Mga Uri ng Media PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa iba't ibang uri ng media sa Tagalog, tulad ng radyo, telebisyon, at pahayagan. Tinatalakay din ang iba't ibang uri ng pakikipanayam at balita.
Full Transcript
Radyo – Ito ay isang teknolohiyang pinahihintulutan ang pagpapadala ng mga hudyat (signals) sa pamamagitan ng modulation ng dagibalniing-liboy (electromagnetic wave) na may dalas (frequency) na mas mababa kaysa liwanag. dalawang uri ng modulation 1. Amplitude Modulation (AM) na karaniwang balita an...
Radyo – Ito ay isang teknolohiyang pinahihintulutan ang pagpapadala ng mga hudyat (signals) sa pamamagitan ng modulation ng dagibalniing-liboy (electromagnetic wave) na may dalas (frequency) na mas mababa kaysa liwanag. dalawang uri ng modulation 1. Amplitude Modulation (AM) na karaniwang balita ang nilalaman at ang 2. Frequency Modulation (FM) na may balita ngunit madalas ay musika at panlibangan. Telebisyon o tanlap (tanaw + diglap) – Isa itong pamamaraang telekomunikasyong ginagamit upang makapaghatid ng tunog at gumagalaw na imaheng may iisang kutis ng kulay, may iba’t ibang kulay, o may tatlong sukat (3D). Puwede itong tumukoy sa set ng telebisyon, isang programa sa telebisyon o ang pamamaraan ng paghatid sa telebisyon. Ang telebisyon ay pangmasang panghatid ng libangan, edukasyon, balita o pang-alok. Panayam – ang tawag sa sistema ng komunikasyong nagtatanong para makakuha ng impormasyon, tulad ng opinyon, kaisipan o tanging kaalaman ukol sa isang paksang nakatatawag ng kawilihan sa madla Mga Uri ng Pakikipanayam Pakikipanayam na Pagkuha ng Impormasyon – Ito ay isinasagawa upang makakuha ng impormasyon mula sa taong kinapapanayam. Ito ay pakikipanayam na ginagawa ng mamamahayag, pulis, reporter, doktor, abogado, negosyante at mag-aaral. Pakikipanayam para sa Trabaho / Pag-aaral – Ito ay isinasagawa para sa naghahanap ng trabaho, sa mga mag-aaral sa unang taong nais na matanggap sa kolehiyo Pakikipanayam upang Magbigay ng Payo – Ito ay sinasagawa upang patnubayan at suportahan ang taong kinapapanayam Mapanghikayat na Pakikipanayam – Ito ay naglalayong baguhin ang paniniwala, pananaw o pag-uugali ng taong kinapapanayam. Pakikipanayam sa Pagbebenta – Ito ay naglalayong humikayat sa mga mamimili upang bumili ng mga ibinebentang produkto, Pakikipanayam na Tumataya o Nag-eebalweyt – Ito ay nakatutulong sa pagtataya ng nagawa ng isang indibidwal kaugnay ng kaniyang Pakikipanayam na Nag-iimbestiga –Ginagamit ng mga abogado sa korte, pulis na nag-iimbestiga, mga opisyal ng bangko, o ng NBI. Pakikipanayam sa Media – Ito ay nagaganap kapag ang tagapanayam ay nagtatanong sa isang panauhin sa radyo o telebisyon. Ginagawa sa isang talk show o balita. Mga Tanong na Ginagamit sa Pakikipanayam Saradong Tanong – Ito ay sumasagot lamang sa tanong na Oo o Hindi o may pamimilian o tiyak ang kasagutan. Bukas na Tanong – Ito ay tanong na walang restriksyon. Ang taong kinapapanayam ay nagbibigay ng higit na kalayaang sumagot sa mga tanong. Primary Questions – Ito ay mga tanong na inihanda bago pa man isagawa ang aktuwal na pakikipanayam. Secondary Questions – Ito ay mga tanong na ibinabatay sa mga sagot ng kinapapanayam. Balita ang tawag sa isang uri ng sulating tumatalakay sa mga nagdaan o kasalukuyang kaganapan sa loob at labas ng isang bansang nakatutulong sa pagbibigay-alam sa mga mamamayan Mga Uri ng Balita 1. Paunang Paglalahad – Itinuturing na hilaw pa ang ganitong uri ng balita, subalit inilathala na rin bunga ng pangangailangang maipaabot agad sa madla. 2. Tuwirang Paglalahad – Sa ganitong uri ng paglalahad, tinatalakay ang pinakamahalagang impormasyon tungo sa maliliit na detalye. 3. Madaliang Balita o Flash – Ikinukulong sa kahon upang makatawag agad ng pansin. 4. Depth news o Balitang may lalim – Kinakailangan ang masusing pananaliksik, upang higit na matalakay ang mga ulat na nakapaloob dito. 5. Balitang Panlokal – Ito ay mga balita tungkol sa isang lokal na yunit ng pamahalaan tulad ng barangay. 6. Balitang Pambansa – Mga balitang mahalaga at nagaganap sa buong bansa. 7. Balitang Pandaigdig – Mga balitang nagaganap na mahalaga sa buong daigdig. halimbawa: Digmaan sa Iraq 8. Balitang Pampolitikal – Mga pangyayaring may kinalaman sa politika. 9. Balitang Pampalakasan – Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa mga palaro at kompetisyong pangkalakasan 10. Balitang Panlibangan – May kinalaman sa larangan ng telebisyon, radyo, pelikula, tanghalan at iba pa. Print Media ay isang uri ng sulatin o teksto kung saan ang mga impormasyon, balita at iba pa ay nakalimbag at malayang nahahawakan? Ang ilan sa mga halimbawa nito ay diyaryo o pahayagan, magasin, komiks at iba pang uri ng lathalain. Sinasabi ring ang pamamahayag ang pinakamahalagang sitwasyong pangwikang behikulo sa pagpapalaganap ng wika. Ang wikang ginagamit ay Filipino kaya naman madaling nauunawaan ng madla. Narito ang mga halimbawa ng Print Media. Pahayagan, Diyaryo o Peryodiko – Ito ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng mga balita, impormasyon at patalastas na kadalasang naimprenta sa mababang halaga. Dalawang Uri ng Pahayagan Broadsheet – Ito ang pinakamalaking pormat ng pahayagan. Nailalarawan ito sa pamamagitan ng mahabang patayong mga pahina (karaniwang 22 pulgada 0.560 mm). Ang target readers ay mga Class A at B kung saan ang mga mambabasa nito ay halos mga propesyonal o karaniwang maykaya sa buhay. Tabloid – Ito ay uri ng pahayagang may mas maliit na sukat ng pahina kaysa sa broadsheet, bagaman walang pamantayan ng sukat para sa tabloid. Ang target readers ay mga Class C at D kung saan itinuturing itong pahayagan ng masa. Magasin – ito ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo, kuwento, anunsyo, larawan at iba pa.. Komiks – ay isang halimbawa rin ng print media na kung saan ang mga salita at larawan ay ginagamit upang maghatid ng kuwento. Ito ay naglalaman ng kaunti o walang salita. Pilipinas sinasabing si Dr. Jose Rizal ang kauna-unahang Pilipinong gumawa ng Komiks na may pamagat na “Pagong at Matsing”. Ito’y inilathala sa magasing “Trubner’s Record noong 1884 Electronic o Digital Media ay anomang uri ng media na gumagamit ng mga elektronikong kagamitan sa pagpapadala ng mga impormasyon. Pangunahing Gamit ng Electronic o Digital Media Pamamahayag – Naipahahatid ng mga mamamahayag ang pinakasariwa at pinakabagong balita sa tulong ng electronic o digital media. Negosyo – Ang pagpapalitan ng serbisyo at produkto ay nauuwi sa pinakamodernong kagamitang maaaring makatawag ng pansin sa ating mga mamimili. Edukasyon – Sa mga pangunahing pribadong unibersidad, bahagi na ng kurikulum ng bawat kurso ang computer literacy sapagkat isa na ito sa kahingian ng makabagong panahon. Libangan – Hindi na mawawala sa mga Pilipino ang libangan. Ang panonood ng sine lalo na sa Netflix, pakikinig ng iba’t ibang musika sa Spotify at panonood ng iba’t ibang video sa YouTube o Facebook ay mga pangkaraniwang libangan na lang. Kakayahang Sosyal – Ang Facebook, Instagram, YouTube at Twitter ay mga pangunahing social networking sites sa bansa sa kasalukuyan. 1. Cellphone – Ang cellphone, cellular phone, mobile phone ay isang uri ng gadyet na gumagamit ng mga cell site para sa pakikipagtalastasan. Humigit kumulang sa apat na bilyong text ang ipinadadala at natatanggap sa ating bansa sa araw-araw na dahilan upang tayo ay kilalanin bilang “Texting Capital of the World”. Madalas, kapag ginagamit ang cellphone, nagkakaroon ng tinatatawag nating code switching sa wika. Ang “code switching” ay ang pagpapalit ng wikang Ingles at Filipino sa pagpapahayag. Sa code switching, madalas ding binabago o pinaiikli ang baybay ng salita para mas madali o mas mabilis itong mabuo. 2. Personal Computer – Ang personal computer (PC) ay pangalawa sa pinakagamiting uri ng elektronikong pangkomunikasyon ayon sa Forrester Research. YOUTUBE AT TWITTER- 5 FACEBOOK-1 GOOGLE-3 Entertainment Media ay anomang gawaing humihikayat ng atensiyon at interes ng manononod gayondin ang magbigay ng aliw? Sakop ng entertainment media ang mga pelikula at dula maging ito man ay short film o ang teatro. 1. Pelikula – Ang pelikula, kilala rin bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na nagpapakita ng mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan (entertainment). 2. Dula – Ito ay akdang pampanitikang nagkukuwento sa pamamagitan ng wika, kilos at galaw ng mga aktor sa tanghalan na naglalarawan sa kawil ng mga pangyayaring naghahayag ng kapana-panabik na bahagi ng buhay ng isang tao. Maaaring ito ay maipalabas sa entablado na kadalasang tinatawag na teatro. Uri ng Dulang Pilipino a. Trahedya – Ito ay nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan. b. Komedya – Ang wakas nito ay kasiya-siya sapagkat ang mga tauhan ay nagkakasundo sa pagtatapos nito. c. Melodrama – Kasiya-siya rin ang wakas nito bagaman may mga bahagi na malulungkot. d. Parsa – Ang layunin nito’y magpatawa sa pamamagitan ng mga pananalitang katawa-tawa. e. Saynete – Karaniwang ugali ang pinapaksa nito. BARAYTI NG WIKA “Variety is the spice of life” Ibig sabihin, ang pagkakaroon ng pagkakaibaiba sa wika ay hindi makasasama. Permanenteng Barayti 1. Dayalek –Ginagamit ito ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon o bayan. 2. Idyolek – Ito ay barayti ng wikang kaugnay ng personal na kakanyahan ng tagapagsalita o wikang ginagamit ng partikular na indibidwal. 3. Sosyolek – Ito ay baryasyon ng wikang dulot ng dimensyong sosyal. Ito ay nakabatay sa katayuan o antas panlipunan ng mga taong gumagamit ng wika Iba’t ibang Sosyolek a.Gay Lingo – Ito ay ang wika ng mga bakla. Tinatawag din itong beki language o bekimon. Ginamit ito ng mga bakla upang mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya binago nila ang tunog o kahulugan ng salita. b.Coño – Tinatawag ding conyospeak o coñotic na isang barayti ng Taglish/Fillish. Pinaghahalo ang salitang Filipino at Ingles kaya nagkakaroon ng code switching gaya na lamang ng “Let’s make kain na”, “Come on na”, o ‘di kaya’y “Sige, go ahead na”. c.Jejemon – Hindi naman maiaalis na kung may “pasosyal” ay mayroon ding “jologs” na kinabibilangan naman ng jejemon. Sinasabing mula ito sa pinaghalong jejeje na isang paraan ng pagbabaybay ng hehehe at ng salitang Hapon na pokemon. 4. Etnolek – Ito ay barayti ng wikang mula sa mga etnolingguwistikong grupo. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko. 5. Ekolek – Ito ay barayti ng wikang kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. Pansamantalang Barayti 1. Register – Ito ay baryasyon ng wika batay sa propesyon, uri at paksa ng talakayan o larangang pinag-uusapan. Ang bawat tao ay may kani-kaniyang code na ginagamit sa pakikipagtalastasan. 2. Estilo / Tenor – nagbabago ang antas ng pormalidad ng wika batay sa relasyon ng mga nag-uusap at/o okasyon. 3. Moda – Paraan ng pagpapahayag (pasalita man o pasulat). Mas mahigpit ang pagpapatupad ng mga tuntuning gramatikal sa paraang pasulat at mas maluwag naman ang paraang pasalita. 4. Pidgin – ito ay umusbong na bagong wika na tinatawag sa Ingles na “Nobody’s Native Language” o katutubong wikang ‘di pag-aari ninoman. 5. Creole – tinatawag na creole ang pidgin kapag naging inang wika o mother tongue ng isang pangkat. Pidgin na nagkaroon na ng mga native speakers. Mungkahing Komponent ng Kakayahang Lingguwistiko 1. Ponolohiya (para sa pagbigkas) 2. Morpolohiya (para sa pagbuo ng salita) 3. Sintaks (para sa ayos ng pangungusap) 4. Leksikon (para sa bokabularyo) 5. Ortograpiya (para sa pagbabaybay) Dell Hymes (1974), magiging mabisa lamang ang komunikasyon kung ito ay isasaayos, may akronim na SPEAKING upang isa-isahin ang mga dapat isaalang-alang upang magkaroon ng mabisang pakikipagtalastasan. Binuo niya ang modelo upang makatulong sa pagsusuri ng diskurso. S – (Setting). Ang lugar o pook kung saan nag-uusap o nakikipagtalastasan ang mga tao. P – (Participant) Ang mga taong nakikipagtalastasan. E – (Ends) Mga layunin o pakay ng pakikipagtalastasan. A – (Act sequence) Ang takbo ng usapan. Bigyang-pansin din ang takbo ng usapan. K – (Keys) Tono ng pakikipag-usap. I – (Instrumentalities) – Tsanel o midyum na ginagamit, pasalita o pasulat. N – (Norms) Paksa ng usapan. G – (Genre) Diskursong ginagamit kung nagsasalaysay, nakikipagtalo o nangangatwiran. Ang salitang Etnograpiya ay nangangahulugang sistematikong pag-aaral sa tao at kultura sa pamamagitan ng personal na pagdanas at pakikipag-ugnayan sa mga kalahok sa kanilang natural na kapaligiran. Pagkilala sa Mga Barayti ng Wika Pormalidad at Impormalidad ng Sitwasyon – maaaring maging pormal o impormal ang pananalita depende sa kung sino ang kinakausap; Ugnayan ng mga Tagapagsalita – may pagkakapareho sa paraan ng pagsasalita ang mga magkakaibigan. Pagkakakilanlang Etniko at Pagkakapaloob sa Isang Pangkat – gumagamit ng lokal na wika at/o diyalekto sa kausap na nagmula sa kaparehong bayan ng tagapagsalita Awtoridad at Ugnayang Pangkapangyarihan – tinitiyak ang pormalidad at kaangkupan ng salita sa harap ng guro, magulang, at iba pang nakatatanda at may awtoridad. Ang mga Kagawiang Pangkomunikasyon ng mga Pilipino Mga salitang di-tuwirang pagtukoy o palihis na pagpapatama o pagpupuntirya: 1. Pahaging – isang mensaheng sinadyang magmintis at ipinaalingawngaw lamang sa paligid. 