Agenda O Adyenda PDF

Summary

This document provides a detailed explanation of agendas, outlining their purpose, characteristics, importance in meetings, and components of a good agenda. The text covers practical aspects of meeting planning and organization.

Full Transcript

# Agenda O Adyenda ## Ano ang kahulugan ng adgenta? Ang agenda ay plano o mga gawain ng kailangang mangyari bago, habang at pagkatapos ng isang pulong. ## Ano nga ba ang katangian ng agenda? - Ito ang mga katangian: - Organisado - Claro at detalyado - Nakapokus - May oras na tak...

# Agenda O Adyenda ## Ano ang kahulugan ng adgenta? Ang agenda ay plano o mga gawain ng kailangang mangyari bago, habang at pagkatapos ng isang pulong. ## Ano nga ba ang katangian ng agenda? - Ito ang mga katangian: - Organisado - Claro at detalyado - Nakapokus - May oras na takda - Layunin at resulta ## Ano nga ba ang kahalagahan ng agenda? Ito ay mahalaga sa anumang pagpupulong o pagtitipon dahil ito ay nagsisilbing gabay sa takbo ng diskusyon at tumutulong upang maging organisado at maayos ang pagtatalakay ng mga paksa. ### Layon Upang magbigay gabay at istruktura sa isang pagpupulong o pulong. ### Gamit Ito ay ginagamit para matukoy at mas maorganisa ang agendang magaganap at ito 'y may mga parte: - Pagbibigay ng gabay - Pagpaplano ng oras - Paghahanda sa dumadalo - Pagtutok sa layunin at - Pagsusuri ng resulta ## Anyo Tumutukoy sa pormal na balangkas o pagkakaayos ng usapin o paksa natatalakayin sa isang pagpupulong: - Pamagat ng pagpupulong - Petsa oras at lugar - Listahan ng dadalo - Layunin ng pagpulong - Mga paksa ng talakayan ## Mga Halimbawa ng Agenda - Pagpaplano ng isang kompanya na mapaunlad ang kanilang negosyo - Pagpaplano ng isang eskwelahan kung paano dadami ang estudyante - Pagpaplano ng isang grupo ng estudyante kung paano tatapusin ang kanilang pananaliksik - Pagpaplano ng isang pamilya kung paano uunlad ang kanilang buhay - Pagpaplano ng isang grupo ng kabataan kung paano ang mangyayari sa gaganaping pagkikita ## Layunin ng Pagsusulat ng Agenda: - Bigyan ng ideya ng mga paksang tatalakayin at sa mga usaping nangangailangan ng atensiyon. Nakasaad ang mga inaasahang pag-usapan sa pulong - Mabigyan ng pokus ang pagpupulong. Karaniwan ang mga gumagawa nito ay ang responsal sa pagsulat ng agenda tulad ng: presidente, ceo, direktor, tagapamahala, pinuno at iba pa. Madalas nakikipagtulungan sa kanilang kalihim. Iba-iba ang mga dahilan upang magsagawa at magtipon para sa isang pagpupulong. Maaaring magpulong para magplano (planning), magbigay impormasyon (information dissemination), kumonsulta (ask for advice), maglutas ng problema (solving problems) o magtasa (evaluate). ## Kahalagahan ng Pagsusulat ng Agenda - Upang masigurong tatakbo nang maayos ang pagpupulong at ang lahat ng kalahok patungo sa isang direksyon. - Mas mapapabilis ang pagpupulong kung alam ng lahat ang lugar na pagdarausan, ang oras ng pagsisimula at pagtatapos, ang mga kailangan talakayin, at maaaring kalabasan ng pagpupulong. - Upang magkaroon ng espesipikong pag uusapan o tatalakayin sa pagpupulong. - Upang maipokus lamang ang mga kalahok sa iisang usapin lamang. - Upang ang mga kalahok ng pagpupulong ay makasunod sa kung ano ang nais pag-usapan. ## Mga Nilalaman ng Agenda 1. **Saan at kailan idaraos ang pagpupulong? Anong oras ito magsisimula at matatapos?** - Upang makarating sila sa itinakdang oras at lugar. - Upang makapagsimula na ang pulong sa lalong madaling panahon. - Bawat minuto ay mahalaga para sa mga kalahok, kaya kailangan malaman nila ang detalyeng ito. 2. **Ano-ano ang mga layuning inaasahang matamo sa pulong? Sa bahaging ito ng agenda, sinasagot nito ang tanong na "Bakit tayo magkakaroon ng pagpupulong?"** - Dito sinasagot "bakit kayo magkakaroon ng pagpupulong?" - Kailangang malinaw ang layunin upang mapaghandaan bawat kalahok ang mgamangyayari sa pagpupulong. 3. **Ano-ano ang mga paksa o usapin ng talakayin? Maaring maikli lamang o detalyado, depende sa pangangailangan.** - Minsan ipapaliwanag na ito ay kaugnay na email, ngunit lahat ng pag-uusapan ay kailangan sa agenda.. 4. **Sino-sino ang mga lalahok sa pagpupulong?** - Tanging ang mga taong talagang kailangang umupo ang dapat na nasa listahan Huwag aksayahin ang mga panahon ang mga inaanyayahang lumahok na hindi naman kailangan. ## Bahagi ng Ideya - Introduksyon - Pagtala ng Bilang ng dumalo - Pagpresenta at pagtalakay sa adyenda - Karagdagang impormasyon - Pangwakas na salita ## Mga Hakbang sa Pagsulat ng Isang Epektibong Adgenda 1. Lumikha ng agenda ng iyong pulong 3 araw nang maaga. 2. Magsimula sa simpleng mga detalye. 3. Layunin ng pagpupulong. 4. Panatilihin ang adyenda sa mas mababa sa limang (5) mga paksa. 5. O ras bawat paksa 6. Isama ang iba pang may kinalaman sa impormasyon para sa pulong.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser