Araling Panlipunan 10 - Ikalawang Markahan - PDF

Summary

This document appears to be a social studies exam for Grade 10 students regarding labor issues in the Philippines. The content includes discussions on labor conditions, contracturalization, and workers' rights.

Full Transcript

1 ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN PANGALAN: PANGKAT: GURO: Aralin 4 Most Essential Learning Competencies: Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa sa bansa. Sa bahaging ito ng aralin ay inaasahang mauunawaan mo ang kal...

1 ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN PANGALAN: PANGKAT: GURO: Aralin 4 Most Essential Learning Competencies: Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa sa bansa. Sa bahaging ito ng aralin ay inaasahang mauunawaan mo ang kalagayan ng manggagawa sa iba’t ibang sektor ng ating ekonomiya. Malalaman mo din ang iba pang isyu na kanilang kinakaharap partikular sa isyu ng kontraktuwalisasyon at karapatang nararapat na tamasain ng isang manggagawang Pilipino. Ang modyul ay nakapokus sa pag-aaral sa iba’t ibang isyu sa paggawa kabilang ang tatlong mahahalagang paksa sa ibaba: 1. Kalagayan ng mga manggagawa sa iba’t ibang sektor; 2. Epekto ng kontraktwalisasyon sa mga manggagawa; at 3. Karapatan ng mga manggagawa. Pagkatapos mong basahin ang nilalaman ng modyul at masagot ang lahat ng mga gawaing nakapaloob dito, inaasahan na iyong: 1. Nailalahad ang mga kalagayan ng mangagawang Pilipino sa iba’t ibang sektor ng ating ekonomiya; 2. Naipaliliwanag ang iba’t ibang isyu na kinakakaharap ng mga manggagawa; 3. Natutukoy ang mga karapatang nararapat na tamasain ng isang manggagawa; at 4. Napahahalagahan ang tamang kaalaman ukol sa kalagayan at karapatan ng mga manggagawa sa kasalukuyan. AP10-QTR2-WeeK 4 2 ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN MULTIPLE CHOICE: Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Tumutukoy sa sistema ng mababang pasahod sa manggagawa at pagbibigay ng trabaho na di sakop ng kaniyang tinanggap na gampanin sa kompanya. A. Kontraktuwalisasyon C. Unemployment B. Cheap & Flexible Labor D. Subcontracting 2. Tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya ay kumukontrata ng isang ahensya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon. A. Kontraktuwalisasyon C. Unemployment B. Cheap & Flexible Labor D. Subcontracting 3. Tumutukoy sa kawalan ng trabaho ng mga manggagawa. A. Kontraktuwalisasyon C. Unemployment B. Cheap & Flexible Labor D. Subcontracting 4. Tumutukoy sa isang sistema kung saan ang isang manggagawa ay di permanente sa trabaho at may hangganan ang serbisyo. A. Kontraktuwalisasyon C. Unemployment B. Cheap & Flexible Labor D. Subcontracting 5. Isang internasyonal na organisasyon na nagtakda sa karapatan ng mga manggagawa sa iba’t ibang panig ng mundo. A. ASEAN B. ILO C. IMF-WB D. APEC Panuto: Suriin ang mga sumusunod at tukuyin kung anong mahahalagang kasanayan sa ika-21 siglo ang ipinahahayag ng bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot. a. Media and Technology Skills, b. Learning and Innovation Skills c. Communication Skills d. Life and Career Skills 1. Kakayahan na matuto at makagawa ng bagong pamamaraan upang mapabilis ang gawain. AP10-QTR2-WeeK 4 3 ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG KWARTER 2. 2.Kaalaman sa ICT at paggamit ng social networking site. 3. Kakayahang humarap sa tao at makipag ugnayan dito. 4. Kakayahang magkaroon ng matalinong desisyon sa buhay at trabaho. 5. Kakayahan sa paggamit ng teknolohiya. MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN Malaking hamon sa bansa ang mga malaking pagbabago sa iba’t ibanglarangan dulot ng globalisasyon. Mas nagiging bukas ang bansa sa iba’t ibang oportunidad na tuklasin ang potensiyal na pakikipagsabayan sa pandaigdigang kompetisyon. Subalit nakakalungkot sapagkat kasabay ng mga pagbabagong ito ay ang lumalalang kalagayan ng manggagawang Pilipino. Matutunghayan sa PIE GRAPH ang kalagayan ng mga manggagawa sa bawat sektor ng ating ekonomiya, 4 ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG KWARTER Bunsod din ng globalisasyon, mas naging mabilis ang pagdating ng mga dayuhang namumuhunan na mas pinatingkad naman ng kumpetisyon sa hanay ng mga dayuhan at lokal na kompanya at korporasyon sa bansa. Dahil dito nahikayatang mga dayuhang namumuhunan na pumasok sa ating bansa bunsod ng malaking kita. Naging mahirap naman para sa mga lokal na namumuhunan na tapatan angdayuhang korporasyon dulot ng kakulangan ng puhunan at kakayahan. Nagpatuloy ang pagiging alipin natin sa mga higanteng dayuhang kompanya, habang sila ay nagpupunyagi, unting unti namang namamatay ang ating mga lokal na negosyo. Dahil dito, hindi na naiwasan ang paglaganap ng iba’t ibang sistema na mas higit na nagpahirap sa maraming Pilipinong manggagawa, sa kadahilanang kontrolado na ng dayuhang kompanya ang ating ekonomiya, marami sa mga manggagawang Pilipino ang naging biktima ng mga di makatarungang polisiya, mababang pasahod at marami pang iba. Ayon sa ekonomistang si Karl Marx, ang mga manggagawa ang tunay na bayani ng bansa. Sila ang bumubuo ng mga hilaw at yaring produkto na mahalaga upang matugunan ang pangangailangan ng buong mundo. Ang buong ekonomiya ng bawat bansa ay umaaasa sa mga manggagawa, subalit sa kabila ng lahat ng kanilang sakripisyo, nakakalungkot na nagpapatuloy ang kaawa -awang kalagayan ng marami sa kanila. Tunghayan ang Dayagram 2 na tumatalakay sa iba’t ibang isyu sa paggawa sa ating bansa. DAYAGRAM 2 AP10-QTR2-WeeK 4 5 ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG KWARTER Ayon sa pag-aaral, patuloy ang paglala ng kalagayan ng mga manggawang Pilipino sa panahon ng globalisasyon. Higit na dumarami ang bilang ng biktima ng kontraktuwalisasyon, cheap at flexible labor, iskemang sub-contracting at under employment at unemployment sa loob at labas ng bansa. Dahil sa mga nabanggit na mga isyu, mahalaga ang pagkakaisa sa hanay ngmga manggagawang Pilipino tungo sa isang marangal na trabaho para sa lahat. Pag- oorganisa ng hanay ng mga manggagawa nang walang itinatangi – regular man ohindi, kasapi man ng unyon o hindi at may trabaho man o wala, dapat isulong angmga isyung magiging kapaki-pakinabang sa uring manggagawa. Hindi lamang ang mga Pilipino ang nakikipaglaban para sa karapatan ng manggagawa, ang isyu sa paggawa ay isang pandaigdigang suliranin kaya naman ito ay kabilang sa isang malaking usapin sa mga pandaigdigang pulong. Ang ILO o International Labor Organization ay nagtakda ng karapatan ng mga manggagawa na nararapat kilalanin ng lahat ng bansa. Iniisa-isa nila ang mga nararapat tamasahin ng bawat manggagawa saanman sa mundo. Tunghayan ang ikatlong dayagram na naglalaman ng mga karapatang nararapat tamasahin ng isang manggagawa sa loob at labas ng bansa. DAYAGRAM 3 AP10-QTR2-WeeK 4 6 ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG KWARTER Gawain 1: Pamprosesong Tanong 1. Paano mo bibigyang reaksyon ang kalagayan ng mga manggagawa sa iba’t ibang sektor ng ekonomiya? Ano ang masasabi mo ukol dito? Ipaliwanag. 2. Ano ano ang mga suliraning kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino sa kasalukuyan? Ipaliwanag, 3. Mula sa mga nabanggit na karapatan ng manggagawa ayon sa ILO, masasabi mo ba na ito ay naipapatupad ng maayos sa loob at labas ng ating bansa? Ipaliwanag. 4. Sa paanong paraan masasabing mahalaga na alam ng isang manggagawa ang kaniyang mga karapatan? Ipaliwanag. Gawain 2: DATA RETRIEVAL CHART: Punan ang talahanayan ng mga kahalagahan ng bawat karapatang nararapat tamasahin ng isang manggagawa ayon sa ILO KARAPATAN KAHALAGAHAN 1. Umanib sa anumang union. 