2. Padaplis – isang mensaheng sadyang lihis sa layuning matamaan nang bahagya ang kinauukulan nito. Mga salitang ang pinatatamaan ng mensahe ay hindi ang kausap kundi ang mga taong nasa paligid at nakaririnig ng usapan: 1. Parinig – malawakang ginagamit upang maiparating ang naisasaloob, hindi sa kaharap na kausap kundi sa sinomang nakikinig sa paligid. 2. Pasaring – mga berbal at di-berbal na pagpaparating ng puna, paratang, at iba pang mensaheng nakasasakit sa mga nakaririnig na kunwari ay labas sa usapan. Mga salitang kumukuha ng atensiyon sa pamamagitan ng pandama: 1. Paramdam – isang mensaheng ipinaaabot ng tao, o maging ng espiritu, sa pamamagitan ng mga ekspresyong nararamdaman gaya ng pagdadabog, pagbabagsak ng mga kasangkapan, malakas na pagsasara ng pinto, kaluskos, at iba pa. 2. Papansin – isang mensaheng may layuning humingi ng atensiyon na kadalasang naipahahayag sa pamamagitan ng pagtatampo, pagkabalidosa sa pananamit at pagkilos, sobra-sobrang pangungulit, at iba pang kalabisang kumukuha ng pansin. Mga salitang nagtataglay ng kahulugan na ang dating sa nakaririnig ay napatatamaan siya: 1. Sagasaan – pahayag na lumalagpas sa hangganan sa pakikipag-usap na karaniwang tinututulan ng nakikinig bilang isang paalala na maaaring may masaktan: “Dahan-dahan at baka makasagasa ka.” 2. Paandaran – mekanismo ng pahiwatig na kadalasang nakapokus at umiikot sa isang paksa na hindi tuwirang maipahayag subalit paulit-ulit na binabanggit tuwing may pagkakataon at kadalasang kinaiinisan ng nakikinig sa pagsasabing, “Huwag mo akong paandaran.” Mga Uri ng Komunikasyon Ang Berbal na Komunikasyon ay ang uri ng komunikasyong gumagamit ng salita, wika at mga letra sa anyong pasalita at/o pasulat man na sumisimbolo sa kahulugan ng mensahe. Isa pang uri ng komunikasyon ang Di-berbal na Komunikasyon. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng kilos o galaw upang maiparating ang mensahe sa kausap. Anyo ng Di-berbal na Komunikasyon 1. Kilos (Kinesics) – Tumutukoy ito sa kilos at galaw ng katawan. 2. Espasyo (Proxemics) – Ito ay tumutukoy sa layo o distansiya ng kausap sa kinakausap. 3. Oras (Chronemics) – Ito ay tumutukoy kung paanong ang oras ay nakaaapekto sa komunikasyon. 4. Ekspresyon ng mukha (Pictics) – Tumutukoy ito sa ekspresyon ng mukha upang maunawaan ang mensahe ng tagapaghatid. 5. Pandama o Paghawak (Haptics) – Ito ay tumutukoy sa mga paghawak o pandama na naghahatid ng mensahe. 6. Galaw ng mata (Oculesics) – Tumutukoy ito sa galaw ng mata. 7. Tinig (Paralanguage o Vocalics) – Ito ay tumutukoy sa mga di-lingguwistikong tunog 8. Amoy (Olfactics) – Ito ay tumutukoy sa amoy. 9. Simbolo (Iconics) – Tumutukoy ito sa mga simbolong makikita sa paligid o bagay gaya sa bilding, lansangan, botelya, reseta atbp. 10. Kulay (Chromatics) – Ito ay tumutukoy sa iba’t ibang kulay na maaaring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon.. 11. Bagay (Objectics o Artifactics) – Tumutukoy ito sa paggamit ng mga bagay o pananamit sa komunikasyon. 12. Kapaligiran (Environment) – tumutukoy sa pinagdarausan ng pakikipagusap at ng kaayusan nito. Speech Act 1. Locutionary – akto ng pagsasabi ng isang bagay. Ilan sa mga paraan upang mailahad ito ay ang pagtatanong at pagsagot sa mga tanong, pagbigay ng mga impormasyon, pagbigay ng kahulugan, paglalarawan at iba pa. 2. Illocutionary – nakatuon sa pagganap sa akto ng pagsasabi ng isang bagay. 