Paggawa ng mga Animated Videos para sa mga Bata (GED 107-2024) PDF

Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng mga gabay at estratehiya sa paggawa ng mga animated videos para sa mga bata. Tinatalakay nito ang mga proseso ng pagbuo ng konsepto, pagsulat ng script, disenyo ng karakter, paggawa ng storyboard, animation, pagpapahiram ng boses, musika, sound effects, at pag-e-edit.

Full Transcript

PAGGAWA NG MGA ANIMATED VIDEOS PARA SA MGA BATA GED 107- TAON 2024 Sebastian vodoo Ang Mga “Animated Videos” Ang mga animated na video ay mahalaga para sa mga bata dahil sila ay mabisang kasangkapan sa edukasyon at pagsasanay ng imahinasyon. Narito ang ilang mga benepisyo: 1. Pagpapa...

PAGGAWA NG MGA ANIMATED VIDEOS PARA SA MGA BATA GED 107- TAON 2024 Sebastian vodoo Ang Mga “Animated Videos” Ang mga animated na video ay mahalaga para sa mga bata dahil sila ay mabisang kasangkapan sa edukasyon at pagsasanay ng imahinasyon. Narito ang ilang mga benepisyo: 1. Pagpapabuti ng Kognisyon: Ang mga animated na video ay madalas na gumagamit ng maliwanag na mga kulay, tunog, at mga nakatutuwang karakter na tumutulong sa pagpapalakas ng atensyon at memorya ng mga bata. Nakatutulong ito sa kanilang pagkatuto ng bagong impormasyon sa mas nakatutuwang paraan. Ang Mga “Animated Videos” 2.Pagsasanay ng Imahinasyon at Kasanayan sa Problema: Ang mga kwento sa animation ay madalas nagtatampok ng mga hindi makatotohanang sitwasyon, na humihikayat sa mga bata na mag-isip nang malikhaing. Ang ganitong uri ng media ay tumutulong sa pagbuo ng kanilang kakayahan sa paglutas ng problema. Ang Mga “Animated Videos” 3. Paglinang ng Kasanayan sa Wika: Sa pamamagitan ng pakikinig sa mga pag-uusap ng mga karakter, natututo ang mga bata ng mga bagong salita, wastong gamit ng gramatika, at iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng damdamin o ideya. Ang Mga “Animated Videos” 4. Pagpapaunlad ng Pagpapahalaga at Kultura: Ang mga animated na video, lalo na ang mga pambata, ay madalas nagpapakita ng mga aral tungkol sa pagkakaibigan, respeto, at iba pang mga positibong asal. Maaari din silang magturo ng mga aral tungkol sa kultura, kasaysayan, at iba't ibang mga pamayanan. Ayon sa isang pag-aaral, ang paggamit ng educational animation ay may malaking epekto sa pag-unlad ng cognitive, social, at emotional skills ng mga bata. Ipinakita ng mga mananaliksik na mas mataas ang antas ng pagkatuto kapag gumagamit ng mga visual na representasyon gaya ng mga animated na materyal kumpara sa tradisyunal na pagtuturo. Hamid,ir, R. (2022). The Role of Educational Animation in Enhancing Cognitive Development of Children. PARAAN SA PAGGAWA NG MGA ANIMATED FILMS 1. Pagbuo ng Konsepto (Concept Development) o Mag-isip ng isang kuwento na angkop para sa mga bata. Siguraduhing ito ay may aral at naaangkop sa kanilang edad. Sa Filipino animation, maaaring gumamit ng mga lokal na alamat o kwentong-bayan upang mas maipakilala ang kulturang Pilipino. o Lumikha ng mga karakter na kaakit-akit sa mga bata, tulad ng mga hayop, superhero, o mga batang may espesyal na kakayahan. PARAAN SA PAGGAWA NG MGA ANIMATED FILMS ipakita ang pato script 2.Pagsulat ng Script (Scriptwriting) o Isulat ang buong kuwento mula simula hanggang wakas. Tiyakin na ang mga diyalogo ay simple at naiintindihan ng mga bata. Dapat din ay may tamang balanse ng saya, aksyon, at aral. o Huwag kalimutang isama ang mga eksena kung saan may moral lessons o positibong pagpapahalaga tulad ng pakikipagkaibigan, kabaitan, at pagtutulungan. PARAAN SA PAGGAWA NG MGA ANIMATED FILMS 3. Character Design (Pagdidisenyo ng Karakter) o Gumawa ng mga sketches o ilustrasyon ng iyong mga karakter. Sa paggawa ng animation para sa mga bata, dapat maliwanag at makulay ang mga kulay. Gumamit ng malalambot at masayang anyo para sa mga karakter upang mas makaakit ng interes ng mga bata. o Maaari ring inspirasyon ang mga tradisyunal na Filipino na karakter tulad ng mga diwata, tikbalang, o engkanto, ngunit bigyan sila ng modernong twist. PARAAN SA PAGGAWA NG MGA ANIMATED FILMS 4. Storyboarding (Paggawa ng Storyboard) o Gumawa ng mga simple at detalyadong storyboard na naglalarawan ng bawat eksena ng kwento. Ipinapakita nito kung ano ang mangyayari sa bawat frame at kung paano gagalaw ang mga karakter. o Dito mo makikita kung paano maglalaro ang camera