M2_Q1 FILIPINO Past Paper PDF
Document Details
Uploaded by EngagingBinomial4948
E. Zobel Foundation, Inc.
Tags
Summary
This document appears to be a Filipino past paper, focusing on literature, specifically fables. It includes questions on identifying characters, themes, and lessons from a fable titled 'Ang Aso at Ang Leon'.
Full Transcript
7 Filipino Unang Markahan Modyul 2 Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao PANIMULA Sa modyul na ito ay pag-aralan mo ang isa sa mga akdang pampanitikan ng Maranao, ang pabula. Ito ay pinamagatang, “Ang Aso at ang Leon” na nagpapakita ng hindi matatawarang karanasan at makahulu...
7 Filipino Unang Markahan Modyul 2 Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao PANIMULA Sa modyul na ito ay pag-aralan mo ang isa sa mga akdang pampanitikan ng Maranao, ang pabula. Ito ay pinamagatang, “Ang Aso at ang Leon” na nagpapakita ng hindi matatawarang karanasan at makahulugang kaisipan ng matanda. MGA PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAGKATUTO (MELC) F7PN-Ic-d-2 Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakingggan F7WG-IF-G-4 Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang – ugnay na ginamit sa akda (kung, kapag, sakali, at iba pa) sa paglalahad (una, ikalawa, halimbawa at iba pa, isang araw, samantala) at sa pagbuo ng editorial na naghihikayat (totoo/tunay, talaga,pero/subalit at iba pa) SUBUKIN Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang malaking titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel. (Note: Gumamit ng isang buong papel. Huwag kalimutan ang paglagay ng iyong pangalan, taon/seksyon, petsa at bilang ng modyul. Sundin ang pormat sa ibaba.) Pangalan: ____________ Taon/Seksyon: ______ Petsa:__________ Bilang ng Modyul: 2 1. Lahat ay katangian ng pabula, maliban sa isa, alin nito? A. kapupulutan ng aral C.mga pangyayaring di makatotohanan B. ang tauhan ay mga hayop D. tungkol sa pinagmulan ng mga bagay 2. Anong akdang pampanitikan na ang karaniwang tauhan ay mga hayop na nagsisikilos at nagsasalitang parang mga tao? A. dagli B. pabula C. parabula D. maikling kuwento 3. Sino ang tinaguriang Ama ng Pabula? A. Aesop B. Aristotle C. Herodotus D. Socrates 4. Ano ang karaniwang wakas ng pabula? A. nagtatanong C. nagbibigay-aral B. nangangaral D. iniiwan sa mambabasa ang pagwawakas 5. Alin sa sumusunod ang hindi halimbawa ng pabula? A. Isang Daang Damit C. Si Kuneho at si Pagong B. Si Pagong at Matsing D. Si Langgam at si Tipaklong Para sa bilang 6-10: Basahin at unawain ang pabulang, “Si Aso at Si Ipis” bago sagutan ang mga tanong. Si Aso at Si Ipis Mataas ang mga puno na nakapaligid sa bahay ni Mang Kardo. Ang mga kapitbahay ay nasa kabilang bundok. Sa harap ng bahay malapit sa pintuan ay ang tulugan ng aso. Maliit ang bahay ngunit parang paraiso ang kapaligiran nito. Araw ng Lunes abala sa pagluluto si Mang Kardo para sa kaarawan ng kanyang apo at isang sorpresa ang kanyang inihanda. Nagluto siya ng pinakamasarap na kanin at naghanda rin siya ng pinikpikan at nilagyan ng etag upang mas lalo pang sumurap ang kanilang ulam. At upang mas maging masaya ang apo ay nagluto rin siya ng dalawang patong na keyk. Binilin niya ang kanyang aso na bantayan ang kanilang bahay at ang mga pagkain dahil susunduin niya ang kanyang apo. Naisip ng aso na siguradong bibigyan siya ng kanyang amo kaya minabuti niyang bantayan ang bahay at ang pagkain. Tinawag niya ang kanyang kaibigang ipis at magpatulong na bantayan ang bahay. Pinaakyat niya sa bubong ng bahay ang ipis upang makita ang mga taong may masamang balak. Umakyat ang ipis ngunit nakita nito ang keyk sa lamesa. Di napigilan ng ipis ang kanyang sarili at tinawag niya ang kanyang mga anak at mga kapamilya at naubos ang higit kalahati ng keyk at humigop ng sabaw ng pinikpikan na mayroong etag. Galit na galit si Mang Kardo sa nangyari at pinarusahan ang aso. Naawa ang ipis sa aso at naiisip na kailangan siya ang magbayad sa kanyang kasalanan. Isang umaga naghanda ng almusal si Mang Kardo at umakyat ang ipis sa lamesa at sadyang ipinakita sa matanda ang paglantak sa almusal nito. Nakita ito ng aso na hinampas ni Mang Kardo ang ipis at namatay. Naisip ni Mang Kardo na ito rin ang kumain sa handa ng kanyang apo at dahil dito pinakawalan niya ang kanyang pinakamamahal na aso. Sanggunian: Ang Aso at Ang Ipis https:// pinoy collection.com 6. Sino ang may kaarawan sa kuwento? A. apo B.aso C. kuya D. lolo 7. Sino ang naparusahan ni Mang Kardo batay sa kuwento? A. aso B. pusa C. ipis D. kuneho 8. Bakit galit na galit si Mang Kardo? A. dahil walang tao sa bahay C. dahil walang tumutulong sa kanya B. dahil natutulog lamang ang aso D. dahil higit na maubos ang pagkain 9. “Dapat ako ang magbayad ng aking kasalanan”, sino ang may sabi ng pahayag na ito? A. aso B. ipis C. manok D. pusa 10. Ano ang aral na makukuha mula sa binasang pabula? A. Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa. B. Ang magandang asal ay kaban ng yaman. C. Ang may malinis na kalooban ay walang kinakatatakutan. D. Ang paggawa ng kasalanan ay tiyak na may kaparusahan. 2 11. Ang mga sumusunod ay mga pang-ugnay sa paglalahad, maliban sa isa. A. pagkatapos B. pagkaraan C. bilang patunay D. magkahiwalay na insidente 12. Walang kasiguraduhan ang pangako nina Judy at Cholo sa isa’t isa, ngunit muli sila nagkita ________ ng siyam na taon na di magkasama. A. Una B. Pagkatapos C. Pagkaraan D. Ikalawa 13. Sa pagsasaing ng kanin, ___ ay ang paghugas ng kamay. A. Una B. Pagkatapos C. Pagkaraan D. Ikalawa 14. Si Kim ay naglalaba ____ si Lorry ay nagluluto ng pananghalian. A. Huli C. Sumunod na pangyayari B. Habang D. Magkahiwalay na aksidente 15. Bandang sa ____ ay nagkaisa ang lahat ng mamamayan ng Pilipinas para sugpuin ang Covid-19. A. habang C. sumunod na pangyayari B. Huli D. magkahiwalay na aksidente Aralin Ang Aso at Ang Leon 1 (Pabula) Alamin Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang: A. naihahambing ang kaugalian ng tao sa hayop; B. nailarawan ang mga tauhan sa pabula; C. nakabubuo ng sariling wakas mula sa binasang pabula. BALIKAN/PAGGANYAK Panuto: Magtala sa ibaba ng limang paboritong hayop. Isulat ang katangian nito sa kabilang hanay. HAYOP KATANGIAN 1. 2. 3. 3 4. 5. TUKLASIN Basahin at unawain ang isang halimbawa ng pabulang Maranao upang malaman mo ang mahalagang kaisipan kung bakit mga hayop ang nagsasalita at nagsisikilos na parang mga tao ang ginagamit na mga tauhan sa pabula. Ang Aso at Ang Leon (The Dog and the Lion) Isinalin sa Filipino mula sa Ingles ni Ernesto U. Natividad Jr. Isang araw, naligaw ang isang matandang aso habang hinahabol ang kuneho. Mayamaya ay napansin niya buhat sa malayo ang isang leon na tumatakbo papalapit sa kaniya na may tinging nagugutom. “Palagay ko’y lalapain ako ng nilalang na ito,” sabi ng aso sa sarili. Nakakita ang matandang aso ng mga butong nagkakalat malapit sa kaniya. Umayos siya na animo’y kakainin ang mga ito nang nakatalikod sa paparating na leon. Nang dadambahin na ng leon, sumigaw ang matandang aso, “Isang napakasarap na leon! mayroon pa kayang iba rito?” Nang marinig ng batang leon ang sigaw ng matandang aso ay bigla itong tumigil, at mabilis na nagtago sa puno. “Marahil ay mabagsik ang matandang asong iyon at marami nang napatay,” bulong niya sa sarili. Ang ardilya (squirrel) naman na kanina pa palang nanonood sa malapit na punongkahoy ay alam ang pandarayang ginawa ng aso at nag-isip na gamitin ang kaniyang nalalaman para sa kaniyang sariling proteksiyon mula sa leon. “Siguro naman ay makukuha ko ang loob ng leon,” nakangiting sabi nito sa sarili. Nang makausap ang leon, ipinaliwanag ng ardilya ang nangyari at gumawa ng kasunduan. “Baka pinagtatawanan ka ng asong iyon ngayon,” pangising tinuran ng ardilya. Napoot ang leon dahil sa pagkakalinlang sa kaniya at nagwika, “sumakay ka sa likod ko at nang makita mo ang mangyayari sa manlilinlang na iyon!” Natiktikan ng matandang aso ang pagdating ng leon na may nakasakay na ardilya sa likod. Sa halip na tumakbo, naupo siya at nagkunwaring hindi pa niya sila nakikita. Nang malapit na ang dalawa at alam niyang siya’y maririnig, ang matandang aso ay nagsabi, “Nasaan ang ardilyang iyan? Inutusan ko siya, isang oras na ang nakakaraan na dalhin sa akin ang isa pang leon!” 4 Biglang kinabahan ang leon at bumaling sa ardilya. “Akala ko ba’y kakampi kita?” “Nilinlang mo lang pala ako at nais mo akong ipakain sa asong iyan?” Akala ng leon ay talagang inutusan ng matandang aso ang ardilya upang siya ay dalhin sa harap nito. Lingid sa kaniyang kaalaman, sa laki niya ay kaya niyang patayin at lapain ang matandang aso. Kumaripas ng takbo ang leon, at ni hindi na nagawang lumingon. Ang ardilya ay naiwan. Hinarap siya ng matandang aso at galit na nagwika, “Akala mo siguro ay mapapatay mo ako sa pamamagitan ng leong iyon!” Matanda na ako at marami ng karanasan. Hindi ninyo ako mapaglalamangan. Nanginginig na humingi ng tawad ang ardilya. Pag-unawa sa Binasa Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa patlang ang sagot. 1. Sino – sino ang mga pangunahing tauhan sa pabula? ______________________________________________________ 2. Anong mahalagang kaisipan ang nakapaloob sa sinabi ng matandang aso sa ardilya na, “Matanda na ako at maraming karanasan”? ______________________________________________________ 3. Anong mahalagang kaisipan ang ipinakita ng mga tauhan sa nabasang pabula? ______________________________________________________ 4. Ilarawan ang mga tauhan sa binasang pabula. Ardilya Aso Leon SURIIN/TALAKAYIN Ang pabulang pinamagatang, “Ang Aso at ang Leon” ay isang akdang pampanitikan ng mga Maranao. Nagpapakita ito nang hindi matatawarang karanasan at makahulugang kaisipan ng matatanda. Alam mo ba na… Noon ay hindi naman hayop ang ginagamit na tauhan sa pabula kundi mga tao. Ang nagsimula sa paggamit ng mga hayop bilang mga tauhan sa pabula ay si Aesop. Siya ang itinuturing na, Ama ng Pabula, at pinaniniwalaang nabuhay sa pagitan ng 620-564 BC sa Greece. Isa siyang alipin na nagtataglay ng kapansanan subalit pinalaya dahil sa angking husay sa pagkukuwento. Bilang simbolo ng kaniyang paggalang at pagtanaw ng utang na loob sa kabutihang-loob ng kaniyang amo ay sinimulan niyang gamitin ang mga hayop bilang tauhan sa kaniyang mga pabula upang huwag mapulaan ang mga tao. 5 Karaniwang ginagamit ang pabula upang itago ang katauhan at pag-uugali ng mga tao sa lipunan na hindi masabi nang hayagan. Laging nagwawakas sa aral ang pabula. Ano ang Pabula? Ang karaniwang pabula ay kuwento kung saan mga hayop ang gumaganap at ang mga hayop na ito ay kumikilos at nagsasalita na tulad ng tao. Madalas na inilalarawan ng pabula ang dalawang hayop na may magkaibang ugali at nagwawakas ang kuwento na nagwawagi ang may mabuting ugali. Nag-iiwan ito ng aral sa mambabasa. Ang pabula ay tumutukoy sa pang-araw-araw na buhay sa daigdig (maliban sa pagsasalita ng mga hayop). Sa pabula, ang mga suliranin ay nilulutas hindi ng mga kababalaghan, na tulad ng mga kuwentong engkantada, kundi sa pamamagitan ng mapanusong paraan, paghahanda, o sa pamamagitan ng matalinong gawa na katulad ng tao sa kanilang paglutas ng suliranin. Isaisip Ang mga aral sa mga pabula ay naging bahagi ng ating pang-araw-araw na pakikipag-usap tulad ng “Matalino man ang matsing,” “Huwag bibilangin ang itlog,” at “Balat man ay Malinamnam.” Ngunit hindi naman lahat ng pabula ang pangunahing gumaganap ay hayop. Mayroon ding pabula kung saan ang gumaganap ay tao katulad ng “Ang Batang Sumigaw ng Lobo” at “Ang Babaing Manggagatas” o magkahalong hayop at tao na katulad ng “Ang Mabait at Masungit na Buwaya”. 6 Isagawa Panuto: Isulat sa patlang kung anong ugali ng tao ang ipinakikita ng mga sumusunod na tauhan sa kuwento. A. B. _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ C. D. _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ Pagyamanin/Karagdagang Gawain Panuto: Sino sa mga tauhan ang nais mong tularan? Bakit? Isulat ang sagot sa arrow ng napili mong hayop. 7 B. Bumuo ng sariling wakas mula sa binasang pabula. ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ____ Aralin Mga Retorikal na Pang- ugnay sa 2 Paglalahad (una, ikalawa, at iba pa) Alamin Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang; A. natutukoy ang mga retorikal na pang–ugnay sa paglalahad na ginagamit sa pangungusap; B. nakasusulat ng sariling pabuod na pabula gamit ang wastong mga retorikal na pang – ugnay sa paglalahad. Balikan/Pagganyak Tinalakay sa aralin 1 ang pabula na, “Ang Aso at Ang Leon”. Balikan natin ito sa pamamagitan ng pagsusunod- sunod ng mga mahahalagang pangyayari nito gamit ang pormat sa ibaba. Una, ________________________________________________________ Ikalawa, _____________________________________________________ 8 Ikatlo,________________________________________________________ Panghuli, ______________________________________________________ Ang paggamit mo ng mga salitang una, ikalawa, ikatlo at iba pa sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pabulang “Ang Aso at Ang Leon” ay mga katagang ginagamit sa paglalahad. Tuklasin Basahin at unawain ang paraan ng pagsasaing ng bigas na nailahad sa ibaba. Pansinin ang pagkagamit ng katagang una, ikalawa, ikatlo at iba pa. PARAAN NG PAGSASAING NG BIGAS Mga kasangkapan: Bigas, Tubig, kaldero 1. Una, ihanda ang bigas. Tingnang maigi kung may ipa ba ito o wala. Kung mayroon itong ipa ay maari itong tahipan sa bilao upang mawala ang ipa sapagkat ang ipa o darak ay maaring makasama sa kalusugan kapag ito ay nakain. 2. Ikalawa, ihanda ang malinis na kaldero kung ikaw ang magsasaing sa kalan o rice cooker naman kung sa rice cooker ka magluluto. 3. Kung malinis na ang kaldero takalin ang bigas na naayon sa dami ng inyong pamilya o ayon sa dami ng kakain ng kanin. 4. Ikatlo ay hugasang maigi ang bigas mas mainam na hugasan ito ng tatlong beses sapagkat hindi na safe ngayon ang mga bigas dahil sa mga pesticide spray na ginagamit ng mga magsasaka. Ito ay maaring makasama sa kalusugan ng kakain nito. 5. Pagkatapos hugasan ay lagyan ito ng tubig na naayon din sa dami ng bigas. 6. Isalang na ang kaldero o rice cooker at hintaying kumulo. 7. Pagkatapos nitong kumulo ay hinaan ang apoy, walang problema kung sa rice cooker mo ito niluto sapagkat kusa itong mamamatay. 8. Kung wala ng tubig ay maari na itong ihain. Mga gabay na tanong: 1. Ano- ano ang mga kasangkapan na kailanganin sa pagsasaing ng bigas? ___________________________________________________________ 2. Pang-ilang hakbang ang paghugas nang maigi sa bigas? ___________________________________________________________ 9 3. Pansinin ang mga salitang sinalungguhitan, ano sa palagay mo ang gamit nito sa binasang teksto? ___________________________________________________________ Suriin / Talakayin Alam mo ba na… Ang paglalahad ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang-linaw ang isang konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan ng nakikinig o bumabasa. Sa pamamagitan ng paglalahad ay nagiging ganap ang pagkatuto ng isang tao dahil nabibigyan siya ng pagkakataong makatuklas ng isang ideya o kaisipan na makapaghahatid sa kaniya sa kaisahan at kalinawan sa paksang pinag-uusapan. Ilan sa katangian ng isang mahusay na paglalahad ay ang kalinawan, katiyakan, diin, at kaugnayan. Sa aspekto ng kaugnayan sa paglalahad, ginagamitan ito ng mga pang-ugnay na una, ikalawa, habang, pagkaraan, pagkatapos, sa magkahiwalay na insidente, sumunod na pangyayari. Isaisip Ang mga katagang una, ikalawa, habang, pagkaraan, pagkatapos, sa magkahiwalay na insidente, sumunod na pangyayari ay mga pang-ugnay sa paglalahad. Ang pangyayari o hakbang ay inaaayos nang may pagkakasunud-sunod ayon sa panahon. Sumusunod ang kahalagahan ng isang ideya, kaalaman, konsepto, impormasyon, gawain, o pangyayari sa isang kwento. Lubos sanang makakatulong ito upang makuha rin ang mga mahahalagang detalye at impormasyon sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari. Isagawa A. Panuto: Suriin kung angkop ba ang sinalungguhitan na salita bilang pahayag sa paglalahad. Isulat sa patlang ang tsek (/) kung ito ay tama at ekis (X) kung mali. ______1. Mula sa Mindanao ang Aso at ang Leon na sinasabing isa sa mga unang pabula sa Pilipinas. ______2. Una mong basain ang iyong paa papunta sa iyong ulo. 10 ______3. Abangan natin ang susunod na pangyayari. ______4. Si Mark ay nag-iigib ng tubig habang si Don ay nagtatanim ng halaman. ______5. Pagkaraan ng ilang taon ay nagkita na sina Kim at Liera. B. Panuto: Sumulat ng limang pangungusap na ginagamitan ng mga pang-ugnay sa paglalahad. 1. _________________________________________________________________ 2. _________________________________________________________________ 3. _________________________________________________________________ 4. _________________________________________________________________ 5. _________________________________________________________________ Pagyamanin/Karagdagang Gawain Panuto: Sumulat ng isang salaysay na naglalahad ng proseso o pagkakasunod-sunod sa pamamagitan ng paglalagay ng mga impormasyon sa bawat kahon. Maaaring pumili sa mga paksang: paglalaba, pagluluto, paghuhugas ng pinggan, o pagbabalik-aral. Una, Ikalawa, Ikatlo, Sa Huli, Dagdag pa rito, Halimbawa, 11 Tayahin Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang malaking titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel. (Note: Gumamit ng isang buong papel. Huwag kalimutan ang iyong pangalan, taon/seksyon, petsa at bilang ng modyul. Sundin ang pormat sa ibaba.) Pangalan: ________________Taon/Seksyon:______Petsa:_______Bilang ng Modyul:2 1. Anong akdang pampanitikan na ang karaniwang tauhan ay mga hayop na nagsisikilos at nagsasalitang parang mga tao? A. dagli B. pabula C. parabola D. maikling kuwento 2. Alin sa sumusunod ang hindi halimbawa ng pabula? A. Isang Daang Damit C. Si Kuneho at si Pagong B. Si Pagong at Matsing D. Si Langgam at si Tipaklong 3. Lahat ay katangian ng pabula, maliban sa isa, alin nito? A. kapupulutan ng aral C.mga pangyayaring di makatotohanan B. ang tauhan ay mga hayop D. tungkol sa pinagmulan ng mga bagay 4. Ano ang karaniwang wakas ng pabula? A. nagtatanong C. nagbibigay-aral B. nangangaral D. iniiwan sa mambabasa ang pagwawakas 5. Ano ang aral na nais iparating sa pabulang, “Ang Aso at Ang Leon”? A. Kung walang tiyaga, walang nilaga. B. Kung ano ang puno ay siya ring bunga. C.Kung ano ang itinanim ay siya ring aanihin. D. Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo. 12 Para sa bilang 6-10 Basahin at unawain ang pabulang “Si Haring Tamaraw at Si Daga” bago sagutin ang mga katanungan. Si Haring Tamaraw at Si Daga Ang Tamaraw ay isang uri ng mga hayop sa ating kagubatan. Siya ay malaki, mabilis at malakas. Iginagalang siya ng lahat ng kanyang nasasakupan. Minsan, nilibot ni Haring Tamaraw ang kagubatan. Dumating siyang pagod na pagod. Kaagad siyang nakatulog sa ilalim ng punong Narra. Dumating si Daga. Tuwang-tuwa siyang naglalaro sa may puno ng Narra. Sinaway siya ng mga ibon na nakadapo sa mga sanga ng puno. Ipinaalam nilang natutulog si Haring Tamaraw. Dali-daling tumakbong paalis si Daga. Hindi sinasadyang natapakan ni Daga ang paa ni Haring Tamaraw. Kumilos si Haring Tamaraw at naipit ang paa ni Daga. Umirit si Daga. Nagising si Haring Tamaraw. Galit na galit siya. Hinuli niya si Daga at bilang parusa, kakainin sana niya ito. Nagmakaawa si Daga kay Haring Tamaraw. Nangakong hindi na siya uulit at sinabi pang baka siya'y makatulong kay Haring Tamaraw pagdating ng panahon. Pinakawalan at pinatawad ni Haring Tamaraw si Daga. Nagpasalamat naman si Daga. Isang araw, naghahanap si Haring Tamaraw ng makakain sa kagubatan. Sa kanyang paglalakad ay natapakan niya ang isang patibong na hawla na panghuli ng malalaking hayop sa kagubatan. Napasok at nakulong sa hawla si Haring Tamaraw. Walang magawang tulong ang mga hayop. Nagkagulo sila at hindi malaman kung ano ang gagawin sa kanilang hari. Walang anu-ano dumating si Daga na galing sa paghahanap ng pagkain. Nginatngat kaagad niya ang mga tali sa hawla. At nakalusot si Haring Tamaraw sa pagkakaligtas ni Daga sa kanya. Nagpasalamat si Haring Tamaraw kay Daga. Mula noon, naging mabuting magkaibigan si Haring Tamaraw at si Daga. 6. Anong pag-uugali mayroon si Haring Tamaraw? A. matakaw at walang bait sa sarili B. matalino pero nagdadalawang isip C.may kakayahan sa pakikipaglaban pero duwag D.malakas at iginagalang ng lahat na nasasakupan 7. Sino ang naglalaro sa may puno ng Nara at sinaway ng mga ibon? A. Aso B. Daga C. Manok D. Pusa 8. Sino ang napapagod dahil sa paglibot sa kagubatan? A. Haring Leon C. Haring Tamaraw B. Haring Daga D. Matandang Aso 9. Ano ang nangyari noong sinaway ng ibon ang daga? A. nagkasayahan ang ibon at daga B. patuloy na masayang naglalaro ang daga C.nagtatakbuhan ang mga hayop dahil sa saya D. dali-daling paalis ang daga at natapakan si Haring Tamaraw 13 10. Paano pinarusahan ang daga? A. dinakip at kinain ito B. itinapon sa malayong lugar C. pinabantayan upang hindi na pasaway ulit D. pinakawalan at pinatawad dahil sa pangako 11. Ang mga sumusunod ay mga pang-ugnay sa paglalahad, maliban sa isa. A. pagkatapos B. pakaraan C. bilang patunay D. magkahiwalay na insidente 12. Sa pagsasaing ng kanin, ___ ay ang paghugas ng kamay. A. una B. pagkatapos C. pagkaraan D. ikalawa 13. Walang kasiguraduhan ang pangako nina Judy at Cholo sa isa’t isa, ngunit muli sila nagkita ________ ng siyam na taon na di magkasama. A. una B. pagkatapos C. pagkaraan D. ikalawa 14. Bandang sa ____ ay nagkaisa ang lahat ng mamayanan ng Pilipinas para sugpuin ang Covid-19. A. habang C. sumunod na pangyayari B. huli D. magkahiwalay na akidente 15. Si Kim ay naglalaba ____ si Lorry ay nagluluto ng pananghalian. A. huli C. sumunod na pangyayari B. habang D. magkahiwalay na aksidente Sanggunian: -Panlitikang Rehiyonal Kagamitan ng Mag-aaral 2017 -Aragon, Angelita L. Mga Alamat at Iba pang mga Kuwento (LegendsAnd other Stories). Quezon City:Tru- Copy Printing Press, 1986, pp.80-81. -: Ang Aso at Ang Ipis https:// pinoy collection.com -https://www.kapitbisig.com/Philippines/tagalong-version-of-fables-mga-pabula-si-haring- tamaraw-at-si-daga-pabula-fable-587.html -Alamin kung paano lutuin ang bigas brainly.ph/question/504001 brainly.ph/question/1311476 brainly.ph/question/2012952 3.6 11 votes 14 15 ARALIN 2- ISAGAWA 1. X 2. X 3. / 4. / 5. / Susi sa Pagwawasto