AP7Q2 ARALIN: Kahulugan ng Kolonyalismo at Imperyalismo PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay nagbibigay-linaw sa mga konsepto ng imperyalismo at kolonyalismo, na may detalyadong pagpapaliwanag ng mga iba't ibang uri ng pananakop. Tinalakay dito ang mga dahilan sa likod ng pananakop at ang mga paraan na ginamit ng mga mananakop.

Full Transcript

**AP7Q2 ARALIN** **Week 1:** **Kahulugan ng Kolonyalismo at Imperyalismo** Ang **imperyalismo** ay isang sistema ng pananakop kung saan ang isang makapangyarihang estado ay sapilitang kinokontrol ang mas maliliit at mahihinang estado. Upang maituring na isang makapangyarihan estado ay kinakailang...

**AP7Q2 ARALIN** **Week 1:** **Kahulugan ng Kolonyalismo at Imperyalismo** Ang **imperyalismo** ay isang sistema ng pananakop kung saan ang isang makapangyarihang estado ay sapilitang kinokontrol ang mas maliliit at mahihinang estado. Upang maituring na isang makapangyarihan estado ay kinakailangang nagtataglay ito ng isang matatag na institusyong politikal at matibay na pagkakakilanlang kultural. Ang pokus ng pananakop ay makontrol ang politikal at ekonomikal na institusyon ng mas mahihinang bansa dahil dito kadalasan ay nawawalan ng kapangyarihan ang mga lokal na namumuno at nauubos ang mga likas na kayamanan ng mga bansa sa ilalim ng isang imperyo. Magkakaiba ang pangkat-kultural ng mga mamamayan sa isang imperyo. Sa madaling salita, ang imperyo ay binubuo ng magkakaibang maliliit na pangkat ng tao na may magkakaibang pinagmulan, tradisyon, paniniwala at kasaysayan. Ang pagkakaiba-iba ng mga ito ay nagiging dahilan ng hidwaan sa pagitan ng mga pangkat at dahilan naman para sa mas makapangyarihang pangkat upang makontrol ang mas mahihina sa kanila. Ang mga Imperyalistang bansa ay may iba't-ibang uri ng pagkontrol sa mga bansang kanilang nasakop. 1. **Kolonyalismo** ay tumutukoy sa pagkontrol ng dayuhang bansa sa mas mahihinang bansa sa Asya at Aprika. Ang pamahalaan at ekonomiya ay tuwirang pinamamahalaan ng mga dayuhan. 2. **Protektorado** na pinahihintulutan ang mga lokal o katutubong pinuno ng mas mahinang bansa na mamahala ngunit kontrolado ng mas malakas na bansa ang mga pinuno na kanilang binigyan ng kapangyarihan. Kung mahaharap sa digmaan ang mahinang bansa ay makasisiguro ng proteksiyon mula sa mas malakas na bansa 3. **Economic Imperialism** kung saan kontrolado ng mga pribadoong kompanya o dayuhang mamumuhunan ang mga mahihinang bansa. 4. **Sphere of Influence** ay tumutukoy sa isang teritoryo o bahagi ng mahinang bansa na kinokontrol o nasa impluwensiya ng mas malakas na bansa upang hindi sila lubusang sakupin. 5. **Concession** ay ang pagbibigay ng pahintulot sa mananakop na gamitin ang teritoryo at likas na yaman ng mahinang bansa na may eksklusibong karapatan para sa kanilang pansariling interes. Ang extra-territoriality ay kasunduan sa pagitan ng mananakop at mahinang bansa kung saan paiiralin ang batas ng mga mananakop sa mga piling teritoryo na kabilang na concession. Mula sa mga uri ng pananakop na ito ay gumamit naman ng dalawang paraan ang mga mananakop upang ipakita ang mapasunod nila ang mga bansang kanilang nasakop. 