FIL-COM-Q2-NOTES PDF

Document Details

Uploaded by Deleted User

Tags

Filipino Communication Filipino Language Language functions Linguistics

Summary

These notes cover various aspects of Filipino Communication, including the functions of language, such as personal expression, instrumental communication, and regulatory communication. They also touch upon creativity, cultural significance, and social interactions within a Filipino context.

Full Transcript

LESSON 1: TUNGKULIN NG WIKANG PERSONAL Ang wika ay nagagamit sa iba’t ibang paraan at layunin. Maaari itong gamitin upang magtakda ng isang kautusan, magpalaganap ng kaalaman, kumumbinse ng kapwa na gawin o paniwalaan ang isang bagay, bumuo at sumira ng relasyon, kumalinga sa mga nahihirapa...

LESSON 1: TUNGKULIN NG WIKANG PERSONAL Ang wika ay nagagamit sa iba’t ibang paraan at layunin. Maaari itong gamitin upang magtakda ng isang kautusan, magpalaganap ng kaalaman, kumumbinse ng kapwa na gawin o paniwalaan ang isang bagay, bumuo at sumira ng relasyon, kumalinga sa mga nahihirapan at nasisiphayo, at sa marami pang kaparaanan. M.A.K. (Michael Alexander Kirkwood) Halliday - Ayon sa Australyanong linggwista na si Halliday, may iba’t ibang gamit ang wika. Itinalakay niya ito sa kanyang “systemic functional linguistic model”. Wika bilang Personal Ang pampersonal na gamit ng wika ay may tungkuling ipahayag ang sariling pala-palagay o kuru-kuro sa paksang pinag-uusapan. Kasama rin dito ang pagsulat ng talaarawan at jornal. Dito rin naipahahayag ang pagpahahalaga sa anomang anyo ng panitikan. Nagsisilbing gampanin ng personal na tungkulin ng wika ang palakasin ang personalidad at pagkakakilanlan ng isang indibidwal. Ginagamit ng isang tao ang wikang personal upang ipahayag ang mga sumusunod: Personal na preperensiya Saloobin Pagkakakilanlan Personal bilang pagpapahayag ng sarili Sa pag-aaral ni Halliday noong 1973 tungkol sa gamit ng wika, isa sa mga kategorya ay ang personal. Ginagamit ang wika upang maipahayag ang sarili at anumang pansariling layunin. Halimbawa: Liham pangkaibigan Komentaryo ng patnugot sa isang pahayagan SELFIE Kaakibat ng personal na pagpapahayag nang pasalita man o pasulat, nakapag papahayag din ng personal na kapalooban ang isang tao sa pamamagitan ng “selfie.” Ang selfie ayon sa isang diksyonaryong urban ay ang pagkuha ng larawan ng inyong sarili na planong i-upload sa anumang social networking site. Ang selfie ay hindi lamang pagpapahayag ng sarili kundi nababahiran din ng Narsismo na nais hangaan ang sarili sa pamamagitan ng Internet. MALIKHAING SANAYSAY Ito’y naglalaman ng papuna at o kritika sa mga isyung panlipunan, mga gawi, at interaksyon ng mga tao. Ginagamitan ito ng mga salita na aantig sa mga mambabasa at mga pamamaraan ng malikhaing sanaysay. Biograpiya - talambuhay na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari, at impormasyon Awtobiograpiya - talambuhay ng isang tao na siya mismo ang sumulat Alaala (Memoir) - salaysay o kwento ng buhay na pinagdaanan ng isang tao Tala ng paglalakbay - pasalaysay na paglalarawan ng mga lugar na nabisita o napuntahan Personal na Sanaysay - pagsasalaysay ng mga personal na pangyayari sa buhay Blog - isang webpage o online na dyornal na maaaring ma-access ng madla LESSON 2: TUNGKULIN NG WIKANG INSTRUMENTAL TUNGKULIN NG WIKANG INSTRUMENTAL MGA PRINSIPYO SA PAGGAMIT NG WIKA: Ferdinand de Saussure, isang functionalist, mas kailangan daw pagtuunan ng pansin ang anyo at paraan ng wikang ginagamit ng isang nagsasalita sa halip na pagtuunan ang kahulugan nito. Ayon kay Emile Durkheim (1985), isa sa mga tagasunod ni Saussure at tinaguriang “Ama ng Makabagong Sosyolohiya,” ang lipunan ay nabuo sa pamamagitan ng mga taong naninirahan sa isang pook o lokalidad at ang bawat isa ay may kanya-kanyang papel na ginagampanan. Batay sa obserbasyon ni Halliday ( (1978) nabuo niya ang pitong tungkulin ng wika batay sa iba’t ibang yugto ng pagkakagamit ng isang bata. Nagsimula ang isang bata sa yugto na ginagamit niya sa wika upang magpahayag ng kanyang pangangailangan, na tutungo sap ag-uutos at pagkontrol sa mga tao sa kanyang paligid, hanggang samay sapat siyang kakayahan para magtanong- tanong ang tumuklas. Tungkulin ng wika bilang Instrumental Ang tungkulin ng wika ay nag-uugat sanabuong sistema ng isang kultura ayon sa pamantayan ng paniniwala, tradisyon, pag-uugali at kung paano pakikisalamuha ang tao. Instrumental na layunin ang wika kung layunin nitong makipagtalastasan para: 1. Matugunan ang mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-usap sa ibalalo na kung may mga katanungan na kailangan sagutin; 2. Pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto; 3. Paggawa ng liham pangangalakal ; 4. Pagsulat ng liham sapatnugot; 5. Tukuyin ang mga preperensya, kagustuhan, at pagpapasiya ng tagapagsalita; 6. Sa paglutas ng suliranin, pangangalap ng materyales,pagsasadula , at panghihikayat sa aktwal na karanasan; 7. Sa paglilinaw at pagtitiyak ng pangangailangan, naiisip, o nararamdaman. LESSON 3: TUNGKULIN NG WIKA BILANG REGULATORYO → Ang ating lipunan ay binubuo ng mga institusyon tulad ng pamilya, paaralan, edukasyon , simbahan, industriya , midya, at pamahalaan. Mga Elementong taglay ng wikang Regulatoryo: → Batas o Kautusan na nakasulat, nakikita, nakalimbag, o inutos ng pasalita → Taong may kapangyarihan o posisyon na nagpapatupad ng kautusan o batas → Taong nasasaklaw ng batas na sumusunod dito. → Konteksto na nagbibigay –bisa sa batas o kautusan tulad ng lugar , institusyon, panahon, at taong sinasaktan ng batas. Tatlo ang klasipikasyon ng wika ayon sa regulatoryong bisa nito 1. Berbal – ang tawag sa lahat ng kautusan, batas, o tuntunin na binabanggit lamang nang pasalita ng pinuno o sinumang nasa kapangyarihan. Halimbawa: Gwardiya: Kapag sinabi ng gwardiya na sumunod sa protocol na magsuot ng face mask at kukunan ng temperatura at maghugas ng kamay bago pumasok ng campus, kailangan sumunod sa patakaran dahil kung hindi kayo ay palalabasin na lang o hindi papasukin. 2. Nasusulat, nakalimbag, at biswal ang lahat ng kautusan batas o tuntunin na mababasa, mapapanood, o makikita na ipinatutupad ng nasa kapangyarihan. Halimbawa: Saligang Batas o Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, mga batas na ipinasa ng Kongreso, mga ordinansa sa mga munisipyo at siyudad, mga kautusan at patakaran ng kompanya at marami pang iba. 3. Di –nakasulat na tradisyon ang mahabang tradisyon ng pasalin-saling bukambibig na kautusan, batas, o tuntuning sinusunod ng lahat. Halimbawa: Sa Patriyarkal na lipunan, ang tagapagmana ng negosyo ay laging ang panganay na lalaki. Iba pang Regulatori ng wika: → Saklaw ng tungkuling ito ang pagbibigay ng direksyon gaya ng pagtuturo kung saan matatagpuan ang isang partikular na lugar; → Direksyon sa pag-inom ng gamot; direksyon sa pagsagot sa pagsusulit, at iba pa Ilang halimbawa ng Regulasyon o Batas → Ang Saligang Batas o Konstitusyon ang pundamental na batas ng bansa dahil lahat ng batas na lilikhain at yaong mga umiiral na ay nakabatay dito. → Ang batas na itinakda ng Kongreso ay tinatawag na Batas ng Republika. Halimbawa: Batas Republika Blg. 10175 or Cybercrime Prevention Act of 2012 → Ang ordinansa ay kautusan o batas na ipinatutupad sa mga probinsya, siyudad, at munisipyo. → Ang polisiya ay kautusan o batas na ipinatutupad sa mga organisasyon, ahensya, o kompanya. → Ang patakaran at regulasyon na ipinatutupad na kautusan o alituntunin sa paaralan, kompanya, pribadong organisasyon, at iba pang samahan. LESSON 4: TUNGKULIN NG WIKANG INTERASIYONAL ANO ANG PANLIPUNANG GAMPANIN NG WIKA? Ang panlipunang gampanin ng wika ay mapag-ugnay ang isang tao at ang kaniyang kapwa sapaligid na kanilang kinagagalawan. Ang “ako at ikaw” na tungkulin ng wika ay lumikha ng mga panlipunan ekspresyon at pagbati upang bumuo ng interaksyon at palakasin ang layuning makipagkapwa gayang “Mahal Kita” , Kamusta?”, at Mabuhay!” Mabisang matatamo ang mahusay na interaksyon sa pamamagitanng estritihiyang interaksyonal gaya ng paggamit ng mga katangiang: Di gumagamit ng salita, tulad ng kilos Tuon ng mata Pagwiwika ng katawan ( mga muwestra o galaw ng kamay, pagkiling-kiling ng ulo, at iba pang ga kilos.) Paiba-iba ang ekspresyon, tono, at intonasyon Sa aklat na Explorations of function of Language ni M.A.K. Halliday ((1973) biniigyan diin na ang pagkakategorya ng wika ay batay sa tungkuling ginagampanan ito sa atingbuhay. Isa rito ang interaksyonal na wika na ang tungkulin ay tulungan tayong makipag-ugnayan at bumuo ng sosyal narelasyon sa ating pamilya, kaibigan,o kakilala. Ang Interaksyon sa cyberspace Nagsimula nang tumakbo ang kabanata ng Web2.0, ang kasalukuyangbersyon ng internet na higit na pinalawig, pinalakas, pinalawak, at makapangyarihan.Nabubuksan ang komunikayon at nakilala ang iba-ibang kultura. Nalilikha ang tension, ugnayan, di-pagkakaunawaan( conflict ) maging ang bagong kultura sa espasyong ito. Mga halimbawa ng interaksyon sa Internet Dalawahan 1. E-mail 2. Personal na mensahe o instant message Grupo 1. group chat 2. forum Maramihan 1. Sociosite 2. Online store Hindi matatawaran ang popularidad ng social medya. Anumang edad o kalagayan sa buhay ay nasasaklaw nito. Marahil ang isa sa pinakamagandang depinisyon ng social media na ang “nilalaman nito ay nilikha ng sarili nitong audience.” Ngunit bukod pa dito, ang social media ay hindi lamang lumilikha ng nalalaman kundi lumilikha ito ng komunikasyon. Hindi man ito ang tanging layunin ng social media at ng internet, sa huli ay di-maitatanggi na may nabubuong interaksyon na dinamiko buhay, at ganap sa pagitan ng dalawa at mas marami pang tao (lovink, 2011). LESSON 5: WIKA BILANG DALUYAN NG IMAHINASYON Halliday (1973) - Ang IMAHINATIBONG WIKA ay ginagamit sa paglikha, pagtuklas, at pag aliw. Imahinatibo ang tungkulin kapag ginagamit ito sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing pamamaraan. Mga halimbawa ng Wikang Imahinatibo: → Nobela - Ito ay tinatawag na kathambuhay o mahabang kwento na piksyon na may iba't-ibang kabanata. - Ito ay kadalasang hango sa mga tunay na pangyayari sa buhay na maaaring nasaksihan o naranasan. - Halimbawa: Noli Me Tangere, El Filibusterismo, at Banaag at Sikat → Maanyong Sanaysay - Maingat na pagtalakay ng paksa kaya’t mabisa ang paglalahad. May maayos itong balangkas na makakatulong sa lohikal na paglalahad ng kaisipan. Maingat na pagmamasid at matalinong pagsusuri sa paksa o temang tinatalakay. → Maikling Katha - ay isang maikling sanaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. → Pelikula - ay isang obra ng sining, layunin nito na magbahagi ng kwento sa pamamagitan ng visual na representasyon. Sinasalamin nito ang mga totoong pangyayari. Ito rin ay nagsisilbing libangan ng mga tao. Gamit ng Wika sa Imahinatibong Panitikan: → PANTASYA - ito ay isang genre na gumagamit ng mahika at iba pang supernatural na penomena bilang punong elemento ng plota, thema, at/o ganapan. → Ang mitolohiyang griyego ang katawan ng mga MITO at katuruan ng mga Sinaunang Griyego na nagpapaliwanag ng pinagmulan ng mundo at ang detalye ng mga buhay at pakikipagsapalaran ng kanilang iba't ibang mga Diyos at mga Bayani. → Ang ALAMAT ay isang uri ng kwentong bayan at panitikan na nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. → Ang KUWENTONG-BAYAN ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip ng mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan sa isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. → Sa Imahinatibong Panitikan,ang mga kwentong ito ay piksyon at karaniwang nagtataglay ng mahika, nilalang na bunga ng imahinasyon tulad png mga prinsipe at prinsesa, mga hayop na nagsasalita at mga ka gilas gilas na mga pangyayari. Ang mga tauhan sa kwento ay hindi totoo at imahinasyon lamang ng may akda. → Ang SIYENSIYANG PIKSYON ay isang malawak ang anyo ng panitikan na karaniwang kinabibilangan batay sa pangkasalukuyan o panghinaharap na kalagayan ng agham o teknolohiya. Nakikita ang paksang ito sa mga aklat, sining, telebisyon, pelikula, laro, tanghalan, at marami pang iba. Nahahalo rin ang ganitong uri ng pagsasalaysay sa mga kathang may kababalaghan o pantasya, at maging sa mga kuwento ng pag-ibig, digmaan, katarungan, at iba pang mga kaugnay na anyo. Subalit, ang salaysay ng makaagham ay hindi kuwento ng mga kababalaghan o katatakutan. LESSON 5: TUNGKULIN NG WIKANG HEURISTIKO Ang wika ay may tungkuling heuristiko kapag ginagamit sa pag-aaral at pagtuklas upang makapagtamo ng kaalaman ukol sa kapaligiran. Sumusulpot ang ganitong tungkulin ng wika sa mga pagkakataong nagtatanong, sumasagot, o dumadaloy ang isang pamumuna bilang pagkilos ng isang bata o indibidwal. Maaaring makita ang tungkulin ng wikang heuristiko sa mga sumusunod na gawain: Imbestigasyon Pagtatanong Pananaliksik Mga pahayag na nagpapakita ng heuristikong tungkulin ng wika: “Anong nangyari?” “Para saan?” “Bakit mo ginawa iyon?” “Ano ang ginagawa ng mga alagad ng batas?” Bisa ng Tungkuling Heuristiko - ito ay tumutukoy sa pagkuha o paghahanap ng impormasyon na may kinalaman sa paksang pinag-aaralan - ipinaliliwanag dito ang datos, impormasyon at kaalamang ating natutunan o natuklasan Halimbawa ng Tungkuling Heuristiko taong makasasagot sa mga tanong na kailangan sa paksang pinag-aaralan pakikinig sa radio panonood sa telebisyon pagbabasa ng pahayagan at mga aklat LESSON 6: Wikang Filipino at Mass Media 💡 Ano kaya ang nagtulak sa mga OFW na mangibang bansa? - Ang kalagayang pang-ekonomiya sa bansa ang nagtutulak sa mga Pilipinong magtrabaho sa ibang bansa at maging Overseas Filipino Workers (OFW). Sa ganitong kalagayan , hindi maiwasan ang paglaganap ng wika at kulturang Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ayon sa Index of Survey on Overseas Filipinos noong 2014, tinatayang nasa 2.3 milyon Overseas Filipino Workers ang nasa iba’t ibang panig ng mundo - Ayon sa American Community Survey (2013), pangatlo ang Filipino sa mga wikang may pinakamaraming nagsasalita sa Estados Unidos , bukod sa Ingles. Pangatlo ang Filipino na may 1.6 milyong gumagamit, kasunod ang Espanyol na may 38.4 milyong tagapagsalita, at ang Chinese na may halos 3 milyong tagapagsalita. Paggamit ng Wikang Filipino sa Ibang Bansa Hindi maikakailang patuloy na lumalaganap ang paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Sa katunayan, ilan sa mga pinakamaunlad na Departamento ng Filipino at mga kaugnay na programa ay matatagpuan sa mga kilalang unibersidad tulad ng University of Hawaii-Manoa at ang Philippine Studies Program sa Osaka University sa Japan. Ang mga institusyong ito ay nag-aalok ng mga kurso at programa na naglalayong itaguyod ang wikang Filipino at ang kultura ng Pilipinas. Bukod dito, ang Filipino ay itinuturo rin bilang asignatura sa iba’t ibang unibersidad sa buong mundo, kaya’t nagiging mas malawak ang pagkatuto ng mga banyaga sa wika at kultura ng Pilipinas. Ayon kay San Juan (2015), itinala niya ang ilang mga unibersidad at kolehiyo sa ibang bansa na nag-aalok ng Filipino bilang programa o asignatura, na nagpapakita ng patuloy na interes at pagpapahalaga sa wika ng Pilipinas sa internasyonal na antas. WIKANG FILIPINO SA SOCIAL MEDIA Mass Media - pangmasang media, pangmadlang media, o mass media; - pinakama impluwensya at pinakamakapangyarihang institusyon sa ating lipunan. Mga Tungkulin ng Media sa Lipunan Ang media ay isang mahalagang institusyon sa lipunan, tulad ng pamilya, paaralan, simbahan, at pamahalaan. Ang pangunahing tungkulin ng media ay magsilbing: 1. Tagapagbantay - Nagsusuri at nagmamasid sa mga pangyayari at kalakaran sa lipunan. 2. Tagamasid - Nagbibigay ng impormasyon at nag-uulat tungkol sa mga kaganapan. 3. Taga-ulat ng mga pangyayari sa lipunan - Nagpapalaganap ng balita at impormasyon. 4. Tinig ng mamamayan - Nagpapahayag ng mga saloobin at opinyon ng nakararami. 5. Tagahatid ng mensahe sa kinauukulan - Nagpapalaganap ng mahahalagang mensahe sa mga mambabasa o tagapakinig. Kinilala ang media bilang ikaapat na estado (Fourth Estate), isang konsepto na unang ginamit ni Thomas Carlyle noong 1841, na nagpapakita ng papel ng media sa mga demokratikong bansa bilang isang makapangyarihang sektor na may malaking impluwensiya sa pamahalaan at lipunan. Ang Mass Media bilang Isang Malaking Industriya Ang mass media ay isang malaking industriya na binubuo ng mga sangay tulad ng pahayagan, radyo, at telebisyon. Ayon sa isang survey ng TNS Digital Life (2012), ipinakita na marami pa ring mga Pilipino ang nanonood ng telebisyon at nakikinig ng radyo. Gayunpaman, ang internet ay pumapangalawa sa pinaka-gamit na media sa Pilipinas. Ang mass media ay patuloy na may malaking impluwensya sa mga Pilipino at sa kanilang pang-araw-araw na buhay, at ito ay isang mahalagang bahagi ng modernong lipunan. Pagbabago ng Pamumuhay ng mga Pilipino dulot ng Social Media Binago ng social media ang pamumuhay ng milyon-milyong Pilipino. Bukod sa pagiging isang pangunahing paraan ng komunikasyon, ang pagkakaroon ng access sa internet ay naging simbolo ng panlipunang status. Dahil sa aktibong paggamit ng mga Pilipino ng social media, tinaguriang Social Media of the World ang Pilipinas. Ayon sa wearesocial.com (2015): 44.2 milyon o 44% ng populasyon ang may aktibong account sa social media. 30 milyon o 30% ang may aktibong mobile social media accounts. Mula 2013 hanggang 2015, nakapagtala ng 18% na pagtaas sa bilang ng mga aktibong gumagamit ng internet. Bagamat Ingles ang pangunahing wika ng internet, dahil sa pagdami ng mga web publishing tools, ang paggamit ng Filipino sa social media ay patuloy na lumalaganap. Marami na ring mga pananaliksik ang nagsuri sa katangian ng wikang Filipino na ginagamit sa iba’t ibang social media sites, na nagpapakita ng malalim na koneksyon ng mga Pilipino sa makabagong teknolohiya. Mga Estilo ng Paggamit ng Wika sa Internet 1. Code Switching - Madalas na pagbabago ng wika sa kalagitnaan ng pag-uusap, halimbawa, ang paggamit ng Filipino at Ingles sa isang pangungusap o usapan. 2. Pagsasama ng mga Salita - Ang pag-combine ng mga salita mula sa iba't ibang wika, tulad ng Filipino at Ingles, na nagiging bahagi ng araw-araw na komunikasyon. 3. Paggamit ng Maikling Pagpapahayag - Sa mabilis at instant na komunikasyon, madalas ang paggamit ng pinaikling mga salita, acronyms, o shortcut, tulad ng "lol," "brb," o "bff." 4. Iresponsableng Paggamit ng Wika - Kasama na rito ang maling grammar, spelling, at hindi tamang gamit ng mga salita na madalas mangyari sa mabilisang pag-type at pag-uusap sa online platforms. Ang mga estilong ito ay nagpapakita ng mabilis na pagbabago sa paraan ng komunikasyon ng mga tao, lalo na sa konteksto ng instant messaging at social media, na nagdudulot ng mga positibong epekto ngunit may kasamang mga hamon sa tamang paggamit ng wika. Sa patuloy na paglaganap ng wikang Filipino sa iba't ibang aspeto ng pamumuhay ng tao at sa iba't ibang bahagi ng mundo, nananatili ang hamon sa intelektwalisasyon at estandardisasyon ng wikang pambansa. Magiging posible lamang ito kung pangangasiwaan ng mga institusyong panlipunan ang orihinal na mandato ng Konstitusyon, na gamitin ang Filipino sa sistema ng edukasyon at pamamahala. Ang masusing pagtutok sa mga layuning ito ay magsisiguro na magiging epektibo at makatarungan ang paggamit ng Filipino sa mga makabagong konteksto. LESSON 7: Wikang Filipino at Pag-aaral ng Kultura Kultura - Ang kultura ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay na nakagawian o nakasanayan na ng mga tao sa isang lugar. Binubuo ito ng mga karunungan panitikan, paniniwala, kaugalian, sining, adhikain, at pamahalaan. Wika - instrumento ng komunikasyon, pakikipag-ugnayan, pakikipagtalastan, kapwa wika at kultura ay magkaugnay. - Ito ay kaakibat ng kultura; ang wika na siyang dahilan ng pagpalaganap 5 ng kultura dahil ang wika ay ginagamit upang maisalin at maipamana ang mayamang kultura sa susunod na henerasyon. Mga Kaalamang Bayan Bilang Kultura ng Pamayanan: Kaalamang bayan ang umiiral na kwento, panitikan, paniniwala, ritwal , gawi, at tradisyon ng mga mamamayan sa isang pamayanan o kalinangan na nagpasalin-salin sa ibang salinlahi at pook dahil sa ito'y bukambibig ng taumbayan. Iba’t ibang Uri ng Kaalamang Bayan: ★ Awiting Bayan - Ito ang mga awit ng mga Pilipinong ninuno na hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin. ○ Halimbawa: Bahay Kubo, Leron Leron Sinta, Pamulinawen, Sitsiritsit Alibangbang ★ Alamat - Ito ay pasalitang panitikan tungkol sa pinagmulan ng iba't ibang bagay. Ilan sa mga alamat ay tumutukoy sa pinanggalingan o nagpapaliwanag kung paano pinangalanan ang mga mga lugar, kalikasan at pangyayari. ○ Halimbawa:Alamat ng Pinya, Alamat ng Malapad-na-Bato, Alamat ng Mt. Banahaw, Alamat ng Mayon Volcano, Alamat ng Mango ★ Pabula - Ito ay isang maikling kwentong kathang-isip na tumatalakay sa mga aral sa buhay ng tao. Ang mga tauhan ay mga hayop na nagsasalita ng parang tao at nagbibigay ito ng aral. Madalas, ang aral ay salawikain. ○ Halimbawa: Ang Pagong at ang Matsing, Ang Agila at ang Pagong, Ang Leon at ang Daga, Ang Haring Aso at ang Kuneho ★ Epiko - Ito ay pasalitang panitikan hinubog ng iba't ibang katutubong Pilipino. Tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng di karaniwang kapangyarihan na kadalasan nanggaling sa diyos o diyosa. ○ Halimbawa: Biag ni Lam-ang (Ilocos), Hudhud ni Aliguyon (Ifugao), Darangen (Maranao), Hinilawod (Panay) ★ Kwentong Katatakutan o Urban Legend - Ito ay tumutukoy sa mga kahiwagaan na nangyayari sa isang lugar o pook. Madalas naging laman ng usapan sa umpukan o huntahan ng magkakaibigan ○ Halimbawa - Ang White Lady ng Balete Drive, Si Manananggal, Ang Multo ng Baguio ★ Pista - Ito ay tumutukoy sa pagbibigay-alay sa patron o santo ng Katoliko ng isang pamayanan bilang pagpapasalamat sa mga biyayang nakamit ng mga taong nabibilang sa isang lugar. ○ Halimbawa - Pista ng Santo Niño (Cebu), Pahiyas Festival (Lucban, Quezon), Ati-Atihan Festival (Kalibo, Aklan), Kadayawan Festival (Davao City) Iba pang magarbong pagdiriwang - Ang kasal,binyag, at anumang okasyon kagaya ng pagtatapos sa kolehiyo, pagkapasa sa propesyonal na karera , at marami pang iba ay bahagi rin ng Kultura sa bansa

Use Quizgecko on...
Browser
Browser