01_Handout_1(19).pdf
Document Details
Uploaded by ConsummateRomanArt
STI College
Tags
Related
- Sprachdidaktik PDF
- Reading with Texts and Media: A Competence Model (PDF)
- READ100 Week 2 Introduction to Reading and Literacy Development PDF
- ARALIN-1 Batayang Kaalaman sa Mapanuring Pagbasa PDF
- Development of Reading Comprehension Through Collaboration and Dialogue: An Intervention in the Natural Classroom Context from the PASS Model PDF
- Developmental Reading Midterm Reviewer PDF
Full Transcript
ASSH2003 Ang Pagbasa o Pagbabasa Ayon Kay William Morris, editor-in-chief ng “The American Heritage” at awtor ng “Your Heritage Dictionary of Words”, ito ay ang...
ASSH2003 Ang Pagbasa o Pagbabasa Ayon Kay William Morris, editor-in-chief ng “The American Heritage” at awtor ng “Your Heritage Dictionary of Words”, ito ay ang pagkilala sa kahulugan ng mga nakasulat na salita. Sa Dictionary naman ni Webster, ang Pagbasa ay isang kilos o gawa ng isang taong bumabasa ng aklat, sulatin, at ibang nasusulat na bagay. Katangian ng Pagbasa a. Naiuugnay sa pakikinig, pag-unawa, at pagsulat. Sa pagbabasa ay tulad din ng pakikinig, sa pamamagitan ng iyong pag-unawa ay nagkakaron ka ng ideya kung ano ang mga dapat itala o isulat. b. Lumilinang ng iba’t ibang kakayahan Kasanayan sa pagkuha ng pangunahing detalye at mga kaugnay na detalye Kasanayan sa pagbuo ng hinuha o palagay Kahalagahan ng Pagbasa Narito ang ilang kahalagahan ng pagbasa na ating uunawain upang ating mas makita ang gamit ng pagbasa at ang importansiya nito. 1. Nadadagdagan ang kaalaman - Sa pamamagitan ng pagbasa ay napapalalim natin ang ating konsepto o kaalaman sa isang bagay. 2. Napapayaman ang kaalaman at napapalawak ang talasalitaan - Sa tuwing tayo ay nagbabasa ay kaharap natin ang mga salita. Hindi lahat ng salita ay mayroon tayong konsepto kung kaya tayo ay sasangguni sa mga aklat tulad ng diksiyunaryo, sa oras na maunawaan natin ang kahulugan ng salita ay sabay na yumayaman ang kaalaman natin sa mga bagay bagay at napapalawak nito ang ating talasalitaan. 3. Nakararating sa mga pook na hindi pa nararating - Sa pamamagitan ng paglalarawan o pagbibigay ng mga impormasyong may kinalaman sa lugar na hindi pa natin napupuntahan. 4. Nahuhubog ang kaisipan at paninindigan - Sa pagbabasa ng mga batas at iba pang artikulo tulad ng mga lathalang maykinalaman sa karapatang pantao, tayo ay natututong magkaroon ng prinsipyo o adbokasiyang magiging gabay ng ating kaisipan at paninindigan o prinsipyo. 5. Nakakukuha ng mga mahahalagang impormasyon - Nakakakalap tayo ng mga pinakbago at mga lumang impormasyong maaaring makatulong sa atin sa pagunawa ng mundong ating ginagalawan. 6. Nakatutulong sa mabibigat na suliranin at damdamin - Gaya ng pagbasa ng mga “joke book” o komiks na nakapagbibigay ng aliw at panandaliang nakaaalis ng pokus sa pag-iisip ng suliranin na siya naming nagpapagaan ng ating pakiramda 7. Nagbibigay ng inspirasyon sa nakikita ng iba’t ibang antas ng buhay at anyo ng daigdig - Tulad ng pagbasa ng mga aklat na may temang pagbibigay ng inspirasyon sa buhay, pag-ibig, pagbangon sa mga suliraning nag gupo o naglugmok sa atin, o di kaya naman ay mga istorya ng pagbabago at pagtatagumpay sa buhay. 