AP Reviewer: Microeconomics (Tagalog) PDF

Summary

These notes cover Microeconomics, focusing on demand and supply, and concepts like price controls and market structures in Tagalog. The document provides an overview of key theoretical concepts.

Full Transcript

**AP REVIEWER** Microeconomics -- nakatuon sa pagsusuri ng maliliiit na bahagi ng ekonomiya. Sinusuri nito ang kilos, gawi, at ugali ng bawat mamimili at prodyuser gayundin ang galaw ng pamilihan. Demand - tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na kaya at handing bilhin ng mga mamimili s...

**AP REVIEWER** Microeconomics -- nakatuon sa pagsusuri ng maliliiit na bahagi ng ekonomiya. Sinusuri nito ang kilos, gawi, at ugali ng bawat mamimili at prodyuser gayundin ang galaw ng pamilihan. Demand - tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na kaya at handing bilhin ng mga mamimili sa alternatibong presyo sa isang takdang panahon. - Ito ay maitatakda kung ang mamimili ay may kakayahan o kagustuhan na bilhin ang isang produkto at serbisyo. - Sinasabi na ang demand at presyo ay laging magkaugnay at ito ay mailalarawan sa iba,t ibang paraan. Presyo -- ito ay may malaking impluwensya sa pagtatakda ng demand ng mga mamimili. Demand function - Sa pamamagitan ng mathematical equation ay maipapahayag ang ugnayan ng presyo at demand. - Ang Qd ay maaaring tumaas o bumaba sa bawat pagbabago ng pagtaas at pagbaba ng P. - Ay nagpapakita ng relasyon ng demand at presyo na sinasabing magkasalungat o di-tuwiran. Qd -- Quantity demanded (dependent variable) P -- presyo (independent variable) Demand schedule - Ang dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng mamimili sa alternatibong presyo sa isang takdang panahon ay ipinakikita ng demand schedule Ceteris paribus - "all other things remain constant" o " walang ibang salik na nagbabago" Demand curve - Ay isang grapikong paglalarawan ng di-tuwirang relasyon ng presyo at dami ng demand. Batas ng Demand - Ang batas ng demand ay nagsasaad na habang ang presyo ng produkto ay tumataas, kumokonti ang bibilhing produkto ng mamimili. Ngunit, kapag ang presyo ay bumababa, dumarami ang produktong bibilhin ng maimili habang ang isang salik ay hindi nagbabago. - Presyo lamang ang nakakaapekto sa demand. Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand 1. Panlasa/Kagustuhan 2. Kita 3. Populasyon 4. Presyo ng magkaugnay na produkto 5. Okasyon 6. Ekspektasyon Kahulugan ng Supply - Ang gawi at kilos ng mga prodyuser ang pinag-aaralan sa bahaging ito. Sila ang tinatawag na supplier. \\ - Ang supply ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at nais ipagbili sa iba't ibang lebel ng presyo sa isang takdang panahon. - Ito rin ay naapektuhan ng presyo. Supply Function Qs -- Quantity supplied (dependent variable) P -- Presyo (independent variable) Supply Schedule - Isang talahanayan na nagpapakita ng dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng prodyuser sa iba't ibang presyo sa isang takdang panahon. Supply Curve - Ito ay grapikong paglalarawan ng tuwirang relasyon presyo at ng dami ng handing ipagbiling produkto ng mga prodyuser at tindera. Batas ng Supply - Ang batas ng supply ay nagsasaad na habang ang presyo ng produkto ay tumataas, dumarami ang handing ipagbili ng mga prodyuser. Ngunit, kapag ang presyo ay bumababa, nababawasan ang produkto na handing ipagbili ng mga prodyuser, habang ang ibang salik ay hindi nagbabago. Ang mga salik na nakaaapekto sa supply: 1. Teknolohiya 2. Dami ng nagtitinda 3. Subsidy 4. Gastos sa produksiyon 5. Panahon/klima 6. Presyo ng ibang produkto 7. Ekspektasyon Price Control - Ipinapatupad ang price control kapag nahaharap sa matinding krisis at kalamidad ang maraming lalawigan sa bansa, tulad ng pagkakaroon ng oil spill, pagguho ng lupa, bagyo lindol, at kapag naideklarang nasa state of calamity ang bansa. Ito ay isinasagawa ng pamahalaan upang tulungan at bigyang proteksyon ang mga mamimili laban sa mga abusado at mapagsamantalang tindera at negosyante. Price Ceiling - Ang price ceiling ay ang pinakamataas a presyong itinakda ng pamahalaan sa pagbili ang mga produkto. Ang price ceiling ay bunga ng pagkontrol sa presyo. Itinakda ito na mas mababa sa presyong ekilibriyo na umiiral sa pamihilan. Ang pagkakaroon ng shortage ay nagbubunga rin ng pag-usbong ng black market. Ito ay isang pamilihan kung saan ang mga produkto ay mabibili sa presyo na higit pa sa price ceiling. Price Floor - Ito ang pinakamababang presyo na maaaring bilhin ang isang produkto. - Ang floor price ay mas mataas kaysa sa presyong ekilibriyo na umiiral sa pamilihan Surplus -- labis na supply ng produkto sa pamilihan Di-ganap na Kompetisyon - May kumokontrol sa presyo, may hadlang sa pagpasok ng negosyante at tindera sa indutriya, nabibilang ang dami ng mamimili at negosyante, at limitado ang pagpipiliang produkto. - Monopolyo, oligopolyo, monopsonyo, monopolistikong kompetisyon Monopolyo - Isang estraktura ng pamilihan na iisa ang nagbebenta ng produkto:ibig sabihin nito ay may isang prodyuser ang kumokontrol ng malaking porsyento ng supply ng produkto sa pamilihan. Ang monopoly ay may malaking pagkakaiba sa ganap na kompetisyon -- una, sa dami ng prodyuser; pangalawa, sa uri ng produkto; at pangatlo, sa pagtatakda ng presyo ng produkto. Monopolista -- ito ang tawag sa nag-iisang prodyuser ng produkto sa pamilihan. Sila rin ay may kapangyarihan na kontrolin ang presyo at dami ng produkto. Patent -- ito ang lisensya na ipinagkakaloob ng pamahalaan sa isang indibidwal o Negosyo na magkaroon ng Karapatan na gumawa, gumamit, at magbili ng produkto. Copyright -- pagtatalaga ng karapatang ari sa isang kumpanya na maglathala at magpalabas ng isangmakasining na gawain at lathalain sa isang takdang panahon. Franchise -- isang pahintulot mula sa pamahalaan. Monoposyo - Kabaliktaran ng monopoly - Iisang mamimili ng produkto - Marami ang maaaring lumikha ng produkto at serbisyo ngunit iisa lamang ang mamimili sa pamilihan. - Nakapagdidikta ng presyo - Nakapipili ng dekalidad na produkto Oligopolyo - Kakaunti ang prodyuser - Halos magkakapareho ang produkto at serbisyo na ipinagbibili - Nakilala sa kanilang brand name Collusion - Ito ay pagsasabwatan ng mga kompanya upang matamo ang kapakinabangan sa Negosyo. Isang paraan upang maisagawa iti ay ang pagbuo ng kartel. Ang kartel ay grupo ng mga kompanya o negosyante na nagkaisa upang limitahan ang produksiyon, magtaas ng presyo, at magkamitng pinakamalaking tubo. Kinked demand curve - Ito ay nangyayari kapag ang isang kompanya ay nagtaas ng presyo, ngunit ang kaniyang kakompitensya, ay hindi sumunod at nagsagawa ng ibang aksyon sa ganoong sitwasyon. Monopolistikong kompetisyon - Pare-pareho ang produkto na ipinagbibili ngunit magkakaiba ang mga sangkap na ginamit sa produkto, disenyo, at ang nagprodyus. SRP -- suggested retail price

Use Quizgecko on...
Browser
Browser