Summary

This document is a quiz about different types of intelligence. The questions test knowledge of intelligence.

Full Transcript

Mapabuti ang buhay ng isang tao sa personal, propesyunal, at sosyal na aspekto. Hilig - naman sa isang bagay o gawain ay maaaring mapukaw dahil may kaugnayan ito sa likas na kakayahang taglay natin o maaaring impluwensiya ng ibang tao o ng ating karanasan. Isang napakahalagang teorya ang binu...

Mapabuti ang buhay ng isang tao sa personal, propesyunal, at sosyal na aspekto. Hilig - naman sa isang bagay o gawain ay maaaring mapukaw dahil may kaugnayan ito sa likas na kakayahang taglay natin o maaaring impluwensiya ng ibang tao o ng ating karanasan. Isang napakahalagang teorya ang binuo ni Dr. Howard Gardner noong 1983, ang teorya ng Multiple Intelligences. Ito ay nagbigay-daan sa panibagong perspektibo tungkol sa talino na kakaiba sa tradisyonal na kahulugan ng katalinuhan. Ayon sa teoryang ito, ang mas angkop na tanong ay “Ano ang iyong katalinuhan?” at hindi, “Guano ka katalino?” Ayon kay Gardner, bagama’t lahat ng tao ay may. angking likas na kakayahan, iba’t-iba ang talino o talento. Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo, o musika. Mas natututo siya sa pamamagitan ng paggamit ng kaniyang datawan, tulad halimbawa sa pagsasayaw o paglalaro. Mataas ang tinatawag na muscle memory ng taong may ganitong talino. Taglay ng taong may talino nito ang mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng pangangatwiran at paglutas ng suliranin (problem solving). Ito ay talinong kaugnay ng logica, paghahalaw at numero. Malalim ang pagkilala niya sa kaniyang angking mga talento. kakayahan at kahinaan. Ito ay talino na kaugnay ng kakayahan na magnilay at masalamin ang kalooban. Malihim at mapag- isa/introvert Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-ugnayan sa bang Ito ang tao. Ito ang kakayahan na makipagtulungan at makiisa sa isang pangkat. kadalasang bukas sa kaniyang pakikipagkapuwa o extrovert. Ito ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita. Mahusay sa pagbasa, pagsulat, pagkukuwento at pagmemorya ng mga salita at mahalagang petsa. Ang taong mabilis matututo sa pamamagitan ng paningin at pag- aayos ng mga ideya. Nakagagawa siya nang mahusay na paglalarawan ng mga ideya na kailangan din niyang makita ang paglalarawan upang makina ang paglalarawan. Ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan. Madali niyang makita makilala ang mumunti mang kaibahan sa kahulugan. Hindi lamang ito angkop sa pag-aaral ng kalikasan kundi sa lahat ng larangan. Ito ay talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat ng daigdig. “Bakit ako nilikha?” “Ano ang papel na gagampanan ko sa mundo?” Ang talinong ito ay naghahanap ng paglalapat at makatotohanang pag-unawa ng mga bagong kaalaman sa mundong ating ginagalawan. The theory of multiple intelligences tries to describe and explain the learning styles of students depending on the varied ways of how they acquire knowledge. The eight multiple intelligences are music smart, body smart, logic smart, self smart, word smart, people smart, art smart, and nature smart. The eight multiple intelligences vary from person to person depending on their capabilities and how they learn. BALIK-ARAL Panuto: Hatiin ang klase sa dalawang grupo. SUMAGOT NG PAK kung ang pangungusap ay tama at GANERN kung ito ay mali. 1. Ang anim na kategorya ng hilig ay pinag-aralan ni Gardner. GANERN 2. Ang mga taong realistic ay matapang at praktikal, at mahilig sa mga gawaing outdoor. 