2. Makipagkasundo bilang bahagi ng grupo. 3.Hindi mapasailalim ng kahitanong anyo ng sapilitang paggawa 4.Malaya sa pamimilit o “duress” sa paggawa 5.Maging ligtas sadiskriminasyon Isa sa mga dulot ng globalisasyon ay ang pagbagsak ng lokal na industriya at agrikultura ng ating bansa, samantalang patuloy naman ang paglakas ng sektor ng serbisyo dulot ng pagsulpot ng malalaking korporasyon sa iba’t ibang panig ng mundo. Kaalinsabay din ng globalisasyon ang paglala ng kalagayan ng mga manggagawa, kabilang na dito ang pag-iral ng sistemang subcontracting, mura at flexible labor, patuloy na unemployment at underemployment at ang di nawawalang sistema ng kontraktwalisasyon. Sa ganitong kalagayan ng mga manggagawa, mahalaga ang pagkakaisa tungo sa isang marangal na trabaho para sa lahat. Kaya naman nagbigay ang ILO ng mga karapatang nararapat na tamasahin ng bawat manggagawa sa iba’t ibang panig ng mundo. AP10-QTR2-WeeK 4 7 ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG KWARTER Pag-alam sa Natutuhan A. Binabati kita at natapos mo ang araling ito, bilang pangwakas na gawain, Bigyang reaksyon mo ang kalagayan ng mga manggagawa sa 3 sektor ng ating ekonomiya lalo na sa ngayon na dumadanas ang bansa ng resesyon dulot ng pandemia. Sa pamamagitan ng pagguhit ng SAD at HAPPY face sa loob ng bilog ipakita mo ang iyong reaksyon at isulat ang iyong paliwanag sa kahon. B. TAMA o MALI: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap, at isulat ang salitang MALI kung di wasto ang isinasaad ng pangungusap. 1. Higit na nakabuti sa manggagawang Pilipino ang globalisasyon. 2. Naging maunlad ang agrikultura dulot ng globalisasyon. 3. Patuloy ang pag-iral ng kontraktuwalisasyon sa kabila na ipinagbabawal na ito ayon sa batas. 4. Bahagi ng karapatan ng mangagawa ang pagsanib sa unyon. 5. Maraming dayuhang kompanya ang nais mamuhunan sa ating bansa dulot ng cheap at flexible labor. C. Ikaw bilang isang mag-aaral, ano ang masasabi mo sa aksyon ng ating pamahalaan sa mga isyu sa paggawa lalo na sa kasalukuyang panahon na marami ang nawalan ng hanap-buhay? Gumawa ng isang sulat sa pamahalaanna nagpapahayag ng iyong saloobin ukol dito. AP10-QTR2-WeeK 4 8 ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG KWARTER A. IDENTIFICATION: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat sa patlang ang tamang sagot. 1. Tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya ay kumukontrata ng isang ahensya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon. 2. Tumutukoy sa kawalan ng trabaho ng mga manggagawa. 3. Tumutukoy sa isang sistema kung saan ang isang manggagawa ay di permanente sa trabaho at may hangganan ang serbisyo. 4. Tumutukoy sa sistema ng mababang pasahod sa manggagawa at pagbibigay ng trabaho na di sakop ng kaniyang tinanggap na gampanin sa kompanya. 5. Ang pandaigdigang samahan na nagtakda ng karapatan ng mga manggagawa. B. ENUMERATION: (6-10) Magbigay ng 5 karapatan ng manggagawa ayon sa itinakda ng ILO para sa mga manggagawa sa buong mundo. Gumawa ng isang akdang pang editorial na nagpapahayag ng kalagayan ng mga manggagawa at karapatan na dapat nilang tinatamasa lalo na sa kasalukuyan na ang buong mundo ay dumadaan sa krisis pang ekonomiya. AP10-QTR2-WeeK 4 9 ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG KWARTER SAGUTANG PAPEL Pangalan:_____________________ Pangkat__________Guro: ___________________ Aralin 4 I. PAUNANG PAGSUSULIT 1. 2. 3. 4. 5. II. BALIK-TANAW: 1. 2. 3. 4. 5. III. GAWAIN : Ilagay ang sagot sa portfolio/ Kwaderno ang gabay na tanong 1. 2. 3. 4. 5. IV. PANGHULING PAGSUSULIT 1. 6. 2. 7. 3. 8. 4. 9. 5. 10. V. PAGNINILAY Ilagay ang sagot sa iyong portfolio. AP10-QTR2-WeeK 4 10 ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG KWARTER AP10-QTR2-WeeK 4

Use Quizgecko on...
Browser
Browser