa ay pagpapatibay lamang ng katotohanan na si Jose Rizal ay ipinagbunyi na ng kanyang mga kababayan at mga siyentipiko na bilang pinakadakilang tao ng lahing malayo at martir ng bayan niyang sinilangan. Noong barilin si Jose Rizal sa Bagumbayan noong Disyembre 30, 1896, maraming tao ang nagluksa at humanga sa kanyang kadakilaan at katapangan. Noong hindi pa natutuklasan ng mga Kastila ang Katipunan, ginawa na ni Andres Bonifacio ang pagsugo kay Pio Valenzuela upang mabatid ang panig ni Rizal hinggil sa pinaplanong paghihimagsik. Pinapatunayan lamang ng pangyayaring ito ang pagtitiwala at paggalang sa katalinuhan ni Rizal. Sina Heneral Emilio Aguinaldo at iba pang mga pinuno ng himagsikan na ipinatapon sa Hongkong ay nagbigay ng pang-alaalang palatuntunan noong Disyembre 29, 1897 upang dakilain ang mga nagawa ni Rizal, sa okasyon ng unang anibersaryo ng pagbaril sa bayani. Ang pahayagang La Indipendencia, na pinamatnugutan ni Antonio Luna. At ang El Heraldo de la Revolucion sa ilalim ng pamahalaan ni Pangulong Aguinaldo at naglabas ng dagdag na sipi bilang paggunita sa kamatayan ni Jose Rizal. Noong Disyembre 20, 1898, nagpalabas si Pangulong Aguinaldo ng opisyal na proklamasyon na lumilikha sa Disyembre 30 ng taong iyon bilang Araw ni Rizal. Batay rin sa proklamasyon, iniuutos ang pagtataas ng bandilang Pilipino sa kalahatian ng palo mula tanghali ng Disyembre 29 hanggang tanghali ng Disyembre 30, at ang pagsasara ng lahat ng mga opisina ng pamahalaan sa buong araw ng Disyembre 30. Maari naman taong sumang-ayon kay Propesor Ferdinand Blumentritt na nagsabi noong 1897: Si Rizal ay hindi lamang ANG PINAKABANTOG NA TAO SA KANYANG MGA KABABAYAN kundi ANG PINAKA-DAKILANG TAO NA NALIKHA NG LAHING MALAYO. Ang kanyang alaala ay hindi maglalaho sa kanyang tinubuang lupa, at matutuhan pa ng susunod na mga henerasyon ng mga Kastila ang pagbigkas sa kanyang pangalan ng may paggalang at pagpipitagan. May mga pagkakataon na naririnig natin buhat sa ibang panig ang panukalang si Andres Bonifacio at hindi si Rizal ang dapat na kilalanin bilang pangunahing pambansang bayani dahil sa hindi siya kailanman humawak ng baril, riple o espada sa pakikipaglaban para sa kalayaan. Sa ibang bansa, ang napiling pangunahing pambansang bayani at kabilang sa pangkat ng sundalo o heneral, tulad nina George Washington ng Estados Unidos, Napoleon I at Joan of Arc ng Pransya, Simon Bolivar ng Venezuela, Jose de San Martin ng Argentina, Bernando O’Hinggins ng Chile at Jimmo Tenno ng Hapon. Ang ating pambansang bayani ay isang sibilyan na ang sandata ay kanyang panulat. Gayunpaman, ang mga Pilipino, sa paggamit ng malayang pagpapasya at kakaibang pananaw, ay hindi sumunod sa mga halimbawa ng ibang bansa. Mahusay na ipinaliwanag ni Rafael Palma ang pagkilala kay Rizal bilang pangunahing bayani kaysa kay Bonifacio sa mga pananalitang ito: Dapat ipagmalaki ng mga Pilipino ang pagkakaroon mula sa kanilang mga pambansang bayani ng isang may katangi-tanging katangian na maaring pantayan ngunit hindi mahihigitan ng kahit sino. Datapwat, kung kadalasan man na ang mga bayani sa kanluraning mga ay mga mandirigmama at mga heneral na naglilingkod sa kanyang layunin sa pamamagitan ng kanyang espada, nagbuhos ng dugo at luha, ang bayani ng mga Plipino ay naglingkod sa kanyang layunin sa pamamagitan ng kanyang panulat, nagpapatunay na ang panulat ay kasing lakas ng tabak sa pagliligtas sa mga tao mula sa pagkaaliping pulitikal. Totoo sa kalagayan natin, ang tabak ni Bonifacio ay sadyang kinakailangan upang buwagin ang kapangyarihan ng dayuhang lakas, ngunit ang rebolusyong inihanda ni Bonifacio ay epekto lamang, ang bunga ng espiritwal na pagliligtas na ginawa ng pluma ni Rizal. Dahil dito, ang ginawa ni Rizal sa ganang amin ay higit na mataas kaysa kay bonifacio di lamang dahil sa ayos na pagkakasunod ng mga ito kundi dahil sa kahalagahan nito, sapagkat bagaman nakapagbigay agad ng kagyat na bunga nag ginawa ni Bonifacio, ang kay Rizal ay nagkaroon ng higit na matibay at pamalagiang epekto”. Mula sa sanaysay na sinulat ni Esteban A. de Ocampo, Sino ang pumili kay Rizal Bilang Pambansang Bayani natin at Bakit? Binanggit niya na: Bakit si Rizal ang naging pambansang bayani? Siya ang ating pinakadakilang bayani sapagkat, bilang nangingibabaw na tao sa Kampanyang Propaganda, gumanap siya ng “kahanga-hangang bahagi sa kilusang iyon na humigit kumulang ay papipiliin tayo ng isang katha ng isang Pilipinong manunulat sa panahong ito, na higit sa ibang mga sinulat ay nakatulong nang malaki sa pagbubuo ng nasyonalidad ng mga Pilipino, hindi tayo mag- aatubili sa pagpili sa Noli Me Tangere (Berlin, 1887) ni Rizal. Totoo na ipinalathala ni Pedro Paterno ang kanyang nobelang Ninay sa Madrid noong 1885; ni Marcelo H. del Pilar, ang kanyang La Soberania Monacal sa Barcelona noong 1889; ni Graciano Lopez Jaena, ang kanyang Discursos y ArticulosVarios Impresiones sa Madrid noong 1893, ngunit wala sa mga aklat na ito ang nakapaglikha ng papuri o pagpuna mula sa mga kaibigan o mga kaaway na tulad ng Noli ni Rizal.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser