KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK 2ND QUARTER REVIEWER PDF

Summary

This document discusses language use in various media platforms, including television, radio, and newspapers, in the Philippines. It also covers language in education, government, and business, highlighting the use of Filipino and English. Includes discussion of situations around language use across the country.

Full Transcript

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK --- 2ND QUARTER **Sitwasyong pangwika sa telebisyon, radyo at dyaryo** Ang sitwasyong pangwika sa telebisyon, dyaryo, at radyo ay [isang wika sa mga media platform sa Pilipinas]. Sa radyo at telebisyon, iba\'t ibang wika at diyalekto ang ginagamit, depende sa target na...

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK --- 2ND QUARTER **Sitwasyong pangwika sa telebisyon, radyo at dyaryo** Ang sitwasyong pangwika sa telebisyon, dyaryo, at radyo ay [isang wika sa mga media platform sa Pilipinas]. Sa radyo at telebisyon, iba\'t ibang wika at diyalekto ang ginagamit, depende sa target na tagapanood, uri ng programa, at layunin ng komunikasyon. Ang telebisyon ang itinuturing na [pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan] dahil sa dami ng mamamayang naabot nito. Ang magandang balita wikang filipino ang nangunguna medium sa telebisyon at radyo sa ating bansa. Ang sitwasyong pangwika sa radyo ay [sumasalamin sa kung paano ginagamit ang wika sa iba\'t ibang programa at istasyon ng radyo] upang makipag-ugnayan sa kanilang mga tagapakinig. Sitwasyong pangwika sa radyo at diyaryo ---Filipino rin ang nangungunang wika sa radio halos lahat ng [istasyon ng radyo AM o FM ay gumagamit ng Filipino at iba\'t ibang barayti nito]. ---Sa diyaryo naman [wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet] at [wikang Filipino naman ang ginagamit sa tabloid]. Panayam --- Isang proseso kung saan ang isang tao (tinatawag na tagapanayam) ay nagtatanong ng mga katanungan sa isa pang tao (tinatawag na ini-interview) upang makakuha ng impormasyon, opinyon o pananaw. 1. --- kadalasang ginagamit ang filipino sa mga balita, drama, variety show at iba pang uri ng programa upang mas maging relatable sa mas maraming pilipino. --- ingles naman ang madalas na ginagamit sa mga programang may kinalaman sa negosyo, edukasyon at misan sa mga talk show at lifestyle programs lalo na kung ang target audience ay nasa A at B socio-economic classes. 2. --- malimit ding marinig ang pagsasama ng filipino at ingles, o tinatawag na "taglish", lalo na sa mga talk show, reality show at kahit sa mga patalastas. Ito ay sumasalamin sa kasalukuyang paraan ng pakikipag-usap ng mga pilipino, lalo na sa mga urban areas. 3. --- sa mga programang na may regional coverage, madalas gamitin ang mga lokal na wika o diyalekto upang mas maging malapit sa damdamin ng mga manonood. Halimbawa, ang mga programa sa mga regional networks ay gumagamit ng cebuano, ilocano, hiligaynon at iba pa. 4. --- ang telebisyon at radyo ay nagiging daan din ng pag-unlad ng wikang filipino. Ang mga bagong salita, pagpapahayag at kahit na mga usong salita o "slang" ay kadalasang nagsisimula o pinapopularisa sa mga programa sa telebisyon at radyo. 5. --- ang mga banyagang programa, tulad ng korean dramas (K-Dramas) ay madalas na may subtitles sa filipino english upang mas maunawaan ng mga pilipino. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng impluwensya ang wikang banyaga sa kultura at wika ng mga manonood. Sa kabuuan, ang sitwasyong pangwika sa telebisyon sa pilipinas ay nagpapakita ng pagiging dinamiko ng wika sa harap ng patuloy na pagbabago ng media landscaped at ng lipunang pilipino. Madalas itong ginagawa sa iba\'t ibang konteksto, tulad ng sa mga pag-aaral, trabaho, media at iba pang mga gawain kung saan mahalaga ang pagkolekta ng impormasyon mula sa isang indibidwal. **Sitwasyong pangwika sa larangan ng edukasyon, pamahalaan, at kalakalan** **SITWASYONG PANGWIKA SA EDUKASYON** Taong 2003 ng lagdaan ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at ipatupad ang Executive Order 210 na may pangkalahatang layunin na palakasin ang pagtuturo at pagkatuto gamit ang wikang ingles sa batayang edukasyon sa Pilipinas. Sa kabilang banda, sa bagong kurikulum na nilagdaan ni dating pangulong Benigno C. Aquino III, ang mother tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo. **SITWASYONG PANGWIKA SA PAMAHALAAN** Isa sa malaking kontribusyon ni dating pangulong Corazon C. Aquino sa pagpapalaganap ng wikang filipino sa pamahalaan ang atas tagapagpaganap BLG. 335, S. 1998. Nakatulong ito upang maging mas malawak ang paggamit ng wika sa iba\'t ibang antas at sangay ng pamahalaan. Sa kasalukuyan, wikang filipino na rin ang ginagamit sa mga opisyal na pagdinig sa pamahalaan subalit may mga pagkakataon na gumagamit ng code switching ang mga nanunungkulan sa gobyerno lalo na kapag teknikal ang mga salita kasadyang walang mahanap na katumbas nito sa filipino. **SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN** Sa pagbabagong nagaganap sa mundo, nagbabago rin ang paraan ng pakikipag negosasyon ng tao. Umusbong sa bansa ang "call center" na nagbigay ng bagong trabaho para sa mga Pilipino. Ingles ang wikang ginagamit ng mga "call center" bagamat nakabase sa Pilipinas sapagkat dayuhan ang mga kliyente na kanilang binibigyan ng serbisyo. Sa mga tanggapan ng malalaking kumpanya na tinatawag na multinational companies wikang Ingles din ang higit na ginagamit. Maging ang mga inilalabas na memo, kontratang pinapi pirmahan at mga liham-pangangalakal ay nakasulat sa wikang ingles. **Sitwasyong Pangwika sa Iba pang Anyo ng Kulturang Popular** **FLIP-TOP** --ito ay pagtatalong oral na isinasagawa ng pa-rap. **PICK-UP LINES** --may mga nagsasabing ito ay makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas nauugnay sa pag-ibig. **HUGOT LINES** --ang hugot lines ay tinatawag ding Love Lines or Love Quotes --ito ay linya ng pag-ibig sa pelikula na tumatak sa puso at isip ng manonood. **Anyo ng Wika** **Pormal** Ang pormal ay mga salitang standard karaniwan o pamantayan dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit na higit nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika. Ginagamit ito sa mga usapang pormal narito ang mga uri nito; 1.Pambansa o Karaniwan - mga karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat pangwika o pambalarila sa mga paaralan, gayundin sa pamahalaan. 2.Pampanitikan o Panretorika - mga salitang ginagamit sa mga akdang pampanitikan, karaniwang matayog, malalalim, makulay, at masining. **Impormal o Di-pormal** Ang impormal o di-pormal ay mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin sa pang araw-araw na pakikipag-usap. Ginagamit ito sa mga hindi pormal na usapan, narito ang mga uri nito; 1.Lalawiganin - mga bokabularyong diyalektal, ginagamit ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang. *Halimbawa: Balay-bahay, Kwarta-pera, Dayit-dagat, Akong-akin, Barat-kuripot* 2\. Balbal - mga salitang nahango lamang sa pagbabago o pag-usod ng panahon, mga salita ng buklad sa lansangan. *Halimbawa: Eabab, Ekalal, Erpat, Erap, Ermat* 3.Kolokyal - mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong impormal. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita ay mauuri rin sa antas na ito. *Halimbawa: Mayroon-meron, Ayaw ko-ayoko, Nasaan-nasan, Halika-lika, Naroon-naron* **MTBME/MBME (Mother tongue base multilingual education)** **Kakayahang Lingguwistiko** --Ang kakayahang linggwistik/gramatikal ay tumutukoy sa kaalamang leksikal at pagkakaalam sa tuntunin ng ponolohiya, morpolohiya, sintaks at semantiks, ayon kina Michael Merill Canale at Swains. --Tinatawag din itong kakayahang gramatikal o istruktural na nauukol sa kakayahang magamit ang mga tuntunin ng isang wika na nagsisilbing gabay sa wastong paggamit nito. --Gramatika ang mahalagang salik sa pag-aaral ng kakayahang ito. Ang gramatika ay tungkol sa tuntunin ng wastong paggamit ng bantas, salita, bahagi, pagbuo ng mga parirala, sugnay at pangungusap. **1.PONOLOHIYA O PALATANUNGAN** ---maagham na pag-aaral ng mga makabuluhang tunog (ponema) na bumubuo ng isang wika. *Halimbawa: Malapatinig na w at y =* *BAHAY, BAHAW* a. --Ang ponemang segmental ay pag-aaral sa mga tunog na may katumbas na titik o letra. b. -- pantulong sa ponemang segmental upang higit na maging mabisa ang paggamit ng 28 ponemang segmental sa pakikipagtalastasan at upang higit na maging malinaw ang kahulugan. **2.MORPOLOHIYA** ---isang sangay ng linggwistika na tumatalakay sa pag-aaral ng mga morpema, ang pinakamaliit na yunit ng salita na may kahulugan. **3.SINTAKS** ---estruktura ng mga pangungusap at ang mga tuntunin nagsisilbing patunay sa pagsasabi ng kawastuhan ng isang pangungusap. Ang anyo ng pangungusap ay karaniwang anyo: Nauuna ang panaguri kasunod ang paksa; at kabaliktaran: Nauuna ang paksa na sinusundan ng 'ay' na sinusundan ng panaguri. *Pinatawag ng nanay ang bata.* *(Karaniwan)* *Ang bata ay tinatawag ng nanay.* *(Kabaliktaran)* **4.SEMANTIKA** ---ang semantika ay tumatalakay sa interpretasyon ng mga kahulugan ng mga morpema, salita, parirala at pangungusap. *Pagbibigay sa isipan ng tao ng kahulugan batay sa:* DENOTASYON--literal na kahulugan o nagmula sa diksyunaryo. KONOTASYON--pansariling pagpapakahulugan **Proseso ng Komunikasyon** *[May limang elemento proseso ang mabisang komunikasyon. Ang mga bahaging ito ay maaring ipahayag sa mga sumusunod. ]* Sender (Tagapag padala) → Encode (Mensahe) → Tsanel (Daluyan) → Receiver (Tumatanggap) → Pidbak (Tugon) → Sender ulitp **Pagbabago ng kahulugan ng salita batay sa:** **1.KAUSAP** --NAG-IIBA ANG