Summary

This document appears to be lecture notes covering various theories of Philippine literature. It describes different literary concepts, including Realism, Romanticism, etc.

Full Transcript

1 Panitikan at Lipunan PAL 101 PANUNURING PAMPANITIKAN Departamento ng Araling Pilipino Kolehiyo ng Arte at Literatura 2 PANITIKAN Nanggaling ang salitang ito mula sa ‘pang|titik|an’, kung saan ikinabit ang unlaping “pang” at hul...

1 Panitikan at Lipunan PAL 101 PANUNURING PAMPANITIKAN Departamento ng Araling Pilipino Kolehiyo ng Arte at Literatura 2 PANITIKAN Nanggaling ang salitang ito mula sa ‘pang|titik|an’, kung saan ikinabit ang unlaping “pang” at hulaping “-an” sa salitang ugat na titik. Nagmula ang salitang literatura sa salitang Latin littera- na nangangahulugang "titik" 3 PANUNURING PAMPANITIKAN Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha. 4 PANUNURING PAMPANITIKAN Ang pamumuna ay pagsusuri at di pamimintas. Ito’y pagbibigay-puri sa kagandahan ng akda ng may-akda at pagbibigay-puna sa kahinaan nito upang lalo niyang mapaganda ang mga susunod na sulatin. Ito’y nagpapahalaga sa lalong ikauunlad ng manunulat at panitikan na rin sa kabuuan. 5 KRITISISMO Ang pagbasa na may layuning kilatisin ang akda. 6 ILUSTRASYON 7 KAHALAGAHAN NG KRITISISMO 8 BENEPISYO NG KRITISISMO 1.Nag-aambag ito ng espesyal sa larangan. 9 BENEPISYO NG KRITISISMO 2. Pagkatao ng Filipino Pinahahalagahan Kinasasangkutan 10 BENEPISYO NG KRITISISMO 3. Aktibong Pakikilahok Filipino—Sarili—Pagkahati—Pagkabansa PANLIPUNANG PAGBABAGO 11 HAMON NA KINAKAHARAP NG KRITISISMO 12 HAMON 1.Hiram ang ating kritisismo/walang orihinalidad. -Paano kung ang sangkap ng isang akda ay katutubo at orihinalidad.? -Paano kung hindi ito makapasa sa kanlurang pamantayan.? 13 HAMON 2. Hindi tanggap ang kritiko. 14 15 16 17 TEORYA PAMPANITIKAN Isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang layunin na may may-akda sa pagsulat at layunin ng tekstong panitikan na ating binabasa. 18 TEORYA Pormulasyon ng palilinawing simulain ng mga tiyak na kaisipan upang makalikha ng malinaw at sistematikong paraan ng paglalarawan o pagpapaliwanag ukol dito. 19 1. IMAHISMO Ang layunin ng panitikan ay gumagamit ng mga imahen na higit na naghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-akda na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. 20 IMAHISMO 21 2. HISTORIKAL Ang layunin ng panitikan ipakita ang karanasan ng lipi ng tao na siyang salamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo. 22 HISTORIKAL 23 24 3. KLASISMO Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-piling sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan. 25 KATANGIAN NG AKDANG KLASIKO Pagkamalinaw Pagkamarangal Pagkapayak Pagkamtimpi Pagkakasunod-sunod Pagkakaroon ng hangganan 26 HALIMBAWA KLASISMO 27 4. HUMANISMO Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo: ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya talino, talent atbp. Humanismo-Ang humuhubog at lumulinang sa tao. 28 HUMANISMO Tao bilang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya’t mahalagang mapagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya. 29 HALIMBAWA HUMANISMO 30 5. ROMANTISISMO Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag- aaalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinapakita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan. 31 HALIMBAWA ROMANTISISMO 32 6. REALISMO Ang katotohanang ang binibigyang-diin at may layuning ilahad ang tunay na buhay. Pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan. Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno. 33 HALIMBAWA REALISMO 34 7. PORMALISMO Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Kailangang masuri sa akda ang paksa ng akda ang sensibilidad at pag-uugnayan ng mga salita. Istruktura ng wika, metapora, imahen at iba pa. Iniiwasan dito ang pagtalakay ng labas sa teksto tulad ng histori, talambuhay at politika 35 HALIMBAWA PORMALISMO 36 8. FEMINISMO Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminism sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipinamayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan. 37 9. BAYOGRAPIKAL Ang layunin panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may akda. Ipinapahiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga pinaka na inaasahang magsisilbing katuwang na mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo. 38 BAYOGRAPIKAL Ipinapakita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag udyo na magbago o mabuo ito. 39 HALIMBAWA BAYOGRAPIKAL 40 ARKITIPAL Nangangailangan ito ng isang masusing pag- aaral sa kabuuan ng akda, sapagkat binibigyang diin dito ang mga simbolong ginamit upang maipabatid ang pinakama mensahe ng akda 41 HALIMBAWA ARKITIPAL 42 SA PANAHON NG KRISIS, MAY PAG-ASA SA KRITIKA 43 ANG KRITIKA AY ISANG AKSYON, NA NAGBIBIGAY DAAN SA PAGKILOS 44

Use Quizgecko on...
Browser
Browser