Aralin 5 - Tourism Project in the Philippines (PDF)
Document Details
Uploaded by IssueFreeCamellia
Mabini Colleges
Tags
Related
- Tourism Market & Segmentation PDF
- Tourism Market and Segmentation PDF
- Travel Agency And Tour Operator Business Setup PDF
- The Challenges of PH Tourism in the Philippines PDF
- Sustainable Tourism Strategies in the Philippines PDF
- Tourist Motivation & Buying Intention for Adventure Tourism Sites in Southern Leyte (2024) PDF
Summary
This document contains information about tourism in the Philippines and the factors that influence it. It includes various topics like tourist characteristics, cultural analysis and more details required for students or researchers to carry more specific research about this subject. It is a lesson plan.
Full Transcript
MAGANDANG ARAW☺ ARALIN 5 PANGWAKAS NA GAWAIN: PROYEKTONG PANTURISMO NA E-CATALOG Mahalagang Kaalaman Panitikan Kakikitaan ang mga Pilipino ng pagiging malikhain at mahusay sa pagpapaigting ng turismo sa ating bansa. Mahalagang Kaalaman Wika Nakatutulong ang wastong pangangalap at pag-...
MAGANDANG ARAW☺ ARALIN 5 PANGWAKAS NA GAWAIN: PROYEKTONG PANTURISMO NA E-CATALOG Mahalagang Kaalaman Panitikan Kakikitaan ang mga Pilipino ng pagiging malikhain at mahusay sa pagpapaigting ng turismo sa ating bansa. Mahalagang Kaalaman Wika Nakatutulong ang wastong pangangalap at pag-aayos ng datos tungo sa pagkakaroon nang malinaw at sistematikong paglalahad ng impormasyon Mahalagang Pag-uugnay Halagang Pangkatauhan ▪ Pagpapahalaga sa mga kultura at kalikasan ng Pilipinas ▪ Pagpapakita ng pakikiisa sa pangangalaga at pagpapaunlad ng turismo sa Pilipinas Mahalagang Pag-uugnay Pag-uugnay sa Ibang Larang ▪ Turismo at paglalakbay (Ecotourism) Suriin ng mabuti ang mga larawan.Pagkatapos,sagutin ang mga tanong Mga Katanungan 1. Anong mga lugar sa Pilipinas ang iyong napuntahan o napasyalan? Ilarawan ang mga ito. 2.Batay sa talahanayan ng Kagawaran ng Turismo,ano ang nakikita mong pagbabago sa turismo ng Pilipinas? 3.Batay sa naranasang COVID-19 ng ating bansa, magbigay ka ng sariling hinuha sa kalagayan ngayon ng ating turismo. Pagbasa ng Akda Ang turismo at paglalakbay ay isa sa mga pinakamalaking industriya sa buong mundo at nagpapakita ng matatag na paglago sa nakaraang mga taon at sa kasalukuyan batay s IBS World-pangkat ng mga dalubhasang analyst na nagsasaliksik ng ekonomiko at demograpikong kalagayan ng isang bansa. Pagbasa ng Akda Ang terminong “tourism marketing strategy” ay itinuturing na naglalarawan sa iba’t ibang taktika o pamamaraan ng pagma-market ng turismo sa isang partikular na lugar. Pagsasagawa ng Isang Epektibong Estratehiya ng Marketing sa Turismo Mga hakbang sa pagbuo ng mabuting estratehiya ng marketing sa turismo. #1 Persona ng turista Para kanino ang marketing strategy mo? Dapat isaalang-alang sa pagtarget o pagpili ng turista: Edad Kita sa kahuhayan Uri ng trabaho Lokasyon Pangangailangan/kagustuhan Layunin Pagsasagawa ng Isang Epektibong Estratehiya ng Marketing sa Turismo Mga hakbang sa pagbuo ng mabuting estratehiya ng marketing sa turismo. #2 Isagawa ang layunin Tiyak o espesipiko ba ang mga layuning ito? Paano mo maisasagawa ang layuning ito? Paano mo masusukat ang ikatatagumpay ng layuning ito? Pagsasagawa ng Isang Epektibong Estratehiya ng Marketing sa Turismo Mga hakbang sa pagbuo ng mabuting estratehiya ng marketing sa turismo. #3 I-audit ang umiiral na nilalaman ng iyong estratehiya ng marketing. Lagi ring tandaan ang sumusunod: Kausapin ang persona ng iyong mga turista. Gumamit ng nakahahalinang nilalaman. Itala ang detalye o impormasyon ng iyong posibleng turista. Pagsasagawa ng Isang Epektibong Estratehiya ng Marketing sa Turismo Mga hakbang sa pagbuo ng mabuting estratehiya ng marketing sa turismo. #4 Pagtukoy sa destinasyon ng marketing. Bumuo ng mga kampanya na maaaring higit na makahiyat ng turista. Madalas na kapag nagkakaroon ng interaksiyon ang mga posibleng turista sa iyong nabuong nilalaman ng marketing higit na malaki ang posibilidad na makahiyat din sila ng iba pang turista na pasyalan ito. Sanggunian Building an Effective Tourism Marketing Strategy ni Vanessa Rodriguez Lang UhuruNetwork.com Pag-unawa at Pagsusuri sa Binasa Umuunlad at lumalawak ang panglobong industriya ng turismo dahil sa higit na pagdagsa ng mga taong naglalakbay sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa ganitong kalagayan,hindi lamang turista ang nakikinabang sa turismo,kundi ang industriyang bumubuo nito.Ang turismo ay medium ng pagkakaroon ng mas maraming banyagang salapi ng isang bansa.Ang banyagang salapi ay nagagamit ng isang bansa sa pagbabayad ng kalakal at serbisyo na inaangkat nito. Sa kabuoan, ang paggamit ng iba’t ibang estratehiya ng pagpapatatag ng turismo sa isang bansa ay susi sa pagpapayabong ng ekonomiya at pangangalaga sa kalikasan nito. Narito ang mungkahing paksa na magagamit sa isasagawang pag-aaral. 1. Paglalarawan sa kaugaliang kinagisnan sa tahanan at uri ng samahan ng pamilya. 2. Paglalarawan sa uri ng kapaligiran na kinalakihan tulad ng ugali,saloobin,paniniwala ng mga tao, at uri ng samahan ng komunidad/barangay. 3. Paglalarawan sa natatanging produkto ng pook,magagandang lugar,at iba pang makasaysayang pook na maipagmamalaki ng komunidad/barangay. Mungkahing hakbang sa pananaliksik nang makakuha ng awtentikong datos na nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino. Pagpili ng Paksa Pag-usapan ng pangkat ang paksang Hakbang 1 pag-aaralan na kailangan sa paggawa ng proyektong panturismo,pagkasunduan ito ng pangkat nang sa ganoon,magkaroon ng malinaw at direksiyon kung anong paksa ang pag-aaralan. Limitasyon ng Paksa Kailangang maging tiyak sa partikular na paksa na gagamitin sa isasagawang pag-aaral. Hakbang 2 Kultura ng mga tao ngayon sa Barangay San Rafael Rodriguez,Rizal at ang mga epekto nito Kalagayang panturismo ng Barangay Holy Spirit,Lungsod ng Quezon Proseso ng Pananaliksik Kailangang awtentiko ang datos dahil isang Hakbang 3 makatotohanang proyektong panturismo ang gagawin.Maaaring mapagkunan ng datos ang interbyu sa mga awtoridad ng pook,artikulo,balita,dokumentaryo,aklat,at iba pa. Paggawa ng Talatanungan Gumawa ng talatanungan na gagamitin sa Hakbang 4 paggawa ng interbyu at survey;mag obserbasyon batay sa aktuwal na pagmamasid sa mga kilos,saloobin,pag-iisip ng mga tao;at iba pa na makatutulong sa paglalarawan ng kultura ng mga tao. Kuwantitatibo ng Pagsusuri Hakbang 5 Gamitin ang kuwantitatibo na pagsusuri sa naging resulta ng mga datos na nakuha sa mga talatanungan at survey. Pagbuo ng Kongklusyon Bumuo ng kongklusyon sa naging resulta ng Hakbang 6 pag-aaral sa napiling pook.Batay sa ginawang pag-aaral,ilahad din ang natuklasang kakaibang katangian ng pook at kaugalian ng mga tao na kahanga-hanga na magagandang isama sa gagawing proyektong panturismo. Paggawa ng Balangkas Hakbang 7 Gumawa muna ng balangkas kung paano tatalakayin ang pagkakasunod-sunod ng impormasyong nakuha sa pag-aaral na ginawa. Nakikita sa balangkas ang planong pagtalakay sa paksa. Dalawang uri ng balangkas 1.Balangkas sa Paksa Kung balangkas sa paksa ang gagamitin,maaaring salita,parirala,o ideya lamang ang ipakita. 2.Balangkas sa Pangungusap Ang balangkas sa pangungusap ay nagtatapos sa tuldok at ang bawat bahagi ay kailangang konsistent sa paggamit ng pangungusap. (P.Constantino at E. Roda,2013) Pagsulat ng Pananaliksik Hakbang 8 Isulat nang pormal ang isinagawang pag-aaral.Gamitin sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik ang awtentikong datos na nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino. Tatlong bahagi sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik. PANIMULA Tumatalakay ito sa paksang pinag-aralan,kahalagahan ng pag-aaral,at ang layunin ng pag-aaral KATAWAN Ipinakikita sa bahaging ito ang pagtalakay sa ginawang proseso ng pananaliksik tulad ng paglikom ng awtentikong datos,instrumentong ginamit sa pagkuha ng impormasyon,at pagsasagawa ng obserbasyon sa napiling pook. WAKAS Ipaliwanag sa bahaging ito ang resulta sa pag-aaral at ang kongklusyon sa napiling paksa. Pinagkunan:Department of Tourism http://www.tourism.gov.ph/ Mahalagang Kaalaman Bahagi ng pananaliksik ang pangangalap at pag-aayos ng datos.Mahalaga itong salik upang maging wasto at maayos ang pagkakalahad ng nilalaman ng anumang pananaliksik. 1. Pangangalap ng Datos May iba’t ibang paraan ng pangangalap ng datos. Ilan sa mga ito ang sumusunod: a) People Trail Uri ng datos na tuwiran o hindi tuwirang nagmula sa isipan ng isang indibidwal na nakakalap sa isang panayam Interbiyu/Panayam Isang uri ng pasalitang diskurso na binubuo ng dalawang tao o ng isang pangkat. b) Paper Trail Uri at pinagmulan ng mga datos mula sa opisyal na mga papel at dokumento pribado man o pampubliko ▪ Aklat, magasin, diyaryo,flyers, brochure, dyornal, at iba pa c) Electronic o E-trail Datos o impormasyon na nagmula sa mga digital storage at midya, online, at mobile platform Ang datos na nakalap ay marapat na kilalanin ang pinagmulan o source nito sa pamamagitan ng pagsulat ng pinagmulang source o URL nito. 2. Pag-aayos ng Datos Pagsunod-sunurin ang mga nakuhang datos batay sa gamit ng mga ito. Kunin ang datos na maaaring maging bahagi ng introduksiyon o ang mga pangunahing ideya na susundan ng sumusuportang ideya at kongklusyon.