1.Ang **Tuwiran o Direct Control** ay direktang pinamunuan ng mga mananakop ang mahihinang bansa. Ang kanilang pamahalaan ay nasa kapangyarihan ng mananakop. Hindi hinayaan ng magkaroon ng manankop ang mga katutubo na humawak ng alinmang posisyon sa pamahalaan. Ang mga batas na ipatutupad ay alinsunod sa mga batas na ipinatutupad sa mga bansang pinanggalingan ng mga manankop. Dahil kotrolado ang politika ng mahinang bansa ay nakontrol na rin ng mananakop ang ekonomiya nito. Maging ang kultura ng mga katutubo ay unti-unting nabago at ito ay napalitan ng mga kulturang dayuhan dahil sa patakarang ipinatutupad ng mga mananakop. 2.Samantala, sa **Di-Tuwiran o Indirect Control** ay pinanatili ang mga katutubong pinuno ng mahihinang bansa na may limitadong kapangyarihan at ang huling desisyon ay nasa kapangyarihan ng mga mananakop. Maaaring ipagpatuloy ng mga katutubong pinuno ang ilan sa kanilang mga lokal na paniniwala ngunit sa paglipas ng panahon ay nahahaluan ito ng mga paniniwala mula sa dayuhan Week 2: Ang patuloy na pag-unlad at pagbabago ng mga kabihasnan sa Timog Silangang Asya ay isang patunay na may mayamang kultura at pamumuhay ang mga Asyano sa paglipas ng panahon. Ang pagkontrol sa kalakalang pandagat mula sa kipot ng Malacca patungo sa Tsina ang nagpapalakas sa ugnayan ng mga Asyano sa iba't-ibang rehiyon maging ang ugnayan nito sa Europa. Naging matamlay ang ugnayan na ito dahil sa mga kinaharap na hamon ng mga bansa sa Europa at nagresulta sa pagnanais nilang makabalik ng Asya upang matugunan ang kanilang pangangailangan at makipagkalakalan. Subalit ang pagnanais na ito ay napalitan ng paghahangad ng kapangyarihan sa rehiyon, pagnanais na magkaroon ng maraming ginto at pilak at maipalaganap ang Kristiyanismo. Mahahalagang kaganapan sa Europa na naging dahilan ng kanilang pagpunta sa Asya. 1. Paglalakbay ni Marco Polo gamit ang sinaunang rutang pangkalakalan 2. Paglulunsad ng Krusada 3. Paghahanap ng bagong rutang pangkalakalan (Renaissance) 4. Panahon ng pagtuklas at paggagalugad 5. Paniniwala sa Merkantilismo Ang panahon ng pagtuklas at paggagalugad ng mga bagong lupain ay nakatulong sa Europeo na muling makabalik sa Asya sa kabila ng pagsasara ng mga sinaunang kalakalan. Ang pangyayaring ito rin ay magdudulot sa pagbabago ng kasaysayan ng mag bansang Asyano lalo na sa Timog Silangang Asya. Sa pagpasok ng ikalawang yugto ng imperyalismo ay nakaranas ng matinding pagpapahirap ang mga Asyano sa kamay ng mga Kanluranin. Mabilis na naubos ang mga likas na yaman na matatagpuan sa Asya dahil sa pagluluwas ng mga hilaw na materyales rito patungo sa Europa. Ang pagpasok ng kapitalismo sa Asya ay nagdulot ng paghina ng ekonomiyang Asyano dahil hindi naman sila ang nakikinabang sa mga produktong kanilang iniluluwas. Ang paniniwalang Nasyonalismo at Social Darwinism ay ginawang batayan ng mga Kanluranin upang ipagpatuloy at bigyan ng rason ang kanilang pananakop. Ito ang dahilan sa ideya tula ni Rudyard Kipling na "The White Man's Burden" na nagpapakita ng mababang pagtingin ng mga Kanluranin sa mga Asyano. Week3: **Mga Pamamaraan at Patakarang Kolonyal ng Bansang Pilipinas, Indonesia, at Malaysia** 1. **A. Ang Pagsisimula ng Pamamahala ng mga Espanyol sa Pilipinas** a\. Sa unang bahagi ng ika-16 na daantaon narating ng mga Portuges na manlalayag at mangangakal ang Pilipinas. Subalit, ang ekspedisyong Espanyol na pinamumunuan ni Ferdinand Magellan noong 1521 ang maituturing na unang pagdating ng mga Kanluranin sa Pilipinas na may layuning sakupin ang nasabing bansa. b\. Noong 1565, naging matagumpay si Miguel Lopez de Legaspi sa layunin na tuluyang sakupin ang Pilipinas. Ito na ang naging simula ng tatlong dantaon na kolonisasyon ng mga Espanyol. A. **B. Ang Pagsisimula ng Pamamahala ng mga Dutch sa Indonesia** a\. Nang matapos ang tunggalian ng mga Portuges at Espanyol noong ika- 16 na dantaon, itinatag ng Dutch ang kanilang kolonya sa East Indies. Itinatag noong 1602 ang Ducth East India Company upang magkaroon ng monopolyo ang pamahalaan sa kalakalan ng mga pampalasa o spice trade. a. b\. Nasakop ng mga Dutch ang Jakarta noong 1619 at ginawa itong kabisera ng Netherlands East Indies. c\. Noong 1808-1811, panandaliang pinamunuan ng Pransya ang Indonesia at ng Britanya naman noong 1811-1816. Ito ay bunga ng Digmaang Napoleonic sa Europa. Napabalik naman sa kamay ng mga Dutch ang Inodonesia taong 1816. A. **C. Ang Pagsisimula ng Pamamahala ng mga Portuges sa Malaysia** a\. Noong taong 1511, sinakop ni Alfonso de Albuquerque, isang Portuges ang Malacca. Pagkatapos nito sumunod naman ang mga Dutch at British, kanilang hinamon ang mayayamang katutubo at nakipag-alyansa sa mga katutubong pinuno. b\. Taong 1796 ay nabili ni Francis Light ng British East India Company ang isla ng Penang. Sa paglawak ng impluwensiya ng British sa Indonesia ay napailalim ang Sultanong Malay sa kanilang kontrol. c\. Sa panahon ng pamamahala ng mga Kanluranin sa Pangkapuluang Timog Silangang Asya, nagpatupad ang mga ito ng iba't iba't patakaran na nagkaroon ng malaking impluwensiya sa aspektong politikal, ekonomiko at edukasyon ng mga bansang kanilang kinasasakupan. **WEEK 4: Epekto ng kolonyalismo at imperyalismo Kanluranin sa kasalukuyan** Ang Pilipinas, Indonesia at Malaysia ay mga magkakalapit na bansa na kabilang sa Pangkapuluang Timog Silangang Asya na nakaranas ng iba't-ibang anyo ng pananakop mula sa mga Europeo sa panahon ng kolonyalismo at imperyalismo. Naging laganap ang kahirapan at pang-aabuso sa mga bansang ito lalo na sa kanilang mga likas na yaman. Nagdulot ng malaking pagbabago sa tradisyon at kultura ng mga Asyano ang pananakop halimbawa na lamang ay ang paglaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Maging ang kasuotan at pagpapangalan sa mga katutubong Pilipino ay nabago rin nang dumating ang mga Kastila sa bansa. Ang mga pagbabagong ito ay isinagawa upang madaling makontrol ng mga dayuhan ang mga katutubo. Samantalang sa Indonesia naman ay ginamit ang divide and rule policy na naging dahilan ng pagkakawatak-watak ng mga katutubo. Sa Malaysia ay direktang nanirahan ang mga Briton sa grupo ng mga isla upang magkaroon ng tagabantay sa mga daungan ng barkong pangkalakalan. **Ang Imperyalismong Hapon sa ika-20 siglo** **Restorasyong Mejia** +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Sa panahong ito, natamasa ng | | | Japan ang kaunlaran. | | | | | | Tinanggap ng Japan ang mga | | | pagbabago na hatid ng | | | impluwensiya ng mga kanluranin sa | | | aspekto ng pamamahala, edukasyon | | | at ekonomiya | | | | | | Ang mga pagbabagong ito ang | | | nagbigay daan upang nagawa nitong | | | magpatupad ng agresibong | | | patakaran kung kaya't sumali ito | | | at pagkuha at pagpapalawak ng mga | | | teritoryo. | | | | | | --- | | | t | | | --- | | +-----------------------------------+-----------------------------------+ **Digmaang Sino- Hapones** +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Ito ang panahon na kung saan ang | | | nanghimasok ang Japan sa Korea na | | | sa panahong iyon ay nasa ilalim | | | ng China. | | | | | | Nagpadala ng hukbo ang Japan sa | | | Korea nang mag-alsa ang mga | | | Koreano sa mga Tsino na naging | | | sanhi ng hidwaan sa pagitan ng | | | China at Japan. | | | | | | Sa huli, nagwagi ang Japan at | | | lumagda ng kasunduan na kung saan | | | lumaya ang Korea mula sa China. | | | | | | ------------------------------- | | | --------------------------------- | | | ------------ -- | | | IiIbinigay ng China sa Japan an | | | g Pescadores, Liaodang peninsula | | | at Formosa | | | ------------------------------- | | | --------------------------------- | | | ------------ -- | | +-----------------------------------+-----------------------------------+ **Digmaang Russo at Hapones** Nagkaroon ng sigalot ang Japan at Russia dahil sa kanilang patakaran sa pagpapalawak ng teritoryo sa Silangang Asya. Pinag-aagawan ng dalawang bansa ang pagkontrol sa Liaodong peninsula, Korea, at Manchuria. Sa huli natalo ang Russia at lumagda ng kasunduan kung saan nakuha ng Japan ang Sakhalin Island, Lushun at Dahlian. Naging protectorate ang Korea ng Japan sa bisa ng kasun- duan ng dalawang bansa. **Ang Japan noong World War 1** Ang pagkapanalo ng Japan sa dalawang malalaking bansa ay nagbunga ng pagkikilala rito bilang makapangyarihang bansa. Nakipag-alyansa ang Japan sa Britain sa panig ng Allies noong World War 1 na nagdeklara ng digmaan sa Germany. Nagdeklara ang Japan ng digmaan sa Germany upang makuha ang teritoryo ng Germany sa China. Ang pagtanggap ng Japan ng teritoryo ng Germany sa China sa bisa ng Treaty of Versailles ang nagpasimula sa malawakang protesta sa Peking at gumising sa damdamin. **Impluwensiya ng Imperyalismong Hapon Pahina ng Kasaysayan** Ang imperyalismong Hapon ay may malalim na impluwensiya sa mga bansa at rehiyon na kanilang nasakop noong panahon ng kanilang imperyalismo, partikular noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939-1945). Ito ay nagdulot ng mga pagbabago at epekto sa mga lugar na kanilang sakop. Narito ang ilang mga impluwensiya ng imperyalismong Hapon sa kasalukuyan: 1\. **Kulturang Panrehiyon**: Ang mga bansa na nasakop ng Hapon ay naapektuhan ng kanilang kultura, partikular ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya tulad ng Pilipinas, Indonesia, at Vietnam. Ang mga elemento ng kultura ng Hapon tulad ng wika, relihiyon, at mga kaugalian ay naging bahagi ng kulturang panrehiyon sa mga nasakop na lugar. 2\. **Ekonomiya:** Ang mga patakaran ng ekonomiya ng Hapon sa mga nasakop na teritoryo ay may malalim na epekto sa kasalukuyang ekonomiya ng mga bansang ito. Ang Hapon ay nagtanim ng mga industriyal na imprastruktura at teknolohiya sa mga nasakop na lugar. Ang mga ito ay nag-ambag sa pag-unlad ng ekonomiya ng mga bansang ito. 3\. **Trauma ng Digmaan**: Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nag-iwan ng malalim na trauma sa mga nasakop na bansa, at ang mga epekto ng digmaan na ito ay patuloy na nararamdaman sa mga henerasyon ng mga nasakop na lugar. Ang mga alaala ng digmaan ay nagbubukas ng mga isyu ukol sa kasaysayan, digmaang pampulitika, at katarungan. 4**. Awayan sa Teritoryo** : Ang ilang mga teritoryo at isla na naging bahagi ng nasakop na imperyo ng Hapon ay patuloy na pinag-aawayan sa kasalukuyan. Ito ay nagdudulot ng mga tensiyon sa mga rehiyong ito, at ang mga agawan at awayan sa sakop na teritoryo ay nagpapalala ng mga relasyong panlabas ng mga bansang kasangkot. 5\. **Kulturang Popular**: Ang pop culture ng Hapon, kabilang ang anime, manga, J-pop, at iba pa ay malawakang kinikilala at inaangkat sa buong mundo. Ang mga ito ay patuloy na nag-aambag sa global na kultura at nagpapakita ng impluwensiyang kultural ng bansa. 6\. **Pulitika**: Ang sistema ng pamahalaan at pulitika ng mga bansang nasakop ng Hapon ay maaaring magkaruoon ng mga bahagi ng kanilang sistema ng pamahalaan na naimpluwensiyahan ng sistema ng Hapon. Ang mga institusyonal na estraktura at kaayusan ng gobyerno ay maaaring magbukas ng mga isyu ukol sa demokrasya, alyansa, at kalakalan. Sa kabuoan, ang imperyalismong Hapon ay may pangmatagalang impluwensiyang naiwan sa mga bansa na kanilang nasakop. Ang mga epekto na ito ay nagbubukas ng mga isyu sa mga aspekto ng kultura, ekonomiya, pulitika, at kasaysayan sa mga bansa at rehiyon na apektado. Ang impluwensiya ng imperyalismong Hapon sa kasalukuyan ay patuloy na nararamdaman sa mga aspekto ng pulitika, ekonomiya, kultura, at iba pang bahagi ng mga bansang naging biktima ng pananakop noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Narito ang ilang mga aspeto ng nasabing impluwensiya: **1. Pulitika:** Ang mga bansang nasakop ng Hapon, tulad ng Pilipinas, Taiwan, at Korea, ay nakaranas ng mga pagbabago sa kanilang sistema ng pamahalaan at pulitika. Sa mga kasong ito, maaaring naging inspirasyon ang mga estruktura at pamamahala ng Haponesong kolonyalismo. Maaaring natutuhan ang ilang mga aspekto ng administrasyon gayundin ang pagpapahalaga sa kanilang sariling kasarinlan matapos ang paglaya mula sa Hapon. **2. Ekonomiya:** Ang mga bansa na nasakop ng Hapon ay naging bahagi ng imperyalistang ekonomiya ng Hapon. Maraming industriyalisasyon at modernisasyon ang naganap sa mga lugar na ito sa ilalim ng Hapon. Maaaring naging pangunahing bahagi ang mga ito ng supply chain ng Hapon noong panahon ng digmaan. Sa kasalukuyan, maaaring nararamdaman pa rin ang epekto nito sa kalakaran ng kalakalan at industriyalisasyon sa mga lugar na ito. **3. Kultura**: Ang kultura ng mga bansa na nasakop ng Hapon ay naapektuhan din. Maaaring makita ang mga impluwensiyang Hapones sa mga tradisyon, pananamit, sining, at iba\'t ibang aspekto ng kultura sa mga nasakop na bansa. Ang mga ito ay nag-ambag sa mas malawak na kamalayang kultural at mga tradisyon sa mga bansa na apektado. **4. Edukasyon:** Ang sistema ng edukasyon sa mga lugar na nasakop ng Hapon ay maaaring magpakita ng bahagi ng kultura, kamalayan, at pagkakakilanlang Hapon. Ito ay maaaring magbukas ng mga oportunidad para sa pag-aaral ng wika, kultura, at kasaysayan ng Hapon. Ang mga institusyong pang-edukasyon na itinatag ng mga Hapones noong kanilang pananakop ay patuloy na nagbibigay ng edukasyon sa mga lugar na iyon. **5. Relasyon sa Hapon:** Ang mga bansa na naging biktima ng imperyalismong Hapon ay mayroong pangmatagalang relasyon sa bansa na ito. Sa ilalim ng diplomasya at ekonomikong kooperasyon, ang mga bansang ito ay patuloy na nagkakaroon ng ugnayan sa Hapon. Maaaring ituring ang mga bansang ito bilang mga kaibigan o kaalyado na nagmarka ng iba't ibang uri ng ugnayang panlipunan. Sa pangkalahatan, ang impluwensiya ng imperyalismong Hapon sa kasalukuyan ay nag-iwan ng malalim na marka sa mga bansa na nasakop nila.Ang mga epekto nito ay patuloy na nagpapalaganap sa mga aspekto ng pulitika, ekonomiya, at kultura.