Summary

Ang dokumentong ito ay isang presentasyon tungkol sa Dinastiyang Tang (618-907 AD) ng Imperyong Tsino. Ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga mahahalagang kaganapan, mga impluwensya, at kultura ng dinastiyang Tang. Ang presentasyon ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga ambag ng dinastiyang Tang sa edukasyon, ekonomiya, at lipunan.

Full Transcript

Dinastiyang Tang (618 - 907 AD) Itinatag ni Li Yuan ang dinastiyang Tang. Siya ay naging si Emperador Gaozu. Ipinakilala ang burukrasya sa pamahalaan Dinastiyang Tang (618 - 907 AD) Ang pinakadakilang panahon sa kasaysayan ng Imperyal n...

Dinastiyang Tang (618 - 907 AD) Itinatag ni Li Yuan ang dinastiyang Tang. Siya ay naging si Emperador Gaozu. Ipinakilala ang burukrasya sa pamahalaan Dinastiyang Tang (618 - 907 AD) Ang pinakadakilang panahon sa kasaysayan ng Imperyal na Tsina. Ito ay isang panahon ng reporma at pag-unlad sa kultura na nagtatag ng mga patakaran na hanggang sa ngayon ay sinusunod pa rin sa Tsina. Lady Wu o Eperatris Wu Zetian – binago ang pangalan ng dinastiya at tinawag itong “Dinastiyang Zhou”(683-704 AD) Eunuch - tagapagsilbi sa palasyo at pinagkakatiwalaan dahil wala silang kakayahang magkaanak at magkaroon ng interes sa politika. Bakit walang kakayahang magkaanak ang mga “Eunuch”? …dahil sa Ang castration o pagkakapon ay ang proseso “CASTRATION” ng pag-alis o pagsira sa mga reproductive organs ng isang tao o hayop, kadalasan ang mga testicles sa mga lalaki o ovaries sa mga babae. Sa mga lalaki, ito ay tinatawag na orchiectomy, at sa mga babae, oophorectomy. tagapangasiwa ng mga harems (tahanan ng mga asawa o concubines ng hari). pinapadala sa mga misyon ng pakikipagkasundo o diplomasya, mangasiwa sa pagpapatupad ng mga batas o utos ng emperador. tagapagturo ng mga prinsipe at prinsesa. tagapayo ng mga emperador at mga miyembro ng pamilya ng hari. Kultura at Kabuhayan Ang mga pantalan tulad ng Chang'an (ang kabisera) at Guangzhou ay naging sentro ng internasyonal na kalakalan. napabuti ang edukasyon, buwis, agrikultura Naranasan ng Tsina ang Gintong Panahon sa pamumuno ni emperador Xuanzong kung saan naging popular na relihiyon ang Budismo na kalaunan ay pinalitan ng Taoismo bilang opisyal na relihiyon. Gintong Panahon ng Sining at Kulturang Tsino. Ang paggawa ng papel, na ipinakilala mula sa Han Dynasty, ay pinabuti sa Dinastiyang Tang. Naimbento ni Yi Xing ang orasan (mechanical clock) at ang unang mekanismo nito. Ang pulbura o gunpowder ay naimbento sa China noong ika-9 na siglo AD sa panahon ng Tang Dynasty (618–907 AD). Hindi ito inimbento ng isang partikular na tao kundi natuklasan ng mga alchemists habang naghahanap sila ng elixir ng buhay, isang uri ng gamot na pinaniniwalaang magbibigay ng imortalidad. Ang woodblock printing ay unang naimbento sa China noong Tang Dynasty (618–907 AD), at ito ay isang mahalagang teknolohiya para sa pagpapalaganap ng mga teksto, lalo na ang mga relihiyosong aklat at dokumento. Bagama't walang tiyak na pangalan ng isang tao o grupo na maaaring ituring na eksaktong nakaimbento ng woodblock printing, ang mga Budistang monghe ang isa sa mga pangunahing gumamit at nagpaunlad ng teknolohiyang ito Ang unang kilalang woodblock printed document ay isang kopya ng Diamond Sutra, isang sagradong tekstong Budista, na nailimbag noong 868 AD sa panahon ng Ang pinakamatandang Tang Dynasty. librong naimprenta o Ang dokumentong ito nailimbag sa ay natagpuan sa kasaysayan ng daigdig. Dunhuang, isang lungsod na malapit sa Silk Road. Tang Legal Code – ipinatupad sa ilalim ng Tang Dynasty (618–907 AD) sa China, at ito ay itinuturing na isa sa pinakamahalaga at pinakamaimpluwen syang legal na sistema sa kasaysayan ng Tsina. Binubuo ng 2 bahagi: Lü ( 律 ) - ang mga batas criminal na nakatuon sa mga krimen at parusa. Ling ( 令 ) - mga administratibong regulasyon at patakaran na nagtatakda ng mga tungkulin at responsibilidad ng mga opisyal 5 Pangunahing Parusa: 1. Paghagupit gamit ang Baston (flogging) – pinakamagaang parusa. 2. Pagkakulong – maaaring pansamantala o pangmatagalan. 3. Pagputol sa Bahagi ng Katawan – isang mas mabigat na parusa. 4. Pagsasapubliko ng Krimen – para sa mga seryosong kaso. 5. Pagbitay – para sa pinakamabibigat na krimen. Ang Equal Field System o "Juntian Zhi" - ay isang sistema ng pamamahagi ng lupa na ipinatupad sa China noong Northern Wei Dynasty (386–534 AD) at na-perpekto sa panahon ng Tang Dynasty (618–907 AD). Ang pangunahing layunin ng sistemang ito ay upang magkaroon ng patas na pamamahagi ng lupa sa mga mamamayan at maiwasan ang konsentrasyon ng mga lupain sa iilang tao o pamilya, na siyang karaniwang sanhi ng kaguluhan at paghihirap sa lipunan. Ang Tang Materia Medica (Tang Bencao o Bencao Texts) - ang unang opisyal na pharmacopoeia na iniutos ng pamahalaan ng dinastiyang Tang. Ito ay itinalaga ni Emperador Gaozong noong taong 657 AD, at ito ay pinangungunahan ng mga kilalang doktor at eksperto sa medisina noong panahon iyon. Ang civil service exam sa China na kilala bilang Imperial Examination o keju ay unang ipinakilala noong panahon ng Sui Dynasty (581–618 AD). Ito ay ganap na ipinatupad ng pamahalaan noong Tang Dynasty (618–907 AD). Ang sistema ng pagsusulit na ito ay naglalayong pumili ng mga opisyal ng pamahalaan batay sa kakayahan, sa halip na sa pinagmulan o katayuan sa lipunan. Qianli Chuan – isang barko na unang naimbento at ginamit sa China noong panahon ng Tang Dynasty (618– 907 AD). Ito ay gumagamit ng paddle wheel technology na nakatulong sa pagpapabilis ng paggalaw nito sa tubig. si Li Gao, isang opisyal ng Tang, ay iniulat na gumamit ng mga barkong may paddle wheel sa Yangtze River sa mga operasyong militar. Relihiyon at Paniniwala Ancestor Worship Kristiyanismo Buddhism (Budismo) Confucianismo Taoismo panahon ng pag-usbong ng Buddhism sa Tsina. Ang mga monasteryo at templong Buddhism ay lumago. Ang Taoismo ang naging opisyal na relihiyon ng Tsina sa panahon ng dinastiyang Tang. paggamit ng mga amulet, charms, at mga ritwal para sa kasaganaan, proteksyon laban sa masamang espiritu, at pag-aalis ng malas ay bahagi ng pang-araw-araw na buhay. Ang Feng Shui ay isang mahalagang aspeto ng buhay noong panahon ng Tang. Ang divination o paghula ng hinaharap gamit ang mga pamamaraan tulad ng I Ching (Yijing) na isinasagawa upang makakuha ng gabay at pagpapasya sa mga mahahalagang aspeto ng buhay. Si Ai ang huling emperador ng Tang na namuno sa trono mula 904-907 CE hanggang sa siya ay patayin ni Zhu sa edad na 15. Panahon ng Limang Dinastiya at Sampung Kaharian (907-960 AD) Rebelyon ni An Lushan – isang digmaang sibil na pinamunuan ni An Lushan para supilin ang pamahalaan at itatag ang dinastiyang Yan ngunit ito ay nabigo. Ang limang dinastiya ay binubuo ng Later Liang (907–923), Later Tang (923–936), Later Jin (936–946), Later Han (947–950), at Later Zhou (951–960). Ang sampung kaharian sa timog at kanlurang bahagi ng Tsina ay ang Wu, Min, Southern Han, Southern Tang, Qi, Chu, Yuan, Liang, Jingnan, at Hunan. Ang mga pintor tulad nina Dong Yuan at Jing Hao ay nag-ambag sa pagbuo ng mga estilo at teknik sa larangan ng sining na nagbigay- diin sa kagandahan ng kalikasan. Ang teknolohiya ng woodblock printing na naimbento noong Dinastiyang Tang ay patuloy na umunlad sa panahong ito. Dinastiyang Song (960 – 1279 AD) Itinatag ng heneral ng Huling Zhou na si Zhao Kuangyin na hinirang bilang emperador ng hukbo noong 960 CE. Ang kanyang titulo ng paghahari ay Taizu (Grand Progenitor). Dinastiyang Khitan Liao sa hilaga - nagkontrol sa depensibong lugar ng Great Wall of China Kultura at Kabuhayan Industriya ng pag-iimprenta, papel, tela, at porselana. Ang mga produktong ito ay iniluluwas sa kahabaan ng Silk Road kasama ang tsaa, seda, bigas, at tanso. Kasama sa mga inaangkat ang mga kabayo, kamelyo, tupa, telang koton, garing, mga hiyas, at pampalasa. Umunlad bilang isang mas modernisado at industriyalisadong bansa umunlad ang kalakalan sa pagitan ng mga estado at ang mga tributo ay bumalik sa Tsina bilang bayad para sa mga produktong iniluluwas nito. Pagkaimbento ng barkong may paddle-wheel, pulbura, perang papel, ang nakapirming kompas, ang timon sa hulihan ng barko, mga lock gate sa mga kanal Ang Yingzao Fashi ay isang mahalagang teknikal na akda sa arkitektura at inhinyeriya na isinulat sa panahon ng Song Dynasty (960–1279 AD) sa China. Ang pangalan nito ay maaaring isalin bilang "The State Building Standards" o "The Treatise on Architectural Methods and Techniques.“ Ang akda ay isinulat ni Li Jie, isang kilalang inhinyero at arkitekto ng Song Dynasty. Ang Zizhi Tongjian o "Comprehensive Mirror to Aid in Government," ay isang mahalagang kronolohiya na sumasaklaw sa kasaysayan ng China mula sa Warring States period (403–221 BC) hanggang sa Song Dynasty (960–1279 AD). isinulat ito ni Sima Ang foot binding ay isang sinaunang tradisyon sa Tsina na nagsimula noong dinastiyang Song (960–1279 AD) at tumagal hanggang sa simula ng ika-20 siglo. Ito ang pagbalot ng mga paa ng batang babae gamit ang mahigpit na linen na tela kung saan ang mga daliri ng paa ay pinipilit na itiklop at binabalot upang mapanatiling maliit ang laki nito. Lotus Feet – ang maliit na paa na simbolo ng kagandahan at estado sa lipunan noong panahong iyon. kadalasang nagsisimula sa edad na 4 hanggang 9 taon para sa mga babae. Relihiyon at Paniniwala Pure Land Buddhism - isang mahalagang anyo ng Buddhism noong panahong iyon, na nakatuon sa pagdarasal sa Amitabha Buddha. Zen Buddhism (na kilala rin bilang Chan Buddhism sa Tsina) ay umunlad sa panahon ng Song. Taoism Confucianism Ancestor Worship Ang mga pamilya ay nagsasagawa ng mga seremonya upang magbigay-galang at mag-alay sa kanilang mga ninuno, na nakikita bilang may kakayahang magbigay ng pagpapala at proteksyon sa kanilang mga inapo. Ang Feng Shui ay ginagamit sa pagpaplano ng mga gusali, bahay, at mga lunsod upang makamit ang balanse at kaayusan. Lipunan Ang emperador ay itinuturing na diyos o isang banal na tagapamahala na may direktang koneksyon sa langit. Ang mga miyembro ng nobility o aristokrasya ay may mataas na ranggo sa lipunan at kadalasang may ari-arian, lupa, at mga titulo o pagkilala. Ang mga opisyal ng gobyerno ay may mataas na katayuan sa lipunan, lalo na ang mga pumasa sa civil service examinations na nakabatay sa Confucian classics. Manggagawa Negosyante Magsasaka Mga alipin Emperador Bing – huling emperador ng dinastiyang Song. Dinastiyang Yuan (1271 – 1368 