M1_Q1_ FILIPINO Filipino Past Paper PDF

Summary

This document appears to be a Filipino learning material for 7th grade, containing different sections relating to Filipino language. Sections include exercises, questions, and summaries on various topics.

Full Transcript

7 Filipino Mga Akdang Pampanitikan Panrehiyon FIlipino – Ikapitong Baitang Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapa...

7 Filipino Mga Akdang Pampanitikan Panrehiyon FIlipino – Ikapitong Baitang Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Mga Tagalikom/ Regina J. Bonghanoy, T3- Talamban National High School Tagapagkontekstuwalisa: Farrahjudy E. Cortuna, T3- Mabolo National High School Dimple D. Casucot, T1-Mabolo National High School Lovelyn D. Razonable, T1-Banilad Night High School Mga Patnugot: Era Matas, MT2- Don Carlos A. Gothong MNHS Eamar Abadia, MT2- Don Vicente Rama MNHS Farrah Judy Cortuna, T3-Mabolo National High School Victoriano Indaya Kr., HT3- Don Carlos A.Gothong MNHS Mga Tagasuri: Nilda A. Leyson Principal I – Vicente B. Cosido MNHS Imelda N. Binobo, PSDS- South District 4 Jocelyn D. Tejano, PSDS- North District 4 Phamela A. Oliva, Principal II- Basak Community ES Tagapamahala: Rhea Mar A. Angtud, School Division Superintendent Bernadette A. Susvilla, Asst. Division Superintendent Grecia F. Bataluna, Chief-Curriculum Implementation Div. Marivic C. Ople, EPSvr Filipino/MTB-MLE Vanessa L. Harayo, EPSvr- LRMDS Inilimbag sa Pilipinas ng DepEd Cebu City Division, Region VII Office Address: Imus Avenue, Cebu City Telefax: 255-1516 E-mail Address: [email protected] i 7 Filipino Unang Markahan Modyul 1 Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao ii Paunang Salita Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino! Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga guro mula sa pampublikong paaralan upang gabayan ka. Binuo ito upang matulungan kang makamit ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12. Hangad rin namin na mapagtagumpayan mo ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ka sa mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa iyong kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ka upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang iyong mga pangangailangan at kalagayan. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik- aral/pangganyak upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Maari rin itong magsisilbing pangganyak. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin/Talakayin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Pagyamanin / Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong Karagdagang Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. iii Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang- unawa at mga kasanayan sa paksa. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat Susi sa Pagwawasto ng mga gawain sa modyul. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag- aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito. iv Panimula Sa modyul na ito, mababasa ang ilang akdang pampanitikan ng Mindanao tulad ng kuwentong-bayan na pinamagatang “Nakalbo ang Datu” mula sa Maranao. Ilalahad dito ang kultura at paniniwala ng mga Muslim sa pag-aasawa. Gayundin ang paggamit ng mga salitang nagbibigay ng patunay sa pangungusap. MGA PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO: F7PN-Ia-b-1 Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan. F7WG-Ia-b-1 Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay. Subukin Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang malaking titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel. (Note: Gumamit ng isang buong papel. Huwag kalimutan ang paglagay ng iyong pangalan, taon/seksyon, petsa at bilang ng modyul. Sundin ang pormat sa ibaba.) Pangalan: ________________ Taon/Seksyon: ______ Petsa:______ Bilang ng Modyul: 1 1. Ito ay isang akdang likhang-isip lamang na ang pangunahing tauhan ay kumakatawan sa partikular na bayan. A. alamat B. kwentong-bayan C. epiko D. parabula 2. Ang mga sumusunod ay uri ng kwentong-bayan, MALIBAN sa isa: A. alamat B. maikling kwento C. mitolohiya D. pabula 3. Sa anong panahon nagsimula ang kwentong-bayan sa Pilipinas? A. Panahon ng Amerikano C. Panahon ng Hapon B. Panahon ng Espanyol D. Panahon ng Ninuno Para sa bilang 4-8: Tukuyin kung anong tamang pahayag sa pagbibigay ng patunay sa pangungusap. 4. Siya ay ____________ na masipag at magalang sa nakatatanda. A. bilang patunay B. sa katunayan C. totoo ngang D. tunay 5. Ang mga pangyayari ngayon ay ____________ nakababahala. A. bilang patunay B. sa katunayan C. totoo ngang D. tunay 1 6. Ang paggabay ng magulang ay ____________ na mahalaga sa kanilang mga anak. Ano ang angkop na salitang nagbibigay ng patunay sa patlang? A. bilang patunay B. sa katunayan C. totoo ngang D. tunay 7. Malaki ang pinagbago sa pamumuhay ng mga Pilipino nang dahil sa CoVid-19, ____________ marami ang nawalan ng trabaho. Ano ang angkop na salitang nagbibigay ng patunay sa patlang? A. bilang patunay B. sa katunayan C. totoo ngang D. tunay 8. Malapit na ipalabas ang vaccine para sa CoVid-19_________ ito’y mababasa sa Manila Bulletin. Ano ang angkop na salitang nagbibigay ng patunay sa patlang? A. bilang patunay B. sa katunayan C. totoo ngang D. tunay Para sa bilang 9-15: Basahin ang kwentong “Naging Sultan si Pilandok” at sagutin ang mga tanong. Naging Sultan Si Pilandok Si Pilandok ay nahatulang makulong sa hawlang bakal at ipatapon sa dagat. Nagkasala di umano sa kasalanang di nya ginawa. Pagkalipas ng ilang araw, ang Sultan ng kanilang lugar ay nagulat nang makita si Pilandok. Ang Sultan ay magara ang suot. Nakasukbit pa ang gintong tabak nito. "Hindi ba't ipinatapon na kita sa dagat?" saad ng nagtatakang Sultan. "Opo mahal na Sultan" tugon naman ni Pilandok. "Kung gayon, paanong nangyari na ikaw ay nasa aking harapan? dapat ay patay kana ngayon" saad naman ng Sultan. Ipinaliwanag ni Pilandok na di siya namatay sapagkat nakita niya di umano ang mga ninuno sa ilalim ng dagat at siya ay binigyan ng kayamanan. "Marahil ay nasisiraan kana ng bait" saad muli ng Sultan. "Kasinungalingan po iyan mahal na Sultan! Ako na ikinulong sa hawla at ipinatapon sa dagat ay muling naririto. May kaharian po sa ilalim ng dagat ngunit ang tanging pagpunta roon ay ang pagkulong sa hawla at magpatapon sa gitna ng dagat" mariing saad ni Pilandok. Nagpasyang umalis na si Pilandok at sinabing hinihintay na ng mga kamag anak. Ngunit di pa nakakalayo ay pinigilan ito ng Sultan. Sinabing gusto rin nitong magtungo sa gitna ng dagat upang makita ang mga ninuno. Pumayag naman si Pilandok at napagkasunduan nila ng Sultan na sya na muna ang mamumuno habang wala ito. Pagdating nila sa gitna ng dagat ay inihagis ni Pilandok sa gitna nang dagat ang Sultan na nasa loob ng hawla. Kaagad na lumubog ang hawla at namatay ang Sultan. Mula noon, si Pilandok na ang naging Sultan. Hinango : https://www.marvicrm.com/2017/09/naging-sultan- si-pilandok-buod 9. Anong uri ng panitikan ang binasang kwento? A. dula B. maikling kwento C. kwentong-bayan D. tula 10. Sino-sino ang mga tauhan sa kwentong binasa? A. hawlang bakal C. sa ilalim ng dagat B. Pilandok at Sultan D. Naging Sultan Si Pilandok 2 11. Alin sa mga sumusunod ang tagpuan sa binasang kwento? A. hawlang bakal C. sa ilalim ng dagat B. Pilandok at Sultan D. Naging Sultan Si Pilandok 12. Ano ang tema ng binasang kwento? A. Daig ng madiskarte ang matalino. B. Magsumikap para umasenso sa buhay. C. Kayamanan ay may dalang kapahamakan. D. Ang kasakiman ay may kambal na panganib. 