01 Handout 1 *Property of STI [email protected] Page 1 of 4 ASSH2003 Paghahanda sa Pagbabasa Bago magbasa, ano ng aba ang marapt gawin upang mas maging maayos at maganda ang ating karanasan sa pagbabasa? Narito ang ilang punto ng paghahanda na marapat na isaalang alang sa paghahanda sa pagbabasa: 1. Paghahawan ng Sagabal Pinaniniwalaan na ang bawat isa ay may kanya kanyang istilo ng pagunawa sa teksto tulad ng pababasa habang nakikinig ng musika, kumakain, o nakahiga. Para sa iba ang mga nabanggit ay epektibong pamamaraan sa pagunawa ng binababasa ngunit sa pananaw ng mga guro at edukador, ang pagbabasa ay nangangailangan ng konsentrasyon at ang paghawan ng sagabal ay isa sa pinakamabisang paraan. Sagabal na maituturing ang mga ingay at iba pang ekstrang gawain na makakaagaw ng atensyon ng pagbabasa. Ika nga sa wikang ingles: “You cannot do two (2) things at the same time.” Halimbawa: Ang pagsabayin ang pagbabasa ng leksyon at panunuod ng paborito mong palabas ay hindi magiging matagumpay. Maaaring naunawaan mo ang leksiyon ngunit hindi mo nasulit ang palabas, o sa kabaligtaran, naunawaan mo ang palabas ngunit hindi mo naman namemorya o naisaulo ang leksiyon. Sa paglalagom, iminumungkahi na umiwas o alisin kung ano man ang makakasagabal sa pagbabasa lalo na kung ito ay importante na dapat malaman o matutunan. 2. Angkop na Lugar Pinakaangkop na lugar para sa pagbabasa ay ang silid-aklatan. Bukod sa tahimik ito at may wastong bentilasyon, abot kamay ng mambabasa ang iba’t ibang uri ng aklat, journals, reference materials, at iba pa. Mainam rin ang magkulong sa silid na malayo sa sagabal, tulad ng batang naglalaro sa bahay, upang maging matagumpay ang pagbabasa. 3. Pagpopokus ng Atensyon Bilang paghahanda at pagtatamo ng mabisang pamamaraan sa pagbasa ng materyal na teksto, ugaliing magbasa ng walang hinto. Tuwing nagbabasa ng teksto, ugaliing tapusin ito hangga’t maaari. Batay sa pananaliksik ng mga dalubhasa, maaaring tumigil nang bahagya ngunit ang pagsasanay sa matagalang pagbasa ay higit na mabisa kaysa sa estilong pahintu-hinto. Halimbawa: Kung ikaw ay nagbabasa at nag hahanda para sa pagsusulit iminumungkahi na iwasan ang paggamit ng cellular phone o ang pagsilip-silip dito lalo’t higit kung wala namang importanteng tawag o mensahe na hinihintay. Nakakahati ito sa atensiyon at maaari pang kunin ang oras na ginagamit o inilaan para sa pag-aaral. Maliban na lamang kung ang gadget na ito ay ginagamit natin bilang kasangkapan sa pag-aaral tulad ng paggamit ng diksyunaryo na isa sa mga application na meron ang makabagong telepono o di kaya naman ay pananaliksik gamit ang internet. 4. Pamilyarisasyon sa Teksto Bago basahin ang teksto na kadalasan ay sanaysay, maging pamilyar sa paksa nito. Basahin ang pamagat at alamin kung sino ang may akda nito. Kung may pagkakataon ay alamin ang ilan sa mga impormasyon tungkol sa may akda para sa higit na mas madaling pagkaunawa. Bigyan ng panahon ang pagkuha ng mga salitang hindi pamilyar at maaaring ilista ang mga ito upang malaman sa mga sanguniaang aklat tulad ng diksyonaryo. Kung may ilustrasyon, tsart, o mapa na bahagi ng teksto ay suriin din at alamin kung paano ito nauugnay sa mga teksto. Ang mga hakbang na nabanggit ay mahahalagang tandaan upang maging mabisa at kapaki-pakinabang ang pagsasagawa ng seryosong pagbabasa. 01 Handout 1 *Property of STI [email protected] Page 2 of 4 ASSH2003 Mahahalagang Konsepto sa Pagbasa Mga Teorya ng Pagbasa Napakarami ang nagsulputan na teorya ng pagbasa, ngunit narito ang mga pinakakilala sa kanila. 1. Teoryang Bottom-Up Ito ay isang tradisyunal na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang behaviorist na higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran sa paglinang ng komprehensyon sa pagbasa. Ayon dito, ang pagbasa ay pagkilala ng serye ng nakasulat na mga simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tunog. Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa pagkilala sa mga titik, salita, parirala, at pangungusap bago malaman ang kahulugan ng teksto. Sinasabi nitong ang pagbasa ay pagkilala ng mga salita, at ang teksto ang pinakamahalaga sa pagbasa. Ang mambabasa ay isang pasib na partisipante lamang sa proseso ng pagbasa dahil ang tanging tungkulin niya ay ulitin ang lahat ng mga detalyeng nakasaad sa tekstong kanyang binasa. Ang proseso ng pag-unawa ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (bottom), patungo sa mambabasa (up), kaya tinawag itong bottom-up. Tinatawag din itong "outside-in" o "data driven" sapagkat ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi nagmula sa tagabasa kundi sa teksto. 2. Teoryang Top-Down Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil napatunayan ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa tungo sa teksto. Ito ay impluwensya ng sikolohiyang Gestalt na naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon dito, ang mambabasa ay napakaaktib na partisipante sa proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalamang nakaimbak sa kanyang isipan ay may sariling kakayahan sa wika na kanyang ginagamit habang nakikipagtalastasan sa may-akda sa pamamagitan ng teksto. Tinatawag din ang teoryang ito na "inside-out" o "conceptually-driven" dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nangyayari dahil ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang mga dating kaalaman at ng konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Bunga nito, nakakabuo siya ng kanyang mga palagay at hinuha na kanyang iuugnay sa mga ideyang inilalahad ng awtor ng isang teksto. 3. Teoryang Interaktib Bunga naman ito ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawang teorya. Ayon sa mga proponent nito, ang top-down ay maaaring akma lamang sa mga bihasa nang bumasa at hindi sa mga baguhan pa lamang. Higit na angkop daw ang kombinasyong top-down at bottom-up na nagpapahiwatig ng dalawang direksyon ng komprehensyon, itaas-pababa at ibaba-pataas. Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyonng awtor-mambabasa at mambabasa-awtor. Kung gayon, ang interaksyon ay may dalawang (2) direksyon o bi-directional. Masasabing ang teoryang ito ay isang pagbibigay-diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang isang proseso at hindi bilang produkto. Sa teoryang itong, mahalaga ang larangan ng metakognisyon na nahihinggil sa kamalayan at kabatiran sa taglay na kaalaman at sa angking kasanayan ng mambabasa. 4. Teoryang Iskima Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa. Ito ang batayang paniniwala ng teoryang iskima. Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati ng iskima. Sa makatuwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay ng ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa. Mga Uri ng Pagbabasa Merong dalawang (2) uri ng pagbabasa ang ating ginagawa na nakasalalay sa ating pakay o layunin. A. Malakas na Pagbasa Ginagamit ito sa mga pag-uulat sa seminar, symposium, konbukasyon at iba pa. Ito ay isinasagawa sa sa harap ng mga tagapakinig. Ang layunin ng malakas na pagbasa ay mag-aliw, magbigay ng aral o magturo ng kaalaman. Sa gawaing ito nagaganap ang pakikipagugnayan ng mambabasa at 01 Handout 1 *Property of STI [email protected] Page 3 of 4 ASSH2003 tagapakinig. Suliranin sa ganitong uri ang antas ng pagkaunawa ng mga tagapakinig. Kaya’t mahalaga sa pagbasa ng malakas ang husay sa pagbibitiw ng mga salita. Sa pamaamgitan nito ay mapapanatili ang atensyon at konsentrasyon ng mga taga pakinig. B. Pagbasa ng Tahimik Ginagamit naman ito ng taong naglalayong magkamit ng lubos na kabatiran sa isang paksa. Sa ganitong gawain, ang mambabasa ay gumaganap bilang tagabasa (reader) at taga-unawa (interpreter). Ang interaksyon ay sa pagitan ng mambabasa at (awtor ng) teksto. Mahalaga sa gawaing ito ang pagkakaroon ng tamang lugar na pagdarausan upang makamit ang tamang antas ng konsentrasyon. Mga antas ng Pag-iisip Sa pagbabasa, ating ginagamit ang ating utak sa pag-iisip at pagpoproseso ng mga impormasyong nabasa. Narito ang mga antas ng pag-iisip na binubuo ng mga sumusunod: 1. Antas Faktwal – Ito ay payak na paggunita sa mga nakalahad na impormasyon. Natutukoy ang mga detalye batay sa mga naalala (recall); kung saan ang mga ito (detalye) ay nasa anyong lantay na makasasagot ng mga tanong tulad ng ano, kalian at saan. 2. Antas Interpretatib - Isa pang katawagan dito ay pagpapakahulugan; hindi katuturan ang layunin nito kundi ang nagkukubling kaalaman o kaisipan. Sa Ingles ito ay “reading between the lines”. 3. Antas Aplikatib - Paglalapat ng mga taglay na iskemata ng mambabasa sa tekstong binabasa. Ito ang tinatawag na “reading beyond the lines”. 4. Antas Transaktib - Maliban sa ikemata at paglalapat nito sa kaugnay na konsepto, mahalaga ring salik ang pansariling pagpapahalaga o value system ng mambabasa. Ang “reading with character” ang kumpletong ebolusyon o kaganapang prosesong pangkaisipan. Komprehensyon Tanda ng epektibong pagbasa ang komprehensyon. Nagagnap ito habang may interaksyon ang teksto at ang isipan ng mambabasa na siyang nagpapakahulugan. Ang wastong komprehensyon ay bunga ng intensibong pagpapakahulugan sa mga kaisipan at konseptong nabasa o binabasa. Nabubuo ito sa tulong ng mga iskema ng mambabasa. Limang (5) Dimensyon ng Pag-unawa 1. Literal na Pag-unawa - Ito ay nakatuon sa mga ideyang lantad na nakalahad sa kabuuan ng teksto. Hindi ito nangangailangan ng agarang pagpapakahulugan. 2. Interpretasyon - Naisasagawa ito sa pamamagitan ng pagtukoy sa pangunahing ideya, paglalahat, panghinuha, hambingan at kontras. Pagtutukoy ng sanhi at bunga at pagbibigayng kahulugan sa mga ginamit ng awtor na pahiwatig. 3. Mapanuring Pagbabasa - Pinapagana ang mapanuring pag-iisip kung saan sinusukat, tinitimbang, inuuri at inaantasan ang mga kaalamang nabasa. Sinisikap tukuyin ang katotohanan at kabigatan ng mga nakalahad na ginagamitan ng istandard na binuo sa isipan ng mambabasa. 4. Aplikasyon o Paglalapat ng mga kaisipan - Dito pumapasok ang mga personal na valyus ng mambabasa. Binabalangkas ang mga prinsipyo at kaisipan at hinahanap ang pamamaraan ng aplikasyon nito sa mga isyu sa kasalukuyan. 5. Pagpapahalaga - Ito ang pag-aangkop ng mga kaisipan at konsepto sa isang konkreto at mapanghahawakang bagay. Ito ang makapagpapakita ang antas ng komprehensyong natamo ng mambabasa. Sanggunian: San Juan, G., et. al. (2013). Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik. Granbooks Publishing Inc. Cruz, C., et. al. (2010). Pagbasa at pagsulat sa masining na pannaliksik sa antas tersaryo. Mindshapers Co., Inc. 01 Handout 1 *Property of STI [email protected] Page 4 of 4