Podcast
Questions and Answers
Ano ang kahulugan ng sanaysay?
Ano ang kahulugan ng sanaysay?
Tumutukoy sa isang pagpapahayag ng kuru-kuro o opinyon ng mga akda.
Alin sa mga sumusunod ang unang hakbang sa proseso ng pagsulat?
Alin sa mga sumusunod ang unang hakbang sa proseso ng pagsulat?
Ano ang layunin ng pagbubuo ng abstrak?
Ano ang layunin ng pagbubuo ng abstrak?
Mapaikli o mabigyan ng buod ang mga akademikong papel.
Ano ang bahagi ng panukalang proyekto na naglalahad ng suliranin?
Ano ang bahagi ng panukalang proyekto na naglalahad ng suliranin?
Signup and view all the answers
Ano ang tinatawag na minutes of meeting?
Ano ang tinatawag na minutes of meeting?
Signup and view all the answers
Alin sa mga sumusunod ang hindi bahagi ng agenda?
Alin sa mga sumusunod ang hindi bahagi ng agenda?
Signup and view all the answers
Ano ang layunin ng isang posisyong papel?
Ano ang layunin ng isang posisyong papel?
Signup and view all the answers
Ang _____ ay isang uri ng pagsusulat na naglalayong magpakita ng personal na mga karanasan.
Ang _____ ay isang uri ng pagsusulat na naglalayong magpakita ng personal na mga karanasan.
Signup and view all the answers
Study Notes
Mga Proseso ng Pagsulat
- Ang pre-writing ay isang estratehiya sa pormal na pagsulat na nagsisilbing unang hakbang sa pagpapaunlad ng paksa.
- Ang drafting ay ang aktwal na pagsulat nang tuloy-tuloy nang hindi isinasaalang-alang ang mga posibleng pagkakamali.
- Ang revising ay ang pagbabago at muling pagsulat bilang tugon sa mga payo at pagwawasto mula sa guro, kamag-aral, editor o tagasuri.
- Ang editing ay ang pagwawasto sa gramatika, ispeling, estrukturang pangungusap, wastong gamit ng salita at mekaniks sa pagsulat.
- Ang publishing ang huling hakbang kung saan ibabahagi ang nabuo na pinal na kopya ng sulatin sa target na mambabasa.
Sanhi at Bunga
- Tumutukoy sa pinagmulan ng isang bagay, kabilang ang dahilan at epekto nito.
- Nagagamit ito para pagbatayan ang mga ebidensiya at katwiran sa teksto.
Proseso
- Tumutukoy sa pagpapaliwanag kung paano ginagawa ang isang bagay o kung ano ang mabuting paraan upang matamo ang isang layunin.
Abstrak
- Pagbubuod ng tesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur at report.
- Layunin nitong mapaikli o mabigyan ng buod ang mga akademikong papel.
Sintesis
- Karaniwang ginagamit sa mga tekstong naratibo para mabigyan ng buod, tulad ng maikling kwento.
- Ang salitang "sintesis" ay hango sa Griyego na "syntithenai" (syn - magkasama, tithenai - ilagay kaya ibig sabihin sama-samang ilagay).
Bionote
- Personal profile, madalas ang academic career ng tao.
Panukalang Proyekto
- Makapaglatag ng proposal sa proyektong nais ipatupad.
- Naglalayong mabigyan ng resolba ang mga problema o suliranin.
- Pormal, nakabatay sa uri ng mga tagapakinig at may malinaw ang ayos ng ideya.
Mga Bahagi ng Panukalang Proyekto
- Titulo ng Proyekto (Project Title): Ang pamagat ay dapat tiyak, maikli at malinaw.
- Proponent ng Proyekto (Project Proponent): Isinulat ang indibidwal o organisasyong naghaharap ng panukalang proyekto, adres, telepono o cellphone, e-mail at lagda.
- Pagpapahayag ng Suliranin: Dito inilalahad kung anong uri ng proyekto ang nais (pananaliksik, pagsasalin, pagpapalimbag, patimpalak, seminar/kumperensya, pang-araling-aklat at/o malikhaing pagsulat).
- Kabuuang Pondong Kailangan (Total Budget Needed): Ilagay rito ang detalyadong badyet na kailangan sa pagsasagawa ng proyekto.
- Rasyonal ng Proyekto (Project Rationale): Isaad ang background at kahalagahan ng proyekto.
- Deskripsyon ng Proyekto (Description of the Project): Ipaloob dito ang maikling deskripsyon ng proyekto, kategorya o uri nito. Dito rin isasaad ang mga layunin (panlahat at tiyak) at talatakdaan ng mga gawain.
- Mga Benepisyong Dulot ng Proyekto (Project Benefits): Isaad dito ang mga kapakinabangang dulot ng proyekto, sinu-sino ang makikinabang.
- Planong Dapat Gawin: Inilalagay dito ang mga magkasunod-sunod na hakbang sa pagsasagawa ng panukalang proyekto.
Agenda
- Layunin nitong ipakita o ipabatid ang paksang tatalakayin sa pagpupulong na magaganap para sa kaayusan ng at organsadong pagpupulong.
- Pormal at organisado para sa kaayusan ng daloy ng pagpupulong.
Mga Bahagi ng Agenda
- Pamagat
- Petsa, Lokasyon, Dadalo
- Layunin ng Agenda
- Iskedyul
- Tungkulin
Katitkan ng Pulong
- Tinatawag na "minutes of meeting" sa wikang Ingles.
- Isang dokumento o sulatin na kung saan nakasaad ang mga mahahalagang pinag-usapan, pinagkasunduan, maging ang mga diskusyon at desisyon na nangyari sa isang pagpupulong o pag-uusap.
Mga Bahagi ng Katitkan ng Pulong
- Paksa
- Petsa
- Oras
- Lugar o pook kung saan ginawa at idinaos ang pulong
- Oras ng pagsisimula
- Oras ng pagtatapos
- Mga napag-usapan
- Mga dumalo at mga hindi dumalo sa pulong
Posisyong Papel
- Isang paglalahad ng kuro-kuro o sariling paninindigan hinggil sa isang paksa o isyu sa lipunan.
- Nilalathala ang mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba.
- Kagaya ng isang debate, ay naglalayong maipakita ang katotohanan at katibayan ng isang tiyak na isyung kadalasan ay napapanahon at nagdudulot ng magkakaibang pananaw sa marami depende sa persepsiyon ng mga tao.
- Tekstong Argumentatibo ang ginagamit dito.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel
- Pagpili ng paksa batay sa interes
- Gumawa ng panimulang saliksik
- Bumuo ng posisyon o paninindigan batay sa nihanay na mga katwiran
- Gumawa ng malalim na saliksik
- Bumuo ng balangkas
- Sumulat ng posisyong papel
- Ibahagi ang posisyong papel
Replektibong Sanaysay
- Isang uri ng pagsulat na naglalayong magpakita ng mga personal na karanasan, opinyon, at repleksyon ng isang manunulat tungkol sa isang partikular na paksa.
- Sa pamamagitan ng replektibong sanaysay, malayang magagamit ng manunulat ang kanyang mga personal na karanasan, damdamin, at mga ideya upang ma...
Studying That Suits You
Use AI to generate personalized quizzes and flashcards to suit your learning preferences.