YUNIT 6: BATAYANG KAALAMAN SA METODOLOHIYA SA PANANALIKSIK-PANLIPUNAN PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
The document provides an overview of research methodologies for social sciences research, specifically focusing on theoretical and practical applications. It outlines various methods, including ethnography and case studies.
Full Transcript
YUNIT 6: BATAYANG KAALAMAN SA METODOLOHIYA SA PANANALIKSIK- PANLIPUNAN Nilalaman Etnograpiya Pag-oobserba, pakikipamuhay ,Participant Observation o Nakikiugaling Pagmamasid. Kwentong Buhay Pag-iinterbyu, FGD at Pagtatanong-tanong Video Documentation White Paper o Panukala De...
YUNIT 6: BATAYANG KAALAMAN SA METODOLOHIYA SA PANANALIKSIK- PANLIPUNAN Nilalaman Etnograpiya Pag-oobserba, pakikipamuhay ,Participant Observation o Nakikiugaling Pagmamasid. Kwentong Buhay Pag-iinterbyu, FGD at Pagtatanong-tanong Video Documentation White Paper o Panukala Deskriptibong Pananaliksik Komparatibong Pananaliksik Case Study o Pag-aaral ng kaso Pagsusuring Tematiko at Pagsusuri ng Nilalaman Pagbuo ng Glosaryo o pananaliksik na Leksikograpiya Pagbuo at Balidasyon ng Materyales na panturo Pagsusuri ng Diskurso SWOT Analysis Action Research Metolodolohiya Isang Sistema ng mga paraan, tunutunin at simulain sa pagsasaayos ng isang larang, gaya sa agham o sining ang metodolohiya. Tumutukoy sa sistematikong paglutas sa mga suliranin/tanong/layunin ng pananaliksik o mga paraan na ginagamit sa pagtitipon at pagsusuri ng datos/impormasyon. Metodolohiya Ayon kay Walliman (2011) sa san Juan et al., 2019, isa sa pinakakilalang manunulat hinggil sa praktika ng pananaliksik ang mga metodo sa pananaliksik ay tumutukoy sa mga tiyka na teknik ng pagtitipon at pagsusuri ng datos upang makabuo ng mga konklusyong mapaninindigan (realiable) Metodolohiya Tumutugon sa dalawang pangunahing katanungan ang metodo ng pag-aaral: A. Paraan ng pagkolekta ng datos B. Paraan ng pag-analisa Pamamaraan o metodo ng pananaliksik sa Filipino sa iba’t ibang Disiplina Etnograpiya Tinutukoy bilang isang maliwanag na account ng buhay panlipunan at kultura sa isang particular na sistemang panlipunan batay sa maraming detalyadong obserbasyon ng kung ano ang tunay na ginagawa ng mga tao sa setting ng lipunan. Etnograpiya Mula sa larangan ng antropolohiya na nangangahulugang personal na pagdanas at pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng paglahok, pagmamasid at pakikipamuhay sa mga taong nasa ibang pamayanan. Etnograpiya Griyego “ethnos” – “ mga tao” at grapiya – “pagsusulat” Ginagamit sa larangan ng agham panlipunan, particular sa antropolohiya at ilang sangay ng pag-aaral sa sosyolohiya at nakatuon sa isang malalimang pag-aarl sa isang kultura. https://www.scribd.com/document/454935939/Ang- Pamaraang-Audio-Lingual-Method-docx Etnograpiya Ang metodolohiyang ito ng pag-aaral ay maaring gumamit ng parehong kwantitatibo at kwalitatibong pag-aaral. Pokus ang intensibo o marubdob na pag-aaral sa wika at kultura, isang larangan o domeyn at pagsasama-sama ng paraang historical, obserbasyon, interbyu at pagtitipon ng dokumento. Kalakasan ng Etnograpiya Makapangalap ng makatotohanang datos na sapat sa pangangailangan ng pag-aaral. Mapalalawak nito ang kaalaman ng tao hinggil sa kultura at iba pang aspekto ng ibang tao sa lipunan o komunidad. Malawak ang maaring pagkunan ng impormasyon. Kalakasan ng Etnograpiya Nagkakaroon ng interaksyon o pakikisalamuha naimumulat ang bawat isa sa katotohanan o realidad ng buhay Kapana-panabik ang pamamaraang ito sa pagtuklas ng impormasyon. Kahinaan ng Etnograpiya Hindi madaling mangalap ng datos Nangangailangan ng mahabang panahon o oras Impormal na pakikipanayam Kaligtasan ng mananaliksik Halimbawa View of Deaf / Bingi at deaf / bingi at ang Filipino Sign Language (FSL): Usapin ng Wika at Identidad Nakikiugaling pagmamasid ❖ Ang pagmamasid ay isinagawa sa pamamagitan ng pagtatala ng mga makabuluhang pagmamasid ng mananaliksik sa mga pinapaksa ng pananaliksik sa natural na kapakigiran o setting ng kaniyang buhay at/o trabaho. Nakikiugaling pagmamasid ❖Maari itong gamitin upang alamin ang kasalukuyang kalagayan ng kultura at pamumuhay ng mga lumad o kalagayan ng mga working student na binubuno ang pag-aaral habang nagtatatrabaho. ❖Isinasagawa ng isa o ilang raw lamang Pakikipamuhay ❖Karaniwang isinasagawa sa matagal na panahon. ❖Aktwal na “ nakikiranas” sa pang-araw araw na buhay ng mga taong pinapaksa ng pag-aaral ng mananaliksik. ❖Halimbawa: Pang-araw-araw na buhay ng mga manggagawang kontraktwal. Obserbasyon 1. Naturalistikong Obserbasyon. Kung nias malaman ng mananaliksik kung paanong kumikilos ang paksa (subject) ng kaniyang pag-aaral sa isang sitwasyon, nararapat lamang na gumamit ito ng obserbasyon na walang interbensyon. Nakikita ang natural na kilos ng paksa na hindi naapektuhan ng kanyang presensya. Obserbasyon 2. Obserbasyon na may interbensyon. Dahilan ng pagkakaroon ng interbensyon: 1. Upang pukawin na kumilos ang paksa ng pag-aaral na bihira lamang ang mga aktibidad 2. Sistematikong Makita ang pagkakaiba ng kalidad ng stimulus at ang epekto nito sa kilos ng paksa 3. Maging bahagi ng sitwasyon o pangyayari na karaniwan ay hindi bukas sa siyentipikong obserbasyon. Obserbasyon 2. Obserbasyon na may interbensyon. Dahilan ng pagkakaroon ng interbensyon: 4. Ayusin ang kondisyon ng mga mahahalagang pangyayari na pumipigil sa kilos o gawi na handing maobserbahan 5. Makabuo ng paghahambing sa pamamagitan ng manipulasyon ng mga baryabol na makapag-iisa upang malaman ang epekto nito sa gawi o kilos. Obserbasyon 3. Obserbasyon na pagkukunwari ang indibidwal na paksa ng pag-aaral ay walang ideya na siya ay bahagi o ang paksa ng pag-aaral. 4. Obserbasyon na may halong pagkukunwari. Sa ganitong pamamaraan ng obserbasyon, ang paksa ng pag- aaral ay may ideya na siya ay inoobserbahan upang makakuha ng mahahalagang datos ng pag-aaral. Participant Observation ❖ Isinasagawa sa pamamagitan ng pakikisikhay o pagsisikap ng mananaliksik na makapasok at maging tanggap sa isang komunidad upang makapagtamasa ng mas komprehensibong pag-unawa sa lipunan/paraan ng pamumuhay ng nasabing komunidad. Participant Observation ❖ Ayon sa modyul ng University of California, Davis ( 2003) , isinasagawa ito sa pamamagitan ng partisipasyon ng mananaliksik sa mga aktibidad sa komunidad na kaniyang pinag-aaralan, kaya ang mananaliksik ay hindi lamang simpleng tagamasid, kundi