AD) Itinatag ng mga Mongol. Ang kanilang unang emperador ay si Kublai Khan. Shizu – titulo ni Kublai Khan Yuan – ang “origin”, “center”, “main pivot” Bingbu - Kagawaran ng Digmaan na responsable para sa pag-aasikaso ng lahat ng aspeto ng mga pwersang militar ng dinastiya. pinamumunuan ng isang Bingbu Shangshu na may kapangyarihang magtakda ng mga polisiya at magbigay ng mga utos sa mga pwersang militar. Ang jiaochao ay ang uri ng papel na pera na ipinakilala at ginamit sa ilalim ng dinastiyang Yuan, na itinatag ng mga Mongol sa ilalim ng pamumuno ni Kublai Khan. Ang kauna-unahang perang papel sa Tsina ay tinatawag na "jiaozi" na ipinakilala noong Tang Dynasty (618–907 AD). Ang Pax Mongolica ("Mongol Peace") ay tumutukoy sa panahon ng kapayapaan at kaayusan na pinanatili ng mga Mongol sa ilalim ng kanilang imperyo, partikular sa panahon ng Dinastiyang Yuan (1271–1368 AD) sa Tsina at ng mga Ilkhanate sa Persia. Kultura at Kabuhayan Tax-farming system - sa ilalim ng sistemang ito, ang mga kolektor ng buwis o mga opisyal ng pondo ay binibigyan ng kontrata para kolektahin ang buwis mula sa mga tiyak na lugar. land tax - nagpapataw ng buwis sa mga may-ari ng lupa batay sa laki ng lupa at uri ng pananim. Pinatanggal ang pagsusulit sa serbisyo sibil na magpapabor sa mga opisyal na Tsino na may edukasyong Confucian. hindi pagpapagamit sa mga Tsino na kumuha ng mga pangalan ng Mongol, magsuot ng mga kasuotan ng Mongol matuto ng wikang Mongol. Pinagbawalan ang pag-aasawa sa pagitan ng magkaibang lahi Ang mga Mongol ay nagdagdag ng ilang uri ng pagkain mula sa kanilang sariling kultura, tulad ng dumplings at mga pagkaing gawa sa karne. Relihiyon at Paniniwala Ang mga tradisyonal na relihiyon ay pinahintulutan na magpatuloy hangga't hindi nila bantaan ang estado Tibetan Buddhism ang naging pangunahing relihiyon. Umiral din ang Shamanismo at Ancestor Worship Ang Feng Shui ay ginamit sa pagpaplano ng mga gusali, tahanan, at iba pang mga estruktura upang mapanatili ang balanse at kasaganaan. Ang paggalang sa pamilya, partikular sa mga magulang at lolo't lola, ay nanatiling mahalaga sa panahon ng Yuan. Lipunan Ang apat na antas ng tao sa lipunang Yuan: mga Mongol; Semu - mga tao mula sa Gitnang Asya at/o nagsasalita ng mga wika ng mga Turko; Hanren - mga Tsino sa hilaga, mga Tibetano, Khitan, Jurchen, at iba pa; Nanren - mga Tsino sa timog na opisyal na pinamumunuan ng Song. Toghon Temur – huling emperador ng dinastiyang Yuan Northen Yuan Dynasty – pinamunuan ni Zhu Yuanzhang o Emperador Hongwu Dinastiyang Ming (1368 – 1644 AD) Itinatag ni Zhu Yuanzhang o emperador Hongwu (Ming Taizu). Ang Da Ming Lü ay ang batas na ipinatupad sa ilalim ng Dinastiyang Ming (1368–1644 AD) sa Tsina. Ito ay isang komprehensibong sistema ng batas na nagtatakda ng mga regulasyon, parusa, at pamantayan para sa lipunan sa panahon ng Dinastiyang Ming. Forbidden City sa Beijing (kilala sa wikang Tsino bilang Zijincheng (Purple Forbidden City') – ipinatayo ni emperador Yongle mula 1407 na itinuturing na UNESCO world heritage ngayon. Kultura at Kabuhayan pinalapad ang Grand Canal upang madaling marating ng mga barko ng trigo ang kabisera. Ang Great Wall of China ay inayos upang mas mahusay na ipagtanggol ang hilagang hangganan. nagsimulang gamitin ang pilak bilang pangunahing uri ng salapi sa kalakalan. Itinatag ang Imperial Astronomical Bureau para sa pagbuo ng mga kalendaryo at pagtukoy ng mga astronomical phenomena. Zheng He (1371-1433) - malawakang itinuturing bilang pinakamahusay na manlalakbay ng Tsina. isang eunuch na Muslim na umasenso upang maging isang admiral sa imperial na plota. Wang Yangming - nagtaguyod ng Chan Buddhism na nagmungkahi ng mga radikal na bagong ideya. muling ipinakilala ng Ming ang tradisyonal na sistema ng civil service examination Akdang Pampanitikan Shuihuzhuan - tungkol sa isang grupo ng mga mabubuting tulisan. Xiyouji -tungkol sa isang pari na naglalakbay patungo sa India upang kolektahin ang mga kasulatang Budhista. Jin Ping Mei - isang mausisa at mapangahas na satira ng pamahalaan ng Ming na nag-aaral sa buhay ng mayamang negosyante. The Peony Pavilion ni Tang Xianzu – pinakasikat na dula tungkol sa isang binata na nahuhulog sa pag-ibig sa isang dalagang babae na siya lamang nakikilala nito sa panaginip. Yongle Dadian - isang ensiklopedya ng lahat ng mahahalagang akdang pampanitikan ng Tsina na may mahigit sa 22,000 kabanata na nilikha sa panahon ng pamumuno ni Emperador Yongle. Relihiyon at Paniniwala Confucianism, Buddhism, Taoism, at Folk Religion, kasama ang mga bagong impluwensya tulad ng Kristiyanismo mula sa mga misyonerong Kanluranin. Hui Muslims - mga Tsino na Muslim na naninirahan sa mga rehiyon ng China tulad ng Yunnan at Gansu. Society of Jesus (Jesuits) sa pangunguna ni Matteo Ricci - nagdala ng Katolisismo sa China. Chinese astrology - naglalaman ng Chinese zodiac na may 12 hayop na kumakatawan sa iba't ibang taon. Mandate of Heaven - isang mahalagang paniniwala sa pamahalaan ng Tsina. Naniniwala ang mga Tsino sa feng shui Gumagamit ang mga Tsino ng amulets, incense, at rituals para protektahan ang kanilang mga sarili mula sa masamang kapalaran, masasamang espiritu, at natural na sakuna. npghahangad na maging immortal o makamit ang kawalang-kamatayan sa pamamagitan ng alchemy, ritwal, at meditasyon. Ang Confucianism ang sentral na ideolohiya ng Dinastiyang Ming, lalo na sa pamahalaan at lipunan. Lipunang Ming Emperador at Imperyal na Pamilya Shidafu - mga iskolar at opisyal ng pamahalaan Nongmin - mga magsasaka Gongren - mga artisano at manggagawa Shangren -mangangalakal Shibing - mga Kawal Nuli -mga alipin at mababang uri ng tao sa lipunan Ang huling emperador ng Ming, si Chongzhen ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagpapatiwakal sa halip na mahuli. Dinastiyang Qing (1644 – 1912 AD) huling imperyal na dinastiya ng Tsina. Ang unang emperador ng dinastiyang Qing ay si Nurhaci. Ang unang emperador ng Qing na nagkaroon ng titulo ng "Huangdi" o "Emperador" matapos ang pagsakop ng Beijing noong 1644, ito ay si Emperador Shunzhi. Luying o Army of the Green Standard - nakadestino sa buong bansa upang pigilan ang mga lokal na pag-aaklas. Kultura at Kabuhayan Tribute System - ang mga bansang katabi ng Tsina ay nagbibigay ng tribute (pagkilala at buwis) bilang kapalit ng proteksyon o benepisyo mula sa imperyo. Kabilang dito ang Korea, Vietnam, at ilang bahagi ng Timog-Silangang Asya. Canton System - tanging opisyal na daungan para sa pakikipagkalakalan ay ang Guangzhou kung saan ang mga dayuhang mangangalakal ay maaaring makipagkalakalan sa ilalim ng mahigpit na kontrol ng pamahalaan. Ang monopolyo sa ilang mga produktong Tsino tulad ng tsaa at seda. Unequal Treaties -nagbukas sa Tsina sa pandaigdigang kalakalan bunga ng digmaang opyo bagama’t sa hindi pantay na kondisyon. Ang Confucianismo ay nanatiling pangunahing pilosopiya at ideolohiya ng pamahalaan at lipunan. ang eksaminasyong sibil ay nagpapatuloy pagsusuot ng tradisyonal na damit, tulad ng cheongsam para sa kababaihan at changshan para sa kalalakihan. Dream of the Red Chamber ni Cao Xueqin - isa sa apat na dakilang klasiko ng panitikang Tsino. Ang nobela ay umiikot sa pamilyang Jia, partikular sa batang si Jia Baoyu, at ang kanyang mga relasyon sa kanyang mga kamag-anak at mga kasamahan. Ang pangunahing tema ay ang pagkakaiba-iba ng mga relasyon sa pamilya, pag- ibig, at ang kabiguan ng mga ambisyon ng mga tauhan. Ang Summer Palace ay orihinal na itinayo noong 1750 sa panahon ng Dinastiyang Qing sa ilalim ni Emperador Qianlong. Ang orihinal na istruktura ay tinatawag na Qingyi Garden. Ito ay isang UNESCO World Heritage Site. Peking Opera - umusbong bilang isang pangunahing uri ng sining na nagsasama ng musika, sayaw, at drama. Itinuturing itong UNESCO Intangible Cultural Heritage. Relihiyon at Paniniwala Ang Budismo, Taoismo, at Confucianismo ay nanatiling pangunahing relihiyon at pilosopiya. Ang mga misyonerong Kristiyano mula sa Kanluran ay nagsimulang pumasok sa Tsina paggalang sa mga nakatatanda, pagsunod sa mga tradisyon at katapatan sa pamilya napanatili ng mga Manchu ang kanilang paniniwala sa Shamanismo, na pinagsasama ang pagsamba sa kalikasan at mga ninuno. Naniniwala sila sa kapangyarihan ng mga espiritu ng kalikasan at ang papel ng mga shamans (espirituwal na mga lider) upang ipagpatuloy ang kanilang tradisyong panrelihiyon. Feng shui - sistema ng geomancy o sining ng pag-aayos ng espasyo na naglalayong magdala ng balanse, magandang enerhiya, at kasaganaan sa buhay ng isang tao. Ito ay literal na nangangahulugang "hangin" (feng) at "tubig" (shui). Bagua - isang mapa na ginagamit upang suriin ang enerhiya ng isang lugar. Nahahati ito sa walong bahagi na tumutugma sa iba't ibang aspeto ng buhay, tulad ng pamilya, kayamanan, kalusugan, karera, at relasyon. Lipunang Qing Emperador - pinakamataas na pinuno sa lipunan at itinuturing na “Anak ng Langit” o “Son of Heaven.” Ang pamilya ng emperador. gentry o scholar-gentry, sila ay mga iskolar at opisyal ng pamahalaan na nakapasa sa mahigpit na eksaminasyong sibil. Nong - ang mga magsasaka. Gong - ang mga manggagawa at artisan. Shang - mga mangangalakal na itinuturing na pinakamababa sa karaniwang tao dahil sila ay kumikita mula sa palitan ng mga kalakal, hindi mula sa paggawa o paglikha ng mga bagay. Ang mga alipin ay nasa pinakamababang antas ng lipunan, karaniwang mga manggagawa na may limitadong karapatan. Karamihan sa kanila ay mga bihag ng digmaan o angkan ng mga kriminal. Mga Entertainer at Prostitutes - itinuturing na kabilang sa mga mababang uri ng lipunan. Si Emperador Xuantong (Xuāntòng Huángdì), na kilala rin sa pangalang Puyi, ay ang huling emperador ng Dinastiyang Qing at ang pinakabatang emperador sa kasaysayan ng Tsina. Ipinanganak noong February 7, 1906, siya ay naging emperador noong 1908 at nanungkulan hanggang sa 1912. Noong 1932, si Puyi ay pinili ng mga Hapones bilang puppet emperor ng Manchukuo, isang bansa na itinatag ng mga Hapones sa Manchuria. Siya ay tinawag na Emperador Kangde ng Manchukuo hanggang sa pagtatapos ng World War II noong 1945. Rebolusyong Xinhai - nagbigay daan sa pagtatatag ng Republika ng Tsina. Ang Dinastiyang Qing ay bumagsak noong 1911 sa panahon ng Xinhai Revolution, na nagdulot ng pagtatatag ng Republic of China. Ang Qing Dynasty ay pinalitan ng bagong republika, at si Puyi ay napilitang talikuran ang kanyang kapangyarihan.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser