Globalisasyon: Kahulugan, Epekto, at Kasaysayan PDF
Document Details
Uploaded by GraciousMinotaur
Tags
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa konsepto ng globalisasyon, kasama ang proseso, epekto, at kasaysayan nito. Binibigyang diin sa teksto ang interaksiyon at integrasyon ng mga tao at bansa, pati ang epekto sa kultura, ekonomiya, at pulitika. Ang konsepto ng globalisasyon ay sinasaliksik mula sa mga sinaunang sibilisasyon hanggang sa kasalukuyan.
Full Transcript
isang proseso ng interaksiyon at integrasyon ng mga tao, kompanya, at pamahalaan ng iba’t ibang bansa o estado. prosesong udyok ng pandaigdigang kalakalan at pamumuhunan sa tulong ng kaalamang panteknolohiya. ito ay may epekto sa kapaligiran, sa kultura, sa sistemang pulitikal, sa p...
isang proseso ng interaksiyon at integrasyon ng mga tao, kompanya, at pamahalaan ng iba’t ibang bansa o estado. prosesong udyok ng pandaigdigang kalakalan at pamumuhunan sa tulong ng kaalamang panteknolohiya. ito ay may epekto sa kapaligiran, sa kultura, sa sistemang pulitikal, sa pagsulong ng ekonomiya at kaunlaran, sa kagalingan ng mga tao sa mga pandaigdigang komunidad. ay ang pagtutulungan ng mga bansa sa buong mundo upang malayang makaikot ang mga produkto at serbisyo sa bawat bansa. isang proseso ng interaksiyon at integrasyon ng mga tao, kompanya, at pamahalaanng iba’t ibang bansa o estado may epekto sa kapaligiran, sa kultura, sa sistemang pulitikal, sa pagsulongng ekonomiya at kaunlaran, sa kagalingan ng mga tao sa mga pandaigdigang komunidad Pagpapalawig, pagpaparami, at pagpapatatag ng mga koneksyon at ugnayan ng mga bansa sa kapwa bansa, at bansa sa mga international organization sa aspekto ng ekonomiya, politika, kultura at kapaligiran Pagsasapribado ng mga Negosyo Hinihikayat ng konsepto ng globalisasyon na isapribado ang mga negosyo na hawak at pagmamay-ari ng gobyerno. Kailangang maging malaya sa paggalaw ang mga bahay-kalakal sa paggawa at pamamahagi ng mga pangkaraniwang kalakal o produkto tulad ng tubig, langis, at kuryente. Ito ay batay sa konsepto ng laissez-faire o let-alone policy ni Adam Smith. Ang mga patakaran o polisiya hinggil sa pag-aangkat ng mga produkto ay kailangang maamyendahan o baguhin upang maging malaya ang kalakalan sa bansa. Halimbawa nito ay ang batas taripa at quota. SUEZ CANAL Nagbukas noong 1869 Nagsilbing shortcut ng mga barko mula Europa at Asia. Transportation Revolution (Steam Engine, Steam Ships Ayon Andre Gunder Frank, nagsimula ang globalisasyon noon pang panahon ng mga unang sibilisasyon (Frank at Gills, 1992). Ayon sa mga historyador, ang globalisasyon ay nagsimula sa oras na naglakad palabas ng Aprika ang mga sinaunang tao. Ang pamumuhay na ating natatamasa sa kasalukuyan ay produkto ng globalisasyon. ang ika-20 dantaon hanggang kasalukuyan ang mga dekada ng maigting na globalisasyon sa pulitika. Ayon kay Berger (2000), sa mga panahong ito, malaki ang inilago ng daloy ng kapital, palitan ng pera, at paglipat ng mga manggagawa. Marami nag-akalang hindi na magiging malapit at matapat sa sariling bansa ang mga mamamayang nasanay na sa globalisasyon. Ayon kay Yang (2010), ang globalisasyon ay daan sa pagbuo ng global interests o mga magkakatulad na interes ng mga indibiduwal, ng mga bansa, at ng mga ugnayan. Sa Europa, nauso ang kaisipang merkantilismo na nag-udyok sa maraming bansa na pumasok sa “panahon ng paggalugad” upang tuluyang palakihin ang kani-kaniyang imperyo. Sa Asya, nakikipagpalitan ng seda , pampalasa, at iba pang produkto ang mga bansa tulad ng Tsina, Hapon, Pilipinas, at Cambodia sa isa’t isa.