Filipino sa Piling Larang | Aralin 5: Ang Wikang Filipino sa Gawaing Akademiko PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Republic Central Colleges
Tags
Related
- L1.1: AKADEMIKONG PAGSULAT PDF
- FILIPINO SA PILING LARANGAN Modyul 1 PDF
- Filipino 3: Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Module 1 PDF
- Filipino sa Piling Larang PDF
- FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO Modyul 5: Pakikinig at Pagsasalita PDF
- Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang Akademik (PDF) - Modyul 10
Summary
This document discusses the use of Filipino language in academic settings. It explores the role of Filipino in various fields, including education, government, business, and science. It also discusses the use of other languages in specific contexts. It's part of a learning lesson plan for students.
Full Transcript
Republic Central Colleges Senior High Department Filipino sa Piling Larang | Aralin 5: Ang Wikang Filipino sa Gawaing Akademiko Ang Wikang Filipino sa Gawaing Akademiko BALIK-TANAW Sa unang hanay, nakalista ang...
Republic Central Colleges Senior High Department Filipino sa Piling Larang | Aralin 5: Ang Wikang Filipino sa Gawaing Akademiko Ang Wikang Filipino sa Gawaing Akademiko BALIK-TANAW Sa unang hanay, nakalista ang iba’t ibang larangan. Sa ikalawang hanay, tukuyin ang wika o mga wikang madalas gamitin sa bawat larangan. Sa ikatlong hanay, magbigay ng mga tiyak na ebidensya na magpapatunay ng sagot mo sa ikalawang hanay. Wika (Filipino, Ingles, at iba Larangan pa) Mga Tiyak na Ebidensya Marami sa mga teksbuk at iba pang aklat ay nakasulat Hal. edukasyon Ingles sa Ingles At iba pa Batas Negosyo Agham Teknolohiya Medisina Republic Central Colleges Senior High Department Filipino sa Piling Larang | Aralin 5: Ang Wikang Filipino sa Gawaing Akademiko Ang Konsepto ng Wikang Filipino bilang Wikang Akademiko Mahalagang usapin sa gawaing akademiko ang usaping pangwika. Sa lahat halos ng gawaing akademiko pagbasa, pagsulat, pananaliksik, at diseminasyon ng bunga ng pananaliksik-sentral ang papel ng wika. Ano ba ang wikang ginagamit sa akademya? Umiiral ang multilingguwal na patakaran sa paggamit ng wika sa edukasyon. Sinimulang ipatupad noong taong akademiko 2012-2013 ang Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) sa lahat ng pampublikong paaralan sa Pilipinas bilang bahagi ng K to 12 Basic Education Program ng Kagawaran ng Edukasyon. Itinakda sa patakarang ito ang paggamit ng mother tongue o L1 (unang wika) bilang wikang panturo sa lahat ng asignatura maliban sa Filipino at Ingles mula Kindergarten hanggang Baitang 3. Kasama na ring gagamitin bilang wikang panturo ang wikang Filipino at Ingles pagkaraan ng Baitang 3. Layunin nito ang matupad ang mithiing Every Child a Reader and a Writer by Grade 1. Ang pagpapatupad ng patakarang ito ay nakabatay sa Lingua Franca Project (1999-2001) at Lubuagan Project (1999-2012) na nagpatunay sa bisa ng paggamit ng mother tongue sa pagtuturo at pagkatuto ng mga batang mag-aaral. Bagaman kinilala na ang kahalagahan ng paggamit ng mother tongue bilang wikang panturo, maituturing na mas nangingibabaw pa rin ang paggamit ng wikang banyaga-ang wikang Ingles- sa sistema ng edukasyon, lalo na sa mataas na edukasyon. Halos hindi nagbago ang bilingguwal na patakaran ng edukasyon na nagtatakda ng paggamit ng Ingles sa pagtuturo ng Ingles, agham, at matematika; at ng paggamit ng Filipino sa iba pang asignatura. Bukod sa edukasyon, Ingles din ang namamayaning wika sa iba pang mahahalagang larangan ng lipunan tulad ng pamahalaan, batas at hukuman, agham at teknolohiya, kalakalan at negosyo, medisina, at iba pa. Ang mga larangang nabanggit ay itinuturing na makapangyarihang larangan dahil sa napakahalagang tungkulin ng mga ito sa lipunan. Dahil mahalaga ang papel ng mga larangang ito sa buhay ng mga mamamayan, importante na ang wikang ginagamit sa mga larangang ito ay ang wikang nauunawaan ng nakararami. Ganito rin ang inaasahan sa larangan ng edukasyon—ang magamit ang wikang higit na nauunawaan ng nakararami bilang wikang panturo at wika ng pagkatuto. May iba't ibang paliwanag kung bakit dapat na Filipino ang wika ng edukasyon. Una, itinadhana ng Konstitusyon ng 1987 na dapat itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang wika ng pagtuturo. Isinasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 na: Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasiya ng Kongreso, dapat magsagawa ng hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. Republic Central Colleges Senior High Department Filipino sa Piling Larang | Aralin 5: Ang Wikang Filipino sa Gawaing Akademiko Ang Konsepto ng Wikang Filipino bilang Wikang Akademiko Sa Seksiyon 7, isinasaad naman ang ganito: Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Ikalawa, ipinapalagay na mas mabisang matututo ang mga estudyante kapag Filipino ang ginamit na midyum ng pagtuturo. Inilarawang "pagtitipid ng lakas-utak" ang paggamit ng sariling wika bilang wika ng edukasyon. Halimbawa, sa pag-aaral ng matematika, mas maraming proseso ang pagdaraanan kapag ang ginamit sa pagtuturo nito ay wikang hindi gaanong alam ng mga estudyante tulad ng Ingles. Kakailanganing magpokus ng mag-aaral sa pag-unawa ng mga konsepto sa matematika at ng mga paliwanag sa wikang Ingles. Ngunit kapag ang ginamit na midyum ng pagtuturo ay wikang sarili, tanging ang mga konsepto sa matematika lamang ang kailangang unawain. Ang totoo, marami nang pag-aaral at eksperimento noon at ngayon na nagpapatunay na higit na mabisa ang paggamit ng sariling wika bilang wikang panturo kumpara sa paggamit ng wikang banyaga. May iba pang panlipunan, pang-ekonomiya, pampolitika, at pangkulturang dahilan para itaguyod ang wikang pambansa sa larangan ng edukasyon. Mga Paraan sa Pagpapayaman ng Filipino bilang Wikang Akademiko May mga prosesong dapat gawin upang isulong ang paggamit ng wikang Filipino sa wikang akademiko. Isa sa mga prosesong ito ang pagdebelop ng kalipunan ng mga teksto sa iba't ibang larangan na nakasulat sa Filipino. Kailangang hikayatin ang mga estudyante, guro, at mananaliksik na sulatin ang kanilang mga sanaysay, report, artikulo, at aklat sa kani-kaniyang larangan sa wikang pambansa. Sa pamamagitan nito, makabubuo ng diskursong akademiko sa iba't ibang larangan sa wikang Filipino. Sa ngayon, may mga nagsusulat na ng kani-kanilang tesis at disertasyon sa mga gradwadong pag-aaral (master's at doktoral) sa iba't ibang larangan sa wikang Filipino lalo na sa larangan ng arte at humanidades, at agham panlipunan. May mga akademikong dyornal na rin na bilingguwal sa Ingles at Filipino, kundima'y monolingguwal sa Filipino. Dumarami na rin ang mga aklat na inililimbag ng iba't ibang palimbagan na nakasulat sa wikang pambansa. Ang isa pang proseso ay ang pagdebelop ng rehistro ng wika. Tumutukoy ito sa natatangi at tiyak na paggamit ng wika sa isang larangan. Pangunahing bahagi ng rehistro ng wika na ito ang pagbuo ng bokabularyo, termino, o katawagan. Makatutulong ang bokabularyong ito para sa tuloy-tuloy na pagsusulat at paggamit ng Filipino sa isang larangan. Republic Central Colleges Senior High Department Filipino sa Piling Larang | Aralin 5: Ang Wikang Filipino sa Gawaing Akademiko Ang Konsepto ng Wikang Filipino bilang Wikang Akademiko Dahil Ingles ang namamayaning wika sa maraming larangan, nagiging kinakailangang hakbang ang pagtutumbas sa Filipino ng mga terminong Ingles na ginagamit sa isang larangan. May mga iminumungkahing hakbang sa pagtutumbas ng mga termino: Una, ang paghahanap ng katumbas sa korpus ng wikang Filipino, ibig sabihin, sa umiiral na bokabularyo sa Filipino. Maaaring gamiting sanggunian ang mga diksiyonaryo at iba pang publikasyon sa Filipino. Ikalawa, ang paghahanap ng katumbas sa iba pang wika sa Pilipinas. Maaaring gamiting sanggunian ang mga diksiyonaryo ng mga wikang ito o mga panrehiyon at pambansang publikasyon sa wikang ito. Maaaring gamitin ang orihinal na baybay ng salita o isunod sa pagbaybay sa wikang Filipino. Ikatlo, ang panghihiram sa Espanyol. Kapag nanghihiram ng salita sa wikang Espanyol, isinasa-Filipino ang baybay. Ikaapat, ang panghihiram sa Ingles nang isinasa-Filipino ang baybay ng salita.Ikalima, ang panghihiram nang buo sa Ingles. Ikaanim, ang paglikha ng salita na binaybay sa Filipino. Pamilyar na ang marami sa mga paraang ito. Ang higit na kailangang ipaliwanag ay ang ikalawa at ikaanim na paraan. Paghahanap ng katumbas sa iba pang wika sa Pilipinas May ilang matagumpay nang paggamit ng salita mula sa ibang wika sa Pilipinas para tumbasan ang mga termino sa wikang Ingles. Halimbawa, ang salitang Hiligaynon na gahum ay itinutumbas na sa konsepto ng hegemony ng agham pampolitika; ang salitang Ilokano na rabaw ay itinutumbas sa terminong surface; ang salitang Cebuano na lawas ay itinutumbas sa body tulad sa bodies of water na puwedeng gawing lawas ng katubigan; at ang salitang Hiligaynon na ilahas ay itinutumbas sa wild tulad sa wild animals na nagiging hayop na ilahas. Inaasahan na ang mga Filipinong nagsasalita ng iba't ibang wika sa Pilipinas ang higit na magiging masigasig sa pagpapasok sa wikang pambansa ng mga salita mula sa kanilang wika. Paglikha ng salita Ang paglikha ng bagong salita ay isa ring lehitimong paraan ng pagtutumbas. Kapag napag- uusapan ang pag-imbento ng salita, madalas na mabanggit na halimbawa ang salipawpaw para sa eroplano, at salumpuwit para sa silya. Ngunit pinabulaanan na ito noong 1950 ni Lope K. Santos. Ipinaliwanag niyang ginamit lamang ito ng mga pahayagang Ingles at ng mga maka- Ingles noon upang hamakin ang wikang Tagalog at pigilan ang paglaganap nito bilang batayan ng wikang pambansa. Ngunit totoong lumikha rin ng mga bagong salita si Lope K. Santos. Ang salipapaw (HINDI salipawpaw) ay isang halimbawa. Mula ito sa mga salitang sasakyan, lipad, at papawirin. Pero nilinaw ni Santos na inisip ang salitang ito hindi upang palitan ang eroplano o airplane. Binuo ito upang gawin lang na halimbawa ng mga gustong lumikha ng bagong salita kung may pangangailangan. Idiniin ni Santos:"kung may pangangailangan." Ang salitang balarila ay isa ring likha. Maraming haka-haka sa pinagmulan ng salita. Ngunit ayon kay Santos, galing ito sa mga salitang "badya" o "babala" at "dila. Ang lumang kahulugan ng "badya" ay pagsasaad o paggagad; ang lumang kahulugan ng "babala" o "bala" ay atas o utos. Kaya kapag itinambal ang badya o babala sa dila, nagiging angkop na pantumbas ito sa gramatika. Republic Central Colleges Senior High Department Filipino sa Piling Larang | Aralin 5: Ang Wikang Filipino sa Gawaing Akademiko Ang Konsepto ng Wikang Filipino bilang Wikang Akademiko Ang anim na paraan ng pagtutumbas na naipaliwanag na ay itinuturing na sunod-sunod na hakbang. Ibig sabihin, halimbawa, karaniwang inuuna ang panghihiram sa Espanyol kaysa sa Ingles. Gayumpaman, may mga salik o konsiderasyong nakaiimpluwensiya sa pagpili ng katumbas na salita. Ilan dito ay ang sumusunod: kaalaman ng manunulat; mambabasang pinag-uukulan ng teksto; paksa at larangang kinapapalooban ng teksto; at katiyakan ng salita sa pagkatawan ng konsepto. Dahil dito, kung may higit sa isang mapagpipiliang salita sa pagtutumbas, maaaring ihanay muna ang mga opsiyong ito at piliin ang pinakaangkop na salita ayon sa layunin ng pagsulat. Ang Wikang Filipino bilang Wika ng Karunungan Naipaliwanag na ang mga hakbang sa pagtutumbas ng mga konsepto o terminong Ingles tungo sa wikang Filipino. Gayumpaman, hindi dapat na makontento na lamang sa pagtutumbas ng mga termino at konsepto mula sa labas kung nais talagang ang wikang Filipino ay maging wika ng karunungan. Ang kailangan ay tumuklas tayo ng sariling kaalaman. Sa tunguhing ito, may mahalagang papel pa rin ang wikang Filipino at iba pang wika sa bansa. Sabi ni Dr. Bienvenido Lumbera: Produkto ng lipunang Filipino ang wikang pambansa. Nakalangkap dito ang kultura ng mga taong gumamit noon at gumagamit ngayon nito sa kanilang pakikipamuhay sa ibang tao at sa mga institusyon ng ating lipunan. Taglay ng wika ang mga kaisipang minana sa mga ninuno at ang mga kaisipang pumasok sa lipunan... Kapag sinasabing may "henyo" ang wika, hindi talinghaga lamang ang kasabihan. Kapag binungkal ang wikang ngayo'y kinagawian na nating ituring na isa lamang instrumento, isang dulang ng kaalamang hindi pa natin naaarok ang mabubuksan sa atin. (2005, 264) Madalas ituring na ang wika ay daluyan ng pakikipagtalastasan, isang instrumento ng komunikasyon. Ngunit sa sinipi, sinasabing may henyo, talino, o karunungan mismo sa wika. Halimbawa, sa pagkain tulad ng isda. Madalas na nating bilhin at kainin ang bangus, tilapia, galunggong, lapu-lapu, plapla, hito, sapsap, hasa-hasa, talakitok, at tawilis. Pero nariyan din ang mas di-pamilyar na tagunton, bitilya, bacoco, dapa, samaral, kitang, apahap-dagat, at marami pang iba. Kung mas marami kang kilalang isda, mas maraming mapagpipilian. Kasunod nito ang iba't ibang paraan ng pagluluto o paghahanda ng pagkain. Bukod sa nilaga, inihaw, gisa, at prito, mayroon ding paghuhurno, pagpapakulo, pagtutusta, paglilitson, pagpapasingaw, pagbabanli, pagsasangkutsa, pagpapausok, pagpapangat, pagsisigang, pagtitinapa, pagpapatuyo, pagbababad, pagbuburo, pag-aasinan, at marami pang iba. Nitong panahon ng pandemya dahil sa COVID-19, lumaganap ang salitang ayuda. Maaaring sabihin na nagmula lamang ito sa salitang Espanyol na may kahulugang tulong, kawanggawa, proteksiyon, o saklolo. Ngunit nabigyan pa ito ng mga dagdag na kahulugan ng mga Filipino. Karaniwang maiuugnay ng mga Filipino ang salitang ayuda sa bigas, de-lata, kaunting pera na nagmumula sa lokal na pamahalaan; pagkaing ipinapadala sa mga kamag-anak o kaibigan sa pamamagitan ng iba't ibang delivery service; at kahit ang pandesal na binibili ng rider upang ipamigay sa mga nadaraanan niyang nagugutom sa lansangan. Pinayaman na ng mga Filipino ang salitang ayuda. Republic Central Colleges Senior High Department Filipino sa Piling Larang | Aralin 5: Ang Wikang Filipino sa Gawaing Akademiko Ang Konsepto ng Wikang Filipino bilang Wikang Akademiko Sa mas akademikong konteksto, katangi-tangi ang mga pag-aaral ng mga Filipinong pantas sa iba't ibang larangan na tumuklas ng karunungan sa pamamagitan ng wikang Filipino. Maihahalimbawa dito sina Fr. Roque Ferriols, SJ. sa larangan ng pilosopiya, Fr. Alberto Alejo sa teolohiya, Prospero Covar sa antropolohiya, Zeus Salazar sa kasaysayan, Virgilio Enriquez sa sikolohiya, at Virgilio Almario sa panitikan. Sinaliksik nila ang karunungang nakapaloob sa sariling wika at sa proseso ay napayaman din nila ang mga nabanggit na larangan mula sa pananaw ng mga Filipino. LAYAG-DIWA Pagtutumbas ng mga Termino sa Filipino Mag-isip ng 5 termino sa isang piling larangan na nasa unang hanay. Isulat ang mga termino sa ikalawang hanay. Sa ikatlong hanay, tumbasan ang mga termino ayon sa mga hakbang sa pagtutumbas na ipinaliwanag sa talakayan. Ipaliwanag din sa ikaapat na hanay ang batayan kung bakit ginamit ang isang partikular na paraan ng pagtutumbas para sa bawat termino. Pagtutumbas sa Larangan Termino Filipino Paliwanag Matematika Estadistika MIL Philippine Arts PE Philosophy Agham