Pagkonsumo Part 2 (Tagalog) PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document is a presentation on consumerism within a Filipino educational context. It details different types of consumption and factors that influence buying decisions. Various aspects like consumer protection, consumer rights, and relevant agencies are also discussed.
Full Transcript
## CONSUMER ### ARALIN 5: PAGKONSUMO #### GAWAIN 1 PAGBILHAN PO! Ipagpalagay na mayroon kang P500.00 at may pagkakataon kang bumili ng iba't ibang pagkain. Alin sa mga sumusunod na pagkain ang iyong bibilhin? Ipaliwanag ang iyong sagot. - A slice of pizza (P299) - A cup of coffee (P190) - A bur...
## CONSUMER ### ARALIN 5: PAGKONSUMO #### GAWAIN 1 PAGBILHAN PO! Ipagpalagay na mayroon kang P500.00 at may pagkakataon kang bumili ng iba't ibang pagkain. Alin sa mga sumusunod na pagkain ang iyong bibilhin? Ipaliwanag ang iyong sagot. - A slice of pizza (P299) - A cup of coffee (P190) - A burger with fries (P202) - A cup of milk tea (P299) - Spaghetti (P110) - A salad (P199) - A sandwich with fries (P150) - A chocolate cake (P499) - A pack of chips (P25) - A pack of banana chips (P199) - A chocolate bar (P49) - A chocolate bar (P29) - A pack of cheese (P499) - A pack of milk (P30) - A pack of rice (P25) - A pack of fried chicken (P30) #### PAMPROSESONG TANONG: - Ano ang iyong nagging batayan sa pagpili mo ng mga pagkaing iyong bibilhin? ## PAGKONSUMO - Ang pagkonsumo ay isang mahalagang gawain sa ekonomiya ng isang bansa sapagkat ito ay nagbibigay katuturan sa produksyon. - Ito rin ay tumutukoy sa paggamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang ating mga pangangailangan anat magkaroon ng kasiyahan. ### Types of Consumption #### PAGKONSUMO - Produktibo - Tuwiran - Maaksaya - Mapanganib - Lantad #### 1. PRODUKTIBO - Ang pagkonsumo ay produktibo kapag ang isang produkto ay ginagamit o kinokonsumo upang makabuo ng iba pang kapaki-pakinabang na produkto. #### 2. TUWIRAN - Ito ay tuwiran o daglian kapag ang taong gumagamit ay nasisiyahan kaagad o natatamo kaagad ang kanyang mga pangangailangan. #### 3. MAAKSAYA - Maaksaya kapag ang pagkonsumo ay sobra kung ihahambing sa kanyang pangangailangan o kagustuhan. #### 4. MAPANGANIB - Nakapipinsala ang pagkonsumo kapag ito ay maaaring maging banta sa kalusugan ng tao. #### 5. LANTAD - Ang pagkonsumo ay lantad kapag gumagamit lamang ng mga produktong mamahalin kapag may ibang taong kaharap o bumibili ng mga gamit na mahal kahit hindi kaya. ## MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGKONSUMO 1. Presyo 2. Kita 3. Okasyon 4. Pag-aanunsyo 5. Pagpapahalaga ng tao 6. Panahon 7. Panggagaya 8. Panlasa #### 1. PRESYO - Ito ang halaga na katumbas ng isang produkto o serbisyo. - Sa pamamagitan ng pagtukoy sa presyo ng isang produkto o serbisyo nababatid ang kakayahan ng isang mamimili. #### 2. KITA - Ito ay tumutukoy sa salaping tinatanggap ng isang manggagawa katumbas ng kanyang ginawang produkto at paglilingkod. - Ayong kay Ernst Engel, malaking bahagdan ng kita ng tao ang inilalaan sa pagkonsumo ng mga pangunahing pangangailangan. #### 3. OKASYON - Ito ay tumutukoy sa mahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao. #### 4. PAG-AANUNSYO - Ito ay isang pamamaraan upang hikayatin ang mga konsyumer na tangkilikin ang isang produkto o paglilingkod gamit ang mga kilalang personalidad. #### 5. PAGPAPAHALAGA NG TAO - Ang ugali ng tao ay nakakaimpluwensiya sa kanyang pagkonsumo. #### 6. PANAHON - Nagbabago-bago ang pangangailangan at kagustuhan ng isang tao dulot ng pagbabago ng panahon. #### 7. PANGGAGAYA - May mga mamimili na bumibili ng mga produkto at paglilingkod na ginagamit ng kapatid, kaibigan, kapitbahay o ibang tanyag na tao sa pag-aakala na ito ay nakabubuti rin sa kanila. #### 8. PANLASA - Ito ay tumutukoy sa mga naisin na makamit batay sa panlasa o kagustuhan ng isang indibidwal. ## MGA KATANGIAN NG MATALINONG MAMIMILI 1. Mapanuri 2. May alternatibo o pamalit 3. Hindi nagpapadaya 4. Makatwiran 5. Sumusunod sa badyet 6. Hindi nagpapanic-buying 7. Hindi nagpapadala sa anunsiyo ## EPEKTO NG PAG-AANUNSYO SA PAGKONSUMO 1. Nakatutulong ang advertising na makilala ng konsyumer ang mga kinakailangang impormasyon tungkol sa produkto. 2. Nabibigyan ng pagkakataon ang konsyumer na mapaghambing ang mga produkto. 3. Nakaaakit sa konsyumer na bumili kahit hindi niya kailangan. 4. Bumubuo ng artipisyal na pangangailangan at kagustuhan. 5. Nagbibigay ng status symbol sa gagamit kaya sa huli ay nabibigyang kasiyahan din ang konsyumer. ## Types of Advertisement | Uri ng Pag-Aanunsyo | Kahulugan | |---|---| | a. Bandwagon | - Gumagamit ng maraming tao para ipakita sa lahat na maraming gumagamit ng nasabing produkto o paglilingkod | | b. Testimonial | - Gumagamit ng mga kilalang personalidad na nanghihikayat sa mga tao na gumamit ng produktong kanilang ginagamit | | c. Brand name | - Ipinapakilala lang ang tatak ng produkto o paglilingkod | | d. Fear | - Gumagamit ng pananakot sa hindi paggamit ng produkto o paglilingkod | ## REPUBLIC ACT 7394 - Consumer Act of the Philippines - Sinusulong nito ang mga sumusunod: - Kaligtasan at proteksyon ng mga mamimili laban sa panganib sa kalusugan at kaligtasan. - Proteksyon laban sa mapanlinlang at hindi makatarungang gawaing may kaugnayan sa operasyon ng mga negosyo at industriya. - Pagkakataong madinig ang reklamo at hinaing ng mga mamimili. - Representasyon ng kinatawan ng mga samahan ng mga mamimili sa pagbalangkas at pagbuo ng mga patakarang pangkabuhayan at panlipunan. ## MGA KARAPATAN NG MAMIMILI 1. Karapatan sa pangunahing pangangailangan 2. Karapatan sa kaligtasan 3. Karapatan sa patalastasan 4. Karapatang pumili 5. Karapatang dinggin 6. Karapatang bayaran at tumbasan sa pagkakapinsala 7. Karapatan sa pagtuturo ng pagiging isang matalinong konsyumer 8. Karapatan sa isang malinis na kapaligiran ## MGA PANANAGUTAN NG MAMIMILI 1. Mapanuring kamalayan 2. Pagkilos 3. Pagmamalasakit na panlipunan 4. Kamalayan sa kapaligiran 5. Pagkakaisa ## CONSUMER PROTECTION AGENCIES - Bureau of Food and Drugs (BFAD) - Department of Trade and Industry (DTI) - Energy Regulatory Commission (ERC) - Environmental Management Bureau (DENR-EMB) - Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) - Housing and Land Use Regulatory Board - Insurance Commission (HLURB) - Philippine Overseas Employment Administration (POEA) - Professional Regulatory Commission (PRC) - Securities and Exchange Commission (SEC) #### GAWAIN 4 MATALINO AKONG KONSYUMER Markahan ang iyong sarili bilang isang konsyumer. Lagyan ng tsek (✔) ang bawat pamilang. 1 - napakatalino 2 - matalino 3 - di gaanong matalino 4 - mahina | | | | | | |---|---|---|---|---| | 1. Madaling maniwala sa anunsyo. | | | | | | 2. mapagmasid. | | | | | | 3. Alam kung ano ang gagawin sa oras na makabili ng depektibong produkto. | | | | | | 4. Mahilig tumawad. | | | | | | 5. matipid. | | | | | | 6. Alam ang karapatan at pananagutan. | | | | | | 7. May listahan ng bibilhin. | | | | | | 8. Mabilis magdesisyon. | | | | | | 9. Sumusunod sa badyet. | | | | | | 10. Mahilig sa mura ngunit de kalidad na bilihin. | | | | | #### PAMPROSESONG TANONG: 1. Kung may sagot kang 3 at 4 sa tsart, ano-ano ang mga dapat mong gawin upang mabago ang mga katangiang ito? 2. Kung may sagot kang 1 at 2 sa tsart, ano ang epekto sa iyo ng mga katangian mong iyon? Bakit?