3. Sales and marketing manager, banker, insurance and real state appraiser ay ilan lamang sa mga trabaho may kinalaman sa kategorya ng enterprising. 4. Artistic ang mga grupo na kakikitaan ng pagiging palakaibigan, popular, at responsable. GANERN 5. Nasisiyahan ang mga artistic sa mga situwasyon kung saan nakararamdam sila ng kalayaan na maging totoo, nang walang anumang estrukturang sinusunod at hindi basta napipilit na sumunod sa maraming mga panuntunan. 6. Ang kategorya ng hilig na realistic ay nakatuon sa mga gawaing pang-agham. GANERN 7. Ang mga taong conventional ay matapang at praktikal, at mahilig sa mga gawaing outdoor GANERN 8. Physician, anthropologist at astronomer ay mga trabaho at gawain na naangkop sa conventional na hilig. GANERN 9. Ang mga taong nasa kategorya ng enterprising ay madalas na masigla, nangunguna, may pagkukusa, at kung minsan ay madaling mawalan ng pagtitimpi at pasensiya. 10. Ang bawat tao ay may natatanging hilig , talent at interes. ❑ Nahahasa ng mga natatanging kakayahan at talento sa iba't ibang larangan. Hatiin ang klase ayon sa talino, talento, o hilig. Ang bawat pangkat ay maghahanda ng lima hanggang pitong minutong pagtatanghal na magpapakita ng kanilang mga kakayahan. Mga Halimbawa: a. Pagsasayaw o pag-awit b. Pagbabasa ng tula o maikling kuwento na sinulat c. Pagtugtog ng instrumentong pangmusika d. Pagbabahagi ng natatanging resipe at pagpapatikim ng nilutong pagkain sa mga kamag aral e. Pagpapakita ng mga sariling guhit o painting at pagbabahagi ng kuwento sa likod ng ginawang obra MGA TANONG SA PAGPROSESO NG GAWAIN: 1. Ano ang inyong naramdaman habang nagtatanghal o nagbabahagi kayo ng inyong kakayahan o interes? SAGOT: 2. Ano ang iyong nararamdaman o naiisip habang pinapanood o pinapakinggan mo ang iyong mga kaklase na nagtatanghal? SAGOT: 3. Nakatulong ba ang gawaing ito para madagdagan ang iyong tiwala sa sariling kakayahan? Ipaliwanag ang sagot. SAGOT: 4. Bakit mahalaga na ibinabahagi sa iba ang inyong talino, talento, o hilig? SAGOT: _______________ 5. Paano mo nililinang ang iyong mga kakayahan at interes? SAGOT: PANUTO: Hatiin ang mga mag-aaral sa maliit na pangkat. Bibigyan ng dalawang placard ang bawat pangkat na may nakasulat na mga salitang POSIBLE at IMPOSIBLE. Ang guro ay magbibigay ng mga situwasyon na susuriin ng mag-aaral kung posibleng nangyayari sa totoong buhay. Pag-uusapan ng mga miyembro sa bawat pangkat kung ito ay posible or imposible para sa kanila. Sa hudyat ng guro, itataas ng pangkat ang kanilang napiling sagot. Pagkatapos ay hingan ng paliwanag ang grupo. POSIBLE IMPOSIBLE Mga Situwasyon: a. Maaari kayang nakapagtapos naman ng pag-aaral ang isang tao at sadyang napakatalino subalit hanggang ngayon ay walang trabaho o di kaya ay palipat-lipat ng trabaho? b. Maaari kayang magtagumpay sa buhay ang isang tao na hindi nakapagtapos ng pag- aaral? c. Maaari kayang may mga taong wala talagang taglay na talino o talento? Ang karaniwan at tradisyonal na pag-unawa sa talino ay kilala bilang Intelligence Quotient (IQ). Ito ang sukatan ng antas ng pang-unawa at kakayahan ng isang tao na kilalanin at malutas ang problema, magsaulo ng mga bagay, at maalala ang mga aralin. Sinasabing HINDI SAPAT ANG KOGNITIBONG KATALINUHAN para magtagumpay ang isang tao. Ayon sa mga Sikolohiyang pag- aaral, maliban sa talas ng isip, may mga natatanging katalinuhan o kakayahan pa na dapat mapayabong ng tao upang siya ay magtagumpay sa buhay. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod: EMOTIONAL SOCIAL QUOTIENT ADVERSITY QOUTIENT QUOTIENT EMOTIONAL QUOTIENT (EQ) Ang sukatan ng emosyonal na katalinuhan, kamalayan sa sarili, at emosyonal na pagpipigil sa sarili. Ang emosyonal na katalinuhan ay nagpapaalam sa iyong kakayahang makaramdam ng empatiya—na may kaugnayan at pag-unawa sa iba't ibang pananaw. Ang EQ ay kritikal kapag ang iba't ibang personalidad, indibidwal na pangangailangan, at interes ang pinag-uusapan. EMOTIONAL QUOTIENT (EQ) Ang mga palatandaan ng mataas na EQ ay kinabibilangan ng: 1. May kahusayan sa pakikisama sa kabila ng mga salungat na paniniwala. Sa halip na tumuon sa mga kapintasan o kaibahan ng ibang tao, ginagawa ng indibidwal ang kakayahang umangkop. 2. Ang mga taong may mataas na EQ ay tumatanggap ng mga pagkabigo at natututo sa karanasan sa halip na sisihin ang iba. 3. Kapag umamin sa kanilang mga pagkakamali, batid ng mga kandidato ang mga emosyon na dumadaloy sa kanilang mga aksiyon. Matutukoy nila ang mas mahusay na mga solusyon sa hinaharap. 4. Bukas sila at humihingi ng constructive feedback. Ang isang mataas na EQ ay maaaring mapigil ang pagiging defensive kapag nahaharap sa pagpuna. Gusto nilang malaman kung paano sila makakapagganap nang maayos para matugunan o malampasan ang mga hamon. ADVERSITY QUOTIENT (AQ) Ang kakayahan ng tao na harapin at malampasan ang mga mahirap o mapaghamong situwasyon. ADVERSITY QUOTIENT (AQ) Ang sukatan ng iyong kakayahan na dumaan sa isang masusing pagsisiyasat sa buhay. Maaaring masuri ang AQ sa pamamagitan ng pagmamasid sa kung paano tumugon ang indibidwal sa mga pang-araw-araw na hamon at mas makabuluhang problema. ADVERSITY QUOTIENT (AQ) Gaano sila katapang sa mga oras ng kawalan ng katiyakan o kapag nahaharap sa mga hadlang? Naghahanap ba sila ng mga direktang solusyon, at maaari ba silang umangkop kapag ang mga iyon ay hindi sapat upang matugunan ang isang kumplikadong problema? ADVERSITY QUOTIENT (AQ) Ano ang abot ng epekto kapag nakakaranas ng kahirapan? Bukod sa kung paano nila pinangangasiwaan ang mga hamon, nilalabanan ba nila ang kahirapan na nakakaapekto sa iba pang mga gawain? SOCIAL QUOTIENT (SQ) Ito ang sukatan ng iyong kakayahang bumuo ng isang pangkat ng mga kaibigan at mapanatili ito sa loob ng mahabang panahon. Katulad ng EQ, tinutukoy ng social quotient ang cultural fit at kamalayan sa sarili. SOCIAL QUOTIENT (SQ) Ang mga taong may mataas na SQ ay may kamalayan sa organisasyon– kinikilala nila ang mga hindi nakatalagang tungkulin sa lugar ng trabaho upang tukuyin ang mga pinuno, nag-iimpluwensiya, at tagasunod. SOCIAL QUOTIENT (SQ) Ang mga palatandaan ng mataas na SQ ay kinabibilangan ng: 1.Kakayahang makipag-ugnayan sa mga tao sa mga di-berbal na paraan. 2. pagpapakita ng sarili bilang mapagbigay at bukas. 3. Kakayahang maimpluwensiyahan ang mga situwasyong panlipunan upang matugunan ang mahahalagang layunin ng grupo. LAYUNIN: Natutukoy ang iba pang uri ng talino upang mapataas ang antas ng kakayahan sa pamamagitan ng pag-aaral, pagsasanay, at pagsusuri. PANUTO: ✓ Sundin ang sumusunod na mga hakbang upang mapunan ng hinihinging impormasyon ang tsart. 1. Sa unang kolum, magtala ng tatlong mahalagang katangian o kakayahan ng tao na may taglay na talino sa bawat kategorya. 2. Sa iskala na 1 hanggang 10, tayain at bigyan ng angkop na iskor ang sarili sa antas ngpagsasabuhay mo sa mga katangiang naitala. 3. Sa ikaapat na kolum, magbigay ng mga paraan kung paano mo malilinang ang iba pang uri ng talino. 1-3: Mababa ang antas ng pagsasabuhay ng isang indibidwal at nagsisimula pa lang ang pag unlad ng mga talino. Maaaring ito ay nagpapahiwatig ng mabigat na damdamin ng panghihinayang, kawalan ng kumpiyansa, o mababang pagtingin sa sarili. 4-6: Sa mga numerong ito, maaaring nagsasaad ito ng katamtaman o pangkaraniwang antas ng pagsasabuhay at mayroon ng kasanayan sa mga mga talino, ngunit marami pang kailangang pag-aralan. Hindi masyadong mataas ngunit hindi rin mababa. Maaring ito ay nagpapakita ng isang taong may kumpiyansa sa sarili sa ilalim ng karaniwang situwasyon. 7-8: Ang antas na ito ay maaaring nagpapahiwatig ng mataas na antas ng pagsasabuhay at nakakamit na ang ilang tagumpay sa pagpapaunlad ng mga talino. Ang tao ay maaaring mayroong kumpiyansa sa sarili, may positibong pananaw, at may kakayahang harapin ang mga mabigat na hamon sa buhay. 9-10: Sa antas na ito, maaaring ituring na napakataas ang antas ng pagsasabuhay at nagiging inspirasyon na sa iba sa pamamagitan ng angking talino. May malalim na pang-unawa na sa sariling kakayahan at handang magbahagi sa iba. Ang indibidwal ay maaaring mayroong napakalaking kumpiyansa, positibong pananaw, mataas na antas ng sariling halaga, at may kakayahang harapin ang mga mabigat na hamon sa buhay. RUBRIK SA PAGTATAYA URI NG KATANGIAN /KAKAYAAN SARILING PARAAN NG PAGLINANG TALINO PAGTATAYA EMOTIONA L QUOTIENT URI NG KATANGIAN /KAKAYAAN SARILING PARAAN NG PAGLINANG TALINO PAGTATAYA SOCIAL QUOTIENT URI NG KATANGIAN /KAKAYAAN SARILING PARAAN NG PAGLINANG TALINO PAGTATAYA ADVERSITY QUOTIENT 1. Paano maipapakita ang pagpapaunlad ng sariling talent, talino at hilig sa pamamagitan ng pagtulong sa kapuwa? PABAONG PAGKATUTO 2. Ano ang mga benepisyo ng pagpapaunlad ng sariling talent, talino at hilig kaagapay ang kapuwa sa pagtupad sa mga tungkulin at pagbuo ng pananaw sa hinaharap? TAKDANG-ARALIN PANUTO: Punan ang mga hinihinging impormasyon. Isulat sa isang dyornal o talaarawan (diary). Ang pakiramdam ko Ang mga karagdagang matapos ang aralin kaalaman na natutunan ko ay____________________ ay____________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ Makakatulong ang aking Ang bago kong natuklasan talento, talion, at hilig sa sa aking sarili susunod na yugto ng ay____________________ buhay ko sa ______________________ ______________________ ______________________ ______________________

Use Quizgecko on...
Browser
Browser