isang aktibong kalahok o participant. Participant Observation ❖Pakikipamuhay sa komunidad na pinag-aralan; ❖Pagsubok maging magsasaka. ❖Pagtatatrabaho sa isang ospital ❖Pagsali sa isang relihiyosong organisasyon Kwentong Buhay ❖Maikling pagsasalaysay ng talambuhay o bahagi ng talambuhay ng isang tao o ng pangkat ng mga tao na paksa ng pananaliksik. ❖Binibigyang diin ang hinaing, pangarap, suliranin at pang-araw-araw na buhay na makabuluhan sa konteksto ng pananaliksik. Kwentong Buhay ❖Tinig sa laylayan o pangkat na marginalized. ❖Paksa: Kuwentong-buhay ng mga lumad Mangagawang kontraktwal Mga babaeng manggagawa Mga kasambahay Kwentong Buhay ❖Tinig sa laylayan o pangkat na marginalized. ❖Paksa: Buhay ng mga anak ng mga OFW Buhay ng mga bahagi ng LGBT ( lesbians, gays, Bisexuals at Transexual) Kwentong Buhay ❖Halimbawa “ Ang Kuwentong-Buhay Bilang Teksto ng Pagsasakapangyarihan ng mga Manggagawa sa Bahay” tesis ni Ofreneo (1994) Kwentong Buhay ❖Halimbawa “Piling-kwentong-buhay ng mga manggagawang endo sa sector ng fast food batay sa padron ni Oscar Lewis” John Kelvin r. Briones, De La Salle University, Manila (2016) Abstrak Layunin ng pananaliksik na ilarawan at bigyang-buhay ang kwento ng mga manggagawang ENDO na malimit naikukubli sa estadistika at payak na tala. Layunin ng Pananaliksik Binigyang –kasagutan ng pananaliksik ang mga sumusunod na tiyak na katanungan: 1. Ano ang kontemporaryong kalagayan ng sistemang ENDO sa Pilipinas? 2. Anu- anong porma ng inseguridad ang dinaranas ng mga mangaggawang ENDO sa sector ng fast food? Layunin ng Pananaliksik Batay sa isinagawang pananaliksik, malawak na ang saklaw ng ENDO ngayon sa bansa, di lamang sa sector ng fast food kundi maging sa ibang sector gaya ng hotel, edukasyon at iba pa. Layunin ng Pananaliksik Sinasalamain ng mga binuong kwentong- buhay batay sa mga salaysay ng mga manggagawang kontraktwal ang iba’t ibang inseguridad na kanilang dinaranas sa kani-kanilang buhay-pamilya, buhay-lipunan at buhay-pag-ibig. Layunin ng Pananaliksik Sa pangkalahatan, nalantad sa mga kuwentong-buhay ang kawalan ng sapat na panahon at kakayahan ng mga mangagagawa upang alagaan ang knailang mga sarili at huwag magkasakit, kawalan ng sapat na panahon para sa kanilang pamilya at mga kaibigan at kawalan ng panahon para sa pakikisangkot sa isyung panlipunan. Pag-iinterbyu ❖Ang panayam o interbyu ay isang pormal na pagpupulong kung saana ng isa o higit pang mga tao ay nagtanong, kumonsulta o suriin ang ibang tao. Pag-iinterbyu ❖Ang pag-iinterbyu (San Juan et al., 2019), ay tumutukoy sa pagtatanong sa mismong taong paksa ng pananaliksik o kaya sa mga eksperto rito. Pag-iinterbyu ❖Structured ang interview kung ibinigay na kaagad ang mga tanong bago pa ang interbyu at halos walang follow-up na tanong sa mismong interview. Pag-iinterbyu ❖Non-Structured higit na impormal ang interbyu at karaniwang maraming follow-up na tanong. ❖Sa hiling ng mga kinapanayam o batay sa opinyon ng mananaliksik ay maaring may mga sensitibong impormasyon na hindi isama sa transcript. Pag-iinterbyu ❖Ang mga quote o siniping pahayag mula sa interbyu ay maaring isama sa paglalahad ng datos ng pananaliksik. Hubog ng pagtatanong ( Inquiry