ESP-8 Mga Pamamaraan PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng mga aralin sa Pakikipagkapwa, Pakikipagkaibigan, at Damdamin. Ito ay mga prinsipyo at mga halimbawa ukol sa pakikitungo sa kapwa.
Full Transcript
ESP-8 Pointers Modyul 5: Ang Pakikipagkapwa at ang Golden Rule - Ito ang pakikipamuhay sa ibang tao at paglilingkod sa isa’t-isa sa pamamagitan ng diyalogo. -Kailangan ang mga birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal (charity) sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa Golden Rule: “Huwag mong gawin s...
ESP-8 Pointers Modyul 5: Ang Pakikipagkapwa at ang Golden Rule - Ito ang pakikipamuhay sa ibang tao at paglilingkod sa isa’t-isa sa pamamagitan ng diyalogo. -Kailangan ang mga birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal (charity) sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa Golden Rule: “Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo” “Mahalin mo ang kapwa mo gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili”; Komunikasyon o diyalogo (dialogue) -ay umiiral sa isang ugnayang interpersonal sa pagitan ng dalawa o higit pang tao: may magsasalita at may makikinig. Ang kondisyong ito ay naipakikita ng tao sa pamamagitan ng wika, na maaaring pasalita (pasalita at pasulat) at di-pasalita (kilos, gawi, senyas, atbp.). 3 Aspekto ng Pakikipagkapwa 1. Aspektong Intelektwal -karagdagang kaalaman, kakayahan at pagpapaunlad ng kakayahang mag-isip nang mapanuri at mangatwiran 2. Aspektong Pangkabuhayan -kaalaman at kakayahang matugunan ang pangangailangan ng sarili at kapwa. 3. Aspektong Pampolitikal/Panlipunan -kaalaman at kakayahang makibahagi sa pagbuo at pagtamo ng makatao at makatarungang Lipunan Modyul 6: Ang Pakikipagkaibigan -ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao dahil sa pagmamahal (affection) o pagpapahalaga (esteem). Ang tatlong uri ng pagkakaibigan ayon kay Aristotle 1. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan. -Ito ay pagkakaibigang inilalaan sa isang tao dahil sa pangangailangan ng isang tao rito. 2. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan. -Ang ganitong uri ng pagkakaibigan ay nabubuo sa pagitan mo at ng isa o mahigit pang tao na masaya kang kasama o kausap. 3. Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan. -Ang ganitong uri ng pagkakaibigan ay nabubuo batay sa pagkagusto (admiration) at paggalang sa isa’t isa. Mga Sangkap sa Pagkakaibigan 1. Presensiya- Sangkap ng pagkakaibigan ang panahon na magkasama 2. Paggawa ng bagay nang magkasama- maraming pagkakaibigan ang nagsisimula sa pagitan ng mga taong naglalaro o gumagawa nang magkasama. 3. Pag-aalaga- Ito ay lumilitaw sa mga gawaing nagpapakita ng mainit na pagtanggap at pag-aaruga na ginagawa sa isa’t isa Modyul 7: EMOSYON -Ang damdamin, ibig sabihin, kagyat na may kaugnayan ito sa mga obhetong tinatawag na mga pagpapahalaga. -Hindi basta-bastang nakokontrol o napamamahalaan ang mga damdamin; di tuluyan ang pagkontrol o pamamahala sa mga ito, sa pamamagitan ng pagkontrol ng kanilang mga sanhi o epekto (pagsasakatawan, kilos). May apat na Uri ng Damdamin: 1. Pandama (sensory feelings). Ito ay tumutukoy sa limang karamdamang pisikal o mga panlabas na pandama na nakapagdudulot ng panandaliang kasiyahan o paghihirap sa tao. 2. Kalagayan ng damdamin (feelings state). Ito ay may kinalaman sa kasalukuyang kalagayan na nararamdaman ng tao. 3. Sikikong damdamin (psychical feelings). Ang pagtugon ng tao sa mga bagay sa kaniyang paligid ay naiimpluwensyahan ng kasalukuyang kalagayan ng kaniyang damdamin. 4. Ispiritwal na damdamin (spiritual feelings). Ayon kay Dr. Manuel B. Dy Jr., ang mga ispiritwal na damdamin ay nakatuon sa paghubog ng pagpapahalaga sa kabanalan tulad ng pag-asa at pananampalataya.