Mga Sitwasyong Pangwika (PDF)
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
- Aralin 3_Nasyonalismo, Rehiyonalismo, at Imperyalistang Tagalog PDF
- KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO PRELIM REVIEWER PDF
- "METAMORPOSIS" (TAGALOG, PILIPINO, FILIPINO) PDF
- Unang-Paksa-Wika-Wikang-Filipino-Bilang-Konsepto PDF - Tagalog
- Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino PDF
- Iba Pang Sitwasyong Pangwika PDF
Summary
Ang papel na ito ay naglalahad ng mga sitwasyong pangwika sa iba't ibang sektor ng media sa Pilipinas. Tinatalakay ang papel ng telebisyon, radyo, diyaryo, pelikula at video sharing sa social media, at mga kulturang popular, sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Pinag-aaralan rin dito ang mga uso sa paggamit ng wika sa internet.
Full Transcript
MGA SITWASYONG PANGWIKA MGA SITWASYONG PANGWIKA 1. Ano ang isyu sa napakinggang balita? 2. Ano-ano ang mga inilahad ng nagsasalita sa balita? 3. Magtala ng limang (5) salitang ginamit kaugnay ng isyu sa balita. Ang telebisyon ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasaluku...
MGA SITWASYONG PANGWIKA MGA SITWASYONG PANGWIKA 1. Ano ang isyu sa napakinggang balita? 2. Ano-ano ang mga inilahad ng nagsasalita sa balita? 3. Magtala ng limang (5) salitang ginamit kaugnay ng isyu sa balita. Ang telebisyon ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang naaabot nito. Sa paglaganap ng cable o satellite connection ay lalong dumami ang manonood ng telebisyon saan mang sulok ng bansa sapagkat nararating na nito maging ang malalayong pulo ng bansa at maging ang mga Pilipino sa ibang bansa. Ang magandang balita, wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa ating bansa. Ang halos lahat kasi ng mga palabas sa mga lokal na channel ay gumagamit ng wikang Filipino at ng iba't ibang barayti nito. Ito ang wika ng mga teleserye, mga pantanghaling palabas, mga magazine show, news and public affairs, komentaryo, dokumentaryo, reality TV, mga programang pang-showbiz, at maging mga programang pang-edukasyon. May mangilan- ngilang news program sa wikang Ingles at bernakular subalit ang mga ito'y hindi sa mga nangungunang estasyon kundi sa ilang lokal na news TV at panrehiyong TV network May mga pagkakataong inilalagay sa gabi at hindi sa primetime ang iskedyul ng mga balitang nasa wikang Ingles kung kailan tulog na ang nakararami. Ang pagdami ng palabas pantelebisyon partikular. Ang mga teleserye o telenobela at mga pantanghaling programa o noontime show tulad ng Eat Bulaga at It's Showtime na sinusubaybayan ng milyon-milyong manonood ang isa sa malalaking dahilan kung bakit maraming mamamayan sa bansa ang nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino. Malakas ang impluwensiya ng mga programang ito na gumagamit ng wikang Filipino sa mga manonood. Hindi kasi uso ang mag-subtitle o mag-dub ng mga palabas sa mga wikang rehiyonal. Ang madalas na exposure sa telebisyon ang isang malaking dahilan kung bakit ang nakararaming mamamayan sa Pilipinas ay nakapagsasalita ng Filipino at maraming kabataan ang namumulat sa wikang ito bilang kanilang unang wika maging sa lugar na hindi kabilang sa Katagalugan. Sa mga probinsiya, kung saan rehiyonal na wika ang karaniwang gamit ay ramdam ang malakas na impluwensiya ng wikang ginagamit sa telebisyon. Makikita na gumagamit rin sila ng wikang Filipino sa mga paskil o babalang nasa paligid ng mga lugar kahit na marami rin ang nakasulat sa lokal na wika tulad ng "Bawal Magtapon ng Basura Dito" at "Bawal Magbutang ug Basura Diri." Kapag nagtanong ka ng direksiyon sa wikang Filipino ay sasagutin ka rin sa wikang ito. Patunay ang mga ito na habang dumarami ang manonood ng telebisyon ay lalong lumalakas ang hatak ng midyum na ginagamit dito sa mga mamamayang Pilipino saanmang dako ng bansa at maging ng mundo. Sitwasyong Pangwika sa Radyo at Diyaryo Katulad ng telebisyon, Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo. Ang halos lahat ng mga estasyon ng radyo sa AM man o sa FM ay gumagamit ng Filipino at iba't ibang barayti nito. May ilang Add aprograma little bit ofrin sa FM body na gumagamit ng text wikang Ingles sa pagbo-broadcast, nakararami pa rin ang gumagamit ng wikang Filipino. May mga estasyon ng radyo sa probinsiyang may mga programang gumagamit ng rehiyonal na wika pero kapag may kinapanayam silá ay karaniwang sa wikang Filipino sila nakikipag-usap. Sitwasyong Pangwika sa Radyo at Diyaryo Sa mga diyaryo naman ay wikang Ingles ang ginagamit sa mga broadsheet at wikang Filipino sa mga tabloid. Sitwasyong Pangwika sa Pelikula at Video Sharing sa Social Media Platform Sa panahon ng pandemya kung saan naging limitado ang galaw ng mga tao at karam sa atin ay nanatili lang sa atin- ating tahanan, namayagpag ang mga pelikula mula sa streaming services tulad ng Netflix, Amazon Prime Video, iFlix, at iba pa. Nakararami ang mga hanyap pelikula at serye sa streaming services na ito subalit maraming pelikula at seryeng Filipino mga barayti nito ang mainit ding tinangkilik at naging popular sa mga manonood na madalas y napapabilang pa sa Top 10 na mga palabas sa Pilipinas. Sitwasyong Pangwika sa Pelikula at Video Sharing sa Social Media Platform Gayumpama'y naging matamlay ang pagtanggap ng mga tao sa Metro Manila Film Festival (MMFF) noong 2021. Hindi tulad ng mga nagdaang panahon bago magpandemy hindi pinilahan ang mga pelikulang itinampok sa taong ito. Ang beteranong direktor na Joey Javier Reyes ay nagbigay ng anim (6) na dahilan kung bakit sa palagay niya ay hind masyadong tinangkilik ang MMFF 2021 tulad ng sumusunod: "(1) Mahal ang ticket. (2) Ma gusto ng tao kumain at magpasyal kaysa magsine ngayon. (3) Takot pa ang taong manood a sinchan. (4) Ang Pasko ay pampamilya lalo na sa mga bata. (5) Nahumaling na ang tao sa streaming: Netflix, Viu, Vivamax, Upstream, KTX. (6) Matapos ang isang taon at sampung buwan ng pangangamba, nag-iba na tayo sa kinagawian natin. ACCEPT. ADJUST. ADVANCE OK, next move," ang sabi ng direktor sa kanyang post. Sa ngayon nga ay panahon lamang ang makapagsasabi kung sa paglipas ng pandemya at makabalik ang mga tao sa dating kinagawin ay muling magbalik ang sigla ng pelikulang Pilipino. Sitwasyong Pangwika sa Pelikula at Video Sharing sa Social Media Platform Sa maraming babasahin at palabas sa Filipino, ang tila nangingibabaw na layunin ay mang-aliw, manlibang, at lumikha ng ugong o ingay ng kasayahan (Tiongson, 2012). Sitwasyong Pangwika sa Iba Pang Anyo ng Kulturang Popular Isa sa mga katangian ng wika ang pagiging malikhain. Sa patuloy na paglago ng wika av umuusbong ang iba't ibang paraan ng malikhaing paggamit dito dala na rin ng impluwensiya ng mga pagbabagong pinalalaganap ng media. Sa kasalukuyan ay may iba't ibang nauusong paraan ng malikhaing pagpapahayag na gumagamit ng wikang Filipino at mga barayti nito sa mga sitwasyong tulad ng sumusunod: Sitwasyong Pangwika sa Iba Pang Anyo ng Kulturang Popular Flip Top Ito'y pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap. Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang mga bersong nira-rap ay magkakatugma bagama't sa FlipTop ay hindi nakalahad o walang malinaw na paksang pagtatalunan. Kung ano lang ang paksang sisimulan ng naunang kalahok ay siyang sasagutin ng kanyang katunggali. Di tulad ng balagtasan na gumagamit ng pormal na wika sa pagtatalo, sa FlipTop ay walang nasusulat na iskrip kaya karaniwang ang mga salitang ibinabato ay di pormal at maibibilang sa iba't ibang barayti ng wika. Pangkaraniwan din ang paggamit ng mga salitang nanlalait para mas makapuntos sa kalaban. Sitwasyong Pangwika sa Iba Pang Anyo ng Kulturang Popular Laganap ang Flip Top sa mga kabataan. Katunayan, may malalaking samahang nagsasagawa ng mga kompetisyong tinatawag na Flip Top Battle League kung saan may mahigit 1.5 billion views na sa YouTube. Ang bawat kompetisyong tinatampukan ng dalawang kalahok ay may tigatlong round at ang panalo ay dinedesisyonan ng mga hurado. May mga FlipTop na isinasagawa sa ating bansa na gumagamit din ng wikang Ingles subalit ang karamihan ay sa wikang Filipino lalo sa tinatawag nilang Filipino Conference Battle. Ang karaniwang paraan ng paglaganap ng FlipTop ay sa pamamagitan ng YouTube. Kahit ngayong panahon ng pandermya ay patuloy ang pagsasagawa ng mga kompetisyon sa FlipTop kung saan umaabot pa rin nang milyon-milyon ang mga views nito sa YouTube. Sitwasyong Pangwika sa Iba Pang Anyo ng Kulturang Popular Pick-up Lines May mga nagsasabing ang pick-up lines ay makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas maiugnay sa pag-ibig at ibu pang aspekto ng buhay. Sinasabing nagmula ito sa boladas ng mga binatang nanliligaw na nagnanais magpapansin, magpakilig, magpangiti, at magpa-ibig sa dalagang nililigawan. Kung may mga salitang angkop na makapaglalarawan sa pick-up line, masasabing ito'y nakatutuwa, nakapagpapangiti, nakakikilig, cute, cheesy, at masasabi ring corry. Madalas itong marinig sa usapan ng mga kabataang magkákáibigan o nagkakaibigan. Nakikita rin ito sa mga Facebook wall, sa Twitter, at sa iba pang social media network. Ang wikang ginagamit sa mga pick-up lines ay karaniwang Filipino at mga barayti nito subalit nagagamit din ang Ingles Sitwasyong Pangwika sa Iba Pang Anyo ng Kulturang Popular Kailangang ang taong nagbibigay ng pick-up line ay mabilis mag- isip at malikhain para sa ilang sandali lang ay maiugnay o maikonekta ang kanyang tanong sa isang nakapagpapakilig na sagot. "BOOM!" ang sinasabi kapag sakto o maliwanag na maliwanag ang koneksiyon ng dalawa. Nauso ang pick-up lines dahil sa impluwensiya ni "Boy Pick-up" o Ogie Alcasid sa programa nilang Bubble Gang na may ganitong segment. Sitwasyong Pangwika sa Iba Pang Anyo ng Kulturang Popular Ang hugot lines, kaiba sa pick-up lines, ay tinatawag ding love lines o love quotes. Ito ay isa pang patunay na ang wika nga ay malikhain. Hugot lines ang tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakikilig, nakatutuwa, cute, cheesy, o minsa'y nakaiinis. Sitwasyong Pangwika sa Iba Pang Anyo ng Kulturang Popular Karaniwang nagmula ito sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyong nagmarka sa puso't isipan ng mga manonood subalit madalas nakagagawa rin ng sarili nilang "hugot lines" ang mga tao depende sa damdamin karanasang pinagdaraanan nila sa kasalukuyan. Minsan ang mga ito'y nakasulat sa Filipino subalit madalas, Taglish ang gamit na salita sa mga ito. Makikita sa ibaba hanggang sa kabilang pahina ang ilang halimbawa ng hugot lines. "Siguro kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin dahil may darating pang ibang mas magmamahal sa 'tin-'yung hindi tayo sasaktan at paaasahin 'yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin." -John Lloyd Cruz bilang Popoy, One More Chance (2007 Sitwasyong Pangwika sa Text, sa Chat, at sa DM o Direct Message Ang pagpapadala at pagtanggap ng SMS (short messaging rustem) na lalong kilala bilang text message o text at ng chat sa mga libreng mobile messaging app tulad ng sa FB messenger at sa Viber gayundin ng direct message o DM sa Instagram at Twitter kung saan maliban sa mensahe ay puwede ring magpadala ng larawan, video, audio recording at bumuo ng group chat ay siya na ngayong mga nangungunang paraan ng komunikasyon sa ating bansa. Lalo pa itong lumaganap sa panahon ng pandemya kung saan nalimitahan ang paglabas ng mga tao para makipag- usap nang harapan. Sitwasyong Pangwika sa Text, sa Chat, at sa DM o Direct Message Higit na naging popular ang pagpapadala ng maiikling mensaheng ito sa text o sa chat kaysa pagtawag sa telepono o cell phone dahil bukod sa mas murang mag-text at libre pa kapag messaging app ang ginamit, may mga pagkakataong mas komportable ang taong magparating ng maiikling mensaheng nakasulat kaysa sabihin ito nang harapan o sa pamamagitan ng tawag sa telepono. Sa mga mensaheng ipinadadala nga naman ay hindi mo nakikita ang ekspresyon ng mukha o tono ng boses ng taong tumatanggap ng mensahe. Sa pagpindot din sa keypad ay mas nabibigyan ng pagkakataon ang taong i-edit ang sarili niya at piliin ang mas angkop na pahayag o salita kaysa sa kung aktuwal niya itong sinasabi sa harapan man o sa telepono Sitwasyong Pangwika sa Text, sa Chat, at sa DM o Direct Message Subalit ano ba ang katangian ng wika sa SMS o text, chat, o sa direct message o DM? Ikaw mismo kapag nagpapadala ng ganitong mga mensahe ay malamang na gumagamit ng magkahalong Filipino at Ingles at pinaikling mga salita, hindi ba? Sa pagbuo ng ganitong mensahe, madalas ginagamit ang code switching o pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag. Madalas ding binabago o pinaiikli ang baybay ng mga salita para mas madali o mas mabilis itong mabuo. Walang sinusunod na rule o tuntunin sa pagpapaikli ng salita, Ingles o Filipino man ang gamit basta't maipadala ang mensahe sa pinakamaikli, pinakamadah, at kahit paano'y naiintindihang paraan. Halimbawa, ang okay ay nagiging ok ok na lang. Ang dito ay nagiging 42. Pinaghahalo ang Ingles at Filipino at saka dinadaglat para masabing "d2 na me Wr u na?" mula sa mahabang "Nandito na ako. Where are you na?" Madalas ding tinatanggal Sitwasyong Pangwika sa Social Media at sa Internet Sa panahong ito ay mabibilang na lang marahil sa daliri ang tao lalo na ang kabataang wala ni isang social media account tulad ng Facebook, Instagram, Twitter, Pinterest, Tumblr, at iba pa. Maging mga nakatatanda tulad ng mga lolo at lola ay kabilang na rin sa mga netizen na umaarangkada ang social life sa pamamagitan ng social media. Marami ang nagtuturing ditong isang biyaya dahil nagiging daan ito ng pagpapadali ng komunikasyon sa pagitan ng magkakaibigan o mga mahal sa buhay lalo na iyong malalayo sa isa't isa o matagal nang hindi nagkikita. Madaling makabalita sa mga nangyayari sa buhay sa pamamagitan ng mga naka-post na impormasyon, larawan, at pagpapadala ng pribadong mensahe gamit ang mga ito. Sitwasyong Pangwika sa Social Media at sa Internet Kumusta naman kaya ang paggamit ng wika sa mga social media? Magbasa ka ng post ng mga kaibigan mo sa social media at mapapansin mong karaniwan ang code switching o pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag gayundin ang pagpapaikli ng mga salita o paggamit ng daglat sa mga post at komento rito. Sitwasyong Pangwika sa Social Media at sa Internet Kumusta naman kaya ang paggamit ng wika sa mga social media? Magbasa ka ng post ng mga kaibigan mo sa social media at mapapansin mong karaniwan ang code switching o pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag gayundin ang pagpapaikli ng mga salita o paggamit ng daglat sa mga post at komento rito. Thank you