Form) ❖Tumutukoy sa planado at nakasulat na katanungan para sa isang tiyak na paksa na may espasyong nakalaan para sa tugon ng taong nais kapanayamin. ❖Maaring ipadala sa e-mail at ipamahagi ng personal sa paksa Focus Group Discussion ❖ Isang metodo sa pangangalap ng datos na kung saan ang mananaliksik ay bumubuo ng isang maliit na pangkat na kinabibilangan ng magkakaibang tao na ang tugon ay siyang pinag-aaralan sa market research at political analysis sa pamamagitan ng ginabayan at bukas na talakayan. Focus Group Discussion ❖ Tagal: 60 at 90 minuto ❖ Mas maikli sa 60 minuto – madalas mahirap na ganap na tuklasin ang paksa ng talakayan ❖ Mahaba kaysa sa 90 minuto- ang talakayan ay maaring maging hindi produktibo (habang napapagod ang mga kalahok). Focus Group Discussion ❖ 2-8 tao ❖ nagbigay ng pasalitao pangkaisipang pahintulot sa isang nakasulat na porma ❖Malinaw ang lokasyon at oras ng FGD ❖Nasa isang pampublikong lugar na maginhawa para sa mga kalahok Anyo ng Focus Group Discussion ❖ Two-way focus group Nahahati sa dalawa o higit pang pangkat. Ang isang pangkat ay kailangang magsagawa ng obserbasyon o pagmamasid sa talakayan at konklusyon ng ibang pangkat at vice versa. Anyo ng Focus Group Discussion ❖ Dual moderator focus group ito ay kinasasangkuta ng dalawang tagapamagitan o moderator na kung saan ang tungkulin ng isa ay siguraduhin na nag lahat ng paksa ay makakasama sa pagtalakay. Anyo ng Focus Group Discussion ❖Dueling moderator focus group dalawang tagapamagitan ang maingat na mangunguna sa pagtalakay sa dalawang panig sa usapin ng pagtalakay. Anyo ng Focus Group Discussion ❖Respondent moderator focus group ang isa sa mga respondent ng pag-aaral ang siyang itatalaga upang mangasiwa sa daloy ng talakayan. Anyo ng Focus Group Discussion ❖Mini focus group ang pangkat o grupo sa ganitong uri ng pagtalakay ay binubuo ng anim hanggang limang kasapi sa halip na anim hanggang labindalawang kasapi. Video Documentation ❖Pagrerekord ng mga imahe at tunog. ❖Karaniwang ginagamit ito sa pagtatala ng mahahalagang pangyayari sa kasaysayan. ❖Maari itong lapatan ng pagsasalaysay o narration at ng musika. White Paper ❖Isang saliksik o ulat mula sa isang ahensya ng gobyerno, opisyal ng gobyerno, think tank, akademikong departamento o eksperto na naglalahad ng makabuluhang impormasyon at/o mga panukala kaugnay ng isang napapanahong isyu. Deskriptibong Pananaliksik ❖Deskriptibo o palarawang paglalahad ng mga katangian ng isang tao, grupo, sitwasyon, bagay, phenomenon at iba pa na sinusuri/piang-aaralan ( San Juan et al., 2019) Deskriptibong Pananaliksik ❖Kongkreto at abstrakto ang deskripsyon sa pamamagitan ng pagtugon sa mga katanungan kung sino, ano, kalian, saan at paano. ❖Inilalarawan nito ang mga kasalukuyang ginagawa sa pananaliksik na may pagsasaalang- alang sa mga pamantayan at kalagayan. Deskriptibong Pananaliksik ❖Halimbawa ❖“Pananaw ng mga kalalakihan sa Konsepto ng Seenzone” nina Jethro laput at Ma. Fatima Bullecer sa The Bedad Journal of Psychology (2016) Komparatibong Pananaliksik ❖Tumutukoy sa deskriptibo o palarawang paghahambing/pagkukumpara sa mga pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang tao, grupo, sitwasyon, bagay, penomenon, at iba pa ❖Ang komparatibong pananaliksik ay naglalayong maghambing ng anomang konsepto, kultura, bagay, pangyayari, at iba pa. Komparatibong Pananaliksik ❖Halimbawa “Komparatibong Analisis ng Aktuwal na Gamit ng Wika at mga Piling Pamantayan sa Gramatika at Ortograpiya sa Filipino, Sebwano-Bisaya, at Ilokano: Lapit Batay sa Korpus” ni Joel P. Ilao sa Daluyan (2012). Case Study o Pag-aaral ng kaso ❖Tumutukoy sa detalyadong paglalarawan sa sitwasyon ng isang tao, bagay, lugar, pangyayari, phenomenon at iba pang potensyal na lunsaran ng mga susunod pang pag-aaral sa mga kahawig na kaso (San Juan et al., 2019). Case Study o Pag-aaral ng kaso ❖Kwalitatibo ang kalikasan ng pag-aaral na ito na karaniwang nakatuon sa tiyak o particular na tao o mga phenomena. Bagama’t may mga aklat na nagsasabi na ito ay kwalitatibo at kwantitatibo. Case Study o Pag-aaral ng kaso Ilan sa mga halimbawa ng ganitong pananaliksik ay “Isang Kritikal na Pag-aaral Ukol sa Epekto ng Malawakang Pagpapalit-gamit ng Lupa sa Kita at Pang-ekonomikong Kasiguruhan ng mga Pesante sa Barangay Santiago ng General Trias, Cavite” ni Kaye Melody P. Reyes (2010). Pagsusuring Tematiko Ang pagsusuring tematiko (San Juan, et al., 2019) ay pamamaraan ng pagtukoy, pagsusuri, at pagtatala sa mga tema o padron ng naratibo sa loob ng isang teksto. Pagsusuring Tematiko Malapit sa paraang ito ang pagsusuri ng nilalaman o content analysis na tumutukoy naman sa paglalarawan at/o pagsusuri sa nilalaman ng isang teksto at maaaring gamitin sa pag-alam ng dalas ng paggamit ( frequency ) ng isang partikular na salita, parirala, konsepto, o ideya sa isang teksto na paksa ng pag-aaral gayudin sa pag-alam ng pagpupuwesto ng elemento ng komunikasyon sa isang partikular na teksto. Pagsusuring Tematiko Halimbawa “Mga Piling Talumpati ng Iba’t Ibang Pangulo ng Pilipinas: Isang Pagsusuri ni Rechelle Almendral, et al. Pagbuo ng Glosaryo Tumutukoy ito sa pananaliksik hinggil sa proseso ng pagtatala ng depinisyon ng mga termino alinsunod sa kontemporaryong gamit ng mga salita sa isang partikular na larangan (San Juan, et al., 2019). Pagbuo ng Glosaryo Isa sa halimbawa ng ganitong pananaliksik ay “Glosaryo ng mga Termino sa Panitikan” ni David Michael San Juan (2010). Maaari namang imungkahi ang paksang “Glosaryo ng mga Termino sa Araling Pangkaunlaran ( Development Studies )” para sa metodong ito. Pagbuo at Balidasyon ng Materyales na Panturo Tumutukoy sa pananaliksik hinggil sa proseso ng pagbubuo at balidasyon ng mga modyul at iba pang materyales na panturo na kaiba sa karaniwang umiiral o kaya’y nakaangkla sa panibagong pamamaraan o dulog sa pagtuturo (San Juan, et al., 2019). Pagbuo at Balidasyon ng Materyales na Panturo Isa sa halimbawa ng ganitong pananaliksik ay “Debelopment at Balidasyon ng Modyul sa Filipino I Para sa Dayuhang Mag- aaral sa Antas Tersyarya” ni Arlene M. Soliman (2007). Maaari namang imungkahi ang paksang “Pagbubuo at Balidasyon ng Kompletong Modyul sa Pagtuturo ng Asignaturang Serbisyong Pangkalusugan sa mga Komunidad ( Community Health Service ) sa Filipino” para sa metodong ito. Pagsusuri sa Diskurso Ang pagsusuri ng diskurso ay isang uri ng pag- aaral na kadalasang ginagamit sa pagtalakay