3. Perlocutionary – pagsasabi sa isang bagay na kadalasang nagdudulot ng mga kahihinatnan sa damdamin at isipan ng tagapakinig. Kakayahang Istratedyik Ito ay tumutukoy sa mga estratehiyang ginagawa ng isang tao upang matakpan ang mga di-perpektong kaalaman natin sa wika nang sa gayon ay maipagpatuloy ang daloy ng komunikasyon Kakayahang Diskorsal Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan ay nangangahulugan ng pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga pangungusap upang makabuo ng makabuluhang pahayag Dalawang Uri ng Kakayahang Diskorsal 1. Kakayahang Tekstuwal – tumutukoy sa kahusayan ng isang indibidwal sa pagbasa at pag-unawa ng iba’t ibang teksto 2. Kakayahang Retorikal – tumutukoy sa kahusayan ng isang indibidwal na makibahagi sa usapan o talastasan. Inuunawa nito ang iba’t ibang tagapagsalita at nakapagbibigay ng sariling pananaw, kaalaman o opinyon hinggil sa usapan Kahulugan ng Pananaliksik isang sistematiko, kontrolado, empiriko at kritikal na pag-imbestiga sa haypotetikal na pahayag tungkol sa inaakalang relasyon o ugnayan ng mga natural na phenomenon maaari itong maging gabay at batayan upang makamit ang pagbabagong hangad tumatalakay ito sa panlipunang isyu na kinahaharap ng Pilipinas Paggamit ng wikang katutubo sa paglikha ng talatanungan na pasasagutan sa isang etnikong komunidad. Pakikipamuhay sa paksang pinag-aaralan para sa layunin ng adbenturismo at eksotikong karanasan. Paggamit ng mga teoryang angkat sa mauunlad na bansang kanluranin upang ilapat sa konteksto at kalagayan ng mga nasa ikatlong daigdig.. gumawa ng isang pananaliksik na ipaliliwanag ang kahalagahan ng wika at kultura sa mga mambabasa. Kahalagahan ng Pananaliksik 1. Benepisyong Edukasyonal – Tumutukoy ang benepisyong ito sa mga kapakanang edukasyonal. 2. Benepisyong Propesyonal – Nakapaghahanda ka para sa iyong karera sa hinaharap dahil nasasanay kang magbasa at mag-analisa ng mga datos 3. Benepisyong Personal – Sa proseso, napauunlad mo ang iyong pagiging analitikal, at kritikal na pag-iisip na nagreresulta ng pagiging matatag mo sa buhay 4. Benepisyong Pambansa – Ang pananaliksik ay may ginagampanang tungkulin sa paghubog ng kinabukasan ng isang bansa 5. Benepisyong Pangkaisipan – Nangangahulugan itong nadaragdagan ang iyong kaalaman at pagkatuto. 6. Benepisyong Pangkatauhan – Nahahasa rin ang iyong kagalingan sa pakikipagkapwa-tao dahil sa iyong pakikipanayam. Mga Katangian ng Pananaliksik 1. Kontrolado – Ang mga baryabol o datos na pinag-aaralan ay hindi dapat manipulahin 2. Balid – Lahat ng aspekto nito ay suportado ng mga datos na nakamkam o dating nasaliksik na. 3. Sistematiko – May sinusunod itong proseso o magkakasunod-sunod ng mga hakbang 4. Empirikal – Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamaraang ginagamit sa pananaliksik maging ang mga datos na nakalap. 5. Mapanuri – Ang mga datos na nakalap ay kailangang suriin nang kritikal 6. Objektibo, lohikal at walang pagkiling – Walang pagtatangkang ginawa upang baguhin ang resulta ng pananaliksik. 7. Matiyaga at hindi minamadali – Ginagawa ang pananaliksik gamit ang inaasahang panahon at oras o time table. Mga Hakbang at Prinsipyo sa Pagsulat ng Saliksik 1. Pre-writing – Tumutukoy ang yugtong ito sa lahat ng paghahanda bago ang aktuwal na pagsulat. 2. Composing – Ito ang yugto ng aktuwal na pagsulat ng pananaliksik. 3. Rewriting – Ito ang yugtong tinatasa at nirerepaso ng mananaliksik ang sulatin