PILING LARANG REVIEWER - Pagsulat ng Talumpati PDF

Document Details

CoherentLyric9646

Uploaded by CoherentLyric9646

General Santos City SPED Integrated School

Tags

Tagalog Talumpati Pagsulat Komunikasyon

Summary

Ang dokumentong ito ay isang repleksyon sa pagsulat ng talumpati sa Tagalog. Tinalakay nito ang iba't ibang uri ng talumpati at ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat nito. Binanggit din ang iba't ibang aspeto gaya ng mga uri ng talumpati at ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat.

Full Transcript

**PILING LARANG REVIEWER** **PAGSULAT NG TALUMPATI** Talumpati- isang anyo ng paglalahad na binibigkas sa harap ng publiko. Isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay sa isang paksa. Karaniwang sinusulat at ibinibigkas sa madla, hindi ito magiging...

**PILING LARANG REVIEWER** **PAGSULAT NG TALUMPATI** Talumpati- isang anyo ng paglalahad na binibigkas sa harap ng publiko. Isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay sa isang paksa. Karaniwang sinusulat at ibinibigkas sa madla, hindi ito magiging ganap na talumpati kung hindi ibinibigkas. MGA URI NG TALUMPATI (Ayon sa Paraan ng Pagbigkas) **1. Biglaang Talumpati** **(IMPROMPTU)** - ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda. - Kaagad na ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita. - Ang susi ng katagumpayan nito ay nakasalalay sa mahalagang impormasyong kailangang maibahagi sa tagapakinig. **2. Maluwag na Talumpati** **(EXTEMPORANEOUS)** - Nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan batay sa paksang ibinigay bago ito ipahayag. Kaya madalas na *outline* lamang ang isinusulat ng mananalumpating gumagamit nito. **3. Manuskrito** - Ginagamit sa mga kumbensiyon, seminar, o programa sa pagsasaliksik kaya pinag-aaralan ito nang mabuti at dapat na nakasulat. - Ang nagsasalita ay nakadarama ng pagtitiwala sa sarili sapagkat naisasaayos niya nang mabuti ang kanyang sasabihin. - Kailangan ang matagal na panahon sa paghahanda ng ganitong uri ng talumpati sapagkat ito ay itinatala. **3. Manuskrito** - Limitado ang oportunidad ng tagapagsalitang maiangkop ang kanyang sarili sa okasyon. - Karaniwan din ay nawawala ang pakikipag-ugnayan ng tagapagsalita sa kanyang tagapakinig dahil sa pagbabasa sa manuskritong ginawa. **4. Isinaulong Talumpati** - Kagaya rin ito ng isang manuskrito sapagkat ito ay mahusay ring pinag-aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. - May oportunidad na magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa tagapakinig sapagkat hindi binabasa ang ginawang manuskrito kundi sinasaulo at binibigkas ng tagapagsalita. - Isang kahinaan nito ay pagkalimot sa nilalaman ng manuskritong ginawa. MGA URI NG TALUMPATI (Ayon sa Layunin) **1. Talumpating Nagbibigay ng** **Impormasyon o Kabatiran** - **Ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa isang paksa, isyu, o pangyayari**. Dapat na maging malinaw at makatotohanan ang paglalahad ng datos kaya mahalagang sa pagsulat nito ay gumamit ng mga dokumentong mapagkatiwalaan. - Ang ilan sa mga halimbawa nito ay panayam at pagbibigay ng ulat. **2. Talumpating Panlibang** - **Magbigay ng kasiyahan sa mga nakikinig.** Kaya naman sa pagsulat nito, kailangang lahukan ito ng mga birong nakatatawa na may kaugnayan sa paksang tinatalakay. Ginagawa ito tuwing salusalo, pagtitipong sosyal, at mga pulong ng mga samahan. **3.Talumpating Pampasigla** - **Magbigay inspirasyon sa mga nakikinig**. Tiyaking makapupukaw at makapagpapasigla sa damdamin at isipan ng mga tao. Higit na makakamit ang layuning ito kung ang tagapagsalita ay handang-handa sa pagsasagawa ng talumpati. - Karaniwang isinasagawa ang ganitong talumpati sa araw ng pagtatapos sa mg paaralan at pamantasan, pagdiriwang ng anibersaryo ng mga samahan o organisasyon, at kumbensiyon. **4. Talumpating Panghikayat** - **Hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati** sa pamamagitan ng pagbibigay-katwiran at mga patunay. - Ilan sa mga halimbawang ito ay sermon naririnig sa mga simbahan, kampanya ng mga politiko sa panahon ng halalan, talumpti sa Kongreso at maging ang talumpati ng abogado sa panahon ng paglilitis sa hukuman. **5. Talumpati ng Pagbibigay- galang** - **Tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o organisasyon**. Ginagawa rin ito bilang pagtanggap sa isang bagong opisyal na natalaga sa isang tungkulin. **6. Talumpati ng Papuri** - **Magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o samahan**. Kabilang sa mga ito ang talumpati ng pagtatalaga sa bagong hirang na opisyal, talumpati sa paggagawad ng medalya o sertipiko ng pagkilala ng isang tao o samahan at iba pa. PAGSULAT NG TALUMPATI (Mga Dapat Isaalang-alang) A. Ayon kay Lorenzo et al, (2002) sa kanilang aklat na *Sining ng Pakikipagtalastasang Panlipunan*, ang mga sumusunod ay dapat mabatid ng mananalumpati sa kanyang mga tagapakinig. 1\. Ang edad o gulang ng mga makikinig - Mahalagang alamin ang edad o gulang ng mga tagapakinig. Iakma ang nilalaman ng paksa at maging wikang gagamitin sa edad ng mga makikinig. 2\. Ang bilang ng mga makikinig - Kung marami ang makikinig, marami ring paniniwala at saloobin ang dapat na isaalang-alang ng mananalumpati. Mapaghandaan nang husto ang talumpati kung batid nang husto ang dami ng makikinig. 3.Kasarian - Madalas magkaiba ang interes, kawilihan, karanasan, at kaalaman ng kalalakihan sa kababaihan. Magkaibang pananaw ang dalawa hinggil sa isang partikular na paksa. Mahalagang malaman kung ang pagtitipong pupuntahan ay binubuo ng kalalakihan o kababaihan o ng magkahalong kasarian. 4\. Mga saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig - Kung may alam na ang mga tagapakinig tungkol sa paksa, sikaping sangkapan ito ng mga bago at karagdagang impormasyon upang hindi sila mabagot o mawalan ng interes. Dapat mabatid din kung gaano kalawak ang kaalaman at karanasan ng mga taga\[akinig. 5\. Edukasyon o antas ng lipunan - Malaki ang kinalaman ng edukasyon sa kakayahan ng mga tagapakinig na umunawa sa paksa. Kung ang mga makikinig ay kabilang sa masang pangkat, mahalagang gumamit ng mga salita o halimbawa na akma para sa kanila. Kung ang karamihan naman sa mga makikinig ay mga edukado at kabilang sa mataas na antas ng lipunan,iba ring pamamaraan ng pagtalakay ang dapat gamitin sa kanila. B. Tema o Paksa \- Mahalagang matiyak ang tema ng pagdiriwang **upang ang bubuoing talumpati ay may kinalaman sa layunin ng pagtitipon**. Ayon kina Casanova at Rubin (2001) sa kanilang aklat na *Retorikang Pangkolehiyo*, upang higit na maging kawili-wili ang talumpati, dapat makakitaan ng may sapat na kaalaman ang mananalumpati hinggil sa paksa. Ang kaalaman niya ay dapat ay nakahihigit sa kanyang tagapakinig. Ito ay nangangahulugang sa pagsulat ng talumpati, kailangan ang **sapat na paghahanda**, **pagpaplano at pag-aaral tungkol sa paksa**. 1\. PANANALIKSIK NG DATOS AT MGA KAUGNAY NA BABASAHIN - **Ito ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagbabasa at pangangalap ng impormasyon** sa ensayklopedya, aklat, pahayagan, magasin, at dyornal. **Maaari ding magsagawa ng interbyu sa isang taong eksperto sa paksang tatalakayin** upang maging makatotohanan ang susulating talumpati. - **Maging mahina ang talumpati kung ito ay salat sa mga datos, walang laman, at may maling impormasyon**. Mahalagang isiping higit na mahalaga ang nilalaman ng talumpati kaysa sa ganda boses, husay sa pagbigkas, at mga biswal na tulong sa presentasyon. - Sa kasalukuyan, ang *Internet* ang isa sa pangunahing ginagamit ng marami sa pangangalap ng mga datos mula sa mapagkatiwalaang mga sanggunian, artikulo, aklat, at iba pa. 3\. PAGTUKOY SA MGA PANGUNAHING KAISIPAN O PUNTO - Kapag may tiyak nang tesis para sa talumpati, maaari nang alamin ng mananalumpati ang mga pangunahing punto na magsisilbing batayan ng talumpati. Mahalagang mahimay o matukoy ang mahahalagang detalyeng bibigyang-pansin upang maging komprehensibo ang susulatin at bibigkasing talumpati C. Hulwaran o Modelo sa Pagbuo ng Talumpati 1\. KRONOLOHIKAL NA HULWARAN - Ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari o panahon. Maaaring isagawa ang paghahanay ng detalye mula sa unang pangyayari, sumunod na mga pangyayari, at panghuling pangyayari. 2\. TOPIKAL NA HULWARAN - Ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati ay nakabatay sa pangunahing paksa. Kung ang paksa ay kailangang hatiin sa mga tiyak na paksa ay mainam na gamitin ang hulwarang ito. - Halimbawa, kung tatalakayin ang paksa ang kultura, ay maaaring hatiin ito sa espisipikong paksa tulad ng sosyolohiya, antropolohiya, at maging ang uri ng heograpiyang kinalalagyan ng mga tao. 3\. HULWARANG PROBLEMA-SOLUSYON - Kalimitang nahahati sa dalawang bahagi ang pagkakahabi ng talumpati gamit ang hulwarang ito- ang paglalahad ng suliranin at ang pagtalakay sa solusyon na maaring isagawa. - Kalimitang ginagamit ang hulwarang ito sa mga uri ng talumpating nanghihikayat o nagpapakilos. D. Kasanayan sa Paghabi o Pagbuo ng Talumpati Ang paghahabi o pagsulat ng nilalaman ng talumpati mula sa umpisa hanggang sa matapos ito ay napakahalagang isaalang-alang upang maging **mahusay**, **komprehensibo** at **organisado** ang bibigkasing talumpati. Ayon kay Alcmitser P. Tumangan, Sr. et al., may-akda ng *Retorika sa Kolehiyo*, ang isang talumpati ay kailangang magtaglay ng **tatlong bahagi**. 1. **INTRODUKSIYON** - **Pinakapanimula ng talumpati** - **Naghahanda sa mga nakikinig para sa nilalaman** ng talumpati kaya naman dapat angkop ang pambungad sa katawan ng talumpati. - Mahalaga ang isang mahusay na introduksiyon ng talumpati upang a\. mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga makikinig. b\. makuha ang kanilang interes at atensiyon c\. maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping pagtalakay sa paksa d\. maipaliwanag ang paksa e\. mailahad ang balangkas ng paksang tatalakayin f\. maihanda ang kanilang puso at isipan sa mensahe **2. DISKUSYON O KATAWAN** - Dito **tinatalakay ang mahahalagang puntong nais ibahagi sa mga nakikinig**. - Mga katangiang kailangang taglayin ng katawan ng talumpati - a\. KAWASTUHAN - b\. KALINAWAN - c\. KAAKIT-AKIT a\. KAWASTUHAN - Wasto at maayos ang nilalaman ng talumpati. - Dapat totoo at maipaliliwanag nang mabisa ang lahat ng kailangang detalye. - Gumamit ng angkop na wika at may kawastuhang pambalarila ang talumpati. b\. KALINAWAN - Kailangang maliwanag ang pagkakasulat at pagkakabigkas ng talumpati upang maunawaan ng mga nakikinig. C. KAAKIT-AKIT - Gawing kawili-wili ang paglalahad ng mga katwiran o paliwanag para sa paksa. Sikaping makabuo ng nilalaman na kaugnay sa paksa at gigising sa kaisipan at damdamin ng mga makikinig. **3. KATAPUSAN O KONGKLUSYON** - Dito **kalimitang nilalagom ang mga patunay at argumentong inilahad sa katawan ng talumpati**. Ito ay kalimitang maikli ngunit malaman. Maaaring ilagay rito ang pinakamatibay na paliwanag at katwiran upang mapakilos ang mga tao ayon sa layunin ng talumpati. **4.HABA NG TALUMPATI** - Nakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas o presentasyon nito. Malaking tulong sa pagbuo ng nilalaman nito ang pagtiyak sa nilaang oras. POSISYONG PAPEL ![](media/image3.png) **Mga Kailangan sa Pagbuo ng Posisyong Papel:** 1.Gumamit ng katibayan upang suportahan ang iyong posisyon tulad ng ebidensyang istatistikal, petsa at mga kaganapan. 2.Patunayan ang iyong posisyon sa tulong ng mga kapani-paniwalang sanggunian o pangunahing pinagkukunan ng sipi. 3\. Suriin ang mga posibleng solusyon at magmungkahi ng mga aksyon. Pumili ng isang isyu kung saan mayroong isang malinaw na dibisyon ng opinyon at kung saan ito ay maaaring patunayan ng mga katotohanan at ng masaklaw na paraan ng pangangatwiran. Maaari kang pumili ng isang isyu kung saan mo na binuo ang isang opinyon. Gayunman, nangangailangan ang pagsulat na ito ng isang kritikal na pagsusuri. **Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Posisyong Papel** (Malayang Salin sa Filipino ng "How to Write a Position Paper" ni Grace Fleming) **1. Pagpili ng Paksa Batay sa Interes** Pumili ng paksa ayon sa iyong interes upang mapadali ang pagpapatibay ng iyong paninindigan o posisyon. Kinakailangan ang ganito upang sa kabila ng pagiging mahirap ng pagsulat ay hindi ka mawalan ng gana o panghinaan ng loob dahil gusto mo ang iyong paksa. Mas malawak din ang nagagawang pananaliksik ng mga datos, opinyon, estadistika, at iba pang mga anyo ng mga katibayan kapag nasa iyong interes ang paksa dahil nagiging mas bukas ang isipan sa mga bagong ideya. **2. Magsagawa ng Paunang Pananaliksik** Ang paunang pananaliksik ay kinakailangan upang matukoy kung ang katibayan ay magagamit upang suportahan ang iyong paninindigan. Maaaring gumamit ng mga datos mula sa Internet, ngunit tiyaking magmumula ito sa mga mapagkakatiwalaang web site, tulad ng mga educational site (.edu) ng mga institusyong akademiko at pampananaliksik at mga site ng gobyerno (.gov), upang mahanap ang mga propesyonal na pag-aaral at mga estadistika. Mahalaga ring magtungo sa silid-aklatan at gumamit ng mga nailathala nang mga pag-aaral patungkol sa iyong paksa. **3. Hamunin ang Iyong Sariling Paksa** Kailangang alamin at unawain ang kabaligtarang pananaw bukod pa sa nalalaman mo tungkol sa iyong paksa upang mapagtibay ang iyong kaalaman at paninindigan sa iyong isusulat na posisyong papel. Alamin ang lahat ng posibleng mga hamon na maaari mong makuha bilang suporta sa iyong mga pananaw. Dapat harapin at kilalanin sa iyong posisyong papel ang mga kasalungat na posisyon at gumamit ng mga kontra-argumento (datos, opinyon, estadistika, at iba pa) upang pahinain ang tindig ng mga ito. Sa kadahilanang ito, dapat mong maisa-isa ang mga argumento para sa mga kasalungat na posisyon, ilahad ang mga argumentong ito sa isang obhetibong paraan, at tukuyin kung bakit hindi tumpak ang mga ito. Makatutulong din ang pagguhit ng isang linya sa gitna ng isang pirasong papel, ilista ang iyong mga punto na sang-ayon sa iyong posisyon sa isang bahagi at mga kasalungat na punto naman sa kabilang bahagi. Pagkatapos ay tayain kung anong posisyon ba talaga ang mas mahusay. **3. Hamunin ang Iyong Sariling Paksa** Kailangang alamin at unawain ang kabaligtarang pananaw bukod pa sa nalalaman mo tungkol sa iyong paksa upang mapagtibay ang iyong kaalaman at paninindigan sa iyong isusulat na posisyong papel. Alamin ang lahat ng posibleng mga hamon na maaari mong makuha bilang suporta sa iyong mga pananaw. Dapat harapin at kilalanin sa iyong posisyong papel ang mga kasalungat na posisyon at gumamit ng mga kontra-argumento (datos, opinyon, estadistika, at iba pa) upang pahinain ang tindig ng mga ito. Sa kadahilanang ito, dapat mong maisa-isa ang mga argumento para sa mga kasalungat na posisyon, ilahad ang mga argumentong ito sa isang obhetibong paraan, at tukuyin kung bakit hindi tumpak ang mga ito. Makatutulong din ang pagguhit ng isang linya sa gitna ng isang pirasong papel, ilista ang iyong mga punto na sang-ayon sa iyong posisyon sa isang bahagi at mga kasalungat na punto naman sa kabilang bahagi. Pagkatapos ay tayain kung anong posisyon ba talaga ang mas mahusay. **5. Lumikha ng Balangkas** Narito ang isang halimbawa kung paano babalangkasin ang isang posisyong papel: Ipakilala ang iyong paksa gamit ang maikling paglalahad ng pangkaligirang impormasyon (background information). Gumawa ng pahayag ng tesis na iginigiit ang iyong posisyon. Itala ang mga posibleng kasalungat na pananaw ng iyong posisyon. Ipakita rin ang mga sumusuportang punto ng mga kasalungat na pananaw ng iyong posisyon. Pangatwiranang pinakamahusay at.nakatatayo pa rin ang iyong posisyon sa kabila ng mga inilahad na mga kontra-argumento. Ibuod ang iyong argumento at muling igiit ang iyong posisyon. Sa pagsulat ng posisyong papel, ipahayag ang iyong opinyon nang may paninindigan at kasinupan sa impormasyon. Maging matatag sa paninindigan, subalit panatilihin ang pagiging magalang. Iparating ang iyong mga punto at patunayan ang mga ito gamit ang mga ebidensiya. - Bago ang pagsusulat ng iyong posisyong papel, tukuyin at maingat na limitahan ang iyong isyu. Ang mga isyung panlipunan ay mahirap unawain at may maraming mga solusyon. Paiksiin ang paksa ng iyong papel sa paraang madaling pamahalaan. Saliksikin nang lubusan ang iyong isyu. Komunsulta sa mga eksperto at kumuha ng mga pangunahing dokumento. Isaalang-alang ang pagiging posible, kabisaat at pulitikal o sosyal na kapaligiran kapag sinusuri ang mga posibleng solusyon at aksyon. **Malayang Salin sa Fllipino\ NG *How to Write a Position Paper*\ ni Grace Fleming** 1. **Pagpili ng Paksa Batay sa Interes** **Pumili ng paksa ayon sa iyong interes** upang mapadali ang pagpapatibay ng iyong paninindigan o posisyon. Kinakailangan ang ganito upang sa kabila ng pagiging mahirap ng pagsulat ay hindi ka mawalan ng gana o panghinaan ng loob dahil gusto mo ang iyong paksa. Mas malawak din ang nagagawang pananaliksik ng mga datos, opinyon, estadistika, at iba pang mga anyo ng mga katibayan kapag nasa iyong interes ang paksa dahil nagiging mas bukas ang isipan sa mga bagong ideya. 2. **Magsagawa ng Paunang Pananaliksik** Ang paunang pananaliksik ay kinakailangan upang matukoy kung ang katibayan ay magagamit upang suportahan ang iyong paninindigan. Maaaring gumamit ng mga datos mula sa Internet, ngunit tiyaking magmumula ito sa mga mapagkakatiwalaang web site, tulad ng mga *educational site* (.edu) ng mga institusyong akademiko at pampananaliksik at mga site ng gobyerno (.gov), upang mahanap ang mga propesyonal na pag-aaral at mga estadistika. Mahalaga ring magtungo sa silid-aklatan at gumamit ng mga nailathala nang mga pag-aaral patungkol sa iyong paksa. - Ang paunang pananaliksik ay kinakailangan upang matukoy kung ang katibayan ay magagamit upang suportahan ang iyong paninindigan. Maaaring gumamit ng mga datos mula sa Internet, ngunit tiyaking magmumula ito sa mga mapagkakatiwalaang web site, tulad ng mga *educational site* (.edu) ng mga institusyong akademiko at pampananaliksik at mga site ng gobyerno (.gov), upang mahanap ang mga propesyonal na pag-aaral at mga estadistika. Mahalaga ring magtungo sa silid-aklatan at gumamit ng mga nailathala nang mga pag-aaral patungkol sa iyong paksa. 3. **Hamunin ang Iyong Sariling Paksa** Kailangang alamin at unawain ang kabaligtarang pananaw bukod pa sa nalalaman mo tungkol sa iyong paksa upang mapagtibay ang iyong kaalaman at paninindigan sa iyong isusulat na posisyong papel. Alamin ang lahat ng posibleng mga hamon na maaari mong makuha bilang suporta sa iyong mga pananaw. Dapat harapin at kilalanin sa iyong posisyong papel ang mga kasalungat na posisyon at gumamit ng mga kontra-argumento (datos, opinyon, estadistika, at iba pa) upang pahinain ang tindig ng mga ito. - Sa kadahilanang ito, dapat mong maisa-isa ang mga argumento para sa mga kasalungat na posisyon, ilahad ang mga argumentong ito sa isang obhetibong paraan, at tukuyin kung bakit hindi tumpak ang mga ito. Makatutulong din ang pagguhit ng isang linya sa gitna ng isang pirasong papel, ilista ang iyong mga punto na sang-ayon sa iyong posisyon sa isang bahagi at mga kasalungat na punto naman sa kabilang bahagi. Pagkatapos ay tayain kung anong posisyon ba talaga ang mas mahusay. 4. **Magpatuloy Upang Mangolekta ng Sumusuportang Katibayan** Matapos matukoy na ang iyong posisyon ay makatitindig na at ang kasalungat na posisyon (sa iyong opinyon) ay mas mahina kaysa sa iyong sariling posisyon, ikaw ay handa na sa iyong pananaliksik. Pumunta sa aklatan at maghanap ng mas maraming mapagkukunan ng datos. Maaari ding magsama ng opinyon ng isang dalubhasa o eksperto sa paksa (tulad ng mga doktor, abogado, o propesor). Gayundin ng mga personal na karanasan mula sa isang kaibigan o miyembro ng pamilya, personal na salaysay ng ibang tao, at iba pa na maaaring makaantig sa damdamin ng mambabasa. 5. **Lumikha ng Balangkas** Maaari ding magsama ng opinyon ng isang dalubhasa o eksperto sa paksa (tulad ng mga doktor, abogado, o propesor). Gayundin ng mga personal na karanasan mula sa isang kaibigan o miyembro ng pamilya, personal na salaysay ng ibang tao, at iba pa na maaaring makaantig sa damdamin ng mambabasa. - Narito ang isang halimbawa kung paano babalangkasin ang isang posisyong papel: 1\. Ipakilala ang iyong paksa gamit ang maikling paglalahad ng pangkaligirang impormasyon (background information). Gumawa ng pahayag ng tesis na iginigiit ang iyong posisyon. 2\. Itala ang mga posibleng kasalungat na pananaw ng iyong posisyon. 3\. Ipakita rin ang mga sumusuportang punto ng mga kasalungat na pananaw ng iyong posisyon. 4.Pangatwiranang pinakamahusay at nakatatayo pa rin ang iyong posisyon sa kabila ng mga inilahad na mga kontra-argumento. 5\. Ibuod ang iyong argumento at muling igiit ang iyong posisyon. Sa pagsulat ng posisyong papel, ipahayag ang iyong opinyon nang may paninindigan at kasinupan sa impormasyon. Maging matatag sa paninindigan, subalit panatilihin ang pagiging magalang. Iparating ang iyong mga punto at patunayan ang mga ito gamit ang mga ebidensiya. **Pagsulat ng Panukalang Proyekto** **Mga dapat gawin sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto** - Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2008) sa kanilang aklat na *A Guide to Proposal Planning and Writing*, sa pagsasagawa ng panukalang papel, ito ay kailangang magtaglay ng tatlong mahahalagang bahagi at ito ay ang mga sumusunod: a. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto b. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto c. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito d. Mahalagang isagawa ang pagtukoy sa pangangailangan ng komunidad, samahan o kompanya sa pagsulat ng panimula ng proyektong papel. e. Ang iyong pangunahing dahilan sa pagsulat ng panukalang proyekto ay upang makatulong at makalikha ng positibong pagbabago. f. Maaring gabay na tanong sa pagsulat ng panukalang proyekto: a. Ano-ano ang pangunahing suliraning dapat lapatan ng agarang solusyon? b. Ano-ano ang pangangailangan ng pamayanan o samahan na nais mong gawan ng panukalang proyekto? g. Maraming suliranin ang maaaring makita sa isang pamayanan, kompanya, o samahan. Sa mga pamayanan, ito ay maaaring kakulangan sa maayos na mga ilaw sa kalsada, kawalan ng *basketball court* para sa mga kabataan, kakulangan ng mga *health center* sa mga makabagong gamit at gamot, at iba pa. Sa mga kompanya naman o sa mga institusyon, maaaring ang mgasuliranin ay kakulangan sa c*onference room*, kakulangan sa maayos na daloy ng komunikasyon sa bawat opisina, kakulangan ng pondo para sa mga proyekto, at iba pa. PAGSULAT NG KATAWAN NG PANUKALANG PROYEKTO - Ang layunin ay kailangang maging SIMPLE (Jerremy at Lynn Miner, 2008) - Specific, Immediate, Measurable, Practical, Logical, Evaluable - [Plano na Dapat Gawin] - ang talaan ng mga gawain o plan of action ay naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin. Ito ay dapat maiplano ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng pagsasagawa,mga taong kinakailangan sa pagsasakatuparan, makatotohanan at ang badyet sa pagsasagawa nito. 1. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglalabas ng badyet (7 araw) 2. Pagsasagawa ng *bidding* mula sa mga contractor o mangongontrata sa pagpapagawa ng breakwater o pader (2 linggo) 1. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng contractor na gagawa ng breakwater (1 araw) 4. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay Bacao (3 buwan) 5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater (1 araw) - [Badyet] - isa sa pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto ay ang wasto at tapat na paglalatag ng kakailanganing badyet para dito. Ang badyet ay ang talaan ng mga gastusin na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin. a. Gawing simple at malinaw ang badyet upang madali itong maunawaan ng ahensiya o sangay ng pamahalaan o institusyon na mag- aaproba at magsasagawa nito. b. Pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasepikasyon niyo upang madaling sumahin ang mga ito. c. Isama sa iyong badyet maging ang huling sentimo. d. Sigaraduhing tama o wasto ang ginawang pagkukuwenta sa mga gastusin. [Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito] - Mahalagang maging espesipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang makikinabang sa pagsasakatuparan ng layunin. Maaaring isama sa bahaging ito ang katapusan o kongklusyon ng iyong panukala. Sa bahaging ito ay maaaring ilahad ang mga dahilan kung bakit dapat aprobahan ang ipinasang panukalang proyekto. **Balangkas ng Panukalang Proyekto** - Pamagat ng Panukalang Proyekto - Nagpadala - Petsa - Pagpapahayag ng Suliranin - Layunin - Plano na Dapat Gawin - Badyet - Paano Mapakikinabangan ng Pamayanan/Samahan ang Panukalang Proyekto PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY (n). Tinatawag ding travel essay o travelogue. Ito ay isang uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga nagiging karanasan sa paglalakbay. Ang paglalakbay ay kinapapalooban ng mayayamang karanasan. *Ngunit ang mga alaalang ito ay agad ding naglalaho kasabay ng pagpanaw ng taong nakaranas nito, kaya mahalagang matutunang magkaroon ng paglalakbay na maitatala at maisusulat upang ito ay manatili at mapakinabangan mga taong makakabasa.* Ayon kay Nonon Carandang, ito ay tinawag niyang sanaylakbay kung saan ang terminolohiyang ito ay binubuo ng tatlong konsepto: Sanaysay, Sanay, at Lakbay. Naniniwala siyang ang sanaysay ang pinakaepiktibong pormat ng sulatin upang maitala ang mga naranasan sa paglalakbay. - Maaaring naikwento niya ang kanyang mga karanasan ngunit kalaunan ito ay nakakalimutan. - Kaya naman, sa kanyang panayam sa naganap na UP Writers Workshop (Abril 2014) ay kanyang winika sa kanyang mga tagapakinig na sisikapin niyang isulat ang mga nangyari at kanyang naranasan sa kanyang mga paglalakbay sa pamamagitan ng paglalad gamit ang sanaysay. MAYROONG APAT NA PANGUNAHING DAHILAN NG PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay - MAGKAROON NG KAISIPANG MANLALAKBAY SA HALIP NA ISANG TURISTA- Upang makagawa ng isang masining at makabuluhang lakbay-sanaysay, dapat na isaisip ng taong naglalakbay na siya tutungo sa isang lugar hindi bilang isang turista kundi isang manlalakbay. - Mahalagang malinaw sa kanyang isip ang kanyang pakay at layunin. - Ang isang turista ay karaniwang nagtatakda ng **[itinerary]** o talaan ng magagandang pupuntahan. - Ngunit, para sa manlalakbay ay pangalawa nalamang ito. Sinisikap niyang maunawaan ang kultura, kasaysayan, heograpiya, hanapbuhay,pagkain at maging uri ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao. - SUMULAT SA UNANG PANAUHANG PUNTO DE-BISTA- Ang karamihan sa nilalaman ng sanaysay ay mula sa mga nakita, narinig, naunawaan at naranasan ng manunulat. Kadalasang napakapersonal ng tinig ng lakbay-sanaysay. - Ayon kay **Antonio (2013)**, ang susi sa mainam na pagsulat ay ang **[erudisyon]** o ang pagtataglay ng sapat na kaalaman at pagkatuto sa paglalakbay. - Bukod sa matamang obserbasyon, mahalagang maranasan din ng manlalakbay ang mga bagay-bagay upang lubos na maunawwan at mabigyang kahulugan ang pangyayari. - Sikaping maisali ang sarili sa bawat bahagi ito ng imersiyon sa paligid. Subukin ang iba't ibang karanasan at hamon na maaaring gawin sa lugar. - MAGTALA NG MAHAHALAGANG DETALYE AT KUMUHA NG MGA LARAWAN- Ang pangunahing gamit na dapat dala ng taong susulat ng lakbay-sanaysay ay ang **panulat, kwaderno o dyornal at kamera.** Mahalagang maitala ang pangalan ng mahahalagang lugar, kalye, restoran, gusali at iba pa. Ang wastong detalye ay nagbibigday ng kredibilidad sa sanaysay. Makakatulong rin maglagay ng litrato o larawan. Mahalaga ito para sa wastong dokumentasyon ng sanaysay. Para sa mgalarawan, mahalagang maglagay ng mga impormasyon para sa mambabasa. **(Eksaktong lokasyon, maikling deskripsyon o kaya naman maikling kasaysayan).** - GAMITIN ANG KASANAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY- Mahalagang taglayin ng magy-akda ang sapat na kasanayan sa paggamit ng wika. Sikaping ang susulating sanaysay ay **malinaw, organisasdo , lohikal** at **malaman**. Maaari ring gumamit ng mga tayutay, idyoma o matatalinhagang salita upang mas maging masining ang pagkakasulat nito. Sa pangkalahatan, maging obhetibo sa paglalatag ng mga impormasyon. Sikaping mailahad ang katotohanan sa pamamagitan ng paglalahad ng positibo at negatibong karanasan at maging ang kondisyon ng lugar na pinuntahan. Sikaping hindi nakatuon sa sarili ang mga larawan, kung hindi sa mahahalagang larawang kailangan upang mapagtibay ang sanaysay. Sa pagsulat, laging baunin sa isipan ang depenisyong ibinigay ni **Nonon Carandang** na ***ang lakbay-sanaysay ay laging kinapapalooban ng tatlong mahalagang konsepto:*** **PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY** Ang terminong **replektibo o repleksyon** ay nangangahulugang: - pagbabalik tanaw at pagsusuri sa mga pangyayari batay sa personal na karanasan. - pag-iisip ng mga naging epekto sa sarili ng personal na karanasan - Ang **replektibong sanaysay** ay isang masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa isang partikular na pangyayari. Sa pamamagitan nito, natutuklasan ang sariling pag- iisip, damdamin, o opinyon tungkol sa isang paksa, pangyayari, o tao, at kung paano naapektuhan ng mga ito. - Ang sulating ito ay maaaring nasa anyo ng personal na sanaysay, lahok sa *journal*, *diary*, reaksiyong papel, o *learning log*. - Ito ay isang uri ng paglalahad na nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang karanasan o pangyayari (Morgan). Nangangahulugan ito na nagkakaroon ng malalim na pagsusuri ang may-akda kung paano siya umunlad bilang tao kaugnay ng paksang binibigyang-pansin sa pagsulat. - Ayon naman kay Michael Stratford, ang replektibong sanaysay ay isang tiyak na uri ng sanaysay na may kaugnayan sa pagsisiyasat sa sarili o introspeksiyon. - Ang replektibong sanaysay ay nakabatay sa pagpapahayag ng manunulat ng sarili niyang pananaw batay sa kanyang karanasan. - Bagaman **[personal]** at subhetibo, kailangang panatilihin pa rin ang akademikong tono ng replektibong sanaysay. Mahalaga ding maayos ang organisasyon nito. **KAHALAGAHAN NG REPLEKTIBONG SANAYSAY** 1. Sa pagsulat ng repleksibong sanaysay, tayo ay nagpapahayag ng damdamin, at dito ay may natutuklasang bago tungkol sa sarili, sa kapwa, at sa kapaligiran. 2. Sa pamamagitan ng pagsulat ng repleksibong sanaysay, natutukoy natin ang ating mga kalakasan, at kahinaan, at nakaiisip tayo ng mga solusyon sa mga problemang ating kinakaharap. 3. Hinahasa rin ng pagsulat ng repleksibong sanaysay ang kasanayan sa ***metacognition***. Ito ang kakayahang suriin at unawain ang sariling pag-iisip. 4. Sa pag-aaral nina Di Stefano, Gino, Pisano, at Staats (2014), magiging mas mabisa ang pagkatuto mula sa sariling karanasan kung lalangkapan ito ng repleksiyon. Pinakita nila na ang replektibong gawain ay makapangyarihang mekanismo sa pagkatuto. *"Hindi tayo natututo sa karanasan...natututo tayo sa pagbubulay sa ating karanasan."- John Dewey* **KATANGIAN NG REPLEKTIBONG SANAYSAY** 1. **Personal** A. Dito, sinasagot ng manunulat ang mga repleksibong tanong na naglalayong ipakita ang ugnayan ng manunulat sa kaniyang paksa. 1. Ano ang iyong naging reaksiyon sa pinanood mong teleserye? 2. Paano mo iuugnay ang iyong sarili sa pangunahing tauhan ng binasa mong nobela? **2. May sinusunod na direksiyon** - Personal at subhetibo ang sanaysay ngunit hindi ibig sabihing maaari nang isulat ang lahat ng pumasok sa isipan. Kinakailangang susunod pa rin ito sa mga kumbensiyon ng akademikong pagsulat. **3. Hindi limitado sa paglalarawan o** **paglalahad ng kuwento** - Nangangailangan din ito ng mas mataas na kasanayan sa pag-iisip. Kapag nagsusulat nito, - nagsasagawa rin ng pagsusuri, Hal. Ano-ano ang mga sanhi at bunga ng kahirapan? - bumubuo ng sintesis, at Hal. Ano-ano ang mga natutuhan mo sa mga naobserbahan? - nagsusuri at nagpapasiya Hal. Ano-anong mga kaisipan ang tangap o hindi mo tanggap? **4. Gumagamit ng deskriptibong wika.** - **Sa pamamagitan nito, maipababatid sa mga mambabasa na nauunawaan at lubos na pinag-isipan ang paksa. Dahil ito ay nakabatay sa karanasan, inaasahang magsusulat dito ng tungkol sa sarili, mga ideya, at opinyon.** **Mga hakbang sa PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY** **[Sa simula]** - nakapaloob ang tesis o ang pangunahing kaisipan ng buong sanaysay - Ito ay naglalaman ng pananaw ng may-akda tungkol sa paksa, epekto ng nasabing paksa sa buhay ng awtor. - Ang pambungad ng sanaysay ay mahalagang makapukaw sa atensiyon ng mambabasa, magpakilala ng paksa, at magsaad ng layunin ng pagsulat. **[Sa katawan]** - Sa bahaging ito, inilalahad ng manunulat ang mga kaugnay na kaisipan sa paksa o tesis. - Nakalakip sa bahaging ito ang mga napagnilay-nilayan ng may-akda at kung paano umunlad ang pagkatao ng awtor mula sa mga karanasan o mga gintong aral. - Naglalaman ng malaking bahagi ng salaysay, obserbasyon, realisasyon, at natutuhan. Ipinaliliwanag din dito kung anong mga bagay ang nais ng mga manunulat na baguhin sa karanasan, kapaligiran, o sistema. **[Sa konlusiyon]** - Dito matatagpuan kung paano gagamitin ng may-akda ang kanyang mga natutuhan sa buhay sa hinaharap - Sa pagtatapos ng isang replektibong sanaysay, dapat mag-iwan ng isang kakintalan sa mambabasa. Dito na mailalabas ng manunulat ang punto at kahalagahan ng isinasalaysay niyang pangyayari o isyu at mga pananaw niya rito. Dito na rin niya masasabi kung ano ang ambag ng kanyang naisulat sa pagpapabuti ng katauhan at kaalaman para sa lahat. PICTORIAL ESSAY O Larawang Sanaysay Patuloy ang pagbabago sa ating panahon, maituturing makabagong paraan ng pagsulat ang paggamit ng larawan bilang paksa ng isang sulatin. Mas napadadali ang paggawa ng isang komposisyon kung mayroong ideya buhat sa isang larawan. Ito ay nakilala sa tawag na sanaysay ng larawan o photo essay. Ito ay isang uri ng pagsulat na ginagamitan ng mga larawan na may kaugnayan sa bawat isa. Umiikot sa isang tema o paksain na kinapapalooban ng opinyon o saloobin ng isang manunulat. Maaari itong personal na paniniwala sa isang partikular na isyu, usapin o paksa na mayroong repleksyon ng kultura, paniniwala, tradisyon, pulitika at iba pang mga tema ng sulatin. Maaari itong maging simple o malikhaing pagsulat. Ang larawang sanaysay, na tinatawag sa Ingles na pictorial essay o photo essay, ay isang uri ng sulatin na naglalayong maipabatid ang nilalalaman ng isang akda sa pamamagitan ng mga nakahanay na larawan na sinusuportahan ng mga deskripsyon o kapsyon. Ito ay isang koleksyon o limbag na mga imahe o larawang inilalagay sa isang partikular na pagkakasunod-sunod upang ipahayag ang mga pangyayari, mga damdamin, at mga konsepto sa pinakapayak na paraan. Kagaya ng iba pang uri ng sanaysay, gumagamit ito ng mga pamamaraan sa pagsasalaysay. Maaaring gamitin mismo ang binuong larawan o di kaya'y mga larawang may maikling teksto o kapsyon. Ang mga imaheng ito ang nagbibigay-kulay at kahulugan sa mga kaisipang nais iparating ng teksto. Karaniwang umiikot lamang ito sa isang paksa o tema kaya't mahalagang ang mga serye ng larawan ay magkakaugnay. Dapat din itong pinag-isipang mabuti sapagkat ito ang magpapakita ng kabuoan ng kwento o kaisipang nais ipahayag. **"A photograph shouldn\'t be just a picture, it should be a philosophy."- Amit Kalantri** Ayon kay Amit Kalantri, isang nobelistang Indian, *\"A photograph shouldn\'t be just a picture, it should be a philosophy,\"* May katotohanan nga naman, ang litrato ay isang larawan sa pisikal na anyo. Subalit, ito ay may katumbas na sanlibong salita na maaaring magpahayag ng mga natatagong kaisipan. Kaya naman, kahanga-hanga ang mahuhusay kumuha ng mga larawan dahil higit nila itong nabibigyang-buhay. **MGA KATANGIAN** - Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta lamang sa mga larawan kaya't hindi ito kinakailangang napakahaba o napakaikli. Kailangang makatutulong sa pag-unawa at makapukaw sainteres ng magbabasa o titingin ang mga katitikang isusulat dito. - May isang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kaya't hindi maaaring maglagay ng mga larawang may ibang kaisipan o lihis sa paksang nais bigyang-diin. Kailangang maipakita sa kabuoan ang layunin ng pagsulat o paggawa ng larawang-sanaysay. - Ang mahalagang katangian ng larawang-sanaysay ay ang mismong paggamit ng larawan sa pagsasalaysay. Layunin nitong magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong gumagawa ng salaysay, magbigay ng mahalagang impormasyon, at malinang ang pagiging malikhain. **MGA DAPAT TANDAAN** 1\. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes. 2\. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin. 3\. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa. 4\. Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga pagpapahalaga o emosyon ay madaling nakapupukaw sa damdamin ng mambabasa. 5\. Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit ang larawan, mabuting sumulat ka muna ng kuwento at ibatay rito ang mga larawan. 6\. Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga Iarawan. Tandaan na higit na dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa mga salita. 7\. Palaging tandaan na ang larawang-sanaysay ay nagpapahayag ng kronolohikal na salaysay, isang ideya, at isang panig ng isyu. 8\. Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing, komposisyon, kulay, at pag-iilaw. Kung minsan, mas matingkad ang kulay at matindi ang contrast ng ilang larawan kompara sa iba dahil sa pagbabago ng damdamin na isinasaad nito. 9\. Maglapat ng isang hamon o konklusyon sa hulihang bahagi ng iyong sanaysay. **MGA HAKBANG** 1\. Pumili ng isang paksa at mga larawang may kaugnayan nito. 2\. Maghanap ng mga datos na susuporta sa iyong gagawing sanaysay. 3\. Pagsunod-sunurin ang mga larawan na naaayon sa tema. 4\. Lagyan ng pagkakawing ang bawat larawan na kinapapalooban ng iyong damdamin na maaaring makapukaw sa interes ng mga mambabasa. 5\. Simulan ang iyong sanaysay sa pahapyaw na paglalarawan sa bawat imahe at lapatan ito ng iyong kuro o saloobin. 6\. Makakatulong sa iyo ang paggamit ng mga transisyunal devices upang magkaroon ng kohirens ang iyong pagsulat. 7\. Maglapat ng isang hamon o kongklusyon sa hulihang bahagi ng iyong sanaysay.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser