Dinastiyang Qin-Sui PDF

Document Details

CompliantPanPipes5503

Uploaded by CompliantPanPipes5503

Antique National School

Tags

Chinese history ancient China Qin Dynasty Sui Dynasty

Summary

This presentation details the history of the Qin and Sui Dynasties in ancient China, covering key aspects like culture, the Great Wall, and significant figures. It also touches on the impact of historical events and figures on Chinese society and culture.

Full Transcript

Dinastiyang Qin (221-206 BCE) unang dinastiya ng imperyal na Tsina at pinagbuklod ang mga Warring States. Haring Ying Zheng – ipinahayag ang kanyang sarili bilang “Shi Huangdi” o “Unang Emperador” at itinatag ang dinastiyang Qin. Kultura at Kab...

Dinastiyang Qin (221-206 BCE) unang dinastiya ng imperyal na Tsina at pinagbuklod ang mga Warring States. Haring Ying Zheng – ipinahayag ang kanyang sarili bilang “Shi Huangdi” o “Unang Emperador” at itinatag ang dinastiyang Qin. Kultura at Kabuhayan Pagkakaroon ng pamantayan ng sukat at timbang malawak na proyekto ng pampublikong paggawa, kabilang ang pagbuo ng Great Wall nagpatupad ng reporma sa pag-aari ng lupa, na nagbigay ng lupa sa mga magsasaka at naglaan ng mga pag-aari sa mga lokal na pinuno. Inirekomenda ni Punong Ministro Li Siu ang pagsira sa kasaysayan ng nakaraang dinastiya maliban sa kasaysan ng Qin Nanatili ang mga akda tungkol sa medisina, siyensya, agrikultura at dibinasyon. Code of Qin isang mahalagang kodigo ng batas na ipinatupad ng Dinastiyang Qin noong panahon ng pamumuno ni Shi Huangdi, ang unang emperador ng Tsina. isang sistematikong kodigo na layuning pamahalaan ang lipunan at magpatupad ng mahigpit na batas sa ilalim ng sentralisadong pamahalaan ng Qin. Legalismo (Legalism) ay isang pilosopiyang pampulitika na nagmula sa Tsina noong panahon ng dinastiyang Qin at ito ay pangunahing ipinahayag ni Han Feizi. Panuntunan ng Legalismo nagtuturo na ang kaayusan sa lipunan ay makakamtan sa pamamagitan ng mahigpit na batas at matinding parusa. ang kapangyarihan ay dapat na nakatuon sa isang sentral na awtoridad upang mapanatili ang kontrol at kapayapaan. naniniwala na ang mga tao ay likas na makasarili at hindi mapagkakatiwalaan at upang maiwasan ang kaguluhan, kinakailangan ang mahigpit na sistema ng batas at parusa. Great Wall ng Estado ng Chu Kilalá bilang “Square Wall,”ay ipinatayo ng estado ng Chu (isa sa mga warring states) ang moug o pader na matatagpuan sa hilagang bahagi ng kabisera ng lalawigan ng kaharian noong ika-7 siglo BCE. Great Wall ng Estado ng Qi Sa katimugang bahagi ng estado ng Qi, unti- unting ginawa ang isang malawak na pader gamit ang mga umiiral na dike ng ilog, bagong itinayong mga pader, at mga hindi madaanang lupain ng bundok. Great Wall ng Estado ng Zhongshan Sa estado ng Zhongshan, isang sistema ng pader ang itinayo upang pigilan ang pagsalakay mula sa mga estado ng Zhao at Qin sa timog-kanluran. Mga sumunod na pagpapatayo ng bahagi ng Dakilang Muog May dalawang linya ng depensa sa estado ng Wei: ang mga pader ng Hexi (“Kanluran ng ilog Huang Ho”) at Henan (“Timog ng Ilog”). Ang estado ng Zheng ay nagtayo rin ng isang sistema ng pader, na muling itinayo ng estado ng Han matapos sakupin ang Zheng. Nakumpleto ng estado ng Zhao ang isang pader sa timog at isang pader sa hilaga; ang pader sa timog ay pangunahing itinayo bilang depensa laban sa estado ng Wei. Pagtatayo ng Estado ng Qin ng Dakilang Muog Ang estado ng Qin ay lumago sa aspeto ng politika at militar upang maging pinakamalakas sa pitong estado, ngunit madalas itong inaagaw ng Donghu at Loufan, dalawang nomadikong grupo mula sa hilaga. Ang Qin ay nagtayo ng pader na nagsimula sa Lintiao, umakyat sa hilaga sa kahabaan ng Liupan Mountains, at nagtapos sa Huang He (Yellow River). Pagtatayo ng Estado ng Yan ng Dakilang