ARALIN 1: KATITIKAN NG PULONG - FPL- Sir Harold PDF

Summary

This document, a sample from FPL- Sir Harold.pdf, provides notes on Filipino writing, specifically on minutes of meetings (katitikan ng pulong). It outlines the importance, structure, and procedures around creating meeting minutes, with a section on process and types of documents like Lakbay-Sanaysay and Replektibong Sanaysay.

Full Transcript

ARALIN 1: KATITIKAN NG PULONG Katitikan ng Pulong ang dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon. ibinabatay sa adyendang unang inihanda ng Tagapangulo ng lupon maaaring gawin ng kalihim, typist, o reporter sa korte maaaring maikli at tuwiran o detalyado Kahala...

ARALIN 1: KATITIKAN NG PULONG Katitikan ng Pulong ang dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon. ibinabatay sa adyendang unang inihanda ng Tagapangulo ng lupon maaaring gawin ng kalihim, typist, o reporter sa korte maaaring maikli at tuwiran o detalyado Kahalagahan ng Katitikan naipaaalam sa mga sangkot ang mga nangyari sa pulong. nagsisilbing gabay upang matandaan ang lahat ng detalye ng pinag-usapan o nangyari sa pulong. maaaring maging mahalagang dokumentong pangkasaysayan sa paglipas ng panahon. ito'y magiging hanguan o sanggunian sa mga susunod na pulong. ito'y batayan ng kagalingan ng indibidwal.. Mahalagang Ideya! Hindi lamang iisang kasanayan ang gagamitinsa pagsulat ng katitikan ng pulong. Kailangangpairalin ang talas ng pandinig, bilis ng pagsulat, at linaw ng pag-iisip. Gabay sa Pagsulat ng Katitikan Bago ang Pulong Ihanda ang sarili bilang tagatala. Lumikha ng isang template upang mapadali ang pagsulat. Basahin na ang inihandang agenda upang madali na lamag sundan ang magiging daloy ng mismong pulong Mangalap na rin ng mga impormasyon tungkol sa mga layunin ng pulong, sino na ang mga dumating, at iba pa. Maaaring gumamit ng lapis o bolpen, at papel, laptop, o tape recorder. Habang nagpupulong Magpokus sa pang-unawa sa pinag-uusapan at sa pagtala ng mga desisyon o rekomendasyon. Itala ang mga aksiyon habang nangyayari ang mga ito, hindi pagkatapos. Pagkatapos ng Pulong Repasuhin ang isinulat Kung may mga bagay na hindi naiintindihan, lapitan at tanunginagad pagkatapos ng pulong ang namamahala rito o ang iba pang dumalo. Kapag tapos nang isulat ang katitikan, ipabasa ito sa mga namuno sa pulong para sa mga hindi wastong impormasyon. Mas mainam na may numero ang bawat linya at pahina ng katitikan upang madali itong matukoy sa pagrerepaso o pagsusuri sa susunod na pulong. Repasuhin muli ang isinulat at tingnan kung wasto ang baybay ng salita, bantas, at iba pa. Ibigay ito sa mga dumalo sa pulong sa oras na matapos ang pinal na kopya. Magtabi ng kopya sakaling may humilin na repasuhin ito sa hinaharap. ARALIN 2: LAKBAY SANAYSAY Ano ang Lakbay-Sanaysay? - Ang Lakbay-Sanaysay ay tinatawag din na travel essay o travelogue. Ito ay isang uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga karanasan sa paglalakbay. - Ayon kay Nonon Carandang, ito ay tinawag niyang sanaylakbay kung saan ang terminolohiyang ito, ayon sa kanya ay binubuo ng tatlong konsepto: (1) sanaysay, (2) sanay at (3) lakbay. Mga Dahilan ng Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay Ayon kay Antonio et.al sa kanilang aklat na Malikhaing Sanaysay (2013) may apat na pangunahing dahilan ng pagsusulat ng Lakbay-Sanaysay: 1.Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat. Halimbawa nito ay ang travel blog. 2.Layunin din nitong makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay. 3.Maaari ring itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng espiritwalidad, pagpapahilom , o kaya ay pagtuklas sa sarili. Kadalasang naisasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit upang maitala ang mga bagong bagay na nakita ,narinig , naranasan at iba pa sa kanyang ginawang paglalakbay. 4.Upang maidokumento ang kasaysayan, kultura at heograpiya ng lugar sa malikhaing pamamaraan. Anuman ang dahilan sa paglalakbay, ang Lakbay-Sanaysay ay kadalasang naglalaman ng mga tala ng karanasan ng awtor o sumulat sa paglalakbay. Ang pagtatalang ito ay isang paraan ng manunulat na maibahagi ang karanasan at kasiyahan sa paglalakbay. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay 1.Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista.- 2.Sumulat sa unang panauhang punto de-bista.– 3.Tukuyin ang pokus ng susulating Lakbay-Sanaysay.- 4.Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa dokumentasyon habang naglalakbay.- 5.Ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay.- 6.Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay.- ARALIN 3:REPLEKTIBONG SANAYSAY Ano ang Replektibong Sanaysay? - Ayon kay Kori Morgan ito ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang karanasan o pangyayari. - Sinasabi din ang replektibong sanaysay ay isang isang pagsasanay sa pagninilay. Kung saan ang isang manunulat ay nakatutuklas ng iba’t ibang pananaw at damdamin hinggil sa mga perspektibang mayroon siya sa ating lipunan. - Sa pag-aaral nina Di Stefano, et al. (2014), magiging mabisa ang pagkatuto mula sa sariling karanasan kung lalangkapan ito ng repleksiyon. Pinakita nila na ang replektibong gawain ay makapangyarihang mekanismo sa pagkatuto. - Ito ay maaaring nasa anyo ng personal na sanaysay at nakabatay sa sariling karanasan ng manunulat. Ilan sa mag halimbawa nito ay ang mga lahok sa dyornal, talaarawan, reaksiyong papel o learning log. Kahalagahan ng Replektibong Sanaysay 1. Nakapagpapahayag ng damdamin at dito ay may natutuklasang bago tungkol sa sarili, sa kapuwa at sa kapaligiran. 2. Natutukoy ng tao ang kaniyang kalakasan at kahinaan. 3. Nakaiisip ng mga solusyon sa mga problemang kinahaharap natin. 4. Hinahasa rin ng replektibong sanaysay ang kasanayan sa metacognition o ang kakayahang suriin at unawain ang sariling pag-iisip. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay 1. Pagsagot sa mga sumusunod na tanong. 2. Lagumin ang iyong mga sagot. 3. Makapukaw sa atensiyon ng mga mababasa. 4. Pagpapakilala ng paksa at layunin. 5. Pagsulat ng katawan. 6. Maglagay ng obhetibong datos 7. Pagsulat ng wakas o konklusyon. Katangian ng Replektibong Sanaysay 1. Personal at subhetibo 2. May organisasyon ang mga ideya 3. Hindi limitado sa paglalarawan o paglalahad ng mga kuwento. 4. Nangangailangan ng mapanuring kamalayan at mapagmuning diwa 5. Nagsasagawa rin ng pagsusuri 6. Bumubuo ng sintesis 7. Nagtitimbang-timbang 8. Gumagamit ng deskriptibong wika ARALIN 4: POSISYONG PAPEL Ano ang Posisyong Papel? Ito ay pagsuporta sa katotohanan ng isang kontrobersyal na isyu sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o usapin para sa iyong pananaw. Ito ay nangangailangan din ng pangangatwiran na maaring maiugnay sa paglalahad ng dahilan upang makabuo ng patunay, makapagtakwil ng kamalian at pagbibigay katarungan sa opinyon. Mga Bahagi ng Posisyong Papel Panimula 1. Pamagat 2. Pahayag na Tesis- Pinaninindigang panig o posisyon mula sa paksa 3. Pinag-uukulan- may direktang koneksyon sa isyung tinatalakay 4. Pinagmulan- Grupong kinabibilangan ng sumulat ng posisyong papel. Paglalahad ng Counterargment- argumentong tutol sa iyong tesis. Paglalahad ng iyong posisyon- impormasyon tungkol sa sariling panig Konklusyon- lagom, pagmumungkahi ng plan of action. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Larawang-Sanaysay 1.Pagpili ng Paksa- Mahalagang interesado, nauunawaan at malawak ang iyong kaalaman sa paksang iyong napili upang mapagtibay ang iyong pinaninindigang opinyon o posisyon. Gumamit ng mga datos, opinyon, estadistika at iba pang anyo ng katibayan upang maging kapani-paniwala at mapagkakatiwalaan ng mambabasa 2. Magsagawa ng Paunang Pananaliksik- Magbasa ng mga aklat, pahayagan at mga nailathalang pag-aaral. Maaaring magsagawa ng interbyu o pagtatanong sa mga taong may awtoridad sa paksa. Maaari ding kumuha ng datos mula sa internet ngunit tiyaking ito ay nagmumula sa mga mapagkakatiwalaang website tulad ng mga educational site (.edu) ng mga institusyong akademiko at pampananaliksik at mga site ng gobyerno (.gov). 3. Hamunin ang iyong napiling paksa- Alamin ang lahat ng posibleng hamon upang mapagtibay ang iyong paninindigan. Maaaring itala sa papel ang iyong mga punto na sang-ayon sa iyong posisyon at sa katapat naman ay ang mga kasalungat na punto. 4. Ipagpatuloy ang pangangalap ng mga matibay na ebidensiya Matapos mong matukoy ang posisyong susuportahan at kahinaan ng kabilang panig ay magpatuloy pa sa mas malalim na pananaliksik. Maaaring sumangguni sa mga aklat at akademikong babasahin. Makipanayam sa mga taong eksperto o dalubhasa sa paksang pinagtataluhan. 5. Bumuo ng Balangkas Sa pamamagitan ng pagbabalangkas ay makikita ang direksiyon ng posisyong papel na iyong isusulat Narito ang mungkahing pagbabalangkas ng posisyong papel: A. Ipakilala ang iyong paksa - Talakayin sa introduksiyon ang maikling kaligirang impormasyon tungkol dito. B. Itala ang mga katwiran ng kabilang panig- Ipaliwanag nang maikli ang bawat katuwiran. Banggitin ang mga pinagbatayang sanggunian ng mga katuwirang ito. C. Pagtibayin ang sariling katuwiran- Palawakin pa ang mga paliwanag sa iyong sariling katuwiran. Maglahad pa ng karagdagang ebidensiya upang mas kapani-paniwala ang iyong katuwiran. D. Lagumin ang mga katuwiran at igiit ang iyong posisyon- Ipaliwanag na ang sariling paninindigan ang pinakamabuti at karapat-dapat na paniwalaan. 6. Isulat ang iyong posisyong papel Isulat nang may kumpiyansa sa sarili ang posisyong papel. Ipahayag nang may awtoridad at kaalaman ang usapin. Patunayan na ang iyong paninindigan ang tama at karapat-dapat sang-ayunan.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser