MODULE 6 (Siyensiya at Teknolohiya) PDF
Document Details
Uploaded by InvincibleStanza7719
FEU Roosevelt
Tags
Related
- STS - Prelims Module 2: Historical Antecedents in Science and Technology (2) PDF
- Science and Technology and Nation Building PDF
- General Concepts and Historical Antecedents of Science and Technology PDF
- Ways of Knowing and Doing in Science and Technology (Topic 2) PDF
- Science, Technology, and Society PDF
- Science, Technology, and Nation Building Lesson 2 PDF
Summary
This document is a presentation on science, technology, and the arts. It explains the different branches of science from biology, chemistry, and astronomy, and how technology plays a part in them. It also tackles the idea of the interaction between science, technology and the arts.
Full Transcript
LIKAS NA SIYENSIYA, TEKNOLOHIYA vs SIYENSIYANG PANLIPUNAN AT SINING SIYENSIYA Ang salitang siyensiya o science (agham ang tawag dito ng mga Pilipino) ay galing sa salitang Latin na scientia ibig sabihin ay kaunungan. Ang siyensiya, partikular na ang likas na siyensiya (nat...
LIKAS NA SIYENSIYA, TEKNOLOHIYA vs SIYENSIYANG PANLIPUNAN AT SINING SIYENSIYA Ang salitang siyensiya o science (agham ang tawag dito ng mga Pilipino) ay galing sa salitang Latin na scientia ibig sabihin ay kaunungan. Ang siyensiya, partikular na ang likas na siyensiya (natural science), ay ang larangang nagtutuon sa pag- aaral ng mga penomenong likas sa mundo- sistematikong identipikasyon, obserbasyon, deskripsiyon, klasipikasyon, eksperimentasyon, imbestigasyon, at teoretikal na paliwanag sa mga penomenong ito (www.megaessays.com) na may layuning mabatid at magkaroon ng kaalaman tungkol dito. Ang likas na penomenon ay yaong kaugnay at dala ng kalikasan na umiiral nang walang interbensiyon ng tao. LIKAS NA SIYENSIYA vs SIYENSIYANG PANLIPUNAN Iba ang likas na siyensiya sa siyensiyang panlipunan o agham panlipunan. Kung ang likas na siyensiya ay tumutuon sa mga likas na penomenon o kalikasan, ang siyensiyang panlipunan ay tumutuon naman sa lipunan ng mga tao. Umiiral ang mga penomenong panlipunan dulot o resulta ng interbensiyon at interaksiyon ng mga tao sa lipunan. Bagama’t magkahiwalay, may mahalagang elementong sangkot sa dalawang larangan ang tao. Tao ang nakikinabang, gumaganap, at nabubuhay sa mga elemento ng kalikasan, at tao rin ang bumubuo sa lipunan. LIKAS NA SIYENSIYA vs SIYENSIYANG PANLIPUNAN Ayon kay Karl Marx, darating ang panahon na magiging bahagi ng siyensiyang pantao ang likas na siyensiya. Gayundin, ang siyensiyang pantao ay magiging bahagi ng likas na siyensiya. Sa huli, magiging isang siyensiya na lamang sila. Ayon nga kay Elbert Hubbard, magagawa ng isang makina ang gawain ng sa ordinaryong tao. Walang makinang makagagawa ng gawain ng isang ekstraordinaryo sa mundong ito. TEKNOLOHIYA Ang teknolohiya naman ay kaakibat ng siyensiya. Ito ay praktikal na aplikasyon ng mga impormasyon at teoryang pansiyensiya. Umaasa ito sa mga teoryang pansiyensiya. Ito ang paglikha at paggamit ng iba’t ibang pamamaraan o kaugnayan ng buhay, kapaligiran, kalikasan, at lipunan. Galing ang salitang teknolohiya sa salitang Griyego na teknologia, na “sistematikong paggamit ng sining, binuong bagay (craft) o teknik”. Pinagsamang dalita ito ng Griyego na techne (sining, kakayahan, craft o paraan kung paano ginagawa ang bagay); at logos o salita, pahayag, o binigkas na pahayag (web.engr.oregonslate.edu). LAYUNIN NG SIYENSIYA, TEKNOLOHIYA AT SINING Ang layunin ng siyensiya ay maparami at mapalawak ang datos upang makapagbuo ng teorya. Ang teknolohiya naman ay gumagamit sa mga datos at mga teoryang ito upang makabuo ng produkto. Ang sining, sa kabilang dako ay walang tiyak na layunin. Ang isang likhang sining ang siya mismong obheto o layunin nito isang paglikha upang muling makabuo ng isang ideya o interpretasyon mula sa babasa, titingin, o makikinig dito. Emosyon ang nililikha ng sining. Samantala, pag-alam o pag-intindi ang tinutumbok ng teknolohiya at siyensiya. MGA DISIPLINA SA LARANGAN NG SIYENSIYA AT TEKNOLOHIYA Ilan sa mga disiplinang kabilang sa larangan ng Siyensiya ang Biyolohiya, Kemistri, Pisika, Astronomiya, Earth Science, Space, Science, at Matematika. Sa kabilang dako, kabilang naman sa Teknolohiya ang Inhinyeriya, Arkitektura, Information Technology (IT), at Aeronoutics. Narito ang ilang katangian ng mga disiplinang ito: MGA DISIPLINA SA LARANGAN NG SIYENSIYA AT TEKNOLOHIYA Biyolohiya- Nakatuon sa mga bagay na buhay —ang estruktura, pinagmulan, ebolusyon, gamit, distribusyon, at paglawak ng mga ito. Kemistri- Nakatuon sa komposisyon ng mga substance, properties, at mga reaksiyon at interaksyon sa enerhiya at sa sarili ng mga ito. Pisika- Nakatuon ito sa mga property at interaksyon ng panahon, espasyo, enerhiya, at matter. Mula ito sa Griyego na phusike o kaalaman sa kalikasan. MGA DISIPLINA SA LARANGAN NG SIYENSIYA AT TEKNOLOHIYA Earth Science o Heolohiya- Sistema ng planetang daigdig sa kalawakan– klima, karagatan, planeta, bato, at iba pang pisikal na elemento kaugnay ng pagbuo, estruktura, at mga penomena nito. Kung minsa’y tinatawag din itong Heolohiya. Astronomiya- Pag-aaral ito ng mga bagay na selestiyal—mga kometa, planeta, galaxy, bituin, at penomenang pangkalawakan. MGA DISIPLINA SA LARANGAN NG SIYENSIYA AT TEKNOLOHIYA Information Technology (IT)- Pag-aaral at gamit ng teknolohiya kaugnay ng pagbibigay at paglilipat ng impormasyon, datos, at pagpoproseso. Ito rin ang pag-unawa, pagpaplano, pagdidisenyo, pagbuo, distribusyon, pagpoprograma, suporta, solusyon, at operasyon ng mga software at kompyuter. Inhinyeriya- Nakatuon sa aplikasyon ng mga prinsipyong siyentipiko at matematiko upang bumuo ng disenyo, mapatakbo, at mapagana ang mga estruktura, makina, proseso, at sistema. MGA DISIPLINA SA LARANGAN NG SIYENSIYA AT TEKNOLOHIYA Arkitektura- Itinuturing itong kabilang sa teknolohiya dahil isa itong proseso at produkto ng pagpaplano, pagdidisenyo, at pagtatayo ng mga gusali at iba pang pisikal na estruktura. Ngunit ibinibilang din ito sa larangan ng sining dahil ang mga gusali ay kadalasang itinuturing na sining at kultural na simbolo. Hindi lamang ang gamit, silbi, teknikal, sosyal, at pangkapaligiran ang binibigyang konsiderasyon kundi pati ang estetika, pagiging artistiko o malikhain, at kultura. MGA DISIPLINA SA LARANGAN NG SIYENSIYA AT TEKNOLOHIYA Matematika- Siyensiya ukol sa sistematikong pag-aaral sa lohika at ugnayan ng mga numero, pigura, anyo, espasyo, kantidad, at estruktura na ipinahahayag sa pamamagitan ng mga simbolo. Aeronautics- Teorya at praktis ng pagdidisenyo, pagtatayo, matematika, at mekaniks ng nabigasyon sa kalawakan. PAGSULAT AT METODO NG PANANALIKSIK SA SIYENSIYA AT TEKNOLOHIYA Ang metodong siyentipiko ang ginagamit na proseso sa pag-aaral at pananaliksik sa siyensiya. Sinasabing ang mabuti at magaling na siyensiya ay may pinaunlad na hipotesis, na isang pamamalagay, paliwanag, interpretasyon, pahayag, at prediksyon sa maaaring mangyari sa isinasagawang pananaliksik. Ito ang katumbas ng tesis sa pananaliksik sa Agham Panlipunan at Humanidades. PAGSULAT AT METODO NG PANANALIKSIK SA SIYENSIYA AT TEKNOLOHIYA Isinasagawa ang pagsubok sa hipotesis sa pamamagitan ng eksperimentasyon o obserbasyon. Susundan ito ng pagkolekta ng mga datos at pagproseso ng mga ito tungo sa resulta ng eksperimentasyon. Sinisiguro din dito ag pagkabalido at kabuluhan ng pag-aaral. Mula rito ay gumagawa ng balidong kongklusyon batay sa ginawang pananaliksik. Sa kongklusyon, pinatutunayan o pinabubulaanan ang hipotesis o kaya’y bumubuo ng teorya upang ipaliwanag ang obserbasyon at eksperimentasyon. Narito ang halimbawa ng graphic organizer na maglalarawan sa metodong siyentipiko: Pahayag ng Problema Pagkolekta ng Impormasyon Pagbuo ng Hipotesis Pagsubok sa Hipotesis Kongklusyon: Kongklusyon: Resulta Resulta Di- Sumusuporta sa sumusuporta sa Hipotesis Hipotesis Ang isang mabuti at magaling na pananaliksik sa teknolohiya ay dumaraan naman sa sumusunod na proseso: a. Pag-iisip ng disenyo o solusyon sa problema. Sasagutin ang ilang tanong. Ano ang mahalagang gawain o solusyonan? Bakit? Paano? Ano ang dapat isagawa? b. Susundan ito ng hipotesis o pagpapahayag ng solusyon o disenyo bilang pinakamabuting gawin. c. Paglalahad ng mga ebidensiya. d. Pagpapahayag ng mga argumento sa pamamagitan ng halaga, sukat, gamit, teorya, at obserbasyon. e. Kongklusyon-pagpapahayag na isa itong kontribusyon bago o makabago, ground-breaking na produkto, proseso at solusyon. Narito ang halimbawang graphic organizer para sa pananaliksik sa teknolohiya: Disenyo o Solusyon sa Problema Mga Tanong Ano? Bakit? Paano? Kailan? Saan? Mga Ebidensiya Mga Argumento Kongklusyon Produkto/Proseso/ Solusyon Metodong IMRad sa Siyensiya at Teknolohiya Isa sa mga popular na metodo sa pag-aaral at pananaliksik sa siyensiya at teknolohiya ang IMRad. Binubuo ito ng mga sumusunod na bahagi. (www..tc.umn.edu) I-Introduksyon-problema, motibo, layunin, background, at pangkalahatang pahayag. Bakit isinasagawa ang pag-aaral? Ano ang mga tanong na dapat sagutin? Ano ang pinatunayan ng hipotesis? M-Metodo-mga modelo at panukat na gagamitin, ano, kailan, saan, paano, gagamitin ang materyal. Sino-sino ang sangkot? Metodong IMRad sa Siyensiya at Teknolohiya Isa sa mga popular na metodo sa pag-aaral at pananaliksik sa siyensiya at teknolohiya ang IMRad. Binubuo ito ng mga sumusunod na bahagi. (www..tc.umn.edu) R-Resulta-ginagawang empirikal na pag-aaral. Tama ba ang hipotesis? Ipapakita ito sa pamamagitan ng mga start, graph, plot, at iba pang graphic organizer. A-Analisis- isinasagawang pag-aaral batay sa resulta. Metodong IMRad sa Siyensiya at Teknolohiya Isa sa mga popular na metodo sa pag-aaral at pananaliksik sa siyensiya at teknolohiya ang IMRad. Binubuo ito ng mga sumusunod na bahagi. (www..tc.umn.edu) D-Diskusyon-at kongklusyon ito ng isinasagawang pag-aaral. Ano ang implikasyon ng resulta? Bakit? Ano ang maitutulong nito sa lipunan sa hinaharap? May mga paglabag ba ito sa etikal? Makabuluhan ba ito? Masasabi bang malaking kontribusyon ito sa sangkatauhan? ILANG KUMBENSIYON SA PAGSULAT 1. Ang sulating siyentipiko at teknikal, ay hindi gumagamit ng personal na tono (halimbawa: ako, ikaw, at iba pa) 2. Hindi pasibo kundi aktibo 3. Nasa pangkasalukuyan (halimbawa: matematika) 4. Maraming drowing (halimbawa: kemistri) ILANG HALIMBAWA NG SULATIN Ilan sa mga sulating akademiko sa siyensiya at teknolohiya ang mga sumusunod. a. Teknikal na Report b. Artikulo ng pananaliksik c. Instruksiyonal na polyeto o handout d. Report Panlaboratoryo e. Plano sa Pananaliksik f. Katalogo g. Teknikal na Talumpati o Papel na Babasahin sa Komperensiya h. Report ng Isinagawang Gawain (Performance Report)