AP4 - 4th quarter.docx
Document Details
Uploaded by LegendaryRoseQuartz6969
Full Transcript
Mamamayan: ayon kay Aristotle, ang mga mamamayang ay mga taong nagtatamasa ng karapatang manirahan sa isang bansa at nakikinabang sa mga yaman nito nagtatamasa ng mga karapatang nakasaa sa saligang batas may tungkuling maging tapat, paglingkuran at ioagtanggol ang kanyang bansa hindi lahat ng nanini...
Mamamayan: ayon kay Aristotle, ang mga mamamayang ay mga taong nagtatamasa ng karapatang manirahan sa isang bansa at nakikinabang sa mga yaman nito nagtatamasa ng mga karapatang nakasaa sa saligang batas may tungkuling maging tapat, paglingkuran at ioagtanggol ang kanyang bansa hindi lahat ng naninirahan sa Pilipinas ay Pilipino, ang iba sa kanila ay mga turista o dayuhan lamang sa bansa Pagiging mamamayang Pilipino: Likas o Katutubong Mamamayan – mga ipinanganak na alin man sa mga magulang ay mamamayang Pilipino Naturalisadong Mamamayan – naging Pilipino sa pamamagitan ng naturalisasyon o bisa ng saligang batas Jus Sanguinis isang prinsipiyong umiiral sa Pilipinas na nagsasaad na ang batayan ng pagkamamamayan ay nakabase saa dugo ng pagkamamamayan ng magulang Jus Soli isang prinsipiyong umiiral sa Estados Unidos na nagpapahalaga sa lugar kung saan ipinanganak ang isang tao bilang basehan ng pagiging mamamayan nito. Artikulo IV ng Saligang Batas ng 1987 hinggil sa Pagkamamayang Pilipino: Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng konstitusyong ito Yaong ang ama o ina ay mamamayan ng Pilipinas Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973, na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng karampatang gulang Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas Section 4 ng Artikulo IV ng Saligang Batas Ang isang mamamayan ng Pilipinas na nakapag-asawa ng isang banyaga ay mananatiling Pilipino maliban na lamang kung pinili niyang sumunod sa pagkamamamayan ng kaniyang asawa. Naturalisasyon Isang legal na paraan ng pagtanggap sa pagnanais ng isang dayuhang talikuran ang kaniyang pagkamamamayan at maging mamamayan ng napili niyang bansa Mga katangian dapat taglay ng isang dayuhan upang maging naturalisadong mamamayan ng Pilipinas: 21 taong gulang o higit pa sa panahon ng pagdinig ng petisyon Tuloy-tuloy na nairahan sa Pilipinas sa loob ng 10 taon Nagtataglay ng mabuting pag-uugali at naniniwala sa mga simulain at prinsipiyo ng Saligang Batas Nagmamay-ari ng lupain sa Pilipinas o may marangal na hanapbuhay o negosyo Siya ay marunong magsalita at magsulat ng isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas o ng Ingles Siya ay may mga anak na nag-aaral sa mga pampubliko o pribadong paaralan dito sa Pilipinas na kinikilala ng pamahalaan Tinanggap niya ang kulturang Pilipino Mga paraan ng pagkawala ng pagiging mamamayang Pilipino: Kusang-loob na pagtatakwil ng pagkamamamayang Pilipino na tinatawag na EXPATRIATION Di kusang-loob na pagkawala ng pagkamamamayang Pilipino bunga ng pagkansela ng hukuman at pagdeklara ng awtoridad REPATRIATION Muling pagtamo ng pagiging mamamayang Pilipino, muling paninirahan sa bansa at muling pagsumpa ng karapatan sa bansa sa pamamagitan ng aksiyon ng kongreso ng Pilipinas Karapatan Ang pagkakaroon ng pribilehiyo o kapangyarihan ng isang mamamayang magawa o maipagkaloob sa kanya ang mga bagay na dapat niyang matamasa Ang bawat karapatan ay may kaakibat na tungkulin Ang bawat karapatan ay may limitasyon Artikulo III ng Saligang Batas ng 1987 Dito nakasaad ang lahat ng karapatan ng mamamayang Pilipino Mga uri ng karapatan ng mamamayang Pilipino: Karapatang Sibil – karapatan sa pagtatamasa ng kapayapaan at kaligayahan Karapatang Panlipunan – nangangalaga sa karapatang panlipunan ng mamamayan Karapatang Pampolitikal – nauukol sa ugnayan ng mamamayan sa pamahalaan Karapatang Pangkabuhayan – nangangalaga para sa kapakanang pangkabuhayan ng mga mamamayan Mga mahahalagang karapatan ng mamamayang Pilipino: Karapatan at pangangalaga sa buhay walang sinumang tao ang dapat alisan ng buhay, kalayaan o ari-arian nang hindi naaayon sa kaparaanan ng batas magkaroon ng pamilyang mag-aalaga sa atin karapatang maglaro at maglibang lalo na sa mga bata Karapatan sa Kalayaan magkaroon ng kapanatagan sa kaniyang sarili, pamumuhay, papeles at mga bagay-bagay laban sa hindi makatwirang paghahalughog sa anumang layunin Karapatang mapaunlad ang sarili Malayang maipahayag at makamit ang kanyang naisin at plano sa buhay Karapatan sa Pagmamay-ari Karapatan magmay-ari ng bahay, lupa, sasakyan, kasangkapan at iba pang naaayon sa batas Pagbabayad ng buwis para sa mga ari-arian tulad ng lupa, bahay at gusali Pagrehistro sa mga pag-aaring sasakyan Karapatan sa Edukasyon Ang estado ay dapat magtatag at magpanatili ng isang istema para sa libreng edukasyon sa elementarya at highschool Karapatan ng mamamayan na magkaroon ng basic education Kalayaan sa Pananampalataya Kalayaan ng mamamayan ng sumamba sa Diyos at tumanggap ng mga paniniwalang panrelihiyon Walang sinuman ang maaaring magdikta o makialam sa paniniwalang panrelihiyon ng isang tao maliban kung ito ay nakapipinsala sa kaligtasang pampubliko Karapatan o Kalayaan sa Pananalita o Pamamahayag Karapatang maipahayag ang saloobin o damdamin sa pamamagitan ng malayang pagsasalita at pamamahayag Karapatang ipahayag ang pagtutol sa pamahalaan nang hindi nakakasagabal sa kalayaan ng ibang tao at kaligtasan ng bansa Kalayaan sa pamamahayag sa pamamagitan ng mga babasahin, radyo at iba pang mass media o instrumentong pangkomunikasyon Bawal ang paninirang puri at lumikha ng kaguluhan laban sa pamalaan Karapatan sa Malayang Pagdulog sa mga Hukuman Ang lahat ng tao ay may karapatang dumulog sa hukuman anuman ang estado niya sa buhay (Seksiyon 11 ng Artikulo III) Karapatan ng lahat ng tao na magkaroon ng madaliang paglutas ng kanilang kaso Gawaing Pansibiko Mga bagay na maari nating magawa sa komunidad na kapakipakinabang sa pagtatamo ng kaayusan at kaunlaran ng bansa Layunin nito na mapaunlad at mapanatiling maayos ang isang komunidad Isinasagawa upang makamit ang layunin o malutas ang isang problema Sa pakikilahok ng mga gawaing sibiko ay maaaring maging instrumento ng pagbabago o agent of change Kagalingang Pansibiko o Civic Efficacy Ang kahandaan o pagkakaroon ng bukas na loob ng mamamayang gampanan ang kanyang tungkulin sa lipunan upang makalikha ng pagbabago Kahalagahan ng pakikilahok sa gawaing pansibiko: Nagiging maunlad at maayos ang komunidad Nakakaroon ng pagkakaisa ang mga mamamayan Nagkakaroon ng pagkakataong makibahagi ang mga mamamayan sa lokas na pamahalaan o isang grupo Nagiging kapakipakinabang o produktibo ang mga mamamayan Nagiging instrumento ng pagbabago o agent of change ang mga mamamayan Mga gawaing nagpapakita ng kagalingang pansibiko: Pagsunod sa mga batas ng bansa Pagsunod sa batas ng trapiko, number coding at pagtawid sa pedestrian lane Hindi paggamit ng plastic at styrofoam Hindi paninigarilyo sa pampublikong lugar Pagtulong sa paglilinis ng kapaligiran Tamang paghihiwalay at pagtapon ng basura Pagtangkilik ng produktong Pilipino Pagbili ng sapatos na gawang Marikina Pagbili sa canned tuna ng General Santos Pagbili ng elecronic products na gawa sa Pilipinas Pagtulong sa Kapwa Pagbigay ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyo, lindol, sunog at iba pang kalamidad Pagbigay ng donasyon sa mga biktima ng kalamidad Pagbibigay ng spiritual at emotional counseling lalo sa mga taong nawalan ng mahal sa buhay Pakikilahok sa pagdiriwang Pansibiko Nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga taong bumubuo sa ating lipunan Pakikipagkaisa sa mga miyembro ng komunidad Halimbawa ng pagdiriwang pansibiko : Araw ng mga puso, Araw ng mga ina at ama, Buwan ng wika, Araw ng mga lolo at lola, Linggo ng mag-anak, Araw ng mga guro at iba pa Propesyonal Nakapagtapos sa kolehiyo ng apat na taong kurso o hihit pa Halimbawa: doktor, nars, dentista, guro Lakas Paggawa Skilled worker Dumaan sa pagsasanay at nakapagtapos ng kursong bokasyonal o teknikal Halimbawa: electrician, drayber, mananahi mekaniko Less Skilled Worker May kaunting pagsasanay Halimbawa: Minero, magsasaka, mangingisda, mensaherro Non-skiled Worker Hindi nila kailangan magsanay Halimbawa: kasambahay, tindera, labandera, kargador, janitor Kontribusyon ng mga natatanging Pilipino: Lea Salonga Kontribusyon sa larangan ng teatro at musika Gumanap bilang Kim sa Miss Saigon noong 1989 Manny “Pacman” Pacquaio Kilala bilang “Pambansang kamao”, “Pacman”, “The Destroyer” at “Fighter of the Decade” Kinilalang pinakamagaling na boksingero sa buong mundo Efren Penaflorida Jr. Kinilala nilang CNN Hero of the year noong 2009 Natulungan ang mga mahirap na kabataan sa pamamagitan ng “Kariton Klasrum” Carlos “Kesz” Valdez Sa edad na 13 taong gulang, nakamit ang “International Children’s Peace Prize Award” dahil sa kanyang serbisyo publikong “Championing Community Chidren” 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program Naglalayong tulungan ang mga mahihirap na pamilya sa pamamagitan ng pagbigay ngtulong pinasiyal o cash grant Tulong para sa pangangailangang nutrisyon, kalusugan at edukasyon ng mga batang nasa 0 to 18 taong gulang