Aralin sa Filipino: Pang-abay at Pang-uri (PDF)

Summary

Ang dokumento ay isang aralin sa Filipino na nagpapaliwanag ng pagkakaiba ng mga pang-abay at pang-uri. Nagbibigay ito ng mga halimbawa at mga tanong para sa pagsasanay.

Full Transcript

## Isaisip Natin **Pang-abay** Pang-abay - tawag sa salita o mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay. **Halimbawa:** - **Nagbibigay-turing sa pandiwa:** Mabilis na nagpasiya ang mga ahas. - **Nagbibigay-turing sa pang-uri:** Tuso at gahaman ang mga a...

## Isaisip Natin **Pang-abay** Pang-abay - tawag sa salita o mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay. **Halimbawa:** - **Nagbibigay-turing sa pandiwa:** Mabilis na nagpasiya ang mga ahas. - **Nagbibigay-turing sa pang-uri:** Tuso at gahaman ang mga ahas. - **Nagbibigay-turing sa kapwa pang-abay:** Talagang mahusay magsaliksik ang mga ahas sa kaharian. ## Maddi Lang Iyan **Natutukoy ang pang-abay at ang pang-uri.** Bilugan ang salitang panlarawan sa pangungusap. Tukuyin kung ito'y pang-abay o pang-uri. Isulat ang sagot sa loob ng kahon. | Bilang | Pangungusap | Pang-abay/Pang-uri | |--------|--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------|--------------------| | 1 | Mahusay umawit ang mga ahas noon. | Pang-abay | | 2 | Maligaya ang diwata kapag kasama sila. | Pang-uri | | 3 | Mabilis na pinuntahan ng mga hayop ang ahas nang malamang may kapangyarihan silang magpagaling. | Pang-abay | | 4 | Namangha sila sa bagong kapangyarihan ng mga ahas. | Pang-uri | | 5 | Ang mahiwagang kuwarto ay binuksan ng mga ahas. | Pang-uri | | 6 | Natukso ang mga ahas sa maliwanag na silid. | Pang-abay | | 7 | Nakalilipad kaagad ang mga ahas kaya't hindi sila mahuli noon. | Pang-abay | | 8 | Mahimbing silang nakatulog kaya hindi na sila nakatakas pa. | Pang-abay | | 9 | Galit na isinumpa ng diwata ang mga ahas. | Pang-abay | | 10 | Nalungkot ang ahas sa kanilang naging kaawa-awang kalagayan. | Pang-abay | ## Pagkakaiba ng Pang-uri at ng Pang-abay Ang pang-uri at ang pang-abay ay parehong naglalarawan o nagbibigay-turing. Magkaiba nga lang ang mga salitang inilalarawan o binibigyang-turing ng mga ito. - **Pang-abay:** nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. **Halimbawa:** Galit na galit na nag-utos ang diwata sa mga kawal. - **Pang-uri:** nagbibigay-turing sa pangngalan o panghalip.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser