Modyul 1: Kontemporaryong Isyu (Tagalog)

Summary

Ang dokumentong ito ay isang modyul sa Tagalog tungkol sa konseptong lipunan, kalikasan, at kultura, na angkop sa antas ng undergraduate.

Full Transcript

**KONTEMPORARYONG ISYU** **UNANG MARKAHAN** **[Paksa: Ang Lipunan]** Ang **lipunan** ay tumutukoy sa mga taong sama -samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga. "Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayar...

**KONTEMPORARYONG ISYU** **UNANG MARKAHAN** **[Paksa: Ang Lipunan]** Ang **lipunan** ay tumutukoy sa mga taong sama -samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga. "Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin."**(Mooney, 2011)** "Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Sa tunggalian na ito, nagiging makapangyarihan ang pangkat na kumokon trol sa produksyon. Bunga nito, nagkakaroon ng magkakaiba at hindi pantay na antas ng tao sa lipunan na nakabatay sa yaman at kapangyarihan." **(Panopio, 2007)** **Ang Istrukturang Panlipunan at Kultura** 1. Istruktura ng lipunan 2. Kultura **Mga Elemento ng Istrukturang Panlipunan** Ang mga elemento ng istrukturang panlipunan ay ang **institusyon**, **social groups**, **status** (social status), at **gampanin** (roles). 1. **Institusyon** Ang **institusyon** ay organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan. **(Mooney, 2011).** **Mga Institusyon sa Lipunan** A. Pamilya B. Institusyong **Pang-edukasyon** C. Institusyong **Pampamahalaan** D. Institusyong Pang-**ekonomiya** E. Institusyong Pang-**relihiyon** 2. **Social Group** Tumutukoy ang **social group** sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan. May dalawang uri ng social group: ang *primary group* at *secondary group*. **(Mooney, 2011)** **Primary group** - ay tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan ng mga indibiduwal. Kadalasan, ito ay mayroon lamang maliit na bilang. Halimbawa nito ay ang pamilya at kaibigan. **Secondary group** - ay binubuo ng mga indibiduwal na may pormal na ugnayan sa isa't isa. Karaniwang nakatuon sa pagtupad sa isang gawain ang ganitong uri ng ugnayang panlipunan. Isang halimbawa nito ay ang ugnayan sa pagitan ng amo at ng kaniyang manggagawa, gayundin ang ugnayan ng mga manggagawa sa isa't isa. 3. **Status** Ang **status** ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa lipunan. Ang ating pagkakakilanlan o identidad ay naiimpluwensiyahan ng ating status. May dalawang uri ng status: ito ay ang *ascribed status* at *achieved status.* **Ascribed Status** - **Nakatalaga sa isang indibiduwal simula nang siya ay ipinanganak at hindi nya kontrolado.** **Achieved Status** - **Nakatalaga sa isang indibiduwal sa bisa ng kaniyang pagsusumikap kaya't maari nya itong mabago.** 4. **Gampanin (Roles)** Tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng indibiduwal. ito ang nagiging batayan din ng kilos ng isang tao sa lipunang kanyang ginagalawan. **"Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin. Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan.** **"Makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mga mamamayan."** **- Charles Cooley** **Katuturan ng Kultura** **- tumutukoy sa isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan. Andersen at Taylor (2007)** **- "ito ang kabuuang konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos at gawi, at ang kabuuang gawain ng tao". Panopio (2007)** **Dalawang Uri ng Kultura** **A.Materyal** - Binubuo ito ng mga gusali, likhang-sining, kagamitan, at iba pang bagay na nakikita at nahahawakan at gawa o nilikha ng tao. (Panopio, 2007) Ang mga bagay na ito ay may kahulugan at mahalaga sa pag-unawa ng kultura ng isang lipunan. **B.Hindi Materyal** - Kabilang dito ang batas, gawi, ideya, paniniwala, at norms ng isang grupo ng tao. Hindi tulad ng materyal na kultura, hindi ito nahahawakan subalit ito ay maaaring makita o maobserbahan. Ito ay bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng tao at sistemang panlipunan. (Mooney, 2011) **Mga Elemento ng Kultura** **PANINIWALA (BELIEFS)** - **tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo.** **a.PAGPAPAHALAGA (VALUES) [ ] - maituturing itong batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang hindi.** **b.NORMS [ ] - tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan. \-- nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon, at pakikitungo ng isang indibiduwal sa lipunang kaniyang kinabibilangan.** **c.SIMBOLO [ ] - tumutukoy sa paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit dito.** **[Paksa: Isyung Personal at Isyung Panlipunan]** **SOCIAL IMAGINATION** \- tumutukoy sa kakayahang makita ang kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang ginagalawan. **ISYUNG PERSONAL** \- ito ay nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya. **ISYUNG PANLIPUNAN** \- pampublikong paksa kung saan apekto ang buong pamayanan. **Mga Aralin at Sakop ng Modyul** Aralin 1 -- Konteksto ng Suliraning Pangkapaligiran Aralin 2 -- Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran Aralin 3 -- Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan **[ARALIN 1: Konteksto ng Suliraning Pangkapaligiran]** Ilan sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran sa Pilipinas ay ang sumusunod: 1. **Suliranin sa Solid Waste** Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason (Official Gazette, 2000). Ayon sa pag-aaral ni Oliveira at mga kasama (2013), ang Pilipinas ay nakalikha ng 39,422 tonelada ng basura kada araw noong taong 2015. Halos 25% ng mga basura ng Pilipinas ay nanggagaling sa Metro Manila kung saan ang isang tao ay nakalilikha ng 0.7 kilong basura araw-araw. Mas mataas ito ng 130% kaysa sa world average (National Solid Waste Management, 2016). Ang malaking bahagdan ng itinatapong basura ng mga Pilipino ay mula sa mga tahanan na mayroong 56.7%. Samantalang pinakamalaki naman sa uri ng tinatapong basura ay iyong tinatawag na bio-degradable na may 52.31% **(National Solid Waste Management Status Report, 2015).** Mayroon ding suporta na nanggagaling sa mga NGO upang mabawasan ang suliranin sa solid waste sa Pilipinas. Ilan sa mga ito ay sumusunod: a. Mother Earth Foundation - tumutulong sa pagtatayo ng MRF sa mga barangay. b. Clean and Green Foundation- kabahagi ng mga programa tulad ng Orchidarium and Butterfly Pavilion, Gift of Trees, Green Choice Philippines, Piso Para sa Pasig, at Trees for Life Philippines(Kimpo, 2008). c. Bantay Kalikasan -- paggamit ng media upang mamulat ang mga mamamayan sa suliraning pangkapaligiran. Nanguna sa reforestation ng La Mesa Watershed at sa Pasig River Rehabilitation Project. d. Greenpeace -- naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato at pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng kapayapaan Ang likas na yaman ng Pilipinas sa kasalukuyan... **Kagubatan** -- mabilis at patuloy na pagliit ng forest cover mula sa 17 ektarya noong 1934 ay naging 6. 43 milyong ektaraya noong 2003. **Yamang tubig** -- pagbaba ng kabuuang timbang ng mga nahuhuling isda sa 3 kilo bawat araw mula sa dating 10 kilo. **Yamang lupa** -- pagkasira ng halos 50% ng matabang lupain sa huling sampung taon 1. **Suliranin sa Yamang Gubat** +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **GAWAIN** | **EPEKTO** | +===================================+===================================+ | **Illegal Logging** | Ang walang habas na pagputol ng | | | puno ay nagdudulot ng iba't ibang | | | suliranin tulad ng pagbaha, soil | | | erosion, at pagkasira ng tahanan | | | ng mga ibon at hayop. Sa | | | katunayan noong 2008 ay mayroong | | | 221species ng fauna at 526 | | | species ng flora ang naitala sa | | | threatened list (National | | | Economic Development Authority, | | | 2011) | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Migration** | Nagsasagawa ng kaingin | | | (slash-and-burn farming) ang mga | | **-- paglipat ng** | lumilipat sa kagubatan at | | | kabundukan na nagiging sanhi ng | | **Pook panirahan** | pagkakalbo ng kagubatan at | | | pagkawala ng sustansya ng lupain | | | dito. | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Mabilis na pagtaas ng** | Ang mabilis na pagtaas ng | | | populasyon ng Pilipinas ay | | **populasyon** | nangangahulugan ng mataas na | | | | | | demand sa mga pangunahing | | | produkto kung kaya't ang mga | | | dating kagubatan ay ginawang | | | plantasyon,subdivision,paaralan, | | | | | | at iba pang imprastruktura. | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Fuel wood harvesting** | Ayon sa Department of Natural | | | Resources na lumabas sa ulat ng | | | National Economic Development | | | Authority (2011), tinatayang | | | | | | mayroong 8.14 milyong kabahayan | | | at industriya ang gumagamit ng | | | uling at kahoy | | | | | | sa kanilang pagluluto at paggawa | | | ng produkto, ang mataas na demand | | | sa uling at kahoy ay nagiging | | | dahilan ng pagputol ng | | | | | | mga puno sa kagubatan. | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Ilegal na Pagmimina** | Apektado ang kagubatan sa | | | pagmimina dahil kadalasang dito | | | natatagpuan ang deposito ng | | | | | | mga mineral tulad ng limestone, | | | nickel, copper, at gold. Ayon sa | | | DENR, mayroong 23 proyekto ng | | | pagmimina ang matatagpuan sa | | | kabundukan ng Sierra Madre, | | | Palawan, at Mindoro. | +-----------------------------------+-----------------------------------+ 3. **Climate Change** Sa 2016 edisyon ng Global Climate Risk Index (Sönke, Eckstein, Dorsch, & Fischer, 2015), naitala ang Pilipinas bilang pang-apat sa sampung bansa na pinakanaapektuhan ng Climate Change. Ito ay dahil mas lumalakas, dumadalas, at nagiging unpredictable ang pagkakaroon ng mga natural na kalamidad tulad ng bagyo, pagbaha, at malalakas na ulan na [ ] nararanasan sa Pilipinas dahil sa climate change. Ang climate change ay maaaring isang natural na pangyayari o kaya ay maaari ding napabibilis o napapalala dulot ng gawin ng tao. Isa sa sinasabing dahilan nito ay ang patuloy na pag-init ng daigdig o global warming dahil sa mataas na antas ng konsentrasyon ng carbon dioxide na naiipon sa atmosphere. Nanggagaling ito mula sa usok ng pabrika, mga iba't ibang industriya, at pagsusunog ng mga kagubatan. **[ARALIN 2: Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran]** Sa araling ito ay pagtutuunan mo ng pansin ang dalawang approach na ginagamit sa pagbuo ng disaster management. Bilang isang mag-aaral, suriin mo kung paano ka makatutulong sa pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran. 1. **Ang Disaster Management** Ang pagiging ligtas ng isang komunidad sa mga sakuna ay nakasalalay sa pagkakaroon ng isang mahusay na disaster management. Ayon kay Carter (1992), ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa sa pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at pagkontrol. Kabilang din dito ang iba't ibang organisasyon na dapat magtulungan at magkaisa upang maiwasan, maging handa, makatugon, at makabangon ang isang komunidad mula sa epekto ng sakuna, kalamidad at hazard. Ayon naman kina Ondiz at Rodito (2009), ang disaster management ay tumutukoy sa iba't ibang gawain na dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at hazard. Sa pag-aaral ng disaster management, mahalagang alam mo ang pagkakaiba ng mga ginagamit na termino o konsepto. Ang sumusunod na kahulugan ay isinalin sa Filipino mula sa Disaster Risk Management System Analysis: A guide book nina Baas at mga kasama (2008). **1. Hazard** -- ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao. Kung hindi maiiwasan, maaari itong magdulot ng pinsala sa buhay, ari-arian, at kalikasan. **1.1 Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard** -- ito ay tumutukoy sa mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao. Ang maitim na usok na ibinubuga ng mga pabrika at mga sasakyan gaya ng ipinakikita sa larawan ay ilan sa mga halimbawa ng anthropogenic hazard. **1.2. Natural Hazard** -- ito naman ay tumutukoy sa mga hazard na dulot ng kalikasan. Ilan sa halimbawa nito ay ang bagyo, lindol, tsunami, thunderstorms, storm surge, at landslide. Ipinakikita sa kasunod na larawan ang pagbabalita sa pagdating ng isang malakas na bagyo. **2. Disaster** -- ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya. Maaaring ang disaster ay natural gaya ng bagyo, lindol, at pagputok ng bulkan o gawa ng tao tulad ng digmaan at polusyon. Ang disaster ay sinasabi ding resulta ng hazard, vulnerability at kawalan ng kapasidad ng isang pamayanan na harapin ang mga hazard. **3. Vulnerability** -- tumutukoy ang vulnerability sa tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard. Ang pagiging vulnerable