Messenger_creation_48CB13DE-FE8F-4B88-80E8-C3D1FB9AE910.jpeg
Document Details
![EnergeticRadon](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-5.webp)
Uploaded by EnergeticRadon
Lakan Dula High School
Full Transcript
# KAGAWARAN NG ARALING PANLIPUNAN ## YUNIT TEST SA IKATLONG MARKAHAN SA ARALING PANLIPUNAN **(EKONOMIKS)** **Pangalan:** Princess Joy P. Delacruz **Baitang & Seksyon:** Q-AGADS ANTOS **Guro:** Bb MACASPAC **Petsa:** 02/03/25 **Iskor:** 34/50 **Panuto:** Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanun...
# KAGAWARAN NG ARALING PANLIPUNAN ## YUNIT TEST SA IKATLONG MARKAHAN SA ARALING PANLIPUNAN **(EKONOMIKS)** **Pangalan:** Princess Joy P. Delacruz **Baitang & Seksyon:** Q-AGADS ANTOS **Guro:** Bb MACASPAC **Petsa:** 02/03/25 **Iskor:** 34/50 **Panuto:** Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Punan ng wastong sagot. **1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong inflow at outflow sa paikot na daloy gamit ang (three) 3 Sector Model?** A. Import - Export B. Impok - Buwis C. Impok - Pamumuhunan D. Impok + Buwis - Pamumuhunan + Gastos sa produksyon **2. Ikaw ay inatasan ng iyong guro na kompyutin ang GNP ng Pilipinas sa taong 2017. Sa ipinakitang datos, nakasama ang mga personal gastusin, pamumuhunan, kita mula sa pagluluwas, at gastos ng pamahalaan. Anong paraan ng pagsukat ng GNP ang gagamitin mo?** A. Expenditure Approach B. Income Approach C. Industrial Origin Approach D. Value Added Approach **3. Si Mr. Jungkook, isang Korean National, ay nagtatrabaho sa kompanya na nasa Pilipinas, saan dapat isinasama ang kanyang kinita?** A. Sa Gross Domestic ng Korea dahil mamamayan siya ng bansang ito B. Sa Gross National Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita C. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito siya nagtrabaho at dito rin nagmula ang kanyang kita D. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas at Korea dahil parehong dito nagmula ang kanyang kita **4. Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng bansa tulad ng GDP at GNI?** A. Dahil magiging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong pampinansyal B. Para kilalanin ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad ng ekonomiya C. Upang magagamit itong basehan sa pagbuo ng mga patakarang magpapaangat sa ekonomiya ng bansa D. Dahil repleksyon ito sa kahusayan ng namumuno na magagamit upang umani ng malaking boto sa eleksyon **5. Kailan masasabi na positibo ang economic performance ng bansa?** A. Kung lumalaki ang utang panlabas ng bansa B. Kapag bumaba ang halaga ng piso kontra sa dolyar C. Kapag may paglago sa Gross Domestic Product ng bansa D. Kapag malaking bilang ng lakas paggawa ay walang trabaho **6. Sa papaanong paraan maaaring malulutas ang demand-pull inflation?** A. Pagbibigay pansin sa produktibidad sa paggawa upang mapataas ang output ng produksiyon. B. Pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya. C. Pagpapautang na may mababang interes upang makahikayat ng karagdagang paggasta. D. Pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na paggasta sa ekonomiya. **7. Sino sa mga sumusunod ang NAKIKINABANG kapag may mataas na antas ng implasyon?** A. May tiyak na kita B. Mga nangungutang C. Nag-iimpok D. Nagpapautang **8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI solusyon sa pagsugpo ng Implasyon?** A. Pagsasagawa ng tight money policy B. Pagpapaunlad at pagpaparami ng produksyon ng bansa C. Maluwang na patakaran ng pamahalaan sa monopolyo at pagkakartel D. Maayos at episyenteng paggamit ng mga lokal na pinagkukunang-yaman **9. Ano ang maaring maidulot kung bumaba ang paggasta ng pamahalaan at tumaas ang antas ng pagbubuwis?** A. Pagbaba ng kabuuang demand B. Pagbaba ng kabuuang suplay C. Pagtaas ng kabuuang suplay D. Pagtaas ng kabuuang demand **10. Alin sa mga sumusunod ang hindi pinagmumulan ng kita ng pamahalaan?** A. Privatization B. Debt Burden C. Tax Revenues D. Non tax Revenues **11. Kailan nagaganap ang Budget Deficit?** A. Kapag mas malaki ang nagiging paggasta ng pamahalaan kaysa sa rentas o kita nito B. Kapag mas malaki ang nakolektang buwis o rentas kaysa sa nagiging paggasta ng pamahalaan C. Kapag tumaas ang interest rate na isa sa mga dahilan ng crowding-out at kakapusan sa credit market D. Kapag natamo ang ekwiilibriyo sa pagitan ng nakolektang buwis o rentas at paggasta ng pamahalaan **12. Alin sa mga sumusunod ang HINDI gawain ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas?** A. Taga-imprenta ng salapi B. Tagapamahala sa mga bangko C. Tagapamahala ng reserbang dayuhang salapi at ginto D. Taga bayad ng mga produktong inaangkat ng pamahalaan **13. Ipinatutupad ng pamahalaan ang easy money o expansionary fiscal policy upang labanan ang epekto ng negatibong epekto ng resesyon at maitaas ang produksyon ng bansa. Alin sa mga sumusunod ang maaring gawin ng Bangko Sentral upang maipapatupad ang easy money policy?** A. ang discount rate B. ang reserve requirement ratio C. ang reserve requirement ratio D. Magbenta ng mga govt. Securities **14. Sa anong sitwasyon dapat ipatupad ng pamahalaan ang tight money o contractionary monetary policy?** A. kapag negatibo ang pag-angat ng GDP B. kapag mataas ang antas ng Implasyon C. kapag mababa ang bilang ng may trabaho D. kapag mababa ang antas ng pamumuhunan sa bansa **15. Kung ang kabuuang kita ni Mario ay P27,000 at ang kanya namang kabuuang gastusin ay P22,000, magkano ang maaring niyang ilaan sa pag-iimpok?** A. P 4,000 B. P 5,000 C. P 6,000 D. P 7,000