angles, transition ng mga eksena, at kung ano ang magiging flow ng kwento. PARAAN SA PAGGAWA NG MGA ANIMATED FILMS 5. Animation (Pag-a-animate ng mga Eksena) o Gumamit ng animation software tulad ng Toon Boom, Adobe Animate, o iba pang mga programa na ginagamit para sa paggawa ng animation. Sa proseso, isa-isang ginagawang gumagalaw ang mga karakter at background base sa storyboard. o Maaari mong piliin ang 2D o 3D animation, depende sa iyong kakayahan at tema ng kwento. Sa Filipino context, kadalasang ginagamit ang 2D animation para mas traditional ang dating. “Si Mina Alitaptap”-2D PARAAN SA PAGGAWA NG MGA ANIMATED FILMS 6. Pagpapahiram ng Boses (Voice Acting) o Maghanap ng mga bata o propesyonal na voice actors na babagay sa karakter. Mahalaga ang malinaw at masayang boses para mas madaling makuha ang atensyon ng mga bata. o Kung Filipino version ang gagawin, siguraduhing ang wika at tono ay naaayon sa kultura at diyalekto ng Pilipinas. PARAAN SA PAGGAWA NG MGA ANIMATED FILMS 7.Musika at Sound Effects (Music and Sound Effects) o Gumamit ng masayang background music na angkop sa eksena. Maaari ring gumamit ng mga tunog na tradisyonal sa Pilipinas gaya ng tunog ng kulintang, bamboo instruments, at iba pang ethnic music. o Huwag kalimutan ang sound effects tulad ng tawa, iyak, o kahit mga tunog ng paligid para mas magmukhang makatotohanan ang eksena. PARAAN SA PAGGAWA NG MGA ANIMATED FILMS 8. Editing (Pag-e-edit) o Pagsama-samahin ang lahat ng animated scenes, voice acting, musika, at sound effects. Gamitin ang video editing software para ayusin ang mga eksena at tiyakin na ang bawat transition ay smooth. o I-check kung may mga bagay na kailangang i-edit o ulitin, tulad ng mga movements ng characters o mga sound effects na hindi tumugma sa eksena. PARAAN SA PAGGAWA NG MGA ANIMATED FILMS 9. Pagpapalabas (Distribution) o Kapag tapos na ang iyong pelikula, maaari mo itong i-upload sa mga online platforms tulad ng YouTube, Facebook, o sa mga streaming services. Pwede rin itong ipalabas sa mga lokal na festival o paaralan. o Gumawa ng mga posters o teaser para mapukaw ang interes ng mga bata at mga Ang Alamat ng Kinaree magulang. Mga Paalala: Siguraduhing akma ang tema at mensahe ng iyong pelikula para sa edad ng mga bata. Iwasan ang masyadong madilim o komplikadong mga eksena, dahil mas gusto ng mga bata ang simple at masayang kwento. Paano isulat ang “Script”? Ang Bola Seq. 1: Araw. Naka-upo si Babo Asnah. Kinuha ang mga bunga ng halaman na pinatuyo. Binayo ito. Lumapit si Datu Imran. Datu Imran: Ano yan ina? Babo Asnah: Bunga ito ng halaman. Ginagamit ito ng ama mo para lumapit ang maraming isda. Parang pagbigay ko sayo ng kendi,diba pag may dala-dala akong kendi ay agad kang lumalapit sa akin? Datu Imran: Opo ina. Seq.2: Hapon. Nang marinig ni Babo Asnah ang papalapit na bangka ay agad itong iaangat ang ulo upang salubungin ng tingin ang asawa. Bababa si Bapa Paisal sa Bangka, ang ama ni Datu Imran na dala-dala ang sangkaterbang isdang nakuha sa laot. Babo Asnah: Andami mo atang nakuha ngayon ah. Bapa Paisal: Oo nga eh. May natira pa ba? Sample script: Sample script: Dagdag na pamamaraan sa paggawa ng animated film- Puppetry: 1. String puppet 2. Stick puppet 3. Hand puppet 4. Malayang paraan (kahit anong uri ng materyales) Pinal na Proyekto- (Final Exam) 1. Gawaan ng “Digital Instructional Materials” (IMs) ang GMRC – Baitang I 2. Bumuo ng anim na pangkat sa bawat klase 3. Ang IMs ay nakabasi sa kompetensi ng Matatag kurikulum 4. Pumili kung anong uri ng animasyon ang gamitin Stick puppet; string puppet; hand puppet; ibang uri ng animasyon 5. Isulat ang iskrip matapos ang pagkonseptwalays ng proyekto Sundin ang nakaatas na Gawain: Seksyon GMRC – Baitang Pangkat Pahina Markahan GED 107-MTH- Unang Markahan 6 na pangkat 29-34 2:30-4:00 GED 107-MTH- Pangalawang 6 na pangkat 35-40 9:00-10:30 Markahan GED 107-TFR- Pangatlong 6 na pangkat 41-46 10:30-12:00 Markhan GED 107- TFR- Pang-apat na 6 na pangkat 47-52 1:00-2:30 Markahan Pormat ng bidyo: 1. Paunang bahagi (Introduction) Ipahayag dito ang mga kompetensis ng paksang-aralin 2. ipresent ang “animated video” 3. Pagsagot sa mga katanungan na naayon sa mga layunin na inilahad Pokus na aspeto: kognitibo, apektibo at Saykomotor 4. Disklimer (Disclaimer) 5. Kredits 6. Pagpalabas ng pelikula

Use Quizgecko on...
Browser
Browser