sa mga usaping nangyayari sa lipunan at sa mundo. Tumutukoy ito sa pagsusuri sa paraan ng pagpapahayag at/o mensaheng nangingibabaw sa teksto, awit, video, pelikula, at iba pang materyales (San Juan, et al., 2019). Pagsusuri sa Diskurso Isa sa halimbawa ng ganitong pananaliksik ay ang artikulo ni Rowell Madula na www.ang_espasyong_bakla_sa_cyberspace.com Isang Pagsusuri ng Diskurso ng Usapang Bakla sa mga Chatroom” na nalathala sa Malay (2010). Artikulo Ang papel na ito ay isang pagtatangka na unawain ang proseso ng pagbuo ng identidad ng mga bakla sa chatrooms bilang isang malay na selebrasyon ng kanilang sekswalidad. Itinuturing na ito ay akto ng pag-aangkin ng espasyong matatawag na espasyong bakla. Ang cyberspace bilang virtual na espasyo ay patuloy na lumalawak at nagbibigay-daan sa paglalaan ng mga espasyo para sa mga partikular na identidad. Artikulo Gamit ang iba’t ibang balangkas ng pagsusuri sa mga diskurso ng mga bakla sa chatrooms, dinalumat ang mga pinagdaraanang karanasan ng paglalantad at asimilasyon ng mga bakla tungo sa unti-unting pagkilala sa kanilang papel na gagampanan sa pagpapalaya ng sarili at kapwa bakla. Nilalayon ng papel na itong isatinig ang mga bulong-bulungan ng mga bakla sa kanilang nilikha at patuloy na nililikhang espasyong bakla sa cyberspace. SWOT ANALYSIS Tumutukoy ito sa pagsusuri ng kalakasan ( strengths ) at kahinaan ( weakness ) ng isang programa/plano, at mga oportunidad ( opportunities ) o bagay na makatutulong sa implementasyon at mga banta ( threat ) o bagay na maaaring makahadlang sa implementasyon ng programa/plano (San Juan, et al., 2019). SWOT ANALYSIS Kalakasan ( Strengths ) Bilang gabay upang maunawaan ang konsepto ng pagsusuring ito sa ilalim ng SWOT, mahalaga na sagutin ang mga sumusunod na katanungan o pamantayan: 1. Ano ang kalamangan o bentahe na mayroon ang samahan o organisasyon na iyong kinabibilangan? 2. Ano ang ikinaangat mo sa iba o sa tinatawag na mga competitor o kalabang kumpanya? SWOT ANALYSIS 3. Ano ang ikinatangi o pinakamababang halaga ng gugulin sa mga pinagkukunan na wala ang mga kalaban o competitors? 4. Ano ang mga kalakasan mo na nakikita ng ibang tao na tumatangkilik sa iyo? 5. Ano ang mga salik na nangangahulugan na ikaw ay kumita? 6. Ano ang kakaibang bentahe ng iyong organisasyon (unique selling proposition)? SWOT ANALYSIS Kahinaan ( Weaknesses ) Ang pagsagot sa mga sumusunod na katanungan ay makatutulong upang matukoy ang kahinaan (weakness) ng samahan o organisasyon na kinabibilangan: 1. Ano-ano ang maaaring paghusayin? 2. Ano ang nararapat iwasan? SWOT ANALYSIS 3. Ano-ano ang mga kahinaan (weaknesses) ng iyong samahan o organisasyon na maaaring makita ng mga tao na tumatangkilik sa iyo? 4. Ano-ano ang mga salik na nakaapekto sa benta ng iyong samahan o organisasyon? SWOT ANALYSIS Pagkakataon ( Opportunity ) Makatutulong din ang pagsagot sa mga sumusunod na katanungan upang matugunan ang pangangailangan ng SWOT sa aspekto ng pagkakataon ( opportunity ): 1. Ano-anong magagandang oportunidad ang nakikita mo sa proyekto ? 2. Ano-anong kapana-panabik na kaganapan (trends) ang nababatid mo? SWOT ANALYSIS Banta ( Threats ) Matutukoy ng isang mag-aaral ang mga banta (threats) sa kaniyang organisasyon o samahan gamit ang mga sumusunod na katanungan bilang gabay: 1. Ano-anong mga balakid ang kinahaharap mo sa pangangasiwa sa iyong organisasyon o samahan ? 2. Ano-ano ang ginagawa ng iyong mga kalaban o competitor? SWOT ANALYSIS 3. Ang istandard ba ng kalidad para sa iyong trabaho, mga produkto, at serbisyo ay nagbabago? 4. Ang mga pagbabago ba sa teknolohiya ay nagiging panganib o banta sa iyong posisyon? 5. Ikaw ba ay may mga pautang na hindi nasisingil o suliranin sa daloy ng pananalapi? 6. Ang mga kahinaan ba ng iyong negosyo ay may malaking banta sa iyong negosyo? ACTION RESEARCH Pananaliksik ito na nakatuon sa paglutas ng ispesipikong suliranin sa loob ng silid-aralan, o kaya’y kaugnay ng proseso ng pagkatuto sa isang partikular na sitwasyon (San Juan, et al., 2019). ACTION RESEARCH Si Professor Kurt Lewin ang kinilalang nagpaunlad ng pananaliksik na ito noong 1940s. Kinasasangkutan ito ng kwantitatibo at kwalitatibong pananaliksik o pareho. Proseso sa pagbuo ng Aksyon na pananaliksik 1. Pagtukoy sa mga suliranin - ang unang hakbang na dapat gawin sa pagbuo ng ganitong uri ng pananaliksik ay ang pagtukoy sa mga suliranin g nakapaloob sa organisasyong kinabibilangan katulad ng subalit hindi limitado sa mga sumusunod: pamamalakad o sistema, ugnayan ng tao, polisiya. Proseso sa pagbuo ng Aksyon na pananaliksik Hindi kailangan na tumingin sa malayo o hanapin ang suliranin ng iba sapagkat pinaniniwalaan ng ganitong uri ng pananaliksik na higit na makatutulong ang isang pag- aaral kung kaya nitong mapaunlad ang mga tao sa loob ng isang institusyon o organisasyon na kung saan ang mananaliksik ay may kontrol. Proseso sa pagbuo ng Aksyon na pananaliksik 2. Pagbuo ng plano - ang hakbang na ito ay tumutukoy kung paano matutugunan ang pangangailangan ng usapin ay maaaring gamitin ang sumunod na hakbang ng pananaliksik. Dapat na maging tiyak o kongkreto ang plano na kayang mabigyan ng implementasyon sa loob ng maikling panahon. Proseso sa pagbuo ng Aksyon na pananaliksik 3. Pangangalap ng datos - ang mananaliksik ay kailangang magsagawa ng pangangalap ng datos hinggil sa paksa ng kaniyang pag-aaral na kung saan ay may ganap na kontrol.. Proseso sa pagbuo ng Aksyon na pananaliksik Proseso sa pagbuo ng Aksyon na pananaliksik 4. Pagsusuri ng datos - ang mga datos na makakalap ay kailangang dumaan sa proseso ng pagsusuri gamit ang estadistika, literatura, at mga obserbasyon. Mahalaga ang bahaging ito ng pag-aaral sapagkat isa ito sa mga pamantayan upang maipakita ang kredibilidad ng isinagawang pag-aaral. Proseso sa pagbuo ng Aksyon na pananaliksik 5. Pagbuo ng plano upang maging batayan ng aksyon o pagkilos sa hinaharap. Matapos ang pagtuklas, mahalaga na ang mananaliksik ay makabuo ng kongkretong plano kung paano niya mapauunlad ang kaniyang mga naunang plano. Ang ibig sabihin nito, nararapat na makita ng mananaliksik kung ano ang kaniyang mga natutunan buhat sa kaniyang mga naunang pagkakamali at kung paano niya higit pang mapauunlad ang naging kalakasan ng kaniyang mga naunang plano. PAGBATI SA PAGTATAPOS SA KURSONG FILI 102 Maghanda para sa oral na presentasyon ng Pananaliksik gayundin sa darating na Pinal na pagsusulit