ay kadalasang naiimpluwensiyahan ng kalagayang heograpikal at antas ng kabuhayan. Halimbawa, mas vulnerable ang mga bahay na gawa sa hindi matibay na materyales. **4. Risk** --ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari -arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad. Ang vulnerable na bahagi ng pamayanan ang kadalasang may mataas na risk dahil wala silang kapasidad na harapin ang panganib na dulot ng hazard o kalamidad **5. Resilience** -- ang pagiging resilient ng isang komunidad ay tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad. Ang pagiging resilient ay maaaring istruktural, ibig sabihin ay isasaayos ang mga tahanan, tulay o gusali upang maging matibay. Maaari ring ito ay makita sa mga mamamayan, halimbawa ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa hazard ay maaaring makatulong upang sila ay maging ligtas sa panahon ng kalamidad. **Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework** Nakabatay ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 sa dalawang pangunahing layunin: \(1) Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard ay dapat pagplanuhan at hindi lamang haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba't ibang kalamidad; at \(2) Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang mabawasan ang pinsala at panganib na dulot ng iba't ibang kalamidad at hazard. Ang mga nabanggit na layunin ay kasama sa mga naging batayan sa pagbuo ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework (PDRRMF). Binibigyang diin ng National Disaster Risk Reduction Framework ang pagiging handa ng bansa at mga komunidad sa panahon ng mga kalamidad at hazard. Sa pamamagitan nito, ang pinsala sa buhay at ari-arian ay maaaring mapababa o maiwasan. Isinusulong din ng PDRRM Framework ang kaisipan na ang paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay hindi lamang tungkulin ng ating pamahalaan. Ang proseso sa pagbuo ng isang disaster management plan ay dapat na produkto ng pagkakaisa at pagtutulungan ng iba't ibang sektor ng lipunan tulad ng pamahalaan, private sector, business sector, Non-governmental Organizations (NGOs), at higit sa lahat ng mga mamamayang naninirahan sa isang partikular na komunidad. Ang ganitong proseso ay tinatawag na Community Based-Disaster and Risk Management (CBDRM). Sa kasalukuyan, isinusulong rin ng NDRRMC ang Community Based-Disaster and Risk Management Approach sa pagbuo ng mga plano at polisiya sa pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran. **2. Ang Community-Based Disaster and Risk Management Approach** Ayon kina Abarquez at Zubair (2004) ang Community-Based Disaster Risk Management ay isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan. Isinasagawa ito upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala sa buhay at ari-arian. Sa Community-Based Disaster Risk Management Approach, napakahalaga ng partisipasyon ng mga mamamayan na siyang may pinakamataas na posibilidad na makaranas ng mga epekto ng hazard at kalamidad. Subalit, higit itong magiging matagumpay kung aktibo ring makikilahok ang mga mamamayan na hindi makararanas ng epekto ng mga hazard at kalamidad. Ayon naman kina Shah at Kenji (2004), ang Community-Based Disaster and Risk Management Approach ay isang proseso ng paghahanda laban sa hazard at kalamidad na nakasentro sa kapakanan ng tao. Binibigyan nito ng kapangyarihan ang tao na alamin at suriin ang mga dahilan at epekto ng hazard at kalamidad sa kanilang pamayanan. Bukod dito, mahalaga ring masuri ang mga istrukturang panlipunan, pang-ekonomiya, at pampolitika na maaaring nagpapalubha sa epekto ng hazard at kalamidad. Ang kahulugang ito ng CBDRM Approach ay sang-ayon sa konsepto ng isyu at hamong panlipunan na tinalakay sa unang aralin. **Kahalagahan ng CBDRM Approach** \*Pinakamahalagang layunin ng Philippine National Disaster Risk Reduction and Management Framework (PDRRMF) ay ang pagbuo ng disaster-resilient na mga pamayanan. \*Ang **CBDRM Approach** ay nakaayon sa konsepto ng bottom-up approach kung saan ay nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy, pag-aanalisa, at paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa kanilang pamayanan. Ito ay taliwas sa **top-down approach**. Ang top-down approach sa disaster management plan ay tumutukoy sa situwasiyon kung saan lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan. Sa kasalukuyan, ang National Disaster Coordinating Council (NDCC), (na kilala ngayon bilang National Disaster Risk Reduction Management Council) ng Pilipinas ay kasapi sa proyektong "Partnerships for Disaster Reduction-Southeast Asia (PDR - SEA) Phase 4 (2008). Layunin ng programang ito na maturuan ang mga lokal na pinuno sa pagbuo ng Community Based Disaster Risk Management Plan. Mahalaga ang proyektong ito sapagkat binibigyan nito ng sapat nakaalaman at hinahasa ang kakayahan ng mga lokal na pinuno kung paano maisasama ang CBDRM Plan sa mga plano at programa ng lokal na pamahalaan. Higit sa lahat, ang plano na binuo kasama ang iba't ibang sektor ng lipunan kabilang na ang mga mamamayan ay mas epektibo sa patugon ng pangangailangan ng mga mamamayan. Bunga nito, sinabi rin ni Lacson (Gabieta, 2014) na nagdesisyon siyang gamitin ang "bottom-up approach" upang mapabilis ang pagbangon mula bagyong Yolanda. **[Aralin 3 -- Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan]** **[Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigation]** \*Bakit kailangang mauna ang pagsasagawa ng pagtataya sa yugto ng Prevention and Mitigation? Ito ay dahil kailangang maunawaan ng mga babalangkas ng plano kung ano-ano ang mga hazard, mga risk, at sino at ano ang maaaring maapektuhan at masalanta ng kalamidad. **Hazard Assessment** Ang Hazard Assessment ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon. Sa pamamagitan ng hazard assessment, natutukoy kung ano-ano ang mga hazard na gawa ng kalikasan o gawa ng tao na maaaring maganap sa isang lugar. Sa pagsasagawa ng hazard assessment, dapat bigyang pansin ang Pisikal at Temporal na katangian nito. Talahanayan 1.5 -- **Pisikal na Katangian ng Hazard** +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Pagkakilanlan** | Pagkakaroon ng kaalaman tungkol | | | sa iba't ibang hazard at | | | | | | kung paano ito umusbong sa isang | | | lugar | +===================================+===================================+ | **Katangian** | Pag-alam sa uri ng hazard | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Intensity** | Pagtukoy sa lawak ng pinsala na | | | maaaring idulot ng hazard | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Lawak** | Pag-aaral tungkol sa sakop at | | | tagal ng epekto ng hazard | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Saklaw** | Pagtukoy kung sino ang maaaring | | | tamaan ng o maapektuhan ng hazard | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Predictability** | Panahon kung kailan maaaring | | | maranasan ang isang hazard | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Manageability** | Pagtaya sa kakayahan ng komunidad | | | na harapin ang hazard upang | | | mabawasan ang malawakang pinsala | +-----------------------------------+-----------------------------------+ **Sanggunian: Ondiz at Redito (2009)** **Talahanayan 1.6 -- Temporal na Katangian ng Hazard** +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Frequency** | Dalas ng pagdanas ng hazard. | | | Maaaring ang hazard ay nagaganap | | | taon-taon, isang beses sa loob ng | | | lima o sampung taon o kaya ay | | | biglaan lamang. | +===================================+===================================+ | **Duration** | Pag-alam sa tagal kung kailan | | | nararanasan ang hazard. Maaaring | | | ito ay panandalian lamang tulad | | | ng lindol; sa loob | | | | | | ng ilang araw tulad ng baha o | | | kaya ay buwan tulad ng digmaang | | | sibil. | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Speed of** | Bilis ng pagtama ng isang hazard. | | | Maaaring mabilisan o walang | | **onset** | babala tulad ng lindol o kaya ay | | | may pagkakataon na magbigay ng | | | babala tulad ng bagyo o baha. | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Forewarning** | Tumutukoy sa panahon o oras sa | | | pagitan ng pagtukoy ng hazard at | | | oras ng pagtama nito sa isang | | | komunidad | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Force** | Maaaring natural tulad ng hazard | | | na dala ng hangin, tubig | | | | | | tulad ng malakas na pagbuhos ng | | | ulan, baha, pa g-apaw ng ilog, | | | flashflood, tidal wave at storm | | | surge, lupa tulad ng landslide at | | | lahar; apoy tulad ng pagkasunog | | | ng kagubatan o kabahayan; seismic | | | tulad ng lindol at tsunami; gawa | | | ng tao | | | | | | tulad ng conflict gaya ng | | | digmaang sibil, rebelyon, at | | | pag-aaklas;industrial/technologic | | | al | | | tulad ng polusyon, pasabog, | | | pagtagas ng nakalalasong kemikal | | | at iba pang hazard tulad ng | | | taggutom, tagtuyot, at pagsalakay | | | ng peste sa mga pananim. | +-----------------------------------+-----------------------------------+ **Sanggunian: Ondiz at Redito (2009)** **Vulnerability at Capacity Assessment (VCA)** \*Sa pamamagitan ng VCA, masusukat ang kahinaan at kapasidad ng isang komunidad sa pagharap sa iba't ibang hazard na maaaring maranasan sa kanilang lugar. Sa Vulnerability Assessment, tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o komunidad na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard. Samantala, sa Capacity Assessment naman ay tinataya ang kakayahan ng komunidad na harapin ang iba't ibang uri ng hazard. Ayon kina Anderson at Woodrow (1990) mayroong tatlong kategorya ang Vulnerability: ito ay ang Pisikal o Materyal, Panlipunan, at Pag -uugali tungkol sa hazard. **Talahanayan 1.8 -- Mga katangian ng Vulnerability at Capacity Assessment** +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Kategorya** | **Deskripsyon** | +===================================+===================================+ | **Pisikal o** | Tumutukoy sa mga materyal na | | | yaman tulad ng suweldo mula sa | | **Materyal** | | | | trabaho, pera sa bangko at mga | | | likas na yaman. Ang kawalan o | | | kakulangan ng mga nabanggit na | | | | | | pinagkukunang-yaman ay | | | nangangahulugan na ang isang | | | | | | komunidad ay vulnerable o | | | maaaring mapinsala kung ito ay | | | | | | makararanas ng hazard | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Panlipunan** | Tumutukoy sa pagiging vulnerable | | | o kawalan ng kakayahan ng grupo | | | ng tao sa | | | | | | isang lipunan. Halimbawa ay | | | | | | mga kabataan, mga matatanda, | | | | | | mga may kapansanan, maysakit, at | | | iba pang pangkat na maaaring | | | | | | maging biktima ng hazard. Kasama | | | rin dito ang pagiging | | | | | | vulnerable ng institusyong | | | | | | panlipunan tulad ng pamahalaan. | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Pag-uugali** | May mga paniniwala at gawi ang | | | | | **tungkol sa** | mga mamamayan na | | | | | **Hazard** | nakahahadlang sa pagiging ligtas | | | | | | ng isang komunidad. Bunga nito, | | | | | | nagiging vulnerable ang isang | | | | | | komunidad. | +-----------------------------------+-----------------------------------+ **Sanggunian: Ondiz at Redito (2009)** **Vulnerability Assessment** Sa usapin ng vulnerability ng isang komunidad, kailangan na maging mulat ang mga mamamayan sa mga hazard sa kanilang lugar. Tungkulin nila na magkaroon ng kaalaman sa mga panganib at banta na maaari nilang 110maranasan. Bukod dito, dapat na maging aktibo rin sila sa paglahok sa mga programa ng pamahalaan kabilang na dito ang tungkol sa disaster management. Sa panig naman ng pamahalaan, dapat na maging seryoso ito sa pagbuo ng disaster management plan. Hindi dapat kalimutan ng pamahalaan ang kahalagahan ng partisipasyon ng mga mamamayan sa lahat ng aspekto ng pagbuo ng disaster management plan. **Capacity Assessment** Sa Capacity Assessment, sinusuri ang kapasidad ng komunidad na harapin ang anomang hazard. Mayroon itong tatlong kategorya: ang Pisikal o Materyal, Panlipunan, at Pag-uugali ng mamamayan tungkol sa hazard. Sa Pisikal o Materyal na aspekto, sinusuri kung ang mga mamamayan ay may kakayahan na muling isaayos ang mga istruktura tulad ng bahay, paaralan, gusaling pampamahalaan, kalsada at iba pa na nasira ng kalamidad. Sa aspektong Panlipunan naman, masasabing may kapasidad ang isang komunidad na harapin ang hazard kung ang mga mamamayan ay may nagtutulungan upang ibangon ang kanilang komunidad mula sa pinsala ng mga sakuna at kung ang pamahalaan ay may epektibong disaster management plan. Sa pagsasagawa ng Capacity Assessment, itinatala ang mga kagamitan, imprastraktura, at mga tauhan na kakailanganin sa panahon ng pagtama ng hazard o kalamidad. Mahalaga ang pagsasagawa nito sapagkat magbibigay ito ng imporasyon sa mga mamamayan at sa mga pinuno ng pamayanan kung ano at kanino hihingi ng tulong upang mapunan ang kakulangan ng pamayanan. Tandaan na hindi lahat ng pamayanan ay mayroong magkakatulad na pisikal na katangian. Kung kaya't maaaring makaapekto ito sa kanilang kapasidad. Gayundin, ang pagkakaiba ng antas ng kita ng bawat pamayanan ay mayroon ding malaking epekto sa pagiging handa nila sa panahon ng kalamidad. **Risk Assessment** Kung ang Disaster prevention ay tumutukoy sa pag-iwas sa mga hazard at kalamidad, sinisikap naman ng mga gawain sa disaster mitigation na mabawasan ang malubhang epekto nito sa tao, ari-arian, at kalikasan. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin b ago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan (Ondiz at Redito, 2009). +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Dalawang uri ng Mitigation** | | +===================================+===================================+ | **Structural Mitigation** | **Non Structural Mitigation** | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Tumutukoy sa mga | Tumutukoy sa mga ginagawang plano | | paghahandangginagawa sa pisikal | at paghahanda ng pamahalaan upang | | na kaayuan ng isang komunidad | maging ligtas ang komunidad sa | | upang ito ay maging matatag sa | panahon ng pagtama ng hazard. | | panahon ng pagtama | Ilan sa halimbawa nito ay ang | | | pagbuo ng disaster management | | ng hazard. Ilan sa halimbawa nito | plan, | | ay ang pagpapagawa ng | | | | Pagkontrol sa kakapalan ng | | dike upang mapigilan ang baha, | | | paglalagay ng mga sandbags, | populasyon, paggawa ng mga | | pagpapatayo ng mga flood gates, | ordinansa at batas, information | | pagpapatayo ng earthquake-proof | | | buildings, at pagsisiguro na may | dissemination, at hazard | | fire exit ang mga ipinatatayong | assessment. | | gusali. | | +-----------------------------------+-----------------------------------+ **Kahalagahan ng Disaster Risk Assessment** Ayon kina Ondiz at Redito (2009), ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagsasagawa ng risk assessment: 1\. Nagiging sistematiko ang pagkalap ng datos sa pagtukoy, pagsusuri, at pagtatala sa mga hazard na dapat unang bigyang pansin. 2\. Nagiging mulat ang mga mamamayan sa mga hazard na mayroon sa kanilang komunidad na noon ay hindi nila alam. Sa pamamagitan ng risk assessment ay nagkakaroon ng mas matibay na batayan ang maaaring maging epekto ng hazard sa kanilang komunidad. 3\. Nagsisilbing batayan sa pagbuo ng disaster risk reduction and management plan. Nagiging gabay sa pagbuo ng mga polisiya, programa, proyekto, at istratehiya upang maging handa ang komunidad sa pagharap sa iba't ibang hazard. 4\. Nagbibigay ng impormasyon at datos na magagamit sa pagbuo ng plano at magsisilbing batayan sa pagbuo ng akmang istratehiya sa pagharap sa mga hazard. 5\. Isa sa mahalagang produkto ng risk assessment ay ang pagtatala ng mga hazard at pagtukoy kung alin sa mga ito ang dapat bigyan ng prayoridad o higit na atensyon. Ito ay tinatawag na Prioritizing risk. **[Ikalawang Yugto: Disaster Preparedness]** Ang ikalawang yugto ay tinatawag na **Disaster Response.** Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pag tama ng kalamidad, sakuna o hazard. Mahalagang malaman ng mga miyembro ng pamilya, ng mga mamamayan sa komunidad, at maging ng mga kawani ng pamahalaan ang mga dapat gawin sa panahon ng sakuna o kalamidad. Dapat ring maliwanag sa bawat sektor ng lipunan ang kanilang gagawin upang magkaroon ng koordinasyon at maiwasan ang pagkalito at pagkaantala na maaari pang magdulot ng dagdag na pinsala o pagkawala ng buhay. Layunin ng mga gawaing nakapaloob sa yugtong ito na mapababa ang bilang ng mga maapektuhan, maiwasan ang malawakan at malubhang pagkasira ng mga pisikal na istruktura at maging sa kalikasan, at mapadali ang pag-ahon ng mga mamamayan mula sa dinanas na kalamidad. Bago tumama at maging sa panahon ng kalamidad, napakahalaga ang pagbibigay ng paalala at babala sa mga mamamayan. Ito ay may tatlong pangunahing layunin: **1. To inform** -- magbigay kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability, at pisikal na katangian ng komunidad. **2. To advise** -- magbigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain para sa proteksiyon, paghahanda, at pag-iwas sa mga sakuna, kalamidad, at hazard. **3. To instruct** -- magbigay ng mga hakbang na dapat gawin, mga ligtas na lugar na dapat puntahan, mga opisyales na dapat hingan ng tullong sa oras ng sakuna, kalamidad, at hazard. **[Ikatlong Yugto: Disaster Response]** Ang ikatlong yugto ay tinatawag na **Disaster Response**. Sa pagkakataong ito ay tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad. Mahalaga ang impormasyong makukuha mula sa gawaing ito dahil magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga pangangailangan ng isang pamayanan na nakaranas ng kalamidad. Nakapaloob sa Disaster Response ang tatlong uri ng pagtataya: ang *Needs Assessment, Damage Assessment, at Loss Assessment*. Ayon kina Abarquez, at Murshed (2004), ang *needs* ay tumutukoy sa mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagkain, tahanan, damit, at gamot. Samantala, ang *damage* ay tumutukoy sa bahagya o pangkalahatang pagkasira ng mga ari-arian dulot ng kalamidad. Ang *loss* naman ay tumutukoy sa pansamantalang pagkawala ng serbisyo at pansamantala o pangmatagalang pagkawala ng produksyon. Ang damage at loss ay magkaugnay dahil ang loss ay resulta ng mga produkto, serbisyo, at imprastraktura na nasira. Halimbawa, ang pagbagsak ng tulay ay damage, ang kawalan ng maayos na daloy ng transportasyon ay loss. Ang pagkasira ng mga lupaing-taniman ay damage samantalang ang pagbaba ng produksiyon ng palay ay loss. Isa pa ring halimbawa ay ang pagguho ng ospital dahil sa lindol ay maituturing na damage. Samantala, ang panandaliang pagkaantala ng serbisyong pangkalusugan ay maituturing na loss. **[Ikaapat na Yugto: Disaster Rehabilitation and Recovery]** Tinatawag din ang yugto na ito na **Rehabilitation**. Sa yugtong ito ang mga hakbang at gawain ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalang pangunahing serbisyo upang manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng isang nasalantang komunidad. Halimbawa nito ay ang pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at transportasyon, suplay ng tubig at kuryente, pagkukumpuni ng bahay, sapat na suplay ng pagkain, damit, at gamot. Kabilang din dito ang pagbabantay sa presyo ng mga pangunahing bilihin at pagkakaloob ng psychosocial services upang madaling malampasan ng mga biktima ang kanilang dinanas na trahedya. Noong 2006, ang Inter-Agency Standing Committee (IASC) na binubuo ng iba't ibang NGO, Red Cross at Red Crescent Movement, International Organization for Migration (IOM), World Bank at mga ahensya ng United Nations ay nagpalabas ng Preliminary Guidance Note. Ito ay tungkol sa pagpapakilala ng Cluster Approach na naglalayong mapatatag ang ugnayan ng iba't ibang sektor ng lipunan. Makatutulong ito upang maging mas malawak at ang mabubuong plano at istratehiya at magagamit ng mahusay ang mga pinagkukunang yaman ng isang komunidad. Ginamit na batayan ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) ang Cluster Approach sa pagbuo ng sistema para sa pagharap sa mga sakuna, kalamidad, at hazardsa Pilipinas. Noong Mayo 10, 2007, ipinalabas ang NDCC Circular No. 5-2007, ito ay isang direktibo na nagpapatatag sa Cluster Approach sa pagbuo ng mga Disaster Management System sa Pilipinas. Iminumungkahi rin nito na magtalaga ng pinuno ng bawat cluster (Cluster Leads) para sa tatlong antas: nasyunal, rehiyunal, at probinsiyal. Noong July 2007, sa bisa ng E.O. No. 02-2007, ay binuo naman ang Albay Mabuhay Task Force. Layunin nito na ipatupad ang mas komprehensibong programa para sa pagtugon at rehabilitasyon ng lalawigan sa panahon ng kalamidad. Isa sa mga pamamaraang ginawa ng pamahalaan upang maipaalam sa mga mamamayan ang konsepto ng DRRM plan ay ang pagtuturo nito sa mga paaralan. Sa bisa ng DepEd Order No. 55 ng taong 2008, binuo ang Disaster Risk Reduction Resource Manual upang magamit sa ng mga konsepto na may kaugnayan sa disaster risk reduction management sa mga pampublikong paaralan.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser