Full Transcript

# Ang Pagsulat Ayon kay Mabilin (2012), ang pagsulat ay maaaring mahati sa dalawang bahagi: personal o ekspresibo at panlipunan o sosyal. ## Pagsulat * Ito ay kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdamin (Austero et al 2009). * Isang biyaya, pangangailangan at kaligayahan (Keller). * Isang...

# Ang Pagsulat Ayon kay Mabilin (2012), ang pagsulat ay maaaring mahati sa dalawang bahagi: personal o ekspresibo at panlipunan o sosyal. ## Pagsulat * Ito ay kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdamin (Austero et al 2009). * Isang biyaya, pangangailangan at kaligayahan (Keller). * Isang makrong kasanayan na naglalaman ng mga titik at simbolo upang bumuo ng isang pahayag (Mabilin 2004). * Ito ay "naisasatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin, paniniwala at layunin ng tao sa pagsulat" (Mabilin 2004). ## Kahalagahan o mga benepisyong maaaring makuha sa pagsusulat: * Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibo. * Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng datos na kakailanganin. * Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa. * Mahihikayat at mapaunlad ang kakayahang gumamit ng aklatan. * Magdudulot ng kasiyahan sa pagtuklas ng kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag sa lipunan. * Malilinang ang kakayahang mangalap ng impormasyon mula sa ibat'-ibang batis ng kaalaman para sa akademikong pagsulat * Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ## Mga gamit o pangangailangan sa pagsulat: * Wika * Layunin * Paksa * Pamamaraan sa pagsulat ## Iba't ibang uri ng pagsulat ### Malikhaing Pagsulat (creative writing) * Layunin nitong maghatid ng aliw, makaantig ng damdamin at makaantig ng imahinasyon. * Maaaring batay sa tunay na pangyayari o sa imahinasyon/kathang isip lamang. ### Halimbawa: * Maikling kwento * Komiks * Dula * Iskrip ng teleserye * Tula * Musika * Maikling sanaysay * Pelikula at iba pa ### Teknikal na Pagsulat (technical writing) * Ginagamit sa pag-aaral o paglutas ng problema. * Halimbawa: Paggawa ng report o propesyunal na pagsusulat. ### Propesyunal na Pagsulat (professional writing) * May kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa isang tiyak na larangan ### Halimbawa: * Guro - Paggawa ng lesson plan/assessment * Medisina - Paggawa ng medical/narrative report ### Dyornalistik na pagsulat (journalistic writing) * May kaugnayan sa pamamahayag. ### Halimbawa: * Pagsulat ng balita * Lathalain * Editoryal * Artikulo ### Reperensyal na Pagsulat (referential writing) * Layunin nitong bigyang pagkilala ang pinagkunang kaalaman sa paggawa ng konseptong papel, tesis at disertasyon.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser