Praymer: Isandaan at Limampung (150) Tanong at Sagot PDF
Document Details
Uploaded by ProductiveUnakite2231
Unibersidad ng Pilipinas Los Baños
2015
null
null
Tags
Summary
This document is a collection of questions and answers about Jose Rizal and Andres Bonifacio, published in 2015. It's a compilation of historical analyses and insights into Filipino history and culture, and is a resource for students and researchers studying Philippine history.
Full Transcript
See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.net/publication/350730914 Praymer: Isandaan at Limampung (150) Tanong at Sagot Chapter · January 2015 CITATIONS READS 0...
See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.net/publication/350730914 Praymer: Isandaan at Limampung (150) Tanong at Sagot Chapter · January 2015 CITATIONS READS 0 8,252 10 authors, including: John Lee Candelaria Fernan Talamayan Hiroshima University National Chiao Tung University 24 PUBLICATIONS 7 CITATIONS 17 PUBLICATIONS 12 CITATIONS SEE PROFILE SEE PROFILE Some of the authors of this publication are also working on these related projects: Third-party mediation of the Mindanao peace process View project Comparative analysis of Aceh and Mindanao peace process mediation View project All content following this page was uploaded by John Lee Candelaria on 08 April 2021. The user has requested enhancement of the downloaded file. SESKISENTENARYO IKASANDAAN AT LIMAMPUNG TAON NG KAPANGANAKAN NG MGA BAYANING SINA JOSE RIZAL (2011) AT ANDRES BONIFACIO (2013) ROBERTO C. MATA PAT N U G O T TAGAPAGLATHALA DIBISYON NG KASAYSAYAN DEPARTAMENTO NG AGHAM PANLIPUNAN, CAS, UPLB ADHIKA NG PILIPINAS, BALANGAY NG UPLB-LAGUNA 2015 Seskisentenaryo Ikasandaan at Limampung Taon ng Kapanganakan ng mga Bayaning sina Jose Rizal (2011) at Andres Bonifacio (2013) Roberto C. Mata (patnugot) Karapatang sipi © Tagapaglathala: Dibisyon ng Kasaysayan at mga kontribyutor 2015 Dibisyon ng Kasaysayan Departamento ng agham Panlipunan Kolehiyo ng Agham at Sining Unibersidad ng Pilipinas Los Banos College, Laguna Unang Limbag: 2015 Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang artikulo o anumang bahagi ng aklat na ito ang maaaring ilimbag o kopyahin sa anumang paraan kung walang nakasulat na pahintulot mula sa may hawak ng karapatang sipi. Tagapagsuri: Dr. Lars Raymund C. Ubaldo Kawaksing Propesor ng Kasaysayan Pamantasang De La Salle Disenyo ng Pabalat: John Lee Candelaria Tagapangasiwa sa Paglilimbag: April Hope Castro Pagsasa-aklat: Eugene Raymond Crudo Mensahe Pagbati at pagpapahalaga ang aking nais na ipahatid sa Departamento ng Agham Panlipunan, ADHIKA ng Pilipinas- Balangay UPLB-Laguna at sa mga may-akda ng aklat na ito. Hindi matatawaran ang kanilang sigasig sa paghahanda at pagsusulat ng saliksik hinggil sa mga bayaning sina Dr. Jose Rizal at Gat Andres Bonifacio. Ito ang kanilang ambag sa pagdiriwang ng Seskisentenaryo ng kapanganakan ng mga dakilang bayani. Malawak ang mga materyales na pinagbatayan ng mga sanaysay at mga katanungan na naging bahagi ng aklat. Tinipon sa iisang tomo, hinalaw ang mga tanong mula sa iba’t ibang liham ng pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kapamilya, kapwa- tagapagpalaganap at mga kaibigan. Sinuyod ng mga awtor ang mga aklat, artikulo at sanaysay na sinulat ni, at hinggil kay, Rizal para matiyak na makakakalap ng ilang hindi masyadong popular ngunit mahalagang detalye ng buhay at kabayanihan ni Jose Rizal. Sa kabilang dako ang mga sanaysay ay isinulat mula sa mga pananaw sosyolohikal at historikal. Ang bunga ay kalipunan ng mga akda na nagbigay pansin sa iba’t ibang aspeto na mahalaga sa pag-unawa kay Andres Bonifacio at Katipunan sa pamamagitan ng pagsipat mula sa mga konseptong-disiplinal na ginamit. Maraming mambabasa ang magkakaroon ng interes dito hindi lamang sa hanay ng mga guro, kundi maging sa mga mag- aaral ng Kasaysayan. Mahalagang karagdagan din ang aklat bilang reviewer sa pagsasanay ng mga mag-aaral sa mga timpalak hinggil sa kasaysayan o maging sa paghahanda sa mga pagsusulit. Ang aklat ay isang makabuluhang karagdagan sa literaturang pangkasaysayan. Raymundo Andres V. Palad Pangulo ADHIKA ng Pilipinas, Inc. i Mensahe Isang pagbati ang aking ipinapaabot sa Departamento ng Agham Panlipunan para sa paglabas ng aklat na may titulong “Seskisentenaryo: Paggunita sa Ikasandaan at Limampung Taon ng Kapanganakan ng mga Bayaning sina Jose Rizal (2011) at Andres Bonifacio (2013). Ang mga taong 2011 at 2013 ay anibersaryo ng kapanganakan ng dalawang dakilang Pilipino. Itinuturing sila ng maraming mga Pilipino bilang rurok ng kabayanihan at sakripisyo. Alinsunod rito, naging marubdob ang hangarin ng Unibersidad ng Pilipinas Los Baños na magkaroon ng pagdiriwang sa loob ng kampus. At upang maisakatuparan ang hangarin nagbuo ng serye ng mga gawain para sa buong taon sa ilalim ng pangangasiwa ng Departamento. Nilalaman ng aklat ang mga sanaysay na binasa ng mga guro ng Kasaysayan at Sosyolohiya sa iba’t ibang okasyon at lokasyon na bahagi ng programa. Hangarin ng mga sanaysay ang pagkilala sa ambag ni Gat Andres Bonifacio at ng Katipunan sa pagbubuo ng bansa. Ang ikalawang bahagi naman ay binubuo ng mga katanungan hinggil sa buhay at kabayanihan ni Rizal na pinagsikapang tipunin ng mga mga guro ng P.I. 10. Malinaw na sa pagsasakatuparan ng pagbuo ng aklat, isinaalang-alang ng mga guro ang pangangailangan ng mga mag- aaral ng unibersidad. Maaaring magsilbing source book ang libro para sa mga mag-aaral ng kasaysayan o kahit sa mga interesado lamang kina Rizal at Bonifacio. Magkaganunpaman, mababanaag sa aklat ang malalim na hangarin nitong palawakin ang kamalayang pangkasaysayan at damdaming makabayan ng mga mag-aaral ng UP Los Baños. Muli, binabati ko ang Pamunuan at Kaguruan ng Departamento para sa maipagmamalaking proyektong ito. Dr. Felino P. Lansigan Dekano Colehiyo ng Agham at Sining ii Pambungad Ang aklat na ito ay kalipunan ng mga akda na bunga ng pakikiisa ng Departamento ng Agham Panlipunan sa pamamagitan ng Dibisyon ng Kasaysasayan sa pagdiriwang ng Seskisentenaryo ng Kapanganakan ng mga Pambansang Bayani na sina Dr. Jose Rizal (2011) at Gat Andres Bonifacio (2013). Bumalangkas ang Dapartamento ng mga gawain para maisakatuparan ang pagtatampok sa kabayanihan at ambag nina Rizal at Bonifacio sa kasaysayan ng bansa sa pamamagitan ng magkahiwalay na programa ng paggunita. Nakapaloob sa mga gawain ang hangaring mapalawak ang ugnayan ng iba’t ibang sektor sa loob ng UP Los Baños. Ang isinagawang mga lektura ay pinangunahan ng mga pinagpipitaganang historyador mula sa loob at labas ng unibersidad. Sa hangarin namang mapalalim ang ugnayan ng Departamento at mga lokal na pamahalaan, dinala ang ilang gawain sa Dapitan (para kay Rizal) at Lunsod ng General Santos (para kay Bonifacio) Nagbasa ng mga papel ang kaguruan ng Dibisyon para sa iba’t ibang okasyon na may kinalaman sa pagpaparangal sa dalawang bayani. Ilan sa mga papel ay naging bahagi ng kasalukuyang aklat. Nahahati ang aklat sa dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay mga sanaysay. Ang papel ni Dr. Gloria Luz M. Nelson na may pamagat na “Ang Talambuhay ni Andres Bonifacio: Isang Sosyolohikal na Pananaw” ang naglapat ng paliwanag kung paano mauunawaan ang papel ng indibidwal sa lipunan at kung paanong ang lipunan ang humubog sa mga indibidwal gamit ang pananaw mula sa disiplina ng Sosyolohiya. Ang papel naman ni Prop. Roberto C. Mata, “Ang Katipunan, ang “Lakaran”, at ang Mga Kilusang Panlipunan”, ang nagpaliwanag kung bakit ang mga kilusang panlipunan ay laging naghahangad ng mga pundamental na pagbabago sa kalagayan ng mga lipunang ginagalawan ng mga kasapi nito. Isang pagpapahalaga naman sa papel na ginampanan ni Gregoria de Jesus sa Katipunan at Himagsikan ang isinalaysay ni Prop April Hope T. Castro sa kanyang akdang “Si Oriang: Talambuhay, Gunita at Kasaysayan”. Sa papel ni G Reidan M. Pawilen na may pamagat na “Sandata at Musika: Ang Rebolusyon sa mga Musika ni Julio Nakpil”, pinahalagahan ang musika sa pagpapahiwatig ng kamalayan hinggil sa kalagayan ng kanyang iii lipunan. Ang ikalawang bahagi naman ay tinipong mga katanungan hinggil kay Gat Jose Rizal. Ang mga tanong ay tumatalakay sa tatlong paksa (a) ang buhay at pag-ibig; (b) mga akda at gawain; at (3) pamana at kabayanihan. Nagmula ang mga tanong mula sa kaguruan at naging kasapi ng kaguruan ng Dibisyon ng Kasaysayan na nagturo ng P.I. 10, ang kurso sa Unibersidad ng Pilipinas hinggil sa Buhay at Mga Akda ni Rizal. Kinabibilangan ito ni Prop. Rhina Alvero-Boncocan, Prop. Ma. Reina Boro-Magbanua, Prop. John Lee Candelaria, Prop April Hope T. Castro, Prop Ros A. Costelo, Prop. Dwight David A. Diestro, G. Jeffrey James Ligero, Prop. Roberto C. Mata, Prop. Fernan Talamayan, at Prop Amelia Salgados- Ferrer. Kalakip ng mga tanong ang mga pinagsanggunian ng mga nabanggit na kasapi ng kaguruan. Naging matagal ang paghihintay sa paglabas ng aklat na ito dahil na rin sa maraming kadahilanan. Ngayong nailimbag na, marapat lamang na pasalamatan ang lahat ng may kinalaman sa pagsasakatuparan nito. Una sa lahat, taos –pusong pasasalamat ang ipinaaabot sa lahat ng mga may-akda ng sanaysay at nagbuo ng mga tanong. Kung wala sila, walang laman ang aklat na ito; sa mga lokal na pamahalaan: Maitum, Lalawigan ng Saranggani; Tanggapan ng Punong Bayan ng Lunsod ng Dipolog, at Katipunan, Zamboanga del Norte; sa mga institusyong pang-akademiko: MSU-Gen Santos, Andres Bonifacio College, Lunsod ng Dipolog,DepEd ng Lunsod ng San Pablo, at Southern Luzon Association for Museum. Sila ang naglaan ng lugar at panahon para maisakatuparan ang mga gawain sa ilalim ng proyekto. Malaki rin ang naitulong ng Office of the Chancellorng UPLB at ADHIKA ng Pilipinas- Balangay ng UPLB-Laguna para sa pagtustos sa kinailangang gugulin sa pagpapalimbag ng aklat na ito. Marapat ding pasalamatan ang mga mga indibidwal na hindi matatawaran ang pakikilahok sa pagsasakatuparan ng aklat na ito: kay Dr. Lars Raymund C. Ubaldo para sa kanyang pagbasa at pagsusuri sa nilalaman ng publikasyong ito; kay Prop. April Hope T. Castro para sa pag-iingat sa mga sipi ng sanaysay at mga tanong; at bilang Business Manager, siya ang nagtiyak na may panahon para iv mailabas ang aming munting proyektong ito at siya ring nakikipag- usap sa tagapaglimbag; sa Tagapangulo ng Departamento ng Agham Panlipunan. Prop Dwight David A. Diestro para sa suporta at paniniwala na maisasakatuparan ang aklat na ito; kay Prop. John Lee Candelaria at G. Eugene Crudo para sa pagle-lay-out ng libro; kay Prof. Dulce Laforteza para sa mahalagang payo sa pagsasaaklat; kay Roniel Javier para sa mga pagpi-print ng mga naunang borador; sa aking pamilya, para sa inspirasyon upang matapos ang proyektong ito; at sa lahat ng mg tumulong sa malaki at maliit na paraan na hindi nabanggit, hindi matutupad ang paglimbag ng libro kung wala kayo. Lahat ng nabanggit ay nag-ambag ng kanilang kasanayan at kagalingan upang mabuo ang aklat ngunit inaako ko ang lahat ng kakulangan ng aklat. Para kina Tatay at Tonton. R. C. Mata UPLB, Laguna Hunyo, 2015 v MGA NILALAMAN Mga Mensahe i Pambungad iii Unang Bahagi: Mga Sanaysay “Talambuhay ni Andres Bonifacio: Isang Sosyolohikal na Pananaw” Gloria Luz M. Nelson 1 “Ang Katipunan, ang “Lakaran”, at ang Mga Kilusang Panlipunan” Roberto C. Mata 6 “Si Oriang: Talambuhay, Gunita at Kasaysayan” April Hope T. Castro 14 “Sandata at Musika:Ang Rebolusyon sa mga Musika ni Julio Nakpil Reidan M. Pawilen 21 Ikalawang Bahagi: PRAYMER: Isandaan at Limampung (150) Tanong at Sagot Rhina Alvero-Boncocan Ma. Reina Boro-Magbanua John Lee Candelaria April Hope T. Castro Ros A. Costelo Dwight David A. Diestro Jeffrey James Ligero Roberto C. Mata Fernan Talamayan Amelia Salgados-Ferrer (mga May-akda) Mga Sanggunian Tungkol sa May-akda vi SESKISENTENARYO IKALAWANG BAHAGI: PRAYMER: Isandaan at Limampung (150) Tanong at Sagot 28 IKASANDAAN AT LIMAMPUNG TAON NG KAPANGANAKAN NG MGA BAYANING SINA JOSE RIZAL (2011) AT ANDRES BONIFACIO (2013) I. BUHAY AT PAG-IBIG 1. Si Rizal ay may sampung kapatid, isang lalaki at siyam na babae. Sino sa mga kapatid ni Rizal ang may palayaw na “Panggoy”? Sagot: Josefa 2. Sa edad na mahigit animnapung taon, pinaglakad ng Kapangyarihang Kastila ang ina ni Rizal mula Maynila patungong Sta. Cruz, Laguna. Sa anong pagkakasala pinarusahan ng ganito si Donya Teodora? Sagot: ang hindi paggamit ng apelyidong Realonda 3. Kabilang ang mga Rizal sa iilang pamilya na nagkaroon ng kakayahang pag-aralin ang mga anak sa Maynila. Sa anong kolehiyong pangkababaihan nag-aral ang mga kapatid na babae ni Rizal? Sagot: La Concordia 4. Sa unang taon ng pag-aaral ni Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas, kumuha siya ng karagdagang kurso sa Ateneo Municipal. Ano ang kursong ito? Sagot: Agrimensura 5. Ang pinagkukunang pangkabuhayan ng pamilya Rizal ay agrikultura. Anong produktong agrikultural ang pinagyaman ng mga Rizal upang masuportahan ang pag-aaral ni Pepe sa Europa? Sagot: Tubo 29 SESKISENTENARYO 6. Ang mga Rizal ay ilan lamang sa mga angkang nangungupahan sa mga lupaing pag-aari ng mga prayle. Ano ang bansag o katawagan sa mga ganitong angkan? Sagot: Inquilino 7. Noong taong 1887, umuwi ng Pilipinas si Pepe. Isang sundalong Kastila ang itinalaga na magbantay sa kanyang bawat kilos. Ano ang pangalan ng sundalong ito na kalaunan ay naging matalik ring kaibigan ni Rizal? Sagot: Luis Taviel de Andrade 8. Sino ang tinukoy ni Pepe sa kanyang tula na kanyang “dulce extranjera”? Sagot: Josephine Bracken 9. Simula Setyembre 1890, isa-isang ipinatapon ng walang paglilitis ang mga kapamilya ni Rizal sa mga lugar ng Mindoro, Bohol, at iba pa. Tumukoy ng isa sa mga naipatapong kamag-anak ni Pepe at isulat kung ano ang kaugnayan nito sa bayani. Sagot: Paciano Mercado (Kapatid); Antonino Lopez (bayaw); Silvestre Ubaldo (bayaw); Manuel Hidalgo (bayaw). 10. Ang magkakapatid na Rizal ay labing-isa (11). Ilan sa mga ito ang babae? Sagot: Siyam (9) 11. Higit sa isang beses na pinag-initan ng mga Kastila ang Nanay ni Jose. Bakit ipinakulong ng mga maykapangyarihan ang ina ni Rizal noong 1872? Sagot: Pinagbintangang nilason niya ang kanyang hipag 30 IKASANDAAN AT LIMAMPUNG TAON NG KAPANGANAKAN NG MGA BAYANING SINA JOSE RIZAL (2011) AT ANDRES BONIFACIO (2013) 12. Maraming babae ang sinasabing naging kasintahan ni Rizal. Sa mga ito, sino ang dalagang taga-Lipa na sinasabing minahal ni Pepe? Sagot: Segunda Katigbak 13. Si Leonor Rivera ang sinasabing unang tunay na pag-ibig ni Pepe. Bukod sa pagiging kasintahan, ano pa ang kaugnayan ni Rizal kay Leonor? Sagot: Sila ay magpinsan o pinsan 14. Isa sa mga kadalagahan na popular sa mga Pilipino sa Madrid ay ang anak ni Pedro Ortiga y Rey. Ano ang pangalan ng dalagang ito na niligawan rin ni Rizal? Sagot: Consuelo Ortiga y Rey 15. Sa bansang Hapon nakakilala si Rizal ng isang dalagang nagngangalang O sei-san. Sa kanyang paglalarawan rito, sa anong bulaklak inihalintulad ni Pepe ang dalaga? Sagot: Cherry Blossoms 16. Sa Inglatera nakilala ni Pepe ang isang dalagang Ingles na nagngangalang Gertrude Beckett. Ano ang palayaw ng dalaga? Sagot: Tottie 17. Sa sulat ni Suzanne Jacoby kay Pepe noong ika-1 ng Oktubre 1890, ano ang itinawag ng dalaga kay Pepe? Sagot: munting pilyong bata/ little bad boy/petite mauvais sujet 18. Sa panliligaw ni Pepe kay Nelly Boustead nagkaroon siya ng karibal na isa ring Pilipino. Sa kalaunan ang lalaki ay kusang-loob namang tumigil sa panliligaw sa dalaga. Sino itong karibal ni Pepe 31 SESKISENTENARYO na itinuturing rin niyang kaibigan? Sagot: Antonio Luna 19. Ayon sa isang liham ni Rizal kay Josefa, anong katangian ng mga babaing Aleman na dapat ring taglayin ng mga Pilipina? Sagot: Masipag at masigasig sa pag-aral 20. Ano ang ginawa ni Josephine Bracken sa Pilipinas matapos ang pagbaril sa Bagumbayan kay Rizal? Sagot: Lumahok sa rebolusyon 21. Sino ang tumayong gabay at ikalawang ama ni Rizal na siya ring nag-udyok sa kanya upang maisagawa ang mga balak ng bayani sa kanyang buhay? Sagot: Paciano Rizal 22. Sa ilalim ng sagisag-panulat na P. Jacinto sumulat ng kanyang talambuhay si Pepe. Sa akdang ito, anong petsa ang ikalawang binanggit ni Pepe matapos ibigay ang kanyang araw ng kapanganakan? Sagot: 6 Hunyo 1868 23. Sa pagdaraos ng tanghalian at hapunan ng mga Pilipino sa tahanan ng mga Paterno, binanggit niya sa isang liham na may petsang 13 Pebrero 1883 na mayroong pagkaing hinahanap-hanap si Rizal sa Madrid. Ano ang pagkaing ito? Sagot: Sinigang 24. Magbigay ng isa sa mga larangan ng pag-aaral na pinahalagahan ni Rizal sa kanyang liham sa kanyang mga magulang noong 11 Setyembre 1883. 32 IKASANDAAN AT LIMAMPUNG TAON NG KAPANGANAKAN NG MGA BAYANING SINA JOSE RIZAL (2011) AT ANDRES BONIFACIO (2013) Sagot: Sining/ Industriya/Agrikultura 25. Sa pamamagitan ng isang talumpati, pinuri ni Rizal ang tagumpay nina Juan Luna at Felix R. Hidalgo sa isang timpalak pang-sining. Saang uri ng sining naipakita ng dalawang nabanggit ang kanilang galing? Sagot: Pagpipinta o Pintura 26. Sa Eksposisyong Unibersal sa Paris, ninais ni Rizal na magsagawa ng isang kumperensiya ang samahang nakatuon sa pag-aaral ng Pilipinas at mga Araling Pilipino (Philippine Studies). Kailan naganap ang eksposisyong nabanggit? Sagot: 1889 27. Nasangkot ang mag-anak na Rizal noong 1890 sa usaping panlupa sa loob ng Hacienda de Calamba. Sapilitang pinaalis ng mga maykapangyarihan ang mga magulang ni Pepe sa kanilang tahanan. Anong orden ng simbahang Katoliko ang nagmamay-ari ng Hacienda de Calamba noong mga panahong iyon? Sagot: Dominiko 28. Sa lugar na ito, kahit panandalian, Si Jose ay naging matagumpay na pinunong pang-komunidad, negosyante, manggagamot, magsasaka, mananaliksik ng kulturang Pilipino, mag-aaral ng mga katutubong wika, guro ng mga bata at tagapag- isip ng mga inobasyon sa kanyang kapaligiran. Tukuyin ang lugar. Sagot: Dapitan 29. Sa kanyang pag-alis sa bansa sa unang pagkakataon noong 3 Mayo 1882, ano ang pangalang ginamit ni Jose Rizal sa kanyang pasaporte? 33 SESKISENTENARYO Sagot: Jose Mercado 30. Sa kanyang pag-aaral sa Madrid, sinikap ni Rizal na makakuha ng maraming kaalaman hangga’t maaari. Kaya kasabay ng kanyang pag-aaral ng medisina at filosopia y letras nag-aral din si Pepe ng paglililok at pagdidibuho. Saang kolehiyo hinasa ni Rizal ang kanyang kakayahan sa mga nasabing sangay ng sining? Sagot: Academia de Bellas Artes de San Fernando 31. Ano ang pormal na pangalan ng Kolehiyo ng Medisina sa Universidad Central de Madrid kung saan nag-aral si Rizal? Sagot: Colegio de San Carlos 32. Nagsanay si Jose Rizal ng panggagamot sa mata o Optalmolohiya sa ilalim ng isang tanyag na Optalmolohista sa Europa noong 1885. Sino ang pamosong Optalmolohistang ito? Sagot: Dr. Louis de Wecker 33. Noong taong 1886 nagkakilala sina Rizal at Dr. Hans Meyer sa Leipzig. Bilang alaala ng pagkikilala binigyan ni Meyer si Rizal ng isang munting libro tungkol sa isang grupong etniko sa Pilipinas. Anong grupong etniko sa bansa ang tampok sa libro? Sagot: Igorot 34. Sa pagdaong ng barkong sinakyan ni Rizal mula bansang Hapon patungong Estados Unidos ipinag-utos ng mga may- kapangyarihan na i-kwarantina ang mga sakay ng nasabing sasakyang pandagat. Anong lugar sa Estados Unidos ito isinagawa? Sagot: San Francisco 34 IKASANDAAN AT LIMAMPUNG TAON NG KAPANGANAKAN NG MGA BAYANING SINA JOSE RIZAL (2011) AT ANDRES BONIFACIO (2013) 35. Sa paglalakbay ni Rizal mula bansang Hapon hanggang Inglatera may nakasama itong isang Hapon na lubos na humanga sa galing at talino ni Jose Rizal. Ano ang pangalan ng radikal na Hapones na ito? Sagot: Tetcho Suihiro 36. Sa Dapitan, naisakatuparan ni Pepe ang ilan sa kanyang mga balakin para sa isang komunidad. Sa kabuuan, ilang taon naging eksilo si Pepe sa Dapitan? Sagot: Apat (4) na taon 37. Bilang matalik na kaibigan, binigyan ni Rizal ng isa sa kanyang mga imbensiyon si Blumentritt bilang regalo sa kaarawan ng huli. Ano ang ibinigay ni Pepe kay Blumentritt? Sagot: sulpakan 38. Sa huling araw ni Pepe sa kanyang kulungan isa-isa niyang ipinamigay sa mga kamag-anak ang kanyang mga personal na kagamitan bilang alaala. Kanino ibinigay ni Rizal ang lamparang may nakaipit na tula? Sagot: Trinidad/Trining 39. Nag-iwan ng alaala si Pepe sa kanyang dulce extranjera. Ano ang titulo ng librong ipinagkaloob ni Pepe kay Josephine? Sagot: The Imitation of Christ 40. Sa isa sa mga huling sulat ni Pepe, nagpaalam at humingi ng tawad ang bayani sa isang tao “dahil hindi nya matutulungan sa pag-aaruga ng kanilang mga magulang”. Sino ang taong ito? Sagot: Ang kapatid na si Paciano 35 SESKISENTENARYO 41. Anong bansag ang ginamit ni Rizal para sa kanyang kasintahang si Leonor? Sagot: Taimis 42. Magkano ang pangkaraniwang halaga ang nagagasta ni Rizal sa kanyang pagtaya sa loteri habang nasa Madrid (1883-1884)? Sagot: 3 hanggang 6 na peseta 43. Saang lugar sinulat ni Rizal ang konstitusyon ng La Liga Filipina? Sagot: Hongkong 44. Saan unang nilibing ang bangkay ni Rizal pagkatapos siyang barilin sa Bagumbayan? Sagot: Sementeryo ng Paco 45. Sang-ayon kay Rizal, anong bansa diumano marahil ang susunod na kolonisador ng Pilipinas pagkatapos ng Espanya? Sagot: Estados Unidos 46. Sa ikalawang paglalakbay patungo ni Rizal sa Europa, anong laruan ang dala-dala ni Rizal sa kanyang paglalakbay? Sagot: yoyo 47. Kanino tumuloy si Rizal habang nasa Barcelona noong 1886? Sagot: Maximo Viola 36 IKASANDAAN AT LIMAMPUNG TAON NG KAPANGANAKAN NG MGA BAYANING SINA JOSE RIZAL (2011) AT ANDRES BONIFACIO (2013) 48. Bilang estudyante, anong kaganapan sa Universidad Central de Madrid ang muntik nang maging sanhi ng pagkakahuli ni Rizal? Sagot: pagsali niya sa isang rali o demonstrasyon ng mga estudyante 49. Sa pagdaong sa Espanya sa unang pagkakataon, anong lugar sa dito ang unang narating ni Rizal? Sagot: Barcelona 50. Sa hangaring makasabay sa kanyang mga kamag-aral sa Ateneo naging masigasig ang batang si Pepe sa pagbabasa. Anong aklat sa kasaysayan ang unang kinawilihang basahin ni Jose Rizal noong siya ay 12 taong gulang pa lamang? Sagot: Historia Universal ni Cesar Cantu 37 SESKISENTENARYO II. MGA AKDA AT GAWAIN 1. Sa sanaysay na “Ang Pilipinas sa Loob ng Isandaang Taon”, tinalakay ni Rizal ang mga kinakailangang ipatupad na reporma sa Pilipinas. Liban sa pagpapadala ng mga mambabatas sa Kongreso ng Espaya, anong reporma pa ang binanggit ni Rizal dito? Sagot: kalayaan sa pamamahayag 2. Sa kanyang “Sulat sa mga Kadalagahan ng Malolos”, ayon kay Rizal, sino ang dapat na sisihin sa kalugamiang dinadanas ng Asya? Sagot: Kababaihan 3. Sa pakikipagsulatan ni Rizal sa Pinuno ng mga Heswita na si Pablo Pastells, ano para kay Rizal ang katotohanang obhetibo at perpekto? Sagot: Katotohanang Matematikal 4. Sa anong akda ni Rizal matatgpuan ang mga katagang “… ang mga reporma ay magiging mabunga kung ito ay nagmula sa taas, habang ito naman ay magiging marahas at pansamantala kung mangagaling sa baba.”? Sagot: Manipesto sa ika-15 ng Disyembre 1896 5. Ano ang akdang sanaysay ni Rizal na naglaan ng mahabang pagtalakay sa nakaraan ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila? Sagot: Ang Katamaran ng mga Pilipino 38 IKASANDAAN AT LIMAMPUNG TAON NG KAPANGANAKAN NG MGA BAYANING SINA JOSE RIZAL (2011) AT ANDRES BONIFACIO (2013) 6. Sa sulat ni Rizal sa kapatid na si Trining, anong grupo ng mga babae ang lubos niyang hinangaan dahil sa pagpapahalaga ng mga ito sa edukasyon at kaliwanagan ng isip? Sagot: Mga babaeng Aleman 7. Ano para kay Rizal ang uri ng kaalaman na higit na makakatulong sa pag-aaral ng kalooban at pakay ng Diyos para sa sangkatauhan? Sagot: siyensiya 8. Saang siyudad sa Europa natagpuan ni Rizal ang aklat na Sucesos delas Islas Filipinas na isinulat ni Antonio de Morga? Sagot: Londres/London 9. Sa anong katawagan kilala ang ukit ni Rizal na nagpapakita ng imahe ng buwayang sinagpang ng aso? Sagot: Higanti ng Ina/Mother’s Revenge 10. Anong kwentong bayan ng mga Pilipino ang isinumite ni Rizal sa Trubner’s Record, isang dyornal sa Europa na nakatuon sa literatura ng Asya, upang mapalimbag? Sagot: Ang Pagong at Matsing 11. Isang eksposisyon ang naganap sa Madrid na naglayong ipakita sa buong mundo ang lawak ng kolonya ng Espanya bilang mananakop. Hangad din nitong ipakita kung gaano ka-“atrasado” ang mga kultura ng sakop upang bigyang-katwiran ang pananakop ng Espanya. Ang pagtatampok sa Igorot sa eksposisyong ito ang nagpasama sa loob ni Rizal. Anong taon isinagawa ang eksposisyong ito? Sagot: 1887 39 SESKISENTENARYO 12. Sa kanyang pagtigil sa Europa naging abala si Rizal sa pagsasalin sa wikang Pilipino ng mga kwento at literaturang banyaga. Isang isinaling akda ang kanyang ipinadala sa kapatid na si Paciano upang gawan ng puna. Sa pagtatasa ni Paciano, ang salin ni Rizal sa nasabing akda ay idiomatiko. Ano ang akdang ito? Sagot: William Tell 13. Ano ang artikulong isinulat ni Rizal sa Espanya na unang nalimbag sa pahayagang “Diariong Tagalog”? Sagot: El Amor Patrio/Pag-ibig sa Bayan 14. Ano ang samahang itinatag ng mga Pilipino, kabilang si Rizal, sa Paris noong 1889? Sagot: Klub Kidlat 15. Sa pahayagang “Diariong Tagalog” na nakabase sa Pilipinas unang nalimbag ang sanaysay ni Rizal na El Amor Patrio. Magbigay ng isa sa mga kadahilanan ng pagsasara ng nasabing diyaryo noong 1882? Sagot: a. Epidemya ng Kolera/ b. Mga bagyo sa Maynila 16. Kailan lumabas ang unang isyu ng La Solidaridad sa Barcelona? Sagot: Pebrero 15, 1889 17. Noong Abril 1882, isang organisasyon ang itinatag ni Juan Atayde bilang isang samahan ng mga magkakaibigan. Ngunit noong Setyembre 1882 nakita ni Rizal ang posibilidad na gamitin itong instrumento para magkaisa ang mga Pilipino. Ano ang tinutukoy na samahan? 40 IKASANDAAN AT LIMAMPUNG TAON NG KAPANGANAKAN NG MGA BAYANING SINA JOSE RIZAL (2011) AT ANDRES BONIFACIO (2013) Sagot: Circulo Hispano-Filipino 18. Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang Liham sa Kadalagahan ng Malolos ang sa kanyang palagay ay dapat na papel ng kababaihan sa lipunan. Bukod sa nabanggit, ano pang usapin ang pinaksa ni Rizal sa nasabing liham? Sagot: relihiyon/pananampalataya 19. Kung sa Diariong Tagalog unang nalathala ang El Amor Patrio ni Rizal, saang pahayagan muling nalimbag ang sanaysay noong Oktubre 1890? Sagot: La Solidaridad 20. Sa isang artikulong nalathala sa La Solidaridad, sinagot ni Rizal ang mga usaping tinalakay nina Belloc at Guillen ukol sa kaangkupan ng reporma sa Pilipinas noong 1889. Ano ang pamagat ng nasabing artikulo na lumabas noong 31 Hulyo 1889? Sagot: Mga Bagong Katotohanan 21. Anong usapin ang naging paksa ni Rizal sa artikulong Walang Ngalan na nalathala sa La Solidaridad noong 28 Pebrero 1890? Sagot: Usapin ng Hacienda ng Calamba 22. Sa “Ang Katotohanan Para sa Lahat” sinagot ni Rizal ang mga batikos sa mga pinunong Pilipino. Sa anong pahayagan nalathala ang nasabing artikulo? Sagot: La Voz de Espana 23. Bilang ganap na Atenista, ano ang unang tulang inialay ni Pepe sa kanyang ina? 41 SESKISENTENARYO Sagot: Mi Primera Inspiracion 24. Sa liham ni Rizal sa kadalagahan ng Malolos, anong grupo ng mga babae ang tinukoy ni Rizal bilang ehemplo ng malakas na kababaihan? Sagot: Kababaihan ng Esparta 25. Mula sa anong kabanata at kapitulo sa bibliya kinuha ni Rizal ang pamagat ng kanyang unang nobela na Noli me Tangere”? Sagot: Juan 20:13-17 (John 20:13-17) 26. Sa Noli me Tangere ipinakita ni Rizal na maaring makatawid sa hirarkiyang panlipunan sa loob ng lipunang kolonyal sa pamamagitan ng yaman at kapangyarihan. Sino ang babaeng tauhan sa nobela ang sumalamin sa katotohanang ito? Sagot: Doña Victorina 27. Magkano ang halagang siningil ng palimbagang Berliner Buchdruckrei–Actien - Gesselschaft sa pagimprenta ng 2,000 kopya ng Noli me Tangere? Sagot: Php 300 28. Sa El Filibusterismo, nakipaglaro si Simoun ng baraha sa Gobernador-Heneral at ilang mga prayle sa isang bayan sa Laguna. Ano ang bayang ito na siya ring pamagat ng nasabing kabanata? Sagot: Los Baños 29. Anong nobela ni Rizal ang ayon sa kanyang liham kay Blumentritt ay “hindi magkakaroon ng malaking puwang...ang politika; etika ang siyang magiging pangunahing paksa; ang mga 42 IKASANDAAN AT LIMAMPUNG TAON NG KAPANGANAKAN NG MGA BAYANING SINA JOSE RIZAL (2011) AT ANDRES BONIFACIO (2013) gawi at ugali ng mga Pilipino lamang ang pag-uukulan ko ng pansin.” Sagot: Makamisa 30. Noong Hulyo 31, 1889, inilathala sa La Solidaridad ang isang artikulo na nagpapahayag ng mapait na pagpuna sa pagtanggi ng mga pari na ilibing si Mariano Herbosa sa Calamba. Ano ang pamagat ng artikulong ito? Sagot: Una Profanacion 31. Ipinapalagay ni Retana na isinulat noong 1882 sa Madrid ang isang akda ni Rizal na naghangad ng pagpapabuti sa mga paaralan lalo’t higit ang paraan ng pagtuturo. Ipinahayag sa akdang ito ang paniniwala ni Pepe na ang pagiging huli ng Pilipinas ay hindi nagmumula sa ating katamaran at animo’y kawalan ng pakialam sa kalagayan ng bansa. Ano itong akda ni Rizal na nagdidiin sa pagpapabaya ng mga opisyal ng pamahalaan bilang ugat ng di- maayos na kalagayan ng bansa? Sagot: La Instruccion 32. Anong pahayagan sa Barcelona ang nagbigay-papuri sa El Filibusterismo kung saan inihayag na ang estilo ng nobela ay maaaring “maging modelo at mahalagang yaman sa sa mga kasalukuyang dekadenteng literatura ng Espanya”? Sagot: La Publicidad 33. Habang nasa Hong Kong noong 1891, sumulat si Rizal ng isang pagsusumamo sa Espanya upang iwasto ang kamaliang ginawa sa mga kasama sa Calamba. Ano ang pamagat ng akdang ito? Sagot: A La Nacion Española (Para sa Nasyong Espanyol) 43 SESKISENTENARYO 34. Sa isang artikulong nalimbag sa La Solidaridad noong ika- 15 ng Abril, 1890 inilatag ni Rizal ang mga panuntunan ng bagong ortograpiyang Tagalog na ibinatay sa ortograpiya ni Trinidad Pardo de Tavera. Ano ang pamagat ng artikulo? Sagot: Sobre la nueva Ortogarfia de La Lengua Tagala (Bagong Ortograpiya ng Wikang Tagalog) 35. Sa sanaysay na A La Nacion Española binanggit ni Rizal ang tatlong lugar na karaniwang kinahahantungan ng mga Pilipinong sumusuway sa kagustuhan ng Espanya. Anu-ano ang mga lugar na ito? Sagot: Bilibid/Marianas/Bagumbayan 36. Sa sanaysay na “Ang Pilipinas sa Loob ng 100 Taon”, ano ang tinukoy ni Pepe na epekto ng mga patakarang kolonyal sa mga Pilipino? Sagot: pagkagising ng diwang Pilipino 37. Sino ang tauhan ng Noli me Tangere na nagsabing “Hindi lahat ay natutulog sa gabi ng ating mga ninuno”? Sagot: Pilosopo Tasyo 38. Sino ang karakter sa Noli me Tangere na dumalo sa tanghaliang inihanda ni Ibarra gayung hindi naman siya inimbitahan sa piging? Sagot: Padre Damaso 39. Ano ang salitang ayon kay Rizal ay hindi gaanong kilala sa Pilipinas. Ayon sa kanyang liham kay Blumentritt, nalaman lamang niya ito noong 1872 nang maganap ang isang insidente ng pagbitay. Ano ang salitang ito? 44 IKASANDAAN AT LIMAMPUNG TAON NG KAPANGANAKAN NG MGA BAYANING SINA JOSE RIZAL (2011) AT ANDRES BONIFACIO (2013) Sagot: Filibustero 40. Saang bayan at bansa nalimbag ang El Filibusterismo? Sagot: Ghent, Belgium 41. Sino ang nagbigay ng tulong pinansiyal kay Pepe upang mapalimbag ang El Filibusterismo? Sagot: Valentin Ventura 42. Ano ang pangalan ng bayang pinangyarihan ng kuwento ng Makamisa, ang ikatlong nobela ni Rizal? Sagot: Bayan ng Tulig 43. Sinong kapwa-Propagandista ang nagsabi kay Rizal na ang kanyang El Filibusterismo ay hindi kasing-buti ng Noli me Tangere? Sagot: Marcelo H. del Pilar 44. Sino ang kaibigan ni Rizal na nagbigay ng tulong-pinansiyal upang malimbag ang Noli me Tangere? Sagot: Maximo Viola 45. Ano ang ibinigay ni Ibarra kay Maria Clara na ibinigay ni Maria Clara sa isang ketongin, na ibinigay ng ketongin kay Basilio, na ibinigay ni Basilio kay Juli, na ibinigay naman ni Juli kay Kabesang Tales, at ni kabesang Tales kay Simoun? Sagot: locket 46. Sino ang abogado sa El Filibusterismo na hiningan ni Isagani ng tulong upang bigyang reporma ang edukasyon at ituro ang wikang Kastila sa lahat? Sagot: Señor Pasta 45 SESKISENTENARYO 47. Sa kanyang hangaring makapagtayo ng maayos na pasilidad para sa kanyang klinika at paaralan anu-anong mga istruktura ang itinayo ni Rizal sa Talisay? Sagot: Casa Cuadrada/ Casa Octagonal (redonda)/ Casa Hexagonal/ Patubigan 48. Isa sa paksang binibigyang-diin ni Rizal ay hinggil sa kahalagahan ng paggamit ng sariling wika. Ano ang sinasabing unang akda ni Pepe na nagpapahalaga wika? Sagot: Sa aking mga Kabata 49. Sa kagustuhan na makapagtayo ng isang paaralang panggabi para sa sa mga kababaihan, matapang na hinarap ng mga dalagang taga-Malolos ang mga umaayaw rito. Bilang pagpapalakas ng loob sa mga kababaihan sinong Propagandista ang nag-udyok kay Rizal na sulatan ang mga dalaga ng Malolos? Sagot: Marcelo H. del Pilar 50. Anu-ano ang mga bugtong na Tagalog ang nasa kamalayan ni Rizal? Sagot: 1. Isang butil na palay, sikip sa buong bahay. – ilaw 2. Matapang ako sa dalawa, duwag ako sa isa. – tulay na kawayan 3. Dala niya ako, dala ko siya. – sapatos 4. Isang balong malalim, puno ng patalim. –bibig 5. Bibingka ni Kaka, di mo mahiwa.- tubig 6. Walang sanga, walang ugat, humihitik sa bulaklak. –mga bituin sa langit 7. Dalawang urang naghahagaran.- mga binti 8. Tinaga ko sa gubat, sa bahay nag-iiyak.- gitara 46 IKASANDAAN AT LIMAMPUNG TAON NG KAPANGANAKAN NG MGA BAYANING SINA JOSE RIZAL (2011) AT ANDRES BONIFACIO (2013) III. PAMANA AT KABAYANIHAN 1. May batas ba na nagtatakda na si Dr. Jose Rizal ang natatanging pambansang bayani ng Pilipinas? Sagot: wala 2. Mayroon bang dokumento ng matrimonyo o pagpapakasal sina Jose Rizal at Josephine Bracken? Sagot: wala 3. Bilang propagandista, gumamit si Jose Rizal ng hindi bababa sa apat (4) na sagisag-pangalan. Ano ang kanyang ginamit na sagisag sa liham niya sa patnugot ng Hong Kong Telegraph noong ika-15 ng Pebrero, 1892? Sagot: Philippino 4. Sa kanyang sulat kay Jose Maria Basa noong ika-21 ng Disyembre, 1889, binanggit ni Jose Rizal ang balak na pagtatatag ng isang samahan na “walang ibang layon kundi ang pagpapalaganap ng lahat ng kaalamang mapapakinabangan, maging pang-agham, pansining, pampanitikan at iba pa sa pilipinas”. Ano ang binabalak na samahang ito? Sagot: Sociedad Redencion de los Malayos (Sociedad Rd l. M.) 5. Sa isang liham kay Plaridel, sinabi ni Rizal na “ang isang artikulong walang tinutukoy o pampanitikan na nilagdaan ng isang sagisag ay maparaan; ngunit ang isang artikulong may mahalagang tinutukoy at nauukol sa pulitika na nagtataglay ng pangalan ng may-akda upang mamalas na ang ating kapanahunan ay iba na, 47 SESKISENTENARYO hindi ang panahong nakaraan, na hindi ang panahon ng may-akda ng “Diputado por Filipinas”. Sino ang may-akda ng “Diputado por Filipinas”? Sagot: Antonio Ma. Regidor 6. Sa isang liham na may petsang ika-28 ng Disyembre 1889, pinapurihan ni Rizal ang mga Pilipinong nakapagtapos ng pag- aaral sa Madrid. Ayon sa bayani, “sa panahon pa namang itong tayo’y nakikipaglaban ay kinakailangang pag-ibayuhin ang ating mga pagsisikap”. Sino ang doktor na taga-Lipa, Batangas na kinilala ni Rizal kasama nina Gregorio Aguillera, Julio Llorente at Ariston Bautista? Sagot: Baldomero Roxas 7. Sa isang liham na may petsang ika-11 ng Hunyo 1890, isinulat ni Rizal kay Del Pilar: “hindi tayo nagkaroon ng kapalaran ng ibang mga binata na nakakapagpasiya sa kanilang panahon at sa kanilang kinabukasan; sa ati’y may nakaatang na isang tungkulin: ang pagtubos sa ating ina sa pagkakabihag: ang ina nati’y nasasanla; kailangang ating tubusin muna, bago tayo makapag-aliw.” Sino ang tinutukoy ni Rizal na “ina natin”? Sagot: Pilipinas 8. Nang mapadaan si Rizal sa Singapore noong bumiyahe siya papuntang Espanya noong 1896, maraming Pilipino ang nanghikayat sa kanya na huwag nang tumuloy sa paglalakbay. Sino ang abogado at mason na nanguna sa pangungumbinsi kay Rizal na umahon sa barko? Sagot: Manuel Camus 9. Dahil sa talino at katangian ni Rizal, humanga sa kanya si Dr. Reinhold Rost, dalubhasa sa mga wika at kaugaliang Malayo. Ano ang ibinansag ng butihing doktor kay Jose Rizal? 48 IKASANDAAN AT LIMAMPUNG TAON NG KAPANGANAKAN NG MGA BAYANING SINA JOSE RIZAL (2011) AT ANDRES BONIFACIO (2013) Sagot: una perla de hombre 10. Sa isang liham kay Blumentritt, sinabi ni Rizal na kung hindi niya mabibigyan ng kalayaan ang kanyang bayan, “kahit papaano nais ko itong ibigay sa aking mga kababayan sa ibang lupain.” Saan binalak ni Rizal na itatag ang isang kolonya at maging pinuno ng mga magsasaka? Sagot: Borneo 11. Ayon kay Rizal, walang duda na ang bansang ito ay isang dakilang bansa ngunit marami itong depekto. Ayon sa kanya, walang tunay na kalayaang sibil sa bansang ito, sa ilang estado, pagpapatuloy ni Rizal, ang mga negro ay hindi maaaring mag- asawa ng babaing puti, o kaya ay ang babaing negro ay mag-asawa ng lalaking puti. Anong bansa ang tinutukoy na ito ni Rizal? Sagot: Estados Unidos ng Amerika 12. Ipinakilala siya ni Rizal bilang kulturado, matuwid, makatarungan, at liberal. Kinatawan siya ni Fr. Florentino sa nobela ni Rizal. Sino itong natibong pari na tinutukoy ni Pepe? Sagot: Pari Leoncio Lopez 13. Sa nobelang Noli me Tangere, binanggit ni Rizal sa kabanata 40 ang pangalan ng opisyal na Kastila na pumupuna sa katangian at pag-uugali ng parehong Kastila at natibo, kasama na ang maling gawain ng mga opisyal na Kastila at mga prayle. Nagsulat rin ang opisyal na ito ng maraming akda hinggil sa Pilipinas at isa sa mga ito ay hindi pinahintulutang makapasok sa kolonya. Sino ang tinutukoy na Kastilang manunulat? Sagot: Don Francisco de Canamaque 14. Ayon kay Ben Zayb si Don Custodio ang pinakamasipag na arbitrador/hukom sa mundo. Sa nobelang El Filibusterismo, inilarawan ang hukom bilang Direktor ng isang samahan na 49 SESKISENTENARYO tumutok sa gawain para sa pagsulong pangkabuhayan at kultural ng bansa. Ano ang samahang ito kung saan naging kasapi sa tunay na buhay si Dr. Ferdinand Blumentritt? Sagot: Sociedad Economica de los Amigos del Pais 15. Habang nasa Dapitan, nagkaroon ng pagkakataon si Rizal na makapalitan ng kuro at pananaw sa ukol sa relihiyon at marami pang bagay ang isang Heswita. Sino ang paring ito na siya ring pinuno ng mga Heswita nang panahong iyon? Sagot: Padre Pablo Pastells 16. Isang polyeto ang naging batayan ng akusasyon, at sa kalaunan ay naging basehan ng desisyon ng mga kastila sa pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan. Ano ang pamagat ng akdang ito? Sagot: Pobres Frailes 17. Sa paghahangad na palawakin ang edukasyon sa hanay ng mga natibo nagtayo ng sariling eskuwelahan si Rizal sa Dapitan. Ilan ang naging mag-aaral ni Rizal sa kanyang eskuwelahan sa Dapitan? Sagot: dalawampu’t apat (24) 18. Anong lugar sa Dapitan ang pinagtayuan ni Rizal ng kanyang tahanan na isinalarawan niya sa kanyang tulang “Mi Retiro”? Sagot: Talisay 19. Sino ang madrasto/amain ni Josephine Bracken na sinamahan ng dalaga sa Dapitan upang magpagamot kay Rizal? Sagot: George Taufer 20. Sinong kasapi ng Katipunan ang bumisita kay Pepe sa 50 IKASANDAAN AT LIMAMPUNG TAON NG KAPANGANAKAN NG MGA BAYANING SINA JOSE RIZAL (2011) AT ANDRES BONIFACIO (2013) Dapitan upang ibalita ang pagkakatatag ng Katipunan at sa planong pagtatakas kay Rizal mula sa Dapitan? Sagot: Pio Valenzuela 21. Ano ang samahang itinatag ni Rizal para sa mga magsasaka sa Dapitan? Sagot: Asosasyon ng mga Magsasaka sa Dapitan 22. Anu-ano ang mga proyektong pangkomunidad na itinatag ni Rizal na makikita pa rin hanggang sa kasalukuyan sa Dapitan? Sagot: Patubig ng Dapitan/Relief Map ng Mindanao sa harap ng sim- bahan ng Dapitan/ Plaza ng Dapitan 23. Bukod sa ari-arian sa Talisay mayroong lupang sakahan na pagmamay-ari ni Pepe ang matatagpuan sa Katipunan, Zamboanga del Norte. Paano napasakamay ni Rizal ang ari-ariang ito? Sagot: ibinayad sa kanya ng isa niyang pasyente 24. Anu-anong mga produkto ng Dapitan ang binalak ni Rizal na ikalakal? Sagot: isda/ kopra/ abaka 25. Mula nang ipatapon ito sa Dapitan hindi tinangka ng bayani na lisanin ang Mindanao. Kailan nilisan ni Rizal ang Dapitan? Sagot: 30 Hulyo 1896 26. Kumpara sa SS Salvadora na isang barkong pag-aari ng Espanya, namangha si Jose sa barkong Djemnah dahil sa makabagong anyo nito kasama na ang mga kagamitan at kahusayan ng serbisyo. Anong bansa ang nagmamay-ari ng nasabing barko? Sagot: Pransiya 27. Ang pagbubukas ng Suez Canal noong 1869 ang nagpabilis 51 SESKISENTENARYO ng transportasyon at komunikasyon sa pagitan ng silangan at kanluran? Sino ang inhinyerong gumawa nito? Sagot: Ferdinand Marie de Lesseps 28. Bilang pagpupugay sa pagkapanalo nina Juan Luna at Felix Resurreccion Hidalgo sa Eksposisyon sa Madrid noong 1884, nag-alay ng talumpati si Jose Rizal sa dalawang pintor sa isang pagtitipon. Saan ginanap ang pagtitipong ito? Sagot: Restaurante Ingles 29. Si Salvadorcito Tont ng akdang Por Telefono ay isang Agustinong prayle na nagbabawal ng pagbabasa ng Noli me Tangere. Sinong Agustinong prayle ang pinagbasehan ni Rizal ng nasabing karakter? Sagot: Salvador Font 30. Sa pagbisita ni Rizal sa Borneo, napansin niya na mayroong isang rehiyon na maraming naninirahang Pilipino. Ano ang pangalan ng lugar na ito? Sagot: Manila River/Ilog Manila 31. Sa paglalakbay ni Rizal papuntang Cuba noong 1896, may kumalat na usap-usapan na tatakas siya pagdaong niya sa isang bansang bahagi ng kanyang ruta. Saang bansa inasahang tatakas si Rizal? Sagot: Malta 32. Sino ang unang nagsalin sa wikang tagalog ng tula ni Rizal na “Mi Ultimo Adios”? Sagot: Andres Bonifacio 33. Anong mga krimen ang ipinaratang ng kolonyal na pamahalaan laban kay Rizal noong Disyembre 21, 1896 na 52 IKASANDAAN AT LIMAMPUNG TAON NG KAPANGANAKAN NG MGA BAYANING SINA JOSE RIZAL (2011) AT ANDRES BONIFACIO (2013) nagbunsod ng hatol na kamatayan sa bayani? Sagot: pagtatatag ng mga ilegal na samahan/pagpapalaganap ng rebelyon bilang paraan upang baguhin ang pamahalaan 34. Ano ang sagisag-panulat na ginamit ni Rizal sa isang liham na may petsang Agosto 20, 1890 para sa kanyang kaanak? Sagot: Madude 35. Anong bisyo ng mga kabataang Pilipino na nasa Madrid ang mahigpit na tinuligsa ni Jose na makikita sa isang liham niya kay Marcelo del Pilar noong Mayo 20, 1890? Sagot: Pagsusugal 36. Ano ang pamagat ng awit sa kabanata 23 ng Noli me Tangere na tumutukoy sa prediksiyon ni Rizal sa kanyang kasasapitan sa hinaharap? Sagot: Awit ni Maria Clara/Canto de Maria Clara 37. Kasabay ng pag-aaral niya ng medisina. pilosopiya at letras, at sining, kumuha rin ng mga asignaturang pangwika si Jose Rizal habang siya ay nasa Madrid. Nang lumaon, naging kasangkapan niya sa pagbasa sa mga akdang banyaga tungkol sa Pilipinas ang mga wikang ito. Anu-ano ang mga wikang pinag-aralan ni Rizal sa Madrid? Sagot: ang mga wikang Pranses, Aleman, Ingles. 38. Sa museo Antropolohiko-Etnograpiko na pinangangasiwaan ni Dr. A.B. Meyer, may mga kapana-panabik na exhibit na nakita si Rizal. Saang mga lugar nagmula ang mga nakapukaw ng pansin ni Pepe? Sagot: Palau at Pilipinas 53 SESKISENTENARYO 39. Papunta sa Amerika si Rizal nang tanungin siya ng anak ng isang Ingles na nagngangalang Jackson kung kilala niya ang sumulat ng Noli me Tangere. Sa anong pangalan kilala ng Ingles ang awtor ng nobela? Sagot: Richal 40. Habang nasa bansang Alemanya, bumisita si Pepe sa isang malaking pagawaan ng serbesa. Marami siyang nakitang mga kakaibang bagay at teknolohiya sa loob ng pagawaan. Ano sa kanyang mga nakita ang nagpaalala sa kanya ng Calamba? Sagot: Malalaking Kawa (pinaglulutuan ng katas ng tubo) 41. Sa pag-aaral niya ng kasaysayan ng mga Pilipino, sa anong paksa o aspeto ng mga sulatin naging malalim ang interes ni Pepe? Sagot: Ang pinagmulan ng mga tao sa Pilipinas. 42. Sa kanyang pagbabasa ng mga libro hinggil sa paglalakabay ng mga Europeano sa Pilipinas, isang tala ng paglalakbay sa Pilipinas ng Alemang si Feodor Jagor ang ninais ni Rizal na isalin sa Tagalog. Ano ang pamagat ng akdang ito ni Jagor? Sagot: Reisen in den Philippinen. 43. Sa kanyang pag-aaral sa kasaysayan ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila sa kapuluan, maraming pinagsangguniang batis si Rizal. Isa rito ay ang aklat na isinulat ni Marsdeu. Anong libro ng nabanggit na manunulat ang ginamit ni Rizal para sa paksang ito? Sagot: History of Sumatra/Kasaysayan ng Sumatra 54 IKASANDAAN AT LIMAMPUNG TAON NG KAPANGANAKAN NG MGA BAYANING SINA JOSE RIZAL (2011) AT ANDRES BONIFACIO (2013) 44. Sa akdang Tradiciones Filipinos Sobre La Creacion Del Mundo nagkomento si Rizal na may mga maling paliwanag ang awtor ng aklat hinggil sa alamat ng paglikha ng daigdig ng mga Pilipino. Patunay dito ang paggamit ng bansag na “Ilokano” at ang mga kaugalian at kagawiang tunay na Pilipino ay tinatawag na kaugalian at kagawiang Ilokano. Sino ang may-akda ng nasabing libro? Sagot: Isabelo de los Reyes 45. Maliban sa balak niyang magsaliksik tungkol sa paksang Pilipinas sa mga aklatang Aleman, ano pa ang mga dahilan ng pagtungo ni Rizal sa Alemanya? Sagot: Upang maunawaan ang progreso ng agham-Aleman at makapagsalita ng mahusay na wikang Aleman. 46. Anu-ano ang mga aklat na isinulat ni Blumentritt ang kanya ring ibinigay kay Jose Rizal upang makatulong sa pag-aaral ng huli hinggil sa Pilipinas? Sagot: Ethnographie von Mindanao, Memoria, Las Razas del Archipelago Filipino, Mindanao Volkstamme, Monatsschrift fur den Orient 47. Sino ang itinuturing ni Rizal na pinakamahusay na Pilipinista o mananaliksik hinggil sa Pilipinas sa lahat ng mga Europeo? Sagot: Si Ferdinand Blumentritt. 48. Bukod sa pagbibigay-diin sa pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas, makikita rin na interesado si Rizal sa kasaysayan ng kanyang bayang Calamba. Ano ang isinulat na akda ni Pepe hinggil sa Calamba ? Sagot: “Ang Nangasipagpuno sa Bayan ng Calamba Sapol ng Maging Bayan, Hangan sa Hinaharap na Panahon: Alinsunod sa mga Sulat na Iniingatan ni Dona Vicenta Llamas, ni D. Mariano Alcasid, ni D. Gervasio Alviar” 55 SESKISENTENARYO 49. Si Reinhold Rost ay nakilala ni Rizal sa London, Inglatera. Ito ang tumulong sa kanya na maisagawa ang ilan sa kanyang mga pananaliksik hinggil sa Pilipinas. Mula sa anong bansa nagmula si Dr. Rost? Sagot: Alemanya 50. Ang Association des Philippinistes ang kapisanang itinatag ni Jose Rizal sa Pransiya. Ninais niya itong maging kapulungan ng mga dalubhasa at mananaliksik hinggil sa anong paksa? Sagot: Araling Pilipino/Pilipinas 56 IKASANDAAN AT LIMAMPUNG TAON NG KAPANGANAKAN NG MGA BAYANING SINA JOSE RIZAL (2011) AT ANDRES BONIFACIO (2013) MGA SANGGUNIAN Agoncillo, Teodoro A. History of the Filipino People. Quezon City: RP Garcia Publishing House. (Seventh Edition) 1987. ____________________. The Revolt of the Masses: The Story of Bonifacio and the Katipunan. Quezon City: UP Press. 1996. Almario, Virgilio. Si Rizal, Nobelista: Pagbasa sa Noli at Fili Bilang Nobela. Quezon City: UP Press. 2008. Alvarez, Santiago. The Katipunan and the Revolution: Memoir of a General. Quezon City: Ateneo de Manila University Press. 1992. Bonoan, Raul. The Rizal-Patells Correspondence. Quezon City: Ateneo de Manila University Press. 1994. Bracken, Josephine. Discriptions (sic) of my Life, 22nd Febuary (sic) 1897, Monday. One Hundred Letters of Jose Rizal to His Parents, Brother, sisters, Relatives. Manila. Philippine National Historical Society. 1959. Coates, Austin. Rizal- Filipino Nationalist and Patriot. Manila: Solidaridad Publishing House. 1992. De La Costa, Horacio (Patnugot). The Trial of Rizal: W. E, Retana’s Transcription of the Official Spanish Documents. Quezon City: Ateneo de Manila University Press. 1996. De Ocampo, Esteban. Who Made Rizal Our Foremost National Hero and Why? Jose Rizal: Life, Works and Writing of a Genius, Writer, Scientist and National Hero. Quezon City: All Nations Publishing Co. Inc. 2007. Despujol, Eulogio. Decree Banishing Rizal. Governor General Eulogio Despujol. Manila. 7 July 1892. http//www.filipiniana.net/ publication/decree-banishing-rizal-governor-general- eulogio-despujol-manila-7-july-1892. Petsa ng pagkuha sa website: 7 Agosto, 2011. 57 SESKISENTENARYO Diestro, Dwight David A. Wensley Reyes, at Ruel Pagunsan. (Mga Pat.) Si Heneral Paciano Rizal sa Kasaysayang Pilipino. UP Los Baños: Sentro ng Wikang Filipino, 2006. Fernandez, Jose Baron. Jose Rizal: Filipino Doctor and Patriot. Manila: ML Morato 1980. Guerrero, Leon Ma. The First Filipino: A Biography of Jose Rizal. Manila: National Historical Institute. 1987. http//www.joserizal.ph/fmo1.html http//www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/culture-profile- nationalhero.php. Petsa ng pagkuha sa website: 27 Disyembre, 2010. Majul, Cesar A. On the Concept of National Community. Himalay. Manila: Cultural Center of the Philippines. 1991. Ocampo, Nilo S. Etikang Tagalog: Ang Ikatlong Nobela ni Rizal. Lungsod Quezon: Lathalaing P.L. 1997. ______________. May Gawa Kaming Natapus Dini: Si Rizal at ang Wikang Tagalog. Lungsod Quezon: Office of the Vice- Chancellor for Research and Development. 2002. Orendain, Juan Claro. Rizal; Model Citizen of Dapitan. Lungsod Quezon: International Graphic Service. 1966. Osias, Camilo. Jose Rizal: His Life and Times. Manila. Oscol Education Publishers Inc. 1948. Palma, Rafael. The Pride of the Malay Race: A Biography of Jose Rizal. Lungsod Quezon: Prentice-Hall. 1949. Pecson, Geronima T. Rizal and the Role of Filipino Women in National Development. Selected Rizal Day Lectures. Manila: National Historical Institute.2002. Pineda, Gertrudes, Consolacion Sauco at Gloria Garcia. Dr. Jose Rizal: ang Dakilang Pilipino. Manila: Bookmark. 1979. 58 IKASANDAAN AT LIMAMPUNG TAON NG KAPANGANAKAN NG MGA BAYANING SINA JOSE RIZAL (2011) AT ANDRES BONIFACIO (2013) Quibuyen, Floro C. A Nation Aborted: Rizal, American Hegemony and Philippine Nationalism. Quezon City: Ateneo de Manila University Press. 2008 Quirino, Carlos. The Dapitan Interlude. Selected Rizal Day Lectures. Manila: National Historical Institute.2002. ______________. The Great Malayan. Manila: Philippine Education Company. 1949. Resurreccion, Celedonio O. Conduct of Life in the Candlelight. Jose Rizal Annual Lectures, 1977-1985. Manila: National Historical Institute. 1987. Reyes, Raquel A. G. Love, Passion, and Patriotism:Sexuality and the Philippine Propaganda Movement, 1882-1892. Quezon City: Ateneo de Manila University Press. 2008. Rizal, Jose. El Filibusterismo. Salin ni Soledad Lacson-Locsin. Lunsod ng Makati. Bookmark, Inc. 1997. _________. Epistolario Rizalino. Manila: Bureau of Printing. 1938. _________. Letters Between Rizal and Family Members. Manila: National Historical Institute. 1993. _________. Mga Akdang Pampulitika at Pangkasaysayan ni Jose Rizal, 1872-1896. Maynila: Pambansang Komisyon ng Ikasandaang Taon ni Jose Rizal. 1961. _________. Noli me Tangere. Salin ni Soledad Lacson-Locsin. Lunsod ng Makati. Bookmark, Inc. 1996. _________. Pakikipagsulatan sa Mga Kasama Niya sa Pagpapalaganap, 1882-1896. Maynila. Pambansang Komisyon ng Ikasandaang Taon ni Jose Rizal. 1961. __________. Pakikipagsulatan sa mga Kasambahay. Maynila: Pambansang Komisyon ng Ikasandaang Taon ni Jose Rizal. 1961. 59 SESKISENTENARYO __________. Political and Historical Writings, vol VII. Manila: Pambansang Suriang Pangkasaysayan. 2000. _________. Quotation From Rizal’s Writings. Manila. National Historical Institute. _________. Reminiscences and Travels of Jose Rizal. Manila: National Historical Institute. 1977. _________. The Rizal-Blumentritt Correspondence. Manila: National Historical Institute. 1992. Roth, Dennis.Church Lands and the Agrarian History of the Tagalog Region. Philippine Social History: Global trade & Local Transformations. Quezon City: Ateneo de Manila University Press. 1982. Schumacher, J. The Propaganda Movement, 1880-1895. Quezon City: Ateneo de Manila University Press. 2000. Wickberg, Edgar. The Chinese in Philippine Life, 1850-1898. Quezon City: Ateneo de Manila University Press. 2000. Zaide, Gregorio F. at Sonia M. Zaide. Jose Rizal: Buhay, Mga Ginawa at mga Sinulat ng Isang Henyo, Manunulat, Siyentipiko at Pambansang Bayani. Lungsod Quezon: All Nations Publishing Co. Inc. 2007. ________________________. Jose Rizal: Life, Works and Writing of a Genius, Writer, Scientist and National Hero. QC: All Nations Publishing Co. Inc. 2007. 60 IKASANDAAN AT LIMAMPUNG TAON NG KAPANGANAKAN NG MGA BAYANING SINA JOSE RIZAL (2011) AT ANDRES BONIFACIO (2013) MGA TALA HINGGIL SA MGA MAY-AKDA RHINA ALVERO-BONCOCAN. Siya ay nagtapos ng kanyang BA Kasaysayan at Master in Philippine Studies mula sa UP Diliman. Kasalukuyan siyang kumukuha ng doktorado sa School of Environmental Science and Management sa UP Los Baños. Siya ay Katuwang na Propesor sa Departamento ng Agham Panlipunan, CAS, UPLB. MA. REINA BORO-MAGBANUA. Siya ay nagtapos ng kanyang BA Kasaysayan at Master in Women and Development mula sa UP Diliman. Kumukuha siya ng doktorado sa Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya sa UP Diliman. Siya ay Katuwang na Propesor sa Departamento ng Agham Panlipunan, CAS, UPLB. JOHN LEE P. CANDELARIA. Siya ay nagtapos ng kanyang B.A. (cum laude) at M. A. sa UP Diliman. Siya ay Katuwang na Propesor sa Departamento ng Agham Panlipunan, CAS, UPLB. APRIL HOPE T. CASTRO. Siya ay nagtapos ng kanyang BA Kasaysayan (cum laude) at Master of Arts in Asian Studies mula sa UP Diliman. Kumukuha siya ng doktorado sa Kasaysayan mula sa Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya UP Diliman. Siya ay Katuwang na Propesor sa Departamento ng Agham Panlipunan, CAS, UPLB. 61 SESKISENTENARYO ROS A. COSTELO. Siya ay nagtapos ng kanyang BA (cum laude) at MA sa Kasaysayan mula sa UP Diliman. Siya ay Katuwang na Propesor sa Departamento ng Kasaysayan sa UP Diliman. DWIGHT DAVID A. DIESTRO. Siya ay nagtapos ng BA Kasaysayan at Master in Philippine Studies mula sa UP Diliman. Kumukuha siya ng doktorado sa Kasaysayan mula sa Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya UP Diliman. Siya ay Kawaksing Propesor at kasalukuyang Tagapangulo ng Departamento ng Agham Panlipunan, CAS, UPLB. JEFFREY JAMES C. LIGERO.Siya ay nagtapos ng BA Kasaysayan sa UP Diliman. Kasalukuyan niyang tinatapos ang kanyang MA sa Kasaysayan mula sa UP Diliman. Siya ay Instruktor sa Departamento ng Agham Panlipunan, CAS, UPLB. ROBERTO C. MATA. Siya ay nagtapos ng kanyang BA Kasaysayan at MA in Philippine Studies mula sa UP Diliman. Siya ay Katuwang na Propesor sa Departamento ng Agham Panlipunan, CAS, UPLB. GLORIA LUZ M. NELSON. Siya ay nagtapos ng kanyang BS sa Philippine Normal College, Masterado sa UP Diliman at ng kanyang Doktorado sa Sosyolohiya sa Louisiana State University. Siya ay kasalukuyang Propesor ng Sosyolohiya sa Departamento ng Agham Panlipunan, CAS, UPLB. 62 IKASANDAAN AT LIMAMPUNG TAON NG KAPANGANAKAN NG MGA BAYANING SINA JOSE RIZAL (2011) AT ANDRES BONIFACIO (2013) REIDAN M. PAWILEN. Siya ay nagtapos ng kanyang BA Social Sci- ence sa UP Baguio. Kasulukuyang kumukuha ng kanyang Masterado sa UP Diliman.Siya ay Instructo sa Departamento ng Agham Panlipunan, CAS, UPLB. AMELIA SALGADOS-FERRER. Siya ay nagtapos ng BA at MA Kasaysayan mula sa UP Diliman. Siya ay Katuwang na Propesor at kasalukuyang Tagapangulo ng Dibisyon ng Kasaysayan sa Departamento ng Agham Panlipunan, CAS, UPLB. FERNAN L. TALAMAYAN. Siya ay nagtapos ng kanyang BA at MA Kasaysayan mula sa UP Diliman. Siya ay kasulukuyang Polit- ical Affairs Officer III sa House of Representatives. 63 View publication stats