GAMIT AT PARAAN O ESTILO NG PAGGAMIT NG WIKA DEPENDE SA KAUSAP. HALIMBAWA IBA ANG ESTILO O PANANALITA MAGING SALITANG GINAGAMIT NG ISANG GURO KAPAG ANG KAUSAP AY PUNONGGURO, IBA RIN ESTILO SA PAGSASALITA AT GAMIT NA SALITA KAPAG KAPWA N\'YA GURO ANG KAUSAP LALONG IBA ANG ESTILO AT GAMIT NA SALITA KAPAG ESTUDYANTE ANG KAUSAP **2.BATAY SA PINAG-UUSAPAN** --NAG-IIBA ANG KAHULUGAN NG SALITA DEPENDE SA PINAG-UUSAPAN HALIMBAWA ANG KAHULUGAN NG \"TRAVEL\" AY LAKBAY O PAGLALAKBAY KUNG ANG PINAG- UUSAPAN NYO AY PAGLALAKBAY O BAKASYON, SUBALIT KAPAG ANG PINAG-UUSAPAN NINYO AY BASKETBOL, ANG \"TRAVEL\" AY TUMUTUKOY SA ISANG PAGLABAG O VIOLATION **3.LUGAR** --ANG SALITANG BANAS SA QUEZON AY NANGANGAHULUGAN NA INIS O YAMOT, SUBALIT SA MGA KARATIG LUGAR NITO ANG BANAS AY NAGPAPAHAYAG NG MAINIT NA PANAHON. **4.PANAHON** --ANG MGA SALITANG ITO AY SUMIBOL AT LAGING BUKANG BIBIG NOONG PANAHON NA GINAGAMIT ITO SITWASYON: NOONG 80\'S HANGGANG 90\'S LAGING GINAGAMIT ANG LUKSONG-TINIK, TUMBANG-PRESO AT SYATONG NG MGA BATANG NAGLALARO SAMANTALANG NGAYON BUKANG- BIBIG ANG ML AT ONLINE GAMES. **5.LAYUNIN** --BAWAT GRUPONG KINABIBILANGAN AY MAY SARILING PARAAN O ESTILO SA PAGGAMIT NG WIKA SITWASYON: ANG PAGBIBILANG NG ISANG GURO SA LOOB NG KLASE ANG MAY LAYUNING PABILISIN ANG GINAGAWA O PAGPASA NG PAPEL. ANG LAYUNIN NIYA SA ISA, DALAWA, TATLO AY HINDI PARA MAGBILANG O WALA NAMAN TALAGA SIYANG BINIBILANG KUNDI ITO AY PANUTO. SITWASYON: ANG MGA DOKTOR AY MAY SARILING ESTILO O PARAAN SA PAGSASALITA AT PAGGAMIT NG SALITA. ANG MGA MANGINGISDA AY MGA SALITANG SILA LANG MARAHIL ANG NAKAUUNAWA MAGING ANG MGA TINATAWAG NATING NASA IKATLONG KASARIAN AY IBA ANG PARAAN SA PAGGAMIT NG WIKA Ο KAYA NAMAN AY MAY SARILI SILANG WIKA. **Introduksyon sa Pananaliksik** **Ang paksa** --Ang pananaliksik ay ang sistematikong pagsusuri o pagsisiyasat ng isang paksa, pangyayari, at iba pa. --Malikhain at sistematikong gawain ang pananaliksik, na ginagawa upang lumawak ang kaalaman. --Saklaw nito ang pangongolekta, pag-oorganisa. --At pagsusuri sa mga impormasyon para mapalawak pa ng husto. **Mga Hakbang sa Pagbuo ng Sulating Pananaliksik** 1\. Pagpili ng mabuting paksa ---Ang unang hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay ang masusing pag-unawa sa paksa at mga kaugnay ng gawain. ---Maiiwasan masayang ang oras at panahon ng isang mag-aaral kung malinaw sa kanya ang nais gawin. ---Napakahalagang piliing mabuti ang paksa upang maging matagumpay ang isang sulating pananaliksik. ---Nararapat na ang paksa ay pinag-iisipan ng mabuti at dumaan sa isang maingat na pagsusuri upang matiyak na makabuo ng isang makabuluhang sulatin *Narito ang ilang tanong na maaari mong itanong sa iyong sarili bago tuluyang magpasya sa paksang susulatin:* 1.Interesado ba ako sa paksang ito? Magiging kawili- wili kaya sa akin ang pananaliksik at pagsulat ng ukol dito? 2\. Angkop makabuluhan at napapanahon ba ang paksang ito? 3.Masyado bang malawak o masaklaw ang paksa? Masyado ba itong limitado? 4 Kaya ko kayang tapusin ang paksang ito sa loob ng panahong binigay sa amin? 5\. Marami kayang Sangguniang nasulat na maaari kong pagkunan ng impormasyon upang mapalawak ang paksang Napili ko?

Use Quizgecko on...
Browser
Browser