Muog Sa estado ng Yan, dalawang hiwalay na linya ng depensa ang inihanda —ang Northern Wall at ang Yishui Wall—bilang pagsisikap na depensahan ang kaharian mula sa mga pag-atake ng mga grupo mula sa hilaga tulad ng Donghu, Linhu, at Loufan, pati na rin mula sa estado ng Qi sa timog. Great Wall sa Ilalim ng Dinastiyang Qin Noong 221 BCE, nakumpleto ni Shihuangdi, ang unang emperador ng Qin, ang pagsakop sa Qi at sa gayon ay nagkaisa ang Tsina. Inutos niya ang pag- aalis ng mga pader na itinayo sa pagitan ng mga naunang estado. Great Wall sa Ilalim ng Dinastiyang Qin Inatasan si Heneral Meng Tian upang magtayo ng garison sa hilagang hangganan laban sa mga pagsalakay ng nomadikong Xiongnu at upang ikonekta ang mga pader ng Qin, Yan, at Zhao sa tinatawag na “10,000-Li Long Wall.” Terracotta Army mga mala-taong laki ng estatwa ng terra-cotta na natagpuan sa libingan ng unang emperador ng Qin, si Qin Shi Huang-ti (na tinatawag ding Shihuangdi), malapit sa Xi’an, lalawigan ng Shaanxi, Tsina. Kinilala itong UNESCO World Heritage site noong 1987. Emperador Qin Er Shi – huling emperador ng dinastiyang Qin. Chu-Han Contention labanan sa pagitan ng dalawang pangunahing pwersa na naglaban para sa kontrol ng Tsina matapos ang pagbagsak ng Dinastiyang Qin. Ang Chu ay pinamumunuan ni Xiang Yu at ang Han sa ilalim ng pamumuno ni Liu Bang. Labanan sa Gaixia nagtagumpay si Liu Bang nang magpakamatay si Xiang Yu at kanyang konsorte na si Lady Yu. Dinastiyang Han (206 BCE – 220 AD) Liu Bang o Emperador Gaozu – nagtatag ng dinastiyang Han, ang ikalawang dinastiya ng imperyal na Tsina. Nahati ang imperyo sa dalawang panahon: Kanlurang Han at Silangang Han. Nahati ang imperyong Han dahil sa pag-angat ni Wang Mang na nagdeklara ng pagwawakas ng dinastiyang Han ngunit nagtagumpay si Gaozu na manatili sa kapangyarihan. Kultura at Kabuhayan Pagbubukas ng Silk Road na naging daan sa pakikipagkalakalan sa Kanluran nagpatupad ng mga proyekto sa imprastruktura, tulad ng pagbuo at pagpapabuti ng mga kalsada at kanal, upang mapadali ang kalakalan at transportasyon sa buong imperyo. Ang mga pook tulad ng Luoyang at Chang'an (ngayon ay Xi'an) ay naging mga pangunahing sentro ng politika at kalakalan. Ipinakilala ni emperador Wen ang sistema ng serbisyo sibil na may layuning tiyakin ang kalidad at kakayahan ng mga opisyal ng gobyerno. ang Confucianism ay naging opisyal na pilosopiya ng estado pag-unlad sa larangan ng pottery, bronzeware, at jade carving. Records of the Grand Historian" (Shiji) ni Sima Qian – nagtakda ng pamantayan at anyo para sa pagsusulat ng kasaysayan ng Tsina. Zhang Heng - isang tanyag na iskolar at imbentor mula sa dinastiyang Han sa Tsina. Isa sa kanyang pinakatanyag na imbensyon ay ang seismoscope (seismograph), isang instrumento na ginamit upang matukoy ang pagkakaroon ng mga lindol. Huangdi Neijing (Yellow Emperor's Inner Canon) - isang pangunahing teksto sa tradisyunal na medisina ng Tsina. Ang paggawa ng papel ay isang mahalagang imbensyon na iniuugnay kay Cai Lun noong mga 105 CE. Ang papel ay naging isang pangunahing materyal para sa pagsulat at dokumentasyon na naging susi sa paglaganap ng kaalaman at kultura. Ang pagbuo ng sundial na ginamit upang masukat ang oras sa pamamagitan ng paggamit ng araw ay isang mahalagang imbensyon sa panahon ng Dinastiyang Han. Ang magnetic compass ay isang mahalagang imbensyon para sa nabigasyon na ginamit ang magnetic properties upang tukuyin ang direksyon. clepsydra o water clock ay ginamit upang sukatin ang oras sa pamamagitan ng pagdaloy ng tubig. Ang mga prinsipyo ng acupuncture ay umusbong at pinalawak noong Dinastiyang Han. Ang pagbuo ng crossbow na ginamit sa militar ay nagbigay- daan sa mas epektibong estratehiya sa digmaan. Ang crossbow ay naging pangunahing armas sa mga labanan ng Dinastiyang Han. Relihiyon at Paniniwala Nanatili ang animism at ancestor worship Ang mga Taoist na templo at seremonya ay naging bahagi ng relihiyosong buhay sa panahon ng Han. Ang Confucianism ay hindi isang relihiyon sa tradisyunal na kahulugan ngunit isang sistema ng etikal na prinsipyo at moralidad. Pinalitan ang Legalismo ng pilosopiyang Confucianismo. mga ritwal para sa mga ninuno, mga taon ng agrikultura, at mga seremonya sa mga diyos at espiritu. Yellow Turban Rebellion isang malawakang paghihimagsik ng mga magsasaka laban sa pamahalaan ng Dinastiyang Han sa Tsina na nagsimula noong 184 CE. pinamunuan ni Zhang Jue, isang lider ng relihiyosong kilusang Daoist at nagtatag ng kilusan na tinawag na "Way of Supreme Peace", na may layuning pabagsakin ang Han Dynasty. Ang pangalan ng rebolusyon ay hango sa mga dilaw na turban o telang isinusuot ng mga rebelde. Three Kingdoms’ Dynasty Dinastiyang Wei sa Dinastiyang Shu sa Dinastiyang Wu Hilagang Tsina ni timog-kanlurang Tsina sa silangang Tsina Cao Cao ni Liu Bei ni Sun Quan "Romance of the Three Kingdoms" ni Luo Guanzhong - isang makulay na epiko na naglalarawan ng mga kaganapan at tauhan sa panahon ng Three Kingdoms at nagkaroon ng malalim na epekto sa kulturang Tsino. Si Zhuge Liang, ang tanyag na estratehista ng Shu, ay kinikilala sa iba't ibang inobasyon, kabilang ang wooden ox, isang maagang bersyon ng kariton para sa pagdadala ng mga suplay, at ang repeating crossbow, na kayang magpalabas ng maraming palaso nang sunud- sunod. Sistemang Juntian Zhi - ang mga sundalo ay pinapatira sa mga lupa upang magsaka at tustusan ang kanilang mga sarili na nagbabawas ng pasanin sa mga imbakan ng estado at nagpapataas ng ani ng agrikultura. Dinastiyang Jin isa sa mga makasaysayang dinastiya sa Tsina na itinatag ni Sima Yan, na kilala rin bilang Emperor Wu, matapos pabagsakin ang Dinastiyang Wei sa pagtatapos ng panahon ng Three Kingdoms. Dinastiyang Sui (581– 618 AD) Yang Jian (Yang Chien) – isang komandante na muling pinag-isa ang Tsina at itinatag ang dinastiyang Sui sa kanyang pamumuno bilang si Emperador Wendi. Kultura at Kabuhayan Ipinatupad ang mga simple na batas at ipinakilala ang mga reporma sa lupa Pagpapalawig ng Equal Field System (Jun tian) Pagtatayo ng Grand Canal (nag-uugnay sa ilog Yangtze at ilog Huang He) na nagpabilis sa kalakalan, pagpapalitan ng mga produkto, at pagdadala ng mga butil mula sa mga lalawigan sa timog patungo sa hilaga, lalo na sa kabisera ng estado. Ang Buddhism ay patuloy na lumaganap at naging pangunahing relihiyon sa Tsina sa panahon ng Sui. Ang mga karaniwang tao, lalo na ang mga magsasaka, ay namuhay ng simple at nagsusumikap upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Ang mga bahay ay karaniwang gawa sa putik at kahoy ang pagkain ay pangunahing binubuo ng bigas, gulay, at kung minsan ay karne. Ang pananamit sa panahon ng Sui ay simple para sa karaniwang tao, ngunit ang mga mayayaman at mga opisyal ay nagsusuot ng mas masalimuot at makulay na damit na gawa sa seda at iba pang mamahaling materyales. Relihiyon at Paniniwala Animismo at Ancestor Worship Buddhism o Budismo Taoismo Ang mga ritwal at pag-aalay ay ginagawa upang makuha ang pabor ng mga espiritu at maiwasan ang mga kalamidad. pagsasagawa ng mga ritwal at nagbibigay ng mga anting- anting upang matulungan ang mga tao sa kanilang araw- araw na pamumuhay. Ang mga Confucian na prinsipyo tulad ng "piety" (paggalang sa mga magulang at nakatatanda) at "righteousness" (pagiging makatarungan) ay nanatiling mahalaga sa lipunan. Alchemy - paniniwala sa mga paraan ng pagpapahaba ng buhay, imortalidad, at mga ritwal para sa proteksyon laban sa masasamang espiritu. Yangdi (Yang Guang) – anak ni Wendi at huling emperador ng dinastiyang Sui.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser