Balangkas ng Pamahalaang Kolonyal ng Amerika sa Pilipinas PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Arnel O. Rivera
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng isang balangkas ng pamamahala ng Amerika sa Pilipinas. Sinisiyasat nito ang mga pangyayari sa kasaysayan, mga kilos ng Amerika, at mga kaganapan sa panahon ng kolonisasyon. Nakapaloob din ang impormasyon tungkol sa mga pinuno at mga institusyon.
Full Transcript
Week 2 AP 6 2nd quarter Prepared by: Arnel O. Rivera, MAT-SS PANIMULA Matapos ang Digmaang Pilipino- Amerikano noong 1902, unti-unting inihanda ng mga Amerikano ang pamamahala ng bansa. Benevolent Assimilation The Philip...
Week 2 AP 6 2nd quarter Prepared by: Arnel O. Rivera, MAT-SS PANIMULA Matapos ang Digmaang Pilipino- Amerikano noong 1902, unti-unting inihanda ng mga Amerikano ang pamamahala ng bansa. Benevolent Assimilation The Philippines is ours not to exploit but to develop, to civilize, to educate, and to train in the science of self- government. William McKinley Tungkulin ng Estados Unidos na turuang maging sibilisado ang mga “unggoy” sa Pilipinas. Pamamahala ng Amerika sa Pilipinas Pamahalaang Militar Pamahalaang Sibil Pamahalaang Militar Layunin nitong mapigilan ang mga pag-aalsang maaring sumiklab sa bansa. Pinamumunuan ng gobernador-militar na nagsisilbing kinatawan ng pangulo ng Estados Unidos sa bansa. Tungkulin nila na mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa Pilipinas. Nagawa ito ng Pamahalaang Militar. Mga Gobernador-Militar ng Pilipinas Gen. Wesley Meritt Gen. Elwell Otis Gen. Arthur MacArthur (1898) (1898-1900) (1900-1901) Tungkulin nila na mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa Pilipinas. Nagawa ng Pamahalaang Militar Naging mapayapa at maayos ang buong bansa. Ipinatupad ang sistema ng edukasyon ng mga Amerikano. Nabuksan ang Maynila sa pandaigdigang kalakalan. Nakapagpatayo ng pamahalaang lokal sa mga lalawigan at bayan. Philippine Commission Mga pangkat na ipinadala ni Pang. McKinley na magmamasid, magsisiyasat, at mag- uulat tungkol sa kalagayan ng Pilipinas Layunin nito na matiyak na maayos at magkaroon ng gabay ang Estados Unidos sa pamamahala ng Pilipinas. Ang Komisyong Schurman Kilala rin ito bilang Unang Komisyon ng Pilipinas o First Philippine Commission Nagpasiya si McKinley na magkaroon ng patakaran Ukol sa Pamamahala ng Pilipinas. Kaya’t ginawa niya ang komisyong Schurman noong Enero 20, 1899. Ang Nahalal na pangulo ay si Dr.Jacob Schurman at ang mga kasapi nito ay Jacob sina Admiral George Dewey , Major Schurman Elwell S. Otis , Charles Denby , at Dr.Dean c. Worcester. Schurman Commission (Enero 20, 1899) Layunin nito na Makipag-ayos sa mga Pilipino, Siyasatin ang kalagayan ng bansa, Magrekumenda ng pamahalaang angkop sa Jacob Schurman bansa. Schurman Commission Mula sa mga pagsisiyasat ng Komisyong Schurman ay nakabuo ito ng mga sumusunod na mungkahi: 1. Ang pagsasarili ng Pilipinas ay hindi pa napapanahon.. 2. Pagbuo ng Tagapagbatas bilang sangay ng pamahalaan. 3. Pagtatatag ng mga pamahalaang lokal. 4. Pagkakaloob ng mga karapatang sibil para sa lahat. Mga Kasapi ng Komisyong Schurman Taft Commission (Hunyo 3, 1899) Layunin nito na Paunlarin ang kabuhayan ng mga Pilipino Ituro ang Wikang Ingles Pagsasa-ayos ng serbiyo sibil ng bansa. Inirekumenda nito sa pangulo ang pagtatayo ng pamahalaang William H. Taft sibil sa Pilipinas na kabibilangan ng mga Pilipino. Taft Commission Ang Komisyong Taft, kilala rin ito bilang Ikalawang Komisyong Pilipino. William Howard Taft ang namuno sa Komisyong taft. Sa panahon ng pag-iral nito, nagsilbi bilang tagapagbatas ng Pilipinas ang Komisyon sa ilalim ng soberanya ng Estados Unidos sa panahon ng digmaang Pilipino-Amerikano. Ang pangunahing layunin ng Komisyon ay isagawa ang mga hakbang na iminungkahi ng naunang Komisyon–Schurman. Ang mga sumusunod ay naisagawa ng Komisyong Taft: 1. Pagtatatag ng Pamahalaang Sibil kapalit ng Pamahalaang Militar. 2. Pagtatatag ng Pamahalaang Lokal, Serbisyo Sibil, at Konstabularyo ng Pilipinas. 3. Pagganap bilang tagapamayapa at tagapagbatas. 4. Pagbibigay ng halagang P2 Milyon para sa paggawa ng mga tulay at daan. 5. Pagtatatag ng libreng pag-aaral sa elementarya at paggamit ng wikang Ingles sa mga paaralan. 6. Paghihiwalay sa kapangyarihan ng Simbahan at Estado. Mga Kasapi ng Komisyong Taft Susog Spooner (Marso 2,1901) Spooner Amendment Isinusog nitong palitan ng pamahalaang sibil ang pamahalaang militar sa Pilipinas. Inilipat sa kongreso ng US ang pamamahala sa Pilipinas. Sen. John C. Spooner Spooner Amendment Ang Spooner Amendment ay isang batas na nagbigay-daan upang palitan na ang pamahalaang militar at ipatupad ang pamahalaang sibil. Ito ay isang uri ng pamahalaan na pinamumunuan ng sibilyan o ng mamayan. Ito ay may layuning itaas ang demokratikong pamumuno kung saan ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga mamamayan. Spooner Amendment Nagsasaad din dito na ang kapangyarihang militar ay nasa ilalim lamang ng kapangyarihang sibilyan at ang mga sundalo ay itinalaga upang protektahan ang mga karapatan ng mga mamamayan. Sa ilalim ng pamahalaang sibil, ang pangalawang komisyon (Taft Commission). Pamahalaang Sibil (1901-1935) Pinasinayaan sa Maynila noong Hulyo 4, 1901 ang Pamahalaang Sibil ng Pilipinas. Itinalaga bilang unang Gobernador Sibil si William H. Taft. Layunin nitong sanayin at makilahok ang mga Pilipino sa pamamahala ng bansa. Mga Pinuno ng Pamahalaang Sibil Si William H. Taft, ang naging gobernador-heneral ng pamahalaang sibil. Ang iba pang kasapi ng komisyon ay naging kalihim ng iba’t ibang sangay ng ehekutibo. Ipinasa ng US Congress ang William H. Taft Spooner Amendment. (1901-1904) Mga Pinuno ng Pamahalaang Sibil “Ang Pilipinas ay para sa mga Pilipino.” William H. Taft (1901) William H. Taft (1901-1904) Unang Gobernador Sibil ng Pilipinas Mga Naging Gobernador Sibil ng Pilipinas Luke Edward Wright Francis Burton (1904-1905) Harrisson (1913-1921) Mga Naging Gobernador Sibil ng Pilipinas Leonard Wood Frank Murphy (1921-1927) (1933-1935) Mga Nagawa ng Pamahalaang Sibil Paggawad ng mga kaukulang karapatan maliban sa karapatang panghukuman; Pagtatalaga ng mga Plipinong komisyonado sa US Congress; Pagtatatag ng Philippine Assembly (Asembleya ng Pilipinas) na kakatawan bilang mababang kapulungan ng lehislatibong sangay ng Pilipinas at pagpapanatili ng Philippine commission (Komisyon ng Pilipinas) bilang mataas na kapulungan ng lehislatibo; at Pangangalaga ng mga likas na yaman para sa mga Pilipino. Mga Nagawa ng Pamahalaang Sibil Nabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipinong makilahok sa pamahala. Naibahagi sa mga magsasaka ang ilang lupaing dating pag-aari ng mga Kastila. Nabigyang halaga ang kalusugan at sanitasyon sa mga lungsod. Itinuro ang wikang Ingles at kaisipang demokratiko sa mga Pilipino. Konklusyon Nagkaroon ng malaking pagbabago sa buhay ng mga Pilipino ang pagdating ng mga Amerikano. Dahil dito, marami sa mga dating tutol sa pamamahala ng mga Amerikano ang sumuko at nakipagtulungan sa kanila. 8105 9179