Komunikasyon Reviewer 2nd Quarter PDF
Document Details
Uploaded by DeftSphene1350
Tags
Summary
This document is a reviewer for the 2nd quarter of the Komunikasyon subject, focusing on communication theories, mass media, and its various forms. It discusses different types of media, highlighting the role and influence of communications tools in society.
Full Transcript
**KOMUNUNIKASYON REVIEWER 2^ND^ QUARTER** - Ito ay nagrerekomenda na Tagalog ang gawing saligan ng wikang Pambansa. = KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG 134 - Ang pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilingguwal sa mga paaralan na nagsasaad ng hiwalay na paggamit ng Ingles at Pilipino b...
**KOMUNUNIKASYON REVIEWER 2^ND^ QUARTER** - Ito ay nagrerekomenda na Tagalog ang gawing saligan ng wikang Pambansa. = KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG 134 - Ang pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilingguwal sa mga paaralan na nagsasaad ng hiwalay na paggamit ng Ingles at Pilipino bilang wikang panturo at pagkatuto sa lahat ng antas. = KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG 25 - Ito ay nag-uutos na gawing opisyal na wika ang Tagalog at ang wikang Hapon. =ORDER MILITAR BLG 13 - Itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino bilang pamalit sa LWP. = BATAS REPUBLIKA BLG7104 - Isinasaad dito na hangga't hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino pa rin ang kikilalaning mga wikang opisyal ng bansa.= SALIGANG BATAS 1973 ARTIKULO XIV SEKSYON 3 - Sa batas na ito ay nilikha ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas bilang pamalit sa SWP. = KAUTUSANG TAGAPAGANAP BLG117 - Ito ay nag-aatas na ang wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng mga Pilipino. = SALIGANG BATAS NA BIAK NA BATO - Nakasaad dito ang planong pagtanggal ng mga asignatura sa Filipino gayundin ang Panitikan at Konstitusyon. = CHED MEMO ORDER 20 - Isinasaad dito na ang wikang Pambansa ay Filipino. = ARTIKULO XIV SEKSYON 6 - Ang pambansang Asembleya ay naatasang gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pagpapatibay ng lahat ng wikang Pambansa salig sa isa sa mga wikang katutubo. =SALIGANG BATAS NG 1935, ARTIKULO XIV SEKSYON 3 Ang ***Kohesyong Gramatikal o Cohesive Device Reference*** ay nahahati sa dalawa na nagpapatungkol sa iba‟t ibang bagay: ***1.* Anapora -** ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangalan sa unahan. **Halimbawa:** - Kung makikita mo si manong, sabihin mo lamang na ibig ko *siyang* makausap. - Si Rita‟y nakapagturo sa paaralanang bayan, diyan siya nakilala ng iyong anak. - Kinausap ko si Manolo, sinabi ko sa kaniya na ang kanyang ginawa ay mahusay. ***2.* Katapora** - ito ang panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangalan sa hulihan. **Halimbawa:** - **Siya'y** hindi karapat -- dapat na magtaglay ng aking apelyido, si Pedring ay kahiya-hiya! - **Dito** tayo magsisimula ng ating pangarap, sa bahay na pinaghirapan nating buuin. **Mass Media** Pangmasang media, pangmadlang media, o *mass media* ang tawag sa\ pinakamaimpluwensiyal at masasabi ring pinakamakapangyarihang institusyon sa ating lipunan. Ang media ay isang institusyong panlipunan tulad ng pamilya, paaralan, simbahan, at pamahalaan na ang natatanging tungkulin av maging tagapagbantay,\ tagamasid, taga-ulat ng mga pangyayari sa lipunan, maging tinig ng mamamayan, attagapaghatid ng mensahe sa kinauukulan. Kinikilala ang media bilang Ikaapat naEstado kasunod ng tatlong sangay ng pamahalaan at umiral sa mga bansangdemokratiko. Una itong ginamit ni Thomas Carlyle noong 1841. Ang *mass media* ay isa ring malaking industriya. Kasama sa sangay ng mass\ media ang pahayagan, radyo, at telebisyon. Sa sarbey na ginawa ng TNS Digital Life\ (2012), ipinapakita na marami pa ring Pilipino ang nanonood ng telebisyon at nakikinig\ ng radyo. Ang Internet ang pumapangalawa sa pinakagamiting media sa Pilipinas. Samakatwid, isa itong malaking negosyo. Kumikita ito sa tulong at sa pamamagitan ng mga patalastas. Ang mga patalastas sa telebisyon o radio ay ginagawa ng mga *advertising agency* para sa mga multinasyonal na kompanya o negosyong nangangailangan ng publisidad para mabili ang kanilang mga produkto o serbisyo. Nagbabayad ang mga kompanya para isingit o ilagay sa mga pahayagan, Intenet blog at website, at programang pantelebisyon o panradyo ang mga patalastas tungkol sa kanilang produkto o serbisyo. Nakapaloob ang *mass media* sa siklo ng produksiyon, distribusyon, at pagkonsumo ng mensahe, produkto, at serbisyo sa lipunang ating ginagalawan. Nililikha tayo ng mass media kung kaya‟t totoo ang sinabi ni Marshall McLuhan na ang midyum ang mismong