13. “Ipinaliwanag ni Pilandok na di siya namatay sapagkat nakita niya di umano ang mga ninuno sa ilalim ng dagat at siya ay binigyan ng kayamanan.” Ito ay isang halimbawa ng ________. A. kultura B. pamahiin C. paniniwala D. tradisyon 14. “Pumayag naman si Pilandok at napagkasunduan nila ng Sultan na siya na muna ang mamumuno habang wala ito.” Anong kultura ng taga-Mindanao ang sinasalamin sa pahayag? A. Ang pagpapasa ng kapangyarihan ng sultan. B. Nakahanda silang ipagtanggol ang kanilang bayan. C. Nakapag-aasawa ng higit sa isa ang mga lalaking Muslim. D. Lahat ng nabanggit. 15. Anong ugali ng mga Pilipino ang pinakita ni Pilandok? A. Likas na mautak ang mga Pilipino. B. Labis ang pagmamahal sa sariling bayan. C. Mayroon pagmamalasakit sa kapwa Pilipino. D. Hindi umuurong sa anumang pagsubok ang mga Pilipino. Aralin Nakalbo ang Datu 1 (Kwentong Bayan) Alamin Pagkatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang: A. nasusuri ang kultura ng mga taga-Maranao batay sa kwentong “Nakalbo ang Datu”; B. natutukoy ang kasalungat at kasingkahulugan ng mga salitang ginamit sa kwentong-bayan; at C. naisusulat ang kahanlitulad na kultura ng mga Muslim sa mga Kristiyano batay sa binasang kwentong-bayan. 3 Balikan/Pagganyak Tingnan ang nasa larawan, ano ang iyong masasabi tungkol dito? Ang masasabi ko sa larawang ito ay______________________________________ ___________________________________________________________________ 4 Tuklasin Basahin at unawain ang isa sa mga kuwentong-bayan ng Maranao. Alamin ang mga paniniwala at katangian nila. Nakalbo ang Datu (Kuwentong-bayan ng Maranao) Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang Muslim. Ilalahad nito ang ilang paniniwala ng mga Muslim tungkol sa pag-aasawa. Sa kanilang paniniwala, ang isang lalaki ay maaaring mag- asawa nang higit sa isa kung may kakayahang sustentuhan ang pakakasalang babae at ang magiging pamilya nila. May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kaniyang mga nasasakupan. Sadyang lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook kaya nalimutan na niya ang mag-asawa. Dahil dito, pinayuhan na siya ng matatandang tagapayo na mag-asawa na upang magkaroon siya ng anak na magiging tagapagmana niya. Napilitang mamili ang datu ng makakasama niya habambuhay. Totoong naging pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan. Ngunit dahil sa tulong ng matiyagang pagpapayo ng matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu. Ngunit hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang tunay na magaganda at mababait pa. Dahil sadyang wala siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal, pinakasalan niya ang dalawang dalaga. Isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya ay batang bata at totoong napakalambing. Kahit na matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang asawa. Mahal na mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob nito sa kaniya ang bawat hilingin niya. Dahil sa pagmamahal sa matandang datu, nag-isip si Hasmin ng paraan upang magmukhang bata ang asawa. “Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu. Sa ganitong paraan, magmumukhang kasinggulang ko lamang siya.” Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Tuwing mamamahinga ang datu, binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang asawa. Dahil dito, madaling nakakatulog ang datu at napakahimbing pa. Sadyang mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Tunay na maganda at mabait din si Farida ngunit kasintanda siya ng datu. Tuwang tuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting buhok ng datu. Tuwing tanghali, sinusuklayan niya ito. Kapag tulog na ang datu, palihim niyang binubunot ang itim na buhok ng asawa. 5 Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa ay kuntento na sa kaniyang buhay ang datu. Tunay na naging maligayang-maligaya siya, at pinagsisihan niya kung bakit hindi kaagad siya nag-asawa. Ngunit gayon na lamang ang kaniyang pagkabigla nang minsang manalamin siya, Hindi niya nakilala ang kaniyang sarili. Kalbo! Kalbo, ako! sigaw ng datu. Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal nina Hasmin at Farida. Hinango : Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends and other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp.80-81 A. Pagsagot sa Talasalitaan Ang kasingkahulugan ay tumutukoy sa katumbas na kahulugan ng salita samantalang ang kasalungat naman ay kabaligtarang kahulugan ng salita. Panuto: Piliin ang mga salitang kasingkahulugan na nasa kahon A at ang kasalungat na nasa kahon B sa mga salitang may salungguhit ayon sa pagkakagamit sa pangungusap. A B Kasingkahulugan Kasalungat pasikreto magpupuyat ibinigay di mapili mapili ipinagdamot matutulog pabunyag maraming inaasikaso walang ginawa Pangungusap Kasingkahulugan Kasalungat 1. Lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook. 2. Naging pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan. 3. Mahal na mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob sa kaniya ang bawat hilingin niya. 4. Kapag tulog na ang datu, palihim niyang binubunot ang itim na buhok ng asawa. 5. Sa tuwing mamamahinga ang datu, binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang asawa. B. Pagsagot sa Katanungan Panuto: Basahin at unawain ang katanungan. 1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa kwento? 6 2. Anong ugali ang ipinakita ni Datu mula sa kwento? 3. Bakit napilitang mag-asawa ang Datu? 4.Sa anong paraan ipinakita nina Hasmin at Farida ang kanilang pagmamahal kay Datu? 5. Ano ang aral na natutunan mo mula sa kwentong “Nakalbo ang Datu”? Suriin / Talakayin Alam mo ba na… Ang Kwentong-Bayan (Folklore) ay isang uring panitikan na ang bawat salaysay ay pawang mga likhang isip at ginagampanan ito ng mga tauhang karaniwan ay kumakatawan sa isang pamayanan, bansa, at saloobin. Ang mga kwentong ito ay galing sa ating bayan at nagpatuloy ang paglaganap nito sa pamamagitan ng pagsasalin sa iba’t ibang konteksto at panahon. Ang mga ganitong uring panitikan ay karaniwang nagmumula sa ating mga ninuno at nakatatanda hanggang ito ay napasalin sa maraming henerasyon. Naipapalaganap ang ganitong uring panitikan sa tinatawag nating oral tradition kung saan naililipat ang bawat konsepto at istorya sa ibang mga tao at henerasyon at sa ibang lugar. Apat na Katangian ng Kuwentong-Bayan 1. Ito ay lumaganap at nagpasalin-salin sa iba't ibang henerasyon sa pamamagitan ng pasalindila. 2. Ito ay nasa anyong tuluyan (dire-diretso o hindi patula) at naglalaman ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagmula. 3. Ito ay naglalahad ng mahihiwagang bagay o pangyayari katulad ng isang ibong nangingitlog ng ginto, diwata, diyos o diyosa, anito, kapre at iba pang elemento, sirena, syokoy, atbp. 4. Higit sa lahat, ay naglalaman ng gintong aral na nagpapahiwatig ng mga bagay na nangyayari sa paligid. Apat na Uri ng Kuwentong-Bayan 1. Alamat - isang uri ng kuwentong-bayang tumatalakay kung saan nagmula o ano ang pinanggalingan ng isang bagay o hayop. 2. Mito - ito ay tungkol sa mga diyos at diyosa. 3. Pabula - ito ay pumapaksa sa mga nagsasalitang hayop na inihahambing sa mga tao dahil sa mga pag-uugali at katangiang taglay ng bawat isa. 7 4. Parabula - isang uri ng kuwentong bayan na ang mga pangyayari ay buhat sa mga aral o mga pangyayaring matatagpuan sa Bibliya. Maraming kuwentong bayan ang matatagpuan sa iba't ibang panig ng Pilipinas. Ilan sa mga ito ay nagmula pa sa panahon ng ating mga ninunong Ita. Karamihan naman sa mga ito ay halos magkakapareho na lang, nagkakaiba lamang sa tagpuan, tauhan, at sa ilang pangyayari. Ang dahilan nito ay may kinalaman sa pagsasalin-salin sa iba't ibang henerasyon. Dahil sa pagkukuwento, minsan ay nababawasan ang ikinukuwento, minsan naman ay dinaragdagan hanggang sa magkaroon ng iba't ibang bersiyon ng mga kuwento. Isaisip Ang kuwentong “Nakalbo ang Datu” ay nagpapakita ng kulturang nakagisnan ng mga taga-Maranao lalo na sa pagdating sa pag-aasawa. May katutubong kultura ang mga Pilipinong Muslim tungkol sa pag-aasawa. Sa kanilang kalinangan, ang isang lalaki ay maaaring mag-asawa nang dalawa o higit pa kung makakaya nilang masustentuhan ang pakakasalang babae at ang magiging pamilya nila. Nakabubuti sa babae ang paglilingkod sa kanyang asawa sa kabutihan, tulad ng paghahanda ng pagkain at mga kaukulang gawain sa bahay. Isagawa Panuto : Sagutin ang mga tanong. 1. Ano ang suliranin ng Datu? 2. Bakit naging suliranin niya ito? 3. Paano natutong umibig ang Datu? 4. Paano pinatunayan nina Hasmin at Farida ang kanilang pagmamahal sa Datu? 5. Ano ang naging bunga ng pagmamahal ng dalawang asawa ng datu? 8 Pagyamanin/Karagdagang Gawain Panuto: Basahin at unawain ang tanong. Batay sa kwentong “Nakalbo ang Datu”, anong kaugalian ng mga Muslim ang mahahalintulad mo sa mga Kristiyano? Aralin Mga Salita o Pahayag na Nagbibigay 2 ng Patunay Alamin Pagkatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang: A. natutukoy ang mga salita/pahayag na nagbibigay ng patunay mula sa kwentong “Nakalbo ang Datu”;at B. naisusulat nang wasto ang mga salita/pahayag na nagbibigay ng patunay sa mga pangungusap. Balikan/Pagganyak Tinalakay sa aralin 1 ang kwentong-bayan na “Nakalbo ang Datu”, balikan natin ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. 1.Tungkol saan ang kwentong “Nakalbo ang Datu”? 2.Ano ang aral na natutunan mo mula rito? 9 3.Magbigay ng dalawang kultura ng mga taga-Maranao ang inilahad sa kwento. A. B. Tuklasin May mga salitang sinalungguhitan sa kwentong “Nakalbo ang Datu”. 1. Dahil sadyang wala siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal, pinakasalan niya ang dalawang dalaga. 2. Siya ay batang bata at totoong napakalambing. 3. Tunay na maganda at mabait din si Farida ngunit kasintanda siya ng datu. Ito ang mga salitang tunay, totoo at sadya. Ang mga ito ay mga salita/pahayag na nagbibigay patunay sa pangungusap. Suriin / Talakayin Alam mo ba na… Ang talagang, sadyang, totoong, tunay nga, sa katunayan, bilang pagpapatunay at iba pang kauri nito ay mga pahayag/salitang nagbibigay ng patunay. Karaniwang ang mga ito ay sinasamahan ng ebidensiya o batayan. Mga halimbawa: 1. Sadyang lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook kaya nalimutan na niya ang mag-asawa. 2. Totoong naging pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan. 3. Ngunit hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang tunay na magaganda at mababait pa. 4. Talagang mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Paliwanag: Ang mga salitang sadyang, totoong, tunay at talaga ay ginamit sa pangungusap na nagpapahayag sa pagbibigay patunay. Ito ay nakatutulong upang mapatunayan ang isinasaad sa pangungusap. 10 Isaisip Ang mga salitang talaga, sadyang, totoong, sa katatunayan, bilang pagpapatunay at tunay nga ay mga pahayag na nagbibigay patunay. Ito ay ginagamit upang mabigyan ng suporta ang isang argumento o panindigan. Nararapat lamang na magbigay ng mga patunay sa alinmang pahayag na ating binibitiwan upang mas maging kapani-paniwala ito sa mga nakikinig o mambabasa. Isagawa A. Panuto: Salungguhitan sa pangungusap ang ginamit na pahayag/salita na nagbibigay patunay. 1. Tunay ngang nakababahala ang naganap na pagsabog sa isang kilalang mall ng bansa. 2. Talagang ang laki ng pagbabago ng kapaligiran sa pagpapalit ng pinuno ng pamahalaan. 3. Sadyang nakatutuwa ang mga gawaing inihanda ng mag-aaral kahapon. 4. Totoong dapat na ipagmalaki ang kabayanihang ipinakikita ng bawat OFW. 5. Karapat-dapat na paghandaan ang bawat araw na lumilipas sapagkat hindi na ito maibabalik muli. Pagyamanin/Karagdagang Gawain Panuto: Bumuo ng tatlong pangungusap na ginagamitan ng wastong pahayag na nagbibigay ng patunay. 