Kakayahang Pragmatiko: Pahiwatig at Pag-unawa sa mga Salita at Kilos PDF
Document Details
Uploaded by ResoundingHeptagon
TUP
Juliet D. Gabao
Tags
Summary
Ang presentasyong ito ay tungkol sa Kakayahang Pragmatiko, na tumutukoy sa pag-aaral kung paano ginagamit ang wika sa tiyak na konteksto para sa diretsahang pagpapahayag o paggalang. Nakapokus din ito sa konsepto ng speech act at mga halimbawa. Tinatalakay nito ang iba't ibang aspeto ng pragmatika sa wikang Filipino.
Full Transcript
Kakayahang Pragmatiko : Pahiwatig at Pag-unawa sa mga Salita at Kilos Ano ang Kakayahang Pragmatiko ? Ayon kina Lightbown at Spada (2006), ang pragmatiko ay tumutukoy sapag-aaral sa paggamit ng wika sa isang partikular na konteksto upang magpahayag sa paraang diretsahan o pag...
Kakayahang Pragmatiko : Pahiwatig at Pag-unawa sa mga Salita at Kilos Ano ang Kakayahang Pragmatiko ? Ayon kina Lightbown at Spada (2006), ang pragmatiko ay tumutukoy sapag-aaral sa paggamit ng wika sa isang partikular na konteksto upang magpahayag sa paraang diretsahan o paggalang. Kadikit ng paglinang sa kakayahang pramatiko ang konsepto ng speech act. Para sa pilosopo sa wika na si J.L. Austin (1962; sipi kay Hoff 2001), ang pakikipag-usap ay hindi lamang paggamit ng mga salita upang maglarawan ng isang karanasan kundi “paggawa ng mga bagay gamit ang mga salita” o speech act. May tatlong sangkap ang Speech act: Sangkap Kahulugan Halimbawa Illocutionary Sadya o Pakiusap, utos, force intensiyonal na pangako papel Patanong, Locution Anyong pasalaysay perlocution lingguwistiko Pagtugon sa Epekto sa hiling, tagapakinig pagbibigay atensiyon Senaryo Isang kostumer sa restoran ang nagpahayag sa weyter ng ganito. “ Mayroon ba kayong tubig na walang yelo?”. Sa nasabing halimbawa ang Illocutionary force ng kostumer ay ang paghiling na madalhan siya ng inuming tubig na walang kasamang yelo. Ipinadaloy niya ito sa locution na patanong.Ang epekto nito, o perlocution, ay ang pagsunod ng weyter sa kanyang kahilingan. Sa kaso ng pagkatuto ng ikalawang wika, tinatawag na Interlanguage pragmatics(Bardovi-Harlig 1999; sipi kay Lightbown at Spada 2006) ang pag-aaral sa kung paano ang mga hindi taal na tagapagsalita ng partikular na wika at nag sisimulang matuto nito ay umuunlad ang kakayahan sa pagpapahayag ng kanilang intensiyon sapamamagitan ng iba’t ibang speech act. Bahagi ng larangang ito ang pananaliksikna isinagawa nina Bardovi-Harlig at Hartford (1993). Hinggil sa paraan ng pagtanggi at pagbibigay suhestiyonng mga estudyanteng Taal at di-taal na tagapagsalita ng Ingles sa mga sesyon ng akademikong pagpapayo sa isang unibersidad sa Amerika. Halimbawa Ang isang di-taal na tagapagsalita ng Ingles ay magpapahayag ng “ I think I am not interested in that course,” na kaiba sa sasabihin ng taal na tagapagsalita na nagbibigay pa ng suhestiyon sa anyong, “ I think this other course would better meet my needs.” Thank you Prepared by: Juliet D. Gabao