mensahe. Ang midyum o mass media na kinokonsumo natin ang nagtatakda ng ating pag-iral sa lipunan. Mahirap nang mahiwaiay sa telebisyon, radyo, *Internet*, o *cellphone* lalo kung nasa siyudad tayo. Kung kaya‟t tulad ng kaalaman, mensahe, o impormasyon, hinuhubog na tayo mismo ng *mass* *media*. Kailangangkailangan na natin ang mass media sa ating buhay. **Radyo -- Ang MEDIA NG MASA** Ito ang pinakamalawak at may pinakamaraming naabot na mamamayan dahil sa higit 600 ang mga estasyon ng radyo sa mga Pilipinas. Pinakamura itong kasangkapan sa bahay kumpara sa telibisyon o ibang *media* *gadget*. Maari rin itong umandar gamit lamang ang baterya na tipikal na paraan sa mga baryo o lugar na hindi pa naabot ng elektrisidad. Noong 1960 namamayagpag ang radyo bilang numero unong *Mass* *media* ng mga Pilipino. Ang radyo ang pinagmulan at pinagkukunan ng balita, aliw, impormasyon, payo, at serbisyong publiko ng mga tao. Mas mabilis din ang dating ng balita at pagbabalita kumpara sa telebisyon dahil medaling maipadala ang impormasyon at makakonekta sa himpilan ng radyo. **Panonood bilang Pagbasa, Pagkatuto at Pagkonsumo** Naidagdag ang panonood bilang ikalimang kasanayang pangwika. Ito ay prosesong pagbasa, pagkuha,at pag-unawa ng mensahe mula sa palabas. **Mga Uri ng Palabas** 1. **Teatro/Tanghalan.** Panonood ng pagtatanghal bilang palabas na umaarte ang mga tauhan; diyalogo/monologo. Samakatwid, ang palabas ay kwentong napapanood sa pagtatanghal sa Teatro. 2. **Pelikula.** Pagtatanghal o pag-arte ng mga tauhan na nairekord gamit ang kamera. Hindi aktwal na napapanood ang palabas. 3. **Telebisyon.** Ang telebision ay midyum samantalang ang mga programa sa telibisyon ang palabas. **Iba\'t-ibang uri ng palabas sa telebisyon:** 1\. Teleserye, komidserye, telenovela, pelikula sa telebisyon atbp. 2\. Balita tungkol sa mga pangyayari sa palagi, sa pamahalaan, sa mga artist a, serbisyo-publiko, mga dokumentaryo 3\. Variety show tuwing tanghali at lingg. 4\. Reality TV show or reality gameshow **Internet** Ang internet ay mula sa dalawang pinagsamang salita na inter at networking na kilala rin bilang daluyan ng impormasyon at World Wide Web.Ito ang pinakamalaking aklatan ngayon at walang iisang teksbuk ang makakatapat dito. **BLOG** Sinasabing ang blog ay galing sa dalawang salita, web at log. Ito ay tumutukoy sa isang website na maituturing naman na isang blog dahil sa tema at mga nilalaman nito \-\-- maaring mga salita o teksto, litrato, video, link or kung ano mang naisin ng blogger (tawag sa tao o grupong nangangalaga, nagpapatakbo, at nagsimula ng isang blog). Ang blog o pag ba-blog ay tumutukoy sa aksiyon ng paggawa o pagsulat ng isang post na siyang ilalagay at magiging laman ng iyong blog. Blogosphere ang tawag sa komunidad o mundo ng mga blogger. Dito ka makakakita ng iba‟t ibang uri ng blog at personalidad ng mga blogger. Sa katunayan, dito na rin nabubuhay ang karamihan ng mga sikat na blogger. **MGA URI NG BLOG** 1. **Fashion Blog -** Ito ay isa sa mga pinakasikat na uri ng blog. Ito ay nalalaman ng mga damit o kung ano man ang bago sa mundo ng fashion o pananamit. 2. **Personal Blog** - Marami sa mga blogger ang gusto lamang ibahagi ang kanilang buhay. Maaring gusto lamang nilang matuto ang mga tao sa kanila o magbahagi lang ng mga bahay na tumatakbo sa kanilang isipan. 3. **News Blog** -- Nagbabahagi ng balita sa mga mambabasa. 4. **Humor Blog** - Naglalayon magpatawa o makapagaliw ng mga mambabasa. 5. **Photo Blog** - Naglalaman ng mga litrato hanggang sa mga typographies. 6. **Food Blog** - Ang layunin ng blog na ito ay magbahagi ng mga resipi at mga paraan para sa pagluluto ng masasarap o kakaibang mga pagkain. 7. **Vlog** - Ito ay kilala din bilang video blog. Naglalaman ito ng mga video mula sa blogger. Ang mga video ay maari ng kuha ng mga paglalakbat, eksperimento, o kung anumang personal na gawain. 8. **Educational Blog** - Nakatutulong ang ganitong blog upang maliwanagan ang mga mag-aaral sa mga aralin na hindi nila maiintindihan sa paaralan. **Batas Komonwelt Blg. 570** -- ang Tagalog at Ingles ang mga Wikang Opisyal, wikang pinagtibay ng batas na gagamitin ng pamahalaan sa pakikipagtalastasan sa kanyang mga mamamayang nasasakupan **Proklama Blg. 35** -- Linggo ng Wika mula Marso 27- Abril 2 alinsunod sa kaarawan ni Balagtas na nilagdaan ni Pangulong Sergio Osmeña **Batas Republika Blg. 7104** -- mula sa dating LWP, itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na may misyong: "itaguyod ang patuloy na pag-unlad at paggamit ng Filipino bilang wikang pambansa habang pangangalagaan ang mga wikang katutubo ng Filipinas tungo sa pagkakaunawaan, pagkakaisa, at kaunlaran ng sambayanang Filipino" 1997