1.__________________________________________________________________ 2.__________________________________________________________________ 3.__________________________________________________________________ 11 Tayahin Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang malaking titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel. (Note: Gumamit ng isang buong papel. Huwag kalimutan ang paglagay ng iyong pangalan, taon/seksyon, petsa at bilang ng modyul. Sundin ang pormat sa ibaba.) Pangalan: ________________ Taon/Seksyon: ______ Petsa:______ Bilang ng Modyul: 1 Para sa bilang 1-5: Tukuyin kung ano ang angkop na pahayag na nagbibigay ng patunay sa patlang. 1. Hindi pinahintulutan ng Pangulo ang panibagong pagtataas ng halaga ng kuryente sa taong ito,____________ nagpalabas siya ng kautusan tungkol dito. A. sadyang B sa katunayan C. totoo D. tunay 2. Si Jose ay mapagkakatiwalaan, ________ hindi niya pinagbalakang kunin ang salaping kaniyang nakita kahit hindi niya alam kung sino ang may-ari nito. A. sadyang B sa katunayan C. totoo D. tunay 3. Wala pang gamot para sa Covid-19 kaya _________ mahalaga ang pagsuot ng mask at paghugas ng kamay. A. sadyang B sa katunayan C. totoo D. tunay 4. Ang pagsunod sa social distancing at hindi paglabas ng bahay kung di naman kailangan ay _________ epektibo para hindi kumalat ang naturang virus. A. sadyang B sa katunayan C. totoo D. tunay 5. Ang Mindanao ay tinaguriang “Lupang Pangako” dahil sa likas na yaman nito, ___________ mayaman sa mga mineral, ginto, gasolina, cacao, saging at iba pa, mainam na lupa para sa agrikultura. A. sadyang B. sa katunayan C. totoo D. tunay 12 Para sa bilang 6-10: Basahin ang kwentong “Ang Pilosopo” at sagutin ang mga tanong. Ang Pilosopo Isang araw nagtipon ang mga tao upang magdasal ng Dhubor (pantanghaling pagdarasal). Nang makatapos sila ay nagtanong si Abed kung sino ang wala sa kanyang mga tauhan. May nakapagsabi na si Subekat ang wala. Samantala, ipinaalam ni Abed sa mga tao na aalis sila para magsuri ng lupa dahil kakaunti na lamang ang lupa para sa susunod na henerasyon. Nang papaalis na sila, saka pa lamang dumating si Subekat na hindi sumali sa pagdarasal at sinabing sasama siya. Sinabi ni Abed na maaaring sumama si Subekat kahit na hindi niya siya nakita sa pagdarasal ngunit sa pag-alis nilang ito ay matatanto niya kung tunay ba na kasama si Subekat o hindi. Bago umalis ang pangkat, hinabilin ni Abed sa bawat isa na magdala ng bato na tamang-tama lang ang bigat sa kanila. Nagdala si Subekat ng batong sinlaki lang ng kanyang hinlalaking daliri. Nang mapagod na sila sa walang humpay na paglalakbay, nagpahinga sila at naghugas upang magdasal. Hindi pa rin sumali si Subekat. Nang matapos ang pagdarasal, ipinag-utos ni Abed na buksan ang kanilang baon. Nang mabuksan na nila, naging tinapay ang lahat ng dala nilang bato. Si Subekat na ang dala ay sinlaki lamang ng hinlalaki ay nagutom dahil sa liit ng kanyang tinapay. Nang paalis na naman sila, sinabi uli ni Abed sa bawat isa na magdala ng maliit lamang na bato. Sumunod lahat ang mga tao maliban kay Subekat na ang dinalang bato ay ang pinakamalaki dahil magiging tinapay raw ito. Nang dumating na sila sa pupuntahan nila, sinabi ni Abed na bawat isa sa kanila ay ihagis sa abot ng kanilang makakaya ang kanilang bato dahil ito na rin ang lawak ng lupang matatamo ng bawat isa. Samantalang, si Subekat na may pinakamalaking bato ay sinlaki lamang ng bilao ang nakuhang lupa dahil sa hindi niya kayang ihagis ang kanyang dalang bato. Doon lamang sa nahulugan ng bato ang kanyang makukuhang lupa. Nalungkot si Subekat sa kanyang makukuhang lupa. Nang makita ni Abed ang liit ng kanyang nakuhang lupa sinabi niya kay Subekat na hindi ito sumusunod sa mga patakaran. Sinabi pa sa kanya na dahil siya ay hindi marunong sumunod sa mga alintuntunin, wala siyang magandang kinabukasan. Hango sa: https://brainly.ph/question/322965?source=aid1485555 6. “Kahit na hindi niya siya nakita sa pagdarasal ngunit sa pag-alis nilang ito ay matatanto niya kung tunay ba na kasama si Subekat o hindi.” Anong kasalungat ng salitang sinalungguhitan? A. maititindihan B. makaliligtaan C. malalaman D. matutukoy 7. “Bago umalis ang pangkat, hinabilin ni Abed sa bawat isa na magdala ng bato na tamang-tama lang ang bigat sa kanila.” Anong kasingkahulugan ng salitang sinalungguhitan? A. ibinigay B. ninais C. pinagpaalam D. pinagtiwala 8. “Sinabi pa sa kanya na dahil siya ay hindi marunong sumunod sa mga alintuntunin, wala siyang magandang kinabukasan.” Anong kasingkahulugan ng salitang sinalungguhitan? A. kagawaran B. kautusan C. pasiya D. tagubilin 13 9. Sino sa mga tauhan ang suwail kaya nagbunga ng hindi maganda ang kanyang ginawa? A. Abed C. kasamahan ni Abed B. Subekat D. mamamayan sa Maranao 10. Anong uri ng pinuno si Abed? A. responsableng pinuno C. tapat sa kanyang mga salita B. sakim sa kayamanan D. marahas sa mga nasasakupan 11. Bakit nalungkot si Subekat sa wakas ng kwento? A. Dahil mabigat ang batong kanyang dala. B. Dahil ayaw niyang sumama sa pangkat ni Abed. C. Dahil maliit lamang ang lupang kanyang naangkin. D. Dahil pinarusahan siya na dapat kunti lang ang kainin sa paglalakbay. 12. Ano ang aral sa binasang kwento? A. Pagtanaw ng utang na loob sa mga mabubuting tao. B. Pagbigay galang sa pinuno upang maging maayos ang pakikisama. C. Mahalaga ang pagsunod sa mga patakaran para sa magandang kinabukasan. D.Pagsang-ayon sa lahat ng desisyon ng pinuno di na bali kung ito ay nakabubuti o nakasasama sa kapwa. 13. ”Isang araw, nagtipon ang mga tao upang magdasal ng Dhubor o tinatawag na pantanghaling pagdarasal.” Ito ay isang halimbawa ng ________. A. kultura B. pamahiin C. paniniwala D. tradisyon 14. “Nang mapagod na sila sa walang humpay na paglalakbay, nagpahinga sila at naghugas upang magdasal.” Anong kultura ng taga-Mindanao ang isinasaad sa pangungusap? A. Ang mga taga-Mindanao ay madasalin. B. Mahilig maglakbay ang taga-Mindanao. C. Madaling mapagod sa paglalakbay ang mga taga-Mindanao. D. Madalas naghugas ng mga paa ang taga-Mindanao sa tuwing sila ay naglalakbay. Para sa bilang 15 15. Batay sa graphic organizer na nasa itaas, ano ang ipinapakita nito na kaugnay sa akdang pampanitikan, kaugalian at tradisyon? A. Ang kaugalian at tradisyon ay magkakapareho. B. Ang mga tao sa lipunan ay may kaugalian at tradisyon. C. Ang akdang pampanitikan ay tungkol sa mga tao sa lipunan. D. Ang akdang pampanitikan ay sumasalamin sa kaugalian at tradisyon ng mga tao sa lipunan. 14 Binabati kita sa matiyaga mong pag-aaral sa modyul na ito. Natitiyak kong napatunayan mong nasasalamin ang mga paniniwala at katangian ng mga tao sa Mindanao sa kanilang mga kuwentong-bayan. Gayundin, nagkaroon ka na ng kaalaman sa wastong gamit ng pahayag/salita na nagbibigay patunay sa pagpapahalaga sa mga ito. Alam kong nakapapagod maglakbay ngunit sulit naman dahil matagumpay mong natutuhan ang mga dapat mong malaman bilang paghahanda sa paglalakbay sa mundo ng pabula. Sanggunian: Panitikang Rehiyonal Kagamitan ng Mag-aaral 2017 Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends and other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp.80-81. Naging Sultan Si Pilandok: https://www.marvicrm.com/2017/09/naging-sultan-si-pilandok- buod Ang Pilosopo: https://brainly.ph/question/322965?source=aid1485555 Susi sa Pagwawasto 5. Karapat-dapat mapupuyat 5. matutulog 4. Totoong pabunyag 4. pasikreto 3. Sadyang ipinagdamot 3. ibinigay 2. Talagang di mapili 2. mapili ginawa inaasikaso 1. Tunay walang 1. maraming A. Kasingkahulugan Kasalungat Isagawa Talasalitaan 15

Use Quizgecko on...
Browser
Browser